Anton’s Love and Sex Stories (Part 11)
Confrontation
Lunes, pasok na uli sa school. Pagpasok ko sa
aming room ay kaagad kong nabungaran si Cyrus, masayang kausap si Aaron.
Nagsalubong ang tingin namin ni Aaron, parang inirapan ako tapos ay tumawa,
yung tawang parang nanguuyam. Ewan ko kung ako ang pinagtatawanan at inuuyam.
Nagkibit balikat lang naman ako, hindi ko na lang pinansin, dumiretso na lang
ako sa aking upuan.
Pag-upo ko ay kasunod ko pala si Allen. “Allen,
nariyan ka pala, hindi kita napansin. Saan ka nakapwesto.”
“Nasa likoran lang ako ni Cyrus,” sagot ni Allen.
“Bakit bigla na lang tumawa si Aaron pagpasok ko,
nakakainis yung tawa niya, parang patama iyon sa akin eh.”
“Wala iyon, huwag mong intindihin iyon.”
Bigla din akong tumawa ng malakas, may padyak pa
ng paa. Napatingin ang dalawa ni Aaron at Cyrus sa banda ko. Iba ang tingin sa
akin ni Aaron, yung parang mangangain ng tao. Hahaha, nakaganti na rin ako.
Samantala ay gulat naman si Allen. “Bakit ka
biglang tumawa? Ginulat mo ako ah.”
“Wala lang, trip ko lang. Nakita mo ba ang tingin
sa akin ni Aaron? Ibig sabihin ay ako talaga ang pinagtawanan nila. Ano ba
talaga iyon?”
“Wala talaga, huwag mo nang pag-ukulan pa ng
pansin iyon.”
Nagdatingan na rin ang iba pa naming kaklase,
pati na rin ang mga kaibigan ko. Dumating na rin ang aming guro at nagsimula na
ang klase.
Lunch break, gaya ng dati sabay-sabay kaming
kumain ng barkada. Hindi na sumabay ang tatlo, ewan ko kung saan sila kumain.
Ako na naman ang naging sentro ng usapan. Ewan ko ba kung bakit lagi akong
idinidikit kay Cyrus. Ngayon na hindi sila sumabay sa pagkain sa amin ay ako na
naman ang itinatanong.
“Nagsawa na siguro sa katatanong ninyo, kaya
hindi sumabay. Panigurado, hindi na sila muling sasabay sa atin,” ang sabi ko para
matigil na sila.
Para sa akin ay mabuti na ngang ganon, wala rin
naman talagang patutunguhan ang pagiging malapit namin sa isa’t-isa.
Uwian na naman, nakatayo ako sa sidewalk,
nag-aabang ng jeep pauwi, gulat ako ng may umakbay sa akin. Nang aking lingunin
ay si Aaron pala. “Balita ko ay nakipag-break sa iyo si Cyrus, totoo ba?”
“Bakit naman kami magbe-break ay wala naman
kaming relasyon. Ano ba ang tingin mo kay Cyrus, bading?”
“Hahaha. Sigurado ako na tunay na lalaki si Cyrus,
pero sa iyo, duda ako,” sabi niya.
“Ganon? Hindi kaya ako ang dapat na magduda sa
inyong dalawa? Teka muna, sino naman ang nagsabi sa iyong nakipag-break sa akin
si Cyrus?” - ako
“Si Cyrus mismo. Itinatanggi mo. Ibig mo bang
sabihin ay sinungaling siya?” – si Aaron.
“Ikaw ang nagsabi niyan. Halimbawang totoo,
masaya ka na? hahaha?”
“Ano bang pinagtatalunan ninyo, Aaron, Anton?” -
si Allen. Dumating si Allen kasama si Cyrus.
“Ito kasing si Anton, itinatanggi na naging sila
ni Cyrus. Hayan si Cyrus, tanungin mo. Siya ang nagsabi na nakipag-break sa
iyo.”
“Totoo ba iyon Cyrus?” tanong ko.
“Totoo naman ah, kahapon, sa tapat mismo ng bahay
mo.” – si Cyrus.
“Anong ginagawa mo doon? May kailangan ka ba sa
akin?”
