Linggo, Marso 17, 2024

Short Stories From Other Blog # 129 - Mr. Bikini Boy 2011 By: Pilyong Atenista (From: sexavenue blog)

 


Mr. Bikini Boy 2011

By: Pilyong Atenista

(From: sexavenue blog)

 

“And the MR. BIKINI BOY 2011 goes to… Candidate no. 20!” sigaw ng contest host.

Halos lahat ay nag sitayuan at nagpalakpakan ng ako ay hirangin bilang Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya.

Halos tatlong taon na rin ang nakalilipas ng makuha ako ang kampyonato sa patimpalak na aking sinalihan. Ngunit, hindi pa rin maalis ang ngiti at sayang nadarama ko, hindi dahil sa napanalunan ko kundi, dahil sa isang taong naging inspirasyon ko sa pagsali sa paligsahang iyon.

-----o0o-----

Alas tres na ng hapon ng matapos ang aking duty sa radio station na aking pinagtatrabahuan. Nagpa-part time kasi ako sa radio station upang may pantustos ako sa aking pag aaral sa kolehiyo lalo na at pamahal ng pamahal na ang matrikula sa Unibersidad namin.

Hindi lang pagdi-dj ang aking part time job. Rumaraket din ako sa pag model-model at pagsama sa mga male pageants. Sayang din kasi, nakakadagdag na rin kahit papaano. Dise-syete anyos pa lamang ako ng simulan ko na ang pagiging madiskarte sa buhay.

 

Tatlong araw makalipas ang kaarawan ko, namatay ang aking daddy. Halos nabaon din ang pamilya namin sa utang kaya ang natitirang savings niya ay halos ipinambayad din namin ni Mommy sa mga pinagkakautangan niya. Kung tutuusin, halos pulutin kami sa kangkungan ng aking mga kapatid at ng aking mahal na ina.

 

Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Nasanay kami sa marangyang buhay kaya halos grabe ang adjustment namin ng mawala ang lahat sa amin. I strived hard and I find ways para mabuhay. Naalala ko pa, the day after ng libing ni daddy, may baklang lumapit sa akin and nag offer na they need models daw para sa magazine na ila-launch ng company nila on the next month.

 

Hesitant pa ako noong una pero, wala akong choice but to grab the opportunity kaya doon nagsimula ang pagpa-part time ko sa pagmo-model-model.

 

May itinayong radio station malapit sa amin at isa ako sa mga mapalad na naging disc jockey. Anyway, related naman siya sa course ko kasi AB Communication naman ang field of specialization ko.

 

Life wasn’t easy for me pero kinaya ko lahat ng mga obstacles na pinagdaanan ko para lang mabuhay kaming mag anak. Mabuti nga ngayon dahil nagtatrabaho na si Mommy sa company ng ninong ko. Compared before, pasan ko ang family ko and ako ang tumayong padre de pamilya.

 

Nakipag-brek sa akin ang aking girlfriend dahil I find no time to her, ayon rito. But there is a rumor na sinulsolan daw siya ng kanyang family to broke up with me kasi hindi na daw kami mayaman. That hurts me a lot pero, buo pa din ang paninindigan ko. Hindi ako magpapaapekto sa kung sino man because, I want our our life to be back as before, marangya, masaya at tahimik.

 

Now, you know the story of my life, nakakalungkot diba? Anyway, going back, to he story, alas tres na ng hapon ng natapos ang duty ko at dali daling sumakay ng trycicle papunta sa Convention Center dahil last day na daw ng audition sa Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya. Sayang naman kasi ng kikitain in case ako ang manalo.

 

Pag baba ko, si RJ kaagad ang nakita ko, classmate ko siya noong high school.

 

“Jonathan! bilis na. Pwede ka pang humabol sa screening. Dala mo na ba lahat ng mga requirements?

 

“Oo, RJ, kaso, hindi ko nadala yung swimwear attire ko. May extra ka pa ba jan?”

 

Agad naman akong pinahiram ng aking kaibigan at dali-daling nagbihis sa cubicle ng CR. Pagkatapos, agad kong tinungo ang registration area at agad na nag sign in sa registration form. Dalawang minuto lang ang nakalipas ay agad na akong tinawag ng organizer sa screening room.

 

Pagpasok ko ay agad akong kinabahan dahil lima ang judges at kakaiba kung tumingin. Lahat ng mga hurado ay bading at nagbubulungan pa ang dalawang judges habang ako ay rumarampa sa harapan nila.

 

Pagkatapos kong rumampa ay initial interview ang sumunod. Tinanong ako kung ano ang pangalan ko, kung saan daw ako nakatira, edad, bakit daw ako sumali sa patimpalak na ito, at bigla akong nagulat sa isang tanong ng hurado.

 

“Jonathan… ilan ba ang size ng sayo?” pilyong tanong ng isang hurado.

 

“Ahhh… Ehhh… naku, hindi ko po alam.” Hindi ko talaga alam kung ano ang aking isasagot sa sobrang hiya.

