Ang Dati Kong Bayaw (Part 17)
Ismael
Nalaman na ni Mama ang aming relasyon ni Kuya
Nick dahil sa nahuli niya kaming naglalampungan. Ipinagtapat na namin sa kanya
ang lahat. Maging kay Ate Elsa ay ipinaalam na namin. Wala na siyang tutol pa
dahil sa tinapat na raw siya ni Kuya Nick na hindi na mangyayari pa ang gusto
niyang pagbabalikan dahil sa may iba nang mahal si Kuya. Syempre ako Iyon.
Hinayaan na lang kami nina Mama at Ate. Wala na
naman silang magagawa dahil sa nasa hustong gulang na ako at hindi naman nila
ako mapipigilan na mahalin si Kuya.
Umuwi na ng probinsya si Mama at ihinatid namin
siya sa terminal ng bus. Pagkahatid ay diretso kami sa apartment para kausapin
ang may-ari para makapag-paalam na dahil sa condo unit na raw ako ni Kuya
titira. Ngayon nga ay nasa condo unit na kami at naglalambingan hehehe.
“Ano nga pala ang gusto mong itawag sa akin,”
tanong ni Kuya Nick.
“Ano pa ba, syempre kuya Nick. Sanay na ako sa
tawag ko sa iyo eh,” tugon ko.
“Wala man lang espesyal na tawag, halimbawa ay
‘hon’, ‘babe’, ‘love’ o di kaya ay ‘mahal’. “
“Ayiiiiiiiiiiii, ang sweet naman. Kuya na lang.”
Malambing kong wika.
“Ikaw bahala. Basta ang itatawag ko sa iyo ay
‘honey my love’,” sabi ni Kuya.
“Sweet talaga ng kuya ko. Pa kiss nga!” sabi ko.
Pinupog ko siya ng halik kung saan-saan. Sa noo, sa magkabilang pisngi, sa mga
mata, sa baba, pero bigla niya akong hinalikan sa lips, kaya hayun, laplapan na
naman, nakakainis hehehe. Ang sarap-sarap ng halik niya. May landi na ako pati
sa aking isipan hahaha.
“Goli na tayo. Sandali ha at i-prepara ko ang
bath tub. Lagyan ko ng bubble na may scent saka sindihan ko ang scented candle
para sweet sa romansahan natin hehehe.”
Syempre may nangyari, hindi ko na idetalye pa,
nakakahiya. Napag-usapan na kasi namin na wala nang hiyaan. Dapat daw ay kung
anong nararamdaman at gusto ay huwag mahiyang sabihin at gawin. Iyun nga, sobra
na akong bastos hehehe. Mahal ko eh hahaha.
-----o0o-----
Doble talaga ang saya ko. Biruin mo, kapapasa ko
lang sa board exam at kasama sa top 20 ng mga board passers, tapos ay malaya na
kaming magmahalan ni Kuya. Parang tumama ako ng jackpot sa lotto, napasa akin
na ang lalaking pinangarap ko.
Open na rin ang relasyon namin ni Kuya maging sa
ka-officemate ko at sa aking mga kaibigan. Boto nga sila kay Kuya dahil sa
bukod sa napaka-gwapo na ay mabait pa.
Binati rin ako ni Engr. Caloy. Nang itanong ko
naman ang tungkol sa kanila ni Zion ay sinaway ako. “Huwag kalakas, secret pa
rin ang sa amin,” mahina niyang wika, halos pabulong.
“Masayang-masaya nga ang tingin ko sa iyo eh,
mukhang palaging solve ang gabi ninyo,” biro ko.
“Sinabi mo pa, ang L kasi niya hehehe.”
Ganon na kami mag-usap ng aking boss. Wala na
kaming lihiman. Maligaya daw siya sa piling ni Zion bagamat ayaw pa nilang
aminin sa iba. Okay daw naman sa kanila ang ganon. Sa bahay ay sweet and very
sweet sila palagi, pero kapag magksama na sa labas ay friend lang, walang
harutan, walang holding hands o akbayan man lang hehehe.
“Malaki ang nawawala sa inyo habang inililihim
ninyo iyan sa madlang pipol,” sabi ko.
