Lunes, Nobyembre 20, 2023

Mga Eksena sa Sinehan # 23 - Nagkabaligtad By: Anonymous (From: Kwentong Malibog)

 


Nagkabaligtad

By: Anonymous

(From: Kwentong Malibog)

 

Alas-tres ng umaga na ako nakarating sa bahay pagkatapos naming mag-sex ni Rey Sekyu sa Subdivision Park. Inilagay ko ang alarm ng cellphone sa 8AM. Binuksan ko ang aircon ng kuwarto para mahimbing ang tulog ko sa 5 oras na inilaang pahinga. Eksaktong alas-otso ng bumangon ako sa kama, kain ng almusal, naligo at naghanda sa pagpasok. Hindi katulad ng maghapong pag-ulan kahapon, naging mapagbigay ang kalikasan at nakasungaw na ang araw ng sumakay ako sa kotse para pumasok sa opisina. Sabado at walang gaanong trapik kaya bago mag-alas-diyes ay nasa lamesa na ko at nagsimula ng nakakabagot na araw. Hmmmmm, nakadalawang putok ako kagabi kaya dapat magpahinga ako at dumiretso ng uwi pagkatapos nitong tambak na trabaho.

Pagkapananghalian, bumuhos ang malakas na ulan. Naloko na, nag-iba agad ang timplada ng katawan ko. Me doctor bang makakagamot ng nadadamang libog kapag umuulan o natural lang na lumalabas ang libog sa ganitong panahon? Esep-esep ng gamot sa nararamdamang init.

Malaki ang nakotong sa aken nung guard kagabi kaya out muna ang masahista sa option ko ng pagpaparausan. Medyo murang pang-alis ng libog ang sine, pero ang Megamall e dadalawin pa ng mga malilibog sa last full show, ayokong mapuyat. Ang layo naman ng Ali Mall, kakatamad biyahehin. Ah, oo nga pala merong sinehan sa Pasig, double program na bold movie ang palabas, konting trapik, pero pati entrance mura sa halagang trenta pesos. Du'n na lang ako magbabakasakali tutal on the way naman sa pag-uwi ko yung area.

Minadali ko nang tapusin ang mga trabahong nakatambak sa lamesa at kahit me kalakasan ang ulan, bumaba nako sa parking lot. Pag biglang buhos naman ay kadalasang 'di nagtatagal. Alas singko impunto, narating ko ang sinehan na pakay. Bumili muna ako ng mineral water sa katabing 7-11 store at umakyat na sa taas. Pinasadahan ko ng isang ikot ang loob ng madilim na sinehan, hmmmmmmm, zero ata ako, walang akong matipuhan. Pumwesto ako sa tindahan na nasa labasan, dito na lang ako maghihintay ng pwedeng biktimahin at baka sa loob e ako ang mabiktima, hehehehehe.

After 15 minutes, merong bagong dating, chinito, mukhang bagong paligo at mabango. Naka-shorts lang ang mokong at maganda ang hugis ng balahibuhing binti nito. Ngumiti sa 'ken, sinuklian ko ng ngiti at presto, lumapit sa lugar ko. Sanay sa ganoong kalakaran si Chinito, tinanong kung ano'ng gimik ko. "Gusto kong magpatira, ang lamig ng panahon, nakakalibog." Sabi ko.

"Magkano?" ganting tanong niya saken.

"Isandaan!" sagot ko. Pinasunod ako ni Chinito sa 7-11, bumili ng isang sachet ng Vaseline lotion. Pagkabayad, lumabas kami at nag-abang ng jeep na masasakyan papuntang Pasig Rotonda. Bumaba kaming dalawa sa Rotonda at lumakad ng konti sa me papuntang Simbahan.

"Magkano na bayad sa Inn diyan?" tanong ko kay Chinito.

"Isandaan lang din, tatlong oras. Sandali, bili lang ako ng yosi at balot"

Nag-log kami sa notebook na nasa harap ng counter (as if, totoong pangalan ang ilalagay ko du'n no!), nagbayad ng isandaan at kapagkuwa'y sinamahan ng boy sa assigned room. Maliit ang kuwarto, me maliit na single bed na pag tumayo ka at 'di nag-ingat e mapuputol ang ulo mo sa nakalawit na ceiling fan (kaya kwidaw at putol ang ulo mo sa taas kapag nakalimot ka at bigla kang tumayo sa kama, hahahahaha). Sa dulo ng kama ay merong pader na hanggang bewang na nagsisilbing divider sa paliguan at kama (hay, ang cheap ng lugar! Nakakawalang gana ng libog. Kungsabagay, ano naman ang aasahan mo sa halagang isandaan! Bawal mag-inarte at nagkukuripot ka, deba!).

Dire-diretsong naghubad si Chinito, napalunok ako sa ganda ng katawan ng hinayupak na 'to! Ang masinsing balahibo sa dibdib pagapang sa puson hanggang sa mga mapipintog na hita. Murang-mura sa halagang isandaan!

Sinimulan niya akong romansahin, hinalikan sa labi, pilit ipinasok ang dila sa loob ng bibig ko na parang me gustong bungkalin sa loob. Nang magsawa sa pagsulaol sa bibig ko ay lumipat sa kanang tenga, pagapang sa pisngi, baba, at kaliwang tenga. Paikot-ikot ang dila na sinundot-sundot ang tenga ko, saka biglang hihigupin. Putanginang romomansa, parang marino!

