Gasoline Boy 2 (Part 3/3)
Lian
Unang
kita ko pa lang ay nagkaroon na ako ng pagnanasa kay Elias, ang jowa ng
bestfriend kong si Nesty. Nagkataong kinailangan siya ng kanyang boss sa parlor
na pinagtatrabahuhan kaya naiwan kaming dalawa nang kanyang Jowa. Nagkaroon ako
ng pagkakataon na tuksuhin si Elias, nagtagumpay naman ako at may nangyari na
sa amin.
MalakiNg
kasalanan ang nagawa ko sa aking kaibigan, pero tao lang ako. Wala siyang
kamalay-malay sa kataksilang naganap kanina lang. Naabutan niya kaming umiinom
na nang beer.
-----o0o-----
Elias
Makaraan
ang dalawang lingo, matapos dalawin ni Lian ang partner kong si Nesty, ay
nakarecib ako ng message buhat sa kanya. Inaaya ako na makipagkita sa kanya.
Nang tanungin ko kung bakit, ang sabi lang ay dahil na miss daw niya ako, hindi
na raw siya makatulog dahil sa kaiisip sa akin.
Naalala
ko ang nagngayari sa amin, dahilan para tigasan ako. Sadyang nasarapan ako sa
ginawa niya sa akin. Sinabi kong may trabaho pa ako at Lunes lang ang aking
dayoff. Pumayag naman siya na Lunes kami magkita, mag-paalam na lang daw siya
na hindi makapapasok ng Lunes sa kanyang trabaho.
-----o0o-----
Lunes,
nagpaalam ako kay Nesty na dadalawain ang isa kong kapatid na may sakit. Totoo
naman na may sakit, lagnat nga lang. Gusto pa niyang sumama, sinabi ko na lang
na magpahinga na lang dahil sa ngayon lang siya makapapahinga. Hindi na siya
nagpumilit pa.
Nagkita
naman kami ni Lian, sa condo niya ako dinala sa may Ortigas. Muli ay nangyari
ang hindi dapat na mangyari. Naulit pa ang pagkikita naming iyon, minsan ay
dito pa mismo sa gasolinahan, kakutsaba ko ang mga kasamahan ko kaya hindi
nakarating kay Nesty ang kalokohan kong ginagawa.
Dahil
sa madalas naming pagkikita, nahulog na din ang loob ko sa kanya. Isa pa,
marami siyang naibibigay sa akin, pera
at ilang bagay gaya ng CP, at kung ano-ano pa. Ang pera ay naipapadala
ko sa aking pamilya sa probinsya, malaking bagay iyon para sa akin. Hindi naman
dahil sa hindi ako natutulungan ni Nesty, mas natutuhan ko naman talagang
mahalin si Lian. Kailan man ay hindi ko
nasabi ang mga katagang “I Love You” kay Nesty, pero kay Lian ay nasabi ko
iyon, dahil totoong naramdaman ko.
Unti-unti
ay nawawala ang paglalambing ko kay Nesty, madalas ay sa gasolinahan na ako
natutulog. Iyon kasi ang gusto ni Lian, ayaw na nito kasi akong pasipingin kay
Nesty.
Ganun
pa man, patuloy pa rin niya akong dinadalhan ng pagkain sa agahan at
pang-tanghalian. Sobrang bait ni Nesty sa akin kaya lang ay mas mahal ko na si
Lian. Nakukunsensya na ako kaya kinausap ko na siya para sabihin ang totoo.
Nesty
May
napapansin ako kay Elias nitong mga nakaraang araw, nanlalamig na siya sa akin.
Ilang Lunes na siyang umaalis at kung ano-ano ang dahilan.
Maging
sa aming pagsisiping ay tumatanggi na siya, dati rati ay gusto niyang araw-araw
kaming magsisiping, ngayon ay parang ayaw na niya.
