Biyernes, Agosto 30, 2024

Kwento ni Ambeth (Part 25) Finale

 


Kwento ni Ambeth (Part 25) Finale

 

 

Natukso na naman akong makipagtalik kay Ernest. Pero matapos iyon ay nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa hindi na iyon dapat na nangyari. Na-guilty ako para kay Maynard. Alam ko kung gaano kasakit ang pagtaksilan, kaya nga halos ilang taon ko ring hindi kinausap si Ernest. At heto ako ngayon, nagawa ko ring pagkasalahan ang isang mabait na kaibigan.

-----o0o-----

Christmas vacation kaya umuwi ako. Kahit pasko at dapat ay nagkakasayahan ang bawat isa ay heto ako, bakit malungkot. Iniisip ko pa rin ang nagawa kong kasalanan.

Hindi ako masyadong naglalabas ng bahay. Nagtataka nga ang parents ko kung bakit daw parang ang lungkot-lungkot ko. Baka raw may dinaramdam ako at hindi sinasabi sa kanila.

“Wala ‘Nay, medyo wala lang talaga ako sa mood. Wala rito ang best friend ko kaya wala akong makasama. Alam naman ninyong wala akong masyadong barkada dito,” dahilan ko na lang.

“Bukas ay samahan mo ako sa palengke ha. Makabili tayo ng pagsasaluhan natin sa noche buena,” sabi ni Nanay.

“Opo.”

Sa aking pagmumukmok ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-isip-isip. Inalala ko ang lahat ng masasayang araw ko sa piling ni Ernest, ng mga naging kalokohan ko noong magbakasyon ako kina Lola Azon, sa mga kalokohang kong ginawa sa Maynila. Ang dami ko na palang kasalanan. Naisip ko na sisimulan ko ngayong paskong ito ang pagbabago.

Nangako ako sa aking sarili na iiwasan ko na muna ang mga lalaki, ang magmahal na makasisira sa aking pag-aaral. Magpo-focus na muna ako sa aking studies at bibigyan ko ng karangalan ang aking mga magulang at kapamilya. Target kong makuha ang highest honor, ang makamit ang summa cum laude o kahit na Magna cum laude man lang. Alam kong kaya ko iyon.

Pangarap ko ring na makapag-pinta ng magagandang obra o makapagtrabaho bilang multi-media artist o art designer. At kapag nagkaroon na ako ng experience ay gusto ko ring mag-turo. Ipinangako ko iyon sa aking sarili at tutuparin ko iyon.

Araw ng pasko, nagsosolo akong nagsimba dahil sina Nanay at Tatay ay noong simbang gabi na nagsimba, ako ay itong pang-umagang misa. Marami pa ring nagsimba, halos wala nang bakanteng upuan.

Sa paglinga-linga ko ay nakita ko si Nanay ni Ernest, nagkasalubong ang aming mata at kinawayan ako. Ayaw ko sana, pero nakakahiya namang mag-usap kami ng pasigaw, nasa loob kami ng simbahan. Ayaw ko sana dahil kumpleto ang pamilya nila, pati na si Ernest at si Maynard. Para kasing wala akong mukhang ihaharap sa kanya.

Noong ma-aktuhan ko sila ni Ernest ay hindi niya alam na may relasyon kami ni Ernest kaya masasabi kong wala siyang kasalanan. Pero itong nangyari sa amin ni Ernest, alam na alam ko ang relasyon nila kaya mas malaki ang aking kasalanan, naging marupok kasi ako. Ganon pa man ay lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Nanay. Hindi na naman kami nakapagkwentuhan dahil sa nagumpisa na ang misa.

Matapos ang misa ay inanyayahan pa ako na sumama sa kanila at saluhan sila sa kanilang pagsa-salo-salo, subalit tumanggi na ako, idinahilan ko na naghihintay sa akin sina Nanay.

“Sige po. Maraming salamat,” paalam ko sa kanila.

Sumakay na sila sa tricycle na pinapasada ng tatay ni Ernest na alam kong binili ni Maynard para siyang maging hanapbuhay nito.

