Lunes, Abril 11, 2022

Porn Star – Part 5 (Finale)

 


Porn Star – Part 5 (Finale)

Napansin ko na panay ang tingin sa lugar namin si Eric.  Kung hindi man sa akin ay baka kay Nathan o kay Daniel.  Tumayo ako at nilapitan ko si Eric at inaya na mag-join sa amin.  Sigawan ang mga nanonood.  Isinisigaw ang pangalan ni Eric.

“Eric, Eric Eric” sigaw ng karamihan.

Napatitig sa akin si Eric at bigla na lang akong niyakap at hinalikan. Gumanti ako ng halik at yakap.  Huhubarin ko na sana ang kanyang mamahaling tshirt nang pigilan niya ako.  Ang ginawa ko na lang ay lumuhod sa paanan niya at mabilis na naibaba ang zipper ng pantalon niya at inilabas ang matigas niyang batuta na hindi naman kalakihan.  Normal lang na size ng pinoy. Tumutol siya at pilit na lumalayo sa pagkakahawak ko.  Sigaw ng sigaw ang mga naroon ng kanyang pangalan kaya nagpaubaya na lang sa kagustuhan ko.

Isinubo ko na ang kanyang matigas na kargada at tsinupa na iyon ng walang puknatan.  Agad din naman siyang nilabasan sa loob ng aking bibig.  Hinalikan ko kaagad siya at nagsalo kami sa kanyang tamod.

Napansin ko si Nathan na parang masama ang tingin sa akin, parang hindi nagustuhan ang aking ginawa.  Siya naman ang tumayo at nagsalita.  “Baka gusto ninyong mag-join lapit lang dito.” Anyaya ni Nathan.  Wala namang nagpaunlak sa alok niyang iyon.  Sigurado akong maraming may gusto subalit dahil sa maraming naroon na nanonood ay nahihiya lang sa paanyayang iyon.  May isang naglakas loob na lumapit, pero halik lang ang ginawa kay Nathan at agad din na lumayo.

Sa inis siguro sa akin ni Nathan ay marahas niya akong kinantot.  Hindi niya alam ay gustong gusto ko ang ginawa niya at talagang nilabasan ako ng maraming katas.

Tumagal din ang aming palabas ng higit sa dalawang oras, labis labis sa napag-usapan.  Isa isa nang nagsialisan ang mga nanood, hanggang sa kami na lang nina Eric, Amado at ilang kasamahan nila ang naiwan.

Kinausap pa muna kami ni Eric bago kami pinayagang makauwi.  Ihahatid daw uli kami ng van na sinakyan namin kanina.

Napagusapan ang kopya ng video.  Sinabi ng camera man na ie-edit muna para mapalabo ang mga mukha ng nahagip na manonood para proteksyon din sa pagkakakilanlan. Ipapadala na lang daw ito kung saan gustong ipadala pagkatapos ng editing.  Kinuha rin niya ang number ko sa CP.

Nakasakay na kami ng van at paalis na ng tawagin pa uli ako ni Eric at pinapasok sandali sa loob.  Palihim na ibinigay sa akin ang isang envelope na bonus ko raw at isa pang envelope na paghatihatian na lang daw namin saka ako mabilisang hinalikan na mariin habang yakap ng mahigpit sabay bulong na “Magkikita pa tayo.”

Agad kong itinago sa aking bag ang envelope para sa akin.  Pagkapasok ko ng van at tumakbo na itong paalis ay iwinagayway ko ang isang envelope. “Alam nyo ba kung ano ito?”

“Ano?” sabay sabay na sagot ng apat kong kasama.

“Bonus daw natin na paghahatihatian natin yehey.”

Sa van pa lang ay naghati hati na kami.  Nang bilangin ko ay 500K ito kaya nag tig 100K din kami.  “Galante pala talaga si boss Eric ano, jackpot tayo.” Wika ni Daniel.

“Galante talaga iyon, minsan pag kinapos ako ay sa kanya ako nahiram.  Pinahihiram ako ng higit pa sa inuutang ko.  Pag umutang ako ng 5K ibibigay sa akin ay 10K.  Dinodoble niya palagi tapos ay hindi na pababayaran sa akin.  Kaya hindi ko na nanaisin na umalis pa bilang driver niya.” Singit ng driver.

Tuwang tuwa ang lahat habang nabiyahe maliban kay Nathan na tahimik lang hanggang sa makarating kami ng Manila.  Hanggang sa aming apartment ay wala pa ring kibo itong si Nathan.  Hindi na ako nakatiis at nagtanong na kung bakit.  “May problema ba Nathan?”

“Ha! Anong sabi mo?” nabigla pa sa aking tanong na tila wala sa sarili si Nathan.

“Ang sabi ko ay kung may problema ka.  Kanina ka pa walang kibo simula ng bumiyahe tayo.

“Wala, wala. May iniisip lang ako, sa aking pamilya.  Wag mo akong intindihin.  Pahinga na tayo at pagod na ako sa ginawa natin at sa biyahe.”

Hindi na rin nagpumilit pa ako na alamin ang dahilan ng pananahimik ni Nathan.

---------------o0o---------------

Pinatawag uli ako ni Ate at pinagrereport sa kanyang opisina.

“Bakit Ate, may bago ba kaming project.  Pwede bang pass muna ako, gusto ko munang magpahinga kahit ilang araw lang.”

“Ganyan ka na ha, komot malaki ang kinita ninyo eh me pagpapahinga ka pang nalalaman.” 

“Ate naman, hindi no.  Bakit mo ako pinatawag, ano bang atin.”

“Yung kopya ng video, gusto ni Eric na ikaw ang magdala sa kanya.”

“Bakit daw ako.  May sinabi bang iba?”

“Wala namang nabanggit.  Basta dalhin mo na lang, eto ang address, hihintayin ka raw hanggang lunch hour kaya lumakad ka na.”

“Transpo ko, hindi naman ako messenger ah.”

“Abonohan mo muna.  Reimburse mo na lang pagbalik mo dito.”

---------------o0o---------------

Sa isang exclusive subdivision ang address ni Eric.  Hindi kami kaagad pinapasok at tinawagan pa ang aking pupuntahan.

Mala mansion na naman ang bahay na napasok ko.  Pinatuloy na ako ng driver na siyang sumundo at naghatid sa amin noon.  “Pakihintay na lang at lalabas na siya.” Wika ng driver.

Lalabas na sana ang driver pero pinigilan ko muna siya.  “Ang laking mansion nito pero tila walang tao.  Sinong kasama dito ni Eric.” Tanong ko sa driver.

“Mga kasambahay.  Palagi naman wala ang magulang niya dito eh, abala sa negosyo.  Ngayon ay nasa ibang bansa at malamang ay sa isang linggo pa ang balik.  Solong anak kasi.” Tugon ng driver.

“Oliver, buti at nakarating ka.  Halika, doon tayo mag-usap.”

