Biyernes, Nobyembre 17, 2023

Si Bilas, Si Bayaw at Si Biyenan (Part 6)

 


Si Bilas, Si Bayaw at Si Biyenan (Part 6)

 

Nakumbinsi ako ng aking biyenan na magpakantot sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi dahil sa masarap din palang makantot. Noon ko lang naranasan na labasan ng tamod ng kusa, na hindi man lang nahawakan ang aking titi, na hindi sinuso o sinalsal.

Nang labasan na rin si Daddy ay hapong-hapo, pero bakas sa mukha ang labis na kasiyahan, satisfied siya. Tahimik siyang nahiga sa tabi ko, hindi nagsasalita.

Makaraan ang may sampung minuto ay nagsalita na rin siya. “Maraming salamat anak at pinagbigyan mo ako.”

“Wala po iyon. Nasarapan din naman ako,” tugon ko.

Tumayo na siya at sinabing, “Tatawagin kita para kumain. Ihahanda ko lang ang mesa.

Hindi nga nagtagal ay tinawag na ako ni Dad. Naglalakad na ako papuntang hapag ng makita ko si Marvin na bumababa ng hagdan.

“Kanina ka pa ba dumating Marvin?”

-----o0o-----

Isang pilyong ngiti lang ang itinugon niya. Nahiwagaan ako sa ikinilos niya. “Kanina pa kaya siya dumating? May nakita kaya siya sa amin ni Daddy kanina? Alam kaya ni Daddy na narito na si Marvin?” Mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Patay ako nito, baka nakita niya kami. Alam kong naka lock naman ang pinto ng aking silid. Baka kaya nakita niya si Daddy ng lumabas sa aking silid. Baka nag-kausap na sila. Ano kayang idinahilan ni Daddy kung sakali. Kailangang makausap ko siya.

Matapos kaming kumain ay si Marvin na ang pinaghugas ni Daddy ng aming kinanan, day off kasi ng kanilang kasambahay.

Nagtungo na si Dad sa sala at binuksan ang TV, nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Dad at magtanong.

“Dad, dumating na pala si Marvin, alam mo ba?”

“Nakita ko siya nung lumabas ako sa silid mo, bakit?”

“Kasi dad, nang lumabas ako ng silid ay pababa naman siya sa hagdanan. Natanong ko siya kung kanina pa. Ewan ko, isang pilyong ngiti lang ang isinagot, Baka kasi may nadinig o nakita siya sa ginawa natin. Baka may alam siya at masabi sa asawa ko,” kabado kong wika.

“Naka lock ang pinto pag labas ko, siya naman ay kapapasok lang ng bahay nang lumabas ako ng silid,” sabi ng biyenan ko.

“Hindi kaya nakahubad pa ikaw noon? Baka naghihinala siya. Dad, may alam ba siya sa gender mo?”

“Nakita mo naman ako nang magbihis. Saka wala silang alam sa lihim kong pagkatao. Huwag ka nga paranoid, wala iyon. Ganun talaga yun kapag tinatamad sumagot.”

“Pero hindi ba siya nagtanong kung anong ginawa mo sa silid ko?”

“Hindi. Ano ba naman ang pakialam niya kung pumasok ako ng silid mo. Bawal ba akong pumasok?”

“Dad, hindi sa ganon.” May sasabihin pa sana ako ng makita kong papalapit na sa amin si Marvin.

“May pinagtatalunan ba kayo?”

“Ah, kinukulit ko lang si Dad na sa akin na ibigay ang mga insurance ng mga bagong empleyado. Sayang din iyon,” alibi ko.

“Ay naku, wala kang mahihita diyan kay Daddy. Hindi niya ginagamit ang kanyang power sa ganiyang mga bagay,” wika naman ni Marvin.

“Siya nga pala Marvin, sa Wednesday ay paalis uli ako, pinababalik ako ng Hongkong at may pinaaasikaso sa akin sa partner company namin doon. I-deposit ko na lang sa ATM account mo ang iyong allowance,” wika ng biyenan ko.

“Aalis na naman ikaw Dad. Dad, dagdagan mo naman ang allowance ko, May group project na naman kami. Baka nga sa Friday ay doon kami sa isa naming kagrupo mag sleep-over eh. Dito ko sana inaaya, kaya lang ay ayaw pumayag ng parents ng isa naming ka-grup, doon na lang daw sa kanila. Eh Dad, baka may bilhin kami,” wika ni Marvin. May paglalambing pang yakap sa ama.

“Sya sya, oo na. Iwan ko na kayo at matutulog na ako. Maaga akong gigising bukas para mag workout sandali,” paalam ni Dad.

