Sa Babuyan at Manukan (Part 20)
Zaldy’s POV
Huwebes, naka receive ako ng text mula
sa unfamiliar na number.
“Pamilyar ang mukha ng hinahanap mo,
pero hindi ko siya dito sa Magdalena nakita, doon ko siya nakita sa Sta. Maria,
dito rin sa Lguna. Hindi ako sigurado, try mo rin,” ang nakalagay sa text.
Kaagad kong tinawagan si Vincent at
pinapunta sa bahay. Kaagad naman siyang nakarating.
“Vincent, may nag-text sa akin, baka
daw nasa Sta. Maria si Mikel.”
“Sinong may sabi Zaldy? Baka scam lang
iyan.”
“Ano naman ang mai-scam sa atin, wala
naman tayong inilagay na pabuya. Tuloy tayo sa Sabado ha.”
“Eh hindi makakasama si Jerry, may
lakad siya sa Sabado, Sinabi na ba sa iyo?” tanong ni Vincent.
“Hindi pa kami nagkakausap, Tayong
dalawa na lang. Baka may linaw na. Doon naman talaga ang balak nating puntahan
ah. Sana lang ay makita na natin siya, Malulutas ang problema ko kina Mama at
Papa.”
“Kasalanan mo kasi eh,” paninisi pa ni
Vincent”
“Wala na namang sisihan. Sa Sabado ha,
mag-renta na lang uli ako ng sasakyan.”
-----o0o-----
Sa Munisipyo na nang bayan kami
dumiretso. Nakausap namin ang chief of police ng bayan iyon, pero wala daw
report na natanggap ang kanilang opisina na may naligaw o napadpad sa bayan na
tio. Nag-iwan naman kami ng poster para maidikit sa kanilang bulletin board.
Paglabas namin ng munisipyo ay may
nakasalubong kaming isang lalaki, gwapo iyon kaya kaagad na nilapitan ni Vincent
para magtanong. Alam ko naman ang pakay. Ang gago, natuluyan na yata. Dinig ko
pa ang maarte niyang pagtatanong.
“Pogi, baka naman pamilyar sa iyo
itong batang ito, matagal nang nawawala eh, naglayas sa bahay nila at hinahanap
namin,” ang maarte niyang tanong saka pinakita ang isang poster.
Sinipat-sipat naman ng lalaki ang
larawan. “Hmmmm kaano-ano ba ninyo ang lalaking ito?” tanong nung lalaki,
mukhang nagdududa sa pakay namin.
“Ah eh, kapatid ko siya, nakagalitan
ko kasi, naglayas,” sabad ko.
“Naglayas. Siguro binugbog mo kaya
naglayas. Kelan pa ba naglayas?”
Masyadong maurirat itong lalaki,
samantala, may pag-akbay kaagad itong si Vincent sa lalaki, garapalan na
talaga. Hindi na nahihiya sa akin.
“Medyo matagal-tagal na rin eh, siguro
pitong buwan na,” sagot ko.
“Tapos ngayon lang ninyo hahanapin?
Hindi ba siya hinahanap ng magulang ninyo?”
Naiirita na ako, pero may kutob akong may
alam ang lalaking ito. “Wala kasi rito ang parents namin, mga OFW sila at hindi
alam na naglayas si Michael. Matagal na namin siyang hinahanap. Hindi naman
siya makontakt. Kilala mo ba siya?”
“Hindi, wala akong Mikel na kilala,”
sagot niya saka tumalikod na.
“Sandali, sandali… Michael ang
pangalan ng kapatid ko, hindi Mikel.”
“Michael ba? Dinig ko kasi Mikel.”
Muli niyang tiningnan ang larawan at
pangalan. “Michael nga pala hehehe.”
“Please naman brod, may hinala akong
kilala mo ang kapatid ko, nagmamakaawa kami sa iyo, may nakapagsabi kasi na
dito siya nakita nung isang tumawag sa akin,” pagmamakaawa ko.
