Sabado, Agosto 3, 2024

Kwento ni Ambeth (Part 19) - Patawad

 


Kwento ni Ambeth (Part 19)

Patawad

 

Dahil sa pagkakadulas ko ay sumakit ang kalamnan ko sa may balakang. Sabi ni Rolly ay magpamasahe na ako dahil sa baka lamog lang talaga ang laman ko sa parteng iyon.

Isang gwapong masahista ang na-assign sa akin. Ang sarap niyang magmasahe, nalibugan ako. Maging ang masahista ay nalibugan din daw sa akin at kahit walang bayad ay sinerbisyohan niya ako. Sulit ang pagpapamasahe ko.

-----o0o-----

Nawala naman ang pananakit ng aking balakang, epektibo ang ginawang pagmasahe sa akin hehehe. Isang lingo ang lumipas ay nag message sa aking si Kyle, tinatanong ako kung magpapamasahe na daw ako uli. Sinabi ko naman na hindi pa dahil sa marami kaming assignment. Busy ako dahil sa dami ng ibinibigay na assignment dahil papatapos ang ang unang semestre.

Medyo lie-low naman sa pang-aasar si Justine dahil sa busy rin sa pag-aaral. Si Erwin ay dalawang biyernes nang hindi nagdedeliver kay Kuya, tauhan nila ang siyang nagdedeliver dahil busy rin daw sa project. Si Sonny ay hindi na rin nagparamdam simula ng huli kaming nagkita. Okay lang naman, mabuti nga dahil sa baka malulong na naman ako sa kanya.

-----o0o-----

Kaarawan ni Tatay, nitong Huwebes, pero dahil sa hamak na araw, ay sa Sabado na raw magdiriwang ng kanyang Golden birthday. 50 na si Tatay. Hindi naman talaga siya naghahanda ng bonggag birthday party, pero dahil nga golden birth anniversay ay ipinaghanda siya ni Nanay. Imbitado pati na ang kamag-anakan namin sa Quezon at syempre mga kaibigan at officemate.

“Friday ng hapon ako umuwi. Nagmamadali akong nagpunta sa terminal sa Cubao dahil kapag ganitong Friday ay pahirapan ang pagsakay dahil marami ang umuuwi ng probinsya. Pagbaba ko ng jeep ay may papaalis ng bus na ang karatula ay sa bayan namin, Kumaway ako para malaman ng kunduktor na sasakay ako. Sakto naman dahil sa may bakante pa raw. Nagmamadali akong sumakay.

Nasa pinaka-likod na ang bakante. “Excuse lang po, pakiusod lang ng konti,” sabi ko sa nakaupong lalaki.

Umayos naman ng upo ang lalaki, kaya naupo na ako. “Thank you,” sabi ko sa lalaki, pero mahihimatay ako dahil nang lumingon siya ay si Ernest pala ang lalaking katabi ko. Hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa may bintana siya nakatingin at kausap ang isang lalaking halata na bading.

Maging si Ernest at nagulat ng makita ako at nakilala. Hindi ko alam ang aking gagawin, gusto kong bumaba na, pero nahihiya naman ako sa kunduktor, isa pa ay matatagalan na naman bago ako makabiyahe dahil sa mag-aabang na naman ako ng bus na aalis.

Hindi ko alam kung ano ang nasasa-isipan ni Ernest, titig na titig siya sa akin at tila may gustong sabihin, hindi lang talaga makapagsalita dahil kasama niya ang baklang, umagaw sa kanya sa akin.

Tumahimik na lang ako, halos matuyuan ako ng laway dahil sa hindi ko pag-imik. Nagkunwari na lang akong tulog at kung ano-ano ang naisip kong gawin. Parang gusto kong manakit. Kung bakit ba naman nakatabi ko pa sa upuan ang taksil kong ex kasama pa ang mang-aagaw na bading.

Nagpupuyos talaga ako sa galit, kung madidinig lang niya ang sinasabi ng aking isipan ay baka naglaho na silang dalawa sa bus na ito.

Parang forever na ang tagal ng aming biyahe, inip na inip ako. Lalo pa akong naiinis ng akala mo ay may pagkit sa katawan itong bading dahil sa dikit na dikit pa kay Ernest, ang nakakapang-lumo pa ay tila gustong-gusto naman ang ginagwa ng bading, may paghaplos pa sa buhok ng bading.

Lumapit na ang kundoktor para mag-tiket. Tinanong ko kung pwedeng doon na ako sa unahan kung saan naupo ang kundoktor.

