Kwento
ni Ambeth (Part 20)
Ligawan
Pagpasok ko ng aming silid ay naroon na sa silid
si Justine. Himala, tahimik, hindi man lang ako binati. Sa isip-isip ko ay
mabuti naman. May dala akong kakanin na sadya kong itinago para pasalubong kina
Kuya at Rolly, sa close friend ko dito na si Rexy at kay Erwin kapag nagkita
kami sa school. Syempre, mero din para kay Justine. Hindi ko naman siya pwedeng
makalimutan dahil roommate ko siya. Bumaba na ako para ibigay kay Kuya ang
pasalubong ko at tinungo ko rin ang silid nina Rexy, mabuti at naroon siya.
Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanya sandali, baka may bagong tsismis eh hahaha.
Balik ako sa aking room, kaagad kong nakita si Justine
na may nginunguya, may kinakain. Kinabahan ako, baka kasi nilantakan na ang
kakaning kong uwi.
-----o0o-----
“Yummy! Ang sarap talaga, thank you Ambeth ha.
Paborito ko talaga ang kakanin na ito,” wika ni Justine na panay ang ngasab at
nilantakan na nga ang kakanin na pasalubong ko. Para naman talaga sa kanya ang
isang balot at akin naman yung isa pa. Pero akala ko ba ay hindi ako pansin.
“Hala, kinain mo iyan? Panis kaya iyan!” biro ko.
Tiningnan ko kung may itinira, meron naman. At least hindi niya kinuha lahat.
“Hayaan mo na, laman tiyan din. Saka hindi naman
lasang panis, masarap nga eh. Ikaw ha. Parang hindi mo ako roommate, inuna mo
pang bigyan ang iba. Ano ba ako sa iyo?” Drama ni Justine.
“Ikaw kaya ang hindi nambati. Talaga namang para
sa iyo iyan. Nakita mo, mas madami at dalawang klase pa, samantalang ang
ibinigay ko kay kuya at kay Rexy at isang klase lang,” sabi ko naman.
“Ibig bang sabihin ay mahal mo ako?”
“Anong sinabi mo? Manigas ka uy, Ikaw ang aking
masamang panaginip. Ubusin mo na iyan kung kaya mo. Meron pa ako dito. Para
bukas na ito,” sabi ko.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang isa pang balot
at siya na raw ang magtatago. “Ang sweet mo talaga, mwah,” wika niya sabay
halik sa pisngi ko.
Nahawakan ko ang pisngi na hinalikan niya.
“Justine ano ka ba? Para kang sira!” kunwari ay galit ako. Ang hindi niya alam
ay kinilig ako.
“Asus, galit daw… nag blush ka nga eh. Gusto mo
naman talaga. Ano… yung kabila naman.” Akala ko ay nagbibiro lang, pero nagulat
ako dahil sa hinalikan talaga ako sa kabila kong pisngi. Siguro ay lalo akong
nag-blush.
“Hoy, magtira ka mamaya, baka hindi ka na
makakain ng hapunan,” paalala ko.
“Oo nga ano,” sagot niya at tumigil na sa pagkain
at itinago na ang natira, pati na rin ang isang balot pa na sana ay para sa
akin naman. Hindi na bale, me isa pa naman akong balot para kay Erwin. Baka
magkita kami bukas.
-----o0o-----
Sa pagdaan ng mga araw, may napapansin akong
pagbabago sa aking roommate na si Justine. Parang tahimik lang siya, hindi na
siya tulad ng dati na kapag nakita na ako ay agad akong bubuskahin, aasarin,
bibiruin. Pero iba na ngayon. Naninibago ako, parang hindi na siya si Justine.
Tuloy ay naisip ko na baka may dinaramdam, baka may problema. Hindi na ako
nakatiis, miss ko na ang Justine na una kong nakilala, kaya nagtanong na ako.
“Justine… may problema ka ba? Bakit ang
tahi-tahimik mo? Naninibago ako sa iyo,” tanong ko. “May sakit ka ba? Hindi
kaya na matanda ka? Bakit hindi ka magpatingin sa isang albularyo,” wika ko pa.
“Wala akong problema, wala rin akong sakit. Ano
ka ba naman Ambeth? Sala ka sa init, sala ka sa lamig. Kapag nag-ingay ako,
galit ka, ngayon naman na tahimik ako, iba naman ang iniisip mo,” tugon ni
Justine.
“Naninibago kasi ako sa iyo. Hindi ka naman
dating ganyan. Hindi ako sanay na tahimik ka.”
