Ang Dati Kong Bayaw (Part 6)
Ismael
Nagsimula na ako sa aking trabaho. Bale sa
kaibigan ni Kuya Nick ako na-under. Boss ko ngayon si Engineer De Vega, Caloy
De Vega. Gwapo siya, maganda ang pangangatawan at kalog din naman. Masarap
kasama sa trabaho at hindi kami itinuturing na under niya. Under niya kami
pagdating sa trabaho dahil siya ang nagbibigay ng aming gagawin, pero bilang
katrabaho ay pare-pareho lang ang treatment niya sa amin. Kasabay namin sa
pagkain at walang ere sa ulo kaya marami ang hanga sa kanya.
Sa ngayon ay isinasama niya ako sa mga trabaho
niya sa labas dahil ang ibinigay niya sa akin ay field engineer na kailangan
naming puntahan ang iba-ibang on-going project. Isang linggo pa lang ako ay
marami na akong natutuhan, Kailangan ko lang daw na makapasa sa board para
maitalaga na akong permanenteng empleyado ng kompanya kaya nga pinag-rereview
niya ako kaagad. Sinabi ko naman na sisikapin ko sa susunod na schedule ng exam
para makapag-enroll sa review school.
Unang sweldo at kinantyawan ako ng mga kasamahan
ko, kabilang na si Engr Caloy na magpainom daw. Pumayag naman ako pero sinabi
kong hindi ko kayang magpainom sa mga bar o club, pwede ay sa bahay na lang at
doon na lang magluluto ng pulutan. Mas mainam naman daw. Tanghalian ang usapan
namin kaya maaga pa ay namalengke na ako. May kapitbahay naman kami na marunong
magluto at nagpapa-upa para magluto kaya inarkila ko na ang serbisyo nito.
Konti lang naman, fried chicken lang, kare-kare at kaldereta. Gabi pa
pagkagaling sa opisina ay bumili na ako ng alak, mahal ang beer kaya alfonso na
lang hehehe.
Maaga pa ay dumating na si Engr Caloy, nakatulong
ko tuloy sa pag-prepara ng mesa, pag-aayos ng mga paper plate. Bumili na rin
ako ng maraming yelo. Wala pa akong ref kaya nanghiram muna ako ng styro para
siyang paglagyan ng yelo para hindi
kaagad matunaw.
Sandali lang naman. Naglolokohan kami ni Engr
Caloy na aakalaing naglalambingan kami nang biglang sumulpot si Kuya Nick.
“Uy ha, ang sweet namn ninyo, baka langgamin kayo
ha,” bungad niyang biro. “Kayo na ba?” dugtong pa niyang tanong.
“Kuya! Buti nadalaw ka,” masigla kong bati. Hindi
ko alam na dadalawin kasi ako ni Kuya Nick. Nasorpresa tuloy ako.
“Ano bang meron? Bakit hindi yata ako imbitado.
Pareng Caloy, kumusta na. Ano nang balita,” may tila tampong tanong ni Kuya
Nick bago binaling ang atensyon kay Engr Caloy.
“Mabuti naman pare. Alam mo ay unang sweldo
nitong bayaw mo eh nakantyawan ng grupo na magpainom, kaya heto. Hindi raw niya
kaya kaming painumin sa bar o club kaya dito na lang sa bahay. Pare ikaw,
kumusta ka na rin.” Sagot mula kay Engr Caloy.
“Well, ayos lang. Na miss ko kasi itong bayaw ko
kaya napasyal ako dito. Alam mo kasi pare, simula ng maghiwalay kami ng asawa
ko ay siya ang naging hingahan ko ng sama ng loob kaya lalo kaming nagkalapit.
Saka na miss ko na ang mga luto niyan. Ngayon puro order sa labas na lang ang
aking kinakain. Kumusta naman siya bilang empleyado,” – si Kuya Nick.
“Ay nakakatuwa, magaling siya at madaling matuto.
Saka masipag. Kabado nga ako eh, baka masapawan na ako pagdating ng araw. Pero
mahusay pare, the best. Mabuti at inerekomenda mo sa akin.” – si Engr. Caloy.
“Hindi ko naman siya irerekomenda ko sa iyo kung
mapapahiya lang ako pare. Iba talaga itong bayaw ko,” wika ni Kuya Nick na
inakbayan pa ako at pinisil pa ang aking braso. Naramdaman ko tuloy ang mainit
niyang katawan. Ikinawit ko naman ang isa kong braso sa kanyang baywang para
ipakita kay Engr Caloy kung gaano kami ka close, Napansin kong iba ang titig
niya sa aking ginawa. Humiwalay ako dahil sa may nag-door bell.