“Para kausapin ka, para makipag-break.”
“Kelan pa naging tayo? Ikaw Allen, alam mo ba?
Ikaw Aaron, kelan naging kami?” – ako.
“Matagal na,” sagot ni Aaron.
“Ikaw Cyrus, kelan naging tayo?” – ako.
“Usapan natin kasing ilihim muna,” sagot ni
Cyrus.
“Hahaha. Ganon? Bakit hindi ko alam? Allen, kelan
mo nalaman na naging kami?”
Tumingin muna kay Cyrus bago sinagot ni Allen ang
tanong ko. “Kanina lang, kinuwento niya.”
“Hahaha, naging kami ngayon, kahapon nag-break?
Ano ba iyan? Alam mo Aaron, huwag ka nang magkunwari, alam ko kung ano ka.
Halata naman eh. Ayaw ba sa iyo ni Cyrus kaya ganyan ka na lang naiinis sa akin
nang naging malapit kami sa isa’t-isa. Ngayon na sinabi niya na wala na kami,
dapat bang ipag-bunyi mo. Sasabihin mo pang ako ang bading, Hindi ba bading
ka?”
“Gago ka ah!” si Aaron, na susugurin ako bigla.
Maagap lang si Allen, kaagad na napigilan.
“Lakas ng loob mo ah, hindi ka ba nadala? Baka
tadyakan kita sa ngala-ngala mo eh. Tutal naman, kayang-kaya mo hanggang
ngala-ngala hahaha.”
“Tigilan na nga ninyo iyan, tara na, pabayaan na
lang natin siya, walang kwentang tao iyan,” maangas na wika ni Cyrus.
“Ahh, ako ang walang kwenta. Hindi ba kayo ang
lumapit sa akin? Nakikipag-kaibigan ba ako sa inyo dati? Buti nga at
pinakisamahan ko pa kayo. Sa iyo na si Cyrus, tutal naman pareho lang kayong…
Hahaha. Alis na. Magdyi-jeep lang ako, wala akong kotse. Ewan ko nga ba at dito
nag-aral ang mga burgis na gaya ninyo.”
-----o0o-----
Maiyak-iyak ako nang masakay na sa jeep. Ang sama
ng loob ko kay Cyrus, siya pa ang nagkwento. Gusto kong sugurin at bugbugin,
naawa lang ako, mahal ko pa rin kasi.
Diretso na ako sa aking silid pagdating ko.
Nag-ring ang phone ko, si Cyrus. Sinagot ko.
“Anong kailangan mo. Ang lakas pa ng loob mong
tawagan ako matapos nang ginawa mo. Ikaw ang masisira sa ginawa mo kapag
kumalat iyan.”
“Magkita tayo. Mag-usap tayo.”
“Para ano pa. Wala na akong tiwala sa iyo. Ikaw
yata ang bading, masyadong madaldal.”
“Ano ba ang ikinagalit mo sa akin?”
“Hindi mo alam?”
“Paano ko malalaman eh ayaw mong makipag-usap sa
akin?”
“Sige, sasabihin ko sa iyo, nakita ko kayo ni
Aaron doon sa Tagaytay, ang bastos ninyo, doon pa mismo, hindi nakapag-hintay.
Alam mo naman na naroon ako, ang lakas ng loob ninyo. Pinangalagaan ko lang ang
reputasyon mo kaya hindi ako nag-ingay. Ni wala akong pinagkwentuhan, walang
pinagsabihan. Ikaw… anong ginawa mo, pinagsasabi mong bading ako, na naging
tayo. Alam mo bang pwede ko iyong i-deny dahil wala kang ebidensya. Ano bang
kabaklaan ang ipinakita ko hahahaha. Kung ipamalita ko naman na kayo ang bading,
magugustuhan ba ninyo. May ebidensya pa ako, may video pa. Subukan ninyong
galitin ako, bugbog ang aabutin ninyo sa
akin at pagpipiyestahan pa ang malaswa ninyong video at picture, ikakalat ko
ito at bibigyan ko pa ng kopya ang parents mo. Sige na, ibaba ko na ang phone.”
“Sandali… sandali…”
Hindi ko na siya pinakinggan, pinutol ko na ang
pakikipag-usap.