Pakiwal-kiwal na gumapang ang dila pababa sa leeg, at magkabilang dibdib ko. Parang batang sinupsop ang nipples ko. Sinisilaban ng pagkalibog ang buong katawan ko, hinawakan ko ang ulo ni Chinito at iginiya pababa sa burat kong tirik na tirik. Mula sa ulo ay marahan niya itong dinilaan, sinilindro ang katawan at pahaplit na isinubo ang mga bayag ko.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhh, putang-ina, ako naman ang roromansa sa ýo!"

Pinaibabawan ko si Chinito at sinimulang himurin ang dibdib habang ikinikiskis ko ang tirik kong ari sa burat niya. Iginapang ko pababa ang paghimod habang walang puknat naman na aktong kinakantot ko ang bawat parte ng katawan niya na tinatamaan ng titi ko habang pahimod ko siyang dinidilaan pababa. Sa pagkaskas na ginagawa ko sa katawan ni Chinito, ramdam ng burat ko ang bawat hibla ng balahihong nasa katawan, hita at binti nito.

Idinapa ko ang katawan niya, pinagmasdan ang nakalilibog na hubog na katawang nakatalikod sa akin. Pinisil-pisil ko ang dalawang maumbok na pisngi ng kanyang puwet na nababalutan din ng balahibo. Bihira akong makakita ng pisnging ganito, gigil na gigil na hinalikan at dinilaan ko ng salitan ang magkabilang pisngi. Mula sa dalawang pisngi, marahang umakyat ang pagdila ko sa kanyang likod paakyat sa batok. Paikot-ikot na dumausdos ako sa pagdila hanggang marating ko muli ang dalawang maumbok na pisngi. Ibinuka ko ang magkabilang pisngi at pinagmasdan ang nakatagong lagusan. I started licking his ass, sinimulan sa gilid, paikot-ikot na pinakiwal ang dila sa mismong butas at saka marahang sinipsip. Napakanyod si Chinito sa kama sa sarap na tinatamasa. Habang patuloy ako sa pagdila ay umaayuda naman si Chinito na parang kinakantot ang kamang dinadapaan.

Dinapaan ko ulet at binulungan habang ikinaskaskas ko sa pagitan ng pisngi ng wetpaks niya ang burat ko. "I want to fuck you."

Nilingon ako ni Chinito. "Sabi mo, ako ang kakantot sa 'yo?"

"Nalilibugan ako sa puwet mo, ang ganda tingnan at parang ang sarap pasukin."

Nag-aatubiling sumagot "Tangna, masakit 'un e."

"Dadahan-dahanin ko ang pasok," pakli ko.

"Sige pero gawin mong P400 ang bayad."

Nakakita ako ng chance na pwedeng bumigay ito at magpatira, kelangan lang ng konting convincing at bargaining power.

"P200, doble sa usapan natin," sagot-tanong ko.

"P250, call na ko," sambit ni Chinito.

Sinaklang ko ang bewang ni Chinito at pinatuwad sa harap ko, ibinuka ang magkabilang pisngi ng puwet at dahan-dahang ipinasok ang isa kong daliri na nilagyan ng lotion, idinagdag ko ang isang daliri hanggang makapasok lahat ang tatlo. Hinintay kong ma-relax ng konti ang lagusan, saka ko ipinasok ang burat kong binalutan ng condom. Kalahati muna; hinto; at ayuda ng sagaran, kantutang dog-style!

"Aaahhhhhhhhhhh, tangna ang sakittttttt, bilisan mo ang pagpapalabas, para akong matatae!" pabulong na binigkas ni Chinito.

Buong libog namang kinantot-kantot ko ang puwet niya habang nilalamas ko ang magkabilang nipples niya. Nang mapagod ako sa ganoong puwesto, dahan-dahan ko siyang pinadapa ng 'di hinuhugot ang uten ko, pinaghiwalay ang magkabilang hita at itinuloy ang pagkanyod-kanyod. Ang sarap kumantot ng virgin, ang sikip, ang init, hapit na hapit.

Sandali akong tumigil, hinugot ang ratbu ko at pinaharap sa akin si Chinito.

"Matagal pa ba?" tanong niya.

Hinalikan ko siya sa labi at Itinutok ulet ang burat ko sa butas ng wetpaks niya. Tuloy ang kantutan. Ngayo’y harapan kami, kaya habang binabarurot ko siya ay malaya kaming nakakapaglaplapan, dila sa dila, laway sa laway. Hindi ko ugaling magpantasya na kumantot ng lalaki, pero nasasarapan ako sa ginagawa ko at libog na libog. Nang malapit na ako labasan, hinugot ko sa pagkakabaon ang uten ko, tinanggal ang condom at nagsalsal na itinapat ito sa burat ni Chinito.

Dumapa ako at isinubo ang tite ni Chinito habang patuloy ako sa pagjajakol. Nang tigasan si Chinito, pumaibabaw ako at pinagsalikop ko sa isa kong kamay ang mga burat namin, sabay kong sinalsal ang aming mga burat. Ang sarap ng pakiramdam. Habang nagtatama at nagkikikiskisan ang mga ratbu namin ay taas-baba ko naman sinasalsal ang dalawang tubo.

