Apoy (Part 2/4)
By: Migs
(From: AsianBearMen)
Sa loob ng bar na napili
nila ay umorder sila ng kanilang inumin at pulutan. Masayang nagkwentuhan ang
dalawa hanggang naparami na ang kanilang nainom.
“You know Sam, I like
you.” ang biglang sinabi ni Edward na ikinagulat ni Sam.
“What do you mean?” ang
tanong ni Sam.
“I guess I’m falling in
love with you,” ang sabi pa ni Edward.
“Pare, ano bang sinasabi
mo. Lasing ka na yata,” ang sabi naman ni Sam.
“Nararamdaman ko na you
also like me. Pero ayaw mong sabihin yun. Kaya ako na ang nagsasabi ng
nararamdaman ko sa iyo,” ang sabi pa ni Edward.
“Baka tumira ka lang ng
drugs kanina kaya ganiyan ang trip mo ngayon,” ang sabi naman ni Sam.
“Walang biro Sam. I think
I love you. Sabi ko na nga eh. Kaya hindi nagwo-work-out ang mga relasyon ko
with girls eh sa kabaro ko pala ako dapat magmahal. I also can feel that there
is something going on between you and my brother in law. That’s crazy. Kawawa
si ate. Ako na lang Sam ang mahalin mo,” ang pasusumamo pa ni Edward.
Hindi malaman ni Sam kung
ano ang isasagot kay Edward. Aaminin ba niya ang tungkol sa kanila ni Lance o
iibahin na lamang muli niya ang usapan. Subalit dama ni Sam ang sincerity ni
Edward ng mga oras na iyon.
“I love your borther in
law and I don’t want to break up with him. Siya ang nagtuwid sa aking landas
noong wala ni isa man kaibigan ang tumutulong sa akin noong mga panahong
hinahanap ko ang aking sarili. Muntik nang magulo ang buhay ko nang ilang beses
din akong nakipag-live-in sa kabaro ko na ang pakay lamang ay ang huthutan ako
ng salapi. Minahal niya ako at tinanggap niya ako kung ano ako noon. Siya ang
naging daan sa aking tuluyang pagbabago,” ang sumambulat na saloobin ni Sam.
“Pero may asawa na siya.
Noon pang una ko siyang nakilala ay batid ko na pilit niyang nilalabanan ang
tunay niyang pagkatao. Tulad ko at tulad mo din siya. Pero mas pinili niya ang
magkaroon ng asawa at pamilya. Dapat yun na lamang ang pangatawanan niya.
Mahirap ang mamangka sa dalawang ilog,” ang sabi naman ni Edward.
“Alam ko yun Edward. Mahal
na mahal niya ang ate mo. Kaya nga kahit mahirap sa aking damdamin na ako na
lamang ang palaging nagbibigay sa tuwing may conflict sa schedule namin ni Lance
at ng ate mo ay ayos lang sa akin. Alam ko naman na malaki ang obligasyon niya
sa ate mo at sa mga anak nila. Tanggap ko iyon. Naiintindihan ko iyon,” ang
sabi naman ni Sam.
“Mali eh. Mali yun. Pwede
ka naman magmahal ng walang pananagutan sa buhay tulad ko, para tuluyan ka ng
lumigaya. You deserve to be happy,” ang sabi naman ni Edward.
Nagpatuloy ang pagsusumamo
ni Edward at si Sam naman ay patuloy pa din ginagawan ng rason ang kanilang
relasyon ni Lance. Hanggang sa magyaya ng umuwi si Sam.
“Hatid na kita,” ang alok
ni Sam paglabas nila ng bar.
“No need. Nakabili na din
ako ng bagong car, yung tinignan natin na naka-display sa mall. Nangulit yung
ahenteng kausap natin. Hindi tuloy ako nakatanggi. Ayos naman kasi malaking
discount din ang nabigay niya at natupad din niya ang delivery kaninang umaga,”
ang nabanggit ni Edward.
“Ayos ah. Pwede ka ng
gumimik gabi-gabi,” ang sabi naman ni Sam.
“Pwede, basta ba ikaw ang
kasama ko,” ang sabi naman ni Edward.
“Mabuti pa after this car
ay ayusin mo na ang business na itatayo mo,” ang suggestion ni Sam.
