By: thelustprince
From: Mga Kwentong Malibog
Bitak
Ang
kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo base sa isang tunay na
karanasan. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay hindi
sinasadya. Paumanhin po sa mga mambabasa.
-----o0o-----
Isang
umaga sa palengke.
“Tama
nga kayo manang, totoong lahat ng kinuwento n’yo sa akin noon. Kagabi nagtapat siya
sakin at isipin ko mang magalit ay wala itong maitutulong o patututnguhan.
Kahit mahal ko siya ay hindi ko na kakayaning makisama sa kaniya,” ang
malungkot na bungad ng babaeng nasa eded 36 sa isang matandang babaeng madalas niyang
kasabay mamalengke.
“Ayan
na nga ang sinasabi ko sa iyo. Hindi ako maaring magkamali, oo matanda nga ako
pero hindi pa naman ako bingi, at kahit hindi ako nakapag-asawa e hindi naman
ako tanga at alam ko kung anong klaseng tunog o kaluskos ang narinig ko sa
kabila ng dingding. May Ibang kaulayaw ang asawa mo, naglaro siya ng apoy
kasama ng batang iyon. Ay naku, bakit ba inulit ko pa, e kay tagal ko nang kinukuwento
ito sa iyo. Ay ulyanin na talaga ang manang mo,” bulong din ng kausap na
matandang lagpas sesenta na ang edad, sinisiguro niyang silang dalawa lang ang
nagkakarinigan habang kasamang naglalakad ang babae at naghahanap ng lulutuing
isda.
“Salamat
po manang at hindi kayo nag-alangan sabihin sa akin ang lahat. Matagal na po
kayong kilala ng aming pamilya at kaibigan pa ng nanay nung nabubuhay pa siya.
May tiwala po ako sa inyong mga payo. Hayaan n’yo po, mahirap man para sa akin
ang lahat ay tanggapin ko pa din na ito ang tadhana naming dalawa,” Tugon naman
ng babae.
“Sigurado
ka ba d’yan sa desisyon mo?” ulit ng matanda habang dumudutdut na ng isda.
“Sa
tingin ko po ay ito ang mabuting gawin kung sakali. Alam kong nakapagdesisyon
na siya at hindi ko siya pipigilan. Alam ko rin naman na wala nang patutunguhan
ang aming pagsasama kung ipipilit ko pa sa kaniya ang aking sarili,” ang sagot
naman ng babae habang nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata.
-----o0o-----
Sa
loob ng silid ay nakaupo ang isang lalaki sa papag at may kung anong pinunit na
pahina ng isang babasahing magasin. Makintab ito, tamang tama aniya para hindi
madaling masira o matunaw kung mababasa man ito ng tubig. Pagkatapos ay hinatak
palapit sa kaniya ang isang lamesita, kinuha ang isang ballpen sa drawer at
nagsimulang guhitan ang mga titik at salita na gusto niyang guhitan. Ito ang
gagamitin niyang pambalot ng pagkaing ipababaon niya sa isang taong bibiyahe ng
napaka-layo.
“Ano
yang ginagawa mo?” Malambing na tinig ng babaeng pumasok sa silid. Ito ang kaniyang
asawa.
“Ah
wala naman, gagamitin mo pa ba ang magasin na ito? Pumunit kasi ako ng isang
pahina. Mainam kasi itong pambalot ng babauning pagkain sa biyahe, hindi agad
lalamig dahil makintab at makapal. Para naman may kakainin siya at napakahaba
ng kaniyang biyahe,” Ang mahabang paliwanag ng lalaki at lumabas na ito
patungong kusina upang ibalot na ang pagkain na nasa hapag kainan. Pagkatapos
ay lumabas na ang lalake sa kusina para tawagin na ang pinaghandaan ng baon at
ayain na din kumain muna ng hapunan bago bumiyahe…
Maya-maya
ay sumunod din ang babae sa kusina upang ihanda pa ang dapat ilagay sa hapag
kainan. Sa labis na pagtataka ay hindi niya napigilang kunin ang binalot na
baon. Wala namang sabaw kaya pwedeng pagbali-baligtarin sa isip niya. Kaya
pinihit-pihit niya ang binalot, waring may hinahanap at nakita niya ang mga
titik at salitang may guhit. Binasa niya ito, kailangang magmadali dahil baka
bumalik na ang asawa at bisita. Hindi nga siya nagkamali, malinaw pa sa liwanag
ng araw ang sinasaad ng mga letra at salitang ginuhitan ng kaniyang asawa.
Hindi
niya na napigilan ang pagpatatak ng kaniyang luha habang inilalapag muli ang
nakabalot na bauning pagkain sa ibabaw ng mesa.
-----o0o-----
Napakaraming
pasahero ang bumaba mula sa bus, halos lumawa na ang kaniyang mata sa pagsipat
sa bawat mukha ng bumababa, at kandahaba ang leeg na iniisa-isa ang bawat
pumapanaog mula sa estribo ng bus.
Hanggang
sa naubos na ang lahat ng pasahero, wala ang kaniyang hinahanap. Nakaramdam siya
ng inis, higit dalawang oras kasi siyang nag-antay sa bus para lang malamang
wala doon ang susunduin niya. Alas kwatro na ng hapon, babalik na lamang siya
sa opisina at marami pa siyang pipirmahang papeles. Payukong tumayo na
nakadukot sa bulsa ng pantaloon ang mga kamay at nagsimulang tinungo ang kaniyang
sasakyan. Malungkot na binuksan ang pinto at umupo na sa driver’s seat para
magmaneho. Saglit na niluwagan ang kurbata, para kasing hindi na siya makahinga
sa sobrang inis at lungkot na nararamdaman. Nginig ang kamay na ipinasok ang
susi upang i-start ang makina, nang biglang nahulog ang kaniyang susi, kasabay
na pumatak ang kaniyang mga luha.
