Ang Waiter
(Part 4)
Rom…….
“Naka-check-in ka ba rito?” tanong ko kay Jay.
“No. Ano nga palang oras ang tapos ng duty mo
dito?” sagot at tanong niya.
“Hanggang six ako,” tugon ko.
Tatalikod na ako dala ang kanilang kinanan ng pigilan
niya pa ako.
“Wait,” Huminto ako, inabot niya sa akin ang
isang calling card at may sinabi siya sa akin. “Mamaya, hintayin kita diyan sa
gilid ng hotel ha. 6:30. Huwag mong kalilimutan. Hintayin kita. Tawagan mo ako
diyan sa number na nasa card para maabangan kita. Huwag mo akong iindyanin,”
wika niya sabay talikod. Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi na hinintay ang
isasagot ko.
-----o0o-----
Hindi ako mapakali ng oras na iyon. Maraming
tanong na naglalaro sa aking isipan. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya
ako pag-aaksayahan ng panahon? Anong intesyon niya? Wala namang makasasagot ng
mga tanong na iyon kung hindi ako makikipagkita sa kanya.
Pero dapat ba akong makipag-tagpo sa kanya. Baka
kung anong balak niya sa akin? Baka may masama siyang binabalak sa akin?
Kinakabahan talaga ako. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na
magtanong at tumanggi.
Para na namang napaka-bilis ng oras. Alas sais
na. Naisipan kong tawagan si Ryan para makapag-paalam. Baka kasi gabihin ako at
mauna pa siyang dumating sa akin.
“Ryan, baka gabihin ako ah, kulang ang waiter sa
gabi, ayaw pa akong pauwiin ng bisor natin. Baka kasi mag-alala ka kung mauna
ka pang dumating sa akin. Bahala ka na muna ha! Hindi kasi ako makakapagluto,”
paalam ko. Iyon na lang ang naisip kong idahilan.
“Okay lang. Kakain na lang siguro ako sa
karinderya,” tugon ni Ryan.
Mabilis akong nag-shower. Ewan ko ba. Basta,
bigla ko na lang naisip na mag-shower muna.
Nag-text ako na palabas na ako. Sinabi ko na sa
employees exit ako lalabas dahil sa hindi kami pwede sa main entrance. Sagot
naman niya ay puntahan ko na lang siya sa dulo sa may parking sa karsada.
-----o0o-----
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid, baka kasi
may kasamahan akong makakita sa akin. Nang wala na akong nakikita ay kinatok ko
na ang salamin ng kotse ni Jay. Nag text kasi siya ng plate number ng kotse
niya. Kaagad naman niyang binuksan ang pinutuan sa unahan at doon ako pinaupo.
“May kailangan ka ba sa akin?” bungad kong
tanong.
“Ssshhhh, mamaya na tayo mag-usap,” tugon naman
niya.
Sa isang resto-bar sa Ortigas kami nagtungo. “Mag
dinner muna tayo, 7:30 na naman,” sabi ni Jay.
Light dinner lang ako, one cup rice at inihaw na
pusit lang. Ganun na rin ang inorder niya.Tahimik lang ako habang kumakain.
Wala naman akong alam na topic na pwede naming pag-usapan, kakikilala ko lang
sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay nag-order siya ng
dalawang beer. Niligpit na ng waiter ang pinagkainan namin, pwera lang ang
natira naming puset. Pwede raw gawing pulutan.
“Jay, hindi ako masyadong umiinom. Madali kasi akong
malasing,” sabi ko. May kailangan ka ba sa akin?”
“We need to talk. Hindi ko alam kung anong
nangyari sa akin, hindi ko alam kung anong ginawa mo,” tugon niya.
Bumalik na ang waiter dala ang order na beer.
Kaagad na nagsaling sa baso si Jay.
“May nagawa ba akong masama sa iyo?” tanong ko
pagtalikod ng waiter. “May problema ba ako sa iyo?” dugtong ko pang tanong.
“Wala, wala! Ako ang may problema,” sagot niya.