“Marvin, nadadalas yata ang pag-sleep over mo ah. Baka naman kung ano na yan. Sino bang ka-grupo ang sinasabi mo. Yun bang minsan na isinama mo dito?” tanong ko.

Wala na naman siyang isinagot kundi isang pilyong ngiti. Tumabi akin at kaagad na nadakma ang aking harapan. Napa-usod ako at biglang tayo. “Ano ka ba Marvin, makita tayo ng Daddy!” pag-aalala ko.

“Nakita mo nang umakyat na eh. Tayo na lang ang naiwan dito. Saka miss na kita,” wika ni Marvin na may landi at lambing.

“Miss mo ako o ang aking burat?”

“Pareho. Ang tagal na kaya buhat ng huli ko itong matikman, gutom na gutom na ako sa titi mo Kuya,” wika pa ni Marvin na hindi pa rin binibitiwan ang aking titi na nagsisimula nang tumigas.

“Bolero ka talaga bayaw, hindi mo na ito kailangan dahil may pinagkaka-abalahan ka nang iba. Anong pangalan nga niyon. Huwag ka nang magkakaila, nakita ko kayo na naghalikan ng ihatid mo siya noon sa labas. Ano ngang pangalan nun?”

“Nakita mo kuya?” kaswal na tanong ni bayaw Marvin. Parang ordinaryo lang, hindi nagkaila, hindi nahiya. “ si Arman yun, kaklase ko, bisexual din iyon tulad ko.” Wika pa niya.

“Sinong top o bottom sa inyo?”

“Versa kami pareho hehehe,” nakangiti niyang wika, tila proud pa. Ang hinihintay ko ay magtanong tungkol sa amin ni Dad, kung anong ginawa ni Dad sa aking silid kanina. Tila wala talaga siyang alam, hindi siya naghihinalala

“Kuya, type ka nun. Sabi niya ay baka pwede ka naming maka threesome hehehehe. Payag ka kuya?”

“Gago ka talaga Marvin. Anong alam niya tungkol sa atin?”

“Wala kuya, galit ka naman kaagad. Hindi ako madaldal kuya. Tama na yung question ang answer, Gusto ko akyson na agad. Tara na sa silid mo,” yaya niya sa akin. Niyakap niya ako at sinimulang halikan sa aking labi. Hindi na ako nag-inarte pa dahil gusto ko rin naman. Matagal na rin kasi ng huli kaming magtalik at sabik din ako.

Yumakap na rin ako sa kanya at nakipaglaplapan na rin. Tangina, nagiging sobra na yata ang aking libog. Katatapos lang namin ni Daddy, tapos heto naman ang anak niyang bunso at gustong makipagtotnakan sa akin. Natangay kasi ako sa sinabi niya na gusto akong maka-threesome ng kaklase niyang, sino nga iyun? Arman? Tama, Arman. Parang gusto ko rin maranasan na may ka threesome.

“Magaling ba sa romansa yung kaklase mong si Arman?” bulong ko kay Marvin

“Tsampyon iyon kuya, lahat kinakain niya, walang panis iyon. Masisiyahan ka,” tugon ni Marvin.

“Hahaha, walang panis ha! Hahaha.”

“Papayag kaya iyong pakantot sa atin ng sabay?”

“Hindi pa namin nasubukan, pero malay natin, baka pumayag.”

“Ikaw, papayag ka ba na dalawang burat ang sabay na papasok diyan sa butas mo?”

“Hindi ko rin alam Kuya. Siguro kung gusto ko ang lalaki at libog na libog ako.”

Bukod kay Arman, may iba ka pa ba?”

“Yung regular, isa lang, si Nilo, pero sa mga one night stand, medyo marami na.”

“Kinakantot ka ba nila?”

“Palagi ako ang kumakantot. Pero kung minsan, mas gusto kong pakantot na lang, kasi ay hindi ako pagod hehehe.”

Sa puntong iyon ay nakaluhod na si Marvin at nahatak na ang aking boxer short. Mabilis niyang nasubo ang aking titi. Napaungol ako kaagad dahil sagad-sagaran kaagad ang pagsubo niya. Para din akong natauhan dahil nasa sala pa kami.

“Shet Marvin, huwg dito, baka makita tayo ni Daddy,” kabado kong wika, parang bumilis ang pintig sa aking dibdib.