“Bakit naman, mas komportable naman ang pag-upo dito,” sabi ng konduktor.

“Mainit dito brod, saka makati, marami yatang langgam dito sa may upuan ko,” sabi ko na parinig lang naman sa dalawang taksil. Maging ang katabi ko ay napaangat ang pwet sa pagkaka-upo at tiningnan kung may langgam, pero syempre, wala naman.

“Sige, ikaw ang bahala, sa hagdanan na lang ako uupo,” sabi ng kunduktor.

Tumayo na ako at pairap na nilisan ang lugar na iyon,

“Ang arte mo naman.” Alam kong si Ernest ang nagsabi noon na nagpainit na naman sa punong tenga ko, Pero nagpigil na lang ako sa galit dahil ayaw kong gumawa ng eksena, edukado naman kasi ako at may mabuting asal.

Sa madaling salita ay nakarating din kami. Siguro kung may sakit ako sa puso ay inatake na ako sa inis sa Ernest na iyon.

-----o0o-----

Masaya naman ang naging party ni Tatay. Napasaya namin siya kahit na papano, Tuwang tuwa sa regalo sa kanya lalo na doon sa cake hehehe, Regalo iyon ng isa niyang kapatid, yung me pera sa loob na hinahatak.

Parang nagkaroon ng reunion ang angkan nina Tatay, kumpleto ang mga kapatid, pamangkin at apo. Pinakamasayang birthday daw iyon ng aking tatay. Maraming nakapag-uwi ng natirang handa nang matapos ang party, marami ding nalasing pati na ang mga kapit-bahay at officemate ni Tatay.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, Lingo kaya naisipan kong magsimba, para na rin makapag-pasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa aming pamilya at syempre may nais din akong hilingin.

Kung minsan kapag minamalas ay inaalat talaga. Sa dami ng nagsimba, sa dami ng upuan sa loob ng simbahan, kung bakit ang nakatabi ko pa ay itong si Ernest. Nakakahiya lang talagang umalis at magdabog, nasa loob kami ng simbahan at nagsisimula na ang misa. Kumalma naman ako, hindi ko gustong uminit ang aking ulo.

Nung parte na ng batian ay talagang inisnab ko siya, nadamay pati ang ibang katabi niya ng upuan. Nang matapos ang misa ay nagmamadali na akong tumayo para makalabas na ng simbahan dahil sa… ewan ko ba kung bakit may nakapasok na demonyo sa loob ng simbahan. Nagmamadali ako sa paglakad, pero may humatak sa aking braso.

“Pwede bang mag-usap tayo, kahit sandali lang, please,” si Ernest, nagmamakaawa na mag-usap daw kami.

“Wala ka ba talagang hiya? May gana ka pang magpakita sa akin matapos ang ginawa mo. Hindi ka ba natatakot na makita tayo ng bading mo?” wika ko na may pangiinsulto.

“Please lang, gusto ko lang magpaliwanag,” pakiusap pa rin niya.

“Ano pang paliwanag, maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakita ko. Pwede ba, bitiwan mo na ako, pinagtitinginan na tayo ng mga tao.”

“Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo ako kinakausap. Please naman, gusto ko lang magpaliwanag sa iyo, at pagkatapos nito ay hindi na kita guguluhin pa, promise. Hindi ko lang gusto na magtanim ka ng sama ng loob sa akin, hindi ako mapapalagay ng ganoon Ambeth. May pinagsamahan naman tayo.”

Para na rin makaiwas sa mga mata ng mga tsismosang tao na kahit na kagagaling pa lang ng simbahan ay naghahanap na nang maitsi-tsismis ay pumayag na ako. Doon kami nagpunta sa may tabing ilog, kung saan kami dati nagde-date.

Sige, magsalita ka na, hindi ako pwedeng magtagal dahil naghihintay sa akin ang aking mga magulang, baka mag-alala na sila kapag hindi ako kaagad na dumating gayong nagsimba lang ako.

“Mahal na mahal kita Ambeth, alam mo iyan. Magpahanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman ng puso ko, maniwala ka sana,” Panimula ni Ernest.

“Ah bakit Ernest? Gusto mo kaming pagsabayin? Sa palagay mo ba ay papayag ako ng ganon. Saka paano ako maniniwala sa iyo, kitang-kita ko kung gaano kayo ka sweet ng asawa mo! Lalanggamin na nga kayo sa sobrang ka-sweet-an eh, me paghaplos pa ng buhok. Saka hindi ka ba nahihiya, maraming nakakakita sa ginagwa ninyong kalandian.”