“Hindi pa ako handa eh, gustong gusto na nga ni
Zion at tanggap naman ako sa kanila. Na meet ko na ang parents nila.” Sabi ni
Engr.
“Okay, saan ba tayo ngayon?” tanong ko. May field
work na naman kami.
-----o0o-----
Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan.
Limang buwan na pala ang lumipas at lalo lang naming minahal ni Kuya ang
isa’t-isa. Walang oras na hindi kami nagte-text kapag pareho kaming nasa
trabaho at pag-uwi naman namin ay animo ang tagal naming hindi nagkita.
Once a month ay nagde-date kami sa ibang lugar,
sa beach, sa resort, pasyal pasyal lang. At kahit saan kami makarating ay
syempre may nangyayaring kababalaghan tulad ngayon na nasa Baguio kami at ang
lamig ng klima hehehe.
Hindi nawawala ang lambing namin sa isa’t-isa.
Showy siyang masyado. Minsan nga ay ako ang nahihiya hehehe.
Habang magkayakap kami sa isang hotel room sa
baguio ay natanong ko si Kuya. “Hindi ka ba nagsasawa sa akin kuya. Iisang
putahe ang natitikman mo, iyon at iyon din haha.”
“Pano naman ako magsasawa ay iba-iba namang ang
ginagawa mo, natin. Kaya nga nag-eeksperimento tayo ng love making eh at kahit
paulit-ulit ay hindi ako magasasawa sa iyo kasi mahal kita.”
“Haaaayyyy! Ang sweet talaga ng kuya ko. Love you
uhmmmm tsup tsup tsup.” Wika ko sabay halik kung saan-saan.”
“May pantasya ka rin ba? ‘Yung hindi pa natin
nagagawa. Gusto kong malaman. Malay mo kaya nating gawin. Sige na, huwag ka
nang mahiya.” Tanong ni Kuya Nick.
“Walaaaa, ikaw lang eh sobra-sobra na, hehehe.”
Sagot ko.
“Sige, sabi mo eh. Halika nga rito, yakapin mo
ako ng mahigpit, giniginaw ako.”
CENSORED
NA LANG MUNA HEHEHE.
-----o0o-----
Gaya ng dati, masigla na naman akong pumasok sa
trabaho, syempre nadiligan eh hehehe..
“Ganda ng ngiti ni Engr.Mael oh. Mamaya mawawala
na yan hehehe,” bati sa akin ng isa kong officemate.
“Maganda lang ang gising ko, pero ano ba yun? May
pasabog na naman ba?” tanong ko.
“Engr
Mael, pinatatawag ka ni Sir Caloy,” wika ng sekretarya ni Engr Caloy.
“Bakit daw?”
“Aba malay ko,” sagot ng sekretarya. “Mainit ang
ulo, mukhang hindi naka score hehehe,” bulong pa nito.
Pumasok na ko, pero kumatok muna ako ng mahina.
“Pasok ka. Upo,” wika ni Engr. Caloy. Hala, mukhang mainit nga ang ulo.
“May… may kailangan ka ba?” alangan tanong ko.
“Ikaw na ang pumunta ng Batangas, ikaw na ang
makipag-usap sa mga sub-con natin at mag inspect ka na rin. May problema daw sa
isa nating project sa Bulacan, doon sa ginagawang bagong airport, doon ako at Ikaw
na ang bahala sa Batangas, wika ni Engr. Caloy.
“Now na?” tanong ko.
Pinandilatan ba naman ako at parang si Bitoy
alyas asisimo ba yun na saguting ba naman ako ng: “Hindi! Sa isang taon pa.
Hindi kita minamadali.”
“Oo na! Oo na! Lalakad na. Anong gagamitin kong
sasakyan?” tanong ko na naman.
Ihinagis niya sa akin ang susi ng kotse. “Kotse
ko iyan, gagamitin ko na lang ang company car. Ingatan mo yan ha.”
Hindi ko na kinausap pa ang mga officemate ko na
nakatingin sa akin. Gustong makahagilap ng tsismis hehehe.