“Ayos na din yun. Nakausap
ko na yung kaibigan ko na owner ng store ng vehicle spare parts. Magpapartner
kami at kukuha kami ng mas malaki pang pwesto. Syempre dadamihan na din namin
ang iaalok naming spare parts. Balak na din namin mag-direct ng importation ng
spare parts at magbukas ng repair shop. Nakahanap na kami ng pwesto at mga next
week sisimulan na ang renovation ng lugar. Kapag open na yun, ikaw sana ang
unang client namin.” ang sabi naman ni Edward.
“No problem basta ba
libre,” ang biro ni Sam.
“Ganun! Lugi kaagad. Dapat
ang buena mano ay yung good customer para maganda ang pasok sa negosyo,” ang
sabi naman ni Edward.
Natawa na lamang si Sam.
Natuon na sa bubuksang business ni Edward ang kanilang usapan habang nakatayo
sila sa parking lot.
“I have to go na.
Lumalalim na ang gabi,” ang paalam na ni Sam.
“O sige. Basta pag-isipan
mo yun ipinagtapat ko sa iyo kanina,” ang sabi naman Edward.
“Ang alin? Yun bang
business mo?” ang biro ni Sam.
“Ikaw talaga Sam.
Hahalikan kita dyan,” ang sabi naman ni Edward.
“Ooops. Bawal sa public
place yun. Pero seryoso pare, please don’t tell this to your brother in law.
Even about you going out with me tonight, ‘wag mong mababanggit sa bayaw mo.
Simula last Sunday hindi pa kami nagkakausap. I know nararamdaman na niya sa
iyo ang kakaiba mong nararamdaman sa akin. Ayaw kong masaktan ang bayaw mo. At
hindi naman dapat siya masasaktan kasi wala naman tayong relasyon,” ang
pakiusap ni Sam.
“No problem. Hindi ako
madamot sa pagmamahal. Kapag mahal ko ang isang tao, masaya ako na makitang
masaya siya. Eh kung mas magiging masaya ka kay bayaw eh masaya na din ako para
sa iyo,” ang sabi na lamang ni Edward.
Hindi nagtagal ay
naghiwalay na ang dalawa ng gabing iyon.Simula ng magtapat ng saloobin si
Edward kay Sam ay hindi na nawaglit sa isipan ni Sam si Edward. Naguguluhan
siya kung ano ang dapat niyang gawing desisyon. Hindi pa niya lubusang kilala
si Edward. Subalit may hindi siya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit
parang hinahanap na niya si Edward at laging laman na nga ng kaniyang isipan.
Matagal na sila ni Lance
at subok na ang pagmamahal ni Lance sa kaniya kahit ito ay isang bawal na
pag-ibig at batid niyang may mga tao siyang masasaktan kapag lumantad ang
katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Lance. Ang mas lalong nakakagulo pa
sa isipan ni Sam ay ang mismong kapatid ng asawa ni Lance ang napagtapatan niya
ng tunay na namamagitan sa kanila ni Lance.
Makalipas ng ilang araw ay
masinsinan niya kinausap si Edward. Inamin nito kay Edward na napapamahal na
din siya dito. Laking tuwa naman ni Edward. Subalit pinakiusapan ni Sam si
Edward na bigyan siya ng panahon upang tapusin muna ang relasyon nila ni Lance.
Sumang-ayon naman si Edward at nangako din siya na magiging maingat din siya na
manataling lihim ang lahat ng iyon kay Lance. Sa isang restaurant sila nag-usap
at nagkasundo sa kanilang gagawin.
“Maaga pa at pwede pa
tayong makadalawang bote man lamang dyan sa malapit na bar,” ang alok ni Edward
paglabas nila sa restaurant.
“Next time na lang. May
pasok pa ako bukas,” ang pagtanggi ni Sam.
“Sige na. Pagbigyan mo
naman ako. This time lang. Remember after this night iiwasan na natin munang
lumabas para hindi makahalata si bayaw,” ang pagpupumilit ni Edward.
Hindi maintindihan ni Sam
ang kaniyang sarili kung bakit napadali niyang mapapayag ni Edward. Sumama siya
kay Edward sa isang malapit na bar. Nang makaubos na sila ng tig-apat na bote
ng beer ay nagyaya na si Sam na umuwi. Pumayag naman si Edward. Matapos
mabayaran ang kanilang bill ay nilisan na nila ang bar na iyon.