 

Nagtawanan ang mga hurado at sabi ng nagtanong sa akin ay nag bibiro lamang siya. Halos, mabunutan ako ng tinik ng sinabi na iyon ng hurado. Pagkatapos ko ay ipinatawag kaming 38 na nag audition sa pageant at i-aanounce na daw ang TOP 20 na siyang magiging official candidates.

 

Ako ang pang-38 dahil ako ang pinakahuling nag audition. Hiyawan ang mga talent scouts at mga taong nanonood kapag natatawag ang kanilang mga manok. Dalawa na lamang ang natitirang slots at hindi pa ako natatawag.

 

Una ng tinawag ng emcee si Candidate number 29 na si RJ, ang aking kaibigan na nagpahiram sa akin ng swimwear attire ko at doon pa lamang ay pinanghinaan na ako ng loob. Maya-maya ay tinawag na din ang huling official candidate.

 

“Okay ladies and gentlemen, our last official candidate got the highest score among the other 19 candidates. He garnered 9.87 grade on a 10.0 scale. So here it is…”

 

Halos lahat ng mga naiwan na kalalakihan na hindi pa natatawag ay ramdam ang kaba at tensyon, lalo na ako. Halos napapikit ako at hiniling sa maykapal na sana ako ang makakuha ng last spot.

 

“Congratulations… candidate no…”

 

Binitin pa ng hurado ang pag-aannounce, tensyonado na ako. Kapag hindi ako ang last, syempre, wala na akong pag-asa pa.

 

“Candidate no… THIRTY EIGHT… MR. JONATHAN SANTILLAN”

 

Hindi ako nakapaniwala na sa akin napunta ang huling slot ngunit, sobra ang aking pasasalamat sa maykapal dahil sa pagdinig sa panalangin ko.

 

Nagkaroon na kami ng short orientation makatapos ang announcement ng Top 20 official candidates ng search. Halos lahat ay deserving na makuha ang titolo dahil lahat naman ay matitipuno ang katawan at may kagwapuhan naman. Ngunit, andun pa din ang “selfish wish” ko na sana ako ang makauwi ng korona upang mabayaran ko na ang tuition fee ko this semester.

 

Sa linggo na ang simula ng aming practice sa pageant, kaya naman nag advance muna ako sa station ng pera upang ipangtustos sa aking pamasahe at allowance.

 

First day of practice, ramdam ko na naman ang tensyon. Halatang suplado ang ibang mga co-candidates ko kahit ako pa ang gumagawa ng way para makipagkilala sa kanila. Hindi pa naman nagsisimula ang practice kaya umupo muna ako sa bench at nagpahinga sandali. Maya-maya naman ay tumawag si Mommy at sinabihan akong kunin ko na muna daw ang perang hiniram niya kay Tita Lorna dahil baka magabihan siya sa bahay ng aking lolo.

 

Hindi pa tapos ang aming usapan ng biglang ma cut ang tawag niya at nakalimutan ko namang tanungin kung ano ang address ni Tita Lorna. Dali dali akong nagtext at biglang tumunog ang cellphone ko at pagkakita ko, check operator na pala ako.

 

Napa mura ako sa sobrang inis. Maya maya, may isang boses akong narinig…

 

“Ito o… gamitin mo muna phone ko… don’t wori, naka plan naman ako at hindi kita sisingilin,” alok ng lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko din.

 

Walang alinlangan ko namang tinanggap ang alok ng isang butihing binatilyo at agad kong kinontact si Mommy upang tanungin ang address ni Tita Lorna. Pagkatapos tumawag, nagpasalamat ako sa kanya at ibinalik ko kaagad ang kanyang telepono.

 

“By the way… I’m Leonard… Leonard Dominguez. Isa din ako sa mga kasali sa search. “

 

“And my name is… “ hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niyang dinugtungan ang sasabihin ko.

 

“Your name is Jonathan Santillan… A.K.A. DJ Jian… right?” sabay ngiti na parang kilalang kilala na ako ng binata.

 

“Oh… nice to know na kilala mo na pala ako,” mahinang sagot ko.

 

“Oo naman, masugid mo akong tagapakinig sa station ninyo and magaganda naman talaga kasi ang mga songs na ipini-play mo, updated, ‘di tulad sa kabila.”

 

Parehas kaming tumawa dahil ang kabilang stasyon na ka kompetensya namin ay halos hindi na malaman kung anong dekada ang mga kantang ipiniplay at nakakatuwang isipin na aware pala din siya doon.

 

Mula ng araw na iyon ay nagkapalagayan kami ng loob ni Leonard at naging malapit ko siyang kaibigan. Walang araw na lumipas na hindi kami nagtawanan at nagkakwentuhan ng kung anu-anong bagay. Hindi iyon naging mahirap sa amin dahil halos parehas kami ng personalidad at kung minsan nga ay napagkakamalan kaming magkambal pag lumalabas kaming dalawa after ng practice.