“Hi! Hahaha, bakit ngayon lang kayo. Tuloy, tuloy
kayo sa munti kong palasyo. Narito na si Engr. Caloy,” bati ko sa bagong dating
kong officemate, anim silang sabay-sabay nang dumating. Ipinakilala ko sa
kanila ang aking bayaw.
“Mabuti pa ay kumain na tayo. Kanya-kanya na lang
sandok ha, maliit lang ang mesa hahaha, bupey na lang tayo.
Kwentuhan habang kumakain, nagkakatuwaan at
nagkabiruan. Ang nakakatuwa ay tinutukso nila ako kay Engr, Caloy.
Pangiti-ngiti lang naman si Engr na ewan kung ano ang saloobin. Tila patola rin
naman itong si Engr. Ito lang ang gusto ko sa aming kompanya at sa mga
empleyado nito, hindi sila nagde-descriminate ng tao maging sino ka man. Okay
lang sa mga ito ang same sex relation. Napag-alaman ko kasi na ang may-ari ay
bading at may karelasyon na hayagang nitong isinasama sa lahat ng okasyon ng
kompanya. Mayaman din daw ang jowa nitong lalaki at isa ring businessman.
“Swerte ko kapag nagustuhan ako nitong bago
natin. Pumapapel ng nga ako kaya ang aga ko rito para tumulong hahaha,” wika ni
Engr. sabay kindat sa akin. Alam ko namang sinasakyan lang niya ang mga
kasamahan namin. Pero kinilig din naman ako at napansin yata ni Kuya. Nagiba
kasi ang timpla ng mukha, parang hindi nagustuhan ang paglandi ko kay Engr. Caloy.
“Ikaw naman Mael, pasado ba sa iyo itong manok
namin sakaling ligawan ka?’ tanong ng isa kong kasamahan.
“Aba, magtapat lang siya ngayon ay sasagutin ko
na siya kaagad hahaha,” biro ko ring sagot.
“Uhu uhu uhy ehmmmmm ughhhhh.” Si kuya naubo,
nasamid yata.
“Kuya sandali lang, ikuha kita ng tubig.” Taranta
akong kumuha ng tubig at ibinigay kay kuya. “Okay ka na Kuya?” tanong ko
pagkainom niya ng tubig.
“Okay na ako, don’t panic. Ano ka ba naman
Ismael!” tugon ni Kuya.
Nagtawanan pa ang mga kasamahan ko pati na rin si
Engr, Caloy dahil sa ako daw ang namutla at ninerbyos. “Sino ba naman ang hindi
matataranta ay dalahit ng ubo, baka kasi nabarahan ng pagkain sa lalamunan. May
namamatay kaya sa ganoon,” rason ko.
Back to normal muli. Nagpatuloy na kami sa pagkain.
Konting pahinga lang at inuman naman ang kasunod. Hindi pa kami nakakaubos ng
isang bote ay nagpaalam na ang iba naming kasamahan. Yung may asawa ay may
lakad daw ang mag-asawa at yung binata ay dadalwain daw ang nililigawan.
“Ikaw ba pareng Caloy, wala ka bang dadalawing
nobya o nililigawan?” tanong ni Kuya Nick.
“Eh narito na nga ako sa bahay ng nililigawan ko,
bakit ako aalis kaagad hehehe,” sagot ni Engr. Caloy
“Hala, akala ko ay tapos na ang biruan tungkol
doon. Si Engr. talaga, sobrang mapagbiro,” ika ko naman.
“Naku ha! Hindi ako nagbibiro.” Sagot naman ni
Engr.
“Pare ha! Bayaw ko iyan. Kaingat ka hehehe. Kargo
ko pa rin siya.” Sabad naman ni Kuya Nick.
“Haay naku, baka kung saan mapunta ang biruang
iyan at magkapikunan pa kayong magkaibigan. Inom na lang uli tayo,” pagsansala
ko sa kanila.
Inubos na lang naman namin ang natirang alak
kanina at tumigil na kami. Mahina kasi akong uminom mapa-hard o sa beer lang.
Alas kwatro pa lang ay nagpa-alam na si Engr.
“Sige Mael, kita na lang tayo sa office. Pareng
Nick, hindi ka pa ba sasabay sa akin?” yaya ni Engr. Caloy.
“Mauna ka na pare at gusto ko lang kausapin ng
sarilinan itong bayaw ko,” tugon ni Kuya.