Natagalan
siya sa pagkapa ng susi, nang makita ay dinukot muna ang kaniyang panyo at
pinunasan ang kaniyang luha. Dahil na din sa pagod at sa tagal na paghihintay
na nauwi sa wala ay sumandal muna sandali at pumikit upang ipahinga ang mata.
Pagmulat
niyang muli ay napansin niyang lumabo windshield ng kotse niya. May kung anong
malapad na tela ang nakatabon doon kaya asar na asar siyang bumaba ng kotse
para lang mapansin na halos buong sasakyan pala ang kinumutan ng parang yari sa
net na tela. Sa inis ay pahawing itinapon ang nakatabon na iyon.
Biglang
manlamig ang buo niyang katawan. May nagsalita sa bandang likuran niya.
“Huwag
mong itapon, bagong bili ko yan…”
Malambing
ang pamilyar na tinig. Kung hindi siya nagkakamali, ang may ari ng
napakagandang tinig na yun ang unang nagpatibok ng kaniyang puso dalawang taon
na ang nakakaraan at magpahanggang ngayon, at siguro ay mamahalin niya
habambuhay.
“Ang
layo ng pinanggalingan ng kulambo na yan para itapon mo lang.”
Ngunit
bago siya nakaharap sa direksyon ng tinig ay mabilis na siyangg niyakap ng matitipunong
bisig na yun mula sa kaniyang likuran. Kay tagal niyang inasam na muling
maramdaman ang sarap ng yakap na iyon. Napapikit na lamang siya habang
bumubulong sa likod ng tenga niya ang lalaki na nagtabon ng kulambo sa kaniyang
kotse.
“Sige
ka, wala na tayong magagamit sa pagtulog at tyak papapakin tayo ng lamok.
Isang
halik. Nag-aalab at puno ng pag-ibig ang sumunod na tagpo, kasabay ng pagbabalik
alaala ng hindi malilimutang kabanata sa kaniyang buhay.
-----o0o-----
Tagaktak
ang pawis na tinatahak ni Dennis ang malawak na dating bukirin ng palay.
napapangiwi siya habang naglalakad, amoy na amoy niya kasi ang alimuom ng
lupang tigang. Ngayon niya lang naranasan ito kung kaya’t damang-dama niya ang
pagod sa haba ng kaniyang nilalakbay na pilapil at basang-basa na ng pawis ang
kaniyang suot na t-shirt, pati singit niya ay hindi pinatawad ng pawis.
Manaka-naka ay pinapahid niya ng kaniyang bisig ang butl-butil na pawis sa kaniyang
noo na nagpapadagdag ng kaniyang yamot habang patuloy na naglalakad.
Sa
wakas ay nakatawid na din siya sa bukid, patag na lupa na ang dinadaanan niya
ngayon at medyo nakaramdam na rin ng kaunting ginhawa ang kaniyang mga paa
dahil sa pilapil na kaniyang dinaanan. Kahit pagod ay nakukuha niya nang
ngumiti dahil sa wakas ay malapit na siya sa kaniyang pakay sa lugar na iyon.
“Manang
isang malamig na malamig na softdrinks nga po.” Sabay lapag niya ng anim na
piso sa tapat ng nakaawang na bintana ng tindahan at iginala ang mga mata sa
paligid at iniisa-isa ang mga kabahayang natatanaw. Pabalik balik niyang
sinuyod ang mga ito waring may hinahanap na kung ano.
“Boy,
baka mawala na ang lamig ng softdrinks mo, sayang naman.” Ang mahinahong wika
nung lalaking nasa loob ng tindahan.
“Ay
oo nga pala salamat po!” sabay dampot ng bote at sinimulang humigop sa straw.
Sinipat
ni Dennis ang pinanggalingan ng tinig. ‘Di niya kasi akalain na lalake pala ang
bantay ng tindahan, ‘di naman kasi ito nag reklamo ng tawagin niya itong manang
kani-kanina lamang. Napakaganda naman ng boses niya, buong-buo, lalaking lalaki
pero malambing at may kiliti sa pandinig, parang nanghihikayat ng kakaibang
sarap.
Inaninag
niya ang loob ng tindahan ngunit hindi niya makita ang tindero. madami kasing
mga nakasabit na mga sari-saring paninda sa malaking bintana na naka-chicken
wire. Bahagya siyang yumuko at sumilip sa maliit na bintanang nakaawang kung
saan duon inilabas ang kaniyang soffdrinks na patuloy niya pa ring hinihigop.
Nanlaki
ang kaniyang mga mata ng makita ang hinahanap. Isang lalaki nga ang tindero at
walang damit pang taas, nakabukakang nakaupo sa bangkito at nakaharap sa maliit
na tv na nasa gawing ilalim ng bintana kung saan nakayuko si Dennis.
Napakaganda ng hubog ng kaniyang mga hita, bilugan ngunit aninag ang matigas na
muscles at hindi din magpatalo ang mga binting ginagapangan ng maninipis na
balahibo.
Isang
lumang basketball shorts na kulay dilaw lang ang kaniyang suot at may maliit na
tastas sa pudilyo. At duon siya nakatutok ng tingin, pilit niyang inaaninag ang
bahagyang sumusungaw na parang sinegwelas sa maliit na tastas na iyon.
