Kababata (Part 6)
Bati Na Tayo
Jonas
Gusto ko na
talagang makipagbati na kay JM. May naisip akong paraan, gagamitin ko si
Estella para tuluyan na kaming magkasundo, nami-miss ko na kasi si JM.
Sigurado akong
magkukuwento si JM sa mga kaibigan namin sa nangyari sa amin ni Estella sa mall,
sasabayan ko sila sa pagkain na kasama ko si Estella at magpapakitang bati na
kami. Alam kong mamamangha siya. maiinis at kakausapin ako at pagsasabihan.
Alam kong may care pa rin ito sa akin bilang bestfriend nito.
-----o0o-----
Lunch time na,
sinadya kong magpahuli para pagpunta namin ni Estella sa canteen ay naroon na
sila’t kumakain, kami naman ni Estella ay holding hands pa para pumila sa
bilihan ng pagkain.
Nakita ko pa nga si
JM na nagulat at parang nagtataka. Lihim akong napangiti. Parang tagumpay ang
aking plano.
Pagkabili namin ng
pagkain ay swerte na may bakanteng mesa malapit sa kanila, alam kong nakita
niya kami at nakita ko rin naman siya, kunot ang noo at parang nanlilisik pa
ang mata. Sa isipan ko ay marahil galit na galit na siya at balak na sugurin si
Estella.
Kaso, tila mali
yata ako nang sapantaha, dahil iba ang rumehistro sa mga mata ni JM, parang
nanunuya pa at pangiti-ngiti, tapos ay bubulong pa sa katabi at saka tatawa ng
medyo malakas. Parang tuwang-tuwa na hindi ko alam kung anong ikinatutuwa.
“Ano kayang
pinagtatawanan at bulungan nila. Anong sinasabi niya sa mga kaibigan na matapos
magbulungan ay titingin muna sa akin at saka hahalakhak. Mga gago iyon ah,” ang
sabi ko sa aking isipan. Sa halip na sila ang mainis ay ako ang nainis. Gusto
ko na silang sitahin, pero nagpigil lang ako sa sarili. “Nakakainis ka na
talaga JM. Parang hindi tayo naging mag-kaibigan,” wika ko na naman sa aking
sarili.
“Halika na nga
Estella, sa labas na lang tayo kumain, may mga asungot dito,” aya ko dahil sa
baka hindi na ako makapagtimpi ay mabato ko sila ng plato.
“Pero sayang itong
binili nating pagkain,” sabi ni Estella.
“Kung ayaw mo eh di
ako na lang.”
“Sandali lang!
Bakit ba ang init ng ulo mo?”
Ang nakakainis pa
ay nang magtawanan sila pag-alis namin.
-----o0o-----
Hindi nawala kaagad
ang pagkayamot ko sa grupo ni JM. Para talagang iniinis ako. Minsan na nagtungo
ako sa CR para umihi, nasalubong ko pa ang grupo na papalabas na nang papasok
naman ako. Sinadya ko talagang sagiin itong si JM, medyo napatulak pa nga siya
dahil sa napalakas yata ang sagi ko. Diretso lang ako, hindi ko siya nilingon.
Nadinig ko pa ang usapan nila ni Kent at Eduard.
“Gago yun ah, bakit
hindi ka umalma?” tanong ni Kent at Eduard kay JM.
“Hayaan mo na,
hindi naman siguro sinasadya ng tao, saka ayaw ko ng away,” sabi ko sa dalawa.
“Hindi siyasadya eh
hindi nga nanghingi ng paumanhin. Talagang sinadya niyang banggain ka,” sabi pa
ng dalawa.
“Tara na, huwag na
lang natin intindihin iyon, madamay pa kayo kung galit siya sa akin.
-----o0o-----
Hindi talaga ako
mapakali nung araw na iyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Allysa,
alam kong siya ang unang pagkukuwentuhan ni JM tungkol sa amin ni Estella.
“Allysa, sandali,
itinuturing mo pa ba akong kaibigan?” banat kong tanong.”
“Oo naman, bakit?
Kaaway na ba ang turing mo sa amin?” sagot naman ni Allysa.