“Okay, mauna na ako.” Paalam ni Engr, Ihinatid ko
pa siya sa sasakyan niya. Bago pumasok ay kinamayan pa ako sabay yakap at tapik
sa aking likuran. Ewan ko kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Napalingon ako
sa may pintuan, naroon pala si Kuya at parang naka-ismid. Ano ba ito? Bakit
ganon itong si Kuya?
Balik uli ako sa loob at naupo sa mahabang
monoblock. “Anong pag-uusapan natin kuya?”
”Wala lang, gusto ko lang magpamasahe uli sa iyo.
Ang sakit kasi ng likod at balikat ko. Nangalay yata sa paghiga. Ayaw ko sa
massage parlor, mas gusto ko kasi ang masahe mo,” wika ni kuya.
“Si kuya, nambola pa. Doon na tayo sa silid, sa
kama. Kung makatulog ko man ay okay lang,” yaya ko kay Kuya.
Sabay na kaming pumasok ng silid ni Kuya. Kusa
nang naghubad ng kanyang damit si Kuya Nick, maliban sa kanyang brief saka
dumapa na. Nakita ko na naman ang magandang katawan ni Kuya, ang katawang noon
ko pa pinagpantasyahan. Napadasal ako. “Bigyan N’yo po ako ng tatag ng kalooban
na makaiwas sa tukso.”
Naupo ako sa may balakang ni Kuya, mas
komportable ako na doon maupo dahil hindi ako mahihirapan na abutin ang braso at
balikat ni Kuya maging ang malapad nitong likod.
Napakagaan ng kilos ko sa tuwinang nagpapamasahe
sa akin si Kuya Nick. Kahit yata maghapon kaming maghilutan ay hindi ako
makararamdam ng pagod. Kaya lang, ay baka hindi ko na makayanan ang pagtitimpi
at tuluyan na akong bumigay. Mabuti na lang at may natitira pa akong tatag ng
kalooban para mapaglabanan ang aking matagal ng itinatagong damdamin sa kanya. Mahirap nang mawala ang
tiwala niya sa akin. Itinuturing niya akong tunay na kapatid at baka dahil lang
sa aking kalibugan ay dagliang masira. Isa pa, sakaling magawa ko iyon ay baka
saktan pa niya ako. Saka ayokong makasakit ng tao gaya noon ni Ate at ngayon
naman ay si Zion. Alam kong may unawaan na sila. Kung wala ay bakit siya
makikipag-talik sa lalaking iyon.Nakatulog na si Kuya kaya huminto na ako.
Humiga na rin ako sa tabi niya at agaran ding
naidlip. Nagising ako dahil sa pag-ring ng CP. Akala ko ay sa akin, pero
nadinig kong sinagot iyon ni Kuya.
“Hello Zion,” sagot ni Kuya. Si Zion pala ang
tumawag at hindi ko na narinig pa ang sinabi nito. Nadinig ko na lang na sinabi
ni Kuya na papunta na siya.”
Nagkunwari akong tulog pa habang nakita kong
nagbibihis si Kuya. Lumabas na siya ng silid. Nadinig ko na lang ang tunog ng
lock sa aking entrance door. Hindi na siya nagpaalam pa sa akin. Sobra talaga
akong nalungkot. Kasi nagmamadali siyang nagbihis sa isang tawag lang ni Zion
at hindi na nakuha pang magpaalam sa akin, hindi man lang niya ako ginising
para magpaalam.
Bumangon na ako na mabigat ang kalooban. Tumunog
an aking CP at nagpop-up ang message ni Kuya. “Hindi na kita ginising para
magpaalam. Alam kong pagod ka kaya hinayaan ko na lang makatulog ka muna.
Naalala ko kasing may pupuntahan akong importanteng bagay.”
Gusto ko sanang mag-reply at sabihing,
“pupuntahan mo si Zion kaya nagmamadali ka”, pero hindi ko na itinuloy.
Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata at muling nakatulog. Hapon na ng
magising akong muli.
Naligo na ako at pagkaligo ay nanood muna ng
balita sa TV. Pagkatapos ng palabas aynaghapunan na ko. Nag-ring ang aking
phone, tumatawag sa akin si Kuya. Hindi ko na lang sinagot, ayaw ko kasing
marinig pa ang dahilan niya. Alam kong magpapaliwanag siya sa walang paalam na
pag-alis, pero bakit ko pa pakikinggan kung hindi naman siya magsasabi ng
totoo. Isang message naman ang nag-pop-up uli. “Pasensya ka na talaga ha. Baka
kasi nagtampo ka kaya hindi ka nagre-reply at hindi rin sinasagot ang aking
tawag. Sorry!”
