Hilot
– Part 2
Cedric’s
POV
Ang saya saya ko
talaga. Magkasabay kaming naglakad pauwi
ni Mandy. Maging sa aking pagtulog ay naiisip ko pa ang sinabi niya. Tandang tanda ko ang kanyang sinabi.
“Naku naman! Wala iyon sa akin. Nagkunawari lang akong galit, ang totoo ay
nagustuhan ko nga eh ihhyyyyyyyyyyy hehehe.
Pwede nating ulitin ihihihihi.”
Ang landi landi
talaga niya, natawa talaga ko sa pagkakasabi niya niyon.
---------------oo00oo---------------
Simula na nang aming
pagkakaibigan. Nagkapalagayan na kami ng
loob Nang-aasar pa rin siya pero hindi na ako nagagalit o nagtatampo. Kilala ko na rin ang kanyang ugali at maging
ako ay kilala na rin niya. Nakwento na
rin niya sa aking ang dahilan ng pagtransfer niya sa aming paaralan.
Nag-asawa pala uli
ang kanyang Inay matapos mabalo ng ilang taon.
Taga Bohol ang bagong asawa ng kanyang Inay at doon na gustong
manirahan. Isinasama siya ng kanyang
Inay pero tumanggi ito dahil hindi raw siya sanay na tumira sa ibang
lugar. Napagpasyahan na lang ng kanyang
ina sa iwan siya sa kanyang Lolo na ama ng kanyang Inay.
---------------oo00oo---------------
Tinulungan ko si
Mandy sa contest. Nagprisinta ako na
magbenta ng ticket. Nagrequest din ako
sa mga kaibigan ko sa FB na i-like o i-heart ang larawan ni Mandy na naka-post
sa FB. Sa huling tally ay pangalawa na
siya sa may pinakamaraming like at heart.
Tuwang tuwa ako.
Kinapalan ko na rin
ang pagbenta ng tiket sa aking mga kamag-anak.
Maging si Nanay ay binentahan ko.
Tumulong din ang kanyang Lolo.
Binebentahan niya ang mga nagpapahilot at nagpapatingin sa kanya. Mura lang naman ang isang tiket.
Nalalapit na ang
aming foundation. Sa huling araw ng
isang linggong selebrasyon gaganapin ang coronation. Todo kayod ako, kasama na
rin si Jenny sa pagbebenta ng tiket sa mga kaklase, kaibigan ng kaklase at
kapamilya para mas maraming mabenta para si Mandy ang manalo.
Marami kasing tsismis
na marami na ang nabebentang tiket ng ibang kandidato at kulelat si Mandy. Nangunguna na naman siya pagdating sa FB.
Kelangan ni Mandy ng
susuuting terno sa koransyon. Problema
na naman. Wala naman kasing maraming
pera ang kanyang lolo para makabili ng bagong damit. Pasalamat na lang namin at may isang baklang
mananahi na magpapahiram daw sa kanya ng damit.
Sinamahan namin siya sa pagsusukat para malabhan at maplantsa man lang
ang isang ternong amerkana at pantalon.
Todo praktis na rin
siya para sa gagawing talent portion.
Ang siste ay ayaw ipaalam sa amin kung anong talent ang kanyang
gagawin. Nagbibiro pa siya na
mamasahihin na lang niya ako sa stage.
Sira talaga ang ulo ng lalaking iyon hehehe.
---------------oo00oo---------------
Biyernes ng hapon,
nadatnan ko si Kuya na nakahiga sa aming silid at natutulog. Iisa lang ang aming silid ni Kuya pero
magkahiwalay naman ang aming kama.
Tuwang tuwa ako dahil makakahingi ako sa kanyang ng pera para may
magastos sa aming foundation. Lunes na
kasi umpisa ang selebrasyon at maraming activities ang ganap. Nagtayo ang organizer ng tiange. May lumahok para magtinda ng kung ano ano,
pati na pagkain at inumin sa compound ng school. Sinisimulan na kanina ang pagtatayo ng mga
kubol.
Nagising na si Kuya
Karlo ilang minuto pagkadating ko.
Marahil ay nagising siya dahil pakanta kanta ako ng pumasok ng
silid. Hindi ko naman kasi alam na
naroon siya.