“Oo na, Oo na, Patapusin mo muna ako. Lalo lang tayong magtatagal kapag sumbat ka ng sumbat eh.”

Medyo natameme naman ako, tumahimik na lang ako. Pero ewan ko ba, kapag nakikita ko siya, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Bakit ganon? Akala ko ay naka move-on na ako.

“Alam mo naman na pangarap kong makatapos ng pag-aaral Ambeth, kaya nga nagpapakahirap ako sa pagbubuhat, sa pagka-kargador sa palengke para makaipon ng pang tuition,” kwento ni Ernest.

Hindi talaga ako makatiis na tumahimik lang, nag-interrupt na naman ako. “Alam ko, bakit mo pa sinasabi eh nasabi mo na sa akin. Ano ngayon?”

Alam ko, naiinis na rin si Ernest, nawala na ang momentum sa pagkukuwento.

“Kung pwede lang, patapusin mo muna ako. Nawawala tuloy ang sasabihin ko.”

Gusto kong matawa. Ang kulit ko kasi. “Sige, sorry, bilisan mo na kasi, huwag ka nang magpasakalye.”

“Malaki na ang ipon ko, sobra pang pang tuition, may panggastos pa ako sa araw-araw. Kaya lang nagkaroon ako ng problema. Noon nasa bakasyon ka, noong nasa mga Lola mo ikaw, nagkasakit si Tatay, na-ospital siya. Ang akala ko nga ay mamatay na siya eh. Lahat nang naipon ko ay nagastos ko pampagamot, pambayad sa doctor at sa ospital, kulang pa. Hindi ko mailabas si Tatay dahil sa kulang pa ang pambayad ko. Wala naman akong malapitan para mahingan ng tulong. Mababaliw na nga ako noon dahil sa laki ng problema ko. Ayos lang naman sa akin kung hindi ako makapag-aral eh, ayaw ko lang talaga na mawala sa amin si Tatay,” ang mangiyak-ngiyak na kwento ni Ernest.

Natahimik ako. Hindi ko alam na nagkaroon pala siya ng ganoong problema, wala naman siyang sinasabing ganoon sa akin,

“Marami akong nilapitan, mga tindera sa palengke, pero alam mo naman ang kanilang pamumuhay, mga dukha rin sila at walang ipahihiram sa akin. Ang naitulong nila ay mag-ambag na lang ng kahit na magkano, basta makatulong lang,” patuloy ni Ernest.

“Isa na lang ang alam kong aking malalapitan, iyon nga si Steeve, yung mayamang negosyante ng bigas na may malaking pwesto ng bigas dito sa bayan natin at meron din sa Maynila. May gusto siya sa akin, matagal na niya akong inaalok na papag-aaralin sa kahit anong gusto kong kurso, basta pakisamahan lang siya. Nagbakasakali akong makahiram sa kanya ng malaki-laki ring halaga,”

Nag pause pa siya sandali, parang nag-iisip kung paano sasabihin ang kasunod.

“Pahihiramin naman niya ako, pero may kondisyon. Alam mo ba kung anong kondisyon ang hinihingi niya?” Tuluyan nang tumulo ang luha ni Ernest.

Sadyang mababa rin ang luha ko kapag nakakakita ng umiiyak, maiiyak na rin ako, pinilit ko lang talagang pigilin.

“Ang kondisyon niya ay ang pakisamahan ako. Bukod sa hinihiram kong pera para makumpleto ang pambayad namin sa ospital ay susustentuhan din daw niya ang aking mga magulang at kapatid. Hindi pa kasi makakapagtrabaho ng matagal-tagal si Tatay hangga’t hindi pa tuluyang gumagaling. Isa pa ay sasagutin daw lahat nang gastusin ko kung gusto kong mag-aral. Kasabihan nga ng matatanda, “Ang taong gipit, kahit sa patalim kumakapit”. Pero para sa akin ay mali iyon eh, “Ang taong gipit, sa bading na mayaman kumakapit”, sabi pa niya.

Gusto kong matawa. Ibang klase din. Ganon talaga siya eh kaya nga napamahal siya kaagad sa akin, kengkoy.