 

Halos parehas kami ng tangkad, 5’9 and ½. Kulay gatas ang aming mga balat, maganda ang hubog ng katawan, may six pack abs, alaga ng gym, matangos ang ilong, at singkit na mga mata.

 

Waterloo niya ang Q and A sa mga pageants dahil hindi naman siya maboka gaya ko. Doon siya laging sume-semplang kaya minsan niya lang makuha ang title. Kaya nga daw, hanga siya sa akin pag dating sa ganyan dahil aside sa fact na Communication major ako, ay napapractice ko pa ang skills ko sa radio bilang DJ.

 

Kaya naman, kung minsan ay naglalaro kami ng Q and A segment sa isang lugar na wala sa aming nakakakita para maturuan ko siyang mag build ang confidence niya sa sarili. Alam ko naman kasing kaya niya pero, kulang siya sa self esteem. Matalino si Leonard. Consistent dean’s lister siya sa eskwelahang malapit sa amin. Kaya naniniwala ako na kaya niya.

Kaarawan ng mommy niya at inimbitahan niya ako sa party nila. Hindi na ako nakatanggi kay Leonard dahil sobrang bait niya sa akin at ngayon lamang ito humingi ng pabor. Sinundo niya ako sa bahay at personal pa siyang nag-paalam kay mommy. Pagkarating namin sa bahay nila ay agad niya akong ipinakilala sa mommy at sa family niya. Nagkaroon ng konting salo salo at kasiyahan noong gabing iyon.

 

Nag-inuman kami nila Leonard kasama ang daddy at panganay niyang kapatid na lalaki na si Kuya Ronel. Nagkakwentuhan at nagkasiyahan. Napansin nilang naparami ang aking inom kaya naman ay inutusan ni Kuya Ronel si Leonard na pagpahingahin ako sa guest room nila.

 

Halos nanlalambot ako at nahihilo dahil sa alak na aking nainom. Pagkarating namin sa guestroom nila ay agad akong pinahiga ni Leonard sa kama upang makapagpahinga.

 

“Hindi ka pala sanay sa inuman bro haha,” wika ng kaibigan ko.

 

“Hindi talaga… alam mo naman, wala akong oras sa mga ganito. Mabuti pa ang rumaket ng mapagkakakitaan para may pang tuition sa nalalapit na exam,” patawang sagot ko sa aking kaibigan.

 

Hindi siya umiimik. Nahuli kong nakatitig siya sa akin ng matagal at tila may nais sabihin sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at pinikit ko na lang ang aking mata dala ng sobrang pagkahilo at panlalambot ng katawan.

 

Maya-maya ay nararamdaman ko na may tumatanggal ng saplot sa aking katawan at wala akong lakas upang ito ay pigilan. Patuloy pa ring nakapikit ang aking mga mata at maya maya ay naramdaman ko ang isang tubig na dumadaloy sa aking mga balat, mula ulo hanggang paa.

 

Napamulat ako at napansin kong pinupunasan pala ako ni Leonard gamit ang basang tuwalya at alcohol.

“Ganito ang ginagawa ko kay kuya at kay daddy pag lasing na lasing na sila. Lagi kasing busy si mommy kaya hindi niya magawan ng ganito ang aking kuya at daddy,” wika ni Leonard na tila may sama ng loob sa kanyang ina.

 

Patuloy lang siya sa pagpunas ng aking katawan at pagpaparamdam sa akin na ako ay mahalaga sa kanyang buhay. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ang aking puso ng napakabilis at tila may mga nag-aalab na apoy sa paligid namin. Pagkatapos niya akong punasan sa katawan ay iniwan niya ang planggana at basahan sa tabi at biglang pumanhik sa kama.

 

Umupo siya sa isang tabi at tinitigan na naman ang aking mukha na tila may nais sa aking iparating. Pinikit ko ang aking mga mata at maya maya ay naramdaman ko na parang may isang bagay na nakapatong sa aking katawan na tila galing sa apoy dahil sa sobrang init nito.

 

Pag mulat ng aking mga mata ay ang mukha ng aking kaibigan ang tumambad sa aking harapan at inibabaw ang malalambot niyang labi sa aking mapupulang labi. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon ngunit wala akong lakas upang pigilan ang kanyang mga balak.

 

Maya-maya ay agad na niyang sinimulan na laruin ang aking mga labi gamit ang kanyang dila at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang tugon ko sa kanyang mga ikinikilos. Tila may isang musika na ipinapatugtog at parang alam na alam namin kung paano ito sayawin.

 

Hindi nagtagal at ibinaba niya ang kanyang halik sa aking leeg at matapos nito ay ang aking dibdib naman ang nilaro ng kanyang dila at halos napapasigaw ako sa hindi mawaring sarap na aking nararamdaman ng mga oras na iyon.

