Anton’s Love ang Sex Stories (Part 19)
Triple J, Si Justine, Si Jaz, Si Jay
Mahal
ko pa rin yata ang Cyrus na ‘yun. Alam ko namang minahal talaga niya ako, at
ramdam ko iyon magpa-hanggang ngayon. Kung hindi lang dahil sa epal na si
Aaron, marahil, magpahanggang ngayon ay kami pa rin.
Dapat
ko pa ba siyang bigyan ng second chance? Natukso lang naman siya. Paano naman
si Aaron? Ayoko rin kasing makapanakit ng damdamin ng aking kapwa. Wala na
akong galit kay Aaron, bagkos ay naawa ako sa kanya. Nagmahal lang naman siya
Pero
totoo kayang wala silang relasyon? Magpa-hanggang sa ngayon kasi ay magkasama
pa sila. Pagdating kasi sa pag-ibig ay ayaw ko ng may kahati, gusto ko na
buong-buo ay akin lang ang aking mahal. Kahit siguro papano ay may feelings din
siya kay Aaron, hindi lang bilang matalik na kaibigan, kundi mas higit pa. Ewan
ko, pero sa ngayon ay hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon muli lalo na ang
pakikipagbalikan kay Cyrus.
-----o0o-----
Lunes
na naman, simula na naman nang isang linggong aral. Paglabas ko ng pinto ay
siya namang pag-labas din ni Justine.
“Kailan
ka dumating Justine?” Tanong ko habang sabay kaming bumababa ng hagdanan.
“Kadarating
ko lang.”
“Maglakad
na lang tayo, maaga pa naman, kwentuhan uli tayo. Kumusta sa inyo?” tanong ko.
“No
comment. Change topic.”
Ayaw
talagang pag-usapan na ni Justine ang tungkol sa pamilya niya. Hindi na ako
nagpilit pa.
“Anton,
may tanong ako sa iyo, bakit parang hindi ka komportable na kaharap o kausap si
Cyrus at Aaron ba iyon? Hindi ba magkababayan kayo? Bakit?”
“Hala,
no comment din, change topic din.”
“Gaya-gaya
ka kanam eh. Sige na.”
“Saka
na natin pag-usapan iyan, kapag nagkwento ka na ng tungkol sa parents mo. Gusto
mo eh ikaw lang ang makasagap ng tsisimis eh. Bilisan mo na, at baka ma-late pa
tayo.”
“Ito
na lang, naniniwala ka ba sa Destiny?” tanong ni Justine.
Mahabang
debate iyan. Pag me time na ako ay sasagutin kita,” ang naging sagot ko lang.
-----o0o-----
Isang
araw na naman ang lumipas. Gaya ng dati, uwi ako kaagad sa boarding house.
Gulat ako dahil nadatnan ko na roon si Jaz.
“Jaz,
hindi ka pumasok?” bati ko.
“Pumasok,
Maaga akong umuwi dahil wala daw yung dalawa naming professor.”
“Kumusta
naman ang pag-uwi mo?’
“Wala
namang bago, ganon pa rin. Ano ba naman ang mababago,” sagot niya na tila tamad
sagutin ang tanong ko. “Ay siya nga pala, nagkausap kami ni Kuya, nagkita daw
kayo sa condo niya. Close kayo kaagad?’
“O
bakit? Ayaw mo bang maging ka close ko ang kuya mo?’
“Hindi
naman, Kilala mo na ba siya? Nagtapat ba siya sa iyo kung ano siya?”
“Ano
naman ang ipagtatapat niya sa akin? Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa
kanya?”
“Bading
siya Anton.”
“Alam
ko, sinabi niya. Ano naman ang masama kung bading siya? Me problema ba roon?’
“Wala,
pero ako baka magkaproblema.”
“Jaz,
bakit ka naman magkaka-problema? Liwanagin mo nga?”
“Anton,
kasi… kasi…”
Bantulot
siya, tila nag-aalinlangang sa gustong sabihin. “Kasi ano?” tanong ko.
“Kasi
Anton, na fall na kasi ako sa iyo eh, mahal na yata kita,” pag-amin ni Jaz.
“Natatakot akong maagaw ka sa akin ni Kuya Jay, kasi mas gwapo siya at isa nang
professional, samantalang eto ako, estudyante pa rin, wala akong laban.”
“Hoy
Jaz ha, umayos ka. Biro man yan o totoo, ngayon pa lang ay sasabihan na ktang
huwag mo nang ituloy. Wala akong balak na makipag-relasyon kahit na kanino.
Yung nangyari sa atin eh libog lang at hindi na mauulit pa. Teka nga pala,
bading ka ba?”