Inabot ko na sa kanya ang DVD copy ng video sa Tagaytay.  Kinausap niya ako at inamin na may gusto siya sa akin.  Pwede raw na maging kami pero ililihim lang namin.  Pinatitigil na rin ako sa paglabas sa porn video at ikukuha daw niya ako ng sariling condo o bahay na magiging pugad namin.  Bibigyan daw niya ako ng allowance, kotse at kung ano pa na naisin ko.  Bibiyahe din daw kami abroad kahit saan ko gusto.  Marami siyang offer sa akin pero kapag pumayag daw ako ay siya lang ang aking iintidihin.  Hindi raw ako pwedeng manligaw ng babae lalo na ang makipagsiping sa lalake.  Parang binibili niya ang aking pagkatao.

“Napakaganda ng alok mong iyan sa akin Eric, pero hindi kita masasagot sa ngayon.  Bigyan mo muna ako ng panahon na makapagisip at makapag desisyon.  Pag buo na ang aking pasya ay sasabihin ko sa iyo.  May pamilya kasi akong iniintindi sa probinsya at sa akin lang sila umaasa sa ngayon.  Kaya nga pinasok ko ang ganitong hanapbuhay.” Sagot ko sa kanya.

“Okay, ikaw ang bahala.  Hihintayin ko ang iyong pagpapasya.”

“May tanong lang ako Eric, improtante ito sa aking pagpapasya.”

“Shoot.  Ano yon.”

“Kung sakaling tanggapin ko ang alok mo at dumating ang panahon na magsawa ka na sa akin, saan ako pupulutin.”

“Magandang tanong iyan.  Kung sabagay ay tama ka.  Baka dumating ang panahon na mawala ang pagkakagusto ko sa iyo o di kaya ay paghiwalayin tayo ng aking mga magulang.  Papaano ka nga naman. Sa totoo lang Oliver ay ikaw pa lang ang lalaking nagustuhan ko at inalok ng pakisamahan ako kaya hindi ko naisip ang tanong mo.  Sisiguruhin ko naman na kung magiipon ka lang at magtatabi ng sobra sa pangangailangan mo sa allowance na ibibigay ko ay mayaman ka na rin,  Pero para mas sigurado ay magoopen ako ng isang trust fund sa pangalan mo na makukuha mo lang kapag hindi na tayo.”

“Salamat Eric.  Pagisipan ko muna.”

“Sa ngayon ay pwede bang makapiling ka ng konting oras mo.  Nabitin kasi ako sa ginawa natin sa Tagaytay, hindi ko man lang natikman ang katawan mo.”

Pinagbigyan ko siya sa kanyang hiling.  Sinabi rin niya na may CCTV sa kanyang kwarto at marerecord ang gagawin namin pero hindi raw ito makakalabas dahil siya ang mas maapektohan.  Nakadalawang putok din kami pareho.  Bago ako umalis ay binigyan pa niya ako ng pera.  Ayaw ko sanang tanggapin dahil malaki na ang naging kabayaran ko sa show na ginawa namin.  Mapilit siya dahil nasiyahan daw siya sa akin.  Hapon na ako nakabalik nang aming apartment.

“Oliver, huwag mong kalimutan ang lakad natin bukas ha.  Tatlong araw lang naman tayo sa Baguio habang wala pa ang parents ko.” Habilin ni Eric.

---------------o0o---------------

Nadatnan ko sa bahay si Nathan.  “Hindi ka ba umalis ng bahay ngayon?” Tanong ko kay Nathan. 

“Nagpunta ako sa opisina, nagbakasakaling may bagong raket.  Bakit ngayon ka lang.  Marami ba kayong pinagusapan o nag-anuhan pa kayo.” Ang sarkastikong tanong niya.

Kinuwento ko naman ang ang napagusapan namin, ang alok niya sa akin.

“Anong sagot mo.”

“Sabi ko ay pag-iisipan ko muna.  Kung ako ikaw, anong magiging pasya mo.”

“Ano pa eh di tatanggapin ko.  Bihira ang ganong pagkakataon.  Wala kang gagawin pero kikita ka.”

“Okay lang ba na parang binibili ang pagkatao ko.  Wala akong tutol kung kailangan niya ang katawan ko kasi ay bayad ako ganun ba?  Siya nga pala yung tanong mo kanina, oo nag sex pa kami at nakadalawang round kami.  Binayaran din ako eto nga o hindi ko pa nabibilang kung magkano.”

Tinalikuran ko na siya.  Nainis kasi ako sa sagot niya.  Ginawa niya akong mukhang pera. Hindi ko akalain na agad agad akong ipamimigay.  Hindi man lang nagpabalat bunga na pigilan ako.

Sinundan pa niya ako sa silid namin at tinanong kung anong pasya ko.  Manhid talaga, nagawa pang magtanong.

“Tulad ng sinabi mo ay tatangapin ko.  Yayaman ako sa perang ibibigay niya sa akin hindi ba.  Giginhawa na ang buhay ng aking ina.”

Hindi na siya kumibo, halatang nalungkot din kahit papano.

---------------o0o---------------

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Nathan na aalis muna para kausapin si Eric.  Hindi niya alam na sa Baguio ang punta namin at wala akong balak na tanggapin ang alok niya.

Pagbalik ko galing Baguio ay wala si Nathan.  Madaling araw na kami dumating.  Inisip ko na lang na nakitulog ito sa kasamahan namin.

Kinaumagahan ay tumawag ako kay Ate at tinanong si Nathan.  Umuwi raw pala ito ng kanilang probinsya para dalawin ang mga magulang at kapatid.  Hindi man lang nagsabi sa akin.  Tinawagan ko ang kanyang CP pero cannot be reach ang palaging sagot.

Ilang araw na ang lumipas ay wala ako kahit isang tawag o text man lang mula kay Nathan pero nakausap niya si Ate at sinabing baka raw matagalan siya sa probinsya dahil may inaayos pang kabuhayan para sa mga magulang.

Tiningnan ko ang kanyang cabinet, halos walang natirang damit.  Mga luma at kupasing tshirt at pinagliitan na pants at short lang ang naiwan.  Parang wala ng balak na bumalik pa.

Isang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Nathan.  Konontak ko siya para malaman kung babalik pa dahil kung hindi ay iiwan ko na ang apartment dahil solo na lang akong nagbabayad niyon.  Nagpasya na rin kasi ako na umuwi na rin nang probinsya at magtayo na lang ng maliit na negosyo.  Malaki na rin ang aking naipon, idagdag pa ang mahigit 1M na binayad sa amin ng mag show kami sa Tagaytay.

Nagpaalam na ako sa aming landlady na aalis na at nagempake ng aking mga gamit.  Ang konting gamit ni Nathan ay inilagay ko sa isang box at iniwan ko muna sa bodega ni Ate.  Nagpaalam na rin ako kay Ate na titigil na sa paggawa ng porno dahil makikisama na ako kay Eric.  Nagsinungaling ako dahil gusto kong makarating kay Nathan ang bagay na iyon.  May hinala akong iyon ang dahilan ng pag-uwi niya ng kanilang probinsya.

---------------o0o---------------

Mabilis na lumipas ang mga buwan.  Isang taon na simula ng umuwi ako sa aming probinsya, isang taon na rin na hindi kami nagkita ni Nathan.  Naging maunlad naman ang itinayo kong negosyo, nagsimula ako sa isang maliit na tindahan sari-sari hanggang sa lumago ito at dumami ang customer.  Ngayon ay isa na itong grocery store.  Maganda ang aming slogan, “Retail sale at wholesale price para sa masa” kaya madaming bumibili sa amin dahil mas mababa kesa sa ibang tindahan.  Sa amin na rin bumibili ang ibang maliliit na tindahan sa baranggay.