 

Napapikit na lang ako at ipinaubaya na sa aking kaibigan kung ano pa ang nais niyang gawin sa walang muwang kong katawan. Mas lalo pang tumindi ang sayang nadarama ng ibinaba niya ang kanyang matatamis na halik sa aking pusod papunta sa kaibuturan ng aking pagkalalaki.

 

Patindi ng patindi ang sarap na aking natatamasa ng taas-baba niyang nilalaro ang aking sandata na tila wala ng bukas. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis niya itong ginagawa hanggang sa madama ko na ang pinaka tuktok ng kasarapan at ilang sandali pa lamang ay ibinuga na ng Mayon ang dagta na matagal nmg hindi nailalabas.

 

Lupaypay na ang aking katawan at naubos na ang aking lakas ngunit, masugid niya pa ring sinasamsam ang likidong natapon dala ng sobrang kasarapan. Matapos nito ay agad siyang tumabi sa aking gilid at ipinaharap ang aking katawan sa kanyang matipunong katawan. Niyakap niya ako at siniil ng matatamis na halik ng bigla niyang sinabing, “Mahal na mahal kita Jonathan.”

 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at naibigkas ko ang mga katagang, “Mahal na mahal din kita.”

 

Abot langit ang nadarama naming kaligayahan at daig pa namin ang mag-asawa noong gabing iyon. Napagtanto ko na nahulog na din pala ang loob ko sa aking kaibigan. Naging kami at parehas naming ramdam ang tensyon dahil isang gabi na lamang at pageant na. Ngunit, sa kabila nito, hindi namin itinuring na magkalaban ang isa’t isa. Nangako kami na kung ano man ang magiging resulta ay hindi ito magiging hadlang sa aming pag iibigan.

 

Dumating na ang araw ng patimpalak. Napansin ko na wala pa si Leonard at limang minuto na lang ay wala pa siya. Tinatawagan ko siya sa kanyang phone ngunit, un-attended ito.

 

Nagsimula na nga ang paligsahan at kahit wala siya ay ipinush through ng organizers ang pageant. Madalas maglikot ang mata ko at hinahap ang kabiyak sa bawat sulok ng coliseum.

 

Inannounce ang TOP 15, TOP 10, TOP 5, ako ay laging nakapapasok.

 

Noong question and answer segment na ay bigla kong naalala ang mga matatamis naming sandali ng kasintahan sa tuwing wala kaming magawa sa buhay. Hindi ko napigilan at napangiti ako. Pag-lipat ng aking tingin, nakita ko si Leonard sa may malapit sa mga hurado nakaupo, hawak-hawak ang tarpaulin na nakalagay ang aking larawan at pangalan.

 

Nabigla ako at ibinato sa akin ang ngiti na tila nagsasabing, kaya mo yan! Hindi ko alam kung bakit andun siya at bakit niya iyon ginawa. Ganun pa man ay mas lalong tumibay ang aking kumpyansa sa sarili at umaasang maiuuwi ko ang titolo.

 

Gagalingan ko at gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para sa mithiin naming dalawa.

 

Natapos na ang Q and A at halos nakahihinga na ako dala ng sobrang kaba at ikinatuwa ko ng sabihin ng emcee kung sino ang nanalo…

 

“And the MR. BIKINI BOY 2011 goes to… Candidate no. 20.”

 

Halos lahat ay nag-sitayuan at nagpalakpakan ng ako ay hirangin bilang Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya.

 

Hindi matapos tapos ang pagbati ng aking mga taga suporta at mga kaibigan ng ako ang nanalo noong gabing iyon. Maya-maya ay nakita ko na si Leonard dala ang isang napakatamis na ngiti at agad akong binati dahil sa natamong tagumpay.

 

Pumagilid kami sandali, sa kung saan ay walang makakakita. At di nagtagal ay niramdam naming ang tamis ng halik at pagmamahal ng isa’t isa. Hindi na siya sumama dahil nalaman niyang hurado ang tatlo niyang tita at sinabihan na siya na siya na ang mananalo sa gabing iyon.

 

“Hindi ko kayang manalo ng dahil sa ganoong estilo ng pagdedesisyon. Alam ko na may mas karapat-dapat na mag uwi ng titolo kaysa sa akin. Ginawa ko ito hindi dahil sa mahal kita, kundi alam ko na mas karapat dapat kang manalo,” maluha luhang tugon ni Leonard.

 

Niyakap ko ang aking kasintahan at nagpasalamat sa kanyang ginawa. Mali man sa iba ang aming pag iibigan, hindi ito magiging balakid sa bulong ng aming puso.

 

Sa ngayon ay isang taon na rin kaming nagsasama ni Leonard at parehas kaming modelo sa isang modeling agency sa Lungsod ng Maynila. Lumabas na din ako sa isang commercial sa telebisyon at my incoming project sa isang fashion magazine.

 

Nawa’y maging inspirasyon ang aming kwento ni Leonard sa mga mambabasa. Hanggang sa muli .