“Malapit na ring matupad ang pangarap ko. 3rd year na ako ngayon, kung papalarin ay makakatapos din. Alam mo ba ang ipinagtitiis ko sa pakikisama sa kanya? Pero hindi ko na siguro dapat pang sabihin sa iyo, Kagustuhan ko naman ito eh”

Damang-dama ko naman ang katotohanan sa kanyang sinasabi. Marahil ay sunod-sunuran lang siya sa bading, hawak siya sa leeg. Napakasama naman ng bading na iyon. Kung naging mayaman  lang kami, hindi niya daranasin ang ganon. Kaso mahirap din naman kami, sakto lang naman.

“lahat ng ginagastos niya sa akin ay inililista ko, lahat-lahat. Dahil kapag nakatapos na ako at nakapag-trabaho at kumita ng malaki ay balak kong bayaran siya para makalaya na ako. Ikaw ang mahal ko Ambeth, ikaw lang talaga ang taong minahal ko, maniwala ka. Pero binibigyan na kita ng laya. Ang gusto ko lang ay mapatawad mo ako, maging magkaibigan uli, iyon lang. Pero pakatandaan mo, palagi kang nasa puso ko hanggang sa huli kong hininga. Please, patawarin mo na ako, nagmamakaawa ako.”

Tumulo na ang luha ko, hindi ko na napigilan. Magpahanggang ngayon naman ay siya pa rin ang nasa puso ko. Oo, naging marupok din ako, marami din akong kasalanan, baka higit pa dahil sa marami nang lalaking nagdaan sa akin. Siguro dapat lang na patawarin ko na siya.

“Tama ka Ernest, hangga’t may kinikimkim akong sama ng loob sa iyo, hangga’t may galit dito sa puso ko ay hindi ko rin siguro makakamtam ang kapayapaan sa aking puso, pinatatawad na kita. Ako man ay marami ring kasalanan na nagawa sa iyo, pero ni minsan ay hindi ako nakarinig ng ano mang panunumbat mula sa iyo, patawarin mo rin ako.”

“Wala akong alam na nagawa mong kasalanan sa akin Ambeth, pero kung iyan ang gusto mong marinig sa akin, pinatatawad na rin kita, ano man ang kasalanang sinasabi mo. Buong puso at buong katapatan ang pagpatawad ko. Sana lang, sakaling magkasalubong tayo uli ng landas, na hindi naman imposible, sana lang ay hindi mo ako iwasan, ituring mo akong isang kaibigan.”

Niyakap niya ako, patuloy na umiiyak. Hindi ko na alam pa ang aking nararamdaman, kaya bumitiw na ako sa yakap niya dahil sa bibigay na ako. Ipinanganak yata akong sadyang marupok.

“Sige na Ernest, uuwi na ako.”

“Pwede mo na ba akong i-unblock sa iyong FB?” pakiusap na uli.

“Huwag na Ernest, kasi, baka kapag nalaman pa ng iyong partner na nag-uusap tayo ay magkasira pa kayo. Iwasan na lang natin na magkaroon pa ng ugnayan, tama na ang ganito, para tuluyan na akong maka-move-on. Totoo, mahal pa rin kita, pero alam kong kapag nakakita na ako ng tulad mo na magmamahal sa akin, malilimutan na rin kita.”

Malungkot ang aming paghihiwalay, mabigat ang paa kong naglakad papauwi sa amin, hindi na ako lumingon pa, hindi ko na rin alam kung saan na siya dumaan papauwi sa kanila.

-----o0o-----

Lumuwas na rin ako pa Manila bandang hapon nung araw na iyon. Kailangan kong magready sa pagpasok ko sa Lunes dahil sa baka mag-bigay ng biglaang test ang iba naming professor. Nakarating ako bago mg 7 nang gabi.

Pagpasok ko ng aming silid ay naroon na sa silid si Justine. Himala, tahimik, hindi man lang ako binati. Sa isip-isip ko ay mabuti naman. May dala akong kakanin na sadya kong itinago para pasalubong kina Kuya at Rolly, sa close friend ko dito na si Rexy at kay Erwin kapag nagkita kami sa school. Syempre, mero din para kay Justine. Hindi ko naman siya pwedeng makalimutan dahil roommate ko siya. Bumaba na ako para ibigay kay Kuya ang pasalubong ko at tinungo ko rin ang silid nina Rexy, mabuti at naroon siya. Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanya sandali, baka may bagong tsismis eh hahaha.

Balik ako sa aking room, kaagad kong nakita si Justine na may nginunguya, may kinakain. Kinabahan ako, baka kasi nilantakan na ang kakaning kong uwi.

 

 

>>>>>Itutuloy<<<<<

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...