Caregiver (Part 7)
Sherwin
Napabagsak ako ng upo pagbalik ko sa aking office. Naiinis
talaga ako kay Eman. Huminga ako ng malalim, gusto kong kumalma ang aking
pakiramdaman. Nang kalmado na ako ay nag-isip-isip ako. Binalikan ko ang
nangyari nitong nakaraan araw at ngayon. Paano ba nagsimula ang lahat.
Ah, nabungaran kong sweet na naguusap si Ana at si Eman.
Nabulyawan ko siya kahapon dahil sa bagal ng pag-usad ng aming project sa
inventory. Kagabi ay nagpaalam na hihinto na lang sa pag-aaral t mag-full time
sa trabaho at tapos nadinig ko pang nagsabi ng “I love you” sa kanyang nobya.
Tapos nasigawan ko na naman kangina dahil sa kakausapin daw ako
at alam ko naman na ipipilit niya ang pag-tigil sa pagpasok sa eskwelahan.
Malinaw pa sa aking isipan ang aking sinabi.
“Kung ang sasabihin mo lang sa akin ay ang pag-tigil mo sa eskwelahan
ay mag-resign ka na rin!”
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang daling mag-init ang ulo
ko sa kanya? Maganda nga ang kanyang hangarin sa kompanya at magaganda ang
suggestions niya tungkol sa problema sa inventory. Natanong ko nga ang audit at
accounting head kung bakit hindi nila naisip ang recommendations niya. Magaling
siya at asset sa kompanya.
Tumawag ako sa warehouse at tinanong ko kung naroon pa si Eman.
“Umalis na sir, para nga pong umiiyak eh.” Sagot ni Merto..
“Papasok daw ba sa eskwelahan?”
“Hindi po siguro, Narito po kasi ang gamit niya sa school.”
Napabuntong hininga ako. Ibinba ko na ang telepono
-----o0o-----
Hindi ako mapalagay, hindi tuloy ako makapag-trabaho ng maayos.
Tinawag ko ang aking sekretarya. “Emma, I cancel mo na lang ang
meeting ko mamaya, i-reset mo na lang bukas ng umaga,dito na lang sa opisina.”
“Yes sir. May pupuntahan po ba kayo?”
“Uuwi na ako, Sumasakit ang ulo ko sa inyo.?” Masungit kong wika
kay Emma.
Sa bahay na ako nagtuloy. “Ang aga mo ring umuwi Sherwin, si
Eman, ang aga ring umuwi, parang hindi pumasok sa eskwelahan.” Wika ni Inday.
“Kanina pa ba siya?”
“Medyo lang.”
Mabuti at umuwi na siya, makakausap ko siya nang masinsinan.
Kaagad ko siyang pinuntahan sa kanyang silid. Kinatok ko siya sabay bukas ng
pinto. Gulat siyang napabalikwas at nagtakip ng kumot, naka brief lang kasi
siya at wala pang pang-itaas.
“Sir! Sherwin! Napasugod ka. Sandali lang at magbibihis lang
ako.”
“Okay na iyan, ano bang ikinahihiya mo. Nakita ko na rin naman
iyan dati pa.”
“Eh noon iyon, basta, talikod ka muna.”
Natatawa ako kay Eman, tarantang-taranta. Mas nataranta pa kaysa
noong napagalitan ko siya hehehe.
“Bakit Sherwin? Bakit ka narito? Bakit umuwi ka kaagad.”
“At ikaw, bakit ka narito rin? Bakit hindi ka pumasok sa
eskwelahan?” sunod sunod ko ring tanong.
Napakamot siya sa ulo, nag-iisip ng isasagot. “Mag-usap tayo.
Ano ba talaga ang gusto mo? Hindi kaylan man ako papayag na huminto ka sa iyong
pag-aaral. Kung nahihirapan ka sa trabaho mo ay pwede kitang ilipat sa opisina
ni Mama. Kung ayaw mo akong makatrabaho dahil sa masungit akong boss ay sige,
doon ka na lang kay Mama.”
“Hindi naman sa ganon. Hindi naman ako nahihirapan sa trabaho
eh. Ang dali nga lang eh. Kaya lang ay syempre, inabot ko na na may diprensya
ang inbentaryo. Ginagawa naman namin lahat ng makakaya namin sa bodega, kaming
lahat, tulong-tulong, pero wala talaga akong magawa. Kaya nga nag-suggest na
lang ako sa accounting na…..”