“Hindi no. Kasi,
pansin ko na iniiwasan na ninyo akong makasama, lalo na si JM.”
“Naku, hindi ah,
miss ka na nga namin eh, lalo na si Mark. Ano ba talaga ang puno’t dulo at
nagkatampuhan kayo?”
“Ewan ko. Kanina,
alam mo ba na nainis ako sa inyo, kasi, feeling ko ay ako ang pinagtatawanan
ninyo. Sa tuwing titingin kayo sa banda namin ay bigla naman kayong
magtatawanan. May kinwento ba sa inyo si JM na nakakatawa tungkol sa akin? Sa
amin ni Estella.”
“Ano ka ba?
Nagkakatuwaan lang kami, wala kaming pinagbubulungan, tawang-tawa lang kami dahil
palaging nagme-make face itong si Eduard. Kung ano man ang hindi n’yo
pagkakaunawaan ay sana magkaliwanagan na kayo, tulad kanina, nakwento ni Kent
na sinadya mo raw sagiin itong si Mark. Galit ka ba talaga sa kanya? Kasi eh
wala namang nasasabi sa akin itong si Mark. Tanong ako ng tanong pero wala, no
say palagi.”
“Ganon ba? Sige na
at baka magumpisa na ang klase natin. Tara, sabay na tayong pumasok.
-----o0o-----
Sa aking pag-iisa
ay natanong ko ang aking sarili na kung tama ba na magtanim ako ng galit kay
JM. Ako lang naman ang kanyang inaalala dahil sa kaibigan niya ako. Masyado
kasi akong nahaling kay Estella na isa palang manloloko.
Ako naman talaga
ang may kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang aming samahan. Nang mahuli ko
na niloloko lang ako ni Estella ay saka ako parang nagising.
Binalak ko na
talagang makipagksaundo kay JM, kaya lang, sa tuwing gagawin ko ay ninenerbyos
ako, baka kasi hindi niya ako pansinin.
Nang mga sumunod na
araw ay hindi ko na sinusundo pa si Estella, hindi pa rin naman ako tuluyang
nakikipag-break sa kanya. May dahilan ako palagi sa kanya, may group
assignement kami, may exam kami at kailangan kong mag-aral dahil bumaba na ang
grades ko. Dahil sa pag-bale wala ko sa kanya ay siya na ang kusang
nakipag-kasira sa akin.
Hindi na ako nakatiis
pa, nilakasan ko na ang loob ko, handa na ako sa kung ano mang magiging desisyon
ni JM, kung makikipagbati ba siya sa akin o hindi. Basta ako, gusto ko nang
makipagkasundo sa kanya. Miss ko na ang pagkakaibigan namin.
Sinadya kong hindi
magdala ng sasakyan, nag commute lang ako pag-pasok ng eskwelahan. Sa labasan
namin ay hinintay ko talaga siya, sinundan ko siya ng lihim papuntang abangan
ng sasakyan. Pumara siya ng jeep, pagsakay niya ay kasunod din ako, patay
malisya ako kunwari na hindi ko siya nakita gayong magkatabi kami ng upuan.
Hindi rin naman ako nakita palagay ko ni JM.
“Ma, bayad ko po.”
Nag-aabot ng
kanyang bayad si JM pero pinigilan ko. “Ako na, Ma, dito na lang po, dalawa po
kami,” sabi ko na inabot ang 50 pesos. Syempre, gulat si JM, hindi nga
nakapagsalita eh, nakatingin lang sa akin na may pagtatataka. “Sa atin ng dalawa
iyon,” wika ko sa kanya.
“Saan ito?” tanong
ng driver.
“Cubao po,” sagot
ko.
“Bakit Cubao? Sa
may St. Luke’s lang ako,” may pagtutol na wika ni JM.
“Shhhsssss, huwag
nang tumutol, wala naman tayong pasok bukas, saka hindi ako magpapagawa ng
assignmen sa iyo. Gusto ko lang ayain kang mag-snack.”
“Bakit sa Cubao
pa?”
“Wala lang, mas
maraming makakainan doon eh.”
“Bakit wala kang
sasakyan?”