Maging
sa pagtulog ay doon na siya sa gasolinahan natutulog. Naisip kong kausapin na
siya, para malaman ko kung ano ang dahilan
kung bakit ganon ngayon ang kanyang inaasal.
Pag-uwi
ko ng hapon ay dumaan ko sa gasolinahan, sinabihan ko siya kung pwede kaming
mag-usap pagkasara ng gasolinahan. Umoo naman siya. Hinintay ko talaga siya.
Pagdating sa bahay ay medyo late na, amoy alak pa. Mukhang nakipag-inom pa sa
kasamahan.
“Elias,
may problema ba tayo? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Ano ba ang
pagkakamali kong nagawa para maituwid ko,” sunod-sunod kong tanong.
“Sorry,”
ang sagot lang niya.
“Sorry? Bakit ka nagso-sorry? Para saan ang
pagso-sorry mo. Wala naman akong alam na ginawa mo para magsorry sa akin.”
“Sorry Nesty, hindi ko sinasadya.”
“Ang
alin, sabihin mo.”
“Hindi
namin sinsadya.”
“Namin?
Anong namin? Hindi kita maintindihan Elias.”
“Matagal
na kitang gustong makausap Nesty, Kasi mahal ko na siya.”
“May
mahal ka na, kaya ba hindi mo man lang masabi sa akin na mahal mo ako dahil may
mahal kang iba. Matagal na ba ito. Sino ang babaeng ito. Maiintindihan naman
kita.”
“Hindi
siya babae, isa rin siyang bading si Lian, ang bestfriend mo. Natutuhan ko
siyang mahalin dahil mahal din niya ako.”
Natigilan
ako, hindi ako makapaniwala. Ang bestfriend ko pa ang siyang aagaw ng aking
mahal. Paano kaya niya nagawa iyon sa akin. Ang tagal naming naging
magkaibigan, maluha-luha ako sa aking nalaman.
“kailan
pa?”
“Simula
nang dalawin ka niya, madalas niya akong tawagan, gustong makipagkita. Kaya nga
umaalis ako kapag dayoff ko. Minsan ay dito mismo sa gasolinahan kami
nagkikita. Kinutsaba ko ang mga kasamahan ko na huwag sasabihin sa iyo.”
“Matagal
mo na pala akong niloloko, bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin, mauunawaan ko
naman kung ayaw mo na. Alam kong hindi mo ako mahal, kahit nga minsan ay hindi
mo nasabi na mahal mo ako.?”
“Ewan
ko, mabait ka, maalalahanin at alam kong mahal na mahal mo ako, dama ko iyon.
Kaya lang, totoong wala akong nararamdaman sa iyo.”
“Sex
lang ang nagustuhan mo sa akin, ang pagparausan ako. Kung alam ko lang na
ganoon lang pala, sana hindi ka na nakisama sa akin, panloloko ang ginawa mo sa
akin, pinaasa mo lang ako.”
“Kaya
nga humihingi ako sa iyo ng tawad”
“Masaya
ka ba sa kanya?”
Tango
lang ang sagot niya.
“Dahil
ba naibibigay sa iyo ang luho, ang materyal na bagay, pera? Siya ba ang may
bigay sa iyo ng CP na sabi mo ay binili mo ng hulugan at second hand pa. Ang
sapatos, damit, at kung ano ano pa.”
“Kusa
niyang ibinibigay iyon, hindi ko hinihingi.”
“Alam
mo Elias, bestfriend ko siya, hindi ko siya pwedeng kamuhian. Malaki rin ang
naitulong niya sa akin. Kung liligaya kayo sa piling ng isa’t-isa, suportado ko
kayo.”
“Hindi
ka ba magagalit? Hindi mo man lang ba ako mumurahin? Ang laking kasalanan ang
nagawa ko sa iyo, tapos suportado mo pa kami. Anong klaseng kaibigan ba para sa
iyo si Lian. Sayang lang talaga at hindi kita natutuhan mahalin.”