-----o0o-----
Kinabukasan, hindi pumasok ang dalawa ni Aaron at
Cyrus. Nang tanungin ko si Allen kung bakit absent ang dalawa ay hindi daw niya
alam.
“Ah, baka may ginagawa na naman, baka nabitin sa
Tagaytay,” pagbibiro ko. Ang lakas ng halakhak ni Allen.
“Kung makatawa ka naman, wagas, mga tropa mo
iyon,” sabi ko kay Allen.
“Ikaw kasi eh, nagpapatawa hahaha,” tugon niya na
hindi pa rin mapigilan ang pagtawa.
“Allen, sinabi mo na ba sa kanila na nasaksihan
natin ang ginawa nila?”
“Hindi Anton, sabi mo na huwag na sabihin.”
“Alam mo, tumawag si Cyrus sa akin kagabi, sa
inis ko ay nasabi ko ang nasaksihan natin. Pero hindi ko sinabi na alam mo, na
pati ikaw ay nasaksihan mo. Kaya, para makaiwas ka sa gulo, wala kang
sasabihin, wala kang alam, wala kang nasaksihan. Isarado mo ang iyong bibig,
pwede ba?”
“O naman, Talagang wala akong binabanggit sa
kanila tungkol doon. Pero teka lang, magsabi ka nga sa akin Anton ng totoo,
magtapatan na tayo, hindi ba talagang naging kayo. Kasi noon ko pa itinatanong
sa iyo iyan, pero palagi mong itinatanggi. Ang husay mo nga eh. Bilib ako sa
iyo, kasi tumutupad ka sa napag-usapan. Magpahanggang ngayon na inamin na ni
Cyrus sa amin, itinatanggi mo pa rin. Ang gusto ko lang talagang malaman ay
kung totoong naging kayo, sa bibig mo mismo at hindi sa bibig nang iba. Nasira
lang ang relasyon ninyo dahil sa pagiging marupok ni Cyrus.” – si Allen.
“Ano ba ito, trap? May spy cam ka ba na nadidinig
ng dalawa ang sasabihin ko para ma-record ang pinag-uusapan natin?” tanog ko.
“Walang ganon, malinis ang intensyon ko, wala
akong pinapanigan sa inyo kahit dawit din ako.”
“May tiwala ako sa iyo Allen. Sige, oo, naging
kami, minahal ko siya, totoong mahal, first love ko siya. At aaminin ko na rin
sa iyo, may nangyari na rin sa amin, ibinigay ko na lahat sa kanya ang gusto
niya, pero niloko pa rin niya ako.”
“Pero natukso lang si Cyrus. Nadinig mo naman ang
sinabi niya, hindi niya magugustuhan si Aaron, na kaibigan lang ang turing niya
rito.”
“Totoo, nadinig ko, naniwala ako, kaya nga hindi
ko sila pinasin eh, na pinabayaan ko. Nag-eskandalo ba ako. Kasi dahil walang
nakakaalam na may relasyon kami. Anong
karapatan ko sa kagustuhan nila.”
“Pero bakit nagkaganoon.”
“Galit ako syempre nang kami na lang ang
magkausap, sinabi kong lie-low muna kami, pero hindi ko sinabi ang dahilan.
Kung sinabi ko ba ang dahilan, sigurdong papayag siya kaagad, kasalanan kasi
niya eh. Pero wala akong isinumbat, hindi ko isinumbat yung nakita natin. Eh
siya ang naghamon ng break up. Ano mag-mamakaawa ako na huwag. May pride din
naman ako. At pagkatapos, anong ginawa niya, ipinagsabi sa inyo na naging kami,
na bakla ako. Matutuwa ka ba kung ikaw iyon?”
“Mahal mo pa rin ba siya?”
“Oo naman. Hindi naman basta mawawala agad ang
pagmamahal ko. Kung wala na at baka ipinagkalat ko na ang kawalanghiyaan nila.
May ebidensya kaya ako. Hindi mo alam, nakuhanan ko sila ng video at picture at
malinaw na malinaw iyon, hindi sila makatatanggi.”
Nagulat pa si Allen sa pinagtapat ko. “Anong
balak mo, ikakalat mo ba ang mga iyon?”