“Hindi talaga ako
nagdala, gusto kong makasabay ka.”
Natahimik na lang
si JM, medyo tumagilid siya na ang tingin ay nasa tagiliran. Napagmasdan ko
siya, ngayon ko lang siya napagmasdan muli. Na miss ko talaga siya, para bang
ang saya ko, saka ang ganda talaga niyang lalaki. Siguro, kung naging babae
lang siya ay hindi ko na talaga pakakawalan pa.
Nakarating kami ng
Cubao, sa may gateway mall kami bumaba. Pag-pasok namin ay tinanong ko siya
kaagad kung saan gustong kumain. Sa Greenwich na lang daw. Oo nga pala,
paborito niya ang lasagna. Sa tagal na hindi kami nagkasabay na kumain ay medyo
nakalimutan ko na.
“Bakit mo ba ako
inayang kumain ngayon? May kailangan ka ba sa akin?”
“Gusto ko lang
mag-apologize,” sagot ko.
“Para saan?”
“Sa pagiging isip
bata ko, sa mga kabobohan kong nagawa sa iyo. Sorry sa lahat.”
“Ano namang drama
iyan, ako nga ang dapat na mag-sorry, napagsalitaan kita ng hindi maganda,
sorry ha.”
“Alam ko namang
maganda ang intensyon mo at sana ay naniwala ako sa iyo. Alam ko na nakita mo
ang nangyari sa amin ni Estella. Alam mo ba na hinintay kita na lapitan ako,
hindi ako kaagad na umalis, medyo tumago lang ako. Akala ko kasi ay dadamayan
mo ako, pero hindi.”
“Nagtampo ka?”
“Oo.”
“Bakit?”
“Basta, kasi
nasanay ako na palagi kang kadamay sa lahat ng problema ko.”
“Ang totoo Jonas,
gusto kitang lapitan, tulad ng dati, gusto kitang damayan, kaya lang, baka
magalit ka na naman at sabihing wala akong pakialam. Akala ko nga ay ganon na
lang ang galit mo sa akin, kasi ay sinadya mo akong sagiin noon paglabas ko ng
CR. Natatandaan mo pa ba? Sumakit kaya ang balikat ko.”
“Kasi nga, nainis
ako sa iyo, nagpapapansin kasi ako sa iyo, sadya kong isinama si Estella para
makita mong kami na naman, wa epek eh. Nagtatawanan pa kayo kaya nainis ako.”
“Hahaha, yun ba? Si
Eduard kasi patawa ng patawa, bubulong kay Alma tapos magme-make face sa akin.
Syempre natatawa ako. Tapos bubulong naman ako kay Kent at sasabihin kong
nababaliw na si Eduard, tawanan naman kami. Bakit mo naman na inisip na ikaw
ang pinagtatawanan namin?”
“Kasi nga, baka
inisip mo na tangang-tanga ako dahil sa nakipag-bati pa ako kay Estella gayong
niloko na niya ako. Naghihintay ako noon na kausapin mo, pagsabihan. Basta,
iba-iba ang emosyon ko noon, inis, galit sa iyo kasi hindi mo na ako pansin.”
“Ikaw kasi ang
nauna, pero ang totoo, wala akong galit sa iyo, hinihintay lang kitang lapitan
ako, kasi ayaw kong lumaki lalo ang ulo mo kapag ako pa ang naunang lumapit sa
iyo,” sabi ni JM.
“Bati na tayo?”
“Hindi naman tayo
nag-away ah, baka ikaw, inaway mo ako.”
“Tampo lang,
bestfriend na uli tayo ha, miss na kita. Syanga pala , wala na kami ni Estella,
nakipag-hiwalay na ako sa kanya.”
“Next time kasi,
kapag nagkagusto ka sa isang babae, ipakilatis mo sa amin, sa akin. Marunong
akong kumiltis sa ugali ng tao.”
“Yes boss. Basta,
ako pa rin ang bestfriend mo, hindi si Kent o si Eduard, hindi rin si Alma o si
Allysa. Barkada mo lang sila, natin.
“Oo na, pero
pantay-pantay lang ang pagtingin ko sa inyo, lahat tayo magkakaibigan, hindi
ba?”