Hindi ko pa rin nalilimutan ang aking nakaraan, palagi ko pa rin itong naalala.  Pasalamat na lang at walang nakapanood ng aking ginawang mga video o maaring hindi lang talaga ako nakilala.  Kung sabagay ay sa porn site lang makikita ang aking video.

Minsan ay lumuwas ako ng Manila.  Naisipan kong dumaan sa opisina ni Ate.  Pagpasok ko ay bumulaga sa akin si Nathan.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon, tumalikod at hindi na lang tumuloy, sugurin si Nathan at sumbatan dahil binale wala ang naging samahan namin o yakapin habang umiiyak at sabihing mahal ko siya.

Wala ni isa roon ang aking ginawa, hindi ko na lang siya pinansin at tinanong sa babaeng naroon kung nasaan si Ate.  Nagkunwa akong hindi ko kilala si Nathan.

“Lalabas na po iyon, nag banyo lang.  Ayan na pala. Ate may bisita ka.”

“Oliver, kumusta, ang tagal mong hindi nagpakita man lang sa amin ah.  Saan ka ba naglalagi at wala man lang kaming balita sa iyo.” Masayang bati ni Ate.

“Diyan lang sa tabi tabi.  Busy yata kayo at may paguusapang proyekto, alis na rin ako at may aasikasuhin lang ako sa dati kong eskwelahan.  Sige Ate, dadalaw na lang uli ako sa iyo kapag libre na ako.” Paalam ko kay Ate.  Hindi ko na hinayaang pigilan pa ako dahil tumalikod na akong mabilis para lumabas.

“Sandali lang Oliver, pwede bang mag-usap tayo kahit sandali lang.”

“Oliver nga ang pangalan ko pero hindi naman kita kilala para makipag-usap sa iyo.” May panunuya kong wika.  Tumalikod na uli ako subalit pinigilan niya ang aking braso saka yumakap sa akin na umiiyak.”

“Hayaan mong magpaliwanag ako kahit sandali lang please.  Naging magkaibigan naman tayo ah.” Pakiusap ni Nathan.

“Kaibigan ba ang tawag sa taong nangiiwan sa ere?  Ang hindi man lang sagutin kahit isang beses ang aking tawag at text.  Ang hindi man lang nakaalalang tumawag at sabihin kung ano ang problema.  Wala akong kilalang ganong kaibigan.  Pasensya na at may lakad pa ako.  Bitiwan mo nga ako at baka masapak pa kita.”

“Sige! Sapakin mo ako kung iyan ang magpapagaan ng sama ng loob mo, sapakin mo ako.” Sabi ni Nathan na kinuha pa ang aking kamay at isinampal sampal sa mukha ko.  Sa inis ko ay binigwasan ko siya ng isang suntok.  Halos bumalandra siya sa dingding, putok ang labi at dumugo.

Bigla akong natigilan nang makita ko ang pag-agos ng kanyag dugo mula sa labi.  Nagkagulo naman sa opisina at nilapitan ako ng ibang kalalakihan doon na ang iba ay hindi ko na kilala para awatin kami.  Nilapitan naman kaagad ni Ate si Nathan.

“Ano ka ba Oliver, tingnan mo ang ginawa mo.” Galit na sigaw ni Ate. “Magusap kayo ng maayos at hindi dadaanin sa init ng ulo.  Okay ka lang ba Nathan?” – si Ate, alalang alala kay Nathan.

Ako man ay natakot dahil sa dugo.  Nagalala ako na baka malaki ang sugat.  Sa pakiramdam ko ay namutla ako, pinanghinaan pa ako ng tuhod kaya umupo ako sa malapit na monoblock.

Tumayo na si Nathan at nilapitan ako uli.  Nakatungo lang ako.  “Kulang pa ba, eto naman kabila.” Panunudyo ni Nathan.

“Gusto ko lang namang magpaliwanag eh.  Hindi ko sinasagot ang text at tawag mo dahil ayaw ko nang dagdagagan pa ang sakit na nararamdaman ko noong panahong iyon.  Naisip ko na magkasama na kayo ni Eric.”

“Ikaw ang may sabi na huwag kong palampasin pa ang oportunidad para magkapera.  Ikaw ang nagtutulak na sumama ako sa kanya.”

“Dahil gusto kong guminhawa ang pamumuhay mo, ng nanay mo.  Napakayaman ni Eric at kayang ibigay ang mga naisin mo kaya sinabi ko iyon.  Nasa kanya kasi ang makapagbibigay katuparan sa mga pangarap mo.”

“Anong palagay mo sa akin, mukhang pera!  Hindi ko nanaisin na magkapera ng hindi ko pinaghirapan. Oo sa pagpuputa ako kumikita ng pera, sa pagbibilad ng katawan at kababuyan, pero pinaghihirapan ko rin iyon.  Hindi ba walang katumbas na pera ang hirap ng kalooban sa mga ginagawa natin, pero nakaya ko, natin dahil trabaho din iyon. Hindi ko gusto na sasahod na lang ang kamay at lalagpak na ang maraming pera.”

“Kaya nga gusto kitang hanapin, nalaman ko kay Ate na hindi ka naman sumama kay Eric at umuwi na lang ng probibinsya.  Hindi ko naman alam ang probinsya ninyo kaya pinuntahan ko si Ate at baka alam niya, pero hindi rin daw.  Maswerte lang na dumating ka rin.”

“Pinagtagpo siguro kayo talaga ng tadhana Oliver, Nathan, kaya magusap na lang kayo ng maayos.  Nathan, bakit gusto mong hanapin si Oliver.” Tanong ni Ate.

“Mahal ko siya eh.  Hindi ko kayang makita siya na kasama ng iba kaya umuwi na ako sa amin.

Hiyawan ang mga miron, tuwang tuwa sa narinig na rebelasyon ni Nathan.  May pagpalakpak pa.

“Ikaw Oliver, bakit nagtampo ka nang hindi sagutin ni Nathan ang mga tawag mo at text.”

“Nag-aalala kasi ako sa kanya, baka kasi may sakit kaya hindi nakabalik kaagad, baka may malaking problema sa pamilya.  Gusto ko lang naman malaman at baka makatulong ako kahit aa papano.  Kaso ayaw talagang sagutin.”

“Mahal mo din ba siya tulad ng pagmamahal niya sa iyo?”

“Oo. Mahal na mahal.” Nakayuko akong sumagot, may konting hiya.

“Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin ako, kasi ay mahal na mahal kita at hindi ko na yata kaya na mawalay uli sa iyo ngayon natagpuan na kita.” – si Nathan na hinawakan ako sa magkabilang balikat. 

Napaangat ang aking mukha sa pagkakayuko at dahil sa silakbo ng damdamin at sa narinig kong sinabi niya ay yakap na mahigpit lang ang aking nasagot.  Dumagundong ang opisina ni Ate sa lakas ng hiyawan at palakpakan.  Parang ipinagbubunyi ang aming pagkakasundo.