Naisipan kong bumili ng puto bungbong at puto-bibingka na may itlog na maalat sa ibabaw. Naglalakad na ako para pumunta sa lugar ng bilihan nang may mapansing akong naglalakad sa unahan ko. Pamilyar ang isang lalaki na kasama ng isa pang lalaki, Nagtaka naman ako dahil sa magkaholding hands pa sila.

Hindi siguro si Sonny iyon. Bakit naman siya makikipag-holding hands sa isang lalaki rin in public. Hindi ko na lang pinansin. Huminto sila sa isang nagtitinda, kilala ang nagtitinda pagdating sa tinda nitong bibingka at puto bungbong dahil talaga namang masarap, kaya nga ang daming nabili, pila nga eh. Mabuti na lang at marami ng luto na nakalagay sa isang styro.

Doon talaga ang punta ko. Tinabihan ko talaga ang dalawa para masiguro ko kung si Sonny nga ang isa. “Sonny,” sabi ko na hindi naman nakatingin sa kanya. Lumingon naman siya, si Sonny nga.”

“Ambeth, ikaw pala iyan, kumusta. Bibili ka rin ba?” bati at tanong niya.

“Oo, paborito ko ang bibingka nila. Talaga namang masarap,” sabi ko. Nakatingin lang sa amin ang kasama niya. Hinihintay kong ipakilala niya sa akin.

“Sino siya Sonny?’ tanong ng lalaki. Nakilala ko na ang kasama niya, siya yung baklang anak ng aming mayor na mayaman.

“Ay oo nga pala, si Ambeth kaklase ko noong high school. Ambeth siya si Melvin, Jowa ko.” Pakilala niya sa amin. Nagngitian lang kami at nagtanguan, wala nang kamayan pa. Sinabi ko lang na “Hi! Nice to meet you”. Hindi ako nagpakita ng pagkagulat, baka kasi kung ano ang isipin. Nauna silang pagbilhan kaya nauna na rin silang umuwi at nagpaalam sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala, talagang ipinakilala pa sa akin ni Sonny na jowa niya yung anak ni Mayor. Kung sabagay, mayaman iyon. Pero mayaman din naman sila, bakit kaya pinatulan iyon, bakit ako hindi hahahaha. Nagkakagusto na naman talaga ako sa kanya noon kaya lang ay hindi talaga magiging kami dahil babae ang gusto niya. Nakailang GF nga siya, pero anong nangyari kaya. Hay naku, buhay nga naman.

-----o0o-----

Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ni Sonny, hindi niya kasama noon ang jowa niya.

“Sonny, kumusta. Anong balita?” bati ko. “Saan ang lakad?”

“Ambeth! Diyan lang sa 7/11, may bibilhin lang. Halika, samahan mo ako,” yaya niya sa akin.

Wala naman akong intensyon na magtanong tungkol sa jowa niya, siya naman ang nagkwento. “Alam ko, may gusto kang itanong, may gusto kang malaman.”

Pumasok na muna kami ng 7/11 at bumili lang ng snacks, may mauupuan namn doon at mesa kaya doon na namin kinain ang binili naming snacks at doon na siya nagkwento.

“Alam mo naman Ambeth na babae ang gusto ko, pero alam mo din na okay lang sa aking na maka-ano ang isang lalaki na gaya mo,” pasakalye niya. Lumingon-lingon pa muna, nag-aalala siguro na may makarinig na iba. Wala naman masyadong tao kaya itinuloy na niya ang sasabihin,

“Magkakilala na talaga kami dati pa ni Melvin. Alam kong may gusto siya sa akin. Biniro ko, bumigay kaagad. Naging parang kami na. Ang balak ko talaga ay perahan siya, mayaman kaya maraming pera. Sunod ang luho ko sa kanya, kahit ano ay ibinibigay sa akin,” kwento niya.

“Ibig sabihin ay lolokohin mo lang talaga?” singit kong tanong.