Tama
si Dennis, ulo ng titi ng tindero ang nakadungaw na yun. Bigla siyang napalunok
kung kaya’t hindi niya napansing bumilis ang pagkakasupsop niya sa straw ng kaniyang
softdrinks. Umakyat siya ng tingin sa may bandang puson, nakita niyang may
maninipis din na balahibong nakasapin doon, at aninag ito sa kaniyang matigas
na muscles sa tiyan. Mainit ang panahon kung kaya’t nangingintab ang balat sa
pawis ng morenong tindero hanggang sa kaniyang maumbok na dibdib na mabalahibo
din sa pagitan nito.
Itinuon
naman ni Dennis ang tingin sa mga utong ng tindero, nakausli ang mga iyon at
maiitim, ngunit sa tingin ni Dennis ay napakasarap niyong paglaruan sa kaniyang
dila. Bumilis ng bumilis ang higop ni Dennis sa straw, malamig ang softdrinks
pero init na init pa din siya, mariin pa rin ang kaniyang pagsupsop waring titi
na ng tindero ang kaniyang hihihigop.
Ssshlluuuuuuuuuuurrrphh!!!
Ang malakas na napakahabang tunog ng straw kapag puro hangin na lamang ang
nasisipsip, wala na palang laman ang bote. Nahimasmasan si Dennis at kitang
kita niya ang nakakalokong ngiti ng tindero na ipinukol sa kaniya waring
sinasabi na “bata, hindi ko pa titi iyan.”
“Wow!
Ang bilis ng pagkakahigop mo boy, napawi naman ba ang uhaw mo?” pang asar na
bati at ngiting gago ng lalaki.
Hindi
nakaimik si Dennis. Sa sobrang hiya ay bigla siyang napatayo mula sa
pagkakayuko sa bintana, lapag ng bote sa pasamano, tumalikod at dali-daling
lumakad palayo. Walang lingon-lingon, hiyang-hiya talaga sa nangyari pero sa
sulok ng kaniyang mga labi ay may ngiti ng kasiyahang dulot ng alindog na kaniyang
nasksihan. Panay pa din ang pagpunas niya ng pawis sa kaniyang mukha at leeg. “Tang-inang
tindero yun a, lalo ako nainitan,” sa isip niya.
Malayo-layo
na din ang kaniyang nalalakad nang mapansin niyang magaan ang kaniyang katawan,
parang may kulang sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali, naiwan niya ang kaniyang
backpack sa tindahan. Likas na sa kaniya ang ganitong insidente, madali kasi siyang
mataranta lalo na kung patungkol na ito sa kaniyang kakaibang damdamin sa kapwa
adan. Nawawala ang kaniyang katinuan pagkatapos ay biglang mahihimasmasan sa
hiya.
“Pucha
naman o, ano pang mukhang ihaharap ko dun sa mamang yun pagkatapos ng lahat?
Gago ka kasi! Gago ka kasi! Malandi kang gago ka! Grrrrrh!” sa isip ni Denis,
ganito siya lagi kapag ipinagkakanulo ng kaniyang marupok na puso.
Walang
nagawa si Dennis kundi bumalik, ano man ang kahinatnan e ihahanda niya na lang
ang sarili. Hindi naman niya pwedeng pabayaan na lang ang kaniyang bag, andun
lahat ng kaniyang gamit, damit na pamalit dahil hindi niya alam kung gano siya
katagal mananatili sa lugar na iyun, at higit sa lahat ang kaniyang wallet.
“Yung
ngiti niya kanina kakaiba, parang nang aasar na ewan. Pucha baka insultuhin ako
nun bago iabot sa akin ang bag ko, o kaya isigaw sa madla kung paano
pinagpyestahan ng mga mata ko ang kaniyang katawan at sumigaw ng bakla! Bakla!
O kaya baka ipatubos sa akin ang bag ko. Malandi ka kasi” mahabang muni-muni ni
Dennis. Matinding kaba at asar sa sarili ang nararamdaman niya sa oras na iyun.
Maya-maya
pa ay natanaw niya na ang tindahan, unti-unti na namang bumubutil ang kaniyang
pawis sa noo, mataas pa din ang araw ngunit natatakpan na ng makapal na maitim
na ulap kung kaya ramdam na ang mahalumigmig na hangin. Ngunit sa kabila nito, wala
pa rin siyang tigil ng kakapunas ng pawis.
Nakaharap
na siya ngayon sa tapat ng tindahan, ngunit nung yukuin niya ang maliit na
bintana ay wala siyang nakitang tao. Saglit pa niyang sinuyod ng tingin ang kabuan
ng tindahan ngunit wala duon ni anino ng lalaki. Nagtatakang tumayo na siya
mula sa pagkakayuko sa bintana nung maramdaman niyang may tao sa likod niya. Sa
pagharap niya ay bumulaga sa kaniya ang lalaking hinahanap at nanginintab ang
hubad na pawisang katawan.
Natulala
siya sa nakitang kakasigan ng mukha ng lalaki, sa tingin niya ay nasa edad 35
na ito at kahit na sa tantya niya na mas gwapo ito nung kabataan pa ay likas
talaga ang atraksyon niya sa mga Adan na mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya.
Hindi naiwasang itago ni Dennis ang paghanga sa lalaking nakahubad sa kaniyang
harapan dahil sa pagkakatitig.
