Kababata (Part 7)
Selos
John Mark
Umuwi na kami
matapos maglaro ng basketbal kasama ang barkada namin sa village. Nauhaw pa
yata si Simon kaya pagtapat sa bahay namin ay inanyayahan ko siyang pumasok
muna.
Binuksan ko na ang gate at pinauna ko siyang
pinapasok. Napalingon ako sa banda nina Jonas, nakatayo pa siya sa labas ng
gate nila at nakatanaw sa akin. Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya, peo
parang lumamlam ang tingin. Kakawayan ko sana, bigla naman pumasok na at
nagsara ng gate.”
-----o0o-----
Napangiti ako.
sinigurado pa talagang nakapasok na ako ng bahay namin bago pumasok sa kanilang
bahay si Jonas. Ang sarap isipin na may nag-aalala sa akin hehehe.
“Nora, may juice pa
ba tayong malamig?” Tanong ko kay Nora na siyang nagluluto ng aming
pananghalian.
“Oo naman, palagi
naman eh, iinom ka ba?”
“Oo, pero ako na
lang ang bahala, may kasama ako galing sa laro kanina, makikiinom lang.”
“Doon ka na lang at
ilalabas ko, si Jonas ba ‘yun?”
“Hindi ah. Sige,
ikaw ang bahala, salamat.”
Halos kasunod ko
rin lang si Nora na may dalang tray na may baso at pitsel. “Uy John Mark, sino
siya, ang pogi rin ah. Pakilala mo naman ako,” ang kinikilig na wika ni Nora na
ibinababa sa table ang tray. “Ipagsasalin ko na kayo,” wika pa niya.
Ngiting-ngiti ang
loka habang inaabot ang basong may juice kay Simon. “Hi! Ako si Nora, ang
dakilang julalay dito hihihi. Anong pangalan mo?” – si Nora na lumalandi naman.
Ganon naman si
Nora, mabait naman siya, kaya lang ay may kalandian. Biro lang naman ang
paglalandi niyang iyon, patawa baga. Napangiti naman si Simon, pronounced as
Saymon.
“Simon po, kaibigan
ako ni JM.” Sagot naman ni Simon.
“Ang gwapo-gwapo
mo, bakit ngayon ka lang pumunta rito?” – si Nora, ang kulit talaga.
“Ay hehehe, hindi naman,
mas gwapo sa akin si JM,”
“Nora, ‘yung
niluluto mo, baka masunog na.” sabad ko.
“Hininaan ko ang
apoy, dito ka na mananghalian Simon. Kami lang naman ang narito, para may
kasabay kaming mga gwapo ahaayyyy.”
“Naku hindi na po,
mabaho po ako, hindi pa ako nagsasa-shower, amoy pawis pa ako.” – si Simon.
“Dito ka na lang
mag-shower, sabay na kayo ni John Mark, manghiram ka na lang ng damit sa
kanya.” – si Nora.
“Dito ka na nga
kumain, mag-swimming muna tayo, doon na lang tayo mag-shower, tapos talon na tayo
sa pool.” Anyaya ko, para kasing napahiya ako kay Nora, kaya inanyayahan ko na.
“Sinabi mo yan ha,
sige.”
“Sandali ha, kukuha
lang ako ng twalya at short na pampaligo natin,” paalam ko kay Simon.
-----o0o-----
“Alam mo JM, ang
swerte-swerte mo, dito ka nakatira sa malaking bahay na ito,” wika ni simon na
habang naka-floating katabi ko.
“Tama ka diyan.
Swerte ko talaga dahil narito ako sa Manila at nag-aaral. Swerte ako dahil sa
may mayaman akong tiya na sobrang bait pa sa akin. Gusto ko ngang tumulong dito
sa gawain dito, pero ayaw akong pagawain ng mga kasambahay dito, baka daw
mawalan sila ng trabaho dahil hindi na kakailanganin pa hehehe. Nakakahiya
kasi, para akong senyorito dito.”