“Hindi ano, hindi ako masamang tao na makaganti
lang, kahit na makasakit ng tao. Pero… pero, huwag silang gagawa nang ano mang
ikagagalit ko. Okay lang na pisikalan, kaya kong lumaban, pero, nasa sa kanila
iyon.”
“Sandali, baka naman alam na ni Cyrus may
nasaksihan ka kaya hindi pumasok.” – si Allen.
“Oo sinabi ko, pero hindi ko nga sinabi na dalawa
tayong nakasaksi.” – ako.
“Bukod sa inyong dalawa ni Aaron, may sinabihan
pa bang iba si Cyrus na bading ako, na naging kami?” tanong ko.
“Wala akong alam, hindi ko na nga sila
pinakialaman eh.”
“Sana lang ay wala, baka sila ang madiin na sila
ang bading, kasi may ebidensya ako. Ako makakapag-deny, kasi wala naman akong
kabaklaang ipinakita simula pa nung elementary ako. Marami ngang takot sa akin
eh. Sana lang ay ako na lang ang nang-bully hahaha.”
“Bell na, tayo na,” – si Allen.
-----o0o-----
Uwian na naman. “Anton… Anton! Sandali lang!” –
si Allen.
“O… bakit na naman.”
“Sina Cyrus, nasa labasan. Nag-message sa akin,
gusto raw makipag-usap sa iyo. Kausapin mo naman oh, gusto lang daw
makipaglinawan sa iyo.”
“Kasama ka.’
“Kung gusto mo ba eh, sige.”
“Okay. Nasaan sila?”
“Nasa sementeryo daw, doon na lang daw mag-usap
para walang masyadong makakadinig ng pag-uusapan natin.”
“Allen, nagtiwala ako sa iyo ha. Nag-message ako
sa tatay ko na male-late ako ng uwi. Sinabi kong kasama kita, si Aaron at si
Cyrus, kaya kung may mangyari sa akin, alam nila ang unang tatanungin.”
“Ang galing mo talaga, tama ngang maging top 1 ka
sa klase. Pwede ka pang maging inbestigador.”
“Tumigil ka na, tara na.”
-----o0o-----
“Maraming salamat Anton at pinagbigyan mo na
makipag-usap sa iyo,” paunang sabi ni Cyrus.
“Ano ba ang pag-uusapan natin?”
“Yung tungkol sa sinabi mo sa akin na nakita mo
sa Tagaytay. Allen, may alam ka ba roon.”
“Ano ba iyon?”
“Sige, siguro ay wala ka ngang alam. Malalaman mo
rin, sana lang, lahat nang maririnig mong pinag-usapan namin ay wala nang iba
pang makaka-alam.” – si Cyrus.
“Oo naman,” tugon ni Allen.
“Anton, I’m sorry, natukso lang talaga ako, hindi
ko naman talaga gusto ang nangyari. Hindi ko rin sinisisi si Aaron, matagal na
niyang sinasabi sa akin na gusto niya ako, pero sinabi ko rin sa kanya na
kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Mapilit, tao lang ako at natukso. Naawa
rin naman ako sa kanya eh, ikaw talaga ang mahal ko,” wika ni Cyrus.
“Totoo iyon Anton. Naiinis ako sa iyo kung bakit
ikaw ang nagustuhan gayong kakikilala lang ninyo. Kami, matagal nang magkasama,
pero hindi niya natutuhang mahalin. Tinukso ko siya para kahit papano ay
matupad ang pinapangarap ko, na baka dahil napasaya ko siya ay mahalin din ako.
Patawarin mo ako Anton.”
“Ano ngayon ang gusto ninyong mangyari? Aaminin
ko na rin sa inyo, naging kami nga ni Cyrus, minahal ko siya, totoong minahal
ko siya at magpahanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko. Pero
nagkaroon na kasi ng bitak. Nawalan na ako ng tiwala. Alam mo ba na
nakikipag-lie-low lang muna ako sa kanya, gusto ko muna kasing malimutan ang
nasaksihan ko, pero siya ang naghamon ng break-up. Sabi ko naman ay wala namang
naka-alam ng relasyon namin kaya pumayag ako, wala naman akong kasalanan eh
siya ang naghamon, so ano ang gusto ninyo,” sabi ko.