“Oy oy oy, kayong mga usisero, iwanan muna natin sila para makapagusap nang masinsinan.  Doon muna tayo sa sala para pagusapan ang mga schedule ninyo.” – si Ate na lumabas muna ng opisina kasama ang ibang talent at naiwan kami ni Nathan.  Hindi naman kami nagtagal ng husto sa pag-uusap dahil nahihiya kami kay Ate sa abalang ginawa namin.  Napagkasunduan namin na sasama na lang siya sa aming probinsya para doon magusap.  Malapit lang naman sa Manila ang aming probinsya

---------------o0o---------------

Nalaman ko na sa pag-uwi niya sa probinsya ay bumili sila ng malaking sakahan na siya ngayong sinasaka ng kanyang tatay.  Mura lang daw nila nabili.  Nagtayo rin daw ng tindahan sa kanilang bahay para maging libangan namn ng kanyang nanay.  Sa ngayon ay hindi na sila kinakapos at maluwag luwag na rin ang kabuhayan, nakapagpatuloy sa pag-aaral ang iba niyang kapatid.

Isasama daw niya ako sa probinsya nila pag-uwi niya.  Sa Real Quezon lang pala ang bayan nila.

Nakita naman niya ang bunga ng aking pagpuputa, ang aking grocery na itinayo na pinamamahalaan ni Nanay at  ng isang pinagkakatiwalaan kong kaibigang babae.  May mga tauhan din kami na siyang nag-aayos o nagbabasta ng mga pinamili ng aming kustomer.

“Nay, magpahinga lang kami sa bahay ha, huwag kang masyadong magpapagod.” Paalam ko kay nanay.

“Magdala ka ng makakain doon, wala tayong lutong pagkain sa bahay.” Sagot ni Nanay.

“Ako na pong bahala, dadaan na lang ako sa karinderya.”

---------------o0o---------------

“Tayo lang ba dito?” nakangiting tanong ni Nathan, parang nakakaloko ang ngiting iyon.

“Oo, solong anak lang naman ako.”

“Yess!”  Napangiti ako sa aksyon ni Nathan.  Syempre, alam na hehehe.

 

End……

Hilot – Part 1

 


Hilot – Part 1

 

Cedric’s POV

Nakaalalay sa magkabila kong braso ang dalawa kong kaibigan at kalaro sa basketball kanina lamang.  Napasama ang bagsak ko nang hindi sinasadyang magkabunguan kami nang kalaban sa pagrebound ng bola.  Napilayan yata ako kaya ihinatid na ako sa bahay dahil hindi ko na kayang maglakad pagkat masakit na masakit ito kapag ilalakad ko.

“Anong nangyari diyan.  Napilayan ka ba.” Tanong ni Nanay pagkakita sa akin na inaalalayan sa aking paglalakad na isang paa lang ang gamit.

“Napasama ang bagsak ko ‘Nay sa laro.  Masakit ang isang paa ko at hindi ko mailakad.” Dahilan ko.  Tiningnan niya ang paa ko.

“Namamaga na ah, baka may bale.  Naku mga iho, kilala ba ninyo si Mang Enteng, yung nakatira sa nagiisang kubo diyan sa bukid.  Pakitawag naman at pakisabing baka pwedeng tingnan ireng anak ko.  Magaling na hilot iyon at baka kaya pang mapagaling.” Pakiusap ni Nanay sa dalawa kong kaibigan.  Sumunod naman ang dalawa.  Kilala naman pala.

Kilala kasi itong si Mang Enteng bilang magaling na albularyo at hilot dito sa aming baryo.  Siya ang takbuhan kapag simpleng bale o pilay lang.  Kaya rin niyang magpagaling ng “na bati”, “na balis”, “na nunu”, at kung ano ano pang hindi pinaniniwalaan ng marami sa panahon ngayon lalo na ang mga doktor.  Maging ang kulam ay kaya rin niya daw pagalingin.

Ako nga pala si Cedric, at isang senior highschool student dito sa bayan namin sa Magdalena dito sa Laguna.  Nag-init ng tubig si Nanay para ipang banyos sa namamaga ko nang paa.  Nakaupo lang ako at nakataas ang napilayan kong paa sa ibabaw ng footstool.

Inilagay ni Nanay ang mainit na tubig sa isang plastik saka ito ibinuhol at sinapinan ng twalya. Idinadaiti niya ito sa parte ng paa ko na sumasakit. Medyo nawawala naman kahit papano ang sakit.

Dumating na ang aking mga kaibigan pagkalipas ng siguro ay 20 minutes.  Wala daw si Mang Enteng at may nilalakad daw sa kapitolyo.  Ang naroon ay ang kanyang apo at marunong din daw siyang manghilot.  Tinuturuan daw siya ng kanyang Lolo Enteng.

“Kasama na ba ninyo?” tanong ni Nanay.

“Opo.  Andyan sa labas.”

“Eh bakit hindi pa ninyo pinapasok, dyaskeng mga bata ire.  Nasaan ga.”  Lumabas si Nanay para papasukin ang hilot.  Dinala niya ang nasabing hilot sa akin para matingnan ang aking paa.

Nang makita ko ang sinasabing apo ni Mang Enteng na hilot ay medyo nag-alangan ako sa kanyang kakayahan.  Paano ba naman ay napakabata pa, parang sing edad ko lang o baka mas matanda pa ako.  Isa lang ang ihinanga ko sa kanya, nakakabakla ang kanyang kagwapohan.  Grabe, hindi ko akalain na may ganito kagwapong nilalalang dito sa aming baryo.  Bakit hindi ko siya nakikita eh madalas naman akong nagagawi sa bukid.

Napakakinis ng kanyang kutis, hindi siya kaputian pero pino naman ang kanyang balat.  Yung kanyang mukha ay tila hindi man lang natubuan kahit na isang tigyawat.  Sa unang tingin ay maihahalintulad siya kay Ian Veneracion noong kabataan pa nito.

Hindi na ako nakatiis kaya nag tanong na ako sa sinasabing hilot.  “Bro, sa spa ka ba nagmamasahe?  Hilot kasi ang kelangan ko eh.  May pilay ako, baka may bali ang buto ko.”

“Nakakasakit naman kayo ng damdamin Bro.  Kung wala kayong tiwala sa akin ay kayo naman ang masusunod eh.  Sige, maghanap na lang kayo ng ibang titingin niyan.  Nakita ko na naman ang paa mo at sa tingin ko ay naglinsad lang ang buto.  Walang bale, kelangan lang na mabalik sa dati ang joint.  Sa lalong madaling panahon ay dapat na mabalik na iyan sa dati, kung hindi ay mamamaga iyan lalo at baka sa orthopedic na iyan madala.” Ang Sabi ng batang hilot.  Sumama siguro ang loob niya sa sinabi ko na pagkawalang tiwala sa kanyang kakayahan.  Natakot ako sa huli niyang tinuran.  Ayoko sa ospital bukod sa wala kaming perang panggastos.

“Sandali.  Sandali lang Bro.  Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo, kaya lang ay napakabata mo pa para matutunan ang ginagawa ng iyong lolo.”