“Ayaw mo non. Sa
amin nga ay palagi akong nauutusan ni Mommy, maglinis at kung ano-ano pa. Wala
kasi kaming kasambahay.”
“Mas gusto ko nga
na may ginagawa eh, sanay naman ako sa mga mabibigat na trabaho. Sa isla nga ay
nangingisda ako, nagkakargador, nagsasaka, basta may pagkakitaan, tuloy, parang
nanghihina ako.”
“Kaya pala ang
ganda ng katawan mo, akala ko nga noon ay palagi ka sa gym eh.”
“Hindi… may mga gym
equipment dito si Tiyo, yung namatay na asawa ni Tiya. May sarili siyang gym
dito, doon na lang ako nagbubuhat at iba pang exercise. Punta ka uli dito
bukas, sabay tayong mag-buhat. Wala rin naman kayong pasok bukas, ‘di ba?”
Tawagan muna kita,
baka maraming ipagawa sa akin si Mommy.”
Marami pa kaming
napagkwentuhan hagang naghaharutan. Ngayon ko lang nakasama ng ganito si Simon,
masarap din pala siyang maging kaibigan, bukod sa gwapo rin naman.
“John Mark, gusto
mo bang dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain? Mamaya pa ba kayo aahon?”
tanong ni Nora.
“Naku hindi na
Tita, magsa-shower na rin kami, baka kasi hinihintay na rin kami ni Mommy,”
tanggi ni Simon.
“Don’t call me tita,
just ‘Nora’, tumatanda kasi ako lalo kapag tinatawag na Tita Nora hehehe.
Syanga pala John Mark, nagpunta si Jonas, tinatanong ka. Nang sabihin ko na
nagsu-swimming kayo ay babalik na lang daw uli.”
“Kailan siya
nagpunta?”
“Kani-kanina lang,
kaagad din namang umalis.”
“Ganun ba.”
“Halika na JM,
mag-shower na tayo. May shower ba dito?”
“Oo, hayun oh, tara
na.”
Sabay na kaming
nagshower. “Hoy, bakit ka naghubo?”
“Maliligo, bakit…
naka brief ka ba kung maligo? Saka, wala din akong dalang brief. Pahiram na
lang ha.”
“May dala na ako,
bago iyon kaya sa iyo na lang.”
“Mag-hubad ka na
rin! Gusto mo ba ay ako pa ang maghubad sa iyo? Nahihiya ka ba eh pareho lang
taman tayong lalaki.” wika ni Simon na nilapitan pa ako at akmang huhubaran
talaga ako.
“Oo na, oo na!
Huhubarin ko na. Nakakasiguro ba ako na lalaki ka?” biro ko.
“Ahay hindi,
nababading na kasi ako sa iyo eh, hehehe. Hello baby!” wika ni Simon na
nagbading-badingan.”
“Hindi bagay.” Sabi
ko. Naghubad na rin ako.
“Wow pare, ganyan
ba talaga iyan, patay pa eh ang haba na. Papano pa kaya kung tigas na. Grabe ka
pare, nasa iyo nang lahat ang magugustuhan ng babae. Anong size mo JM?”
“Maligo na lang
tayo, kung ano-ano ang napapansin mo. O… bakit? Bakit titig na titig ka sa
burat ko.?”
“Patigasin mo nga,
sukatin ko lang. Kasi ang sa akin ay wala pa yatang sais, ang sa iyo ay baka
nasa otso na eh. Sige nga, patigasin ko,” wika ni Simon.
“Ang bastos mo.
Hoy! Hoy! Ano ka ba Simon? Bading ka ba? Para kang gago,” gulat kong wika dahil
hahawakan na talaga ang titi ko. Napaka-bastos.”
“Susukatin ko lang,
para yun lang. Sige na, aaminin ko na, bading akwo hihihi,” si Simon na umarte
na naman bading, mukha talagang bading hehehe.”
“Hoy Simon!
Nagdududa na ako sa iyo ha!” wika ko sabay batok.
“Aray ko naman.
Nagbibiro lang eh.”