“Exciting kuya ano. Nagawa ko nang tsumupa sa CR ng Mall, dun sa Gateway Mall, Ginawa ko rin sa parking ng mall habang nasa loob kami ng kotse. Maniniwala ka ba na pati yung isang pare ay natsupa ko sa kumpisalan. Grabe kuya, iba ang pakiramdam ko noon. Iba pala ang libog na may risk, takot ka, pero ginagawa pa rin, may excitement,” kwento ni Marvin habang sinasalsal ang aking burat bago sususuhin uli matapos magsalita.

Ewan ko ba, parang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan, uminit ang aking pakiramdam. Para akong naging teen-ager uli dahil sa gusto ko ring maranasan ang ganoon. Ibang libog ang naramdaman ko ngayon. Nawala na ako sa sarili, lumakas ang loob ka na naghubad na habang niroromansa ako ni Marvin sa sala. Hindi ko alam kung safe kami dahil sa kami na nga lang ang tao sa sala, pero ang nasa isipan ko ay kung paano ako makikipagtalik sa public places.

Lumuhod na si Marvin sa ibabaw ng sofa at humawak sa sandalan. Alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Yumakap muna ako sa kanya buhat sa likuran at hinalikan ang gilid ng kanyang leeg. Umuungol na si Marvin. Nag-alala akong madinig ni Daddy kaya kinuha ko ang remote ng TV at medyo nilakasan ang volume ng TV. Medyo lumingon pa si Marvin kaya naman hinuli ko ang kanyang labi at dila.

“Hmmmm kuya Tsupppppp Slurrrrrppppppp. Na miss ko ito. Iba ka talaga uhmmmmpppppp.”

Lalo pang napaungol si Marvin nang aking lamasin ang kanyang dibdib at paglaruan ang kanyang utong. Inikot ko ang aking hintuturo sa paligid at ibabaw ng maliit na butil na iyon ng sabay saka ko inipit ng dalawang daliri.

“Ahhhhhhh tangina ka kuya, kaya sabik ako sa iyo eh, ang galing mo. Swerte talaga sa iyo si ate, ang gwapo mo na ang laki pa ng burat mo, ang galing mo pa sa sex.” Puri ni Marvin.

Hindi ko rin kinaligtaan pisilin ang kanyang titi at jakulin. Napapakayog pa siya sa tuwinang hihigpitan ko ang hawak at jajakulin ng mabilis.

“Ahhhhhhh kuya, kantutin mo na ako, baka labasan na ako sa ginagawa mong iyang. Fuck me Kuya!”

Dumura ako sa butas niya at ikinalat ko iyon. Dumura din ako sa aking titi at ikinalat ko rin. Ilang beses akong dumura, pinaglawa ko sa laway ang kanyang lagusan para mas madulas. Sinimulan ko nang umulos, madiin, may gigil.

Napalitan ng ngiwi ang kanina lang na mga ngiti ni Marvin. Hindi ko pa tinutodo ang pagkadyut, ulo pa lang ng aking kahabaan ang pumapasok. Nasasaktan pa rin siya.

“Masakit pa rin ba bayaw?”

“Oo kuya, pero kaya kong tiisin. Sige na, tapusin na natin ahhhhh.

Itinodo ko na ang pagkadyut, mariin. Alam kong tinitiis lang niya ang sakit, pero hindi siya nagrereklamo. Kakaibang sensasyon ang aking naramdaman nang tuluyan kong maipasok ng todo ang aking kahindigan. Masikip pa rin ang butas ni Marvin, mainit ang loob, kumakain talaga ng burat dahil parang hinihigop ng kanyang butas ang aking burat. Sabay pa kaming napaungol.

“Ahhhhhhhhhhh shit ang sakit pa talaga ohhhhh!” ungol ni Marvin.

“Ahhhhhhhhhhh shit ang sarap mo talagang barurutin Marvin,” ungol ko.

Hinawakan ko na siya sa kanang balakang at sunod-sunod na ang aking pagbayo. Matindi ang mga ulos kong pinakawalan.

“Ahhhhhh putangina kuya, sige pa, waratin mo ahhhhhhhhhh ang sarap na kuya ahhhhhhhhhhhhhhhh shet kang puta ka ohhhhhhhhhhhhh. Sige pa, mas madiin, mas masarap. Itarak mo ng sagad-sagaran.”

Tangina! Lalo lang akong nalilibugan sa sinasabi niya. Sarap na sarap siya, parang gusto ko na ring magpakantot sa kanya.

Gusto ko siyang masarapan lalo, pasasabikin ko siya ng husto, akin siyang tatakawin.

Isang mariing indayog ang ginawa ko, saka ko dahan-dahang huhugutin hanggang sa nakadikit na lang ang ulo ng titi ko sa bungad ng butas niya saka ko ikikiskis. Paulit-ulit na ganon ang ginawa ko.