“Para
ano pa, babalik ka ba kung magagalit ako? Mapipigilan ba kita? Mahalin mo siya
ng tapat Elias, huwag mo siyang lolokohin, kaibigan ko siya. Pakisabi, siya pa
rin ang bestfriend ko, Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.”
“Napakabait
mo talaga Nesty, masasabi kong isa kang martir.”
“Nagmahal
lang ako, at ang nagmamahal ay nagiging tanga dahil sa minamahal. Paano iyan Elias, sa kanya ka na ba uuwi,
malayo itong gasolinahan sa condo niya.”
“May
isa pang branch ang amo namin, malapit sa inuuwian niya, magpapalipat na lang
ako roon.”
“Good
luck, sana maging maligaya ka sa kanya.”
Niyakap
pa ako ni Elias, gusto pa sana niya akong hilikan, pero umiwas na ako. Umalis
na rin siya matapos kaming mag-usap.
-----o0o-----
Iniisip
ko pa rin kung bakit nagawa sa akin ito ni Lian. Kung kinausap sana niya ako,
hindi sana sasama ang loob ko sa kanya. Hindi ko na rin hiningi pa ang
paliwanag niya. Idinalangin ko pang maging maligaya silang dalawa.
Naawa
rin ako kay Elias. Alam ko ang ugali ni Lian, masawain siya. Kapag nagsawa na
sa isang bagay, ay pababayaan na lang. Maging sa relasyon, kapag nagsawa ay
nakikipagkalas na lang basta, walang paliwanag, basta hihiwalayan na lang.
Hindi ko na sinabi kay Elias ang ugaling iyon ni Lian, baka isiping sinisiraan
ko lang ang aking kaibigan.
Akala
ko noon ay magiging kami ni Lian, pero dahil sa ugali niyang iyon, minabuti ko
nang huwag tuluyang mahulog sa kanya, at nagawa ko naman.
-----o0o-----
Halos
nalimutan ko na si Elias. Maganda nga ang nangyari na umalis siya sa
gasolinahang dito, at lumipat sa ibang branch. Dahil hindi ko na siya nakikita
ay kaagad ko rin siyang nakalimutan.
Tatlong
buwan ang matuling lumipas. Kinausap ako ng dati niyang kasamahan at ibinalita
sa akin na wala na raw sina Elias at Lian. Ngayon ay muli na namang lilipat
dito sa branch na ito.
Mixed
ang aking emotions, dapat ba akong matuwa na hiwalay na sila, malulungkot ba
ako para kay Elias. Sino kaya ang may kasalanan? Sigurado naman ako na si Lian
ang may kasalanan at hindi si Elias.
-----o0o=====
Naglalakad
ako pauwi, nakita ko si Elias sa gasolinahan. Iiwas pa siya sa akin, pero
tinawag ko. “Elias, bakit ka narito?” Kunwari ay wala akong alam.
Hindi
na siya nakaiwas. Sinabi na lang na pupuntahan daw niya ako pagkasara ng gasolinahan.
-----o0o-----
Pinuntahan
nga ako ni Elias, amoy alak. Siguro ay umnom muna para magkaroon ng lakas ng
loob ng magsabi ng kanyang saloobin.
“Lasing
ka?” bungad kong tanong.
“Nakainom
lang.”
“May
sasabihin ka?”
“Wala
na kami ni Lian, iniwan na niya ako. May bago na siya. Ang masaklap pa nito,
harap-harapan niya akong niloko. Kahit naroon ako ay isinasama niya ang bago
niyang lalaki. Napakasakit pala talaga ang maloko, ngayon ko naranasan ang
ginawa ko sa iyo, karma ang inabot ko. Sana napatawad mo na ako ng tuluyan,”
nakayuko ang ulong pahayag ni Elias.
“Wala
na iyon sa akin. Noon pa man ay pinatawad na kita. Baka naman may nagawa kang
hindi niya gusto, maaring hindi ka lang aware.”