Tapos ay lumipat siya ng upuan at doon naupo sa tabi ko. Magkatapatan kasi kami
ng upuan. Para kasing booth ang table, yung mataas ang likoran at halos hindi
kita ang nasa kabilang table.
“Kanina lang tayo nagkita at nagkakilala, paano
ka nagkaproblema sa akin?” tanong ko.
“Mahirap ipaliwanag, mahirap mo ring
maintindihan, pero iba ang naramdaman ko ng magkita tayo. Ayaw kitang iwan sana
kanina ng mabunggo mo ako, dangan at may kausap ako. Mabuti na lang at waiter
ka pala sa restaurant ng hotel na iyon,” wika ni Jay.
“Hindi kita maunawaan, naguguluhan ako sa kwento
mo. Linawin mo please!” tugon ko.
“I’m from Davao, may inaasikaso lang ako rito at
babalik din ako kaagad. Kaya gusto kong magmadali,” wika niya na lalong
nagpagulo sa aking isipan. Hindi ko talaga maintindihan.
“Ano ba talaga ang pakay mo, bakit hindi mo
diretsahin Jay!” wika ko.
“I like you Rom, I really do. Hindi ko rin alam
kung paano, basta bigla na lang tumibok ang puso ko sa iyo.” Wika niya.
“Alam mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo ako kilala.
Isa lang akong waiter, walang tinapos at bread winner ng pamilya. Wala akong
maipagmamalaki sa iyo. Nakikitira nga lang ako sa isang kaibigan. At baka
naghihintay na iyon. Alam kasi niya ang oras ng uwi ko,” wika ko.
“Anong paki ko. Ang sinabi ko ay “I like you”.
Hindi kita tinatanong ng auto-biography mo,” wika niya sabay hapit sa bewang ko
at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.
Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ako nakakilos.
Nanlaki lang ang king mata at hinayaan ko lang na halikan ako. Naramdaman ko pa
ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nahinto lang siya sa paghalik ng may lumapit
at naupo sa katabi naming mesa.
“Anong ginawa mo?” pagalit kong wika, pero mahina
lang.
“Sorry, hindi ako nakapag-pigil,” tugon niya.
“Aalis na ako,” wika ko. Bigla akong tumayo at
mabilis na naglakad palabas ng pinto. Hindi naman siya naka-tutol sa aking
ginawa.
Nagpunta ako sa abangan ng sasakyan. Anak naman
ng putsa, ang hirap sumakay. Wala ring taksing pumara. Ang tagal na akong
nakatayo sa paghihintay ng masasakyan. Nagulat pa ako ng may isang kotseng
huminto sa tapat ko. “Sakay na, huwag ka nang tumanggi. Maeeskandalo ka rito,”
wika ni Jay na may pagbabanta, kaya sumakay na rin ako.
“I’m sorry. Hindi ako nakapagpigil.” Paghingi
niya uli ng paumanhin.
“Hindi maganda ang ginawa mo. Pinahiya mo ako sa
mga tao roon,” wika ko na gigil sa galit.
“Saan ang inuuwian mo?” tanong niya. Sinabi ko
naman, pero hindi ang mismong condo ni Tyrone. Magpapababa ako sa malayo at
lalakarin ko na lang.
Hindi na ako nagsalita, lalo lang akong maiinis
kapag nakipag-usap pa ako sa kanya.
“Diyan na lang ko sa tabi Jay. Hindi ko na papasukin
ka pa sa loob dahil sa masikip ang daanan doon, malapit kasi sa squater area
ang tinutuluyan ko,” wika ko.
Hindi na naman nagpumilit pa si Jay at iginilid
na niya ang kotse niya. “Magkikita pa tayo Rom,” ang huli niyang sinabi. Hindi
na ako sumagot at nagtuloy na sa paglalakad. Palingon-lingon pa ako dahil sa
baka sundan pa niya ako. May 15 minutes din akong naglakad papuntang condo.
Pagdating ko ay wala pa si Ryan. Nag-text ako sa
kanya kung magluluto pa ako. Buti na lang at agad na sumagot na kumain na raw
siya.