“Simpleng pilay lang iyan, kung bale ang buto niyan ay siguro may umusli na diyan sa balat mo.  Anong desisyon mo, marami pa akong ginagawa sa bahay at baka makagalitan ako ni Lolo at sabihin na wala akong ginawa maghapon.” Wika ng hilot.

Kung hindi lang gwapo ang mokong na ito ay kanina ko pa pinalayas.  May pagka arogante rin kasi kung sumagot.  Sabagay ay mali naman talaga ako.  Ako ang may kailangan sa kanya kaya dapat ay hindi ako nagsalita ng ikasasama ng kanyang loob.  Pumayag na rin akong matingnan niya.

Sinundot sundot muli ng kanyang daliri ang paligid ng namamaga kong paa.  Masakit ang bawat sundot na iyon kaya napapa-aray din ako.  “Masakit diyan, dahan dahan naman, ahh sakit.”

“Masakit talaga.  Kakayanin mo ba ang sakit?  Kasi ay kelangang itong maisaayos na.”  Wika ng hilot.  May kinuha muna sa kanyang dalang kahon.  Isang maliit na patpat o kawayan pero makinis iyon. 

“Kagatin mo ito.” Wika ng hilot.  “Huwag mong iluluwa, dapat ay kagat kagat mo at hindi malalaglag.  Naintindihan mo ba?”

Tumango na lang ako.  Akala ko ay iyon na ang gamot.  Pinadapa ako sa aming mesang kainan, mahaba kasi iyon at kasya ang aking katawan, at saka muling ginalaw galaw ang aking paa. 

“Kayong dalawa, hawakan ninyong mabuti ang mga baraso para hindi makagalaw.  Nay, kaya ba ninyong pigilan iyang isang binti niyan, kelangan kasi ay hindi maibaluktot at maigalaw, kung pwede lang na igapos talaga eh.

“Kaya ko na.  Malakas pa naman ako.  Mas may lakas pa yata ako sa dalawang mokong na ito eh.”

“Sige po sisimulan ko na.  Pigil na mabuti nga tol, ‘nay. Kagatin mo na ang kawayan at huwag mong ilalaglag.”  Ramdam ko na tangan na niya ang aking paa.  Parang iniikot ikot ang aking binti.  Napasigaw ako ng ubud nang lakas, na maaring ikinagulat nang aming kapitbahay.  Tuloy ay nalaglag sa aking bibig ang kawayan na pinakagat sa akin. Nakadinig ako ng paglagutok ng aking buto.  Parang guminhawa naman ang aking pakiramdam.  Naigagalaw galaw ko na ang aking paa.

Pinabangon na niya ako at patingkayad na naglakad patungong sala kung saan ako nakaupo kanina.  Itinaas uli sa footstool ang aking paa at nanghingi ng basahan o lumang tshirt na cotton.  Hinaplasan muna ng efficascent oil saka binalutan ng pinagputol putol na tela ng tshirt. 

“Anong nararamdaman mo ngayon.  Masakit na masakit pa ba?” tanong ng hilot.

“Hindi na masyado, naikikilos ko na nga eh.  Ano ginawa mo.”

“Wala, pinaikot ko lang.  Syempre may teknik ako kung paano ibabalik ang naglinsad na buto sa dati.  Huwag mo munang babasain ha.  Kung maliligo ka ay balutan mo muna ng plastic para hindi mabasa.

“Salamat ha.  Pasensya ka na kung medyo hindi ako agad nagtiwala sa iyo.  Talaga namang napakabata mo pa eh, bukod sa napaka-gwapo mo rin.”

“Kaya pala panay ang titig mo sa akin eh.  Baka naman nababakla ka na sa akin ha hehehe.  Joke lang.  Dapat happy ka na kaya nag-jojoke na ako.  Sige at alis na ako.  Babalik ako bukas para tignan uli iyan.  Huwag kang aalis ng bahay dahil hindi ko tiyak kung anong oras akong pupunta dito.”

“Yabang mo naman.  Sige na, salamat uli.  ‘Nay, aalis na raw si…. Ano nga palang pangalan mo.  Nag-gamutan na tayo ay hindi ko pa alam ang pangalan mo.  Ako si Cedric.  Huwag mo na lang alamin ang pangalan ng dalawang iyan.  Wala namang kwenta ang mga iyan.”

“Aray ko ang sakit naman.  Ako si Ome at siya naman si Pons.” Pakilala ni Ome.

“Tawagin mo na lang akong mahal hehehe, joke lang uli, baka mapikon ka eh. Mandy, Mandy ang pangalan ko.”

“Nay, naghihintay si Mandy, yung ano niya.”

“Hindi nagpapabayad ang mga iyan anak.  Donasyon lang at kahit magkano.  Pagdamutan mo na lang ito ha.  Maraming salamat.”

“Pwede naman kahit wala ‘Nay.  Pero tatanggapin ko na rin po, pandagdag sa bayad sa kuryente hehehe.  Sige po, paalam na po.

---------------oo00oo---------------

Mandy”s POV

Dalawang binatilyo ang humahangos patungo sa kubo namin.  Malayo pa ay tanaw ko na sila at alam kong emergency iyon at si Lolo ang pakay nila.  Hindi nga ako nagkamali dahil si Lolo nga ang hinahanap nila.

“Wala si Lolo at nasa Kapitolyo.  May aasikasuhin daw doon.  Ano bang pakay ninyo kay Lolo.”

Nalaman ko na napilayan daw ang kaibigan nila at namamaga na raw ang paang napilayan.

“Sige, sama ako sa inyo at titingnan ko.  Marunong din kasi ako ng hilot at baka kaya ko na.”

Naiwan pa ako sa labas pagdating namin sa bahay ng napilayan.  “Mga bastos, hindi agad ako pinapasok.” Wika ko sa isipan ko.  Dinig ko rin ang sinabi ng isang babae na kung bakit hindi agad ako pinapasok, na sa hula ko ay ang may-ari ng bahay.

Pinapasok na ako at agad na dinala sa may pilay.  Tinignan ko at sinipat.  Pinag-aralan ko rin kung ano ang dapat gawin.  Hindi naman masyado delikado, naglinsad lang ang buto yung bang nawala sa align.

“Bro, sa spa ka ba nagmamasahe?  Hilot kasi ang kelangan ko eh.  May pilay ako, baka may bali ang buto ko.” Wika ng may pilay. Bale bang sabihin sa akin ang ganon, napaka walang asal.  Gusto ko na sanang talikuran agad agad at iwan na sa ganong kalagayan, pero magagalit naman sa akin si Lolo kapag ginawa ko iyon.  Bilin na bilin na kung kayang tulungan ang isang tao ay tulungan ng walang pag-aalinlangan.  Kaya lang, iba ang taong ito eh.  Mapang husga.  Sobrang judgmental. Gwapo pa naman at boyfriend material.

“Sobra ka namang makapang-husga.  Kung sa spa man ako nagmamasahe ay masahe pa rin iyon. Nakakasakit naman ikaw ng damdamin Bro.  Kung wala kang tiwala sa akin ay ikaw naman ang masusunod eh.  Sige, maghanap na lang kayo ng ibang titingin niyan.  Nakita ko na naman ang paa mo at sa tingin ko ay naglinsad lang ang buto.  Walang bale, kelangan lang na mabalik sa dati ang joint.  Sa lalong madaling panahon ay dapat na mabalik na iyan sa dati, kung hindi ay mamamaga iyan lalo at baka sa orthopedic na iyan madala.” Masama ang loob kong turan. Tumalikod na ako at tinungo na ang pintuan para umalis.