“Kuya naman! Nabibitin ako, ituloy mo na. Nakakainis ka naman eh.”

Natawa ako sa inasal niya, hinawakan pa ang pwet ko at tila pinipigil na ilabas ko ang aking burat. Malapit na rin naman akong labasan kaya pinagbigyan ko na siya. Binilisan ko na ang maririin na bayo, hindi ko na tinantanan hanggang sa maramdaman kong papalabas na mula sa bayag ko ang natira kong tamod.

“Lalabasan na ako Marvin, sabayan mo na ako,” babala ko.

Ilang kadyut pa at; “Heto na ako!”

Nagulat pa ako ng bigla akog itinulak ni Marvin, tuloy ay nahugot ang aking burat. Naupo siya sa harapan ko at saktong nilabasn ako sa kanyang mukha. Siya naman ay jinajakol ang sariling burat. Napuno ng tamod ang mukha ni Marvin, natakpan ang isa niyang mata, ang ilong ay tinalsikan din at ang iba ay nag-shoot sa loob ng kanyang bibig.

Wala na akong ilabas ay subo-subo pa rin niya ang aking burat. Maya-maya lang ay isang mahaba at malakas na “Ahhh” ang pinakawalan. Naramdaman ko sa aking tiyan ang pagtalsik ng iba niyang tamod.

Nagulat pa ako ng kanya akong halikan sa labi. Nalasahan ko tuloy ang sarili kong tamod. Okay lang naman sa akin, tamod ko naman iuon, nakatikim na rin naman ako ng tamod. Dinilaan ko pa ang tamod sa kanyang ilong at mata saka ko siya hinalikan at inilipat ang tamod sa bibig niya. Nasiyahan pa siya sa aking ginawa.

“Thank you kuya, the best bayaw ka talaga,” pagpasalamat pa ni Marvin. Hubo at hubad na siyang umakyat patungo sa kanyang silid.

Pinatay ko na ang TV at pumasok na sa aking silid. Kumuha lang ako ng twalya at tinungo ang banyo para mag-shower. Naliligo na ako ng may kumatok.

“Kuya, sabay na tayo,” wika ni Marvin.

Sabay na kaming nag-shower, pero purely paliligo na lang, wala nang kalibugan na naganap.

-----o0o-----

Ang bilis na pagdaan ng mga araw, parang kahapon lang ay Friday, ngayon ay Friday na naman, wala si Daddy, nasa Hongkong na naman at hindi ko alam kung kelan ang balik. Si Marvin ay mag-sleepover daw kina Arman. Ako naman ay natagalan sa isa kong prospect. Ang hirao kumbinsihin, pero wala naman siyang nagawa sa aking charm. Nangako naman na kukuha siya para sa kanyang anak at pinababalik ako sa susunod na Friday para mag-pirmahan na ng policy.

Ang akala ko ay wala akong madadatnan sa bahay dahil pang-gabi ang shift ni Adele. Pero may ilaw pa sa tubigan ni bilas, ibig sabihin ay may tao pa. Inisip ko na baka yung katiwala lang niya. Sinilip ko kung sinong tao, wala. Tinawag ko ang pangalan ni Mico.

“Kuya, sandali lang, nasa banyo ako,”

Nagpupunas pa ng kamay si Mico ng harapin ako. “Sumilip lang ako kung bakit may ilaw pa dito sa tubigan mo. Bakit narito ka pa. Hindi ka ba uuwi?” Tanong ko.

“Nagpaalam ako kay Luisa, marami kasi akong ginawa kanina na dito ako matutulog ngyon. Hindi ko pa naayos ang aking pinamili kanina para sa tindahan. Ginabi ka yata ngayon?” – si Mico.

“Oo eh. Kinumbinsi ko pang kumuha ng insuarance yung isa kong prospect. Nahirapan nga ako eh, ginabi tuloy ako,” sagot ko.

“Kumain ka na ba. Nagluto ako ng adobo, halika at marami akong niluto.”

“Kung alam ko lang na nagluto ka eh sana hindi na ako kumain sa labas. Kumain na ako bayaw.”

“O sya, gawin na lang nating pulutan, inom naman tayo, matagal-tagal na din na hindi ako nakakasama sa family day eh hehehe. May binili na akong alak,” yaya ni Bilas.

“Sandali lang, magpapalit lang ako ng damit.

Iniwan ko muna siya at pumasok sa kabila. Nagbihis lang ako ng manipis na short at hindi na ako nag-brief. May gusto kasi akong i-confirm.