“Oo, pero ganito kasi. Nalaman ng tatay niya ang tungkol sa amin, kilala mo namaan ang tatay niya, si Mayor. Ang akala ko ay paghihiwalayin lang kami, kaya okay lang naman sa akin kung magkahiwalay kami, pero hindi iyon ang nangyari. Pinagbantaan ba naman ako na kapag umiyak daw si Melvin, kapag sinaktan ko at niloko ay mananagot ako. Alam mo naman siguro kung anong pwedeng gawin ng tatay niya, natakot ako syempre,” mahaba niyang kwento.

Tatango-tango lang ako, nakikinig sa kwento niya.

“Mahal na mahal pala si Melvin ng tatay niya, kaya pala lahat ng gusto niya ay ibibigay, pati na kung sinong magugustuhan. Hayun, napilitan akong pakisamahan siya ng maayos. Matagal-tagal na naman kami. Napakabait naman niya sa akin, kilala na rin siya a bahay at tanggap kami ng aming family. Hindi ko rin alam na mamahalin ko rin pala siya. Totoo, mahal ko na siya, walang biro.”

“Mabuti naman kung ganoon, alam mo naman sa kagaya namin na napakasakit na lokohin ka ng taong inakala namin na mahal kami. Noon ba, wala kang naramdaman sa akin hehehe?” singit kong tanong.

“Ikaw ba, may naramdaman ka ba sa akin ha, Ambeth?”

“Yung totoo… oo. Nagsisimula na akong magkagusto sa iyo, hindi dahil sa may ilang beses na nangyari sa atin kundi dahil sa naging pagbabago mo. Pero alam kong babae ang gusto mo kaya kaagad ko nang inalis iyon sa utak ko, hindi magiging tayo kahit kelan. Pero naging magkaibigan naman tayo.”

“Alam mo Ambeth, ang totoo, gusto na rin kita noon, duwag lang akong umamin, kasi naman, akala ko talaga ay babae lang ang dapat sa lalake na mahalin, sa sex… okay lang sa akin kung lalaki hehehe.”

“Kung naging tayo kaya noon, tayo pa rin kaya hanggang ngayon?” tanong ko, kung lang naman.

“Hindi ko masabi. Akala ko nga ay hindi ako magmamahal ng isang bading, pero heto ako, bading ang jowa. Pero alam mo, sakaling magsawa na sa akin si Melvin, ang hahanapin ko ay kagaya mo. Kung libre ka pa, siguro ay ikaw ang pipiliin ko,” sabi ni Sonny.

“Wow naman. Kinilig ako ah. Pero ngayon masaya naman kayo. Mahalin mo lang naman ng totoo, magtatagal kayo, huwag mong pagtataksilan,  gaya ng ginawa sa akin.”

Nag-aya na akong umuwi na. Naghiwalay kami na iba ang pakiramdam ko. Totoo sigurong may isang lalaki na tunay na magmamahal sa kagaya namin.

-----o0o-----

Balik uli sa Maynila, balik aral na naman. Iniwasan ko na talaga ang magkaroon ng seryosong relasyon sa isang lalaki. Tinapat ko na si Justine na walang mangyayari sa panliligaw niya sa akin. Naging mabuting magkaibigan naman kami. Iniwasan ko nang magkita uli kami ni Ernest.

Lumipas na naman ang mga araw, bakasyon na naman. Ang bilis talaga ng pagdaan ng araw, tila dumaan lang ang bakasyyon, heto at pasukan na naman. Third year na ako.

May mga umalis na sa boarding house ni Kuya dahil sa nag-graduate na, meron din namang pumalit. Nang makausap ko si kuya ay sinabi niyang may bakante pang room dahil sa umalis na ang boarder na iba. Baka daw may gusto kaming irekomenda. Mas maganda raw na rekomendado namin.

Nang tanungin ko kung alin silid ang bakante ay sinabi niyang yung nasa thrid floof, yung room 33.

“Ah umalis na ba yung Ernest? Tanong ko, gusto ko lang makasiguro.