“Oo na, nabasa ko na ang suggestion mo at okay sa akin iyon.
Hanga nga ako sa suggestion mo eh. Ikaw pang bago lang sa kompanya ang nakaisip
noon. Ngayon… galit ka ba sa akin?”
“Wala naman akong dapat na ikagalit sa iyo eh. Okay lang na
magalit ka dahil sa boss ka namin at kompanya mo lang ang iniisip mo. Kaya lang
ay naninibago ako sa iyo eh. Parang may nabago sa iyo, ang dali mong magalit
lalo na sa akin. Ayaw kong magkakaroon tayo ng samaan ng loob, hindi ko gusto
at hindi ko kakayanin kapag ikaw ang nagalit sa akin. Saka gusto ko sa kompanya
mo, hindi sa ayaw ko kay Mam, pero gusto ko, kahit papano ay nakikita kita at
nakakausap sa opisina.”
“Talaga lang ha, eh palagi na lang si Ana ang kausap mo. Kanina
nga eh kayo ang nabungaran kong nag-uusap eh, kaya uminit ang ulo ko eh.”
“Pinag-uusapan lang namin kung anong gagawin sa diprensya, hindi
naman ako masyadong marunong sa accounting.”
“Huwag mo nang intindihin iyon, kami na ang mag-uusap ng mga
taga-accounting. Paano yan, dalawang araw ka nang absent sa klase mo.”
“Kayang kaya ko naman iyon, sisiw lang sa akin yun.”
“Yabang nito, kasi may Mylene kang mapagtatanungan.”
Nagkatitigan kami, hindi siya sumagot. “Mahal mo talaga siya
ano?”
“Oo naman.”
“Eh ako, mahal mo rin ba?”
“Syempre! Best friend kita eh. Matagal din tayong nagkasama,
halos magpalit na nga ang mukha natin sa sobrang close ko sa iyo. Yung sungit
mo noon ay wala lang sa akin, pero ngayon, dinaramdam ko na ang pagsusungit mo
sa akin, kasi… kasi….”
“Kasi ano?”
“Ah wala… wala! Basta. Kumusta naman kayo ni Bea. Gusto na ng
Mama mo na magka-apo sa iyo. Wala ka pa bang balak na pakasalan siya?”
“Hindi pa ako handa. Ayaw ko pang mag-asawa. Siguro kapag
naka-graduate ka na. At ikaw rin, huwag ka munang mag-aasawa hanggat hindi ka
pa nakakatapos at stable na ang trabaho.”
“Hah! Abay bakit ako? Anong kinalaman ko sa pag-aasawa mo? Hindi
pa naman talaga ako mag-aasawa. Hindi ko pa napapagawan ng bahay si Nanay. Bati
na tayo ha. Payakap naman.”
Nagulat talaga ako sa sinabing “payakap”. Ang totoo ay lumukso
ang puso ko. Talagang nasabik akong mayakap din siya. Kasi noong may sakit ako
ay palagi kaming magkayakap kapag tinutulungan niya akong bumangon, maglakad na
walang saklay, para bang na-miss ko rin iyon kaya ibinuka ko ang aking mga
braso at niyakap ko siya ng mahigpit. Kulang na lang na maghalikan kami..
“Salamat Sherwin, na-miss kong bigla ang yakap mo. Parang ang
gaan-gaan na ng aking pakiramdam. Wala na kasi akong alalahanin na galit ka sa
akin. Okay lang na magalit ka sa akin basta sa trabaho, huwag ka lang magagalit
sa akin na galit ka, yung hindi mo ako kakauaapin, yung sasama ang loob mo sa
akin,” wika niya na nakayakap pa rin sa akin.
Ang sarap din ng pakiramdam ko, gumaan din ang kalooban ko. Kung
pwede lang magtapat na ako ng saloobin ko sa kanya ay nagtapat na ako. Ang
hirap din pala ng ganito na one sided lang ang pagmamahal.
Bimitiw na siya sa pagkakayakap, parang ayaw ko pa kaya hinapit
ko uli siya. “Mag snack tayo, ginutom ako hehehe,” sabi ko saka bumitiw na.
Siya naman ang kumabig sa akin. “Anong gusto mo, pag-prepare kita.” Wika niya.
“Labas na lang tayo, sa malapit na mall lang.”
“Mag-bihis muna ako, nakakahiya naman ang bihis ko, sandong
butas pa ehehehe.”