“Bakit mo kasi binugbog, tapos ngayon
magmamakaawa ka. Maayos na ang kalagayan niya dito,” sabi nang lalaki.
“Hahaha, kilala mo nga. Samahan mo
naman kami sa kanya, sige na oh”
Mahabang pakiusapan pa ang nangyari,
panay na ang tsansing ni Vincent, pero tila hindi nahahalata nung lalaki na
nakilala naming Gerald daw ang pangalan at anak ng Mayor ng bayang ito. May
palagay akong may kalibugan din ang lalaking tio.
Sa madaling salita, napapayag namin
siya. Sinamahan kami. Sa likod ng sasakyan siya sumakay. Aba… itong si Vincent,
sa likod ding sumakay at panay ang landi kay Gerald. Nagpapalandi naman itong
si Gerald.
-----o0o-----
May kalayuan din ang lugar na
pinuntahan namin buhat sa munisipyo, Isang farm iyon na maraming tanim at may
manukan at babuyan pa.
“Diyan muna kayo ha at titingnan ko
kung narito. Baka hindi magpakita sa inyo kapag nalaman na kayo ang kasama ko,”
sabi ni Gerald.
Tuloy-tuloy siya sa loob, hindi na
kumatok, pero may tinatawag na Nanay Sela. Nawala na siya sa paningin namin,
nakapasok na sa loob ng bahay nang tinawag niyang Nanay Sela.
Limang minuto na ay hindi pa kami
nilalabas ni Gerald, gusto ko nang pasukin, kinakabahan akong hindi mawari,
natutuwa na naiiyak. Magkikita na rin kami ng kapatid ko, Mahal ko naman siya
at nasaktan ko lang dahil sa ayaw ko siyang maging bading. Pero naunawaan ko
na, kasi pumatol din ako sa lalaki na naging bading na rin. Pwe!
Maya-maya ay lumabas si Gerald at
kinawayan kami, nagkausaop na siguro at pumayag nang makipagkita sa amin ni
Mikel.
“Mikel,” ang nasambit ko lang pagkakita
ko sa aking kapatid. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap kasabay ng paghingi
ng tawad.
Mahabang drama ang kasunod, mahabang
paliwanagan. Katulong sina Nanay Sela at ang ibang kasamahan doon sa aming
pag-usuap at pakikipagkasundo.
“Akala ko kasi ay hindi na ako
hahanapin pa eh, na hahayaan na lang ako sa paglalayas ko. Akala ko ay hindi na
ninyo ako mahal,” ang lumuluhang winika ni Mikel.
“Pwede ba iyon. Kapatid ka namin. At
pangako, hindi ko na hahadlangan kung ano man ang gusto mo sa buhay, Syempre
kaya naman gusto kong magpakalalake ka ay para maprotektahan ka namin. Ayaw ka
naming na iiyak dahil naloko ka ng isang lalaki>’
Marami pa kaming pinagdiskusyunan,
bandang huli ay nagkaunawaan na kami, nagkapatawaran. Pinauuwi na namin siya,
pero nakiusap na tatapusin lang daw itong school year na ito, ayaw na niyang
magpa-transfer pa dahil malapit na rin daw naman matapos ang school year at
dito na siya mag-graduate.
Hindi ko naman kinaligtaan na
magpasalamat ng marami sa kumupkop kay Mikel, na ikinuwento pa kung paano sila
nagkatagpo. Sobra-sobra ang pasasalamat ko talaga, napakalaking utang na loob
namin iyon sa matanda.
Inabot na kami ng tanghalian at
nagpaluto na pala si Nanay Sela na siyang kumupkop kay Mikel.
Napansin kong nawawala si Vincent, kanina
pa siya hindi sumasabad sa aming pag-uusap. May binili na pala kaming pagkain
bago kami tumuloy dito at nasa kotse iyon. Pinuntahan ko ang sasakyan, pagbukas
ko ng pintuah ay naroon nga si Vincent at nakayupyop sa kandungan ni Gerald.