-----o0o-----
Ilang araw na ang lumipas at hindi na uli
nag-text o tumawag sa akin si Jay. Inalala ko ang mga sinabi niya sa akin.
Napapangiti ako, hindi sa mga sinabi niya kundi sa naging reaksyon ko. Natatawa
talaga ako dahil sa para akong babae na sinusuyo na nagpapakipot hahaha. Ewan.
Paano ba naman, kalalaki niyang tao ay sa lalaki ring magkakagusto. Saka
talagang malaki siyang lalaki, six footer nga eh.
Kahit papano naman ay nagbigay iyon ng konting
kilig sa akin. Siguro kung matagal na kaming magkakilala ay baka nga magkagusto
ako sa kanya. Ikaw ba naman na sobrang gwapo na magka-gusto sa isang tulad ko.
Pogi ba ako? Siguro naman hehehe.
Napaisip din ako kung totoo ang sinabi niya na
gusto niya ako. Kung aking susuriin ay parang seryoso naman ito. At saka yung
halik niya, nasarapan din ako. Siguro kung wala kami sa pampublikong lugar ay
baka bumigay ako.
-----o0o-----
Nakasakay ako ng jeep pauwi na sa amin ng
masiraan ang sinasakyan kong jeep bago umakyat ng tulay patungong Quiapo. Ang
hirap pa namang mag-abang ng sasakyan dito dahil puro punuan na pagdating sa
banda rito. Nakita kong maraming naglalakad kaya nakilakad na rin ako para doon
sa quiapo na lang mag-abang ng sasakyan.
Pagsapit ko malapit sa Plaza Miranda ay nakita ko
si Rom na may kasabay na babae at holding hands pa sila. “Nagsimba ba sila o
magsisimba pa lang? Wala ba siyang klase ngayon?” Tanong ko sa sarili.
May tinitingnan sila sa may bangketa. Hindi pa
niya ako nakikita, Ang ginawa ko ay nilapitan ko sila. “Ryan! Hindi ka
pumasok?” tanong ko. Gulat na gulat siya at hindi kaagad makapagsalita, hindi
alam ang sasabihin. Nagtanong uli ako. “Girlfriend mo?”
Lalo siyang nataranta. Nagkatinginan silang
dalawa . Hanggang ngayon ay magkahwak kamay pa rin sila. Nakita niyang
nakatingin ako roon kaya naman bigla siyang bumitaw na ikinagulat naman ng
babae.
“Hindi! Pumasok ako. Wala ang professor namin sa
second subject ko kaya naisipan naming magsimba. Kaklase ko, si Myra. Myra si
Rom kasama ko sa bahay. Waiter din siya sa pinagtatrabahuhan ko.” Sabi niya.
Hindi niya inamin na girlfriend niya yung Myra gayong obvious naman.
“May susunod pa ba kayong klase?” tanong ko na
lang.
“Oo, pabalik na nga kami ng makita mo kami. Sige
na ha, mauna na kami. Sa bahay ako kakain.” Bilin niya.
Habang naglakad ako sa abangan ng sasakyan ay
nag-isip na naman ako. Ano ba naman ang masama kung mag-girlfriend siya? Binata
naman siya at may trabaho naman. Ano kaya ang ikinagulat niya? Saka siguro ay
nag-aaway na sila, hindi kasi niya inamin na mag-jowa sila. Hala, kasalanan ko
pa yata.
Pagkakita ko ng jeep ay mabilis na akong sumakay.
Nakipag-agawan pa ako sa napakaraming pasahero.
-----o0o-----
Nagprito na lang ako ng galunggong para sa aming
hapunan. Tapos ay kumain na ako at nag-sohwer. Nahiga na ako at natulog na. Ang
dami kasing customer ngayon at pagod na pagod ako. Hindi ako halos nakaupo
buong maghapon. Nag-iwan naman ako ng note na kumain na ako at pagod na.
Galungong lang ang niluto kong ulam.
-----o0o-----
Ryan….