Baka kung saan pa
talaga mapunta ang biroang iyon, kaya tinapos ko na ang paliligo, maliligo na
lang uli ako.
-----o0o-----
Pagkakain namin ay
nagpaalam na rin kaagad si Simon. “Thank you sa lunch Nora. Thank you sa inyong
lahat, huwag kayong madadala sa akin ha dahil madadalas ang punta ko rito.
Bukas JM, tawag ako kapag makakapunta ako para mag-gym tayo.
Naiwan na naman
akong mag-isa. Heto, wala na naman akong magagawa nito, walan kausap dahil sa
busy palagi ang mga kasambahay. Naisipan kong tawagan si Jonas.
-----o0o-----
Jonas
Ano bang nangyayari
sa akin ngayon, bakit ba parang nagseselos ako kapag may bagong nakaka-close si
JM. Kanina, pagkagaling naming magbasketball, nakita kong pinapasok pa niya si
Simon sa loob. Ano bang gagawin niya sa loob.
Hindi ako mapakali,
patanaw-tanaw ako sa tapat ng bahay nila, hinihintay ko ang paglabas ni Simon,
pero namantot na ako sa paghihintay ay hindi ko nakikita. Inisip ko na baka
hindi ko lang napansin kaagad.
Naghintay pa ako ng
matagal-tagal, wala pa talagang lumalabas na Simon. Parang nagagalit na naman
ako. Para makasiguro akong nakaalis na si Simon ay pumunta ako sa bahay nila.
Si Nora ang nagbukas ng gate, nang itanong ko kung nasaan si JM ay sinabing
nasa pool at nagsu-swimming sila ni Simon. Parang bumigat ang aking dibdib,
parang may kumurot. Nakaramdam ako ng pagkayamot, hindi ko naman pinahalata kay
Nora.
“Ganun ba. Sige,
pakisabi na lang na nagpunta ako.”
“Hindi ka ba
papasok muna? Puntahan mo na lang sa pool.”
“Hindi na, baka
masira ko pa ang kasayahan nila. Sige, alis na ako.”
Shet! Naidabog ko
tuloy ang gate pagpasok ko sa bahay namin. Naiinis kasi ako. Ang tagal na
naming magkaibigan, hindi man lang ako naayang mag-swimming sa kanilang pool.
Mabuti pa itong si Simon. Hindi kaya nung nagkatampuhan kami ay palagi na itong
napunta sa kanila? Baka sila na ngayon ang mag-bestfrien ah. Hindi ako
makapapayag nun, ako lang ang bestfriend ni JM.
Pumasok na ako ng
aking silid at doon naghimutok ng husto. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
Kahit anong tawag ng aming kasambahay ay hindi ako lumabas.
Paikot-ikot ako sa
aking kama, nag-iisip ng sasabihin sa kanya ng tumungog ang aking CP, si JM,
tumatawag. Masama pa ang loob ko kaya hindi ko sinagot. Pero ng huminto na ang
pag-ring ay nanghinayang naman ako, parang nagsisisi na bakit hindi ko sinagot.
Mabuti na lang at muli siyang tumawag. Mabilis ko na iyong sinagot.
“Hello JM. Sorry at
hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo, nasa banyo kasi ako. Tatawagan na sana
kita eh, nauna ka lang. May kailangan ka ba?”
“Wala naman,
nagpunta ka raw dito, sabi ni Nora.”
“Ha, ah oo, nasabi
pala sa iyo ni Nora.”
“Sinabi niya sa
akin. May kailangan ka ba? Hindi ka raw tumuloy, bakit?”
“Ha! Wala naman
akong kailangan, gusto ko lang makipagkwentuhan, wala kasi akong kasama sa
bahay, walang makausap.”
“Eh bakit hindi ka
nga tumuloy, sana ay nag-swimming ka na rin, ang saya kaya namin ni Simon. Mas
masaya sana kung tatlo tayong lumangoy.”
“Hindi na talaga
ako tumuloy, baka kasi makaabala ako sa inyo.”