“Cedric, naghihilot
pa ba si Mang Enteng. Paki sundo naman
at sabihin na magpapahilot ako. Ang
sakit kasi ng kasukasuan ko. Nalamigan
siguro ako paglabas ko ng gym noong nakaraang araw.” Pakisuyo ni Kuya.
“Sige Kuya, susunduin
ko siya. Mabuti at maliwanag pa.” Magandang lalaki si kuya. Lamang siya sa akin sa lahat ng bagay. Mas matangkad siya sa akin. Six footer na siya samantalang 5”9’ lang
ako. Lamang din siya sa ganda ng
katawan. Laman kasi siya ng gym kahit na
narito pa sa probinsya. Artistahin siya at
lalong gumanda ang kutis mula ng magtrabaho sa Manila.
Tinungo ko na ang
bahay nina Mandy. Naroon na si Mang
Enteng at sinabi ko na ang aking sadya.
Si Mandy na ang pinasama sa akin dahil mas magaling daw magmasahe ang
kanyang apo kesa sa kanya, at mas malakas din kaya, kaya niyang lamutakin ang
katawan ng nagpapamasahe.
Sumama na sa akin si
Mandy. Pinakilala ko si Kuya kay Mandy
at sinabing siya ang magmamasahe.
“Bakit? Wala ba si Mang Enteng?”
tanong ni Kuya.
“Kasi po, pag masahe
at hindi hilot at walang pilay ay ako na ang pinapupunta ni Lolo. Huwag po kayong mag-alala at trained po ako
sa tesda. Sinanay din ako ni Lolo para
manghilot ng pilay. Katunayan ay ako ang
naghilot ng pilay ni Cedric ng maglinsad ang kanyang buto noon dahil sa
basketball.” Mahabang paliwanag ni Mandy.
“Ganun ba, sige ikaw
na. Doon na tayo sa silid para mas
komportable ka.”
Sumama ako sa kanila
para manood. Pinagmasdan ko ang
dalawa. Mas pogi pa rin si Mandy hehehe.
“Tanggalin na po
ninyo ang Tshirt at short ninyo, tapos ay dumapa na kayo.” Utos ni Mandy.
“Pati brief ba ay
tatangalin ko?” pagbibiro ni Kuya.
“Kayo pong
bahala. Okay lang po para mas mapisil ko
ang laman ng pwet ninyo.” Sagot naman ni Mandy.
“Hehehe huwag na,
baka tumigas eh pati kayo ay manigas.” Pagbibiro ni Kuya.
“Palabiro din pala
kayo. Okay yan,” turan ni Mandy sabay
palo sa pwet ni kuya. Napailing lang si
kuya sa ginawa ni Mandy. Nakaramdam naman
ako ng inis dahil sa ginawa niyang iyon.
Feeling close agad kay Kuya ay ngayon lang nagkakilala. Naiisip ko na dapat ay si Mang Enteng na lang
ang sumama. Sumingangot ako at napansin
din iyon ni Mandy.
Nagsimula nang
magmasahe si Mandy. Pisil, hagod,
sundot, lamas, lamutak, hatak ang ginawang pagmasahe ni Mandy. Mahirap pala ang magmasahe, parang hindi ko
kaya ang ganon. Pero si Mandy ay parang
siyang siya sa ginagawa, para bang nasasarapan pa at panay ang ngiti lalo na
kapag sa may hita na pataas sa pwet ang kanyang hinahagod. Nainis ako sa kanya at naiinggit naman kay
kuya. Natanong ko tuloy sa aking sarili
kung ganoon talaga ang pagmamasahe. Kasi
ay parang nanantsing na itong si Mandy eh.
Baka kasi bakla talaga ang kumag na ito.
Ito naman si kuya walang karekla reklamo ay tinatamaan na ang kanyang
kaselanan.
Lalo akong nainis ng
tawagin ako ni Nanay at inutusan sa palengke para bumili ng gulay at baboy para
pangsigang. Bakit kasi ngayon pa. Hindi ko tuloy mababantayan itong dalawang
ito at baka kung saan mapunta ang masahehang ito. Huu, ang sama naman ng iniisip ko. Sinunod ko na lang ang utos ni Nanay.