Mas gusto ko namang mag-field ng solo,
nakaka-lakwatsa ako. Bukod pa sa libre ang aking pagkain, may per diem pa
hehehe. Dalawang oras din akong bumiyahe. Wala naman masyadong problema sa
project, medyo advance nga sila sa tinatarget naming completion. May mga minor
na puna lang ako. Pinaalam ko iyon sa aming field engeneer. Eto, pinara-rush
ang payment sa bill ng contractor at wala na raw silang pang payroll. Sinabi ko
naman na ako ang bahala.
Nag-text si Engr. Baka late na daw siyang
makauwi. I-uwi ko na lang daw muna ang kotse at bukas na dalhin sa opisina.
Very good naman hehehe. Nagpaalam na ako para bumalik na ng Manila. 4:30 ay
nasa Cubao na ako. Nag call ako kay Kuya Nick, cannot be reach. Sa office na
ako tumawag, lumabas daw ng office dahil may tumawag sa kanya at mukhang
emergency daw dahil nagmamadali.
Ano kaya ang emergency na iyon. Inabot pa ako ng
traffic. Past five na nang makarating ako ng Makati Area. Naisipan kong dumaan
muna ng mall. May bibilhin nga pala akong konting grocery. Nagbabayad na ako ng
matanaw ko si Kuna Nick na naglalakad at may kaakbay na isang babae. Mabuti na
lang at konti lang ang aking binili at sandali lang ay natapos na akong
makapagbayad. Hindi ko sila kaagad na nakita. Kinakabahan ako, hindi ko alam
kung bakit.
Naglakad pa ako kung saan direksyon sila papunta
kanina. Hayun, lumabas sila sa isang stall. Si Ate Elsa ang kasama niya. Bakit
sila magkasama? Hindi ako nagpakita sa kanila. Gusto kong malaman kung saan
sila pupunta. Tumigil na naman at pumasok na naman sa isang stall. Tindahan
iyon ng damit. Tinanaw ko sila mula sa labas. Salamin naman ang dinding. Hala,
parang ang taba ni Ate at parang malaki ang tiyan, buntis ba si Ate? Mga damit
pambuntis nga ang karaniwang naka display sa shop
Medyo nagtagal sila sa shop na iyon, hindi ko na
sila makita. Papasok na sana ako pero nakita ko nang papalbas na sila, tila
nagawi sa banda ko ang tingin ni Kuya, ewan lang kung nakilala ako. Nagmamadali
akong naglakad papalayo at tinungo na ang parking area. Pagpasok ko sa kotse ay
kaagad kong tinawagan si Kuya. Nagri-ring pero hindi sinasagot. Ngayon lang niya
hindi kaagad nasagot ang tawag ko. Inisip ko na lang na baka naka silent, pero
usually kapag naka silent ay nagba-vibrate. Umuwi na lang ako.
Hindi ko na muna inisip ang aking nakita habang
nagda-drive ako pauwi. Malapit na lang naman ako sa condo. Pagdating ko ay
nagpalit lang ako ng damit at nagpunta na ng kusina para lutuin ang binili kong
liyempo. Paborito kasi ni Kuya Nick ang adobong liyempo. Nang makaluto na ako
ay nanood muna ako ng TV habang hinihintay ko si Kuya. Wala naman sa palabas
ang aking atensyon, iniisip ko pa rin kung bakit siya nakipagkita kay Ate Elsa.
Parang buntis si Ate, pero kanino. Wala naman siyang sinasabing bagong nobyo
man lang.
Alas otso na ay wala pa rin si Kuya. Ayaw kong
mag-isip ng masama. Ngayon lang naman siya hindi umuwi ng tama sa oras at kung
gagabihin man siya ay tumatawag o di kaya ay nagme-message sa akin. Nagugutom
na ako, pero hindi ako sanay na hindi siya kasabay kumain. Hinintay ko pa rin
siya.
Nine o’çlock, may nagbukas ng pinto. Bakit kaya
hindi na lang siya kumatok. Ang akala kaya niya ay wala pa ako?