-----o0o-----
Eman
Burger at spaghetti lang naman ang kinain namin. Ang saya-saya
namin habang kumakain, para kaming nag-date hehehe. Sana lang. Ewan ko ba, mas
masaya ako na si Sherwin ang kasama kaysa kay Mylene, Pero alam kong mali at
hindi kaylan man magiging tama ang nararamdaman ko. Saka para ko namang
kinalaban si Mam. Gustong gusto na niyang maging lola.
Kung malalaman lang ni Sherwin ang nararamdaman ko ay malamang
na lumayo siya sa akin. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang kabaitan niya
sa akin. Hindi ang kagaya ko ang magugustuhan niya, isang hampas-lupang
nilalang.
“Manood tayong sine, maaga pa naman,” aya niya sa akin. Syempre
pumayag ako, hindi dahil sa malilibre ako sa sine kundi minsan na lang kaming
nagkakasama ng ganito. Tamang tama naman at magsisimula na ang palabas.
Sa loob ng sinehan ay kinuha ko ang kanyang kamay at nagholding
hands kami. Kinikilig ako na ewan. Sana lang ay naging mayaman din ako para
hindi ako mahihiyang ligawan siya. Ang nakakatuwa pa at talagang kinilig ako ay
humilig pa siya sa aking balikat. Haaayyyyyyy sarap ng ganito. Sana lang ay
palagi kaming ganito.
Sa totoo lang, hindi ko masyadong naintindihan ang palabas, kasi
ay naglalakbay talaga ang aking isipan, para akong nasa alapaap at magkahawak
kamay kaming tinatangay ng hangin sa malayo. Masaya raw kami pareho na punong
puno ng pagmamahal ang aming puso. Natapos na ang palabas na lutang na lutang
pa rin ako.
Habang daan ay… “Thank you Eman at sinamahan mo ako. Sana palagi
nating gawin ang ganito.”
“Gusto ko rin naman. Sa sweldo natin, ako naman ang mag-treat sa
iyo hindi yung palagi na lang ikaw. Nakakahiya din naman,” sabi ko.
“Babawasan mo pa ang pinapadala mo sa Nanay mo, ako na lang.
Pag-aawayan na naman ba natin pati ang date natin?” wika niya.
“Date?” taas kilay kong tanong
“Joke lang hehehe.”
“Basta, ako ang taya,” pilit ko.
“Pero….”
“Uhm!”
“Pe…”
“Uhm! Ako na sabi eh!” wika ko na may diin.
“Ikaw na nga ang bahala.”
Nagkatawanan na lang kami. Lubos ang aming saya sa pagkakabati
namin.
-----o0o-----
Okay na talaga kami. Tahimik na sa opisina. Approve na ang
suggestion kong isinubmit sa kanya at nagpalabas na siya ng memo na simulan
kaagad. Nag-cut-off date kami para sa huling bilang na siya nang gagamiting
bagong balanse at hahabulin na lang ang posting para sa mga bagong dating at
labas ng inbentaryo. Next month ang target naming matapos at pagkatapos ay mag
dry-run na kami.
Sa eskwelahan ay masayang masaya kong ibinalita kay Mylene ang
buong pangyayari, minus sa date namin ni Sherwin, kung masasabi ngang date
iyon.
Mabilis ang paglipas ng panahon, almost perpect na ang inventory
balance namin sa bodega at sa computer, smooth na ang takbo ng aking trabaho sa
bodega. Nag-date kami noong nakaraang sweldo namin at ako nga ang taya, sa sine
lang naman ang nalibre ko sa kanya. Siya rin ang nagbayad sa aming miryenda.
Iba talaga ang feeling ko kapag magkasama kami, iba ang aking sigla, iba ang
aking saya.
May kailangan akong itanong sa kanya tungkol naman sa trabaho
kaya tumungo ako sa kanyang opisina. Pwede naman by phone na lang, kaya lang,
gusto ko siyang makita. Wala sa upuan niya si Emma kaya pumasok na lang ako
basta. Inisip ko na hindi naman siya basta magagalit dahil may dahilan naman
ako kaya basta na lang pumasok, wala ang kanyang sekretarya. Kaya lang pagpasok
ko ay naroon si Bea, nakakandong kay Sherwin at naghahalikan.
“Sir… may isasangguni lang ako sa iyo. Ooopsss Sorry,” sabi ko.
Tatalikod na sana ako palabas pero tinawag pa ako ni Bea.
“Sandali lang, punyeta ka! Hindi ka ba marunong kumatok. Uli-uli
ay kakatok ka muna kung ayaw mo ipatanggal kita rito.” Malakas na wika ni Bea.