“Ahh, gusto mo yung inaasar ka, yung kinukulit ka
palagi, ganun ba?”
“Hindi naman sa ganon. Ah basta, mas gugustuhin
ko na yatang maingay ka. Pang therapy ko iyon eh, yung bang nae-exercise ang
vocal chord ko, miss ko iyon… promise,” sabi ko. Totoo naman, mas buhay ako
kapag ganun siya hindi yung para kaming nasa sementeryo na sobrang tahimik.
“Ayaw mo ba nun, hindi na kita inaasar? Pinipilit
ko na ngang baguhin ang ugali ko eh, tapos gusto mo pala ay inaasar ka. Ayoko
na ng ganun, gusto ko yung ano na… yung…”
“Yung ano? Bakit hindi mo ituloy. Ano yung gusto
mo?” pilit kong tinatanong sa kanya, pero ayaw na, tinalikuran na lang ako.
Ano kayang nangyayari sa taong ito? Baka nga
namatanda na. Siguro ay itawag ko kay Nanay para mapatawas. Pwede kasi kahit
malayo, basta may larawan. I send ko yung picture niya para ipakita sa
albularyo sa barangay namin, magaling iyon. Nakakapagbalik iyon ng nawawalang
bagay. Nag-message na nga ako kay Nanay para ipatawas itong si Justine.
Kaagad naman nakapag-reply si Nanay makalipas
lang ang isang araw ay ang sabi ay wala naman daw. Pero ang sabi ay tila may
malaking problemang pang-sarili. Maari daw sa pamilya, sa pera o sa puso. Hala… sabi ko pati ba naman mga problema ay
nahuhulaan ng isang albularyo? May ganon ba? Paki-comment naman hehehe.
-----o0o-----
Isang umaga ay iba ang gising ko, hindi ko maipaliwanag,
para bang kinakabahan ako na hindi ko mawari. Basta, hindi ako mapakali.
Pumasok pa rin ako.
Kahit papano ay naging kalmado ang pakiramdam ko,
nawala na sa aking isipan ang kaba o takot na naramdaman ko kanina. Nag-focus
ako sa mga itinuturo nang aming professor.
Pagsapit ng lunch break ay kasabay ko uling
kumain si Erwin. Pero sa uwian ay hindi na siya sumabay dahil sa may laro daw
sila ng barkada ng basketball, hinatid naman niya ako hanggang sa gate.
“Sige na, tatawid na ako, salamat ha. Galingan
mo,” sabi ko pa sabay talikod. Alam kong tumalikod na rin siya. Basta na lang
ako tumawid na hindi ako tumitingin kung may nagdaraang sasakyan, huli na nang
makita kong may mabilis na tumatakbong sasakyan, Nalito ako, narinig ko na lang
na may nagsigawan,
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari,
natauhan na lang ako ng may isang lalaking nakayakap sa akin na nang aking
tingnan ay si Justine pala. Gusto kong tanungin kung anong nangyari at bakit
siya narito, kaya lang ay may isang lalaking sumigaw, “Nagpapakamatay ka ba?
Kung nagpapakamatay ka, huwag kang mangdamay!”
Galit ang driver ng sasakyan. Nanghingi naman ako
ng sorry.
“Pare, alam mo namang “school zone” ito at bawal
ang magpatakbo ng mabilis. Kung tutuusin, kung may pulis dito ay dapat kang hulihin
eh at ma-penalize. Nakita mo ba yung signage…”School Zone, no over speeding”,
ang laki-laki hindi mo nakita?” sabi ni Justine.
Hindi na nakipagtalo ang driver at pinatakbo na
lang ang kanyang sasakyan papalayo.
“Salamat Justine ha, kung wala ka ay baka may
pinagkalagyan na ako. Maraming-maraming salamat, utang ko sa iyo ang buhay ko,”
wika ko.
“Asus! Halika na at sabay na tayo,” sabi niya.
Naglakad na kami, napalingon pa ako sa may likuran ko, nakita kong naroon si
Erwin, nakita siguro ang pangyayari.”
Sa bahay ay kaagad akong pinainom ng tubig ni
Justine. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. “Uliuli naman Ambeth ay
mag-iingat ka sa pagtawid-tawid sa karsada. Tingnan mo nga iyan, muntikan ka
na. Ano ba ang iniisip mo, si Erwin. Nakita kong ihinatid ka sa may gate ng
school ninyo,” sabi ni Justine.