Hindi na muli pang tumawag o nag text si Kuya
after nun. Mabuti na rin dahil sa unti-unti ay nakakalimutan ko na rin siya.
Siguro, ilang buwan pang ganito ay hindi ko na siya mami-miss at hindi ko na
maaalala pa.
Friday, sa office. “Ismael, may gagawin ka ba
bukas?” tanong ni Engr, Caloy.
“Syempre meron, maglalaba ako, magplantsa at
maglinis ng bahay. Bakit mo naitanong?”
“Wala lang. Kasi gusto kong panoorin yung plabas
ngayon sa mall, kaya lang ay wala akong kasama. Eh hindi ko naman gustong
manood na nag-iisa. Samahan mo naman ako. Nakabili na ako ng ticket for two, 3
o’clock screening. Doon sa mall na tayo mag lunch. Sige na naman oh, samahan mo
naman ako, gusto ko talagang panoorin ang pelikulang iyon. Pleaseeeee,”pakiusap
ni Engr. na may paawa epek pa hehehe. Hindi ko naman magagawang hindian ang
nakikiusap lalo na at kasing cute ni Engr. Caloy ang nakikiusap.
“Sunduin kita sa bahay n’yo ng 11:30 Okay?”
masayang wika ni Engr.
On time si Engr. 11:30 ay bumusina na siya sa
tapat ng aming bahay. On time din naman ako dahil sa hindi ko gusto na may
naghihintay sa akin. Lumabas na ako at diretso nang sumakay sa kotse ni Engr.
Caloy.
Sa restaurant na kami kaagad na nagtuloy ni Engr.
Doon kami sa may salamin nakapwesto. Ako ang pumili sa lugar na iyon, gusto ko
kasing nakakakita ng mga taong naglalakad, pagmasdan ang iba-ibang emosyon at aksyon
ng mga tao, naaliw ako sa ganoon at nalilibang.
Abala ako sa pagmamasid ng makita ko si Zion at
Kuya Nick na marahang naglalakad, masaya ang nakarehistro sa kanilang mga mata
at ekspresyon ng mukha. Napatingin siya sa lugar namin ni Engr., ewan ko lang
kung nakita ako. Iniwas ko kasing makita niya ako. Kaya lang ay dito rin sa
restong ito sila papunta. Tinatanaw ko sila sa gilid ng aking mga mata,
palinga-linga si kuya na tila naghahanap na mauupuan. Siya namang pagdating ng
waiter para i-serve na ang aming inorder. Natakpan na ng waiter ang tinatanaw
ko kaya hindi ko na nakita pa ang dalawa kung saan napa-pwesto. Ayaw ko namang
magpalinga-linga at baka mahalata ni Engr, na may hinahanap ko.
Nagmamadali ako sa pagkain, halos hindi ako
nagtataas ng ulo dahil sa natanaw ko na sina Kuya, hindi kalayuan sa mesa
namin. Ayaw kong makita niya ako. Hindi ko naman maiwasan na hindi sila
tanawin. Masaya silang nag-uusap habang hinihintay ang kanilang order. Masaya
na si Kuya, nakalimutan na siguro ang tungkol sa kanila ni Ate. Naka move-on na
at dahil siguro iyon kay Zion.
“Nagmamadali ka yata sa pagkain Ismael. Mamaya pa
ang sched natin. Mahaba pa ang oras.” Puna sa akin ni Engr.
“Gusto ko kasing dumaan muna diyan sa department
store, may gusto akong bilhin para sa bahay. Alam mo namang kulang pa ako sa
gamit.” Pagdadahilan ko.
“Ganun ba. Sige, bilisan na natin. Marami ka bang
bibilhin?”
“Hindi naman. Gusto ko lang makabili na nang
hindi ko na makalimutan pag-labas natin sa sinehan.
Napilitan nang magmadali rin ni Engr. Matapos
kumain at mabayaran ang bill ay tumayo na kami. Hindi ko inaasahan na matanaw
niya si Kuya Nick. Kaibigan niya ito kaya nilapitan sa mesa nila. Inililihis ko
na nga siya ng daan pero nakita pa rin niya si Kuya. Hindi na ako nakaiwas.
“Pare, kanina pa kayo?” tanong ni Engr. Caloy.