Nawalan ako ng kibo, hindi ko akalain na sisigawan ako gayong sila naman ang
may mahalay na ginagawa. Nanatili akong nakatayo.
“Ano pang ginagawa mo diyan, labas na. Pang-abala ka,” sabi pa
niya.
Nagpupuyos ako sa galit. Hindi man lang siya sinaway ni Sherwin
gayong hindi naman siya ang nagpapasweldo sa akin. Tangna niya.
Paglabas ko ay naroon na si Emma. “Pinapasok ka ba ni Boss.
Naroon si Bea at sinabi sa akin na huwag muna akong magpapapasok kahit na sino,”
turan niya.
“Malay ko, alam ko ba na may bisita siya. Wala ka kasi sa upuan
mo eh. Sinigawan nga ako. Napunyeta pa ng babaeng iyon.” Galit kong sabi kay
Emma.
“Sorry naman, nag CR lang naman ako, bakit kasi hindi mo ako
hinintay.”
“Wala iyon,” sagot ko. Galit talaga ako at napansin din iyon ni
Merto pag-pasok ko ng Bodega.
“Ano at sambakol yata ang mukha mo? Huwag mong sabihing
nasigawan ka na naman ni Boss,” usisa ni Merto.
“Okay lang sana kung si Boss ang sumigaw eh, walang problema,
pero hindi siya eh, ang haliparot na si Bea, gaga pala ang babaeng iyon. Ang
akala ko pa naman ay ang bait-bait, ang hinhin pa. Hihindutin din pala pwe!”
Tawa ng tawa ang mga kasamahan ko sa bodega. “Nasigawan ka rin
pala ano. Nangyari din sa akin yun dati. Hindi ko naman sinasadya, nasagi ko eh
siya naman ang hindi nakatingin. Nagtataka nga ako at bakit hindi man lang
sinasaway ni Boss eh. Para tuloy under si Boss.” Sabi ni Merto.
“Oo ng eh, yung nga ang ikinainis ko eh. Hindi naman siya ang
nagpapasweldo sa atin, pero kung umasta, akala mo ay siya ang may-ari ng
kompanya. Bwisit talaga. Mauro, Glen, tayo na munang kumain. Mauna na kami Merto
ha, magpapalamig lang ko ng ulo, dadaanin ko na lang sa pagkin.
-----o0o-----
Sherwin
Maaga akong nag-out sa opisina, susunduin ko si Eman, alam kong
uminit ang ulo niya kanina dahil nasigawan ni Bea. Ako na ang hihingi ng
dispensa. Sakto namang malapit na ako nang matanaw kong lumabas na ng gate si
Eman, kasabay si Mylene at nakaakbay pa siya rito. Hindi niya nakita ang aking
sasakyan. Sinundan ko sila kung saan pupunta, naglakad pa kasi papalayo. Lumiko
siya sa isang daan, pagtanaw ko ay pumasok sa burger house, magmimiryenda pa
siguro. Nagpark ako, gusto ko ring makausap kahit sandali ang kanyang GF. Hindi
ko pa kasi nakakausap ang kanyang GF.
Pagpasok ko ay wala na sila sa pila, natanaw kong nakaupo na at
magkatabi pa. Kape at burger lang ang aking inorder at dahil sa nakatalikod
sila pareho ay sa likoran na nila ako naupo. May mesa kasi roon na may parang
mataas na division at ulo lang ang makikita kaya sakaling lumingon sila ay ulo
ko lang din ang makikita nila. Nadinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ako
nagkamali, yung nangyari kanina ang nirereklamo niya.
“Hindi man lang sinaway ni Sir yung syota niya. Ang sama ng
ugali talaga. Hindi siya bagay kay Sir,” kwento ni Eman kay Mylene.
“Ikaw naman, pagpasensyahan mo na, in-love yung tao kaya hindi
niya sinaway yung babae.”
“Ang sabihin mo ay ander de saya siya.”
“Hala, under daw ako hehehe. Baka ikaw ang anderin ko makita mo,
under ka sa katawan ko hehehe.” Sa isip isip ko lang naman.
“Mylene, baka naman kapag mag-asawa na tayo ay aanderin mo din
ako ha. Hindi ako papayag.”
“Aba! At may kasal pang sinasabi ang kumag na ito. Hindi pwede.”
Sa isip ko pa rin.