Pagbalik ko ay tapos
nang magmasahe si Mandy. Matagal din ang
masahe. Inabot ng kulang kulang dalawang
oras sa tantya ko. Inabot ko na
nagtatanong kung magkano ang charge.
Akala ko ay donation lang pero hindi pala.
“300 pesos lang po.”
Wika ni Mandy. Umapela pa ako. “Akala ko ba ay donasyon lang?” sabad ko.
“Kapag hilot kasi ay
donasyon lang, kahit na magkano. Kapag
masahe tulad ng ginawa ko ay 300 sa isang oras na msahe, inabot na nga ng halos
dalawang oras eh. Pero pag sa iyo libre
hehehe. Iba ka eh, espesyal.” Sagot ni
Mandy saka ako kinurot sa pisngi.
Napatingin tuloy sa amin si Kuya.
Hindi ko tuloy alam kung anong nasa isip niya. Baka kasi maghinala ng kung ano. Heh! Ano ba itong iniisip ko.
Kumuha ng pera si
Kuya sa kanyang wallet at inabot ang 500.
“Kuya wala akong isusukli, baka pwedeng sakto na lang.” - si Mandy.
“Masarap kang
magmasahe, nagustuhan ko, satisfied ako.
Ang sarap mooh. Kaya tip ko na
iyang sukli. Sa susunod ay masahihin mo
ako uli ha.”
“Wow si kuya
galante.” Wika ko. Pero anong sarap kaya
ang sinasabi niya. Putsa naman, sandali
lang akong nawala ay may masarap nang sinasabi.
Hindi pupwede yan Kuya. Naisip ko na pagbilhan ng tiket itong si
kuya. Pandagdag din, at baka manalo pa
itong si Mandy.
Kuya, bili ka na rin
ng tiket, tulong mo na sa kaibigan ko.
Kandidato kasi sa Mr. and Ms. Contest ng school namin. Sige na kuya, bilhin mo na lahat ito, konti
na lang. Dala mo pa ba ang tiket mo
Mandy?
Nauto namin si Kuya
at nabentahan namin. Kaya lang ay hindi
pa kinuhang lahat. 500 pesos na halaga
ng tiket lang ang kinuha. Okay na rin. Nagpasalamat na si Mandy at umalis na.
---------------oo00oo---------------
Mandy’s POV
Na meet ko ang kuya
Karlo ni Cedric. Humanga talaga ako
kaagad. Ang gwapo, ang tangkad. Nagpapamasahe kaya pinaghubad ko na ng
damit. Nang mahubad na ang damit ay lalo
akong humanga. Nakakatulala talaga. Nakakainggit.
Proportioned ang muscle sa katawan at may 6packs na abs. Walang panama si Jack Roberto.
Pinadapa ko na siya
sa kama. Anak ng putsa ang gandang
tingnan ng katawan, ang lapad ng likod at ang liit ng bewang. Katawan ng isang adonis ito.
Ang sarap hagurin ng
kanyang katawan, matigas, akala ko tuloy ay puro hangin kaya pilit kong
pinipisil. Napapaungol tuloy siya. Nakamasid sa amin si Cedric. Masama ang tingin, hindi ko alam kung galit
sa akin dahil natsatsansingan ko ang kuya niya, o di kaya ay galit dahil
naiinggit hehehe.
Nang magawi na ako sa
kanyang pwetan ay talagang napalunok ako.
Ang tambok at malaman. Grabe,
paano kaya niya ginawa na mapatambok ng ganon ang pwet niya. Pinisl ko iyon, inalog alog. Parang gelatin kapag inaalog ko. Parang nanlilisik na ang mata ni Cedric. Ang cute cute na naman dahil sa
pagsimangot. Gustong gusto ko talagang
nakikita siya na nagagalit at nasimangot.
Lalo akong nakukyutan sa kanya.
Tapos na ako sa
likoran ni Kuya Karlo ng tawagin si Cedric ng kanyang Nanay para utusan sa
palengke. Bubulong bulong na lumabas ng
silid. Pinatihaya ko na si Kuya
Karlo. Natawa ako ng mapagmasdan ko ang
harapan, nakatayo na ang kanyang alaga.
Tigas titi si Kuya Karlo, parang nasarapan sa aking hagod, tuloy ay
nalibugan. May ipagmamalaki naman si Kuya
Karlo. Kung sabagay, sa tangkad niyang
iyon ay hindi yata babagay kung dyutay ang alaga, parang nakakatawa.