“Oo, nag-graduate na siya at alam ko ay magtatrabaho na at medyo malayo dito ang napasukan niya kaya umalis na,” sabi ni Kuya.

Nakaramdam din naman ako ng kirot. Ewan ko ba, hindi ko siya makalimutan ng husto. May tuwa rin naman akong naramdaman dahil sa natupad ang pinapangarap niya.

-----o0o-----

Subsob ako sa aking pag-aaral, nagtagumpay akong makaiwas sa mga makamundong pagnanasa. Hindi naman ako nabigo sa aking goal, nagtapos ako with high honor. Masaya na ako sa nakamit kong karangalan na “magna cum laude”. Kung masaya ako, mas masaya ang magulang ko, sobrang proud nila sa akin.

Single pa rin ako hanggang ngayon. Si Ernest? Wala na akong balita simula ng umalis siya ng Dorm. Sa iba na rin nakatira ang parents niya, marahil ay naipag-pagawa na ni Ernest ng bahay ang pamilya niya.

Si Justine, hayun, naging sila ni Rexy. Hindi ko talaga akalain na ang klase ni Justine ay magkakagusto ng tunay sa isang bading. Noon kasi ang akala ko binibiro-biro lang niya ako. Nagsimula kasi kami sa asaran.

Si Sonny, nasa ibang bansa na sila, ang alam ko ay sa Canada o Australia, balak daw nilang magkaanak pareho ng jowa niyang si Melvin, maghahanap ng babaeng magiging surrogate mother ng baby nila.

Ako, panibagong buhay na naman ang aking tatahakin. Hindi ko na kailangan pang mag-apply, may mga kompanya nang nagnanais na kunin ako bilang empleyado nila. Nagsubmit kasi kami ng aming profile noon pang hindi kami nag-gagraduate at nakalagay doon syempre ang trabahong gusto namin. Ang napili ko ay ang isang malaking broadcasting company bilang isang multi-media artist.

Tuloy pa rin ako sa pag-pipinta ng iba-ibang subject, about nature ang paborito ko. Hindi pa rin kasi naalis sa akin na isang araw ay magkaroon ako ng pagkakataon na mai-showcase ko ang aking mga obra sa isang art gallery.

Hindi naman ako naghintay ng napakatagal, dahil ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay nag-sponsor sa akin. Nakita kasi nila ang kahusayan ko bilang isang multi-media artist nila at ilan sa aking mga painting ay sila pa ang bumila. Laking tuwa ko sa ginawa nilang iyon. Wala naman kasi akong kilalang matataas na tao para lapitan para nga makapag display man lang ng aking painting.

Masasabi ko naman tagumpay ang una kong show, maraming bumili on the spot at marami ring nagpakita ng interest na bilhin ang ilan sa aking mga obra. Hindi pa naman kamahalan ang aking painting, dahil hindi pa ako kilala.

Huling araw na ang aking show, at tatanggalin na ang mga painting ko a galeriyan iyon. May isang nagtanong kung magkano raw ang isang painting na may title na “Ang Kargador”. Hindi for sale ang painting na iyon, pero mapilit yung lalaking nagtatanong at bibilhin daw ng kanyang amo kahit na magkano.

Makulit talaga ang lalaki kaya sinabi kong gusto kong makausap kung sino ang gustong bumili.

“Ako, gusto kong bilhin ang isang iyan dahil ako ang nasa painting na iyan.”

Napalingon ako sa aking likuran para kilalanin ang nagsalita sa aking likoran, gulat ako sa aking nakita. “E-E-Ernest?”

Hindi ko alam kung paano magre-react. Nagulat kasi ako at bigla na lang siyang sumulpot.

“Pwede ba tayong mag-usap? Saan tayo pwede?” tanong ni Ernest.

Nagpaalam ako sa aking kasama na siya na muna ang bahala. Aalisin na kasi roon ang mga painting kong hindi ‘for sale’ at iiwan yung iba para ibenta.