“Wala naman akong iniisip, nabigla lang ako sa
pagtawid talaga. Alam mo Justine, kaninang umaga ay talagang iba na ang
pakiramdam ko, yung bang kabado ako na wala naman dapat na ika-kaba. Siguro ay
babala iyon ano?”
“Pwede, pero baka naman nasobrahan ka na sa kape,
pansin ko eh kape ka na sa umaga at sa gabi, nagkakape ka pa rin, baka
nasosobrahan ka na. Bawas-bawasan mo ang pagkakape ha, hindi pa nga nagiging
tayo eh…”
“Hah! Ano iyon?” tanong ko, may hindi ako
masyadong naintindihan na sinabi niyang huli, halos pabulong kasi.
“Wala! Sabi ko ay magiingat ka palagi. Mabuti na
lang at napadaan ako sa unibersidad ninyo,” wika ni Justine.
“Bakit ka nga ba napadaan. Me susunduin ka ba na
nililigawan mo?”
“Meron sana, inaabangan ko nga eh. Kaya lang
uunahin ko pa ba iyon ay nakita kong nasa panganib ka. Mabuti na lang at alerto
ako at nahatak kita.”
“Oo nga ano. Malas mo naman at nung babae, nang
dahil sa akin eh na-purnada pa ang panliligaw mo,” sabi ko.
“Hindi naman, nakapuntos nga ako eh hehehe. Nga
pala Justine, bukas eh hindi ako uuwi sa amin, Daanan kita sa unibersidad ha,
samahan mo naman ako sa Cubao, may bibilhin lang ako sa mall,” aya sa akin ni
Justine.
Ayihhhh hihihi, parang tumambol na naman ang
dibdib ko. Ewan ko ba? Para kasing yung pagbabago ni Justine ay may ibig
sabihin, tapos aayain pa ako na parang magde-date na kami, Kinikilig ako
hihihi.
-----o0o-----
Paglabas ko ng 3PM Friday ay naroon na sa labas
ng gate si Justine, nakaabang na sa akin. “Diretso na ba tayo, hindi na ba tayo
daraan sa dorm?” tanong ko.
“Ikaw, gusto mo ba?” tanong ni Justine.
“Oo sana eh, para naman makapagpalit ng damit at
makapag-pa fresh ng konti. Maaga pa naman eh,” sabi ko.
“Oo nga, makapaghilamos na din at makapag-sepilyo,”
To cut the story short, fresh looking na kami ni
Justine. Ang gwapo talaga ng kumag na ito. Paglabas namin ay naroon si Erwin at
nagdeliver pala ng beer kay Kuya. Binati niya kami. “Saan ang lakad ninyo? May
date ba kayo ni Justine Ambeth?” bating tanong ni Erwin.
Si Justine ang sumagot, “Oo, first date namin ni
Ambeth.”
Nakita kong lumamlam ang tingin ang mga mata ni
Erwin, parang nalungkot na hindi ko mawari. Parang may kumurot din sa aking
dibdib, hindi ko alam kung awa o ano. Itinanggi ko naman ang sinabi ni Justine.
“Hindi no, nagpasama lang at may gustong bilhin para sa nililigawan.” Ewan ko
kung maniniwala siya. Iyon naman ang totoo.
Sa mall ay para kaming mag-jowa na namamasyal,
naka-akbay pa siya sa akin. Noong una ay gustong hawakan ang kamay ko, inalis
ko lang, inakbayan na lang ako at hinayaan ko na lang. Inaya ako na kumain,
pero sinabi kong mamaya na lang dinner.
Lakad uli kami. Tingin-tingin ng mga naka-display
na paninda hanggang sa makarating kami sa may sinehan. Inaya akong manood ng
sine at siya raw ang taya. “Akala ko ba ay may bibilhin ka?” tanong ko.
“Mamaya na. Manood na lang muna tayo. Tamang tama
o, Nagpapapasok na ng manonood at gusto ko talagang panoorin ang pelikulang
iyan,” sabi ni Justine. Wala na akong nagawa dahil pumila na siya sa bilihan ng
ticket.
Bago kami pusok ay bumili muna siya ng popcorn at
softdrinks. Kaagad naming naubos ang popcorn at softdrinks, tahimik na kaming
nanood. Maganda naman ang pelikula, drama-love story ang tema. Medyo focus na
ako sa panonood ng may humawak sa aking kamay, ginagap niya ang palad ko at
pinagsalikop. Bumilis ang tibok ng puso ko, napahinga ako ng malalim. Hinayaan
ko lang na magkaholding hands kami habang nanonood, para tuloy talaga kaming
mag-jowa.
