Sa araw-araw kong
pagbibiyahe papasok sa pinagtatrabahuhan kong kompanya ay palagi akong
nakakasakay sa isang jeep na minamaneho ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa
early 30’s na. Tyempo na kapag nag-aabang na ako ng jeep sa may jeepney stop,
ay saka naman siya daraan at swerteng palaging bakante ang unahan. Gusto ko na
doon palagi sa unahan mapasakay para hindi ako usod ng usod. Halos araw-araw
iyon.
May araw din naman
na hindi ako sa kanya nasasakay. Hindi ko naman talaga siya hinihintay. Pero
dahil nga sa madalas ay sa kanyang jeep ako napapasakay ay sinasadya ko na
talagang hintayin ang pagdaan niya, tulad ngayon. Ilang jeep na ang nagdaan at
maluwag iyon, pero pinalampas ko.
Kilalang kilala ko
na ang jeep ni Kuya, tunog pa lang ay alam kong siya na iyon. Hindi ko alam
kung sinasadya niyang hindi magsakay sa unahan para ako ang maupo roon.
Gwapo si Manong, mas
maitim sa moreno. Mulato yata ang tawag sa ganoong kulay ng balat. Marahil,
nangitim lang siya dahil sa palaging nasa karsada at nagmamaneho ng jeep. Hindi
na ako nakatiis pa, kinausap ko na siya.
“Alam mo Kuya, para
talagang ako ang pinaglalaanan mo ng upuan dito sa harapan, palagi kasing
bakante pag tatapat sa abangan ko,” sabi ko.
“Tama ka, gusto kong
ikaw ang mapaupo diyan, kasi ay nakatutulong ka sa pag-abot at pagsukli ko sa
bayad. Parang konduktor ko ikaw hehehe,” tugon ni kuyang driver. “At ikaw
naman, siguro ay ako ang inaabangan mo hehehe,” sabi naman ni kuya.
“Dati hindi, pero
nung madalas na makasakay ako sa iyo ay inaabangan na talaga kita. Hindi ako
sasakay hanggat hindi ka dumadaan. Minsan tuloy ay nale-late ako sa trabaho
lalo na kapag hindi ka talaga pala bumiyahe,” pag-amin ko. “Kuya… ano nga pala
ang pangalan mo? Ako po pala si Eugene.
“Theo ang pangalan
ko,” sabi naman ng driver.
Medyo malayo-layo
rin ang pinapasukan kong kompanya, inaabot ang byahe ko ng isang oras o mahigit
pa kasama na ang traffic. Sa araw-araw kong pagsakay sa jeep ni Theo ay medyo
may ideya na ako sa ugali niya. Tahimik lang siya at hindi madaldal. Hindi siya
magsasalita kapag hindi kinakausap.
May kabaitan din
itong taglay. Nasabi ko iyon dahil sa madalas kong nakikita na kapag may batang
estudyanteng sumakay ay ibinabalik niya ang bayad nila at sinasabing idagdag na
lang sa baon nila. Tuwang-tuwa naman ang ilang bata.
Maingat din siyang
magmaneho, hindi barumbado sa daan. Magalang din siya lalo na sa nakatatanda.
Dahil sa madalas na
akong nakakasakay sa kanya ay naging magkapalagayan na kami ng loob. Totoo daw
na reserve na ang upuan sa unahan tuwing umaga, gusto niyang ako ang maupo
roon. Ayaw nga niya akong pagbayarin ng pasahe dahil nakakatulong daw ako sa
pag-abot-abot ko ng bayad ng ibang pasahero pati pagsusukli. Nakabisa ko na
tuloy ang pasahe ng mananakay base sa kung saan sila sumakay at saan bababa.
Isang araw ng Sabado
ay nagulat pa siya ng makita niya akong nag-aabang ng sasakyan sa kagayang oras
kapag may trabaho. Wala kasi kaming trabaho kapag Sabado.
“Eugene,
mag-overtime ka?” bating tanong niya sa akin.
“Hindi. Buti at
walang nakaupo dito sa unahan. Gusto ko lang sumama sa byahe mo Theo. Wala kasi
akong magawa sa bahay. Mag-konduktor muna ako sa iyo hehehe.”
“Aba talaga! Aba’y
napaka-swerte ko naman. Siguradong malaki ang kikitain ko, kasi ang gwapo ng aking
konduktor hehehe..