“Pasensya ka na Mandy
at tumigas yang manoy ko. Ang sarap kasi
ng hagod mo eh. Kung naging babae ka
lang ay siguro na gahasa na kita hehehe.
Pero sa gwapo mong iyan malamang na pag-aagawan ka ng mga bading. Saan ka ba nagmamasahe ha.” Wika ng kuya ni
Mandy.
Pangalawa pa lang
kayong namasahe ko. Hindi pa ako
nakakapagmasahe talaga ng parang professional.
Wala pa kasing nakakaalam na therapist ako. Si Cedric ay nahilot ko na ng mapilayan yun
lang.
Habang minamasahe ko
siya ay ininterview naman ako ni Kuya.
Kung ano anong itinatanong. “Wala
bang beki na umaaligid sa iyo.”
“Doon po sa unang
school na pinasukan ko ay ang daming nagpapahaging. Nagbibigay pa ng kung ano anong regalo,
pagkain, stuff toys. Tinatanggap ko lang
dahil nakakahiya na tanggihan. Baka kasi
sumama ang loob.”
“May nakatikim na ba
sa iyo.”
“Naku wala po. Virgin pa po ako kahit na sa babae.”
“Bakit?”
“Bata pa naman
ako. Saka gagawin ko lang makipagsex sa
talagang gusto ko, mabuntis man ay walang problema.”
“Sabagay.”
“Kayo po, napakagwapo
po ninyo, magandang katawan, siguro madami na kayong nadale ano. May beki bang kasama sa nadale ninyo hehehe.”
“Secret hehehe. Sa
babae, madami na. Sila naman ang may
gusto eh, pagbigyan, mabait ako eh.
Maingat lang ako, lagi akong nakakapote kapag umaano ehehe.”
Napasarap ang
kwentuhan namin at nang magawi na ako sa kanyang mga hita at hagurin pataas ay
di sinasadyang nasagi nang aking kamay ang kanyang alaga. Hindi talaga lumambot ang kanyang
batuta. Simula kanina ay matigas na
iyon.
“Pasensya na po. Matigas kasi kaya nasasagi ko. Hindi ko naman po sinasadya, baka isipin
ninyo ay nanantsing ako hehehe.”
“Okay lang,
tsansingan mo na lang kaya hehehe.”
“Palabiro talaga kayo
hehehe, magkakasundo tayo hehehe.” Saka ko pinitik ang ulo, mahina lang naman.
“Aray, masakit, bakit
mo pinitik.”
“Pinaamo ko lang
po. Galit kasi sa akin eh. Baka mandura.” Nagkatawanan na lang kami.
Tapos na ang aking
pagmamasahe ng makabalik si Cedric.
Mabuti na lang at naalala niya ang tiket na binebenta ko. Bumili siya ng halagang 500 bukod sa
binayaran pa ako ng 500 sa aking masahe.
Tip daw ang 200 dahil 300 lang ang aking sinisingil.
Umuwi na ako pagkatapos. Tuwang tuwa ako at kumita ng 500 sa araw na
iyon. Naisip ko na sa bakasyon ay
maglagay ako ng karatula para sa gustong magpamasahe.
---------------oo00oo---------------
Sa bahay ay naalala
ko ang matigas na alaga ni Kuya Karlo.
Gustong gusto ko na talagang tignan para malaman ko kung gaano kataba at
kahaba. Hindi naman ako tinitigasan sa
pagkakita ko noon pero may pananabik ako na makita ng buo at hindi ang bakat
lang.
Saka ang mga biro
niya ay may pahaging. Kung pinatulan ko
kaya ang hamon niya ay pumayag ang loko.
Nagbibiro lang naman iyon at alam ko iyon. Lalaking lalaki naman si Kuya at wala sa
itsura na pumapatol sa kapwa lalake.
Pero teka muna, bakit
ako nagiisip ng ganoon. Nakaka confuse.
Ano ba talaga ang gusto ko. Wala
namang makakasagot ng tanong ko kundi sarili ko, at ang sagot ay babae ang
gusto ko at hindi lalaki.