“Wala
akong matandaan. Ang madalas lang naming pag-awayan ay ay parang lagi kong
naiko-compare ka sa kanya. Halimbawa,
sabi ko ikaw maalalahanin, maalaga, palagi akong pinagluluto ng kakaini. Yun
magagalit na, kung ano-anong sasabihin.”
“Ganun
ba. Hindi naman talaga maganda na i-compare mo ang isang tao sa iba. Para bang
hindi mo lang masabi ng diretshan na magaling ang isa kesa sa kanya. May
kanya-kanya namang katangian ang bawat tao.”
“Kahit
na, hinahanap-hanap ko kasi ang pag-aalaga mo sa akin na hindi ko naranasan sa
kanya. Magkaibang-magkaiba kayo. Nagkamali ako sa pagpili.”
“Huwag
mo namang sisihin ang sarili mo. Wika mo nga, mahal mo eh, at hindi mo mahal
ang isa. Syempre ang pipiliin mo ay yung mahal mo.”
“Alam
mo Nesty, hindi lang pala komo’t mahal mo ay iyon na. Dapat pala ay susuriin mo
rin kung magkakasundo kayo, kasi mahal mo nga, tapos palagi kayong
magka-kontra, nawawala rin ang pagmamahal.”
“Makakahanap
ka rin ng mamahalin mo at mamahalin ka kahit sino o ano ka man. Maghintay ka
lang.”
“Ikaw
Nesty, kumusta ang love life mo. Meron ka na bang ipinalit sa akin?”
“Wala
pa akong panahon sa bagay na iyon. Umasa na lang ako sa tadhana. Kung may
darating, eh di tanggapin, kung wala naman, okay lang.”
“Sayang.
Nanghihinayang talaga ako at hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal mo sa akin.
Siguro, kung hindi ako nagtaksil sa iyo, masaya pa rin tayo hanggang ngayon.
Noon ko napagtanto na mahal pala kita, totoo yun. Kaya nga siguro palagi kaming
nag-aaway ni Lian ay dahil bukang-bibig kita sa kanya. Iba ka kase. Sayang
talaga.”
“Maghintay
ka lang Elias, makatatagpo ka rin ng magmamahal sa iyo ng tapat.”
“Nesty,
kaya mo pa akong bigyan pa ng second change?”
Hindi
ko siya masagot kaagad. Ang alam ko, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Kaya lang, ayaw ko na nang padalos-dalos. Ngayon pang nakaka move-on na ako
kahit papano.
“Magkaibigan
pa naman tayo eh. Lahat naman ay may second chance, third chance o kahit ilang
chance, hanggang sa makamit mo ang last chance, ibig sabihin, final na iyon.
Siya na ang magiging forever mo. Ang pagmamahal naman kung minsan o baka
madalas nga na naguumpisa sa pagkakaibigan. Nagkakakilanlanan kayo ng ugali,
hanggang sa nauuwi na sa pagmamahalan.”
“Sige
Nesty, magpapa-alam na ako. Alam kong pagod ka na.”
“Ikaw
rin naman. Magpahinga ka na. Bukas, trabaho na naman, kelangan me lakas ang
katawan natin. Goodnight Elias.”
-----o0o-----
Magmula
noon ay parang muling nanliligaw sa akin si Elias. Dinadaan niya ako sa
pagbibigay ng kung ano-ano, pagkain. Basta mga bagay o pagkain na gusto ko.
Inaaya pa ako na mamasyal, manood ng sine na dati naming ginagawa. Mahal ko pa
rin naman siya, hindi naman nawala. Kaya lang, gusto ko na makasiguro na ako na
nga ang final chance niya hehehe, Kung siya ang para sa akin, mas maganda dahil
mahal ko siya. Sana nga matutuhan na niya akong mahalin ng totohanan.
Wakas…..