Halos
isang piye lang ang layo nila sa isat-isa. Ngayon ay harapang napagmasdan ni
Dennis ang alindog na kanina lamang ay nakita niya na, ngunit mas naging
maalindog ito sa pagkakatayo na lalong nagtampok ng mga masel nito sa mga
binti, hita, tyan, dibdib at mga braso.
Napasin
niya na ang isang braso ng lalaki ay nasa likod na parang may itinatago. Muling
binalikan ni Dennis ang mukha ng lalaki, nakangiti na ito sa kaniya, kung kaya
nawala ng kaunti ang kaniyang alinlangan.
“Eheemh!
Ehem! Baka matunaw na ko niyan bata! Ito ba ang hinahanap mo?” habang
nakangiting inilabas mula sa likod niya ang backpack.
“Ma-ma-magandang
a-araw po ku-kuya,” ang manipis at utal na tinig ni Dennis.
“Lakihan
mo ang boses mo gaga, wag kang lumandi! Harot ka!” sigaw ng kaniyang KJ na
kunsensiya.
“Hinabol
kita, ang bilis mo maglakad para kang may tinatakasan, tapos nakita ako ng
kumpare ko, naaya ako magbaskeball sandali kaya pinabayaan na lang kitang
makalayo dahil alam ko namang babalik ka din naman dito,” sabi ng lalaki sabay
ngiti sa kaniya at parang napansin niyang kinindatan siya nito.
Lalong
gusto nang himatayin ni Dennis ng muling marinig ang tinig ng lalaki, buo at talagang
mapang-akit pakinggan.
“Ang
sarap mong titigan habang pinapawisan” habang kinukuha sa lalaki ang kaniyang
bag.
“Ano
kamo Dennis? May sinasabi ka ba?” narinig ng tindero ang bulong.
“Shiiit!
Bakit ko ba nasabi un!” ang pagsisisi ni Dennis
“Ha,
sabi ko salamat po, andito po kasi mga gamit ko saka wallet ko,” tugon niya na
nauutal. Hindi talaga marunong magtago ng pananabik si Dennis kapag nasusukol
ng kahit na sinong makisig na adan.
“Pano
n’yo po nalaman ang pangalan ko?” pagtataka niyang pahabol na salita sa lalaki.
“Ano
ka ba, syempre, hinanap ko ID mo para makita ang pangalan mo o kaya address. Sakali
mang hindi mo balikan ang bag mo ay mananawagan ako sa radio o kaya sa tv,” tawang
nakaloloko ang lalaki pero sa halip na kaasaran ni Dennis ay napangiti na lang
din siya.
“Caloy,
nariyan ka na ba ling, kain na tayo, at ilagay mo na ang karatula para hindi
tayo maistorbo!” sigaw ng babae mula sa loob ng bahay, tiyak nasa kusina dahil
medyo malayo ang pinanggalingan ng malambing ding tinig.
“Labas
ka muna dito ling at may ipapakilala ako sa ‘yo” pabalik na sigaw ni Caloy, habang
nakangiting nakatitig kay Dennis at kumindat ulit.
Ngiti
lang din na ubod tamis ang naisagot ni Dennis kay Caloy, at tiyak niya na
kinikindatan nga siya nito. Maya-maya ay bumukas ang pintong katabi ng tindahan
at bumungad ang napakagandang babae na kahit bihis probinsiyana ay aninag ang
ganda ng katawan nito sa loob ng daster na kaniyang suot. Hindi mo aakalaing
nasa edad 34 na ito dahil baby face at medyo may kababaan ang height.
“Ling
siya si Dennis, yung nakaiwan ng backpack kanina. Dennis, misis ko, si Dang.”
“Aysus
siya pala yung kinwento mo na nakaiwan kasi nalibang sa sobrang paghigop ng
malamig na softdrinks dahil uhaw na uhaw?”
Muntik
nang matumba si Dennis sa sinabi ng asawa ni Caloy, akala niya may kasunod pa,
at bakit kaya may diin sa salitang uhaw. Kinuha niya ulit sa bulsa ang panyo at
nagpunas ng pawis sa noo. Nang mapadako siya ng tingin kay Caloy ay nakita niya
kung pano ito ngumiti ng makahulugan.
Gagong
Caloy to a, baka kung ano pa ang ikinuwento sa asawa niya sa isip-isip niya.
Ngunit pagtingin niya ulit kay Caloy ay kinindatan siya nito muli. Parang
sinasabi na hindi niya ikinuwento kung paano pinagpiyestahan ng mga mata niya
ang kaniyang maalindog na katawan kani-kanina lamang.
“Buti
nakita agad ‘yan ni Caloy, kasi kung nagkataon nakita ‘yan ng ibang bumibili ay
t’yak hindi na ‘yan maibabalik sa iyo,” turan ni Dang sabay ngiti at abot ng
kamay kay Dennis.
“Kamusta
ka naman? Wala bang nawala sa loob ng bag mo?” ang pahabol niyang salita kay
Dennis.
“Wala
naman po siguro, saka wala naman pong dapat pag interesan sa bag ko, kahit nga
ang bag na ito, tyak walang kukuha, bukod sa luma na e tatakbuhin pa.” Pabirong
tugon ni Dennis at nagkatwanan silang tatlo. Palagay na ang loob niya sa
ngayon. At nasa isip ni Dennis, mukhang mahililg maglaro si Caloy. At kung laro
din lang ay dito magaling si Dennis at hindi niya uurungan si Caloy.