Lipat uli ako sa kina bilas. Nakahanda na ang mesa, naroon na ang alak, baso, malamig na tubig at coke. Hindi ko kasi kayang inumin ng puro, gusto ko ay may halong softdrinks.

Napatitig sa aking harapan si Mico, halata kasi sa manipis kong short ang aking alaga. Pinuna niya iyon. “Bilas, wala kang brief?”

“Pinawisan ako kanina eh, saka ayaw kong magpalit ng brief na hindi pa ako nakakapag-shower. Naiilang ka ba?” tanong ko.

“Hindi bilas, masaya nga eh,” wika niya na tila nagulat sa sinabi.

“Ano kamo?”

“Wala, wala. Upo na at simulan na natin.”

Hindi kami tagayan, pero bawat salin niya sa baso niya ay ganon din sa akin kahit na may laman pa. Para daw walang lamangan.

Masarap talagang kakwentuhan itong si Mico, hindi nauubusan ng joke. Kung minsan ay naikwento na niya, pero natatawa pa rin ako. Iba kasi siya kung magdeliver ng punch line, nasa timing, wika nga ng mga komedyante.

Halos maubos namin ang isang litrong alak, tinamaan na ako, hindi ko na matuwid ang pagsasalita.

“Bilas, hindi ko na kaya, may tama na ako, lipat na ako sa kabila,” wika ko na garalgal.

“Ubusin na lang natin ito, kokonti na eh. Ititira pa ba natin ito. Baka mapanis lang hehehe,” wika ni bilas Mico na paputol-putol din na pagsasalita. Mukhang mas lasing pa sa akin.

“Bilas Daryl, kumusta kayo ni Ate,” tanong ni Mico. Hindi ko alam kung bakit niya naitanog eh ayos naman ang pagsasama namin.

“Okay naman kami, wala naman kaming hindi pagkakaunawaan. Bakit mo naitanong?”

“Wala lang kuya, kasi magtatatlong taon na rin kayong kasal, bakit hindi pa nagbubuntis si Ate. Ayaw pa ba ninyong mag-anak. Una lang naman kami ng ilang buwan sa inyong ikasal ah. Hindi kaya kulang lang kayo sa... alam mo na... sa sex.”

“Hahaha, doon ka nagkakamali, active kami pareho ni Ate Adele mo kung sa sex lang. Natutugunan ko naman ang pangangailangan niya. Minsan nga halos gabi-gabi kung magtalik kami, pagka minsan nakaka dalawang round pa hehehe. Hindi lang talaga matyempuhan.”

“Kuya, ni minsan ba, hindi ka gumamit sa ibang babae?”

“Naku bilas, mahal ko ang asawa ko, at hindi ko siya kayang pagtaksilan. Hindi na nga ako nakakapag-beer house man lang eh,” wika ko na mahirap sa aking kalooban. Totoo naman na hindi ako nambabae kahit kelan, kahit na isang kalabit ko lang ay hihiga na ang babae  akin kahit saan, kaya lang hindi babae ang tumukso sa akin, lalaki. Hindi basta lalaki, bayaw at biyenan ko na parehong malibog.

“Ikaw yata ang nambababae eh. Ngayon pang hindi pa pwedeng gamitin si Luisa. Hahaha.”

“Paano naman ako mambababae, eh hindi naman ako nakakaalis dito sa tubigan, hindi nga ako nakalalabas ng bahay eh.” Wika ko na may himig pag-aalinlangan.

“Talaga lang ha, diretso ka bang umuuwi pagkagaling dito. Hindi kaya may balak kang gawin ngayon, kaso naabutan kita hehehe.”

“Bilas kuya ha, walang ganyan. Loyal ito sa misis ko.”

“Okay! Sinabi mo eh. Paano nga pala iyan, tigang ka ngayon. Gasgas na siguro ang palad mo ano hehehe.”

“Sinabi mo pa. Tiis-tiis muna, wala naman akong magagawa eh.”

“Matanong lang kita bilas Mico, noong binata ka, naranasan mo bang maligawan ng bading. May indescent proposal ka bang natanggap. Ang gwapo mo kasi at varsity pa sa kolehiyo ninyo.” Tanong ko

“Naku marami, pero wala akong pinatulan kahit pa mamahaling bagay at pera ang offer sa akin. Hindi ako galit sa bading, marami nga akong kaibigang bading eh. Dito sa tubigan, maraming bading akong customer na pumi-pick up ng ng tubig makila lang ako hehehe.  Sa iyo ba.”

“Pareho lang tayo. Tulad mo rin, lahat sila turned down. Wala akong planong pumatol,” wika ko. Pero kung nalaman ko lang ng masarap pala, baka pumatol ako. May pera pa ako at alahas hehehe.