“Honey my love, gising ka pa pala. Akala ko ay
tulog ka na kaya ginamit ko na lang ang susi ko at hindi na Kumatok,” wika niya
habang papalapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
“Si Kuya, alam mo naman na wala akong ganang
kumain na hindi ka kasabay eh. Hinintay talaga kita. Hulaan mo ang ulam natin,
Kaya lang ay malamig na.” masigla ko pa ring tugon ko. “Sandali lang at
maghahain na ako.”
“Paborito iyon eh, naamoy ko na pagpasok ko pa
lang, adobong liyempo hehehe. Tama?” tugon ni Kuya. Normal naman siya, parang
wala naman siyang itinatago o ginawa man lang iba.
“Magpalit lang ako ng damit ha, sunod na ako,”
wika ni Kuya Nick.
Paglabas niya ay hawak na ang kanyang CP. “Honey
my love, sorry ha, tumawag ka pala sa akin ng ilang beses at hindi ko nasagot,
naka silent kasi ang phone ko.” Paumanhin ni Kuya. “Nag text ka rin pala.”
“Oo nga eh. Hindi ba naka vibrate ang phone mo
kapag naka silent ka? Nasaan ka ba kanina?” Tanong ko habang inilalapag ko ang
ulam sa mesa.
“Nasa labas kasi ako, may tumawag sa akin at
gusto akong kausapin. Gusto niyang doon kami mag-usap sa mall diyan malapit sa
office namin,” Alibay ni Kuya. Tama naman ang sinabi ng kanyang sekretarya na
nasa labas siya.
“Sino iyon?” tanong ko uli. Naupo na ako. “Kain
na tayo.” Nilagyan ko na siya ng kanin at ulam sa kanyang pinggan.
“Kaibigan ko, nanghihiram sa akin ng pera. Buntis
at wala raw siyang kapera-pera, magpapa-check-up daw bukas. Nagpabili pa nga sa
akin ng damit pambuntis eh.” Rason niya.
Napaisip ako kung si Ate Elsa nga ang nakita ko,
kasi ay tama naman ang sinabi niya. Naku, mabuti na lang at hindi ko siya
kaagad sinita. Kung hindi ay baka napahiya pa ako.
“Bakit? Yung asawa niya, yung ama ng bata. Bakit
hindi siya doon nanghiram ng pera?” May pagtataka kong tanong.
“Wala, nabuntis lang daw at hayun iniwan at
nag-asawa ng iba. Naawa nga ako eh kaya pinahiram ko na lang. Limang libo at
ibinigay ko na lang yung damit pambuntis.” Sabi niya.
“Kuya ha, baka ano ha. Ayokong maghinala hehehe.
Magsabi ka kaya ng totoo. Joke lang, pinamulahan ka naman kaagad. Tapusin na
muna natin ang pagkain, saka tayo magkwentuhan hehehe.”
Pagkakain ay nag-aya nang matulog ni Kuya Nick.
Sa silid ay wala munang lambingan. Kung sabagay, pagod din ako dahil sa ako ang
nagdrive. Hindi ko tuloy nakwento ang araw ko ngayon.
Hindi ko na uli inusisa ang nakita ko noon,
inisip ko na lang na baka nagkamali ako at hindi iyon si Ate. Wala naman akong
nakitang pagbabago sa kanya. Kapag may problema siya, kahit maliit lang ay kaagad
kong nahahalata, pero ngayon ay wala naman. Balik nga kami sa kulitan kapag
matutulog na eh. Iwinaglit ko na lang sa aking isipan ang nakita.
-----o0o-----
Nick
Kinabahan ako. Nakita ko si Ismael my love sa
mall kung saan ako naroon kasama si Elsa. Tinawagan kasi ako ni Elsa at gustong
makipag-usap kaya ako naroon. Pinuntahan ko siya dahil napaka-improtante raw
para sa aming dalawa ang kanyang sasabihin. Kinabahan ako sa kanyang sasabihin.
Naalala ko pa noong una niya akong tinawagan at magusap daw kami.
Two months na kaming nagsasama ni Ismael noon.