“Ay
lalamig na ang pananghalian Caloy, tara na sa loob. Dito ka na din kaya
mananghalian Dennis, alam kong hindi ka taga rito at sa tantya ko ay hindi ka
pa din kumakain ng tanghalian.” Ani Dang
“Naku
ate, hindi na po, salamat nalang po, kasi may hinahanap po akong tao, baka
abutin po ako ng gabi ay mahirapan po ako makasakay pabalik ng Manila,” ang
pakipot pang sagot ni Dennis na paminsan minsang humahagod pa din ng tingin sa
katawan ni Caloy.
“Huwag
ka nang mahiya ‘tol, kung gusto mo samahan pa kita sa paghahanap mamaya, hindi
naman kalakihan ang baryo namin at kaunti lang ang mga bahay dito.” May halong
pang akit ang mga ngiti ni Caloy habang kinukumbinsi si Dennis. Pucha sino bang
makatatanggi sa gagong ito. Sa isip-isip ni Dennis, bukod sa ganda ng hubog ng
katawan ay mapang-akit pa ang boses.
“Tama
si Caloy Dennis, volunteer tanod siya tuwing narito siya, kabababa niya lang ng
barko, iyan ang libangan niya habang hindi pa tumatawag ang agency niya.
Matutulungan ka niyang maghanap alam niya ang pasikot-sikot ng baryo,” ang
pagsang-ayon naman ni Dang
Nauna
nang pumasok ng bahay si Dang at sumunod si Dennis, naramdaman niyang
itinutulak siya ng isang kamay ni Caloy sa kaniyang likod, madiin pero masarap
sa pakiramdam ang malalaking kamay na yun. Ang pagkakahawak na ‘yun ay gumapang
sa kaniyang balikat at inaakbayan na siya ng tuluyan. Dito na ginapangan ng
kuryente ang katawan ni Dennis.
Halos
tigasan si Dennis dahil naaamoy niya ang pawis ni Caloy galing sa mabigat na
barasong nakapatong sa kaniyang balikat. Lalaking-lalaking halimuyak na kahit
na sinong kapatid sa labas ni Eba ay tatamaan ng ibayong libog. Parang
nanunukso naman si Caloy at lalo pang kinabig si Dennis palapit sa kaniya na
halos ikapugto niya ng hininga ang mahigpit na parang yakap na sa kaniya ni
Caloy, hanggang marating nila ang kusina kung saan andun ang hapag kainan.
Iginala
ni Dennis ang mata sa paligid, may estanteng naghahati sa katamtamang laki ng
sala at kusina. Tipikal ang ayos nito, ang dingding ay may frame ng Last Supper
at malaking kutsara at tinidor na yari sa kahoy ang nakasabit sa magkabila
nito.
Dahil
hindi pa siya nauupo sa hapag ay bahagya niyang sinilip muli ang sala mula sa
nakaharang na estante at nakita niya ang isang mahaba at malapad na sopa na
yari sa kawayan at sa harap nito ay dalawa pang maliliit na sopa at nasa gitna
ang lamesita na may florera at katapat nito ang tv na nakapatong sa eskaparate.
Sa dinngding ng sala ay nakasabit ang tatlong larawang naka frame ng mag-asawa,
ang nasa gitna ay magkasama silang dalawa ngunit hindi ito wedding picture
kundi parang studio shots lang.
Sa
magkabilaan naman ay ang magkahiwalay nilang larawan. Maganda ang mukha ni Dang
sa studio shots na yun, bagay na bagay ang suot nitong toga at gown. Ngunit ang
larawan ni Caloy ang nakatawag pansin kay Dennis, naka uniporme kasi ito ng
isang seaman at bagay na bagay ito sa kaniya.
Lalong
humanga si Dennis sa kakisigan ni Caloy ngunit naisip niya na mas gwapo siya
ngayon dahil may pagka totoy pa ang mukha nito sa larawan.
“Ang
Gwapo ko ‘di ba?” ang biglang bulong ni Caloy kay Dennis na halos dumikit na
ang mga labi ng seaman sa kaniyang tenga, nakaramdam na naman ng kiliti ang
binata.
Nakangising
kumuha ng isa pang upuan si Caloy para sa bisita. Pagkatapos ay ngumuso ito kay
Dennis, senyas na pinapaupo na siya nito. Lumakad naman ang binata palapit sa
lamesa at parang isang dalagang idinulog upang umupo, at inamin niya sa
sariling kinilig siya sa ginawa ng Lalaki. Ngunit sa pagkabigla niya ay biglang
sinalo ni Caloy ang kaniyang matambok na pwet bago pa man ito tuluyang lumapat
sa upuan at pumisil ng bahagya.
Nagkatinginan
silang dalawa at halos sabay na nagkatawanan ng papigil. Sabay takip ni Dennis
ng kaniyang bibig at si Caloy naman ay kinagat ang kaniyang ibabang labi upang
hindi mapalakas ang tawa. Iniiwasan nilang mapansin sila ni Dang, dahil kung
titingnan ay parang matagal na silang magkakilala at naghaharutan. Kunwang
nagalit at mahinang sinuntok ni Dennis ang balikat ni Caloy na talaga namang
namimintog sa tigas. Nakatalikod naman si Dang dahil abala pa sa paglalagay ng
ulam sa mangkok at pagkatapos ay kumuha ito ng isa pang pinggan para sa espesiyal
na bisita.
“Maginoong
bastos tong gago na to! Sige, gusto mong maglaro ha!” sa isip ni Dennis
“O
hala, kumain na tayo at lalamig na ang sabaw. Huwag kang mag-alangan sa pagkain
Dennis, kaya pala napadami ang naluto ko dahil may gwapong bisita pala kami
ngayon,” ang nakangiting aniyaya ni Dang.