“Hindi ka talaga nagka-experience, kahit tsupa lang?” tanong ni Mico.

“Hindi no. May babae naman, bakit ako papatol sa lalaki.” Tugon ko.

“Alam mo bilas, sabi ng mga ka varsity ko, pumatol daw sila, kapalit ng pera, o di kaya ay thesis o project. Sila ang gumawa para sa kanila, kapaalit ang katawan nila. Yung iba ay nagustuhan pa daw, kaya kahit walang kapalit ay pumapatol. Masarap daw, mas masarap pa sa babae. Noon nga muntik na akong pumatol eh, mahina lang talaga ang loob ko, saka nobya ko na si Luisa noon. Baka may magtsismis pa sa kanya eh lagot ako.”

“Oo, may nakapagsabi din sa akin, masarap nga raw.” Segunda ko.

“Tinitigasan ka yata bayaw, parang tinatablan ka sa pinag-uusapan natin ah,” puna ni Mico na nakatingin sa aking harapan na halatang halata ang pagkatigas ng aking titi.

“Oo eh, ikaw ba?” sabi ko na kinapa ko ang harapan niya. Hindi man lang siya napailag, siguro dahil sa mahina ang instinct. Tigas din ang titi niya.

“Subukan kaya natin hehehe.” Suhestyon niya.

“Gago! Naku tama na nga yang topic na iyan. Ubos na rin lang ang alak eh mabuti pa ay lumipat na ako sa kabila,” sabi ko sabay tayo. Pero hindi yata maganda ang biglaan kong tayo dahil sa parang nahilo ako at muntik na akong matumba, mabuti na lang at nasalo ako ni Mico, napayakap ako sa kanya at ganon din siya. Naglapat ang aming katawan.

Mainit ang katawan niya, parang nilalagnat. Tila naririnig ko na ang tibok ng kanyang puso, maging ang tibok ng kanyang alaga sa gitna ng hita. Nagkatitigan kami, para kaming naglalaban ng patagalan ng titig. Bago pa ako nakabitiw ay nahalikan na niya ako sa labi.

 

 

 

Itutuloy.......

 

Mini Series From Other Blog # 11 - The Captain and The First Mate (Part 2) By: Aero Bradley Meade (From: Pinoy Gay Love Story)

 


The Captain and The First Mate (Part 2)

By: Aero Bradley Meade

(From: Pinoy Gay Love Story)

 

Namatay si Doc, at dahil sa wala siyang nakilalang kamag-anak ay sa akin niya iniwan lahat ng kanyang naipundar. Dahil doon ay natulungan ko ang aking mga magulan na maipa-ayos ang aming bahay.

Nagkita na rin kami in Enzo, hindi para magpaliwanag kung bakit hindi siya nakipagkita nung mga nakaraan araw kundi ang sabihin may iba na siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko noon, kahit na may pera na ako nun ay napakalaki pa din ng kulang sa buhay ko, tinulungan ako ng mga kaibigan ko na maiayos ang pananaw ko sa buhay at pinilit ko na maging maayos para maisakatuparan ang mga plano ko. Ayokong malulong sa mga bisyo dahil sa hindi ako namulat sa ganung mga bagay at alam ko na ayaw ni Doc na maging ganun ang buhay ko. Naging masama ang ugali ko hindi dahil sa gusto ko lang, kundi dahil sa mga taong nagreject sa akin. Nung mga pagkakatong yun ay mas lalo kong naramdaman ang pagkawala ni Doc. Kung nandyan kasi sya ay hindi ako magiging ganun dahil ayaw ni Doc na maging ganun ako, pero nangyari na ang mga nangyari at alam ko nung mga panahong yun na merong kailangang magbayad sa kalungkutan na nararamdaman ko.

-----o0o-----

Nag-enroll ako sa UST nun bilang med student, gusto ko kasing pantayan yung narating ng mga kapatid ko. Ang Kuya ko kasi ay naka-graduate sa La Salle sa pamamagitan ng scholarship at ang Diko ko naman ay nakapagtapos sa Ateneo na iginapang ng mga magulang ko. Gusto kong patunayan sa mga magulang ko noon na nagkamali sila sa akin dati, gusto ko ipakita na kinaya ko ang apat na taon sa college at lalong mas kakayanin ko ang pag-aaral ng medicine. Kung dati ay hindi o bihira akong pumunta sa mga family gatherings ay sinisigurado ko na inaattendan na namin ang lahat ng ito, nabago ang tingin sa amin ng mga tao at mga kamag-anak namin at kailanman ay hindi na kami nakarinig ng kahit na anong negative mula sa kanila.