 

 

 

>>>>>WAKAS<<<<<

Series From Other Blog # 19 - Everything I Have (Chapter 9) By: Joemar Ancheta (From: hotpinoyparkzonestories)

 


Everything I Have (Chapter 9)

By: Joemar Ancheta

(From: hotpinoyparkzonestories)

 

Kung nasanay tayong binigyan ng sapat na oras ay ninanais nating mas higit pang panahon ang ibibigay sa atin. Kung hindi man higit pa doon sa dati, gusto natin na sana walang magbago. Kung nakaramdam tayo ng pagmamahal, gusto nating manatili ang init ng pagmamahal na iyon sa bawat sandali hanggang sa tayo ay nabubuhay. Kadalasan ay naghahanap pa tayo ng higit pa sa dati niyang ipinaparamdam. Tama ngang walang tayong kakuntentuhan. Hindi tayo marunong makuntento sa kung ano ang meron tayo at kayang ibigay ng ibang tao lalo pa sa taong pinag uukulan natin ng pagmamahal.

Nagiging palagian na ang paglabas ni Gerald sa ibang bansa. Ang dati’y palagiang pagtawag niya kung nasa labas siya ng bansa ay naging tawag na lamang kapag matutulog na siya hanggang pati good night niya minsan ay nawala na din. May karapatan akong magtampo ngunit hindi ko ginawa. May mga pagkakataong gusto ko siyang tanungin ngunit mas pinili ko munang manahimik. Ngunit minsan, kahit gaano mo kagustong magsawalang-kibo na lamang ay lalabas at lalabas ang tunay mong niloloob.

Kapag umuuwi siya ay may mga dala-dala pa rin naman siyang pasalubong sa akin ngunit napansin kong pinipilit niya na lang maging masaya kapag kasama niya ako at may mga pagkakataong bigla na lamang siyang aalis na parang nagmamadali.

“Nagiging madalas yata ang pagpunta mo ngayon sa Houston, Texas. Huwag mong sabihin na may negosyo pa kayo do’n.”

“Pasensiya ka na. May mga pinapaasikaso kasi si Dad do’n at sana huwag na natin pag-usapan pa ang tungkol dito.”

“Nagtataka lang ako kasi in almost two months ay tatlong beses ka ng pabalik-balik do’n. Iba na talaga kapag mayaman. Baka naman may ibang dahilan kaya ka do’n pumupunta. Pati studies mo tuluyan mo ng napababayaan.”

“Bhie naman, di ba sabi ko, huwag na natin pag-usapan pa ang tungkol dito?” Hinawakan niya mga kamay ko. Tumitig siya sa aking mga mata. Sinalubong ko ang mga iyon. Nakita ko doon ang pakiusap. Ang pagsusumamong huwag ng mag-ungkat ng mga bagay na pwedeng pagtalunan.

“Okey, fine.” Tumayo ako. Pinigilan ko na lang ang bunganga kong mag-usisa pa dahil alam kong kahit anong pilit ko ay hindi rin niya ako sasagutin. Nag-isip ako ng iba pang puwedeng pagkaabalahan para mailayo na ang usapan tungkol sa madalas niyang pang-iwan sa akin dito sa Pilipinas.

“Hmnnn… sige, ipagluluto na lamang kita.”

Hinintay ko siyang sundan niya ako sa kusina ngunit hindi siya sumunod. Nami-miss ko na yung habang nagluluto ako ay kinakantahan niya ako. Mga sandaling sinanay niya ako sa kakaiba niyang pagsinta. Inisip ko na lamang na baka pagod lang siya. Malapit na akong makapagluto at inaayos ko na ang mesa para tawagin siya nang nagmamadali siyang bumaba.

“I really have to go. May susundo na sa akin dito.” Balisa ang kaniyang mukha.

“Akala ko ba kakain ka dito. Nagluto pa naman ako ng paborito mong menudo.”

“Sige. Tikman ko na lang.”

Pagkuha niya sa tinidor, tumunog muli ang cellphone niya.

“I’m sorry bhie. Kailangan ko ng umalis. I love you!”

Nilapag niya ang sana ay isusubo na niyang niluto ko at pagkatapos niya akong dampian ng halik sa labi ay nagmamadali na siyang lumabas. Sinundan ko siya at sinilip sa may bintana. Hindi yung driver niya ang sumundo sa kaniya, bagong mukha. Mas matanda lang siguro sa akin ng lima hanggang pitong taon ngunit guwapo din at maganda ang katawan. Bumaba iyon at pinagbuksan siya sa likod ng kotse.

Hindi iyon mukhang driver lang niya dahil sa pananamit at kilos, isa itong maykaya at edukadong tao. Bumalik ako sa kusina. Tinitigan ko ang niluto ko. Kanina lang nakaramdam ako ng gutom ngunit ngayon ay parang wala na akong ganang kumain. Binalik ko na lang ang mga plato sa lagayan. Nilagay ang ulam sa Ref at pumasok na lang ako sa kuwarto. Nabuo ang takot, nabawasan ang tiwala at sunud-sunod ang aking buntong-hininga.