“Naroon na ako,
basta, espesyal pa rin ako.”
Masayang masaya ako
ng hapong iyon, para bang ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Para akong
nabunutan ng tinik sa aking dibdib.
“JM, daanan kita
bukas ha?”
“Oo, marami kang
utang sa akin. Dahil sa hindi mo pagpapasakay sa kotse mo eh wala akong naipon
sa aking allowance hehehe. Joke lang, pero totoo naman na konti lang ang
napadala kong pera sa parents ko hehehe.”
“Daan ka muna,”
anyaya sa akin ni JM nang ihatid ko siya sa bahay nila. “Hinahanap ka sa akin
palagi ni Nora eh, hindi ka na raw niya nakikita, crush ka kasi niya.”
“Saka na lang. Bukas,
may gagawin ka ba? Laro tayo ng basketball, hindi na natin nakakalaro ang
kaibigan natin dito sa village.”
“Ikaw lang, regular
kaya akong naglalaro. Sige na, daanan kita bukas, 9AM.
-----o0o-----
John
Mark
Pauwi na ako kaya
sumakay na ako ng jeep. Nagbabayad na ako ng aking pasahe ng may pumigil sa
akin.
“Ako na. Mamang
driver, ito na po, dalawa na po kami,” ang sabi ng hindi ko pa nakikilalang
lalaki na aking katabi sa upuan.
Nilingon ko siya,
bigla ang pagtibok ng mabilis ng aking puso, dahil ang katabi ko na nagbabayad
ng aking pasahe ay walang iba kundi si Jonas. Hindi ako nakakibo, nakatingin
lang ako sa kanya, nagtatakang tingin, nagtatanong na tingin.
“Saan ito,” tanong
ng driver.
“Dalawa pong
Cubao,” ang isinagot ni Jonas.
Nagpalinga-linga pa
ako, tinitingnan ko kung may kasama, baka kasi kasama niya si Estella dahil
hindi naman ako sa Cubao bababa kundi doon lang sa tapat ng ST. Luke’s
Hospital. Akala ko kasi ay ako ang inililibre niya ng pasahe.
“Sa atin ng dalawa
iyon,” wika ni Jonas.
“Sa Atin? Bakit
Cubao? Hindi naman tayo…”
“Shhhsssss, huwag
nang tumutol, wala naman tayong pasok bukas, saka hindi ako magpapagawa ng
assignmen sa iyo. Gusto ko lang ayain kang mag-snack.”
Hindi na ako
kumibo, tumahimik na lang ako. Gusto ko rin naman talagang makausap siya.
Nag-apologize siya
sa akin, humihingi ng paumanhin. Nagkaunawaan naman kami.
Inihatid pa niya
ako hanggang sa amin. Inanyayahan ko pa munang pumasok, pero tumanggi na siya.
Inaya pa akong magbasketball kinabukasan, wala naman kasi kaming pasok.
Masayang masaya ako
at pasipol-sipol pa habang umaakyat ng hagdanan papuntang silid ko.
“Wow ha, masaya ka
yata ngayon. Sinagot ka na ba ng iyong iniirog?” wika ni Nora na nasalubong
kong bumababa ng hagdanan.
“Hala, Nora, masaya
lang sinagot na. Alam mo naman na wala pa sa bokabularyo ko ang panliligaw.”
“Eh kasi po,
matagal-tagal din kitang napapansin na parang problematik, tapos heto ngayon,
pasipol-sipol pa at nakangiti. Alam mo John Mark, yung kislap ng mata mo at
yung napakatamis na ngiti, ay ngiti ng in-love. Haayyy… umiibig na si John
Mark.”
“Tumigil ka nga
diyan Nora, baka marinig ka ni Tiya ay maniwala iyon. D’yan ka na nga.”
“Haayyy nako, in
love na ang aming binata, sino kayang maswerteng babae iyon.”
Natatawa na lang
talaga ako kito kay Nora hahaha.