Para talaga akong
konduktor, nagtatawag ako ng pasahero kapag maluwag pa. Naka-ilang ikot din
kami at yung huling ikot namin ay saktong tanghalian na. Kumain kami sa isang
karinderyang suki niya at pagkatapos ay nagpahinga sa kanyang jeep na
nakaparada sa isang malilim ng tabi ng karsada.
Nagkwentuhan lang
kami, nalaman kong may asawa na siya at may dalawang anak na lalaki. Ang
panganay ay grade 1 na at ang bunso ay dalawang taon pa lang. Bata daw siyang
nakapag-aawa kaya hindi na nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Nakarating
naman siya ng frist year sa college, hindi lang nakapagpatuloy dahil nga
nabuntis ang nobya at maagang nagpakasal. 30 years old na siya ngayon.
Ewan ko kung bakit
nalungkot ako nang malaman kong may asawa na siya, may kung anong tila tumusok
sa aking dibdib. Nawalan ako bigla ng kibo sa aking nalaman.
“Bakit natahimik ka
Eugene?” tanong ni Theo (Ayaw niyang
tawagin ko siyang kuya Theo, Theo na lang daw dahil hindi pa naman masyadong
malaki ang agwat ng aming edad. 24 na kasi ako.)
“Hah, may naalala
lang ako. Iniisip ko kasi kung naalis ko ang saksak ng plantsa, Natangal ko
naman ang pagkakasaksak. Alam mo na, baka kasi maging sanhi ng sunog,” dahilan
ko. Totoo naman kung minsan ay nagiging makakalimutin ako.
Bandang tanghali ay
bumaba na ako ng jeep pagtapat sa abangan ko. Sabi ko ay sobrang mainit kapag
tanghali na. Magpapahinga rin daw naman siya at bibiyahe uli bandang 3 PM.
Sa aking pag-iisa sa
aking silid sa inuupahan kong boarding house ay parang tamad na tamad akong
kumilos, wala akong sigla. Nakahiga lang ako at nasa isipan ko si Theo.
Nagtataka ako kung bakit tila ako nasaktan nang malaman kong may pamilya na
siya. Naisip ko na dahil sa sobra akong naging close sa kanya, naging palagay
ang aking loob dahil na rin sa maganda siyang makisama at likas ang kabaitang
taglay.
Nang mga sunumod na
araw ay sinadya kong hindi hintayin ang pagdaan niya. Ilang araw na sunod iyon.
Ang hindi ko maipaliwanag ay nag-aalala ako na baka nag-aalala rin siya kung
bakit hindi ako nakakasakay sa kanya. Baka kung ano ang isipin. Hinahanap-hanap
ko rin ang presensya niya, gusto kong nakikita siya kahit sandali sa bawat
araw. Noon ko napagtanto na umiibig na ako sa kanya. Alam kong mali, kasi,
unang-una ay pareho kaming lalaki, pangalawa ay may asawa at anak na siya.
Maling-mali kaya naman gusto kong iwaksi ang damdamin kong ito dahil masasaktan
lang ako.
Isang lingo rin na
hindi ako nagpakita sa kanya. Kahit na sabik na sabik na akong makita siya ay
pinilit ko pa ring umiwas na magtagpo ang aming landas
Pero isang araw ng
Lingo ay nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot sa tinitirhan kong boarding
house si Theo. “Theo! Anong ginagawa mo rito? May pinuntahan ka bang kakilala
dito?” sunod-sunod kong tanong.
“Ikaw talaga ang
sadya ko. Nag-aalala kasi ako dahil isang lingo kang parang hindi pumasok sa
trabaho.mo. Baka kasi nagkasakit ka kaya ipinagtanong ko kung saan may boarding
house malapit sa abangan mo ng sasakyan. Dito nga ang itinuro. Ano, kumusta ka?
Nagkasakit ka ba?” mahabang paliwanag ni Theo.
“Naku, sinabi ko na
nga ba at mag-aalala ka. Kasi, nitong nakaraang lingo ay mas maaga akong
napasok. May nira-rush kasi kaming trabaho. Ino-audit kasi kami ngayon kaya
maraming trabaho. Sorry ha kung nag-alala ka. Bukas ay regular na uli ang pasok
ko,” pagdadahilan ko.”Halika sa loob, doon tayo sa silid ko mag-usap,” aya ko
sa kanya.