Habang
sumusubo ng pagkain si Dennis ay panakaw na tumititig kay Caloy at susuklian
naman siya ng ngiti nito. Si Dang naman ay abala na rin sa kaniyang pagkain.
Kwadrado
ang maliit na lamesa, tama lang ito para sa mag-asawa kaya siksikan ang
kanilang plato. Magkaharap ang mag-asawa at at nasa pagitan si Dennis na
nakaharap sa gawing sala. Hindi mapigilan ni Dennis ang mapadilat ng mata dahil
naramdaman niyang sumuot ang paa ni Caloy sa laylayan ng kaniyang maong na
pantaloon at inihahagod ang kaniyang mga daliri sa kaniyang binti. Halos mapa
ubo siya sa kiliti at kabang nararamdaman. Pasimple siyang bumaling ng tingin
kay Caloy na kagat ang labing nakangisi ito sa kaniya.
“Gagong
to, humanda ka sakin mamaya, gaganti ako.” Sa isip ni Dennis.
“Pabili
nga po ng softdrinks! Yung malamig na malamig!” sigaw ng isang bata mula sa
tindahan, nalimutan palang ilagay ni Caloy ang karatula na nagsasabing “closed”.
Lihim
na nagkatinginan si Dennis at Caloy, parang iisa ang iniisip at sabay na
ngumiti. Iisa ang kanilang alaala ng isang mainit na eksenang naganap bago
maiwan ang kaniyang bag sa pasamano ng kanilang tindahan.
Pairap
na tinitigan ni Dang ang asawa. Kamot ulong tumayo si Caloy para pumunta sa
tindahan subalit inunahan siya ng asawa at tumungo na sa tindahan na nasa
unahan ng sala at mula doon ay hindi na kita ang kusina na natatabingan ng
estante. Kelangan munang makarating ang tao sa sala bago matanaw ang kusina at
ang lamesa.
Napatayo
na din lang si Caloy ay kumuha nalang ito ng tubig sa lumang ref at bumalik na
sa lamesa. Umiral na naman ang makamundong kapilyuhan ni Caloy. Mula sa likod
ng binata ay iniumang niya ang pitsel sa basong nasa harap niya at nilagyan ng
tubig. Napapikit at sabay kagat ng labi si Dennis
“Shiiiit!”
impit niyang sigaw habang puno ang bibig ng pagkain dahil naramdaman niya ang
paglapat ng hindi pa masiyadong matigas na kaangkinan ni Caloy sa kaniyang
likod. At sa isang iglap ay nalulon niya ang pagkaing nasa bibig kahit hindi pa
gaanong nangunguya.
Dahil
sa nipis ng basketbol shorts ni Caloy ay naihugis agad ni Dennis sa kaniyang
imahinasyon ang laki ng titi ni Caloy. Manipis din kasi ang suot niyang
t-shirt. Pilit na pinahaba ni Dennis kaniyang leeg upang makita kung sakali man
ang pagbabalik sa lamesa ni Dang, ang pwesto kasi niya ang nakaharap sa
tindahan.
Ikinikiskis
na ni Caloy ang ngayo’y matigas niyang kaangkinan sa likod ng binata.
Sinamantala naman ni Dennis ang pagkakataon. Inilagay niya ang kaniyang
kaliwang kamay sa kaniyang likod upang kapain ang kahindigan ni Caloy, Nilamas niya
ito at tama nga ang kaniyang imahinasyon, mahaba ito, mataba at mainit kahit pa
nasa loob ito ng tela. Kung tama ang narinig ni Dennis mahinang umungol si
Caloy habang pinagpapala ng kaniyang kamay ang tarugo nito.
Mabilis
na inapuhap ng kamay ni Dennis ang tastas na pundilyo ng shorts ni Caloy. Nang
matagpuan ay ipinasok niya ang kaniyang gitnang daliri, hintuturo at hinlalaki,
at nahawakan ng kaniyang tatlong daliri ang katawan ng titi ni Caloy. Hindi
talaga mahilig mag brief ang gagong ito sa isip ni Dennis. Itinuloy niya ang
pagkalikot sa mala-sutlang balat ng kahindigang iyon.
Hindi
nagkasiya si Dennis sa tatlong daliri, tinanggal niya ang mga ito sa butas at
hinagilap ang laylayan ng shorts ni Caloy at duon ay ipinasok ang kaniyang
buong kamay upang makapa ng maayos ang tarugo ng lalaki. Lalong uminit ang
pakiramdam ni Dennis, humahakab na din ang kaniyang pantalong maong sa pagpupumiglas
ng kaniyang ari.
Nagulat
na lamang si Dennis nang mula sa likod ay kinabig pataas ng kamay ni Caloy ang
kaniyang baba, at payuko naman si Caloy na sinalubong ang mukha ni Dennis at
siniil ng maiinit na halik ang binata. Hindi matagal ang halikan na yun dahil
alam din nilang hindi magtatagal si Dang at babalik na ito sa lamesa. Pero
sapat na yun kay Dennis para malasahan sa unang pagkakataon ang tamis ng laway
ni Caloy at madama kung gano kalambot ang mga labi ng lalaki.
Di
nga nagtagal ay bumalik na sa lamesa si Dang at inabutang tahimik na kumakain
ang dalawa at nagbukas ng paguusap.
-----o0o-----
Matapos
kumain ay nagprisinta si Dennis na maghugas ng plato, para naman kahit paano ay
makabawi siya sa kabaitan ng mag-asawa. Hindi naman tumanggi si Dang dahil oras
niya din para maghanda ng kaniyang aralin sa eskwela habang nagbabantay ng
tindahan. Titser kasi sa isang pampublikong paaralang elementarya sa bayan si
Dang.