---------------oo00oo---------------
Gabi ng
koronasyon. Hindi naman ako naghahangad
na manalo dahil wala namang premyo ang mananalo, Palakpak lang, sash at honor
ang aking matatanggap.
Isa isa nang
tinatawag ang mga kalahok, kapartner ko si Melba ng umakyat sa stage. Magandang maganda noong gabing iyon si
Melba. Nakauot siya ng pulang gown
samantalang ako ay ang pinahiram na terno ng beking mananahi. Mabuti na lang at kasyang kasya sa akin at
bumagay din. Mabuti rin at partner
partner ang tinawag kaya kahit papano ay parang may pumalakpak din sa
akin. Hindi kasi ako popular dito dahil
konti pa lang ang nakakakilala sa akin.
Mga kaklase ko lang at ilang kaibigan ni Cedric.
Sunod ay ang
pagpapakita ng talent. Talagang
kinabahan ako doon bagamat matagal na akong nagpractice nang aking
gagawin. Hindi ko talaga ipinaalam kina
Cedric ang gagawin ko. Wala naman talaga
akong mapapakitang talent.
Tinawag na ako para
magpresent. Naka long sleeve na asul at
slacks na itim lang ang suot ko ng umakyat ng stage, dala ang isang lumang
gitara na palihim kong dinala sa eskwelahan at itinago sa may stage. Alam kong wala namang makakakita noon na iba.
Inawit ko ang kantang
“Perfect” ni Ed Sheeran. Sikat ito kaya
alam kong maraming makakagustong kabataan sa kantang ito. Sa saliw ng gitara na ako rin ang tumitipa ay
maayos naman akong nakaraos. Ang maganda
pa nito ay marami ang pumalakpak pagkatapos ng aking kanta. Nakita ko pa si Kuya Karlo na isa sa nanood
pala at pumalakpak. Tuwang tuwa ako na
bumaba ng stage.
---------------oo00oo---------------
Cedric’s
POV
Nang tawagin na ang
pangalan ni Mandy para magpakita ng kanyang talent ay sobra ang aking
excitement. Talagang hinintay ko na
tawagin ang kanyang pangalan. Sabik na
kasi akong malaman kung anong talent ang ipapakita niya. Talagang lihim na lihim ang kanyang gagawin
at walang pinagsabihan sa amin. Kahit
ang kanyang lolo ay hindi alam. Katabi
ko siyang nanonood. Talagang
sinuportahan din niya ang kanyang apo.
Ako ang kinakabahan
dahil hindi pa siya umaakyat. Ilang ulit
nang tinawag ang kanyang pangalan pero wala pang Mandy na umaakyat na
stage. Binalot ng pangamba ang aking
dibdib. Naisip ko na baka nag-backout
dahil walang na prepare para sa talent portion.
Nag announce na ng last call ang announcer. Nag-aalala na ang mga organizer lalo na ang
kanilang guro. Nagbilang na ang
announcer at sa panghuling bilang ay sumulpot na si Mandy dala ang isang gitara
na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
Wala naman kasi akong nakitang gitara na dala niya dahil magkasabay
kaming nagtungo ng paaralan.
Humingi naman siya ng
paumanhin sa pagkadelay at ang rason niya ay dahil nanghiram pa siya ng gitara.
Tinipa niya ang gitara,
sa intro pa lang ay alam ko na ang kanyang aawitin. At hindi nga ako nagkamali, isang awitin ni
Ed Sheeran na “Perfect” ang title ang kanyang kinanta na sinaliwan niya ng
gitara. Napakahusay niyang gumitara
bukod sa napakagndang boses. Natahimik
ang mga manonood at nakinig sa awitin ni Mandy.
Maraming humanga sa kanya, hindi lang mga bata kundi ang may edad at
magulang ng mga estudyante. Nang matapos
ay palakpakan ang mga manonood na may kasama pang hiyawan. Ako yata ang may pinakamalakas na palakpak,
hindi pala dahil may katabi pa ako na mas malakas ang palakpak sa akin, si Kuya
Karlo na hindi ko alam na muli palang umuwi at nanood ng koronasyon.
“Kuya, narito ka
pala, hindi kita napansin.”