Matagal-tagal din
kaming nag-usap. Wala lang naman, hindi naman mahalaga dahil sa wala namang
kaugnayan sa amin ang aming pinag-usapan. Gusto ko sanang itanong kung ano
talaga ang dahilan at nag-abala pa talagang hanapin ang tinitirhan ko gayong
wala naman siyang mapapala. Kung sabagay, itinuring na siguro akong isang matalik
na kaibigan. Maging ako siguro ay hahanapin ang nawawalang kaibigang matalik.
-----o0o-----
Para wala na siyang
isipin na kung ano, ay balik ako sa normal na pag-aabang sa pagdaan ng jeep ni
Theo. Ang problema lang talaga ay lalo lang sumisidhi ang nararamdaman kong
pagmamahal sa kanya gayong wala naman akong aasahan pa dahil nakatali na siya.
Pilit ko namang itinatago ang pagkakagusto ko sa kanya at hindi pinapahalata.
Biyernes,
natyempuhan kong siya ang nasakyan ko papauwi, may nakaupo na sa unahan kaya sa
loob na ako nakaupo, pero ng bumaba na ang pasahero sa unahan ay pinalipat
naman na niya ako roon.
“Eugene, may gagawin
ka ba bukas?” tanong niya sa akin ng malapit na ako sa aking bababaan.
“Wala naman, bakit?”
tanong ko.
“Sama ka naman sa
byahe ko o, kahit hanggang tanghali lang,” pakiusap niya.
“Bakit?”
“Wala lang naman.
Gusto ko lang may makausap habang nabyahe. Alam mo naman na wala masyadong
pasahero kapag Sabado dahil walang estudyante. Nakakainip kasi, nakakalibang
kasi kapag may kausap at hindi nakakainip.”
“Ganon ba. Eh sige.
Anong oras kita aabangan?”
“Yung kagaya kapag
napasok ka sa trabaho, abangan mo ako ha!”
“Sige, malakas ka sa
akin eh,” sabi ko. “Baka makalampas ako, konting menor na at malapit na ako,”
sabi ko. Bumaba na ako pagtapat sa may papunta sa amn.
Ewan ko, napansin ko
na parang may ningning sa kanyang mga mata ng pumayag akong sumama sa byahe
niya. Para bang tuwang-tuwa siya.
-----o0o-----
Inabangan ko nga ang
pagdating ni Theo. Malayo pa ay tanaw ko na ang jeep niya. Bakit ba hindi
mawala sa akin ang saya kapag papalapit na ang sasakyan niya, kasi ay makikita
ko na naman siya. Masaya na ako na makita siya.
Aba, si Theo, ang
laki ng ngisi nang makita naman ako na nakatayo na sa jeepney stop na iyon.
Kaagad na bumusina pagtapat sa akin. Kaagad naman na akong sumakay. Pagkasakay
ko ay inabot sa aking ang isang supot.
“Ano ito,” tanong
ko.
“Tingnan mo,” sabi
naman niya.
Nang aking
bulatlatin ay pande-coco pala. “Almusal o miryenda mo. Alam kong paborito mo
iyan hehehe. Espesyal iyan!” sabi niya.
Yung konting lambing
niya, yung konting pag-aalala niya sa akin ay sobra-sobra ang ligayang dulot sa
akin. Ewan ko lang kung nahahalata niya. Sa tingin ko naman ay hindi. Sa buong
pagbiyahe namin, sa ilang ikot na nagawa namin ay kitang kita ko naman ang
sigla niya. At nang sabihin ko na bababa na ako bago magtanghaling tapat ay
nag-iba na ang kanyang mood.
Nang ayain ko na
kumain muna kami ay sinabi niyang hinihintay siya sa bahay, nagluto raw ng
paborito niyang ulam ang asawa niya. Ako naman ang nakaramdam ng pagkadismaya.
Nakaramdam ako ng lungkot.
-----o0o-----
Isang umaga,
pagtapat ng jeep ni Theo sa abangan ko ay may sakay siyang babae sa unahan. Sa
loob sana ako uupo,pero sinabi niyang doon na lang ako sa unahan, kasya daw
naman ang dalawa doon. Kasi, kapag sakay niya ako ay ako lang at hindi siya
nagpapasakay sa unahan ng iba pa.
“Misis ko, si Edna,”
pakilala sa akin ni Theo sa babaeng katabi namin. “Edna, siya yung naikukuwento
ko sa iyong araw-araw ay naisasakay ko at nagiging konduktor ko pa hanggang sa
bumaba papuntang opisina nila,” dugtong pa ni Theo.
Tinanguan ko naman
ito na nakangiti.
“Ah… ikaw pala iyon,
gwapo ka pala hehehe. Mamalengke kasi ako kaya napasabay na ako dito kay Theo.