Makalipas ng ilang minuto
ay nasa tapat na ng kanilang bahay si Sam. Nasa akto na niyang binubuksan ang
kanilang gate ng may dumating na kotse. Pagtingin ni Sam sa dumating na kotse
ay nakilala niya agad ang kotse. Kotse ni Edward ang dumating. Ilang segundo
lamang buhat ng huminto ang kotse ay lumabas si Edward.
“O Edward, anong ginagawa
mo dito?” ang tanong ni Sam.
“Pasensiya na Sam.
Nabanggit ko kasi kay ate Emily na magpapalipas lang ako ng gabi sa Tagaytay
pagkatapos ng meeting ko sa susuplayan namin ng spare parts sa Batangas. Kaya ‘di
muna ako uuwi sa bahay ngayong gabi. Baka pwede dito muna ako matulog,” ang
tugon ni Edward.
“Pwede naman yun. Kaya
lang papaano kung malalaman ni Lance,” ang pag-aalinlangan ni Sam.
“Sabi ko nga sa iyo, ang
alam nila ay nasa Tagaytay ako ngayong gabi. Don’t worry, hindi niya malalaman
kung hindi mo sasabihin,” ang sabi naman ni Edward.
“Ikaw talaga. Sige na nga.
Sandali lang. Ipapasok ko ang sasakyan ko at isunod mo na din ipasok ang
sasakyan mo sa loob. Kasya naman ang dalawang kotse sa garahe. Buti na lang nasa
casa ang sasakyan ni Papa. Ipinagbabawal kasi ng homeowners’ association dito
ang pagpaparada sa daan,” ang nasabi na lamang ni Sam.
Tulog na ang mga tao sa
bahay ni Sam ng dumating sila. Subalit bago makapasok sa kaniyang silid sina
Sam at Edward ay biglang bumukas ang pintuan ng katabing silid nito.
“Sam, ginabi ka yata,” ang
sabi ng Mama ni Sam na siyang nagbukas ng pintuan ng kabilang silid.
“Ma, medyo po. Siya po
pala si Edward yung bayaw ni Lance. Dito muna sa matutulog ngayong gabi kasi ‘di
na niya kayang mag-drive papauwi sa kanila.” ang sabi naman ni Sam.
“Good evening po,” ang
bati naman ni Edward sa Mama ni Lance.
“Siyanga pala Sam. Tumawag
kaninang mga alas-otcho si Lance. Hinahanap ka,” ang sabi ng Mama ni Sam sa kaniya.
“Ganun po ba. Eh ano pong
sabi nyo?” ang tanong ni Sam.
“Syempre sabi ko baka nag-overtime
ka o may dinaanan lang,” ang sabi naman ng Mama ni Sam.
“Sige po kakausapin ko na
lang siya bukas,” ang sabi na lamang ni Sam bago sila tuluyang pumasok sa loob
ng kaniyang silid.
Pagpasok nila sa loob ng
silid ay nagpaalam muna si Sam kay Edward na maliligo lamang. Makalipas ng
ilang minuto ay natapos ng maligo si Sam. Si Edward naman ang nanghiram ng
tuwalya upang makaligo din siya. Makalipas din ng ilang minuto ay lumabas na din
ng banyo si Edward na nakatapis lamang ng tuwalya.
“Pwede bang makahiram ng
shorts? Nakalimutan kong ibaba yung bag ko sa kotse,” ang hiling ni Edward.
“Sure, sandali lang,” ang
tugon naman ni Sam na nakasuot na ng nakagawian niyang kasuotan ng boxer shorts
at sando kapag natutulog.
Boxer shorts at sando din
ang iniabot ni Sam kay Edward. Subalit pag-abot ni Sam ng mga iyo at hinawakan
siya ni Edward sa kaniyang kamay na may tangan-tangan ng mga damit.
Dahan-dahang inilapit ni Edward ang kaniyang katawan kay Sam. Ilang sandali pa
ay sinimulan niyang halikan sa kaniyang mga labi si Sam. Tila naging estatwa
lamang si Sam na nagpaubaya sa nais ni Edward. Mga ilang minuto pa ang lumipas
ng medyo natauhan si Sam.
“Wait. Hindi tama ito.
Wala sa usapan natin ito,” ang biglang nasabi ni Sam.
Bumitaw din sa kanilang
halikan si Edward. Subalit hindi siya nagsalita. Muli niyang niyapos si Sam at
sinimulan muling halikan sa kaniyang mga labi. Hindi na rin napigilan ni Sam
ang nais mangyari si Edward. Siya din ay nadala na ng kaniyang damdamin at
hindi na din bumitaw sa halikan nila ni Edward. Makalipas ng ilang minutong
halikan nila habang nakatayo ay inilaglag ni Edward ang tapis niyang tuwalya.