Sa isang malapit na resto bar ko lang siya inaya. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang kaba ko, ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Ibang-iba na si Ernest, hindi na siya yung Ernest na nakilala ko. Iba na kung manamit, pusturang-pustura, yun bang yayamanin ika nga.

“Kumusta, base sa itsura mo ngayon ay nakasisiguro akong nagtagumpay ka na. Ten years na ang nakalipas na wala akong balita sa iyo. Kwento ka naman,” sabi ko.

“Ikaw rin naman, very successful ka rin, nakapag show ka na sa class na gallery na ito,” tugon ni Ernest. “Magkwento ako pero ikaw rin dapat.”

“Naku, baka sa haba ng kwento ko ay abutin tayo ng magdamag hehehe. Joke lang. sige, sinabi mo eh.” Sus me, obvious na yata ako masyado sa mga kilos ko, nangingiti kasi siya eh.

“Pagkagraduate ay nagtrabaho ako sa kompanya nina Maynard. Okay naman ang naging lagay ko. Natanggap na ng parents nila ang relasyon namin. Hindi ko na pahahabain pa ha, directa na,” sabi ni Ernest.

“Hahaha, oo naman.”

“Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Maynard, nagkaroon siya ng tumor sa utak at malignant iyon. Dinala siya sa America para doon ipagamot. Dahil walang makakasama roon si Maynard ay ako na ang nagprisinta, may sweldo pa rin ako sa kompanya nila at dinedeposit sa aking account ang 50 % ng sahod ko at ang 50% ay sa family ko. Wala naman akong gastos sa pag-stay ko sa America. Dalawang taon din kaming nag-stay doon, pero wala nang nangyari, kinuha rin siya ni Lord.”

“Hala, I’m sorry. Hindi ko alam.”

“Okay lang. Nang mailibing ay kinausap ako ng tatay nila, may bilin daw sa kanila si Maynard, tulungan daw akong makapagtayo ng sariling negosyo dahil sa iyon ang pangarap ko at pangarap din ng anak niya para sa akin. Tinupad naman nina Papa ang pangako nila sa akin, heto ako, may sarili nang construction company. Kasosyo ko pa rin ang parents ni Maynard, pero tingin ko ay para makompleto lang talaga ang tinatawag na incorporator, kasi 1 share lang ang sa kanila pati na ang kompanya nila na dating hawak ni Maynard ay 1 sahre lang ang investmen sa aking kompana.”

“Natutuwa ako sa tagumpay mo Ernest. Nagpapasalamat din ako at nakilala mo si Maynard. Sayang at maaga siyang kinuha ni Lord. Paano ka na niyan? Saan ka na umuuwi. Hindi ko na alam kung saan nakatira ang parents mo. Nga pala, paano mo nalaman yung sa gallery.”

“Sa Bulacan pa rin, medyo malayo lang sa dati. Hindi na naman kasi tayo nakakapag-usap ng panahon na iyon dahil alam ko iniiwasan mo ako. Tama lang naman iyon kaya umiwas na rin ako. May bahay na iniwan sa akin si Maynard, pero hindi ako madalas doon na umuuwi, ang laki kasi eh nag-iisa lang ako. Sabi ko nga kina Mama ay sa kanila na lang iyon dahil hindi natitirhan. Me mga katiwala naman doon na naglilinis at namamahala. Ikaw naman.”

“Ano ba naman ang ikukwento ko. Magyayabang na lang ako hehehe. Grumaduate ako with high honors, magna cum laude, sinwerte na kinuha ng isang malaking boradcasting company para maging multi-media artist nila, tinulungan na makapag showcase ng painting ko sa gallery, kahit papano ay may nabenta naman. Balak kong magturo. Kinukuha kasi ako ng dean namin para magturo. Pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko. Baka kasi hindi ko magampanang mabuti dahil madami din akong trabaho sa opisina,” mahaba kong kwento.

“Magkano yung “Ang Kargador”? Interesado akong bilhin talaga iyon.”

Pilit talagang gustong bilhin ni Ernest ang painting na iyon kahit na sinabi kong hindi for sale.