Nagulat talaga ako ng magkita kami ni Rom sa
Quipo, wala ako kaagad na maisip na idadahilan kung bakit ko naroon. Nagpasama
lang naman talaga sa akin ang aking girlfriend na si Myra na magsimba. Para
pagbigyan siya ay hindi ko na lang pinasukan ang isa kong subject at babalik na
lang ako kaagad para pasukan ang susunod ko pang subject. Minalas lang at hindi
sinasadyang magkita kami ni Rom.
Inilihim ko ang pagkaakroon ng GF sa kanila para
walang maging issue sa amin ni Tyrone. May pagtingin sa akin si Tyrone kaya ako
napatira sa kanyang condo, nakapag-aral at nakapagtraho. Wala naman talaga
akong balak na lokohin siya, ipagtatapat ko naman talaga sa kanya ang totoo,
pero ang balak ko ay kapag nakagrauate na ako. Malapit na naman akong
maggraduate, isang semester na lang.
“Bakit tahimik ka? May problema ba?” tanong ni
Myra habang nakasakay kami ng jeep.
“Wala, may iniisip lang ako,” tugon ko.
“May inililihim ka ba sa akin? Kaya ba hindi mo
masabi sa kasama mo sa tirahan na girlfriend mo ako?” Muling tanong ni Myra.
Alam kong nadinig iyon ng ibang pasahero kaya nagtinginan sila sa amin. Mabuti
na lang at bababa na kami. Pumara na ako sakto sa kalye papuntang unibersidad
namin.
“Pasensya ka na, inilihim ko nga ang tungkol sa
atin. May dahilan naman ako. Nangako kasi ako na hindi muna mag ge-girlfriend
hanggat hindi pa ako tapos sa pag-aaral. Magkababayan kami ni Rom. Baka kasi
kapag nalaman niya ang tungkol sa atin ay masabi niya sa aking parents.” Alibay
ko.
“Mag boyfriend pa lang naman tayo. Saka hindi
naman sila ang nagpapaaral sa iyo kundi ang sarili mo. Ano ang ikinababahala
mo? Siguro ay hindi mo talaga ako mahal,” may sama ng loob na wika ni Myra.
“Please, unawain mo ako. Pinapaaral lang ako ng
aking uncle, ang kinikita ko ay pinapadala ko sa aking pamilya sa probinsya.
Kapag nalaman nila na may GF ako ay baka putulin nila ang tulong sa akin.
Kawawa naman ang mga kapatid at magulang ko. Konting tiis na lang naman,
malapit na akong magtapos,” paliwanag ko.
“Ewan ko sa iyo,” ang tanging naging tugon ni
Myra sabay lakad ng mabilis papasok sa gate ng kanilang unibersidad. Hindi ko na
nagawang habulin pa ang aking nobya dahil late na ako sa aking klase. Mabilis kong
tinakbo ang pasilyo patungong room namin.
-----o0o-----
“Rom! Gising ka pa ba? Pwede ba tayong mag-usap
kahit sandali lang.” Kinatok ko si Rom pagdating na pagdating ko ng condo.
Gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari kanina.
Bumukas ang pinto, lumabas si Rom. “Pasensya ka
na kung naabala ko ang pagtulog mo, pero hindi ko na gustong ipagpabukas pa ang
gusto kong ipakiusap sa iyo,” paunang kong wika.
“Bakit? Tungkol saan? Tungkol ba ito kay Myra? May
problema ba tungkol doon?” tanong ni Rom.
“Medyo, komplikado kasi eh. Kasi… kasi…”
“Kasi ano?” tanong ni Rom.
Ramdam kong naiinip na siya sa isasagot ko.
Nag-aalangan kasi ako kung sasabihin sa kanya ang dahilan o hindi.
“GF mo si Myra ano? Iyun ang totoo, hindi
classmate lang. Eh ano naman kung GF mo siya. May nagbabawal ba?” tanong uli ni
Rom.
“Wala… wala! Kaya ko lang naman inilihim ay ayaw
kong malaman ni Tyrone. Kasi… kasi… nahuhulog na ang loob ko sa kanya, parang
mahal ko na siya. Kung sakali kasi na sigurado na ko sa nadarama ko ay
makikipag-break na ako kay Myra. Hindi ko pwede silang pagsabayin hindi ba?”
pag-amin ni Ryan.