Isinunod naman niyang hubarin ang sando ni Sam habang patuloy pa rin sila sa
halikan. Bago pa man sila tuluyang pumaibabaw sa kama ay kapwa na sila hubo’t
hubad. Naglalagabalab na halikan at pagtatalik ang naganap sa silid na iyon ni
Sam. Sa silid na madalas na naging saksi sa pagtatalik nila ni Lance.
Napuno ng ungol ang silid
ni Sam, kapwa sabik na sabik sa isa’t-isa. Mahigpit ang yakapan. Nang matapos
ang mainit na tagpong iyon at maisaayos ang kani-kanilang sarili ay kapwa na
sila natulog sa kama na kapwa pa din hubo’t hubad na magkayakap. Kapwa din sila
walang imikan kahit magkayap hanggang sa makatulog na sila. Sapat ang yakap
nila sa isa’t isa upang maipahiwatig ang namumuo na nilang pagmamahalan sa
isa’t isa.
-----o0o-----
Mataas na ang araw ng
magising si Edward. Wala na sa silid si Sam. Matapos siyang magbihis ay lumabas
na siya ng silid.
“Good morning iho. Halika
kain ka na ng almusal,” ang bati sa kaniya ng Mama ni Sam habang papalapit siya
sa hapag-kainan.
“Si Sam po? Nasaan po
siya?” ang tanong ni Edward.
“Maaga siyang pumasok.
Hindi ka na niya ginising para makapagpahinga ka pa daw. Pero ibinilin ka naman
sa amin na pakainin muna bago ka umalis,.” ang sabi ng Mama ni Sam.
“Ganun po ba?” ang nasabi
na lamang ni Edward.
Pagkaupo ni Edward sa mesa
ay inabutan agad siya ng brewed coffee ng katulong nina Sam.
“Ilapit mo din ang cream
at sugar,” ang utos naman ng Mama ni Sam sa katulong.
“Salamat po,” ang sabi
naman ni Sam.
Kumakain na si Edward ng
almusal habang kakwentuhan pa rin ang Mama ni Sam ng may lumapit na matandang
lalaki.
“Papa, si Edward pala.
Bayaw siya ni Lance,.” ang pakilala kay Edward ng Mama ni Sam sa asawa nito.
“Good morning po. Mukhang
galing po kayo sa jogging,” ang bati naman ni Edward.
“Kailangan ko
maglakad-lakad iho para hindi ako mabilis tumanda,” ang sabi naman ng Papa ni
Sam.
“Hindi pa naman po kayo
mukhang matanda,” ang sabi naman ni Edward.
“Itong batang ito, tulad
mo din ang bayaw mo na puro biro,” ang sabi ng Papa ni Sam.
Sa pananalitang iyon ng
Papa ni Sam at sa naging kwentuhan niya sa Mama nito ay mukhang batid na niya
na pati sa mga magulang ni Sam ay malapit din ang kaniyang bayaw. Hindi nga
lamang niya matiyak kung pati ang mga magulang ni Sam ay alam ang namamagitan
kina Sam at Lance. Nagpatuloy lamang sila sa kwentuhan at sinaluhan na din ng
Papa ni Sam si Edward sa pagkain nito ng almusal. Masayahing tao si Edward at
mahilig din magbiro. Kaya naman aliw na aliw ang mag-asawa sa pakikipag-usap
kay Edward.
Nang matapos mag-almusal
si Edward ay kinuha niya ang bag na naglalaman ng kaniyang damit sa kaniyang
kotse at muli siyang bumalik sa silid ni Sam. Naligo at nagbihis siya at
naghanda sa pag-alis.
May kakaibang kasiyahang
nadarama si Edward ng lisanin niya ang bahay nina Sam. Subalit napag-isip-isip
niya na mukhang malalim na ang naging samahan nina Sam at ng kaniyang bayaw.
Pati kasi mga magulang ni Sam ay kilalang-kilala na din si Lance. Nagtungo si
Edward sa partner niya sa business at kapwa nila binisita ang inaayos na pwesto
nila. Naging abala si Edward sa pagsu-supervise ng mga trabahador sa kanilang
pwesto. Gabi na ng makauwi siya sa bahay ng kaniyang ate at bayaw. Si Lance ang
naabutan niya sa may sala na nanonood ng TV.