“Ewan ko, basta ba walang lamangan eh, walang mangyayaring
anderan, bigayan lang. Bakit… gusto mo na bang magpakasal tayo? Sige kung gusto
mo na. Gusto ko nang makasiguro sa iyo, ang dami kasing kalaban dito sa school
eh, ang daming nagpaparamdam sa iyo. Akala mo ba hindi ko napapansin iyon.”
“Nakuh ha. Huwag kang magkakamaling pumatol pa sa iba. Tama na ang
isa. Lintik na… bakit ba hindi ko na lang sa bahay kinausap eh. Naghihirap na
naman ang kalooban ko.” Ganon pa rin, sa isip ko lang.
Mabuti na lang at hindi na nila pinag-usapan pa ang kasal kasal.
Tungkol na lang sa kanilang lesson ang kanilang pinag-usapan. Nauna silang
natapos.
“Ihahatid mo ba ako?” wika ni Mylene.
“Sa sakayan na lang, madami tayong assignment saka baka
matagalan pa ako sa inyo, ang Mama mo kasi, palagi na lang tanong ng tanong ng
kung ano-ano sa akin.”
“Sige… sige na. Sa sakayan mo na lang ako ihatid.”
Tiniyempohan kong nakasakay na si Mylene, pabalik na si Eman sa
may tapat ng kanilang eskwelahan, alam ko namang magdyi-jeep lang siya kaya
bago pa siya makasakay ay pinarahan ko na sa tapat.
“Sakay na!” Gulat pa siya ng huminto ako at buksan ko ang
bintana.
“Sherwin, bakit ka napadaan dito?”
“Bakit? Ayaw mo? Gusto lang kitang kausapin.” Kain muna tayo,”
aya ko.
“Katatapos lang namin ni Mylene, tapos kakain pa tayo sa bahay.
Sa bahay na lang. Ano bang sasabihin mo?”
“Tungkol kanina, ako na ang humihingi ng dispensa sa nangyari.
Ikaw naman kasi, bigla ka na lang papasok.”
“Malay ko ba naman na may ginagawa kayong kahalayan. Saka kanina
ay wala sa upuan niya si Emma, nag CR daw kaya dumiretso na ako. Dati ko naman
kasing ginagawa iyon. Paalala ko lang ha, mahaba-haba pang panahon bago ako
mag-graduate, baka mabuntis yang alembong mong syota.”
“Hahahaha, ikaw ha. Syota ko iyon. Si Mylene kaya ang sabihan ko
ng ganon sa iyo, hindi ka magagalit?”
“Bakit naman ako magagalit eh, hindi naman siya alembong, Ayaw ngang pahalik man lang sa akin eh. Sa
pisngi lang ako nakahalik sa kanya.”
“Naku ha! Huwag mo nang tangkain pa dahil may pangko ka pa sa
Nanay mo.”
Nagkatawanan na naman kami. Bakit ba talagang ang saya saya ko
kapag siya ang aking kasama at kausap.
Nahinto kami sandali dahil red ang traffic light. May nakita
kaming dalawang lalaki na holding hands na naglalakad sa bangketa. “Ang sweet
nila ano. Parehong lalaki pero alam mong nagmamahalan. Pwede palang magmahalan
ang dalawang lalaki,” wika ko.
“Ikaw ba, pwede ka bang magmahal sa kapwa mo lalake?” tanong ni
Eman.
“Siguro. Hindi ako magsasabi ng never dahil sa hindi ko alam
kung ano ang mangyayari sa future. Hind pa naman ako sigurado na kami na nga ni
Bea. Saka pwede naman ah, uso na ngayon ang same sex marriage, babae sa babae,
lalake salakae.”
“Ibig bang sabihin, sakaling may magkagustong lalake sa iyo at
magustuhan mo rin ay makikipag-relasyon ka sa kanya? Paano ka magkakaroon ng
sariling pamilya, hindi kayo pwedeng magkaanak.”
“Bakit hindi, basta ba mahal din niya ako eh. Saka hindi na
problema ang anak. Pwedeng mag-ampon o humanap ng papayag na maging surrogate
mother.”
“Kung sabagay, basta may pera, hindi na problema ano. Ang problema na lang ay si Bea hehehe.”
“At bakit mo naman naisip na problema si Bea eh wala nanang
akong karelasyon na lalake. Ikaw talaga Eman, sobrang advance kung mag-isip.”
Natapos lang kaming mag-usap dahil nakarating na kami sa aming
bahay.
Itutuloy………