“Bakit ba ayaw mong ibenta?”

“Basta, mahalaga sa akin iyon.”

“Dahil ba sa ako ang nasa painting? Ako ang iyong modelo. Dahil ba magpa-hanggang ngayon ay mahal mo pa ako?” – si Ernest.

“Naku, balik na tayo, nakakahiya naman sa kasama ko, wala siyang katulong sa pagtatanggal ng iba kong painting,” sabi ko para makaiwas sa tanong niya. Hindi naman siya nagpumilit pa.

-----o0o-----

“Okay na po Sir. Naka-ayos na yung pinatatanggal mo.”

Matapos maayos ang dapat kong ayusin sa pamahalaan ng gallerya ay umalis na kami. Pilit na gustong sumama sa akin ni Ernest, gusto raw malaman kung saan ako nakatira dito sa Manila. May dala akong sasakyan, sumunod din siya kahit na ayaw ko.

May nabili akong isang bahay dito sa QC sa may New York sa Cubao, doon ako nakatira. Hindi naman kalakihan, pero okay na para sa akin. May garahe naman kaya walang problema sa parking.

-----o0o-----

Naging madalas ang pagdalaw-dalaw sa akin ni Ernest. Wala naman siyang sinasabi, hinihintay ko lang naman na sabihin niya na gusto pa rin niya ako, na mahal pa rin niya ako para sagutin ko rin ang naiwan niyang tanong sa akin noong una kaming magkita, pero wala. Hindi ko alam kung nililigawan uli ako, pero hindi na naman talaga ako umaasa.

Isang gabi ay inurirat na naman niya sa akin yung “Ang Kargador”. Ang kulit talaga niya. “Hindi ko iyon ipinagbibili dahil sa may gusto akong pagbigyan niyon, siya ang aking inspirasyon ng iguhit ko iyon,” sabi ko. Hindi na kasi ako nakatiis, ako na ang gumawa ng paraan para malaman ko talaga ang intensyon niya sa pagdalaw-dalaw sa akin.

“Kasi mahal mo ang taong iyon?” tanong ni Ernest.

“Mahal na mahal, kaya lang ay hindi na niya ako mahal dahil may mahal na siyang iba.”

“Minahal ko na rin si Maynard, pero may una akong minahal at mas minahal ko ang taong iyon hanggang ngayon,” sabi niya sabay yakap sa akin

“Tulo ang luha ko, ganon pala ang dapat kong ginawa noon pa. Mahal kita Ambeth, mahal na mahal. Kelan man ay hindi kita nakalimutan.”

“Ikaw din naman eh. Ikaw lang ang lalaking minahal ko. Wala akong ibang minahal, nanatili akong single simula na magkahiwalay tayo. Hindi naman kita talaga hinintay na bumalik sa akin, kaya lang, wala na talaga akong balak na magmahal pa ng iba.”

Sa unang pagkakataon, sa mahigit sampung taon na hindi naming pagkikita at pag-uusap man lang ay muli kaming nagkayakap at naghalikan. Masayang masaya ako at maging si Ernest din. Kami yata talaga ang itinadhana.

May ibinigay siyang sulat sa akin, mula daw ito kay Maynard na ipinabibigay nito kapag nagkita daw kami. Nang tanungin ko kung anong nilalaman ay hindi raw niya alam.

Binasa ko na lang. Naluha ako ng mabasa ko ang sulat. Hanggang sa huli kasi ay ang kaligayahan ni Ernest ang nasa isipan ni Maynard. Minahal talaga nito ng labis si Ernest. Gusto ni Maynard na magkabalikan kami dahil alam daw niyang sa akin lang liligaya si Ernest. Marami pa siyang sinabi na hindi ko na lang ikukwento, pero nakiusap siya na tanggapin kong muli si Ernest.

-----o0o-----

Nang gabing iyon ay muli kong nadama ang tamis nang aming pagmamahalan.  Sana lang ay forever na ito hanggang kami ay nabubuhay.

 

 

 

>>>>>WAKAS<<<<<

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...