PARI (Part 11)
“Ang galing mo palang makipagtalik Samuel.
Matagal mo na bang ginawa ang ganito?” tanong in Alfonso.
“Oo, marami na
ring beses, sa seminaryo pa, sa aking ka roommate at sa ibang kaibigan ko.
Dalawa lang naman silang nakatalik ko,” pag-amin ko. “Dito, nang pari na ako ay
oo rin, sa isang estudyante, pero isang beses lang. Doon din sa kumpisalan at
hindi na naulit dahil na konsensya ako.”
“Wow! Sa
kumpisalan? Bakit hindi mo ginawa sa akin?”
Hindi na ako sumagot pa, nagbihis na
si Alfonso. “Hindi ka ba mag-stay muna dito. Mamaya ka na lang umalis,” wika
ko.
“Hahaha. Alam mo ba na hindi ko naman
ginawa ang pinagagawa mo sa akin, na magrosaryo at magdasal,” wika ni Alfonso.
Natigilan ako, nagtatanong ako gamit
ang akimg mga mata.
“Tama ang narinig mo. Hindi na ako
magtatagal. May naghihintay sa akin, ang pang 89 kong lalaki, ikaw ang aking
pang 88. Ang aking goal ay maka 100 lalaki bago ako mag-graduate hehehe.”
Isang malakas na dagok ang aking
naramdaman. Niloko ako ng isang bata. “Bakit mo ginawa ito sa akin?”
“Sorry Father Samuel, hindi ko
akalain na makakaya kitang akitin. Katulad ka rin pala ng iba, madaling akitin.
Bye Father,” paalam ni Alfonso.
Bago pa man siya tuluyang makalabas
ay may sinabi pa siya. “Father, maghanap ka ng sakristan, bata at hot ang
kuhanin mo.”
Nanlumo ako. Nagkasala ako at
napaloko sa isang bata. Hindi ko napag-aralang mabuti ang kanyang saloobin.
Totoong napamahal na siya sa akin, pero hindi naman ang tulad niya ang
magpapa-iyak sa akin.
Nangako ako na hindi na ako muling
makikipagtalik sa lalaki. Humingi na rin ako ng tawad sa maykapal.
-----o0o-----
Matagal-tagal din ako bago
naka-recover. Nagawa ko nang patawarin si Alfonso na hindi ko na nakita matapos
akong matukso sa kanya. Minsan ay nasasabik pa rin ako sa kanya, na makita man
lamang, yung walang sex na involve. Siguro ay minahal ko talaga siya.
Naisip kong igawa rin iyon ng kwento.
Siguro kapag nabasa ito ng ibang pare ay magsilbing babala sakaling iibig sila
sa isang lalaki lalo na at bata.
-----o0o-----
Nagpaka-busy ako sa eskwelahan,
naging aktibo sa mga gathering ng comuunity at kung ano- ano pa para lang
maiwaksi sa aking isipan ang mga nagawa kong kasalanan. Lahat naman iyon ay
dahil sa sex.
Araw ng kumpisal, seryoso akong
nakinig sa mga kasalanang sinasabi ng mga nagkukumpisal. Masasabi kong boring
ang oras na ganito, kasi wala naman akong naririnig na talagang grabe ang
ginawang kasalanan, tsismis, mura, at kung ano-ano na normal na lang yatang
nangyayari sa araw-araw na pamumuhay ng tao.
Wala naman masyadong nagkumpisal.
Hinintay ko lang ang oras na matapos ang schedule ng kumpisal. Medyo antok pa
ako sa loob ng may maaninag akong pumasok sa kabilang partisyon, isang lalaking
hindi gaanong katandaan, marahil ay ilang taon lang ang agwat ng aming edad. Ang
lalaki ay medyo matangkad, payat, gwapo.
"Bless me Father, sapagkat ako
po ay nagkasala,” ang paunang inuusal ng mga nagkukumpisal na sa aking palagay
ay wala naman nang katuturan, paulit-ulit lang.
“Ano naman ang nagawa mong kasalanan
anak at bakit?” tanong ko. Nakagawian ko nang tawaging ‘anak’ ang kahit na
sinong parokyano na nakakausap ko kahit na doble o higit pa ang agwat ng aming
edad. Nararapat lang naman siguro dahil ‘Father’ naman ang tawag nila sa akin.
Lahat sila ay aking anak dahil sa simbahan.