“Nagtatampo ka ba?
Iba kasi ang tono mo, parang nagtatampo ka. Wala namang ganyanan. Punta ka dito
o ako ang pupunta sa inyo.
“Hi-hindi ako
nagtatampo, bakit naman ako magtatampo. Talaga ba, pupunta ka rito?”
“Kung gusto mo ba
eh.”
“Hindi, ako na lang
ang pupunta diyan, baba ka na, ikaw ang gusto kong magbukas sa akin ng gate.
Hintayin mo ako ha at pababa na ako, huwag mong ibaba ang phone, gusto kong
kausap ka pa habang naglalakad ako patungo sa inyo. Open mo yang cam mo.”
Pababa pa lang
siya, mauuna pa akong dumating kesa pagbuksan niya ako ng gate. Bakit ba ang
gwapo-gwapo ng tingin ko sa kanya ngayon, ano ba ako, bakla na ba ako? Shet
naman.
“Hoy, baka madapa
ka, may humps diyan sa daraanan mo, hala ka. Kapag nadapa ka ay pagtatawanan pa
kita,” wika ni JM na kausap ko pa rin sa messenger.
“Ang lupit mo
naman. Ay ay ay!” nagkunwa akong madadapa kaya nawala sa frame ang aking
sarili.
Natawa ako dahil sa
pagbukas ng gate nila at tila tatakbo na, nakita lang niya akong nakatayo na sa
harapan nila, ang mga mata niya ay nagsasabi ng pag-aalala.
“Ano, nadapa ka ba?
Sinabi nang mag-ingat eh,” wika ni JM.
“Eh kung nadapa
ako, anong gagawin mo?”
“Eh di tatawa
hehehe. Nadapa ka nga ba.”
“Hindi ‘no! Ano
ako, lampa? Hindi mo ba ako papasukin?”
“Sorry, ikaw kasi.
Halika, tuloy ka na. Para ka namang iba pa rito,” wika ni JM.
Pumasok na ako,
pero hindi ako sa loob ng bahay nila tumuloy.
“Saan ang punta
mo?” tanong niya.
“Doon na lang tayo
sa may garden, doon sa may Gazebo, mas gusto ko roon, walang makikinig sa
pag-uusapan natin hehehe,” tugon ko.
“Sige mauna ka na
at susunod na lang ako. Kukuha lang ako ng tsitsirya, yung paborito mo.”
Pumasok na siya ng
bahay, ako naman ay doon na sa gazebo nila nagtuloy at naghintay. Saglit lang
naman ang paghihintay ko, pagdating niya ay may dala nang sprite in can at
isang garapon ng mane.
“Alam mo ba Jonas,
naging paborito ka na rin itong mane, napagaya na ako sa iyo. Alam mo bang ako
pa ang nagluto niyan. Tikman mo at napaka-lutong at masarap, hindi maalat,” may
pagmamalaki niyang wika sa akin.
“Talaga lang ha.
Baka naman masobrahan ka, taghiyawatin ang makinis mong mukha.”
“Hindi naman
mahahalata eh, maitim kasi ang mukha ko,” tugon ni JM.
“Hindi itim yan,
kayumanggi, pero pumuputi ka na nga eh. Ano nga palang ginawa ni Simon dito?”
“Nakikinom lang
yung tao, eh itong si Nora, alam mo naman yung babaeng iyon kapag nakakita ng
pogi, inofferan na dito na sa aming mananghalian. Medyo napahiya naman ako kaya
sinegundahan ko na lang.”
“Nag-swimming daw
kayo.”
“Oo, gusto sanang
umuwi muna para mag-shower dahil amoy pawis. Babalik na lang daw. Heto na naman
si Nora, at sinabihan akong dito na lang papag-shower-rin, pahiramin ko na lang
daw ng twalya at short. Eh sabi ko mag-swimming na lang kami. Bakit ba
tinatanong mo pa iyon?”
“Wala lang, gusto
ko lang malaman. Naiinggit kasi ako, hindi mo pa ako na-imbitahang mag-swimming
dito.”
