Ang Nangyari kay
Alex sa Construction (Part 2)
(Ang Pagbalik sa
Kabilang Bahay)
By: Eric.Hotfun
Mainit ang gabi.
Pinapawisan ng husto si Bong. Wala namang trabaho dahil Linggo. Tagabantay siya
ng construction site ngayong araw.
Tulog, kain, sigarilyo, tulog ulit. Nakakainip. Buti na lang at bukas,
Lunes, dadating na ang mga ibang kasamahang trabahador. Kahit halos wala siyang
ginagawa, para siyang pagod at nag-iinit. Bumangon siya sa higaan niya at
tumuloy sa banyo.
Isang maliit na
bumbilya sa bandang kusina ang tanging ilaw sa loob ng ginagawang bahay.
Dahan-dahan niyang tinungo ang banyo. Binuksan ang tubig, hinubad ang shorts at
itim na brief na suot niya, at naligo.
Ang sarap ng
malamig na tubig. Habang sinasabon niya ang kaniyang malapad na dibdib, naalala
niya ang nangyari sa kanila ni Alex kagabi. Si Alex, yung binata na nakatira sa
kapitbahay, maputi, makinis ang balat, guwapo, at makisig. Naalala niya na
nasarapan si Alex sa paglapirot niya sa mga utong nito. Ganun din ang sinubukan
niya sa sarili, na laruin ang kaniyang mga utong.
Napa-igtad si Bong
ng kaunti, masarap nga, nakakikiliti, nakaku-kuryente. Napahimas siya sa kaniyang
singit at bayag sa sarap. Unti-unti siyang tinitigasan, pero ayaw niya munang
ipagpatuloy. Nagpasya siyang mamaya nang pagkatapos maghapunan. Nagbanlaw na
siya, sinuot ulit ang kanyang itim na brief, iinunasan ang kanyang buhok at
batok habang palabas siya ng banyo.
Akmang palabas ng
banyo si Bong, nang pumasok naman si Alex sa bahay. Sa medyo madilim na
kalooban ng bahay, nag-abot ang kanilang paningin. Nanatiling nakatayo siya sa
may bandang pintuan ng banyo, habang dahan-dahang lumapit si Alex. Wala silang
imik. Nagtitinginan lang sila. Mas matangkad si Bong kay Alex, kayumanggi ang
balat. Kahit makisig ang tindig ni Alex, makikita na di hamak na mas malaki si
Bong, maskuladong-maskulado. Magkaiba silang dalawa.
Nang magkaharap na
sila, hindi na napigilan ni Alex na salatin nang mga daliri nito ang malapad na
dibdib ni Bong. Tuliro siya tulad kagabi. Swabe niyang hinihipo, hinahaplos ang dibdib ng trabahador,
naaakit sa tigas at hulma.
Nag-iinit si Bong
sa paghaplos ni Alex sa dibdib niya. Nakalilibog. Sumandal na lang si Bong sa
dingding at hinayaan si Alex.
Pagkalipas ng ilang
sandali, inabot ni Bong ang leeg at balikat ni Alex. Hinila at niyakap ng
mahigpit at mapusok. Napasubsob ang mga labi nito sa leeg ni Bong. Inumpisahan
nito ang paghalik. Nilabas nito ang dila para himuran iyon.
Bumaba si Alex at
sinipsip ang matigas na utong ni Bong. ‘Aaaahh! Ang sarap pala,’ isip-isip ni
Bong.
Lalong pinag-igihan
ni Alex ang pagdila at pagsipsip sa mga utong ni Bong. Lumatay ang dila ng
binata, pababa sa tiyan nito,. Pababa nang pababa, hanggang napaluhod siya sa
harapan ni Bong. Kumapit siya sa pwet nito, at dinilaan ang nakaumbok na brief.
Bumilis ang panghinga nito. “Aaaahhhh, aaahhh, aaahhh!”
Hinablot ni Bong
ang buhok ni Alex, gamit ang kanyang kanang kamay, habang ang kabilang kamay
naman ay ibinaba ang kanyang brief. Tumama sa pisngi ni Alex ang malaki at
naninigas na tarugo niya.
Kahapon, madalian
lang nakita ni Alex kung gaano kalaki ang tarugo ni Bong. Ngayon, tiningnan na
niya ng husto, nilalamas ng marahan, hinaplos-haplos. Namamangha siya sa laki
ng burat nang manggagawa na lagpas 7-pulgada. Sinakmal na niya ang tarugo nito,
lagpas sa dalawang kamao niya ang haba.
Nilapit ni Alex ang
labi at hinalikan ang ulo, dinalaan. Binuka niya ang bibig at inilabas ang dila.
Ipinatong naman ni
Bong ang titi niya sa nakalabas na dila ng binata, inalalayang ang unti-unting
pagpasok ng tarugo niya sa nakabukang bibig nito.
“Uuuuhhhnnngggg! Uuuuhhhhmmmmm!” Bumibilis at lumalalim ang paghinga ni Bong.
Pilit na sinasagad
ng buo ni Alex ang mahabang titi ni Bong. Nahirapan siya, para siyang naduduwal
at parang mapupugto ang hininga. Katumbas ng hirap niya sa pagtsupa sa
napakalaking titing iyon, lumalalim naman ang pagnanasa at panggigigil sa
titing nakabaon sa kanyang bibig.
Napapa-taas-baba na
si Alex sa titi ni Bong, halatang nahihirapan. Paminsan-minsa’y sumasayad ang
ngipin niya. Batid nito na baguhan man siya sa pagtsupa, pero bumigay na nang
tuluyan sa kalibugan.
Binaba ni Bong ang
brief niya hanggang tuhod. Sumandal sa dingding.