Kailangan kong malaman ang totoo. Oras na malaman kong niloloko lang niya ako ay magtutuos kaming dalawa. Sinubukan kong tawagan siya sa kaniyang celphone ngunit nakapatay na ito. Lalo akong naghinala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ganang gumawa ng kahit ano. Ang tanging nasa isip ko ng panahong iyon ay ang makausap siya. Hindi ko na kasi gusto ang nararamdaman ko at kailangan kong malaman kung nasaan siya at sino ang sumundo sa kaniya. Napakabigat ng dibdib ko sa mga sandaling iyon. Parang sasabog ngunit hindi ko alam kung anong emosyon ang naroon? Galit? Pag- aalala? Selos? Takot na iwan ako’t masaktan? Anong buhay mayroon uli ako kung tuluyan na siya sa akin na mawala? Paano ang pagmamahal ko sa kaniya. Paano ako?

Tuluyang binagtas ng luha ang aking mga pisngi, umiiyak ako. Sa unang pagkakataon ay iniyakan ko ang isang lalaki. Nasasaktan ako sa mga maaring mangyari kahit pilit kong pinauunawa na lahat ay mga kutob lamang, Kinuha ko ang cellphone ko. Muli ko siyang tinawahan ngunit nanatiling nakapatay ito. Hindi ako sumukong tawagan siya ng tawagan ngunit hindi niya binubuksan ang celphone at ang labas, magdamag akong hindi nakatulog sa takot na inaagaw na si Gerald sa akin.

Kinabukasan ay hindi ko din siya nakita sa campus namin. Nagiging palagian na ang pagliban niya sa kaniyang mga klase. Tuluyan na nga niyang napapabayaan ang kaniyang pag-aaral. Napapabuntong-hininga ako. Kapag nasa library ako at nakaupo sa dating tagpuan namin ay parang lalo akong pinapatay kapag naaalala ko ang mga dapat sana ay masaya naming nakaraan. Tinatamaan ako ng kakaibang lungkot kapag nadadaanan ko ang tambayan namin sa may canteen. Kahit sa gate kapag lumalabas ako sa campus namin ay nami-miss ko ang kaniyang mga sitsit o kalabit at sinasabayan niya akong maglakad hanggang sa apartment na nirerentahan niya para sa akin.

Dadaan kami ng makakainan o kaya ay lalabas kami at doon na magdidinner sa paborito naming restaurant. Pinipigilan ko lang ang muling maiyak. Pilit kong pinaiintindi sa sarili ko na bakit ako iiyak kung wala pa naman akong pinanghahawakan na ebidesiyang may iba nga siya.

Hanggang sa dumating ang pang 14th monthsary namin. Alam kong kahit minsan ay hindi niya nakakaligtaan ang araw na iyon. Tumawag siya sa akin nang maaga at binati niya ako ng happy 14th monthsary. Sandali nga lang ang tawag na iyon at alam kong pupuntahan niya ako kinagabihan. Sa akin siya matutulog dahil nakasanayan na namin na kapag mga ganoong araw ay magdamag kaming magkasama.

Inagahan kong nagluto ng mga paborito niya. Bumili na rin ako ng maiinom naming alak, hinanda ko na ang aming kuwarto at alam kong sa bandang alas siyete ng gabi ay darating na siya. Siguradong may surpresa na naman iyon na dadalhin para sa akin. Ngunit alas-otso na ay hindi parin siya dumating. 8:30 nang may kumatok sa pintuan ko na at nang buksan ko ay isang lalaki na may dalang box ng chocolate at may kabigatang gift. May maliit ding note--- “I tried to come but I can’t personally give you this gift for some complexities. Babawi ako. Happy 14th monthsary baby.”

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang gift niya sa akin o ibalik na lang sa pinagbigyan niya. Ngunit sinabi ko sa aking sarili na kailangan kong maging matatag. Buhayin ang tiwala dahil kung sasabayan ko siya sa mga ganitong pagkakataon. Kung hindi ako magpakatatag para sa aming dalawa at aawayin baka lalong maging kumplikado ang lahat. Binuksan ko ang binigay niyang gift. Isang laptop. Nilapag ko ito sa mesa. Alam niyang iyon ang isa sa mga gusto kong mabili. Iyon ang gusto kong sana ay magkaroon ako balang araw dahil kailangan ko din iyon sa aking pag-aaral.

Ngunit nang mahawakan ko iyon at hindi siya ang nagbigay ay parang wala akong ganang buksan pa iyon. Hindi ko naman kailangan ang kung anu-anong material na bagay kung wala din lang ang taong mahal ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha nang ibalik sa ref ang lahat ng aking inihanda. Dinala ko na lang ang chocolates at ang binigay niyang bagong laptop sa aking kuwarto. Pinatay ko na ang ilaw at kahit nasaktan ako ay pinilit kong makaidlip. Kahit napakahirap akong dalawin ng tulog sa sakit ng loob ay pilit kong inisip na mahal parin niya ako. Hindi niya ako bibigyan ng ganoong kamahal na regalo kung hindi niya ako mahal.