"Gusto kong sabay tayong labasan, malapit na ko."

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh, ooooooooooooohmmmmmmmmmmmm"

Sabay na tumalsik ang mga tamod namin ni Chinito, tumalsik ang paunang pulandit sa dibdib niya at ang mga sumunod na katas ay pagapang na dumausdos sa dalawang burat namin na sabay kong jinakol. Damang-dama ko ang init ng mga katas at ang pagpintig-pintig ng dalawang burat na pareho kong hawak-hawak. Huminto lang ako ng maramdaman ko na ang unti-unting paglambot ng mga ito. Nagkatawanan kami kapagkuwan ng magsalita si Chinito.

"Tangna 'tol, ang dapat na kakantot, nabaligtad at "NAKANTOT", hehehehehehehe."

Sabay kaming nagbihis at lumabas ng nagtatawanan habang nakamasid sa amin ang mga staff na nasa harapan ng lodging house.

 

 

-----END-----

Sa Probinsya ng Pamilya in Misis (Part 3) By: Jack Wonder Lust



Sa Probinsya ng Pamilya in Misis (Part 3)

By: Jack Wonder Lust

 

Ang Ikalawang Pagkahulog ni Dave

One year ago.

Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng isang kamay sa aking braso. Nagsimula nang bumalik ang aking malay, gising na ako sa mahabang pagkahimbing.

Nang marinig ko ang boses ng gumigising sa akin ay lalo akong nagising.

“Dave. Dave. Kuya Dave.”

Pagkamulat ko ng aking mga mata, ang unang tumambad sa akin ay ang nakangiting mukha ni Paul. Nakasuot siya ng shorts, at walang pang-itaas.

Bumangon ako at tumingin sa paligid. Umaga na. Pumasok na ang sinag ng araw sa aking kuwarto.

“Halika, kain tayong agahan. Nagluto ako,” aya ni Paul habang hinahawakan ang braso ko at marahan akong hinahatak upang makatayo.

Kinusot ko ang aking mga mata at sumunod na sa kanya patungo sa aming dining area. Naka-briefs lang ako, pero hindi na ako na-conscious. Kaming dalawa lang naman ang nasa bahay.

Sandali muna akong naghugas ng aking mga kamay sa lababo. Marahan din akong naghilamos ng tubig sa aking mukha. Ramdam ko pa rin kasi ang natuyong mga luha ko mula kagabi. Tapos ay sinamahan ko na si Paul sa hapag kainan. Hotdog, itlog at sinangag ang nakahanda.

Sinandukan pa ako ng bayaw ko ng pagkain sa plato. Tapos ay kumain kami. Tahimik lang.

HIndi ako makatingin nang diretso kay Paul. Balot na balot ako ng hiya, sa kung anuman ang nagawa ko kagabi kasama siya. Hindi ko na alam kung ano na ang iniisip niya ukol sa akin.

Si Paul ang nagbasag sa katahimikan. “Kumusta ka na, Kuya Dave?”

“Okay lang,” sagot ko,. “Pasensya ka na kagabi, ah. Nagmukha yata akong tanga.”

“No. Naiintindihan kita. Siguro natural lang na maging ganoon ang reaksyon kapag nakita mo ang dati mong boyfriend pagkatapos ng matagal na panahon,” empathic na tugon nito.

Nilunok ko ang huli kong sinubong pagkain. “Paul, sana kalimutan na natin. Kung anuman ‘yung naganap.”

Tumango siya. “Makaaasa ka. Hindi natin pag-uusapan kung ayaw mo. Pero medyo in-awe lang ako. Alam mo ‘yun, all this time, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa atin...  ‘yung mga sex trip natin, I always wondered kung, ano ka bilang isang lover. At least, nagka-glimpse ako kagabi.”

Kumunot ang noo ko. “Shit! Masyado akong wasak. Tangina.”

“Heto ah, honestly. Sa loob ng tatlong taon na nakasama ko kayo sa bahay, halata ko talagang aloof ka. Wild ka sa kama, oo. Pero bukod sa sex, wala na masyadong deep na connection,” puna niya.

Inisip ko kung paano ko ipapaliwanag kay Paul na una ko pa lang siyang nakita ay may nadama na akong kakaiba at espesyal sa kanya. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na sa lahat ng mga lalaking naka-sex ko, siya ang pinaka gusto ko, at siya ang gusto kong lambingin? Na kung may isang tao na gusto kong gustuhin katulad kung paano ko nagustuhan si Mack McFadden, ay si Paul iyon? Na sa bawat pagkakataon na kasama ko siya ay nahuhulog ako. Na kaya ko siya inaya kahapon para sa lunch date, ay para kahit papaano ay maipakita sa kanya na lumalalim na ang pagtingin ko sa kanya?

“Hindi naman natin kailangan na magkaroon tayo ng deep connection. Bayaw mo ‘ko,” mariin kong sinagot. “Asawa ka ng kapatid ko. Hindi tama ang ginagawa natin. Pero heto na tayo.”

Yumuko si Paul. “Naiiintindihan ko Kuya Dave.” Uminom siya ng kape.