Doon ako namamalengke, mura kasi ang gulay at isda diyan,” sabi ni Edna na
bumaba na rin pagtapat papuntang palengke.
Maganda rin ang
asawa ni Theo, parang hindi pa nagkakaanak. Seksi ika nga at parang isang
dalaga kung magbihis at mag-ayos. Hindi mapagkakamalang may asawa na.
“Ang ganda naman
pala ng asawa mo Theo, jackpot ka roon ha! Hehehe.”
“Bakit? Gwapo rin
naman ako ah. Swerte niya at pnatulan ko siya,” tugon naman niya.
“Yabang mo talaga.
Oo na, Gwapo ka na nga,” sabi ko.
Hindi ko man aminin
ay nakaramdam ako ng selos. Mukhang maligaya naman ang kanilang pagsasama.
Naisip ko na talagang kalimutan ano mang dandamin meron ako sa kanya. Pero
paano kung palagi pa rin kaming nagkikita? Mahirap gawin iyon. Kung gagawin ko
naman ay ang huwag na uling sumakay sa kanya gaya ng una kong ginawa ay baka
kung anong isipin, baka mahalata pa ang pagkakagusto ko sa kanya. Kaya ang
ginawa ko ay ilihim na lang ang nadarama ko.
Maraming araw ang
nagdaan, nagawa ko namang huwag ipahalata o iparamdam man lang ang aking
nadarama sa kanya. Masaya ako habang kausap siya, habang nakasakay sa kanya.
Ramdam ko rin ang saya niya kapag nagkikita kami lalo na kapag sumasama ko sa
biyahe niyang tuwing Sabado. Opo, pumayag ako sa pakiusap niya na sumama ako sa
biyahe niya. Para talaga kaming mag-bestfriend., iyon naman ang turing ko na sa
kanya.
Ngunit isang gabi ay
kumatok siya sa pintuan ng aking silid, mukhang nakainom, tila may problema.
“Theo, gabing-gabi na ah, bakit napasugod ka? May problema ka ba? Amoy alak ka,
uminom ka ano?” sunod-sunod kong tanong.
Pumasok na siya sa
loob ng aking silid, hindi ko pa man pinapapasok, saka pasalpak na naupo sa
gilid ng kama. Nang lapitan ko ay yumapos sa bewang ka na umiiyak, Nahaplos ko
tuloy ang kanyang buhok, ramdam ko na mabigat ang kanyang problema. At bilang
kaibigan ay inalo ko siya.
“Ano bang nangyari,
ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako,” sabi ko na
naupo na rin sa tabi niya at inakbayan ko pa siya at tinapik-tapik ang balikat.
Parang bata namang
nagpatuloy sa pag-iyak si Theo na ipinatong pa ang ulo sa balikat ko at ang
isang kamay ay ikinalawit sa bewang ko. Sa paputol-putol na pagsasalita ay
nalaman kong iniwan daw siya ng kanyang asawa at sumama sa ibang lalaki na taga
malayong lugar. Ayon sa iniwan daw sulat ay sumama siya sa isang taga Cebu.
Nang itanong ko kung
kasama ang mga anak, ay iniwan daw yung panganay at isinama ang bunsong anak.
Ang panganay na anak ay iniwan muna sa kanyang Nanay, bale lola ng anak niya.
Ayon sa kwento ni
Theo, naging madalas daw ang pag-tatalo nila. Palagi daw wala sa bahay kapag
dumarating siya. Ang sabi ng panganay na anak ay madalas daw umaalis at hindi
alam kung saan pumupunta. Iniiwan daw ang mga bata sa kanilang Lola na malapit
lang naman ang tinitirhan sa bahay nila.
Minsan daw na
nagtalo sila ay nakasama pa ako sa away nila. Tila nagseselos daw sa akin dahil
bukambibig na lang daw ako lagi sa tuwing ang-uusap sila. Naghinala daw yung si
Edna, asawa ni Theo na may relasyon kami dahil minsan nagtatalik sila ay pangalan
ko ang nabanggit. Nagselos daw ang asawa niya sa akin. Iyon daw ang dahilan
para magloko ang asawa dahil gusto siyang gantihan.
“Pero, hindi naman
totoo iyon, wala naman tayong relasyon. Hindi mo ba ipinaliwanag sa kanya?”
sabi ko.
“Sinabi ko, pero
ayaw niyang maniwala. Isa sa naging basehan niya ay nung minsan na makita
niyang kasama kita sa biyahe.” Sabi niya.