Nagkita kami dito rin sa mall na ito. Nagulat talaga ako sa ibinalita niya sa
akin. Buntis daw siya magdadalawang buwan na at ako ang ama. Naalala kong
nakipagtalik nga pala ako sa kanya noon mag-oath taking si Ismel. Pinagpawisan
talaga ako, hindi ko alam kung paano ako nag-react. Usually kasi ay napapatalon
ang isang lalaki kapag nalaman na magiging ama na siya, pero ako ay
pinanlamigan ng katawan.
“Sigurado ka ba?” tanong ko.
“Kagagaling ko lang sa doctor, palagi kasi akong
nahihilo at nagsusuka. Naghinala ang doctor na baka buntis ako kaya nag conduct
ng pregnancy test. Positive at magdadalawang buwan na raw. Wala naman akong
ibang nakatalik noon at matagal na kaming wala ng aking boss. Ikaw lang ang
nakatalik ko at wala ng iba simula noon kaya alam kong ikaw ang ama ng bata sa
aking tiyan,” kwento ni Elsa.
“A-a-anong balak mo?” garalgal kong tanong, gulo
ang aking isipan.
“Ikaw, anong gusto mong gawin dito?” tanong naman
ni Elsa.
“A-a-anong gagawin mo. Ma-ma-may binabalak ka
bang masama.”
“Sa ngayon ay balak kong mag-resign na. Kapag
mahahalata na ang aking tiyan at hindi ko na kayang itago ay balak kong
mag-resign na. Ayaw kong maging tampulan ng tsismis sa opisisna lalo na at alam
doon na nagkaoon ako ng relasyon sa aking boss.
“Ano nga ang balak mong gawin? Ano ang gusto mo?”
“Mag-decide ka, magsama uli tayo o ipalaglag ko
ang bata?” sabi ni Elsa.
“Putangina!” ang nasabi ko ng malakas.
Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. “Huwag tayo rito mag-usap. Humanap tayo ng
lugar na wala masyadong tao.”
“Doon tayo sa parking lot, doon naka park ang
kotse ko,” sabi ni Elsa.
“Huwag na huwag mong gagawin na ipalaglag ang
bata at hindi rin pwedeng magsama uli tayo. Mahal ko si Ismael at wala na akong
pagmamahal sa iyo. Hindi tayo magiging maligaya. Hindi ka ba naawa sa kapatid
mo?” mahina pero mariin kong wika.
“At paano naman ako, ang kahihiyan kong
sasapitin, magbubuntis ako ng walang asawa?” sagot ni Elsa.
“Sinadya mo bang akitin ako noon dahil balak mo
talagang mabuntis para pakisamahan kita. Pwes, hinding hindi iyon mangyayari.”
“At paano naman ang bata.”
“Susustentuhan ko ang bata.”
“Dalawang linggo, bibigyan kita ng dalawang
linggo para pag-isipan kung ano ang magiging desisyon mo. Kapag hindi ka pa
nakapag-decide sa loob ng dalawang lingo ay ako na ang magdedesisyon sa aking
sarili.
Naghiwalay kami na walang napagkasunduan. Gulong
gulo ang aking isipan. Hindi ako nagpahalata kay Ismael na may dinadala akong
problema. Hinusayan ko ang pag-arte at wala naman siyang napansin.
Kapag ako ay nag-iisa ay kung ano-ano ang aking
naiisip. Minsan tuloy naiisip ko na pumayag na lang akong magpalaglag siya,
pero hindi naman kaya ng aking konsenya. Ang tagal kong ginustong magkaanak
kami noong nagsasama pa kami, kung bakit ngayon pa. Ano ba ang dapat kong
gawin.
Magdadalawang linggo na at wala pa rin akong
naiisip na solusyon. Ano ba ang aking gagawin?
Huwebes ng tawagan ako uli ni Elsa at puntahan ko
raw siya sa tinitirhan niya. Nagdahilan ako na may tinatapos lang na trabaho at
pupuntahan siya after office. Pumayag naman siya. Kaagad naman akong tumawag
kay Ismael para magpaalam. Sinabi ko na may dinner meeting ako sa isang
kliyente. Dinner dahil gabi lang daw ito available.
Sa isang condo unit sa may pasig nakatira si
Elsa. Pagkadating ko ay wala nang formality pa agad akong sinalubong nang
tanong. “Ano na ang desisyon mo?
---Itutuloy---