Kita ko sa ekspresyon ng mukha ni Rom ang
pagkagulat. Siguro ay nagulat siya dahil magkakagusto ako sa isa ring lalaki.
Pero iyon ang totoo. Minahal ko rin naman si Myra, pero parang unti-unti ay
nawawala na ang pagtingin ko sa kanya. Wala naman siyang ipinakikitang hindi
maganda. Basta, hindi na tulad ng dati ng gusto ko ay palagi siyang nakikita,
nakakausap, chat man o sa personal. May pananabik akong nararamdaman kahit
isang araw lang kaming hindi nagkikita. Subalit, iba na ngayon. Minsan ay hindi
ko na pinapansin ang text niya. Maraming pagbabago.
“Kung iyon lang Ryan ay wala kang aalalahanin sa
akin. Wala siyang malalaman tungkol doon na sa aking manggagling. Pero Ryan,
may aaminin din ako sa iyo. Gusto ko si Tyrone. Ayaw ko lang pang sabihin, ayaw
ko lang magtapat dahil sa baka isipin niya na kaya ko lang siya nagugustuhan ay
dahil sa pinatira niya ako dito, na ipinasok niya ako ng trabaho. Tapat ang
hangarin ko sa kanya, kaya kung ang paglilihim lang tungkol sa iyong nobya ay
hindi problema, pero hindi mo ako mapagbabawalan na mahalin ko siya. Salamat at
nasabi mo ang iyong saloobin. Siguro ay dapat na kong kumilos dahil makakaribal
kita. Pasensya na, gusto ko si Tyrone. Sakali mang hindi niya ako tugunin ay
tatanggapin ko ang kanyang pasya,” pagtatapat ni Rom.
Doon ako kinabahan ng husto. Nahahalata ko na
kasi na nagpaparamdam na siya simula pa lang ng mapatira siya dito. Hindi pwede
ito. Pero paano. Ano ang gagawin ko. Mahal ko na si Tyrone, sigurado na ako
ngayon. Hindi siya pwedeng mapunta kay Rom.
“Salamat Rom. Pasensya na at naabala ko ang
pagtulog mo. Sige na, matulog na rin ako at maaga pa ang duty ko. Sige na.”
Hindi ako dalawin ng antok. Inalala ko ang lahat
ng kabutihan ginawa sa akin ni Tyrone. Ipinasok ako sa trabaho, pinatira sa
kanyang condo ng wala ni kusing na gagastusin, at higit sa lahat ay ang
papag-aralin ako. Napakalaking utang na loob iyon.
Hindi rin siya mapagsamantala. Kung gugustuhin
lang niya ay handa ko namang ipagkaloob ang aking katawan. Mahal niya ako,
inamin niya sa akin, pero hindi pa ako handa noon. Ngayon ay pwede ko nang
tugunin ang kanyang pagmamahal sa akin.
Pero, bago iyon ay kailangan ko munang ayusin ang
napasukan kong problema.
Kung tutuusin ay lamang na ako kay Rom dahil sa
sinabi ni Tyrone sa akin na mahal niya ko. Hindi ako makasagot sa kanya noon at
naunawaan naman niya ako. Hihintayin daw niya na magkaroon din ako ng feeling
sa kanya.
Sa ngayon ay nagkaroon tuloy ako ng alinlangan
kung may pagtingin pa rin sa akin si Tyrone. Madalas na nagkakausap at
magkasabay pa sa pagpasok at pag-uwi sila ni Rom at madalang na rin kaming
magkausap ng madalas ni Tyrone. Napabuntong hininga ako. Para tuloy nanikip ang
aking dibdib.
Hindi pa naman huli ang lahat. Kailangan ko na
ring makipaghiwalay kay Myra. Unfair kasi sa kanya kung ipagpapatuloy ko pa ang
relasyon namin. Desidido na akong ligawan si Tyrone. Bubuhayin ko uli ang
pagmamahal niya sa akin sakaling nabaling kay Rom ang kanyang pagtingin.
May
karugotong……..