-----o0o-----
Alas nuwebe ng
umaga, dinaanan ko na si Jonas. Pag-buzzer ko pa lang ay kaagad nang bumukas
ang gate nila, ready na siya. Natingnan ko siya mula ulo hanggang paa, iba ang
aura kasi niya, para bang masiglang-masigla at ang gwapo-gwapo niya. Para
namang naasiwa siya.
“Bakit ganyan ka
naman makatitig? Akala ko tuloy ay butas ang suot kong short at lumabas na ang
hindi dapat na lumabas.”
“Humanga lang ako
sa iyo. Bagay ka talagang maging model. Mag-gawa ka ba ng content mo ngayon sa
youtube?”
“OO, at ikaw ang
subject ko.”
“Gagi, lika na nga
at natawagan ko na yung mga kaibigan natin dito. Baka nasa court na sila.” aya
ko. Nakaakbay pa siya sa akin habang naglalakad patungong basketball court.
“Nariyan na ang dalawa
nating pambatong pogi hahaha, kumpleto na ang team,” bati sa amin ng tumatayong
leader o captain ball ng aming team. Hindi naman sa pagyayabang. Puro gwapo at
matatangkad ang member ng team namin, kaya naman kahit ganitong laro lang at
hindi liga ay maraming tao sa court, mga kabataang babae at mga miyembro ng
third sex, suporta lahat sa amin.
Kumustahan, dahil
matagal-tagal din hindi lumaro si Jonas, kung ano-ano ang idinahilan. Kaagad
din itong nilapitan ni Myla, ang aming muse na hindi naman itinatago ang
pagkakagusto kay Jonas.
“Bakit ngayon ka
lang nagpakita, miss na kita alam mo ba?” bati ni Myla.
“Busy lang. Miss na
rin naman kita eh.” Sagot naman ni Jonas.
Habang naghihintay
kami ng makakalaban ay nagwa-warm up na ako at ang iba naming ka teammate.
Pasahan kami ng bola at nasu-shoot. Si Jonas naman ay hindi pa pinakakawalan ni
Myla. Sikat talaga itong si Jonas.
Maingay sa korte
habang naglalaro kami, madaming nagtsi-cheer sa amin. Kahanga-hanga talaga
itong si Jonas, kahit sa basketball ay nag-e-excel.
Nanalo kami sa game
at syempre, sa pusthan. Hindi naman kami kaagad na umuwi, nakipagkwentuhan muna
ng konti. Si Jonas ay naging busy sa pakikipag-usap kay Myla.
Maya-maya ay
nag-aya na si Simon, ang aming captain ball at kakain daw kami. Isinama rin
namin si Myla dahil siya naman ang aming muse, kaya lang ay sila na lang palagi
ang nagkakausap. Si Simon naman ang palagi kong kakwentuhan.
Gwapo si Simon,
matangkad sa height na 5’11”, maganda na ang pangangatawan. Siya ang aking
naging ka buddy-buddy nang hindi masyadong naglalaro si Jonas. Naging busy ako
sa pakikipagkwentuhan kay Simon, magkasama kami sa mesa at magkatabi pa ang
aming silya.
Sa aming team, ay
siya ang pinaka-malapit sa akin, maliban syepre kay Jonas. Masarap siyang
kausap, madalas ay may payakap-yakap pa at pag-akbay sa akin. Madalas din niya
akong niyaya sa pamamasyal at malling.
Pauwi na kami,
kasabay namin sa paglalakad si Simon, siya ngayon ang naka-akbay sa akin habang
nagkukwento ng ginawa namin sa laro kanina. Bahay ni Jonas ang unang sasapitin,
tapos ay ang amin. Sa kabilang kanto, pagliko ng isang kalye naman ang kina
Simon.
“Pwede bang
makainom muna sa inyo,” wika ni Simon.
“Oo naman, tubig ba
o Juice?”
“Kahit ano,” tugon
ni Jonas.
Binuksan ko na ang
gate at pinauna ko siyang pinapasok. Napalingon ako sa banda nina Jonas,
nakatayo pa siya sa labas ng gate nila at nakatanaw sa akin. Hindi ko alam kung
anong nasa isipan niya, pero parang lumamlam ang tingin. Kakawayan ko sana,
bigla naman pumasok na at nagsara ng gate.”
Itutuloy………………