“Naabala ko ba kayo? Sige lang, ituloy
ninyo?”
Ang puta, itinuloy nga ng walanghiya.
Kinuha ko lang ang pagkain para pandagdag sa aming tanghalina. Sa isip-isip ko
tuloy, kaya nagustuhan ni Mikel na mag-stay dito ay dahil sa kalayaan niyang
manglalaki. Ang hindi pa niya alam ay ang una niyang karanasan ay heto,
kumakain na rin ng hotdog. Hay susme!
“Busog ka na Vincent, hindi ka na
siguro makakakain. Gerald, kakain na tayo.”
-----o0o-----
Habang kumakain kami, nagpaalam ako
kay Nanay Sela na mag-stay kami ng isang gabi rito sa bahay niya, gusto ko pa
kasing makausap si Mikel.
Okay lang sa akin, walang problema.
Gusto ko nga na dito na si Mikel eh, napamahal na rin kasi sa akin ang batang
iyan, Itinuring ko na siyang tunay na anak.
“Kuya, may magandang lagoon dito,
pwede tayong pumasyal, ang linaw ng tubig at ang lamig. Gusto mo puntahan
natin?” sabi ni Mikel.
“Sige, narito na lang eh di sulitin na
hehehe. Nanay Sela, pwede po ba?” paalam ko sa matanda.
“Open naman iyan sa may gusto, basta
lang ba iingatan ang madadaanan na pananim at huwag magkakalat,” wika nito.
“Gerald, sama ka ba?” tanong ni Mikel.
“Oo naman, matagal na rin kaya nung
huli tayong naligo roon.” Sagot ni Gerald.
“Kayo, Dindo, Sendong, Oscar. Sama rin
kayo,” aya ni Vincent
May gagawin pa raw sina Dindo at
Oscar, pero si Sendong ay tumango at sasama raw.
Nagtungo muna kami ng bayan para
makabili ng kakainin at iinumin. Para kaming may piknik.
-----o0o-----
Napakaganda nga ng sinasabing lagoon
ni Mikel. Napakalinaw ng tubig. Ang ganda pa ng tanawin dahil halos nasa paanan
ito ng bundok na tila virgin forest pa sa dami ng puno. Kahit tirik ang sikat
ng araw ay halos hindi maramdaman dahil sa malilim sa lugar.
Lumusong na ako, napaatras akong bigla
dahil napaka-lamig nga pala, napagtawanan tuloy ako ng kapatid ko.
“Sa umpisa lang parang napakalamig,
kapag nakalublob ka na ay hindi mo na mararamdaman ang lamig, normal lang, sige
na, lusong na,” aya ni Sendong.
“Oo nga kuya, ako nga na ang
nipis-nipis ng katawan ay kinaya ko, ikaw pa. Tingnan mo si Vincent o, tila
hindi nalalamigan,” sabi ni Mikel.
“Paanong malalamigan ay pumulupot na
kay Gerald. Ang harot talaga,” wika ko.
“Kuya Zaldy, anong nangyari kay
Vincent, bakit ganon yan, sumapi na ba sa pederasyon?” Tanong ni Mikel na may
pagbibiro.
“Tila nga, hayaan mo nga siya.”
Ayaw ko talagang lumusong, sobrang
lamig kasi. Nang mapalingon ako ay bigla na lang may humatak sa akin, si
Sendong, tuloy ay napayakap ako sa kanya. Yung aming eksena ay napanood ko na
sa isang chinese teleserye, yung eksenang matutumba at nasalo ng bidang lalaki,
nagkatitigan at tila maghahalikan na.
Ang totoo, lumakas ang tibok ng puso
ko, hindi ko maintindihan ang aking sarili, may pagnanais ako na sana ay
halikan ako. Grabe na ito. Hindi pwede, lalaki ako.