Nagpatuloy kami ng pagkain.

Nagsalita muli si Paul. “Pero siguro naman… puwede tayong maging magkaibigan naman, ‘di ba?”

Napabaling ako sa kanya. Tiningnan ang kanyang mukha na lumiliwanag sa pag-asa. Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

-----o0o-----

“Hi Sir Howell! Ang lakas-lakas mo naman, buhat mo lahat ‘yan?” Puna sa akin ng dalawa kong estudyanteng babae.

Ibinaba ko ang malalaking eco-bag na puno ng mga workbooks ng estudyante ko. May dalawang estudyanteng babae ang humarang sa akin, nasa isang klase ko ang mga ito.

“Yes, che-check-an ko na para makuha niyo ang grades niyo,” magiliw ko namang turan.

Hinaplos-haplos ng isang babae ang buhok habang kinakausap ako. “Naku Sir ah. Baka naman ibagsak mo kami, ah.”

Siniko ito ng kasama. “Sus! Gusto mo naman ‘yun na mag-repear ka sa klase ni Sir Howell. Sir Dave oh, crush na crush ka nitong si Naya.”

“Hindi ah!” pagtanggi ng nauna, na pulang pula ang mukha.

Muli kong hinawakan ang mga dalahin ko. “Oh siya. Paraan na ako ladies. Mahaba-habang checking pa ang gagawin ko para sa mga klase ko.” Nilubayan naman ako ng mga estudyante at nagpatuloy.

Ilang metro mula sa gate ng school ay bigla namang sumulpot ang isang lalaking estudyante ko, at kasama rin sa players ng basketball team kung saan ako ang assistant coach.

“Hello Sir Dave, ang dami mong dala, tulungan na kitang buhatin ‘yan,” sabi ng guwapong varsity player.

Umiling ako. “Hindi okay na ako. Kaya ko na ‘tong mga ‘to.”

Ngumiti siya sa akin. “Kung sa bagay, elibs talaga ako sa biceps mo. Grabe! Sobrang batak ng katawan mo! Buhat naman tayo minsan na magkasama,” yaya ng varsity player.

Tumawa lang ako. “Hoy, huwag ka na magdagdag ng muscle weight ah. Ang bagal mo na ngang tumakbo.”

Namula ang lalaki. “Si Coach Dave naman.”

“Oh, siya. Uuwi na ako,” paalam ko. Pinaraan niya na ako.

Sa loob loob ko ay medyo natuwa naman ako. Hindi lang babae ang nahuhumaling sa akin. Pati rin mga guwapong lalaki na pahapyaw na pumoporma sa ’kin. Pero siyempre wala na akong papatulan sa kanila. May iba akong mga nakaka-trip, pero kinikilatis ko muna kung mapagkakatiwalaan at kung trip ang marahas na sex na gusto ko. At kapag masyado nang nahuhulog ay umuurong na ako.

Ayaw ko nang mangyari ang dating nangyari sa akin na ikinawasak ko lang.

Nang makalabas ako sa gate ay nakita ko si Paul. Nakatayo siya roon at naghihintay. Ikinagulat ko iyon. Sinalubong niya ako at kinuha ang gamit ko.

“Wow! Ang dami mong dala. Mukhang subsob ka na naman sa pag-check mamaya,” wika ni Paul.

“Bakit ka andito?” pagtataka kong tanong.

“Eh, kasi ‘di ba? Nasa kasa ang kotse mo.” sabi niya. “Kaya naman sinundo na kita.”

Kinunot ko ang aking noo. “Huh? Hindi mo naman kailangang gawin ‘yun.”

“Eh gusto ko, eh. Alam mo, nami-miss ko din ‘to. ‘Yung may hinahatid-sundo ako na sinusuyo ko,” nakakalokong sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Tapos ako ‘tong pinagti-trip-an mo.”

“Yeah. Kesa naman ibang tao,” sarkastiko nitong sagot. “Isa pa, parang sakto rin naman. Kasi ang dami ng dala mo, oh.”

“Sige sige,” napilitan kong pag-amin.

Pero sa loob ko, syempre kinikilig ako. Matagal na rin akong nakahanap ng isang lalaking kasing espesyal nitong si Paul. Una pa lang, ubod itong guwapo. Papasa itong commercial model dahil sa good boy looks nito. Matangos ang ilong, maganda ang ngiti at pantay at mapuputi ang mga ngipin. Makinis ang kutis at sobrang ganda ng katawan kahit medyo baggy ang suot na polo na uniform niya sa pharma company na pinagtatrabahuhan.

Pero sa likod ng maaliwalas na awra ng lalaki, nagtatago ang isang manyak na laging handa sa kahit anong sex trip na ihahain namin ni Daddy Roger sa kanya.

Katulad niya, na-miss ko rin ang may nilalambing, at may natatanggap na lambing. Mula noong araw na nakita niya kung gaano ako kawasak noong nakita ko si Mack, ay naging mas malapit kami sa isa’t-isa. Binubukas ko na ang aking sarili. Hindi na ako umiiwas. At dahil doon, lalo ko siyang nakikilala. Lalo akong nahuhulog sa kanya.

Inisip ko na lang. enjoy-in ko na lang itong tinginan namin. Hindi ko naman siya aagawin kay Liza.