Napatungo
siya, parang nahiya. “Siguro naman ay alam mo na. Yung ginawa ko sa iyo, bading
lang ang makagagawa ng ganon. Itinago ko ang tunay na ako sa parents ko, pati
na rin kay Kuya Jay dahil sa takot na baka magaya ako kay Kuya na halos itakwil
nina Mama. Ayoko na mangyari sa akin iyon kaya nagkunwari akong isang tunay na
lalaki. Ang hindi nila alam ay marami na akong kababalaghan na ginawa. Oo
Anton, marami na akong karanasan sa lalaki, baka mas marami pa kesa kay Kuya
Jay.”
“May
naka-relasyon ka na ba na lalake?”
“Wala,
pero may GF ako sa ngayon.”
“Mahal
mo ba siya?”
“Ang
totoo ay niligawan ko lang siya dahil sa kagustuhan ni Mama. Kaibigan kasi nito
ang mother ng GF ko.”
“Hala
Jaz, ibig sabihin ay niloloko mo lang ang babae?”
“Parang
ganon na nga. Sinusunod ko lang naman ang Mama ko.”
“Nasabi
mong halos itakwil ng parents mo si Jay, bakit?”
“Ipinakilala
kasi ni Kuya kina mama ang kanyang boyfriend. Hindi nagustuhan nina Mama ang
ginawi ni Kuya.”
“Alam
ba ng Mama mo na bading si Jay?”
“Alam,
pero gusto pa rin nilang mag-asawa si Kuya at bigyan sila ng apo. Kaso matigas
ang ulo ni Kuya, sinuway niya sina Mama. Pinalayas si kuya sa bahay. Eh Doctor
na nun si kuya kaya malakas ang loob ng umalis. Gagawin ko rin ang ganon kapag
nakatapos na ako at nagka-trabaho.”
Hindi
na ako nag-usisa pa, sapat na sa akin na malaman ang totoo. Hindi ko na rin
tinanong si Jaz kung ano ang napag-usapan nilang magkapatid, buhay nila iyon,
“Anton,
liligawan pa rin kita kahit na ayaw mo. Pangako, ikaw na lang ang pagtutuunan
ko ng pansin, iiwasan ko nang matukso pa sa iba.”
“Bahala
ka, basta hindi kita pinapaasa.”
-----o0o-----
Nagkasabay
kaming umuwi ni Justine isang hapon. “Tara munang mag-snack Anton,” yaya ni
Justine.
“Sagot
mo?”
“Oo,
ako ang nag-aya eh.”
Sa
isang burger house, sa loob ng mall kami nagtungo. Cheese burger at spaghetti
ang inorder ko at isang softdrinks. Habang kumakain kami ay muli na namang
itinanong ni Justine kung naniniwala ako sa destiny.
“Oo
naman, naniniwala ako. Mapa sa love, mapa sa trabaho at sa kung ano-ano pang
may kaugnayan sa ating buhay, kung talagang para a iyo ay para sa iyo,
nakatakda na iyon, hindi lang natin alam kung kelan mangyayari o darating,
maghintay ka lang.”
“Ikaw
ba Anton, hinihintay mo na ba ang iyong destiny?”
“Matagal
na akong naghihintay. Pero kelangan ko rin namang pagsumikapan. Kasi hindi
naman iyon darating na lang. Halimbaya, yung pagiging doctor ko, hindi naman
iyon basta mangyayaring doctor ako kaagad, kailangan kong pagsumikapan,
mag-aral ng mabuti. Kung hindi para sa akin ang pagiging doctor, me iba
sigurong nakalaan para sa akin.”
“Eh
sa love?”
“Hindi
na muna ako nag-iisip ng tungkol sa love, darating iyon sa tamang panahon.”
“Sige,
sabay tayong maghintay ng tamang panahon,” sabi ni Justine.
“Ano
namang pa-utot yan?”
“Kasi,
baka ako ang iyong destiny at ikaw naman ang akin, kaya sabay nating hintayin
ang pagdating ng tamang oras.”
Kinilig
ako sa sinabing iyon ni Justine. Kung alam lang niyang crush ko siya ng makita
ko siya nung una.
“Hahaha,
asa ka. Mali pala ang sagot ko, hindi ako naniniwala sa destiny,” pabiro kong
sabi.
“Ganun
ba?” sabi ni Justine, sabay sad face.
“Pwera
biro Anton, may nararamdaman na ako sa iyo, iba kasi ang feeling ko kapag
kausap kita. Hindi naman ako nagmamadali, sisimulan ko sa pagiging magkaibigan
natin, malay mo, magkaroon ka rin ng feeling sa akin. Baka nga tayo pala talaga
ang para sa isa at isa.” – si Justine
“Hindi
ba si Cyrus at Aaron iyon? Nakita ba nila tayo? Suplado pala ang dalawang iyon,
hindi man lang tayo binati.” – si Justine.
“Ewan
ko, baka hindi tayo nakaita.”
“Sila
palang dalawa. Siguro dapat mo nang sagutin ang tanong ko dati. Hindi ka
komportable sa dalawa, dahil ba may relasyon ang dalawa? Nagseselos ka ba.