“Totoo ba ang picture at Video?” tanong ni Cyrus.
“Totoo. Gusto ninyong makita, i-send ko sa iyo,”
sabi ko.
Kinuha ko ang aking CP at sinend kay Cyrus, kay
Cyrus lang, baka kung ano pang gawin ni Aaron kung pati siya ay sendan ko.
Tumunog ang CP ni Cyrus, malamang na message ko
iyon. “Kita mo.”
“Anton, nakikiusap ako sa iyo, pwede bang
i-delete mo na lang ang video, babayaran kita.”
Isang sampal ang ibinigay ko sa kanya, gulat si
Allen at Aaron.
“Tanginaka! Anong akala mo sa akin, extortionist?
Komo’t mahirap lang kami ay kaya mong bilhin ang lahat. Binibili mo ang dangal
mo? Hindi ko rin pwedeng ipagbili ang dangal ko. Hindi ako mukhang pera Cyrus.
Kung mababa ang tingin mo sa akin, mas mababa ang tingin ko sa iyo. Sana ay
nakiusap ka na lang na walang involve na pera, madali naman akong kausap eh.
Kelan ba ako naging materyoso. Nanghingi ba ako sa iyo noong tayo. Kahit nga
ang paglilibre mo sa akin noon ay tinatanggihan ko, tapos heto gusto mo akong
tapalan ng pera. Huwag kang mag-alala Cyrus, may pinagsamahan tayo, wala akong
balak na anoman na sirain ka, kahit na ikaw Aaron gayong halata ko na
kaplastikan lang ang pakikipag-kaibigan mo sa akin. Sa harap ninyo, Allen,
testigo ka. Idedelete ko na ang video at picture”
Dinelete ko na nga ang Video, maging ang message
ko ay dinelete ko na rin para wala na talagang matirang video.
“Masaya na kayo? Alis na ako.”
Walang kibo ang dalawa. Alam kong napahiya sila
sa akin, sapat na iyon. Hindi na sila makakatingin sa akin ng diretso, ang
hindi nila alam ay may kopya pa akong iba, ano ako bale. Kaaway na ang turing
ko sa kanlla at mahirap na kung wala akong balang panglaban.
“Sandali Anton, sabay ako sa iyo,” si Allen na
hinabol pa talaga ako.
“Bilisan mo! Bakit mo sila iniwan?”
“Bahala na sila, ayoko nang sumama sa kanila, bad
influence sila sa akin, Mabuti pa sa iyo, marami akong natututuhan. Ang galing
mo talaga, idol na kita hehehe.”
“Sira! Huwag kang gagaya sa kanila ha. Okay lang
na maging kaibigan mo sila, konting kasalanan lang iyon, bata pa kasi tayo
pare-pareho.”
“Oo nga, pero matalino ka, kami bobo.”
“Ay grabe, huwag ka nga. Panay papuri mo na naman
sa akin, baka maniwala ako sa iyo niyan.”
“Pwede na kitang ligawan?”
“Heh. Hindi na mauulit. Talagang ayoko ng
rela-relasyon, kaya lang ay nagmahal eh, masama din palang magmahal na hindi
ginagamit ang utak.”
“Ay bobo ka rin?”
“Heh!”
“Joke lang.”
“Alam mo Allen, gusto ko yang ganyang ugali, yung
inosenteng tuso hehehe.”
“Hindi ako tuso ano.”
“Okay, sinabi mo eh.”
“Basta, friend mo pa rin ako ha.”
“Oo naman, Huwag mo rin silang iwan, friend mo
rin sila, huwag lang sa kalokohan. Kapag medyo sa masama, iwas ka na, tulad ng
pag-inom-inom, maraming masamang dulot ang alak.”
“Kaya nga doon sa Tagaytay ay sa iyo ako
dumidikit eh.”
“Sige na, baba na ako, diyan sa banda riyan ang amin.”
“Ingat ka ha.”
“Ikaw rin.”
Pumara na ako, bumaba at naglakad ng konti.
>>>>>ITUTULOY<<<<<