“Dinner? My treat,” ang unang sinabi ni Paul nang binuhay niya ang makina.

Hindi na ako sumagot. Libreng pagkain. At libreng pagkakataon upang makasama ang aking source ng infatuation. Ngumiti na lang ako bilang pag-ayon.

Dinala niya ako sa Jollibee. Tig-isang order kami ng two piece chicken tapos parehong may extra rice. Magana kaming kumain dalawa.

“Kuya Dave, ano’ng plano mo sa buhay?” biglang seryosong tanong ni Paul.

“Huh? Eh ‘di magpatuloy lang sa pagtuturo. Tapos tuloy lang din sa pag-coach ng basketball team. Siguro kukuha ako ng PhD. Pero eventually kukunin din ako ni Dad para mag-manage ng bigasan after him,” sagot ko naman.

“No, hindi sa career, sa pag-ibig?” usisa niya.

Sumimangot ako. “Ano ba namang tanong ‘yan? Wala naman sa plano ko ‘yan.”

“So, hindi ka mag-aasawa? Or uhm… magkaka-boyfriend?” maingat na tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko. “Huh, parehong masagwa ang experience ko sa pareho. Siguro ang mag-asawa may kaunti pang chance. Pero ‘yung magka boyfriend? Wala na talaga. Natuto na ako. Nasaktan na ako. Walang mabuting maidudulot sa ’kin ang ganyan. Isa pa, hindi na talaga ako papayagan ni Dad.”

Mukhang nalungkot si Paul sa sinabi ko. “So, wala ka na talagang balak na, magkaroon ng romantic relationship? Sold ka na sa ganyan, sa hindi ka na mai-inlove pa?”

“Ayoko na,” mariing kong turan. “Siguro sobrang spesyal na tao na lang ang magpapabago sa isip ko.”

Napakagat siya ng labi. “Well... kung sino man iyun, napaka-swerte ng taong ‘yun."

Matagal kaming nagtitigang dalawa. Nangungusap ang aming mga mata. Sigurado rin ako, na kahit papaano, espesyal din ang tingin sa akin ng aking bayaw.

“Salamat dito sa dinner, Paul ah.”

“Basta ikaw. Kahit ano bibigay ko.” Tapos ay kinindatan niya ako.

-----o0o-----

Sa gitna ng aking pagwawasto ng mga papel ng estudyante ko ay biglang may nalagay na tasa sa aking study table.

Napabaling ako at napatingala. Naroon sa likod ko si Paul na nakatayo. SIya ang nagdala ng kape para sa akin.

“Hi,” ang bati ko sa kanya habang kinukusot ang aking mga mata.

“Alas dose na, Kuya. Baka gusto mo munang magpahinga, kailangan na ba talagang tapusin ngayon ‘yan?”

Sumipsip ako ng kape. “Hindi naman. Pero mga sampu na lang ‘tong natitira. Tatapusin ko muna.”

Pinagpatuloy ko ang pagsulat sa mga workbooks.

Naramdaman ko ang mga kamay ng bayaw ko na minamasahe ang aking mga ngalay na balikat. Hinayaan ko na lang siya. Nagbigay iyon ng labis na ginhawa sa akin.

Dahil naka-briefs na lang kami pareho sa aking study area, nararamdaman ko ang pagdikit ng aming mga balat. Ang kanyang bukol ay tumatama sa likod ng aking ulo. Halatang tumitigas iyon habang tumatagal.

Habang winawasto ko na ang huling papel ay nagsalita ako. “Alam mo ang nangyayari kapag kinakanti mo ako.”

Tumawa si Paul habang lalong dinidiinan ang masahe sa akin. “Handa ako lagi sa ’yo Dave. Gusto mo bang ituloy ko na sa full body massage ‘to?”

“Ahhh sige. Gusto ko nga ‘yun.” Tapos ay tinabi ko na ang lahat ng mga papel na na-check-an ko. Tumayo ako.

Si Paul naman ay hinawakan ang aking kamay at inakay ako sa aking kama at sinabing; “Dapa. Hintay ka lang diyan. May kukunin lang ako.”

Saglit siyang lumabas, at nang bumalik ay may dalang bote. Nilagay niya iyon sa bedside table ko. Sumampa siya sa kama, sa ibabaw ko. Kumuha siya ng clear at malapot na likido mula sa bote.

“Bagong massage ointment namin sa pharma company,” sabi niya. “Marami siyang benefits. And at the same time, it’s safe to ingest.”

Naramdaman ko ang kanyang kamay na kinakalat ang malagkit na likido sa aking likod. Habang pinapahiran niya ako ng ointment ay parang naglalaban ang init at lamig sa pakiramdam ko. Para ding sabay akong gustong matulog at magising. Sobrang exhilirating na nababalot ako ng likido na iyon.

Halata naman na may skill talaga si Paul sa pagmamasahe. Pero halata rin na may kasamang tsansing ang hawak niya sa aking katawan. Mahigpit ang kanyang mga pisil sa aking matitigas na mga masel.

Minsan ay dumadagan siya sa akin. Kaya naman nararamdaman ko din ang kanyang perpektong katawan sa likod ko, na dumudulas dahil sa oitnment na nakalagay sa akin. Minasahe din niya ang aking mga binti at hita. Ngunit nang dumating ang kanyang mga kamay sa aking puwet ay nilamutak niya iyon. Hindi nagtagal ay hinubad na niya ang aking briefs.