“Walang tao sa bahay,
naisip ko na baka narito kayo lahat kaya dito na ako nagtuloy. Tamang tama na si Mandy ang tinawag sa
stage.” Sagot ni Kuya. “Mang Enteng,
galing ng apo ninyo. Kanino ba nagmana
iyan.”
“Kanino pa eh di sa
Lolo.” Pagyayabang ni Mang Enteng, proud na proud sa apo.
Papalapit sa amin si
Mandy, nakangiti, gwapong gwapo sa suot na blue long sleeves at black slacks. Agad ko siyang kinamayan para i-congratulate. Iba naman ang ginawa ni Kuya, may pagyakap pa
at tapik sa likod. Ano ba ito. Sila na ba ni Kuya at may pag-uwi pa para
lang mapanood si Mandy. Nainis na naman
ako pero hindi ako nagpahalata.
“Salamat sa suporta
ha. Salamat sa inyong lahat. ‘Lo salamat” si Mandy saka niyakap ang
kanyang Lolo. “Kahit hindi ako manalo ay panalo na ako ‘Lo kasi ay hindi ninyo
ako pinabayaan.”
Marunong din naman
palang magdrama itong si Mandy. Nagpigil
lang ako ng aking luha, nakakahiya kasi.
Mababa talaga ang aking luha.
Nagpatuloy ang
pagtatanghal. Nagtiyaga kaming naghintay
hanggang sa i-announce na ang mga winner.
Nauna ang mga special award. Halos
lahat naman ng kasali ay nakakuha ng special award. Malamang ay sinadya talaga ito para hindi
naman kahiya hiya ang wala man lang maiuuwing award. Nakuha ni Mandy ang most like/love sa FB
dahil siya ang may pinakamaraming like at heart. Nakuha rin niya ang best in talent.
Ihinayag na ang third
runner up. Una ang babae tapos ay ang
lalaki. Wala doon si Mandy. Sumunod ay ang second runner up, hindi pa rin
kasali si Mandy. Nagkaroon muna ng
intermission bago ihayag ang first runner up at ang winner. Kinakabahan na talaga ako. Medyo inis na naman ako dahil paputol putol
pa ang awarding.
Makaraan ang isang
dance performance ng ilang estudyante ay itinuloy agad ang announcement. Hindi pa rin kasama si Mandy. Nawawalan na ako ng pag-asa. Bago ang paghahayag ng Mr and Ms winner ay
inilahad muna ang mga nabentang tiket ng mga kandidato. May malaking puntos kasi ang makabenta ng
maraming tiket at nang ihayag ang may pinakamaraming nabentang tiket ay si
Mandy ang may nakuhang pinakamarami.
Malaki ang agwat sa pangalawang pinakamarami.
Alam kong panalo na
si Mandy dahil siya lang ang nakakuha ng may pinakamaraming special award at
hindi nga ako nagkamali. Nagtatalon na
ako ng malakas na sabihin ng announcer ang pangalan ni Mandy bilang winner.
Matapos ang
announcement ay umuwi na sina Kuya at Nanay.
Sumabay na si Mang Enteng sa kanila.
Nagpaiwan pa ako para hintayin si Mandy.
Usapan kasi namin iyon na hihintayin ko siya hanggang sa matapos ang
awarding.
Hindi si Melba ang
nanalong babae. Hindi ito sing ganda ni
Melba sa aking paningin pero siya ang may pinakamalaking benta ng ticket sa mga
babae.
Hindi muna pinauwi
ang lahat ng kalahok. May konting kainan
pa palang ihinanda ang mga organizer.
Naghintay na lang ako sa aming room kasama si Jenny.
“Sino kaya ang huling
bumili ng tiket para kay Mandy ano.
Grabe ang laki ng lamang sa pangalawang pinakamarami. Hindi ba ng bilangin natin ay hindi ganon
kalaki. Baka nga pang anim o pang pito
pa nga eh. Dami kayang natirang tiket si
Mandy.” Wika ko kay Jenny na may pagtataka.
“Hindi naman kasi
nagbenta ng husto itong si Mandy eh.
Tayo pa nga ang pursigido.
Sabagay lagay na naman siya na hindi mananalo kahit na noon pa.”
katwiran ni Jenny.
Matagal pa yatang
matatapos kung ano mang ginagawa ng mga kandidato. Nagpaalam na si Jenny. Naiwan na akong magisa na naghihintay. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapauto sa
lalaking ito. Hindi ko naman matanggihan.