Pagkatapos nun ay inisa-isa ko na sila, sinimulan ko ito kay Karl, inalam ko ang modeling agency nilang dalawa ni Enzo at kinaibigan ko ang mga may-ari at head nito, binayaran ko sila para tanggalin nang pakonti-konti ang mga project ni Karl hanggang sa mawalan na sya ng project, dahil dito ay nagtaka si Karl kung bakit nawalan siya ng project sa kabila ng in demand status niya sa mga advertisers at advertising agencies. Nakita ko kung gaano nalungkot si Karl at natuwa ako na sa wakas ay naramdaman din niya kung ano ang pakiramdam ko nung naging sila ni Enzo. At hindi pa dun natatapos ang paghihiganti ko sa kanila, nalaman ko kung sino ang naging tulay para maging mag-on sila Enzo at Karl, at ito ang pinsan ni Karl at housemate nila sa condo na inuupahan nila na si Von.

Gwapo at malaki ang katawan ni Von, isa syang part time model pero ibang agency naman sya. Nagtatrabaho bilang consultant sa isang realty company si Von. Kinaibigan ko sya at hindi nagtagal ay nahulog ang loob nya sa akin at nagpanggap ako na ganun din sa kanya. Pero isang palabas lang ito para sa akin, para mas mapalapit ako kina Enzo at Karl. Mas mapapadali kasi ang mga plano ko kung mas malapit ako sa kanilang dalawa, mas napapadalas ang pagpunta ko sa condo nila at ang paglabas-labas naming apat. Dito ay nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at mas lalo akong nainis sa mga nakikita ko, sa tuwing kakain kami ay sinisigurado ko na makukuha ko ang atensyon ni Enzo para magselos si Karl at hindi nagtagal ay na-master ko na ito hanggang sa umuuwi kaming apat na naiinis si Karl kay Enzo dahil sa napapako ang atensyon sa akin ni Enzo.

Hindi ko na pinaabot sa punto na tanungin ako ni Von kung pwede maging kami, ipinaalam ko sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami at hindi kami pwedeng maging magpartner. Natanggap naman ni Von yun at hindi siya nagalit sa akin, sa halip ay naging mas close pa kami nang dahil dun. Nung mga panahong iyun ay alam ko na “hooked” na sa akin si Enzo kaya madalas kaming magkita at lumabas kahit na sila pa din ni Karl. Ginawa ko ang lahat para mahulog si Enzo sa akin at nagtagumpay ako, may pagkakataon pa na mas pinipili niya na makasama ako kesa kay Karl.

Madaming projects si Enzo nung mga panahong yun at ipinatanggal ko ang lahat ng ito sa agency. Kahit na tutol sila dito dahil sa laki ng mawawalang kita ng agency sa pag-aalis nila ng project kay Enzo. Tinapatan ko ang kikitain ng agency sa mga projects na aalisin nila kay Enzo at dinagdagan ko pa ang babayaran ko para hindi sila magdalawang isip na gawin ito. Ginawa naman nila na alisin ang mga projects ni Enzo at nalungkot sya. Dahil dito ay mas nagconfide sya sa akin, alam ko kasi na walang magagawa si Karl dito samantalang ako ay marami ang kaya kong gawin. Sinabi ko kay Enzo na tutulungan ko sya na magkaroon ulit ng mga project, habang naghihintay ay babad sa gym si Enzo dahil sa inassure ko sya na magkakaroon sya ng madaming projects.

Dahil sa mga koneksyon na meron ako ay naibalik ko ang mga projects ni Enzo at nadagdagan pa ito. Simula nun ay palagi na silang nag-aaway ni Karl kaya palaging nakikipagkita sa akin si Enzo para magsabi ng mga hinaing niya sa relasyon nila ni Karl. Ipinaramdam ko sa kanya na lagi akong available para sa kanya at dahil dun ay nahulog na nang tuluyan si Enzo sa akin.

Bukod kay Enzo ay naging abala din ako sa pag-aaral sa school, naging masaya ako sa panahong nilagi ko habang ako ay nag-aaral ng medisina, doon ko nakilala si Max at si Justin na naging inspirasyon sa akin na balang araw ay magiging katulad ko din, pero alam ko naman na malayong-malayo ang estado naming dalawa ni Max at kung merong love story na para sa akin ay sigurado ako na hindi ito kasing tamis nung sa kanila ni Justin. Alam ni Max ang lahat ng mga nangyayari sa akin at alam ko na kailanman ay hindi siya nagkulang ng mga paalala sa akin bilang isang kaibigan.