Nagpaalam
naman si Caloy na maliligo muna dahil naiinitan na siya at nanlalagkit na siya
sa pawis. Isang halik muna ang iginawad ni Caloy kay Dang sabay pisil ng una sa
matambok na pwet ng huli. Si Dennis naman ay nahiyang umiwas ng tingin sa
lambingan ng mag asawa at nag umpisa nang magligpit ng kinainan.
“Napakalibog
nga ng gago,” ang bulong sa sarili ni Dennis.
“Ay
mahiya ka nga at may bisita tayo! Maligo ka na nga!” sabi ni dang na malambing
ang boses, walang galit.
Tumungo
muna ng silid si Dang at kinuha ang kaniyang mga gamit pang eskwela at
pagkatapos ay tumungo na sa tindahan upang isabay ang pag gawa ng aralin para
sa kinabukasang klase.
“Naku
Dennis, huwag mo nang pagkaabalahang linisin ang mga kaldero at kawali, ako na
lamang mamaya at nakakahiya sa iyo, para matapos ka kaagad, tapos puntahan mo
ako dito sa tindahan, kwentuhan tayo lalo na sa layunin mo kung bakit napadayo
ka dito sa lugar naming napakalayo sa Maynila.” Ang mahabang salita ni Dang
habang nag aayos sa tindahan.
“Sanay
ako ate sa gantong gawain, huwag ka pong mag-alala, kayang kaya ko ito, saka para
mamaya hindi ka na po mahirapan sa pagluluto sa hapunan. Sige po ate susunod na
din ako sa iyo sa tindahan pagkatapos ko dito.”
“Mabait
ka palang bata, o siya sige antayin kita dito ha.”
“Sige
po, para makapagpahinga din po muna ako bago po magpaalam sa inyo ni kuya Caloy
pabalik ng Maynila mamyang gabi.”
Nag-uumpisa
nang maghugas si Dennis, si Dang naman ay abala sa tindahan nang biglang
bumukas ang pintuan ng silid ng mag asawa at iniluwa nito si Caloy na hubot
hubad at nakasampay lamang sa balikat ang tuwalya. Halatang nanunukso itong
lumakad patungo sa pintuan ng banyo na katabi lamang ng lababo. Titig na titig
si Dennis sa kabuuan ni Caloy. Sunod-sunod ang lunok niya ng laway at
nagninginig ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa basong kaniyang sinasabon.
“Ga-ga-ganiyaan
ka-ka ba talga pag pumapasok ng banyo para maligo o hi-hi-hindi mo lang a-a-alam
na pwedeng ipantapis ang tuwalya moh?”
“Ngayon
lang, para sa espesiyal na bisita lang ito,” tugon niya sabay himas sa kaniyang
kahindigan habang nakangising titig kay Dennis. Pagkatapos ay dumeretso sa
pintuan ng banyo. Ngunit bago tuluyang pumasok ay kinabig ni Dennis ang leeg ni
Caloy at siniil ito ng halik.
Tuluyan
nang pinakawalan ni Dennis ang katangiang palaban sa ganitong pagkakataon.
Nabigla man ay nadarang na din si Caloy sa init ng mga labi ng binata. Mainit
ang halikan na yun. Naglilingkisan ang kanilang mga bisig sa katawan ng isa’t
isa. Naglalaban din sa loob ng kanilang bibig ang kanilang mga dila. Ninanamnam
ang tamis ng kanilang laway at paminsan minsan ay pagkakagatan ng labi. Pikit
na pikit ang kanilang mga mata, pigil na pigil ang mga ungol, halos hindi
makasingit ang hangin sa pagitan ng kanilang katawan sa higpit ng kanilang
pagyayakapan.
“Ate
Dang pabili nga po ng toyo.”
Patuloy
pa din sa mainit na halikan ang dalawa, waring kanila na ang buong daigdig.
“Ikaw
pala Totoy, yung nasa pack ba o yung nasa bote?” tanong ni Dang sa batang
bumibili.
Hawak
hawak na ni Dennis ang kahindigan ni Caloy at pasakal na binabate ang matabang
katawan nito. Nakapasok naman ng dalawang kamay ni Caloy ang nasa loob ng
likurang pantalon ng binata at nilalamas ang mga pisngi ng pwet nito.”
“Yung
sa bote daw po,” tugon ng bata.
“Pucha,
ang lambot at kasing kinis ni misis ang pwet mo.” Hingal na bumulong sa tenga
ni Dennis si Caloy pagkatapos bumitaw sa halikan nilang dalawa.
“Ay
Totoy, pakisabi mo nga sa nanay mo na mamaya ko na ipasasauli kay kuya Caloy mo
ang kudkuran ha?”
“Mas
mapapamura ka pag natikman mo to, baka sabihin mo mas masarap ito kesa sa kaniya.”
Mapang akit na hamon naman ni Dennis habang sakal padin nito ang katigasan ni
Caloy. Mapungay na ang kanilang mga mata habang impit ang kanilang mga
halinghing. Hindi mawari ni Caloy kung bakit ang lakas ng kuryente ng mainit na
palad ni Dennis, at tumatarak ito sa kaniyang pagnanasa.
“Opo
ate Dang sabihin ko na lang kay nanay pag dating ko po.”
“Aaaaahhhh…
ssshhiiiiitt… ang saraaaaap nyyaaaaannnnnhhhh!” impit na ungol ni Caloy, dinidilaan
na kasi ni Dennis ang isang utong niya.