Hindi pa ako ganoon katagal nakatulog nang naramdaman kong may yumakap sa akin ng mahigpit at basa ang leeg ko. Si Gerald lang ang alam kong may duplicate ng susi sa bahay at pabango niya ang naamoy ko. Ngunit umiiyak siya. Humahagulgol siya habang yakap niya ako.

“I’m sorry baby. I’m so sorry kung nagiging marami na akong pagkukulang sa iyo. Hindi ko ginusto. Hindi ko din sinasadya.”

Bumangon ako.binuksan ko ang ilaw para makita siya. Nakapantulog lang ito. Gulo ang buhok na parang nagmadali lang makahabol. Umiiyak siya.

“May problema ba?” tanong ko.

Ngunit imbes na sagutin ako ay hinila niya ako sa kama at niyakap ng sobrang higpit.

“Hindi ko kayang magkakalayo tayo. Hindi ko kayang iwan ka ngunit parang iyon ang mangyayari bhie. Mahal na mahal kita at gusto kong tandaan mo iyon kahit ano pa ang mangyayari.”

“Hindi kita maintindihan.”

“Alam ko na mahirap mong intindihin ang lahat. Hayaan mo na. Ayaw kong pati ikaw ay maaapektuhan kung anuman ang problema ko ngayon. Halika nga dito at nami-miss kitang yakapin.”

Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Pinilit niyang ngumiti. Sinipat ko ang oras sa dinding. Mag-aalastres na pala ng madaling araw. Humiga na rin ako sa tabi niya. Niyakap niya ako. hinalikan ko ang labi niya at muli kaming nakatulog na may ngiti ako sa labi. Mahal niya ako.

Kinaumagahan ay nagluto ako ng almusal namin pagkatapos naming masayang sinet-up ang regalo niyang laptap sa akin. Masaya kaming nagsalo noon at nang matapos kaming kumain ay sinabi niyang siya na ang magliligpit sa aming pinagkainan. Bumalik ako sa kuwarto at nakita ko ang celphone niya. Naalala ko ang lalaking sumundo sa kaniya noon. Kung totoo ang kutob ko, maaring hindi siya nagbura sa inbox niya at tiwala din siyang hindi ko pinakikialaman ang celphone niya. Pagkakataon ko na din iyong malaman kung sino ang lalaking iyon.

“I don’t allow you to go out today. Stay in your room and take a rest.”

“Tomorrow meet me around 6:30 in the same place dahil ayaw mo naman akong puntahan kaya mas mainam na doon na lang tayo sa dating pinagtagpuan natin. Take Care.”

Tinignan ko ang sent items niya pero empty iyon. pero sa call register niya, sila ang laging nagtatawagan ng Joey na iyon. Joey ang pangalan ng ipinapalit sa akin. Pero kulang pa ang nakuha kong imporamasyon. Kulang pa para ipamukha ko sa kaniya ang ginagawa niyang kalokohan. Kaya pala sinabi niyang hindi siya puwedeng makipagkita dahil pinagbawalan siya at nagpuslit lang ito nang madaling araw na para makita ako. Pagdating niya sa kuwarto ay nakangiti siyang yumapos sa akin.

“Maligo ka na baby, sama na ng amoy mo.” Biro niya sa akin habang hinahalikan niya ang braso ko.

“Mamaya. Bhie, labas naman tayo mamayang 6:30?” gusto ko lang siyang huliin. “6:30? Bakit hindi na lang ngayon? Kasi ‘di ako nakauwi so kailangan kong umuwi ng 5 mamaya para hindi magalit si Daddy kasi ‘di ako nagpaalam sa kaniya kagabi. Baka pagalitan ako kung gagabihin pa ako ng uwi.”

Nagsisinungaling na siya sa akin. Naisip kong sundan siya ng 6:30 kung saan sila magkikita ng lalaking iyon. Ngayon ko malalaman ang lahat. Pinasundan ko ang sasakyan niya. Kahit magbayad ako ng magkano basta malaman ko lang kung ano ang ginagawa niya. Sa kaniya naman galing ang pera na ginagastos ko dahil pinahinto niya akong magtrabaho kaya gagamitin ko din sa pag-iimbestiga tungkol sa kinalolokohan niya ngayon.