“Kase-serve lang ng food namin. Kakain ba kayo?”
sagot na tanong ni Kuya.
“Tapos na. Nagmamadali kasi itong si Ismael at
may bibilhin daw.”
“Saan pa ang punta ninyo pagkatapos?”
“Papanoorin namin yung pelikulang gusto ni
Ismael. Mamayang 3 ang scheduled screening. Sige na, at hindi na namin
aabalahin ang pagkain ninyo. May bibilhin pa kasi si Ismael.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Nagkatinginan lang
kami ni Kuya, wala akong nasabi. Para naman kasing hindi niya ako napansin.
Bakit ba ako umiiwas na makita niya gayong hindi naman pala ako pansin.
Tinungo na namin ni Engr. Caloy ang department
store, wala naman akong nabili. Ang dahilan ko ay wala akong nagustuhan.
Paglabas namin ay sa sinehan na kami nagtuloy.
-----o0o-----
Naisipan kong magpalit ng kubre-kama at mga punda
ng unan. Dalawang linggo na kasing hindi ako nagpapalit pati na rin kumot.
Inipon ko ang aking labahin, pinili ko yung mahirap labhan at yung madadali
lang tulad ng brief at kamiseta ay ibinukod ko para mano-mano na lang lalabhan.
Inilagay ko sa isang plastic bag ang maruming labahin at nagtungo na ako kina
Kuya Nick para makilaba at para na rin malabhan kung ano man ang lalabhan doon.
Tuloy-tuloy na ako sa condo ni Kuya, may susi pa
naman ako. Tahimik pa sa loob, tulog pa siguro si Kuya. Sa kusina na ako
nagtuloy. Isinalang ko na ang labahin ko sa washing machine at habang
nakasalang ay nagluto naman ako ng pang-almusal ni Kuya pagka-gising. Naglabas
na rin ako ng pwedeng lutuin para sa kanyang tanghalian. Manok lang ang naroon.
Naghanap ako ng gulay na pwedeng isahog. Carrots at patatas lang at bell
pepper. Pwede na ito para sa kalderetang manok. Ibinabad ko na ang manok sa
tubig dahil frozen pa ito.
Prinepara ko na ang sibuyas, bawang, carrots,
bell pepper at iba pang ingredients. Habang hinihintay ang pagtunaw ng yelo sa
manok ay tinungo ko na ang silid ni Kuya para kuhanin ang labahin niya. Kumatok
ako sabay bukas ng pinto. Ganoon naman ako dati. Nasorpresa na naman ako dahil
sa naroon pala si Zion at pareho silang walang saplot sa katawan, at nakadagan
sa kanya si Kuya, mabuti na lang at natakpan ng kumot ang maselang bahagi ng
kanilang katawan. Hindi ako kaagad nakakilos, sumakit kasi ang aking dibdib.
Ewan ko ba kung bakit naapektuhan pa ako sa tuwinang nakikita ko sila, lalo na
sa ganitong sitwasyon.
Bakit ba ako nasasaktan? Wala akong karapatan.
Kahit kelan ay hindi ako magkakaroon ng karapatan sa kanya dahil hindi niya ako
kayang mahalin na gaya ng nararamdamn ko. Isang kapatid lang ang turing niya sa
akin, wala nang hihigit pa roon.
Nakatayo pa rin ako sa may pintuan nang magising
na si Kuya. “Ismael?” gulat niyang sabi. Taranta siyang pinulot ang nakakalat
na boxer short at sando saka mabilis na isinuot.
“Kukunin ko kasi ang labahin mo Kuya. Naglaba
kasi ako at isasabay ko na ang sa iyo. Sorry at basta na lang ako pumasok,
akala ko kasi ay wala kang kasama. Babalikan ko na lang kuya. Nagluto ako ng
pang-almusal, kasya na siguro sa inyong dalawa ang niluto ko,” wika ko sabay
talikod at lumabas na ng silid, hinatak ko pa pasara ang pintuan.
Walang naisagot si Kuya Nick. Napahawak na lang
sa buhok at parang nasabunot pa.
Hindi kaagad lumabas ng silid si Kuya. Ewan ko
kung ano ang saloobin. Alam kong napahiya siya sa aking nakita. Wala naman
siyang dapat na ipag-alala, binata siya at pwede niyang gawin ang anu mang
gustuhin niya. Pwede siyang magsama ng kahit na sino dahil condo niya ito. Kung
tutuusin ay hindi na ako dapat na basta-basta na lang pumasok sa kanyang
tirahan.
--Itutuloy--