“Para lang po sa iyong kaalaman
Father, isa rin akong pari, na-ordenan ako bilang paring katoliko kaya lang….”
hindi na naituloy pa ng lalaki ang sasabihin dahil naputol ko.
“Wala ka bang confessor sa iyong simbahan, Father?” pag
interrupt ko.
“Wala na po akong simbahan, Padre. Nagbitiw
na ako sa pagka-pare ilang buwan na ang nakalipas, at simula noon ay hindi na
muli akong nakinig ng misa,” tugon ng lalaki na dating pare.
“Kung iyan ang iyong ikukumpisal ay
hindi ko naman masasabing kasalanan ang pagtalikod sa pagiging pari. Kung naramdaman
mong hindi para sa iyo ang maging pari at maglingkod sa simbahan, masasabi kong
tama ang iyong ginawa. Marahil naman ay kaya mong paglingkuran ang Diyos at
sangkatauhan sa ibang kapasidad," wika ko.
“Tama ka Padre, sumapi ako sa
isang organisasyon bilang isang social
Worker. Pakiusap lang Padre, pakinggan mo muna ako, umalis ako sa pagpapari
dahil sa isa akong bakla,” pagtatapat ng dating pari.
“Magkagayon man, bakla ka man, kung
hindi mo sinasaway ang iyong sinumpaang panata, kung wala ka namang ginagawang
imoral kanino man, anong kasalanan doon?” ang wika ko.
Hindi pinansin ng lalaki ang aking
sinabi at nagpatuloy lang sa pagku-kwento.
“May isang volunteer sa aking
simbahan dati, head siya ng prison ministry, at madalas na ako ang kasama niya
sa isang lokal na bilangguan para magdaos ng misa sa loob para sa mga bilanggo.
Naging malapit kaming magkaibigan, naging very close kami, ang hindi ko
naiwasan na magkaroon ng pagtatangi sa kanya, pinagnanasahan ko siya, at sobra
ang pagnanais kong makasiping siya. Bukod sa napakabait, maalalahanin ay
napaka-gwapo pa niya, matangkad at maganda ang pangangatawan, Bagay na bagay
nga sa kanya ang suot niya palaging barong at slacks. Siya palagi ang aking
napagmamasdan sa tuwing magkikita kami.
Dahil sa kwentong iyon, nakuha na ng
dating pare ang aking atensyon, pakinig na pakinig na ako. “Magpatuloy ka,” ang
nasabi ko na lang.
“Minsan na akong nagkagusto sa isang
sakristan, natukso at nakagawa ng hindi maganda, pero matagal na iyon. Matagal
ko nang naihingi ng tawad. At ayaw ko nang maulit pa dito naman sa lalaking
ito. Nadarama ko na baka hindi ko makayang kontrolin ang aking sarili at
makagawa na naman ako ng maaring maglagay sa eskandalo sa aking simbahan dahil
sa akin, kaya nagpasya na lang akong iwan ang simbahan at ang pagiging pari.”
“Kung wala ka namang ginawa, at
pinili mo na lang magbitiw sa pagiging pari para lang makaiwas na magkasala,
hindi ba tama naman ang ginawa mo, anong masasabing kasalanan mo?” muli kong
pag-interrupt.
“Wait lang Padre, patapusin mo muna
ang kwento ko,” wika ng lalaki. Ramdam ko na medyo inis na siya. Kaya hinayaan
ko na siyang magkwento muli. Kahit na gusto kong mag-interrupt uli kaya
nagpasya na lang akong makinig muli.
“Nang magbitiw ako sa pagiging pari,
ay ibinuhos ko na ang aking sarili sa gawain ko sa aming organisasyon.
Pinagpatuloy ko ang pagsikil sa aking damdamin, nilabanan ko ang pagiging isang bakla. Ang problema ay naging close naman ako sa isa
ring manggagawa, at nagapi ako ng tukso, naakit akong makipagtalik ng
manggagawang iyon. Ang dali kong natukso. Naulit iyon ng naulit hanggang sa
aminin niyang mahal daw niya ako at gusto na niyang magsama kami.”
Gustuhin ko mang magtanong para maliwanagan ang ibang pangyayari ay
nanahimik na lang muna ako.
“Pakiramdam ko’y may pagtingin na rin ako sa lalaking ito o maaring isa
lang itong matinding pagnanasa, libog lang. Pero, parang hindi ko lubos maisip
na ang dalawang lalaki ay magmahalan. Heto pa Padre, Sa isip ko ay parang
napaka makasalanan ko na dahil sa nakipagtalik ako sa kapwa ko lalaki na kontra
sa lahat ng pinaniwalaan ko, tuloy ay naisip ko na rin ang pag su-suicide.