Kaagad ko namang nailayo ang katawan
ko, medyo nahiya ako kay Mikel dahil sa iba ang tingin niya sa akin, parang
ano, may tamang hinala. Hindi naman ako magpapaliwanag, wala naman akong dapat
na ipaliwanag sa kanya
Tama nga si Mikel, hindi na malamig
ang pakiramdam ko, normal lang na lamig at kayang-kaya. Nakipagharutan na ako
sa kanila.
Mga isang oras din kaming lumangoy.
Nakaramdam na ako ng gutom, inaya kong kainin na ang dala naming snacks. May
baon kaming burger, barbe-Q, softdrinks at tinapay. Nagustuhan ko yung
pan-de-coco na kinain namin kanina. Masarap na, mura pa hehehe.
Hindi pa agad na umahon sina Mikel,
Gerald at Vincent, kami lang ni Sendong ang umahon at siya kong kakwetuhan
ngayon.
Napagmasdan ko siya, Ang gwapo pala
niya, matangkad at napakaganda ng pangangatawan. “Sendong, anong year mo na?”
“Graduating na ako this year Zaldy, sa
senior high.”
“College ka na pala next school year,
anong balak mong kunin at saan mo gustong mag-aral?’
“Kung papalarin, gusto kong sa Maynila
mag-aral, gusto kong maging seaman. May pangako kasi sa akin si Tiya na
papag-aaralin niya ako, hindi kasi ako kayang papag-aralin ng magulang ko,
mahirap lang kami. Kaya nga tumutulong-tulong ako kay Tiya dito sa farm niya.”
“Alam mo, malapit lang sa amin ang
school na nag-o-offer ng ganyang kurso, pwede kang sa amin tumuloy, kung
gugustuhin mo. Tulong na rin, kasi hindi naman nagkait ng tulong ang tiya mo na
tulungan ang kapatid ko. Tama ba ako na tiya mo si Nanay Sela?”
“Oo tiya ko siya, kapatid ng nanay
ko.”
Habang nag-uusap kami ay hindi talaga
maaalis ang tingin ko sa kay Sendong. Napakaamo ng kanyang mukha, dagdag pa ang
kanyang dimples na lumalalim lalo kapag nangiti. Naku po… natural lang naman
ang humanga sa lalaki, di ba? Hindi ibig sabihin ay bakla ako. Huwag naman,
magiging dalawa na kami sa pamilya. Hindi pwede. Haay, kung ano-ano na ang
naglalaro sa isipan ko dahil sa gwapong lalaking ito.
“Seryoso kayo ah Kuya, ano na ba ang
napag-usapan ninyo?” so Mikel. Hindi ko napansin na umahon na pala ang tatlo.
“Ah wala lang, natanong lang ako ng
kuya mo kung anong grade ko na,” sagot ni Sendong. “Kain na kayo, kumakain na
kami.”
“Kayong dalawa, Gerald, Vincent… mag
miryenda na rin kayo at makabalik na tayo. Vincent, ano na bang lagay,
napasagot mo na ba?” biro ko. Medyo napangiti pa Gerald.
“Grabe ka naman Zaldy, selos ka ba? Me
linaw hahaha, joke lang.”
Masayang-masaya kami, ako, iba ang
kasiyahan ko, kasi ay nahanap na namin si Mikel, at may iba pang kasiyahan akong
naramdaman, basta, mahirap ipaliwanag, basta masaya ako na nakilala, nakausap
ko si Sendong.
Naglangoy pa kami sandali, pagsapit ng
4 ng hapon ay bumalik na kami sa farm.
-----o0o-----
Nagkaroon pa kami ng konting inuman
pagkakain namin ng hapunan. Si Gerald ay dito na raw matutulog. Nag-text na raw
sa kanila para magpaalam, pinayagan naman daw siya.
Mukha na ngang nagkaka-mabutihan ang
dalawa ni Vincent at Gerald. Hindi ko talaga akalain, me ganon pala, Ewan!