Hindi ko napigilang umungol. Bukod kasi sa nare-relax ako, ay nagsisimula na rin akong tablan ng libog.

Naramdaman ko ang pagkiskis ng bukol niya sa gitna ng mga pisngi ng puwet.

“Ops. Ops. Walang ganyan, ikaw, ah,” biro kong pagpigil kay bayaw.

Napahagikhik si Paul at tinuloy ang pagmasahe. “Nagbabaka-sakali lang. Mas-excited pa si masahista sa extra service kesa sa customer, eh.”

Matapos ang ilang minutong masahe ay naramdaman ko ang paghiwalay ng mga pisngi ng aking puwet. Tapos ang mukha nito ay tumungo sa gitna. Naramdaman ko ang kanyang dila na nilaplap ang aking butas.

“Ohhhh shiiiiiit…” malakas kong ungol. Sobrang galing talaga ng bayaw ko sa pagri-rim.

“Hmmmrmmm… Uhmmm…” pinaparinig pa sa akin ni Paul ang pag-ungol at pagsaltik ng laway habang tinatrabaho ng bibig at dila niya ang aking lagusan.

Napakalmot ako sa kama at sa mga unan. Doon ko sinigaw ang aking mga nasasarapang reakson. HIndi nakatulong ang pag-init ng aking katawan dahil sa ointment. Ang aking titi ay nagbabasa na ng precum sa aking kubrikama.

“Sarap ng butas mo, Dave… Uhhhmmm!” Lalo niyang nilaliman ang paglaplap sa aking butas. Tumagal siya ng ilang minuto bago siya umahon sa aking butas.

Napalingon ako. Nakita ko siya na nagtatanggal ng briefs. Ang kanyang katawan ay nangingintab na sa ointment, kaya naman aninag ang magagandang cuts. Ang kanyang titi ay namamaga na rin.

“Sexy mo,” puri ko.

“Sexy ka lalo. Gago!” Inabot niya ang drawer, “may susubukan lang tayo, ah.”

May kinuha siyang isang butt plug.

Nanlaki ang aking mga maya. “ipapasok mo sa ’kin ‘yan?”

“Yeah. Mukhang uhaw ang butas mo, eh,” sagot niya.

“Ugh. Eh kasi naman eh, ni-rim mo ng husto. Sige pasok mo na.” Muli ay sinubsob ko ang mukha ko sa mattress.

Naramdaman ko ang pagpasok ng firm na silicone na hugis cone sa aking lagusan. Dahil sa ointment at laway ni Paul, madali niyang naipasok ang buong three inches. At dahil sa hugis niyon ay na-stuck iyon sa aking butas.

“Ohhh shit!” ang aking reaksyon nang mapuno ang aking lagusan. Hindi na ako madalas nagpapakantot katulad noon. Buti na lamang ay laging game magpa-bottom si Paul, si Dad at ang ibang mga ka-trip ko. Pero hindi pa rin naman nawawala ang sensasyon sa aking puwetan kaya ikinadagdag ng libido ko ang buttplug na iyon.

Tinuloy ni Paul ang pagmasahe sa akin. Panay ang contract ng ass ring ko sa bawat hagod na ginagawa niya. Doble dobleng sensasyon na ang nararamdaman ko kaya naman napapahiyaw na lamang ako sa sarap.

Tapos ay naramdaman ko ang pagdulas ng matigas at malapad na dibdib ni Paul sa aking likod. Paulit-ulit iyon. Nara-rub din ang hita ang puwet ko ng titi nito.

Bumulong siya sa akin. “Kantutin mo ako, Dave. Kuya kantutin mo ako.”

“Okay.”

Nilubayan niya muna ako upang ako ay makagulong paharap. Lumitaw ang titi kong nakasaludo.

Muling sumampa sa kama si Paul. Kumuha pa siya ng maraming oil. Tapos ay ginamit niya iyon upang ipang-jakol sa titi ko.

“Oooooooohhh yeahhh!” aking ungol. Talagang alam ng lalaki kung ano ang sensitibong parts ng aking ari.

Ang isang kamay ni Paul ay inaabot ang sariling puwet at sinisimulang fingerin at padulasin ang lagusan.

Sobrang sexy talaga ni Paul kapag umaate siyang parang putang hayok. Tapos sobrang ganda ng katawan. Para akong kumakana ng artista. Naglalaway na parang gripo ang kanyang burat.

Gumalaw na siya at tumungo sa ibabaw ko. Habang nakaharap sa akin ay unti-unti niyang binaba ang sarili sa aking ari.

Naramdaman ko kung paano unti-unting pumasok ang kabuuan ko sa kalooban niya. Dahil sanay ito magpakantot at madulas din sa ointment ang titi ko at puwet niya, madali kong nasagad sa kalooban niya ang aking tarugo.

 “AHHH gago shit! Sarap!” Tapos ay kumuha ako ng unan at kinagat ko. Nakakahibang ang sarap.