Natatakot ako Padre dahil sa alam kong mas malaking kasalanan ang
pagpapatiwakal kaysa sa pagiging bakla.
Medyo nag-alala din ako. Baka hindi nga niya makayanan ang guilt feeling
sa kanyang isipan ay magawa nga nitong magpatiwakal. “Huwag anak, hindi mo
dapat isipin ang ganon, lalo na ang gawin. Hindi mo ba sinubukang kumunsulta sa
isang Psychiatrist?” ang aking payo at suhestyon.
“Pumasok iyan sa isipan ko, pero mas gusto kong makipag-usap sa isang
pari,” sagot ng lalaki.
“Kung gayon, magpi-prisinta akong tagapakinig at tagapayo mo, hindi iba sa
akin ang nararamdaman mong emosyon.
“Hindi kita maunawaan Padre, anong alam mo sa nadarama ko?” ang tila
nalilitong tanong ng lalaki.
“Malalaman mo rin kung papayag kang maging counselor mo at hindi lang
confessor mo.”
“Anong gusto mong i-suggest?”
“Payag ka bang makipagkita sa akin dito sa aking tirahan ng isa o dalawang
gabi sa bawat lingo? Pag-uusapan natin ang gumugulo sa iyong isipan.
Magpapatuloy tayo hanggat hindi mo naiwawaksi ang ano mang pinoproblema mo na
maarring maging dahilan ng pagkitil mo sa sariling buhay.” Wika ko.
Tumitig siya sa akin, tila nagtatanong.
“Maaring tumagal lang ang paguusap natin ng isang beses lang o mahigit pa,
pero sinasabi ko sa iyo, pagtutulungan nating labanan ang guilt feelings na
nararamdaman mo sa pagiging bakla at pakikipagtalik sa lalaki. Maari ring
magtagal, hindi kita titigilan hanggang sa tuluyan nang mabura sa isipan mo ang
ano mang bagay na nagpapagulo sa iyong isipan.
“Hindi ba abala sa iyo?”
“Walang problema, ano pa at naging pari ako kung hindi ko tutulungan ang
nangangailangan.”
“Kailan tayo magsisimula?” tanong niya.
“Mamayang gabi kung pwede ka. Libre ako sa gabi ng ganitong araw at
malalaman mo kung kelan ka pwedeng bumalik. Akin munang aalamin ang aking
schedule. Kung okay sa iyo, balik ka ng 8PM.”
“Okay Padre, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa iyo.”
“Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Alfred, Alfred Mercado.”
“See you then, d’yan lang ang bahay ko, halos katabi ng simbahan.”
“See you.”
-----o0o-----
Dumating on time si Alfred, isang simpleng jeans at t-shirt lang ang suot.
Ako naman, dahil nasa bahay ko naman ako ay short at sando lang ang suot, pero
wala akong underwear. Ewan ko lang kung mapapansin iyon ni Alfred.
“Ganyan ka ba magdamit kapag nasa bahay ka Padre?” tanong ni Alfred.
“Samuel na lang o Sam. Kapag tayo lang ang magkausap ay pwede mo na lang
akong tawagin sa aking pangalan, isipin mong hindi pare ang kausap mo, mas
komportable ako ng ganun. And yes, matutulog na lang naman ako, hindi ko na
kailangan pang maging formal,” wika ko.
“Ah Okay, Sam. Alam mo, ako noong pari pa ako, kahit matutulog na, ay
formal pa rin, kundi jogger ang pantulog ko, eh pajama. Saka palagi akong may
underwear, ikaw... halatang wala hahaha.”
“Pansin mo pala, nasanay na kasi ako. Anyways, naghanda ako ng konting
miryenda lang, sandwich lang naman. Anong gusto mo, coffee, tea or juice?”
offer ko kay Alfred. “Pwede na tayong mag-usap habang kumakain.”
“Coffee na lang, mukhang masarap kasi ang tinimpla mong kape, mabango eh.”
“Kapeng barako, masarap siya. Okay, simulan na natin. Kwento mo muna yung
sinasabi mong co-worker sa inyong organisasyon.” Sinimulan ko na ang pag-uusap
habang kumakain kami.
“Crispin ang pangalan niya, tubong Bicol, gwapo siya, parang artista,
maganda ang katawan, mabango, matangkad, kaakit-akit.”