Dumaan sa bahay at sa malapit sa gate na lang ng subdivision ako naghintay gamit ang inarkilahan kong taxi. Kalahating oras lumabas na muli ang sasakyan niya kasama ang driver niya at pinasunod ko sa taxi ang kanilang sasakyan. Huminto sa isang class na restaurant at nang alam kong nakapasok na siya ay sumunod na din ako pero sumilip muna ako. Kitang-kita ko ang pagyakap ng lalaki at ang pagtapik naman ni Gerald sa likod ng lalaki at umupo na sila. Mabuti na lamang at nakatalikod si Gerald sa pintuan kaya hindi niya nakita ang pagpasok ko. Medyo magkakalayo kasi ang mga mesa kaya hindi ko marinig ang kanilang usapan.

Pumuwesto ako sa medyo tago sa kanila ngunit makikita ko ang mga reaksiyon ng kanilang mga mukha. Seryoso ang kanilang pag-uusap. Nilapit ng guwapong lalaki ang upuan niya kay Gerald at may nilabas itong papel. Matagal nilang tinignan ang papel na iyon at habang nagsasalita ang lalaki at titig na titig si Gerald sa kaniya na parang interesado siya sa lahat ng sinasabi ng lalaki. Hanggang nakita ko na lamang na iniabot ng lalaki ang panyo kay Gerald at nagyakapan silang dalawa. Mahigpit ang yakap na iyon at dahil hindi ko na kaya pang makita sila ganoong tagpo ay umalis na ako. Umiyak ako sa kuwarto ko nang gabing iyon.

Bakit naglilihim si Gerald sa akin? Bakit kailangan niyang magtago sa akin. Kung nagmahal naman siya ng iba maliban sa akin ay mas mainam sanang ipagtapat niya nang hindi ako nasasaktan ng ganito. Tumawag siya ng gabing iyon para magsabi ng good night ngunit hindi ko siya magawang tanungin o sabihin tungkol sa pakikipagkita niya kay Joey. Ayaw kong isipin niyang minamanmanan ko na ang bawat kilos niya. Kaya ko pa namang tiisin ang lahat. Kaya ko pang magtiis hanggang siya na mismo ang magsabing hiwalay na kami.

Ngunit kung patuloy niya akong paglilihiman at patuloy siyang makikipagkita sa lalaking iyon ay mabuti pang sabihin ko na din sa kaniya ang aking nalalaman. Dumalaw siya kinabukasan. Medyo nakaramdam ako ng panlalamig mula sa kaniya. Parang laging hindi siya mapakali at malalim ang iniisip. Kung may tatawag ay pumupunta siya sa banyo, isasara ang banyo at doon siya makipag-usap bagay na hindi naman niya ginagawa dati. Basta tahimik lang siya habang niyayakap niya ako. Tahimik lang siyang hinahalikan ako na parang malayo ang iniisip.

“May iniisip lang ang baby mo ha? Hayaan mong yakapin lang kita.”

Ako man din ay tahimik din lang pero naroon ang pagpupuyos ng damdamin. Galit ako sa ginagawa niyang paglilihim. Maraming tawag sa kaniya at pabalik-balik siya sa banyo. Gusto kong makita at mabasa ang inbox niya. Parang iyon lang kasi ang tanging paraan para malalaman ko kung sino ang kausap niya at katext. Nang bumaba siya at nakitang walang laman ang refrigerator na pagkain ay nagpaalam siya sandali para maggrocery lang daw. Hindi na niya ako pinasama dahil abala ako sa pagrereview.

Nagpalit siya ng short at nakita kong pitaka lang niya ang hinugot niya doon. Naiwan ang celphone niya. Pagkaalis na pagkaalis niya ay nakita kong si Joey ang madalas niyang kausap sa celhphone. Nabasa ko din ang isang text na ganito ang laman. “See me na lang sa airport bukas. Baka aabutin tayo ng 2 weeks sa Houston kaya better if you just drop all your subjects, Afterall, baka matatagalan na tayo doon sa next visit natin kaya mas magandang malinis ang record mo sa school.”

Si Joey pala ang lagi niyang kasama kapag pumupunta siya ng Houston. Siya pala ang dahilan kung bakit hindi na siya nakakatawag kapag nasa ibang bansa na siya. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng aking luha. Nanginginig ang buo kong katawan. Parang gusto kong magwala. Hindi ko na mapapalampas ang lahat. Hindi ko kayang maging martir. Magtutuos kami ng Gerald na ito pagbalik niya. Hinanda ko na lahat ang aking sasabihin. Hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko at kung may kailangang tapusin ay tapusin na kaysa sa tatagal ako sa ganitong kalagayan. Kung sa kaniya ay madali lang sirain ang pag-aaral niya, ako, hindi ko kayang gawin iyon. Higit isang taon na lang doctor na ako. Hindi ako makapapayag na siya ang dahilan na hindi ko matapos ang nasimulan ko. Ngayon niya makikita kung sino si Mario. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan tungkol sa Joey na ito.

 

Itutuloy…..

 

My Best Friend (Part 2) Last Part

  My Best Friend (Part 2) Last Part   “Maputol lang kita Dennis sa sasabihin mo pa ha, kasi may gumugulo lang sa isipan ko. Siguro naman...