Lalo naman nang nagsimulang umindayog na si Paul. Ang mukha niya ay distorted dahil sa sarap na nadarama. Nakakalibog na panoorin na ang guwapo, baby-faced na maton kong bayaw ay ginagamit ang lahat ng lakas upang sakyan ako. Fine-flex pa niya ang muscles kaya naman shit! Lalo talaga akong malilibugan.

“Ahhh tangina! Ang titi mo, ang sarap ughhh sige. Fuck me!”

At tumalima naman ako. Sinabayan ko ang pagbaba niya ng pataas na kadyot. Tumirik sandali ang mga mata niya bilang senyales ng kanyang pagkasarap.

 Matapos ang ilang minutong paghihinete sa akin ay umikot si Paul. Tapos tumuloy sa pagsakay.

Nakatambad sa akin ang kanyang malapad na likod at ang kanyang matambok na puwet na tumatalbog sa bawat pagbagsak niyon sa aking bayag.

Napasilip ako sa harapan niya at nakitang nakatapat kami sa full sized mirror sa wall.

Nakita ko kung gaano kalapot tingnan ni Paul ang kanyang sarili sa salamin. Parang ine-enjoy niya talaga ang pagmumukha niyang puta.

“Tangina. Ano? Nalilibugan ka sa sarili mong kaputahan?” marahas kong turan. Lumabas na muli ang aking pagka-rash sa sex. “Sige, tangina. Pakita mo kung ga’no ka kalibog.”

Idagdag pa sa sensasyong nararamdaman ko ang buttplug na nag-i-stimulate ng aking lagusan.

“Ahh tangina. Deeper! Shit ah! Kantutin mo pa ako!” sabi niya habang nilalapirot ang sariling utong sa isang kamay at nagjajakol naman sa kabila.

Hindi ko na kaya na patagalin pa ito. Tumayo ako bigla at pinatuwad siya. Napatukod siya sa salamin.

“Aghh tangina mo!” hiyaw ko, “ughh ughhh ahhh ughhh!”

Sinimulan ko siyang barurutin, mabilis. Pinalakas ko pa lalo ang palakpak na tunog ng kanyang puwet at aking balakang.

Nahahalo na ang pawis sa ointment sa aking katawan. Pati sa kanya.

Ang aking mga mata ay nakapako sa salamin. Bukod sa namamangha ako sa sarili kong matikas na katawan na namumula at nagmumura ang muscles habang pinipiston ko ang aking bayaw, nakita ko din ang pagsusumamo sa mga mata ni Paul. Walang dudang nasasarapan siya sa ginagawa kong pagkantot.

Tumatalsik na rin sa salamin ang mismong precum ni Paul habang sinasalsal niya ang sarili.

Sinabunutan ko siya at lalong nilaliman ang pagkantot sa kanya. Sa sobrang bilis ng ragasa ko sa puwet niya ay kusang ng pop palabas ang buttplug sa puwet ko. Napaungol ako dahil sa nangyari.

“Ughhhh I’m cumming!” babala ni Paul.

Kinagat ko ang tainga niya. “Sige lang.”

“Ahhh lalabasan na ‘ko! Puputok na! AHHH!” Sumirit ang katas ni Paul at tumama sa salamin. Nakapitong putok siya. Sa bawat putok ay nasasakal ang titi ko sa kalooban niya.

“Ako din! Lalabasan na!”

Biglang hinugot ni Paul ang sarili niya mula sa ari ko, humarap sa akin at lumuhod. Jinakol niya ang titi ko sa tapat ng mukha niya.

Sa sobrang libog ko sa nangyari ay pinakawalan ko na ang aking katas.

“GAAAAAHHH FUCK INAMO!”

Kumalat sa kanang side ng mukha ni Paul ang aking tamod. Tangina. Ang guwapo niyang lalaki. May tamod sa mukha.

Ngumisi siya habang nakatingala sa akin. Pinasok niya sa bibig ang tamod sa kanyang mukha at ininom at nilunok ang lahat.

Tumindig na siya at hinalikan ako. Nalasahan ko pa ang sarili kong tamod. Matapos ang halik ay nagtitigan kami.

“I love you,” sabi ni Paul.

Kapwa kami nagulat sa sinabi ni Paul.

Parang natigil ang aking puso. Alam kong may malalim na kaming tinginan ni Paul pero wala akong balak na suungin namin na magka-in-love-an kami. Sobrang hindi kami puwede.

Hindi ako sumagot agad. Bagkos ang sinabi ko ay; “Maliligo lang ako.”

“Okay.”

Pumasok ako sa CR at nagsimulang linisin ang sarili. Habang binabanlawan ko ang aking sarili, napapaisip ako kung paano ako makikitungo sa bayaw ko matapos ang napaka-awkward na pangyayari.

Matapos kong maligo ay sumunod si Paul. Habang naliligo siya ay nasa kama lang ako ng kuwarto ko. Tuliro.

Nang matapos siya ay lumabas na siya ng CR. Tapos ay tumingin siya sa akin nang mariin. “Kuya Dave sorry. Hindi ko dapat sinabi ‘yun. Hindi ko rin naman kasi alam kung iyon talaga ang nararamdaman ko. Pero pasensya ka na. Awkward tuloy.”

Tumango ako. “Okay lang. Basta, Paul. Sana lagi mong iisipin pa rin na may asawa ka, at kapatid ko iyun. Kaya kung may nararamdaman ka sa akin… pigilan mo. Sex lang tayo.”