Natawa ako. “Sandali, sandali hahaha. Huwag mo nang i-describe kung anong
itsura, sabihin mo na lang kung anong ugali at kung bakit nagustuhan mo siya.”
“Mabait siya, masipag, magalang.
Lahat na yata ng magagandang ugali ay nasa kanya, isama pa ang looks, Sam,
bading din siya.
“Ow, interesting. So, dahil ba sa
magagandang katangian iyon kaya mo siya nagustuhan, o dahil sa kanyang itsura,
artistahin, sabi mo.”
“Aaminin ko, tama ka, una akong
na-attract sa kanyang kagwapuhan, pangalawa na lang ang kanyang ugali. Ikaw ba
ay hindi na-attract sa magagandang babae at lalaki?” tanong in Alfred.
“Natural lang naman na humanga ka sa
physical na ganda ng isang tao, babae man o lalaki, pero mas humahanga ako sa
ganda ng kalooban,” tugon ko.
“Bakla ka rin ba Sam? May inakit ka
na bang lalaki, halimbawang iyong mga sakristan, o ikaw ang inakit ng isa sa
kanila?” diretsahang tanong in Alfred.
Hindi na naman ako nagulat pa sa
tanong na iyon, alam kong magtatanong at magtatanng siya ng ganon. Nasabi ko
kasing nakaka-relate ako sa nararanasan niya.
“Yeah, I am gay Alfred. Pero, simula
nang ma-ordain ako, nanumpa, ay pinraktis ko na ang ating vow of Celibacy. And
yes, aaminin ko sa iyo na ako ay natukoso rin ng isang binata, hindi siya
sakristan, at nasa legal age na rin dahil 18 na siya noon. Gusto raw niya ko at
naniwala naman ako. May nangyari sa amin, pero pagkatapos non ay pinagtawanan
lang ako dahil may nadagdag na naman daw na naloko sa kanya dahil sa kanyang
kakisigan. Pang 89 na ako at gusto niyang maka 100 bago siya mag-graduate sa
senior high. Hindi ko na ikukwento ang detalye pa.” pag-amin ko.
Bumuntung hininga muna ako bago
nagpatuloy. “Nagpasalamat pa rin ako dahil sa hindi ako nalulong at nahulog ng
husto sa lalaking iyon, nagbigay aral ang karanasan kong iyon. Simula noon ay
sumumpa akong hindi na mauulit. Hanggang ngayon ay hindi na muli pa akong napatukso, nanatili ako na tumupad sa aking
panata,” wika ko pa.
“May hinala na talaga ako na kagaya
din kita, kasi nauunawaan mo ang mga kinumpisal ko sa iyo. Pero nung nasa
seminaryo ka pa, may naging karanasan ka rin ba?” tanong na naman in Alfred.
“Yes, una ay sa isang seminarista na
una kong naging kaibigan doon. Nangyari iyon ng unang taon ko sa seminaryo at
huling taon naman niya dahil matatapos na niya nang training. Ang pangalawa ay
sa roommate ko, isang gabi bago kami ma-ordain. Una at huli iyon sa roommate ko
at hindi na kami muli pang nagkita o nagkausap man lang.”
Natapos na kaming kumain, doon na sa
sala namin ipinagpatuloy ang pag-uusap.
“No more questions ha. Napapansin ko
na parang tungkol sa akin ang ating napag-uusapan. Hindi ba’t ikaw ang dapat
kong tanungin hahaha.” Nagkatawanan lang kami ni Alfred. “Pero bago iyon, gusto ko lang sabihin sa iyo na napakatapang mo
dahil pinili mong iwan ang pagiging pare sa halip na suwayin ang sinumpaan
nating panata, hindi tulad ko na naging marupok. Ngayong isa ka na ring
ordinaryong tao at pwede mo nang gawin ang makipag-sex sa taong gusto mo, dahil
nakalaya ka na sa sinumpaan natin bilang pari, Pero bakit nagi-guilty ka pa
rin. Dahil ba sa labag iyon sa paniniwala mo sa iyong relihiyon?”
“Tama ka, isa iyon sa dahilan. Hindi ba bawal ang makipagtalik ang isang
lalaki sa kapwa lalaki, totoo iyan sa batas ng Diyos. At maging ang society ay
hindi pa rin tanggap ang pagsasama ng may parehong kasarian. Maraming kukutya.
Maraming magsasalita laban sa iyo pagtalikod mo,” sagot ni Alfred.
“Para sa iyo, ano ba ang kaibahan ng lust at sa love?” tanong ko kay
Alfred.