“Kumusta lakad mo bayaw?”
ang tanong ni Lance.
“Ayos naman bayaw. Dumaan
na din nga ako sa bubuksan kong business. Malapit ng matapos ang store area na
pwede na naming buksan sa isang Linngo. Yung sa repair shop area naman ay mga
two weeks pa siguro bago nila matapos,” ang tugon naman ni Edward.
“Hindi tungkol doon. Yung
lakad ninyo ni Sam,” ang dugtong ni Lance.
“Ha! Galing akong Batangas
at pagbalik ko sa Maynila ay tumuloy ako sa sa pwesto namin,” ang sabi naman ni
Edward.
“Katatawag ko lang sa
bahay ni Sam. Galing ka daw doon at doon ka din daw natulog kagabi,” ang sabi
naman ni Lance.
“Ah ‘yun ba. Ganito ‘yun
bayaw. Sana sa Tagaytay na ako magpapalipas ng gabi. Ginabi na kasi ako sa
Batangas. Eh hindi ko naman kabisado ang mga maayos at murang hotel sa Tagaytay
at gabi na din kasi. Baka mahirapan akong maghanap. Kaya naman dumerestso na
ako sa Manila. Gising pa si Sam ng magtext ako sa kaniya at ayaw ko ng mang-istorbo
sa inyo dahil malamang tulog na kayo. Kaya doon na ako nagpalipas ng gabi.
Kilalang-kilala ka pala sa bahay ni Sam,” ang sabi naman ni Edward.
Parang natigilan ng
magtanong pa si Lance. Gusto niyang paaminin ang bayaw sa kung ano talaga ang
pakay ni Edward sa pagtulog kina Sam. Gusto din niyang tanungin kung magkatabi
silang natulog ni Sam at kung may nagyaring pagtatalik sa kanilang dalawa. Pero
minabuti na lang niyang huwag nang itanong pa. Nangamba kasi siya ng baka
magtaka ang bayaw kung bakit ganon na lang siya ka-interesado kapag si Sam ang
involve. May lihim kasi sila ni Sam na hindi dapat malaman ng kanyang bayaw.
Hindi na lang siya nag-usisa pa para hindi na humaba pa ang usapan nila.
Pero lingid sa kaalaman ni
Lance ay alam na ng kaniyang bayaw ang tungkol sa kanila ni Sam.
“Sige bayaw, maliligo lang
ako. Si ate pala?” ang tanong ni Edward.
“Nasa kwarto ng mga bata
at tinutulungan sa kanilang assignments. Sabihan mo na lang si Elen na maghanda
na ng pagkain mo. Nakakain na kasi kaming lahat,” ang sabi naman ni Lance.
“Sige bayaw, pagkatapos
kong maligo saka ako kakain,” ang sabi naman ni Edward bago niya tuluyang
iniwan si Lance sa sala.
Kahit na may guilt
feelings si Edward ay hindi niya yun pinahalata kay Lance. Ayaw niya ng gulo at
malaki pa rin ang respeto niya sa bayaw niya. Matapos maligo at makakain ay
nanatili na lamang siya sa kaniyang silid upang hindi na sila muling magkausap
ng kaniyang bayaw. Simula ng gabing iyon ay talagang iniwasan niya ang makausap
ng kaniyang bayaw lalo ng kung silang dalawa lamang. Naging abala din siya sa
pag-aasikaso ng bubuksan niyang business at sa paghahanap ng condominium unit
na malilipatan niya.
Pero ang hindi niya kayang
iwasan ay si Sam. Bago kasi siya umuwi kina Lance ay dumadaan pa siya kay Sam.
Dahil naging madalas nga si Edward kina Sam ay nagbilin na lamang si Sam sa kaniyang
mga magulang at mga kasambahay na huwag iyon mababanggit kay Lance kung sakali
man na tumawag ito. Iyon ang ipinagtaka ng kaniyang mga magulang na may alam sa
relasyon nila ni Lance. Kaya naman isang gabi ng makaalis na si Edward ay
kinausap si Sam ng kaniyang mga magulang.
“May problema ka ba anak?”
ang tanong ng kaniyang Papa.
“Wala po Pa,” ang tugon ni
Sam.
“Kilala ka namin anak.