“Sandali.  Sandali lang Bro.  Huwag ka munang aalis.  Sobra ka namang balat sibuyas. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo, ang akin lang ay parang sobrang bata ka pa para matutunan ang ginagawa ng iyong lolo. Sorry.” Ang pigil ng may pilay.  Natakot at biglang nag sorry.

“Simpleng pilay lang iyan, kung bale ang buto niyan ay siguro may umusli na diyan sa balat mo.  Anong desisyon mo, marami pa akong ginagawa sa bahay at baka makagalitan ako ni Lolo at sabihin na wala akong ginawa maghapon.” Wika ko.

“Sige, ikaw na ang bahala, basta pagalingin mo lang ako.”

Alam kong kinakabahan ang mokong na ito.  Marahil ay dahil wala pa rin kompyansa sa kakayahan ko o talagang takot lang dahil sinabi ko na masakit at dapat ay kayanin niya ang sakit.  May dala naman akong amonia sakaling himatayin ito.  Habang pinag-aaralan ko kung ano ang gagawin ko sa kanyang pilay ay napagmasdan ko siya.  Ang gwapo talaga ng mokong na ito at may ipagmamalaki ha! Bumabakat kasi ang harapan, matangkad at ang kissable nang labi.  Kaya lang ay maypagka suplado.

Sandali lang naman at agad kong naibalik sa dati ang kanyang naglinsad na buto.  Grabe ang atungal, siguro ay dinig iyon hanggang kabilang ibayo sa lakas, at malamang ay nagulantang ang mga kapitbahay.

Matapos bendahan ay binilinan ko na huwag munang babasain at sakaling gustong maligo ay balutan ng plastic para hindi mabasa.

“Salamat ha.  Pasensya ka na kung medyo hindi ako agad nagtiwala sa iyo.  Talaga namang napakabata mo pa eh, bukod sa napaka-gwapo mo rin.”  Kinilig naman ako sa tinuran niya.  May cbance, ika nga ni Paolo ng Eat Bulaga.  Biniro ko rin siya.

“Kaya pala panay ang titig mo sa akin eh.  Baka naman nababakla ka na sa akin ha hehehe.  Joke lang.  Dapat happy ka na kaya nag-jojoke na ako.  Sige at alis na ako.  Babalik ako bukas para tignan uli iyan.  Huwag kang aalis ng bahay dahil hindi ko tiyak kung anong oras akong pupunta dito.”  Nayabangan yata sa akin at napasimangot.  Biglang tinawag ang kanyang Nanay.  Parang gusto na akong paalisin hehehe.

“Oo na. Sige na, nasabi lang gwapo eh yumabang na.  Salamat na lang.  Nay, aalis na raw si…. Ano nga palang pangalan mo?  Ako nga pala si Cedric. 

“Tawagin mo na lang akong mahal hehehe.  Ito naman, nakasimangot agad.  Joke lang yun.  Mandy, Mandy ang pangalan ko.”

Inabutan ako ng Nanay ni Cedric ng pera.  Ayaw patawag ni Lolo na bayad dahil hindi naman talaga naniningil siya.  Kahit magkano naman ang ibigay ay okay lang.  Tinanggap ko ang pera dahil kulang pa ang pambayad namin sa kuryente.

Nagpaalam na ako at umalis na rin.  Magaan ang katawan ko habang naglalakad pauwi sa amin.  Ewan ko kung bakit attracted ako sa lalaking iyon eh ang angas.  Hindi naman ako bakla, at least sa pagkaalam ko sa ngayon.  Pero siya ay parang may chance talaga na bakla.  Ang lagkit kasi ng titig sa akin at nagwapohan pa.  Sabagay ay marami namang nagsabi sa akin niyon.

Ibinalita ko kay Lolo ang tungkol kay Cedric.  Ipinaliwanag ko na hindi ko na siya hinintay dahil magang maga na ang paa nito.  Sasama raw sa akin bukas para matignan din niya.

Kinabukasan ay excited ako habang naglalakad kami ni Lolo patungo kina Cedric. Makikita ko na naman ang gwapong lalaking iyon.

---------------oo00oo---------------

Cedric’s POV

“Sino ba ang hinihintay mo Cedric.  Kanina ka pa pabalik balik diyan sa bintana, baka mamaga lalo yang paa mo.?”  Si Nanay, napansin pala ako na laging nakatanaw sa bintana. 

Hinihintay ko kasi si Mandy.  Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang pagkasabik ko na magkita uli kami.  Siguro ay crush ako ng lalaking iyon.  Sabihin ba naman na tawagin ko siyang mahal.  Neknek niya.  Baka akala niya ay bakla ako ah kaya ganun na lang ang sinabi niya.  Pero bakit ganun, kinilig talaga ako ng sabihin niya iyon.

Nataranta ako ng may kumatok sa pintuan namin.  Boses iyon ni Mandy.  Para akong kinabahan bigla, dumagundong ang aking dibdib.  Paika ika akong tumayo para buksan ang pinto.  Nawala yata ako sa sarili dahil bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ni Mandy.  Nagkatitigan kami.  Ayos na ayos ang buhok at nakaporma pa.  Sobrang bagay sa kanya ang suot niyang muscle tshirt at short.  Kita ang magandang katawan sa gilid ng tshirt.  Sa kanya na focus ang aking tingin, hindi ko tuloy napansin na may kasama pala siya, si Mang Enteng.

“Ehem ehem, ano! Dito na lang ba tayo magtitigan.  Papasukin mo ba kami o dito na lang tayo.” Maangas na wika ni Mandy.  Napalitan tuloy nang inis ang tuwa ko.  “Yabang talaga nito, tuloy po Mang Enteng.”

Pangitingiti pa ang kumag na ito.  Napahiya tuloy ako sa kanyang lolo.  Pinaupo ko na sila at tinawag si Nanay.  Pinapatong ni Mang Enteng sa silya ang aking paang may pilay.  Inalis ang benda at pinisil pisil pa ang aking paa.  May konting sakit pa kaya napapapitlag ang aking paa sa tuwing pipisilin niya ng medyo madiin.

“Masakit na masakit pa ba?” Tanong ni Mang Enteng.  “Konti na lang po, medyo masakit pa kapag inilalakad ko.” Sagot ko.

“Lamog na lang iyan, huwag ka munang masyadong maglalalakad.  Hayaan mo munang ganyan ng ilang araw. Ayos naman ang ginawa ng apo ko.” -si Mang Enteng.  Ibinabalik ang balot sa aking paa.  Nailang naman ako sa titig nitong si Mandy, para kasing nakakaloko.  Ang yabang yabang komo’t napuri ng kanyang Lolo.

Lumabas si Nanay na may dalang pitsel at baso. “Mag-miryenda po muna kayo Mang Enteng, Mandy.  Pasensya na at nilagang saging lang iyan hehehe.” Alok ni Nanay.  Kumain naman sila.