Hindi ko rin naman maintindihan ang
sarili ko, masaya ako kapag kausap ko si Sendong. Siya naman kasi ang tabi ng
tabi sa akin, naguguluhan na tuloy ako.
“Mga pare, sandali lang ha, gusto ko
lang makausap ng sarilinan ang kapatid ko, pwede ba? Doon muna kami sa loob
ha!”
-----o0o-----
“Tungkol saan Kuya?’
“Talaga bang gusto mong dito na
magtapos ng junior high?”
“Oo kuya, ang hirap naman na lilipat
pa ako ay konting panahon na lang naman. Kuya, alam ba nina Mama ang paglalayas
ko?”
“Hindi, hindi ko pinaalam, mag-aalala
lang sila kapag nalaman ang paglalayas mo. Hirap na hirap nga akong
magsinungaling. Kasi kapag tumatawag siya ay hinahanap ka. Kung ano-ano na lang
ang idinadahilan ko, na nasa classmate mo at gumagawa ng project, basta kung
ano-ano. Tinatawagan ka raw nila, pero hindi ka makontak.”
“Sorry Kuya, akala ko kasi ay hindi na
talaga ninyo ako mahal. Nagtampo rin ako kina Mama, kasi parang hindi man lang
din sila nag-aalala. Alam mo naman na sabi ko ay malalaman din nila na lumayas
ako.”
“Naku, huwag mo ngang isipin iyon,
alam mo naman ikaw ang paborito nila eh, lalo na si Papa, ikaw lang ang
nakapagpapatawa sa kanya eh. Siya nga pala, baka umuwi ng christmas sina Papa.
Paano iyan, ang sabi ay baka magtagal sila ng mahigit isang buwan dito. Anong
idadahilan ko kapag dumating sila na wala ka dahil may pasok pa?”
“Problema nga ano? Ano sa palagay mo,
sabihin ko na ang totoo? Mag-iisip ako ng sasabihin na hindi nila ikagagalit.
Irerecord ko ang napag-usapan namin, isend ko sa iyo ang audio para malaman mo
rin. Payag ka ba?”
“Sige kuya. Pero suggestion ko lang,
huwag mong sabihin na naglayas ako ha, sabihin mo na nagtransfer lang ako dahil
may iniiwasan ako.
“Bahala na, kung anong best na maisip
ko, iyon ang idadahilan ko. Syanga pala, sino ang nagbibigay ng allowance mo.
Naiwan ang ATM mo sa atin, saan ka kumukuha nang pang-baon?”
“Binibigyan ako ni Nanay Sela.”
“Hayaan mo, babalik kami next week
para dalawin ka at maibigay ko na rin ang ATM mo, Ang damin mo nang ipon ah,
hindi nababawasan hehehe, pautang naman,” pangako ko. “Bunso, sorry talaga ha. Patawarin
mo ako ha, mali talaga ang ginawa ko.”
“Kuya naman eh, ilang beses ko na bang
sasabihin na kinalimutan ko na iyon, ikumusta mo ako kina ate Liza at Kuya
Edgar.”
“Oo, matutuwa ang maga iyon lalo na
ang ate Liza mo. Tara na, balik na tayo sa grupo.”
-----o0o-----
Naubos na ang iniinom namin, nag-aya
nang magsitulugan sina Sendong. Si Gerald at si Vincent ay doon na sa silid
nina Dindo natulog, ako naman ay dito na sa kwarto nina Mikel.
Maliit lang ang kama, pero okay naman,
kasya naman kami ni Mikel, mabuti na lang at hindi sumama si Jerry.
Nagkwentuhan pa kami ni Mikel nang
kung ano-ano lang, karaniwan ay tungkol sa bahay, sa mga kapatid ko. Pati ang
pinagbago ni Vincent ay nakwento ko rin. “Hindi ka ba nandiri, bading din pala
ang nakauna sa iyo hehehe,” tanong ko, halos pabulong para hindi marinig ni
Sendong na gising pa yata.”