Tumango din siya. “Alam ko. Salamat sa pag-intindi. Una na ‘ko.”

Akmang tatalikod na siya upang bumalik sa sariling kuwarto nang tinawag ko siya. “Teka. Paul sandali.”

“Hmm?”

“Gusto mong… tumabi dito sa’kin?” hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ‘yun.

Ngumiti lang si Paul at lumapit. Sumampa siya sa kama. Niyakap niya ako.

Naramdaman ko ang tibok ng aming mga puso. Pareho ng bilis, pero hindi magkasabay.

-----o0o-----

Sa loob ng mga sumunod na maraming buwan ay mas lalo kaming naging close ni Paul. Madalas kaming magna-night-out. Madalas pa ring mag-sex, minsan may ibang mga fuck buddies na kasama at syempre si Dad.

Hindi na ulit naulit ni Paul na sabihan niya ako na mahal niya ako. Pero alam ko na nananatili pa rin ang ganoong pagtingin niya sa akin. Halata naman sa lambing at concern ng mga kilos niya kapag kasama niya ako.

Ako naman, alam kong may malalim na rin akong pagtingin sa kanya. Hindi ko puwedeng pangalanan na ‘pag-ibig’ ang aking damdamin, dahil hindi ko na rin naman alam kung ano ‘yun at kung ano ang dapat gawin. Mas madaling matakot masaktan kesa sumubok magmahal para sa akin.

Pero pareho kasi kaming lonely ni Paul. Ako, single. Siya naman, wala ang asawa. Kami ang naging katuwang ng isa’t-isa, lalo na’t wala naman lagi si Dad dahil busy sa business.

Habang kami ay nasa isang parking lot sa edge ng cliff sa may Antipolo ay naroon lang kami sa kotse. Magkatabi sa back seat. Pinapanood namin ang maliliwanag at makukulay na ilaw ng syudad na nasa ilalim ng cliff.

Inabutan niya ako ng isang box ng tsokolate. “Hey! Happy valentine’s Dave.”

Ako naman ay kilig na tinanggap ang regalo. “Oy. Shit. Nag-abala ka pa.”

Nagkibit balikat si Paul. “Wala. Maliit na bagay. Na-miss ko lang din na may pisikal na kasama sa Valentine’s. Thank you sa pagpayag na maging valentine’s date mo,” dagdag ni Paul.

Natawa ako. “Eate mo talaga ako?”

“Yeah. Ikaw ang source ng well-needed intimacy ko for the last how many months?” paliwanag niya. “Siguro naman, tama lang na ikaw ang makasama ko sa valentine’s.”

Uminit ang mukha ko. “Bola.”

Hinilig niya ang ulo niya sa akin. Hindi na siya nagsalita. Pero ramdam ko ang kanyang pagsusumamo sa lambing ko.

Inabot ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko iyon. Pinisil. Sa ganoon ko lang masasabi sa kanya na importante siya sa ’kin.

“Dave.”

“Hmm?”

 “Kung nakita kita bago si Liza, tingin mo magiging tayo?”

Napalunok ako. Binalikan ko ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang mukha ni Paul. Pagkatapos ng matagal na panahon na hindi ako interesado na magkaroon ng malalim na ugnayan sa isang lalaki. Unang tingin ko pa lang sa kanya, ay biglang umusbong ang pag-asa. Na madali din namang nawala nang nalaman kong boyfriend siya ni Liza.

“Hindi ko alam. Straight ka. Hindi mo naman siguro ako papansinin,” ang sinagot ko.

“Hindi rin. Feeling ko, makukuha mo ako.” May ngiting wika ni Paul. “At magpapakuha ako sa ’yo."

Nagtinginan kami. Nagtama ang mga mata. Tapos ay naghalikan.

Romantiko ang araw na iyon, kaya hindi laplapan ang ginawa namin. Masuyong halik, matagal, madamdamin, passionate, halong libog, halong ligaya.

Biglang nag-vibrate ang pocket ni Paul sa shorts.

Napabalikwas kami. Tiningnan niya ang cellphone at sinabing; “Ooops. Liza.” Sinagot niya iyon. “Hello hon… yeah…”

Naging iregular ang paghinga ko. Para akong nabasa ng tubig. Masarap ang kasalanan pero kapag nandiyan na ang taong apektado sa kasalanan, mahuhulas ka talaga. Umusod ako sa pinakagilid ng kotseng kinakalagyan namin.

Pinagmasdan ko ang kasama ko na kausap ang asawa. Mukhang malungkot ang mukha niya habang panay ang pag-oo sa kausap.

Matapos ang ilang minuto ay natapos ang tawag.

Sobrang troubled ang hitsura ni Paul.

Kumunot ang noo ko. “Ano’ng nangyari?”

Bumuntong-hininga na sukong-suko si Paul. “Nag-aayos na ng papel si Liza. Pinapasunod niya na ako sa Canada."

 

 

Itutuloy........


My Best Friend (Part 2) Last Part

  My Best Friend (Part 2) Last Part   “Maputol lang kita Dennis sa sasabihin mo pa ha, kasi may gumugulo lang sa isipan ko. Siguro naman...