“Lust... Pagnanasa, sa madaling salita, libog. Ang love ay pagmamahal,
pag-ibig,” tugon ni Alfred.
“Nang magsiping kayo ni Crispin, anong iyong naramdaman, was it lust or
love?” makahulugan kong tanong.
Hindi kaagad makasagot si Alfred, nag-isip siyang mabuti. Marahil ay
inaarok niya ang sarili kung ano nga ba ang kanyang naramdaman noon. “Nasiyahan
ako, satisfied, kasi nairaos ko ang makamundo kong pangangailangan, pero hindi
ko sigurado kung ano ang talagang naramdaman ko, ewan ko. Mahal daw niya ako,
pero may pagdududa pa rin ako sa aking sarili kung may pagmamahal din ako. Ang
sigurado ako ay nalibugan ako.”
“Isa pang tanong Alfred, mali ba o tama ang magmahal?”
“Iba-iba naman ang kahulugan ng pagmamahal. Kung ang sinasabi mo ay
pagmamahal sa isang tao na gusto mong makasama sa habang buhay, yung karamay mo
sa lahat, sa ligaya, sa ginhawa, sa hirap, yung kung babae ay pakakasalan... ay
walang mali doon, pero mali kung ang nagmamahalan ay kapwa lalaki o babae. Iyon
ang paniniwala ko. Ang lalaki ay ginawa para sa babae at hindi para sa kapwa
lalaki.”
“Kung mali ang magmahal sa parehong kasarian, bakit ba tayo binigyan nang
damdamin na mag-mahal? Bakit may bakla o tomboy na ginawa?” tanong ko.
“Hindi ko alam. Sam, maganda kang lalake, marahil ay maraming humahanga sa
iyo, nagkakagusto, babae man o lalake. Ako man ay masasabi kong gwapo rin,
kaakit-akit at hindi sa pagmamayabang, maraming nagkagusto sa aking babae, pero
hindi ko sila nagustuhan dahil sa lalaki ako nagkakagusto. Halimbawa lang, kung
ayain kitang makipag-sex sa akin, papayag ka ba?”
“Hindi, dahil may sinumpaan pa ako, I’m still under oath at ikaw ay hindi
na, malaya ka na kaya pwede ka na, tulad ng nasabi ko na.”
“Ipagpalagay natin na pumayag ka at nakipag-sex ka sa akin, hindi ka ba
magi-guilty?”
“Magi-guilty ako dahil sa lumabag ako sa sinumpaang panata, pero hindi,
kung minahal kita.Ang ibig kong sabihin kung sa English ay “I make love to you
and not do sex with you. Have you ever make love with Crispin?”
“Nalilito ako Sam. Kung nagawa kong makipagtalik kay Crisin ay dahil sa
mahal ko siya.”
“Yun pala eh, bakit ka nagi-guilty?”
“Kinukunsinti mo ba ang pakikipagtalik ko kay Crispin?”
“Parang ganun na nga. Minsan naman, bakit hindi mo ayain na mag-date si
Crispin, manood kayo ng sine, kumain sa labas. Hindi ba romantik iyon? Tapos sa
gabi, magsiping kayo, sabihin mong mahal mo siya. Make love to him, nat just
sex. Feel the warmth of love, ibahin mo ang pakikipagtalik, lagyan mo ng
pagmamahal, hindi pagnanasa, hindi libog lang. Try mo tapos ay bumalik ka rito
at magkwento ka.”
“Bago ako umuwi, pwede bang magtanong pa ng isa. Nung sabihin mo na nagsex
kayo ng roommate mo bago kayo ordinahan, iba ang kislap ng iyong mga mata,
Dahil ba sa mahal mo siya? Dahil ba sa nagmamahalan kayo?”
“Yes. Mahal namin ang isa’t isa. Noon gusto na niyang huwag na naming
ituloy ang ordination, magsama na raw kami at magpakalayo-layo. Pero hindi ako
pumayag, ang nasa isip ko ay calling ko ito, ang maglingkod sa Diyos.”
“Magkaiba tayo, umalis ako sa pagpapari dahil sa natakot talaga akong
suwayin ang ating panata.”
“Na siya namang tama. Hindi mo siya inakay na magkasala, umiwas ka rin na
makagawa ng kasalanan, patungo kayo sa tama at walang hanggang pagmamahalan.
“Subukan ko ang payo mo.”
“Balik ka rito sa susunod mong pagkumpisal.”
Itutuloy…..