Matagal din akong
naghintay, naiinip man ay naghintay pa rin ako.
Ayaw ko kasing sumira sa usapan.
Nag alarm ang aking CP. Si Mandy
at tinatanong kung nasaan ako. Sinabi ko
na nasa room namin ako at lalabas na ako.
Nagkita kami sa corridor. Yumakap
siya sa akin at nagpapasalamat. Kung
hindi raw sa tulong ko ay baka wala siyang nakuha kahit na isang award.
Habang papalabas kami
ay marami pang bumabati sa kanya, mga guro at kapwa estudyante. Naglakad na kami papauwi, bitbit ang hinubad
na damit. Nakapagpalit na pala siya ng
ibang damit. Hindi raw siya komportable
sa long sleeves at amerkana.
“Bakit lumaki ang
benta kong tiket. Ikaw ba ang last
minute na bumile?” Tanong ni Mandy.
“Ano naman ang
ipambibili ko. Baka naman may nililihim
ka sa akin ha. Baka may kabit kang bakla
niyan.” Biro ko.
“Gago, baka may
makarinig sa iyo ay ganun nga ang isipin.
Wala kasi akong alam na gagawa ng ganon sa akin eh. Wala namang ganung kalaking pera si Lolo at
hindi gagastos iyon ng sa ganun lang.
Isang tiket nga ay hirap pa siyang bumili eh kaya sa pasyente niya
binebenta.”
“Naku, huwag na nga
nating isipin iyon. Pasalamat ka na lang
sino man iyon.” Nakaakbay siya sa akin
habang naglalakad kami. Bakit ba pag ganito
kami kalapit ay kinakabog ang aking dibdib.
Haayyyy ano na ba talaga ang nangyayari sa akin.
Pag dating namin sa
aming bahay ay naroon pa si Mang Enteng at kausap si Kuya Karlo.
“Ang tagal naman
ninyo, hinihintay talaga namin kayo.
Nagluluto pa si Nanay para sa Victory party nitong kaibigan natin. Inom muna tayo” Wika ni Kuya sabay abot ng
tig-isang beer sa amin ni Mandy. Pinaupo
pa kami sa inilabas na mesa sa may garden namin sa gilid ng bahay.
Katabi ko sa upuan si
Mang Enteng at magkatabi naman sa kabila si Kuya at Mandy. Panay ang bati ni Kuya kay Mandy na may
paakay akbay pa na parang niyayakap na ito.
Napagmamasdan ko ang mga kilos ni Kuya.
Tila nababakla na ito at trip pa yata si Mandy. Sabagay ay parang ganun na rin ang
nararamdaman ko kay Mandy, parang trip ko rin siya. Ano ba ito, nababakla na ba talaga kami. Magagalit nito sa amin si Nanay. Gusto na niya ng apo at matagal na niyang
pinapagaasawa si Kuya. Wala pa ngang
ipinakikilalang GF si Kuya, baka kaya dahil BF ang gusto niya.
Halos silang dalawa
na lang ang naguusap, naetsa-pwera na kami ni Mang Enteng. May pagbubulungan pa kaya niinis ako.
Maya maya pa ay
nagtawag na si Nanay at kakain na raw muna kami bago ituloy ang inuman
namin. Wow! May fried chicken, spaghetti, pritong isda na
may sweet ang sour sauce pa si Nanay.
“Galing ninyo Nay! Ang bilis
ninyong nakapagluto at paborito pa namin ni Kuya.”
“Paborito din daw
iyan ni Mandy sabi ni Mang Enteng.” – si Nanay.
“Maraming salamat po
Nay Sonia. Napakabait po pala ninyo
talaga. Buti at kabaitan ang namana sa
inyo ng mga anak ninyo lalo na itong si Kuya Karlo.” Papuri ni Mandy. Napanganga naman ako sa tinuran ni
Mandy. Bakit si kuya ang nabanggit niya
na maraming tulong samantalang ako ang pagod na pagod sa kabebenta ng tiket at
ka popromote para i-like siya sa FB katulong si Jenny. Hindi kaya si kuya ang last minute na bumili
ng tiket?