May kasunod pang ginawa si Justine na talaga
naman napaka-sweet. Hinawakan niya ang ulo ko at ihinilig sa kanyang balikat.
Ang sweet talaga. Pero ang hindi ko akalain ay ang halikan niya ako sa aking
labi. Ang hindi ko maintindihan sa aking sarili ay kung bakit hindi ko siya
pinigilan, bagkos ay hinayaan ko lang na angkinin ang aking labi hanggang sa
tugunin ko na ang halik. Nawala na kami sa sarili. Nang medyo lumiwanag ang
screen ay natauhan ako bigla at kumalas sa pakikipag-halikan.
“Baka may makakita sa atin. Tama na Justine.”
Sabi ko na parang habol ang hininga sa pagsasalita.
“Tayo na ha,” ang sabi ni Jusine.
“Anong tayo na, bakit?” kunwari ay hindi ko alam
ang gusto niyang sabihin.
“Tayo na, mag-jowa na tayo,” tugon niya.
“Hah! Jowa agad! Hindi ka pa naman nanliligaw
eh.”
“Hindi pa ba panliligaw ang ginagawa ko? Ang laki
na nang ipinagbago ko ah, hindi na kita inaasar at ang sweet ko na palagi sa
iyo,” sabi niya.
Kaya pala malaki ang pinagbago, panliligaw pala
iyon. Hindi ako sumagot, hindi rin tumanggi. Ang totoo ay nagkakaroon na rin
ako ng pagtatangi sa kanya, kaya lang ay ganon din ang nararamdaman ko kay
Erwin, hindi ko gusto na mamili sa kanilang dalawa.
“Ano Ambeth, tayo na ha?” muling sabi ni Justine.
“Teka muna Justine, isipin ko muna. Ayaw ko
munang makipag-relasyon, kasi hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako sa
aking ex. Gusto ko munang tuluyang akong makalimutan siya,” dahilan ko.
“Sa ex mo ba o kay Erwin?”
Hindi ako makasagot, ang totoo ay iyon naman
talaga ang isa pang dahilan. Tumahimik na siya at hindi na umimik. Mabuti na
lang at natapos na ang palabas. Inaya pa niya akong kumain, pero sinabi ko nang
kay Kuya na lang kami kumain para makatipid. Siya daw naman ang taya, pero
hindi pa rin ako pumayag. Ayaw ko namang gastusan na niya ako ay hindi pa naman
kami.
Umuwi na kami, nakasabay pa namin si Rexy. Ewan
ko ba, nagkakataong nakakasabay ko si Rexy kapag may kasama ako dito sa Cubao.
Sa karinderya na lang kami kumain nina Justine at
Rexy. Nang nasa silid na kami ay tahimik lang din si Justine. Kinaumagahan ay nagpaalam
siya na uuwi na raw sa kanila.
Hindi na ako nagtanong, alam kong malungkot siya
dahil sa hindi ako pumayag na maging kami. Hindi ko naman siya ni-reject, hindi
pa lang kasi ako ready na makipag-relasyon.
Lunch time ng Sabado, gulat ako ng madatnan ko si
Erwin na nakaupo katabi ni Rolly. Ngayon na lang kasi siya nagawi sa karinderya
ni Kuya para kumain, ang huli ay noong kasama niya si Sonny. Na miss kong bigla
si Sonny.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam pa sa akin na
kung pwedeng tumambay sa aming silid, pahihindian ko ba naman siya. Hindi naman
siya nagtagal, gusto lang pala akong ayain na lumabas. Ang tuwa ko ng sa Luneta
park niya ako dinala. Sa totoo lang, matagal ko na talagang gustong magpasyal
doon, mabuti na lang at doon kami nagpunta.
Feeling ko ay naging bata uli ako, paslit pa kasi
ako ng ipasyal ako doon nina Nanay. Nilibot talaga namin ang parke at panay ang
kuha namin ng picture. Nang medyo napagod na kami ay napadaan kami sa isang
nagtitinda ng miryenda, bumili kami at saka naupo muna sa isang bench na naroon
at doon na kumain. Habang kumakain ay nabanggit niya ang nangyari kahapon.