“Kamiy aalis na Sonia,” paalam ni Mang Enteng.  Sonia ang pangalan ni Nanay. Lumabas si Nanay ay may inaabot sa matanda pero tinanggihan ito.  Hindi na rin nagpilit pa si Nanay.  Loko loko talaga itong si Mandy.  Nang matalikod ang matanda ay lumingon pa sa akin sabay flying kiss.  Ako namang si loko loko din ay sinalo ang ihinagis na kiss at idinaiti sa aking labi.  Kahit alam kong biro lang iyon ay sobra ang aking kilig.  Sinundan ko pa sila ng tingin sa bintana habang naglalakad papalayo ang mag-lolo.  Napalingon pa uli si Mandy kaya bigla akong napaatras, parang napahiya ako doon.

---------------oo00oo---------------

Mandy’s POV

Ilang araw na ang lumipas mula ng huli kong makita si Cedric.  Wala na akong balita kung ano ang naging lagay niya, kung magaling na siya, kung nakapaglalakad na ng maayos.  Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit nasasabik akong muli kong masilayan ang maganda niyang mukha.  Parang ako ang nahulog sa mga biro ko sa kanya.

Ang sarap kasi niyang biruin.  Madaling mapikon.  Ang cute kaya niya kapag napipikon, ang ganda ng galaw ng kanyang mga labi na may kaluwangan.  Parang labi ni Bright na Thai actor sa BL series na “2gether”.  Pati ang mga mata niya ay namimilog kapag galit.

Lumabas ako sa kubo at naglakad lakad sa paligid.  Tinignan ko ang mga tanim namin kung may mga hayop o kulisap.  Naglakad lakad pa ako, malayo layo na rin ang nalalakad ko ng mapagtanto ko na malapit na ako sa bahay nina Cedric.  Natanaw ko siya sa bintana at nakatingin sa aking banda.  Para akong kinabahan, dumagundong na naman ang aking dibdib.

Hindi ako nagpahalata na nakita ko siyang nakatanaw sa akin.  Binagalan ko ang aking lakad na kunwa ay may binabasa sa aking CP pero ang aking mga mata ay pasulyap sulyap sa lugar niya.  Nang matapat na ako sa may bintana nila ay binati na ako ni Cedric.

“Mandy, saan ang lakad.  Baka mabunggo ka, sa daan ang tingin at hindi sa CP.” Bati niya na may halong pang-aalaska.  Gumanti naman ako nang biro.

“Oy Cedric.  Hindi kita napansin, inaabangan mo ba ako?  Kumusta ang pilay mo, hindi na kita napasyalan eh.  Alam ko namang gagaling kaagad iyan, ako kasi ang naghilot hehehe.”

“Abang ka diyan.  Ang yabang mo talaga.  Daan ka muna at tignan mo itong paa ko.  Masakit pa rin eh at maga pa.” Wika niya.  Hindi ko alam kung anong naging ekspresyon sa aking mukha.  Gulat ako at hindi makapaniwala, natakot ako at nasabi na sana ay biro lang iyon. 

Patakbo akong tumungo na kanilang bahay.  Tuloy tuloy na akong pumasok at hindi na kumatok.  “Patingin nga ng paa mo.” Inangat ko ang isa niyang paa na napilayan dati.  Wala na itong benda.  Nabatukan ko siya pagkakita sa kanyang paa na hindi maga at magaling na.

“Sira ka talaga.” Pagalit kong sabi sabay batok sa kanya.  “Tinakot mo ako ah.  Ang alam ko ay pagaling na dahil nakita pa ni Lolo.  Huwag kang magbibiro ng ganyan ha.” Wika ko na pasigaw sabay padabog na tumalikod at tinungo ang pintuan.  Alam kong na guilty siya sa kanyang biro. Hinabol niya ako nahawakan sa aking braso.

“Sorry na.  Hindi ka na mabiro, sobra kang pikon hehehe.  Kiss na lang kita para mawala ang galit mo.” Wika niya na pilit idinidikit ang kanyang nguso sa aking pisngi.  Alam ko naman na nagbibiro lang siya kaya hinayaan ko na lang siya.  Dumikit ang kanyang labi, hindi sa aking pinsgi kundi sa akin ding labi dahil umiiwas ako at napalingon sa harap niya.  Parang nag-slowmotion ang paligid.  Parang ang tagal tagal na naglapat ang aming mga labi, dilat pareho ang aming mga mata.  Natigilan kami pareho sa nangyari at nang matauhan ay agad kong tinungo ang bintana.

“Pwe, pwe.” Dura ko sabay punas ng aking kamay sa aking bibig. “Ano ka ba Cedric.  Para kang tanga.  Ano ka!  Bakla?”  Nagulat siya sa binitiwan kong kataga, nakatakip ang dalawang palad sa kanyang mukha na parang hiyang hiya.  Nagsory naman siya at hindi raw niya akalaing na lilingon ako.  Tapos ay tumalikod na at pumasok sa isang silid sabay balabag ng pintuan.

Ako naman ang parang naging estatwa.  Napahiya siguro sa sinabi ko.  Naguilty naman ako.  alam kong hindi na siya lalabas ng silid kahit na magsorry ako sa aking nasabi.  Umalis na lang ako at umuwi ng bahay.  Hawak hawak ko ang aking mga labi. 

Ang totoo ay hindi ako galit, bagkos ay siyang siya ako sa nangyari.  Ayaw ko lang magpaka obvious.  Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa akin.

---------------oo00oo---------------

Cedric’s POV

Galit na galit ako at malakas na isinalya ang pinto ng aking silid.  Pinagsusuntok ko ang unan ko at mangiyak ngiyak talaga ako sa nangyaring pangiinsulto sa akin ni Mandy.  Hindi ko naman kasalanan na magdikit ang aming mga labi.  Bigla siyang lumingon ng hahalikan ko na siya.  Kunwari lang naman talaga na hahalikan ko siya sa pisngi, hindi ko naman talaga itutuloy. 

Sinabihan ba naman ako ng bakla dahil lang sa aksidengteng pagdikit nang aming mga labi.  Sobrang inis ko at nangako sa sarili na hindi na niya kikibuin kahit kelan itong si Mandy.

Makaraan ang ilang araw ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Mandy.  Aaminin ko, nagustuhan ko naman ang aksidenteng halik na iyon.  Ewan ko ba kung bakit pero iyon ang naramdaman ko.  Nainis lang talaga ako sa sinabi niya.  Biro man iyon ay hindi ko nagustuhan.  Madalas pa rin ako sa bintana at nagbabakasakaling makita ko uli siya, pero wala kahit anino ng lokong iyon.

Balik eskwela na uli ako matapos ang ilang araw na pagliban ko.  Maraming tao sa labas ng building papasok sa aming room, karamihan ay mga babae.  Nakiusyoso ako.  Mga larawan pala ito ng mga lalaki at babae na kandidato para sa Mister and Miss ng aming paaralan.  Taunan itong ginagawa tuwing foundation ng aming paaralan para makalikom ng kahit konting pondo para sa proyekto ng mga magtatapos na estudyante sa taong ito. 

Tiningnan ko ang mga kandidato.  Nasorpresa ako dahil naroon ang larawan ni Mandy.  Schoolmate ko pala siya ay hindi ko alam.  Halos kakilala ko ang mga nag-aaral na senior pero ngayon ko lang nalaman na dito rin pala siya nag-aaral.