Hindi ko masabi kung
anong naging damdamin ko sa aking nalaman na naging dahilan pala ako ng
pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa. Hindi ko malaman kung dapat ba akong
ma-guilty. Dapat bang hindi na ako nakipag-kaibigan pa sa kanya? Dapat bang
hindi ko sinunod ang pakiusap niyang sumama sa kanya sa biyahe? Kasalanan ko ba
iyon? Totoo naman kasi na gusto ko na si Theo, na mahal ko na siya, pero wala
naman kaming naging relasyon. Ang alam ko nga ay maligaya sila sa kanilang
pagsasama.
Nakahiga na si Theo
at tila nakatulog na. Malikot siya sa pagkakahiga, marahil ay naiinitan dahil
sa pagkalasing. Minabuti kong punasan siya ng malamig na tubig. Bumili muna ako
ng yelo sa tindahan tapos ay naglagay ng tubig sa isang maliit na planggana at
doon ko inilagay ang yelo. Sabi ng iba ay maganda raw pampunas sa mga lasing
ang malamig na tubig kaya iyon ang ginawa ko.
Aking hinubad ang
kanya munang sapatos tapos ay ang kanyang tshirt. Napahanga naman ako sa hubad
niyang katawan. Napakaganda naman pala ng kanyang katwan, para bang katawan ng
nagbabad sa gym dahil may six pack abs siya. Parang inukit ang kanyang muscles
sa katawan. Ewan ko kung bakit nagawa pang iwan ng asawa gayong isang adonis
pala itong si Theo.
Akin na ring hinubad
ang kanyang pantalon. Sa totoo lang, nagpipigil lang ako sa aking sarili, dahil
kung hindi ko pipigilan ang aking sarili ay baka kung ano na ang nagawa ko sa
kanyang kahalayan lalo na ng aking pinupunasan ang buo niyang katawan. Pati
kasi brief niya ay aking hinubad. Kahit malambot pa ang kanyang alaga ay alam
kong may kalakihan iyon kapag nagalit. Binihisan ko na siya, mabuti na lang ay
may malalaki akong tshirt, short at brief na nagkasya sa kanya.
Nakontrol ko naman
ang aking libog. Matino pa naman ang aking kaisipan. Pero paano ko ipaalam sa
magulang niya na narito siya at lasing na lasing gayong hindi ko alam kung saan
siya nakatira. Alam kong mag-aalala rin kahit papano ang mga magulang niya pati
na rin ang kanyang anak.
Gabing-gabi na rin.
Payapa na naman ang pagtulog ni Theo. Nahiga na rin ako sa tabi niya dahil wala
naman akong ibang tutulugan. Nakatulog din naman ako kaagad.
Nasa kalaliman na
ang gabi at nasa kasarapan na ako sa pagtulog nang magising ako dahil may
naramdaman akong parang mabigat na nakadagan sa aking katawan. Pagmulat ko ng
mata ko ay nakadantay pala ang mga hita ni Theo sa aking bewang, Nakatalikod
kasi ako sa kanya ng makatulog ako.. Ang isa pa niyang braso ay tila nakayakap
pa sa akin.
Hindi ako mapakali
dahil sa may kakaiba rin akong naramdaman sa pagkakadagan na iyon sa akin.
Napakainit ng pakiramdam ko, tila ako inaapoy ng lagnat. Hindi ko alam ang
aking gagawin, gusto kong itulak ang binti niya, gusto ko siyang gisingin para
maalis ang pagkakadagan sa akin, pero parang gusto ko rin. Gusto kong nakayakap
siya sa akin, kasi nga iyon naman di ba ang gustong mangyari ng taong
nagmamahal? Ang mayakap ng taong iyong minamahal.
Pero hindi yata tama
na samantalahin ko ang pagkakataong ito lalo na at may dinaranas na matinding
problema itong si Theo. Isa pa, kung sasamantalahin ko at magising siya at
hindi magustuhan ang ginawa ko ay baka saktan pa ako at ma-eskandalo. Pero, ano
na ba ang aking gagawin?
Nakakaramdan na ako
ng pagnanasa, ng libog lalo na at naramdaman kong may matigas na bagay na
nakatutok sa aking likuran. Para hindi ako tuluyang matukso ay itinulak ko ang
hita niyang nakadagan sa akin. Sa pagkakatulak kong iyon ay gumalaw siya,
nagising na yata.
>>>>>TATAPUSIN<<<<<