“Alam mo, nagpapasalamat ako at walang nangyari
sa iyo kahapon, kasi kung meron ay masisisi ko ang aking sarili. Mabuti na lang
at naroon pala si Justine. Hindi na kita nilapitan, alam kong ligtas ka na
kasama si Justine,” sabi ni Erwin.
“Oo nga, ang laking pasalamat ko kay Justine,
utang ko sa kanya ang pangalawa kong buhay. Ang tanga ko kasi, bigla na lang
akong tumawid na hindi tumitingin sa daan. Naging aral naman iyon sa akin.
“Hindi naman sa nanghihimasok ha Ambeth,
nanliligaw ba sa iyo si Justine? O baka naman kayo na.” tanong ni Erwin.
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na
iyon ni Erwin. Dapat ko pa bang sabihin na”Oo”? Pero kapag itinatwa ko naman
ay… bahala na nga, totoo naman na nagtapat siya eh. “Nagpaparinig, hindi
direkta, pero may sinabi siya na ang intindi ko ay nanliligaw. Pero hindi pa
ako handa na makipag-relasyon, Hanggat may natitira pa kasi akong feeling sa ex
ko ay hindi muna ako iibig sa iba. Hindi ko naman siya ni-reject, hindi pa lang
talaga ako handa.”
“Ganon ba? Ibig bang sabihin ay pwede rin akong
manligaw sa iyo?”
Napatingin ako sa kanya na tila nagtatanong ang
mga mata.
“Alam ko naman ang isasagot mo, actually, nauna na
ang sagot. Pero gaya ni Justine, sana ay hayaan mo pa rin na manligaw din ako.
Alam mo, una pa lang tayong nagkita ay nagkagusto na ako sa iyo eh,” sabi ni
Erwin.
“Erwin, marami namang babae, sa ganda mong
lalaking iyan, alam kong magkakandarapa silang sagutin ka. Bakit ako. Tinanong
ko rin kasi iyan kay Justine.”
“Mahirap naman kasing turuan ang puso kung sino
ang mamahalin. Ikaw ang itinibok ng puso ko, wala na akong magagawa. Sabi mo
nga, minahal ka dati ng ex mo, kaya lang… alam mo na. Ako, magiging tapat ako
sa iyo, promise.
“Maraming salamat ha, pero sabi mo nga ay alam mo
na ang magiging sagot ko, hayaan mong maghilom muna ang sugat sa puso ko, at
kapag ready na ako, sana ay matanggap mo din ang magiging desisyon ko.”
“Oo, maghihintay ako, sana ako ang piliin mo.
Kung sakali, ikaw ang una kong makaka-relasyon.”
Napangiti lang ako. Grabe talaga, hindi ko alam
na masyado na palang mahaba ang aking buhok,
Papadilim na ng umuwi kami ni Erwin. Hinatid ako
hanggang sa tapat lang ng karinderya ni Kuya. Umakyat na ako, papasok na ako ng
aming silid nang hatakin ako bigla ni Rexy. “Halika nga friend at mag-usap tayo
sandali. Kahapon si Justine ang ka-date mo, ngayo naman ay si Erwin. Sister,
ang haba ng hair mo, nakakainggit ka na talaga, dalawang pogi at machong
papable ang nagkakagusto sa iyo,” wika ni Rexy.
Hindi na ako nakatanggi, magbibihis pa sana ako,
pero nahatak na niya ako at naikulong sa kanilang silid. Mabuti at wala roon si
Louie, ang kanyang roommate.
Marami siyang tanong tungkol kina Erwin at Justine,
pero wala akong sinabi, tahimik lang ako at itinatwa ko ang panliligaw nila sa
akin. Mahirap na, baka isipin pa ng dalawa na ipinamamalita ko ang pangliligaw
nila. Paano na kaya kug mag-deny naman sila.
Iniba ako ang usapan, tinanong ko kung saan siya
galing kahapon nang makasabay namin siya ni Justine.
“Rexy, pangalawang beses ko na ikaw na
nakakasabay na nasa Cubao ka rin. Saan ka ba nagpupunta, huwag mong sabihin na
nanood ka na naman diyan sa sinehan sa may gateway ha. Ano ba talaga ang
nangyayari doon ha?”
“Gusto mong malaman? Sumama ka sa akin minsan,”
sagot ni Rexy.
“Hala, ayoko. Magkwento ka na lang kung anong
ginagawa mo roon.”
“Gusto mo ba talaga? Sige, ikwento ko sa iyo, may
resibo pa para maniwala ka hehehe.”
>>>>>Itutuloy<<<<<