Pumasok na ako sa aming room.  Binati agad ako ni Jenny, isa sa mga babae kong kaibigan. “Naku Cedric, bakit kasi ngayon ka lang pumasok, hindi ka tuloy nakasali sa Mr. And Ms. Contest.  Ninominate kita noong pang last week kaya lang ay kelangan na ng final na candidate at wala kapa.  Ayun, hindi ka pinayagan kasi ay kelangan ang consent mo.”

“Buti na lang at hindi ako nakasali, ang hirap kaya nun.  Unang una kelangan magbenta ka ng ticket, tapos, dapat mangompanya para ma-like o ma-heart sa facebook.  Ayoko ng ganun, Hindi naman kami mayaman.  Kung walang ganoon at purely papogian lang at talent, papayag ako hehehe.” Pagyayabang ko.

“Ang yabang mo talaga friend.  Nakita mo ba yung mga candidate na lalaki.  Ang pogi pogi nung Mandy ano, crush ko.” Wika ni Jeny na hangang hanga sa gandang lalaki ni Mandy.

“Pogi nga, arogante naman.  Ang angas!  Kung mayabang ako, doblehin mo o triple pa sa kayabangan ang mokong na iyan.” Sagot ko naman.

“Bakit friend?  Kilala mo ba siya.  Pakilala mo naman ako o, please.”

“Naku, hindi na oy.  Teka nga pala, bakit ngayon ko lang siya nakita sa school natin?  Iilang section lang tayo tapos ay magkakakilala pa, tanging siya lang ang hindi ko talaga kilala.”

“Transferee siya friend, galing sa kalaban nating eskwelahan doon sa dulong bayan. Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit lumipat pa dito ay graduating na.”

Napatango ako, nakahawak sa aking baba.  Natigil lang ang tsismisan namin ni Jenny ng dumating na ang guro namin sa unang subject.

---------------oo00oo---------------

Uwian na, sinadya kong abangan si Mandy para makahingi ng dispensa.  Kakainin ko na ang sinabi ko na hindi ko siya papansinin.  Ang totoo ay namiss ko rin siya.  Gusto ko siyang tulungan.  Hindi pa naglalabasan ang section nila kaya nagtiyaga akong maghintay malapit sa kanilang room.  Sa wakas, nagsilabasan na rin.  Nanghaba ang aking leeg para tanawin siya at baka makalingat ako ay hindi ko makita.  Nakita ko siya na may kasabay na isang babae.  Tila naka holding hands pa, siguro ay syota niya.  Hindi ko kilala masyado ang babae pero natatandaan ko ang mukha niya.  Isa rin sa kanditato sa contest.

Hinintay ko na dumaan sa tapat ko.  Nakita naman niya ako.  Akala ko ay hindi niya ako papansinin, buti na lang at nauna siyang bumati sa akin.

“Cedric!  May hinihintay ka ba, kung wala ay sabay na tayong umuwi.  Naglalakad ka lang ba o nag-tatricycle pa.” Bating tanong sa akin.

“Hindi ah, naglalakad lang ako, ano ako mayaman!” pasuplang sagot ko.  Umarya na naman ang pagkamaldito ko.

“Nagtatanong lang eh.  Kaklase ko si Melba.” Pakilala niya sa babaeng kasama.

Humingi ng suporta sa akin si Melba para sa contest.  I like ko raw ang kanyang picture at maging ang kay Mandy para manalo sila sa contest.  Sabihan ko rin daw ang mga friends ko sa FB.  Umoo naman ako.  Nagpaalam na rin siya paglabas namin ng gate.  Iba kasi ang daraanan niya.  Nagkaroon ako nang pagkakataon na makausap siya.

“Sorry nga pala sa inasal ko noon nakaraang araw, napagdabugan pa kita ay ako naman ang may kasalanan.  Sorry ha.” – Ako.

“Naku naman!  Wala iyon sa akin.  Nagkunwari lang akong galit, ang totoo ay nagustuhan ko nga eh ihhyyyyyyyyyyy hehehe.  Pwede nating ulitin ihihihihi.” Wika niya, ang landi, pero natawa ako talaga sa kanya.  Ang pogi niyang lumandi hihihi.

“Ang loko mo talaga.  Kaya naiinis ako sa iyo eh.”

“Ang cute mo kasi kapag naiinis hehehe.”

“Ayan ka na naman.  Syanga pala, hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral, ngayon ko lang nalaman ng makita kita sa picture na kandidato.”

“Ah, nagtransfer lang ako.  Doon sa paaralan sa Dulong bayan ako dati.”

“Bakit ngayon ka lang nagtransfer kung kelan na gagradweyt na.”

“Malayo kasi doon kapag sa mga Lolo ako manggagaling.”

“Saan ka ba dati nakatira.  Hindi rin kita nakikita diyan sa may bukid eh palagi ako doon para magpahangin at magpaaraw.

“Mahabang kwento.  Saka ko na lang ikukwento sa iyo.  Pasyal ka sa amin, kwentuhan tayo.”

“Sige.  Gusto mo ngayon na.”

“Sa ibang araw na lang.  Marami akong ginagawa kapag hapon.  Ayan na ang sa inyo.”

“Ingat ka.  Sabihin mo lang kung kelangan mo ng tulong sa contest.  Tulungan kitang magbenta ng tiket.”

“Sige, salamat.”

Haayyyy ang saya saya ko ngayong araw na ito.  Pakantakanta pa ako ng pumasok ng aming bahay.  Napansin pa ako ni Nanay at natanong kung bakit ang saya saya ko.  Syempre, secret hehehe.

---------------oo00oo---------------

Mandy’s POV

Malayo pa ay nakita ko na kaagad si Cedric.  Nanghahaba ang leeg na nakatanaw sa room namin.  Alam kong ako ang inaabangan niya.  Gusto lang sigurong sumilay sa akin.  Hindi kasi ako nagpakita ng matagal sa kanya, nagpapamiss lang hehehe.

Hindi naman talaga ako nagalit sa kanya ng aksidenteng magdikit ang aming mga labi.  Kunwari lang iyon, galit galitan.  Papansin lang.  Sinadya ko naman talagang lumingon at sakto naman na magtama ang aming mga labi.

Pagtapat ko sa kinatatayuan niya ay binati ko siya kaagad.  Gusto ko uling alaskahin, sabihin kung namiss niya ako at inabangan sa paglabas ko.  Hindi ko lang itinuloy dahil sa kasabay ko ang aking kaklase na si Melba.  Halata ko sa kanyang mga mata na may gustong itanong patungkol sa amin ni Melba.  Hinawakan ko kasi ang kamay nito nang makita ko siyang nakatanaw sa aming room.

Nagsorry lang naman siya sa inasal noong nakarang araw na nagkita kami.  Nagkasundo naman kami at humingi rin ako ng sorry sa kanya.  Magkasabay na kaming naglakad pauwil nagkwentuhan.

 

Durugtungan.

Tila may nabubuong romance ang ating mga bida.  Abangan lang po ang susunod na kaganapan.  Maraming salamat.

 

 

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...