Nanatiling
nakaluhod si Alex, mahigpit ang kapit niya sa pwet ni Bong habang patuloy ang
pagsubo sa matabang titi nito. Naluluha na siya, tumutulo pa ang laway, ngunit
sige pa rin sa pagtsupa, kahit minsa’y naduduwal na.
Halos nakapikit na
si Bong, nasasarapan sa pagtsupa ng
isang bagito na hirap na hirap sa ginagawa. Hindi niya mapigilan na lapirutin
ang sariling utong, nakalilibog talaga!
Niluwa muna ni Alex
ang titi ni Bong. Dinilaan niya ang buong kahabaan, hinimas-himas at
tinititigan ng mabuti. Natutulala siya sa laki at taba niyon. Di nagtagal,
dinilaan niya ang bayag, pati na rin ang singit at mga hita nito.
Lalong umungol si
Bong. Hindi pa niya naranasan kailanman na himurin ang kanyang bayag at singit.
Muli ibinuka ni
Alex ang bibig at isinubo ng sagad ang
titi ni Bong na nakatambad sa kanyang harapan. Hindi na talaga matiis ang
pagnanasa niya sa burat nito. Pilit na ibinaon ang matabang laman na nakasalpak
sa nakanganga niyang bibig.
“Putang ina… ano
ang ginagawa ko rito!”
Balisa man si Alex,
subalit hindi niya mapigilan ang di-matiyak na pagnanasa na sumanib sa ulirat
niya. Wala pa talaga siyang nahalikan, at wala pa rin siyang kahit na anong
karanasan sa pagdila o pagtsupa. Pero parang alam na alam ng kanyang katawan
kung ano ang dapat nyang gawin. Kahit lumalaban pa rin ang kanyang utak sa
kababalaghang ginagawa niya, alam ng kanyang katwan kung ano ang talagang gusto
niya, itong malaking tarugo na pumaslang sa pwet niya kagabi, at ngayon nama’y
pumapaslang sa kanyang birheng mga labi.
Taas-baba ang
gwapong binata sa malaking burat ng barakong trabahador. Kahit nabibilaukan ay
tuloy-tuloy ang pagtsupa.
Nagdedeliryo na si
Bong sa sarap. Wala pa talaga siyang naramdaman na ganitong klaseng pagtsupa. Kapalit
ng pagkukulang sa karanasan ni Alex, ay tinapatan naman ng masidhing
panggigigil sa malaking burat niya.
Iba yung sarap ng
pagkantot sa mga babaeng naranasan na niya noon. Iba din ang sarap ng pagkantot
niya sa birheng pwet ni Alex kagabi. Pero iba ang sarap ng mahigpit na
lalamunan nito, unat na labi at mainit na bibig ng gwapong binatang nakaluhod
sa harap niya, sinasamba ang kalalakihan niya.
“Putang ina! Aaaaaaaahhhhhh!”
Napaungol,. napapikit si Bong sa sarap.
Hawak ni Bong ang
ulo at leeg ni Alex, pilit na sinusubsob iyon sa titi niya.
Nakahawak naman ang
mga kamay ni Alex sa malaman na pwet ni Bong, habang ito ay nakasandal sa
dingding. Ang higpit ng kanilang kapit sa isa’t-isa.
Sa sandaling iyon,
napadilat si Bong, napuna niya na parang may tao na nakatayo sa pintuan.
Madilim, hindi niya mamukhaan kung sino iyon. Pigura lang ang nakita niya,
parang dalawang tao, nakagilid sa pintuan, pinagmamasdan ang ginagawa nila.
Nguni’t dalang-dala
na si Bong sa kanyang libog. Wala na muna siyang pakialam kung may nanonood sa
kanila. At dahil din siguro sa may namboboso, at may nakahuli sa ginagawa nila,
lalong tumindi ang libog niya,. binubuyo ng takot at sabik.
“Ayan na! Aaaaahhh,
ayan na! Uuuuuuuhhh!”
Hinugot ni Bong ang
matigas na titi sa bibig ni Alex, sinampal-sampal iyon sa pisngi ng binata.
“Aaaaahhhhhhh! ”
Nilabasan na si Bong. Sumirit ang malapot na tamod sa pisngi, noo at bibig ni
Alex.
Nagulat ang binata,
napapikit at napanganga, kaya may tamod na pumasok din sa labi niya.
Tuloy tuloy ang
pagsirit ng tamod ni Bong, napakarami niyang labasan. Libog na libog siya.
Nang humupa na ang
kanyang matinding pag-ungol at malalim na paghinga, ibinalik niya ulit ang titi
sa bibig ni Alex. Dahandahang sinisip ng binata ang natitirang katas, habang
unti-unting lumalambot ang malaking titi sa loob ng mainit na bibig nito.
Habang nanunumbalik
ang kanyang ulirat mula sa himpapawid ng kahayukan, hinugot din niya ang titi sa bibig ni Alex. Tinaas ang
brief na dati nyang ibinaba hanggang tuhod.
Tumuwid siya sa pagkasandal sa dingding.
Napatingin ulit si
Bong sa mga aninong nagmamasid sa kanila. Isang tao lang ang nakita niya sa
pintuan, hindi dalawa. Tapos, humakbang ito paatras, at nilamon na ito ng
dilim.
Humakbang si
Bong patungo sa bungad ng pintuan, .
susundan niya yung kung sino man ang nakatayo dun kanina. Naka-brief lang siya,
at naka-suot ng tsinelas.
Iniwanan niya si
Alex na nakaluhod pa rin doon, si Alex na kasalukuyang matigas na matigas ang
titi sa loob ng kanyang shorts, na hindi man lang sinalsal ang sarili habang
nagaganap ang tsupaan nila. Nanatiling nakaluhod si Alex. Libog na libog, bitin,
tulala.
————— ITUTULOY —————