Panay ang asikaso ni
Kuya kay Mandy. Tuwang tuwa naman ang
loko sa ipinakikitang pag-abyad sa kanya.
Naghihinala na talaga ako.
Nakakasama ng loob itong si Kuya at Mandy. Ako naman na ang nag-asikaso kay Mang Enteng.
Balik kami sa gilid
pagkatapos kumain at ipinagpatuloy ang naputol na pagiinuman. Hindi na naman tumagal pa si Mang Enteng at
nagpaalam na.”
“Maiwan ko na kayo
ha. Hindi ko na kayang makipagsabayan sa
inyo ng inom. Humihina na ako sa inom
dahil matanda na hahaha. Sonya, paalam
na at uuwi na ako. Maraming salamat uli
ha.” Hiyaw ni Mang Enteng dahil nasa kusina pa si Nanay at naglilinis ng aming
kinanan. “Apo, maiwan na muna kita ha at
huwag kang magpakalasing.”
“Opo ‘lo. May dala ba kayong flashlight?” wika ni
Mandy. Pinakita naman ni Mang Enteng ang
dalang flashligt. Madilim kasi ang
daanan patungo sa kanilang kubo.
Tatlo na lang kaming
naiwan na nagiinuman. Nakarami na rin
kaming nainom. Naka isang case na rin
kami at bumili pa si Kuya ng kalahati na siya naming inuubos. Medyo
nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo, inabot na rin kami ng alas onse ng
gabi. Sinabi ko kay kuya na huwag na
lang ubusin ang natitira pa dahil lasing na si Mandy at uuwi pa ng kanilang
bahay.
“Dito na siya
matutulog sa kwarto natin hindi ba Mandy.”
Wika ni Kuya.
“Kuya uuwi po
ako. Walang kasama si Lolo at mag-aalala
iyon kapag hindi ako umuwi.”
“Kaya mo pa ba?”
Kayang kaya kuya.
Tuloy ang
inuman. Huling tig-iisang bote na
namin. Naiihi ako kaya pumasok muna ako
sa bahay para umihi. Nagtagal ako sa
kobeta dahil sa dami ng aking inihi.
Pagbalik ko ay naaninag ko sa bintana tila naghahalikan na ang
dalawa. Kita ko ang batok ni kuya at
nakawak sa pisngi ni Mandi. Kitang kita
ko na magkadikit ang kanilang mukha.
Hindi maipagkakailang naghahalikan talaga sila.
Nanikip bigla ang
aking dibdib. Waring may kung anong bagay na tumusok sa aking dibdib. Hindi ako agad nakalabas. Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang
aking nararamdaman. Wala naman kaming
unawaan ni Mandy at hindi ako bakla.
Kilala ko ang aking sarili. Pero
bakit ako nasasaktan.
At si Kuya. Wala naman siyang ipinakikitang
kabaklaan. Nagka GF naman siya dati,
ngayon lang wala simula ng magtrabaho.
Akala ko ay nalibang lang sa trabaho kaya hindi na nakapanligaw. Ambisyoso si Kuya at gusto nitong magka
position ng mataas sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Wika niya dati ay hindi siya mag-aasawa
hanggat hindi siya nagiging vice president o manager man lang. Hindi pala iyon ang dahilan. Lalaki pala ang gusto niya.
Matagal tagal din ang
halikan nila. Nang kumalas na sila
pareho ay saka lang ako lumabas. Ayaw ko kasing madatnan sila sa ganong
kalagayan at baka mapahiya.
“Kuya tama na. Ihatid mo na lang siya sa kanila. Lasing na
siya Kuya at ngayon lang talaga siya nakapaginom ng marami.” Wika ko kay
kuya. Pumayag naman si Mandy na ihatid
siya ni kuya.
Inimis ko muna ang
ang aming pinaginuman at inilagay sa kahon ang mga basyo at ipinasok sa kusina
ang ginamit naming baso at pinggan na pinaglagyan ng pulutan saka ako umakyat
at nahiga na. Agad din akong
nakatulog. May araw na nang ako’y
magising. Wala sa higaan si Kuya at tila
hindi na dito sa amin nakatulog. Marahil
ay kina Mandy na ito natulog at itinuloy na ang naputol nilang ginagawa.
Wala akong ganang
bumangon. Nanatili akong nakahiga.
Durugtungan.