“Ling
naliligo ka na ba?” malakas na tanong ni Dang sa asawa.
Napabalikwas
si Caloy at kahit paano ay nahimasmasan, ngunit hindi si Dennis.
“Kalalabas
ko lang ng kwarto ling, maliligo pa laaangh!” Pilit na pinatigas ni Caloy ang
boses, tuyo na kasi ang kaniyang laway dahil alipin na din siya ng libog na
iginagawad sa kaniya ni Dennis. Mapupungay pa din ang kaniyang mga mata sa
pagtitig sa ginagawang pagdila ng binata sa kaniyang utong.
“Dalian
mo na at baka abutin pa kayo ng gabi ni Dennis sa paghahanap,” sigaw ni Dang.
Pinatigil
na ni Caloy si Dennis, binuksan ang pintuan ng banyo at akmang papasok na,
subalit bigla ulit dinakma ng binata ang kaniyang burat. Nagulat si Caloy,
medyo namutla dahil baka biglang sumilip si Dang. Inulit ni Caloy ang
pagtalikod ngunit lalo namang humigpit ang kamay ni Dennis kaya naman kahit
namumutla na sa takot ay kumislot at lalong tumigas ang burat ni Caloy sa
kakaibang pangingiliti ni Dennis.
“Bitawan
mo na please, baka makita tayo ng asawa ko,” pagmamakaawa ni Caloy.
“Kala
ko ba matapang ka?” panunukso ni Dennis habang lalong pinangigilan ng paghimas
ang kahindigan ng lalaki.
Nang
balingan siya ng tingin ni Dennis ay isang matamis ngunit pang asar na ngiti
ang ibinigay nito sa kaniya.
“Marunong
ka rin palang matakot,” ngiting nakaloloko ni Dennis pagkatapos na pindutin ang
matigas ngunit maumbok na pwet ni Caloy.
Pagkatapos
ay binitawan na ni Dennis ang kahindigan ni Caloy. Bago tuluyang pumasok ng
banyo ay hinalikan muna ng mabilisan ni Caloy ang binata.
“Gago
ka din ha!” ang maiksing nasabi nalang ni Caloy pagkatapos na bitawan ni Dennis
ang kaniyang kahindigan.
Bago
tuluyang pumasok ng banyo ay hinalikan muna ng mabilisan ni Caloy ang binata at
bumalik na ito sa paghuhugas ng pingan.
-----o0o-----
“Ilang
taon ka na nga ba iho?” tanong ni Dang habang nakatutok ang mata sa librong
binabasa. Si Dennis naman ay nasa sala at nakatutok sa tv habang kinukuha ang
lotion sa kaniyang bag at nagpahid ito sa kaniyang kamay.
“Mag
24 na po ako sa darating na buwan,” tugon ni Dennis habang tinutungo ang
tindahan upang tumabi kay Dang.
“Ano
ba ang dahilan at napadpad ka dito, aba malayo din ang Maynila.”
“Matagal
na po kasin nawawala ang tito ko, kuya ng nanay ko. Hindi pa po siya kasal nung
maglayas ito nung nasa probinsiya pa sila nakatira sa bandang norte. Hanggang
sa mamatay mga lola’t lolo ko ay hindi pa din siya natatagpuan o nagpakita man
lang. Kalilipat pa lang namin sa Maynila nung isang taon nung mag third year
college ako. May nakilala po si nanay na kapitbahay namin at nasabi niyang may
mga Del Cuero daw po na apelyido sa probinsiyang ito. Kaya po pumunta ko dito
kasi, baka-sakaling may makuha po ako impormasyon. Mahina na po kasi si mommy
dahil may terminal cancer po siya. Lagi niya binabanggit ang kapatid niya. Hindi
niya alam na gagawin ko to kahit ng dalawang ate ko. Ang alam lang nila kasama
ko mga barkada ko at Cebu ang paalam ko. Gusto ko kasi sorpresahin siya kung
papalarin akong makakuha kahit na konting pag-asa dito, nag leave lang po ako
sa trabaho ko.
Tumitig
na si Dang sa kausap, inapuhap sa mga mata ang sinseridad ng binata. Bihira na
kasi sa mga kabataan ngayon ang may pagpapahalagang mabuo ang pamilya.
“Naku,
suntok sa buwan pala ang gagawin mo iho. Sa sampung taon ko yata ng pagtuturo
sa bayan ay wala akong matandaang naging studyante ako na ganiyan ang
apelyido.” May lungkot sa tinig ni Dang
“Wag
mo naman palungkutin ang bisita natin ling. E halos lahat naman ng estudyante
mo ay sa bayan din nakatira,” si Caloy tapos na palang maligo at lalo pala siyang
gwapo pag may suot na pantaas, wish ko lang naka brief na siya ngayon, sa isip
ni Dennis.
“Ay
sabagay nga naman. Mabuti pa daanan n’yo na din si mareng Aurella, baka sa
class records niya ay may ganung apelyido.”
“Mabuti
pa ling e lumakad na kami ni Dennis, at dadaan na din kami sa baranggay hall at
makapagtanong na din doon. Lagi namang bukas ang baranggay hall kahit Sabado o
kaya Lingo at may taong makakausap dun. Ang susog naman ni Caloy.
“O
hala na kayo at nang hindi kayo gabihin.” Habang hinahalikan siya ni Caloy sa
pisngi.
“Sige
ate Dang alis na po kami,” pagpapaalam naman ni Dennis.
*****Itutuloy*****