“”Hindi naman kuya, wala lang sa akin
iyon. Ginapang ka rin ba ni Vincent Kuya,” bulong din ni Mikel.
“Oo, pinagtulungan ako nilang dalawa
ni Jerry, lasing lang ako kaya nangyari iyon,” anas ko pa rin.
“Hala, pati si Jerry? Wala na bang
tunay? Ikaw kuya, baka naman…” hindi na niya naituloy, alam ko naman ang gusto
niyang sabihin.
“Kung sakali ba, mandidiri ka ba sa
akin?”
“Hindi kuya, ganon talaga. Ang
problema lang ay baka hindi magka-apo sa atin sina Mama, hindi lalago ang lahi
ni Papa hehehe. Sabagay, nariyan pa naman si Kuya Edgar. Tulog na tayo Kuya,
antok na ako, bukas na lang uli tayo magkwentuhan.”
“Sige Mikel, goodnight!”
-----o0o-----
Nakatulog kaagad si Mikel, hindi naman
ako dalawin ng antok. Hindi kasi mawala sa isipan ko si Sendong. Hindi ko
maintindihan ang aking sarili, ang laki ng atraksyon ko sa lalaking ito.
Pumihit ako ng higa, pagpihit ko ay
nakatagilid din si Sendong paharap sa akin, mulat din ang mata, hindi pa
nakakatulog.
“Hindi ka makatulog?” tanong ni
Sendong.
“Oo eh, namamahay yata ako. Bakit
gising ka pa rin,” sagot at balik kong tanong kay Sendong.
“Ewan ko ba, hindi naman ako ganito
lalo na at naka-inom pa. Me gumugulo kasi sa aking isipan,” ani Sendong.
“Halika, kwentuhan muna tayo,” aya niya.
-----o0o-----
Doon sa labas kung saan sila nag-inom
nag-usap. Pero dahil maraming inekto at lamok, inaya na lang ni Zaldy doon sa
kotse.
“Sendong, kumusta ang kapatid ko dito?
Hindi ba matigas ang ulo?” tanong ko.
“Naku, napakabait ni Mikel, masipag
pa. Saka matalino pala ang kapatid mo, palaging top 1 sa klase,” ang nasabi
lang ni Sendong. “Ano nga pala ang course mo Zaldy?”
“Third Year year Engineering ako.
Ikaw, di ba gusto mong maging seaman. Bakit iyon ang napili mo.”
“Marami kasing taga-rito ang seaman,
at halos lahat ay gumamda ang buhay. Gusto ko sanang mabiigyan ng konting
kaginhawahawan ang mga magulang ko at kapatid.”
“Eh di focus ka muna sa pag-aaral.
Wala munang girlfriend-girlfriend. Me girlfriend ka na ba?’
“Wala, sadyang hindi ko iniisip na
mag-GF sa ngayon,” sabi ni Sendong.
“Ahhh, akala ko iyon ang gumugulo sa
isipan mo eh. Baka naman boyfriend? Hehehe, joke lang.”
Napatitig si Sendong kay Zaldy, titig
na titig, tila hindi na kumukurap ang mga mata.
“O bakit ganyan ang tingin mo sa akin?”
“Ang totoo, ang tungkol nga sa
boyfriend ang nagpapagulo sa isipan ko. Hindi ko nga maintindihan eh. Kasi, simula
pa kanina doon sa lagoon, para bang masyado akong attracted sa iyo. Huwag mo
isipin na bading ako, pero para kasing gusto na kita,” pag-amin ni Sendong.
Nawalan ako ng kibo. Ang totoo, ganun
din ang naramdaman ko kanina. Kaya nga palagi na lang gusto kong magkadikit
kami, magkausap. Ano bang nangyayari sa akin.
“Ha! Eh talaga ba?”
Itutuloy-----