“May pool din naman
kasi kayo. Ako nga ay hindi pa nakapapasok sa loob ng bahay ninyo eh.”
“Nahihiya kasi ako,
kasi mga tsismosa ang kasambahay namin, baka isumbong ako kay Papa na nagsasama
ng iba sa bahay.”
“Masama ba iyon?”
“Ayaw nila ng hindi
kilala.”
“Kaibigan siya ni
Tiya ah, saka kilala din naman na siguro ako, naipakilala na ako ni tiya.”
“Halika nga dito,
tabi tayo, gusto ko nakasandal sa iyo,” lambing ko kay JM.
“Hala, bakit. May
sandalan naman.”
“Naglalambing lang
naman eh. Sige na,” pamimilit ko.
“Ano ka, baka
makita tayo ni Nora, kilala mo naman iyon, baka kung anong isipin.”
“Anong iisipin
niya?”
“Hah ah eh, ewan.
Basta!” tugon niya na napapakamot na sa ulo. Nasukol na walang maisagot.
“Halika na,”
pamimilit ko uli.
“Sige na nga! Ang
kulit mo.”
Tinabihan na niya
ako, agad ko namang inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Kelan pa kayo
naging close ni Simon?”
“Jonas… lahat ng
kaibigan ko, ang turing ko ay close kami, Tulad mo, close tayo.
“Close lang? Tulad
lang nila ako? Ayoko ng ganon, gusto ko very close tayo. ‘Di ba sabi ko sa iyo,
espesyal ako? Bestfriend tayo ‘di ba? Kaya hindi tayo close lang, espesyal ako
hindi kagaya nila. Saka kapag kaharap mo ako, huwag kang kadikit sa kanila,
lalo na sa Simon na iyon, pati na kina Eduard at Kent.”
“Ha! Bakit?”
“Nagseselos ako
eh,” sagot ko.
Tinitigan niya ako,
matagal. Tinitigan ko rin siya, tingin ko, gusto niyang mangiti, kinilig
hehehe.
“Bakit ka naman
magseselos, ano ba kita?” tanong niya.
“Bestfriend. Ganon
kasi ako, kahit sa bestfriend ko ay nagseselos ako kapag may ibang ka close.”
“Ewan ko sa iyo,”
sabi niya na bahagyang lumayo sa akin, naalis tuloy ang pagkakahilig ko sa
kanyang balikat. Diretso ang tingin, ayaw tumingin sa akin. May naisip akong
gawin hehehe. Sinundot ko ng daliri ang kanyang pisngi. Nakowwww, palpak. Akala
ko kasi ay lilingon siya, pero hindi. Gusto ko kasing maglapat ang aming labi,
kaya pag lingon niya ay nakaabang ang aking labi na saktong madidikit sa aking
labi. Ewan ko, gusto ko siyang halikan.
Inulit ko uli ang
pagsundot sa pisngi niya, this time ay lumingon siya, sakto, dumikit ang labi
niya sa aking labi, tagumpay ako.
“Jonas, ano ka ba?
Nakakainis ka na!.” Ewan ko kung totoong naiinis, feeling ko kasi ay gusto din
niya, parang nakangiti eh, kumwari pa ay panay ang kuskos sa labi ng likod ng
kanyang palad, hindi naman dumidikit.
“Ewan ko sa iyo,
umuwi ka na nga?”
“Sorry naman, hindi
ko naman sinasadya eh!”
“Hindi sinadya,
sinong niloloko mo?”
“Hindi nga. Kung
ayaw mong maniwala, eh di Huwag. Makauwi na nga.”
“Umuwi ka na nga,
nakakainis ka,” tugon niya.
Nang nasa gate na
ako at palabas na ay may sinabi siya na ikinatuwa ko at ikinainis at the same
time.
“Punta ka dito
bukas, mag gym kami ni Simon dito sa mini gym, sa umaga iyon,” wika niya, sabay
sarado sa gate, Hindi na ako nakasagot pa.
Itutuloy………………