Huhulaan ko, nagseselos ka kay Cyrus. May gusto ka ba sa kanya? Kaya ba gusto
mo silang iwasan? Ayaw mo ba sa akin? Gwapo rin naman ako ah.”
“Hoy
Justine! Hinaan mo nga ang boses mo. Puro ka tanong,” may pagka-asar kong saway
kay Justine.
“Pwede
bang maki-share na lang kami sa inyong dalawa?” pasintabi ni Cyrus.
“Ah,
dito na kayo, tapos na kasi kami eh, alis na kami,” sabi ko sabay tayo.
Napatayo na rin si Justine.
“Pasensya
na ha, kanina pa nag-aaya itong si Justine. Maiwan na namin kayo,” wika ni
Justine.
“Ang
suplado mo Anton, bakit bigla ka na lang umalis?”
“Hindi
mo ba nakita? Date nila iyon, nahihiya lang na hindi tayo lapitan. Binigyan ko
lang sila ng oras na magkasarilinan.”
“Magka-roommate
sila, kahit anong oras ay palagi silang magkakasarilinan. Kababayan mo sila,
ano ba talaga ang score sa inyong tatlo?” tanong ni Justine.
“Sinabi
nang no comment eh, huwag kang makulit. Kahit kelan talaga, ang kulit mo
Justine.
“Kung
magkwento ako tungkol sa aming family, magkukuwento ka ba tungkol sa inyo?”
“Huwag
makulit Justine.”
Hindi
na naman nangulit si Justine. Tahimik lang kami na naglakad pauwi sa boarding
house.
-----o0o-----
Pagpasok
na pagpasok ko sa silid namin ay nag-ring ang aking phone, si Jay ang
tumatawag.
Ako: Hello
Jay, napatawag ka.
Jay: Wala
lang naman. Gusto lang kitang imbitahin.
Ako: Saan
Jay: Hindi ako magki-clinic sa Sabado at
Lingo. Gusto ko naman mag de-stress. Stress akong masyado this week. Alam mo
na, sa work at sa personal kong problem.
Ako: Hoy Jay ha, baka kung ano na naman ang
isipin mong gawin.
Jay: Ano ka ba, wala na sa isip ko iyon,
hindi ako tanga.
Ako: Saan mo naman ako gustong ayain at kelan.
Jay: Gusto kong mag-beach. Maganda raw sa
Real Quezon sabi ng kaibigan kong Doctor, maganeda raw ngayon time na ito dahil
payapa ang dagat. Sa Sabado, sunduin kita sa boarding house mo.
Ako: Kasama mo ba si Jaz?
Jay: Hindi no!
Ako: Pwede ba akong magsama? May ipakikilala
ako sa iyo, boardmate ko, gwapo at bata pa. Baka siya na ang hinahanap mo.
Jay: Kung ayaw ko.
Ako: Hindi na rin ako sasama.
Jay: Sige na… sige na, isama mo. Sasama ba
naman ha. Kung sakali, huwag mong masabi-sabi na kapatid ko si Jaz.
Ako: Sandali ha, huwag mong ibaba, pupuntahan
ko siya para tanungin.
Kinausap ko si Justine, hindi naman daw
siya uuwi ng weekend, pumayag siyang sumama.
Ako: Sige Jay, pumayag siya, uuwi sana sa
kanila, pero napigilan ko para sumama. Okay, Sabado ng 7 AM ang sundo namin
dito. Bye. End call.
-----o0o-----
Excited din ako, first time kong
makalalabas ng Maynila. Kahit naman hindi sumama si Justine ay sasama din ako.
Boring kaya dito sa Boarding house kapag Weekend
Okay
din naman itong si Jay, masarap ding kausap. Hindi ko lang talaga alam kung
bakit bigla na lang nag-aya. Baka kasi may binabalak sa akin, kaya gusto kong
may kasama.
Saktong
7AM ng sunduin kami ni Jay sa BH namin. Pinakilala ko muna si Justine kay Jay.
Parang na-starstruck si Jay pagkakita kay Justine.
“Hoy
Jay, nawalan ka na ng kibo diyan, nakikipag-kamay sa iyo si Justine, ayaw mo
ba?” biro ko.
“Ay
Sorry. Hello Jusiine Ako si Jay, nice to meet you.”
“Nice
to meet you too Jay.”
“Sakay
na kayong dalawa. May dala ba kayong pangligo?”
“Yes
Sir,” sagot ko sabay sakay sa likod na upuan. “Sa unahan ka na Justine, gusto
kong matulog sa biyahe. Sobra kasi akong na-excite kagabi kaya hindi ako kaagad
nakatulog. Tapos ang aga ko pang nagising.”
Wala
nang nagawa pa si Justine. Lumarga na kami.
>>>>>ITUTULOY<<<<<