Nararamdaman namin na may bumabagabag sa iyo. Kumusta na kayo ni Lance? Yung
bayaw ba niya ang ipinalit mo na sa kaniya?” ang mga tanong ng kaniyang Mama.
“Ma, wala pong problema.
Nakikipagkaibigan lang po ang bayaw ni Lance sa akin. Wala po kasi siyang ibang
kaibigan dito sa Maynila,” ang sabi naman ni Sam.
“Anak, huwag mo ng itago
sa amin ang problema mo. Matagal kang naglihim sa amin ng tunay mong pagkatao.
Pero ng magtapat ka sa amin ay buong puso naming tinanggap iyon dahil anak ka
namin at mahal ka namin. Nang dumating sa buhay mo si Lance ay mas lalo ka
namin naunawaan. Ayaw sana namin maniwala na pwedeng magmahalan ang kapwa
lalaki. Dahil bago namin nakilala si Lance ay puro pasakit at panloloko lamang
ang nakuha mo sa mga lalaking sinabi mong mahal ka,” ang dugtong pa ng Mama ni
Sam.
Hindi makapagsalita si
Sam.
“Akala ko nawalan ako ng
anak na lalaki. Pero sa pagkakakilala mo kay Lance ay naging dalawa na ang anak
kong lalaki,” ang sabi naman ng kaniyang Papa.
“Batid namin na may asawa
na si Lance pero kayo na din ni Lance ang nangako sa amin na wala kayong
sasaktang tao sa iyong pagkakaroon ng relasyon. Kaya naman buong puso din
naming tinanggap si Lance. Kaya anak, alam namin na may problema kayo ni Lance,”
ang sabi ng Mama ni Sam.
Biglang napatulo ang luha
ni Sam.
“Sorry po Pa. Sorry po Ma.
Pati ako naguguluhan din. ‘Di ba sabi ko din sa inyo na kapag nagkahiwalay kami
ni Lance ay doon na ako maghahanap ng babaeng pakakasalan ko upang may makasama
ako sa aking pagtanda. Batid naman kasi natin na kahit baligtarin pa natin ang
mundo ay hindi ko tuluyang masasarili si Lance at hindi lubusang makakapiling
sa aking pagtanda. Mahal na mahal ko si Lance. Pero parang gusto ko na siyang
palayain ng matigil na din ang pagtataksil namin sa kaniyang asawa,” ang sabi
ni Sam habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
“Sa tingin mo ba si Edward
na yung pinapangarap mong makakasama sa habang buhay?” ang tanong ng kaniyang
Papa.
“Ewan ko po. Hindi ko pa siya
masiyadong kilala,” ang tugon ni Sam.
“Akala ko ba nagkasundo na
tayo na kapag nagkahiwalay kayo ay mag-aasawa ka na lang,” ang sabi naman ng kaniyang
ama.
“Pa, mas lalo n’yo naman
akong pinahihirapang mag-decide,” ang sabi naman ni Sam.
“Hindi naman sa ganun
anak. Kahit ano pa ang maging desisyon mo ay nasa tabi mo pa rin kami.
Kaisa-isa ka naming anak at hanggad lang namin na masaya ka naming iiwan kapag
dumating na ang panahong...” ang hindi natapos na sabihin ng kaniyang ama dahil
biglang sumingit si Sam.
“Pa naman. Bakit sa ganoon
na ang usapan natin. Walang aalis at walang maiiwan. Matagal na matagal pa
tayong magsasama,” ang sabi ni Sam sabay yapos sa kaniyang ama’t ina.
“O sige anak. Hindi na
namin panghihimasukan ang magiging desisyon mo. Basta alalahanin mo na kahit
ano pa man ang mangyari, nandito lang kami. Worst come to worst ay itutuloy na
natin ang pagpunta natin sa US. Doon na lang muna tayo titira hanggang mahanap
mo ang tunay na kaligayahan,” ang sabi naman ng kaniyang Mama.
“Sige Ma, promise. Papayag
ako sa gusto n’yo. Basta ba mangako din kayo na hindi n’yo ako iiwan kahit na
umabot sa isang daan ang edad n’yo kahit hanggang libong taon,” ang pabirong
sinabi ni Sam sabay tawa.
Nagtawanan ang tatlo at
sunud-sunod na ang naging kantyawan nila. Naging medyo magaan ang pakiramdam ni
Sam simula ng masabi na niya sa kaniyang mga magulang ang bumabagabag sa kaniya.
Itutuloy…….