Naninimbang ako sa mga nangyayari sa amin ni Enzo, may part kasi ng utak ko na parang nakokonsensya sa mga ginagawa ko at meron din namang part sa akin na masaya ako, dahil dun ay madalas akong mapunta sa dalawang sikat na lounge sa Newport at sa isang lounge ko nakilala si Rex. Si Rex ay isang bartender. Nakilala ko siya dahil lagi ko syang natyetyempuhan na nakaduty at siya ang palaging gumagawa ng mga drinks ko. Nabaitan kasi ako kay Rex at nakita ko ang sarili ko sa kanya nung nagsisimula pa lang ako noon sa college.

Mas matangkad sa akin si Rex at malaki ang built ng katawan niya, hindi naman ganun ka-defined ang katawan niya pero banat naman sya sa trabaho kaya makisig din syang tignan. Sa lahat ng empleyado doon ay sigurado ako na si Rex ang pinakagwapo sa lahat. Kung hindi nga lang sya naka-uniform ay mapagkakamalan mo syang customer at hindi empleyado.

Nagkakalabuan na sila Enzo at Karl at hindi nagtagal ay nagkahiwalayan sila. Natuwa ako sa nangyari sa kanila at sa isip ko ay panigurado na sa akin babalik si Enzo, hindi ako nagkamali at ito na nga ang nangyari. Sinabi ko na lang kay Enzo na ‘wag namin madaliin ang lahat at pumayag naman sya. Alam kasi niya na magiging kami din pagkatapos ng ilang buwan pero hindi ito nangyari dahil sa pinaasa ko lang din siya kagaya ng ginawa niya sa akin dati. Doon ay parang nakaganti na ako sa kanya sa lahat ng sakit na binigay niya sa akin noon. Halos magmakaawa si Enzo sa akin noon at pinagbigyan ko siya. Pinasakay ko siya na kami pero hindi na ako ganun ka-attached sa kanya. Ipinakita ko din kay Karl kung ano yung dapat na sa akin dati pa, na kung hindi siya nanghimasok sa amin ay malamang na matagal na akong masaya.

Tuwing Biyernes ay nagpupunta ako sa lounge kasama ang ilang mga kaibigan, dito ay mas lalo akong napalapit kay Rex. Mabait na tao si Rex at hanga ako sa determinasyon na meron sya. Madami din akong nalaman sa kanya dahil sa madalas na pagpunta ko dun. Nalaman ko na nag-aaral pala siya dati sa isang sikat na school na para sa mga marine o seaman. Natigil lang sya sa pag-aaral dahil sa kailangan niyang suportahan ang pamilya niya, iniwan na kasi sila ng tatay nila. Pero mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa pagmamahal niya sa tatay niya kahit iniwan sila nito, na iba sa akin dahil sa hindi nga kami iniwan ng papa ko pero nabuo ang sama ng loob ko sa kanya nung mga panahong itinataguyod ko ang sarili ko imbis na siya ang nagtataguyod sa akin. Ibang klase na tao si Rex at madami akong natutunan sa kanya na hindi ko pa nalalaman dati. Responsable at mabait na anak si Rex at umasa ako na balang araw ay matutulad din ako sa kanya.

Habang tumatagal ay naging magkaibigan na kami ni Rex, tinulungan ko siyang makapag-aral muli dahil sa isang taon na lang ay makakagraduate na din siya at sayang naman kung hindi niya ito matapos. Ayoko naman kasi na habambuhay na lang siya dun sa lounge habang ang mga kapatid niya ay titulado na at siya ay hindi pa. Nagkunwari ako na ikukuha ko siya ng scholarship at umupa ako ng tao na kunwari ay kakausap sa kanya. Ayoko kasi na malaman niya na sa akin manggagaling ang lahat dahil sigurado ako na hindi niya ito tatanggapin, kaya itinago ko ito sa kanya. Pati allowance ay nilakihan ko na din dahil sa titigil na sa pagtatrabaho si Rex para makapagfocus siya sa pag-aaral niya, para kahit papaano ay matulungan pa din niya ang Mama niya at ang mga kapatid.

Nakapag-enroll si Rex bago pa naman dumating ang pasukan kaya nilagi niya muna yung natitirang buwan para sa trabaho. Nagpasalamat sa akin si Rex dahil tinulungan ko daw siyang makahanap ng scholarship, ipinangako ni Rex sa akin na hinding-hindi niya ako papahiyain sa taong hinihingian ko ng scholarship para sa kanya, na gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para makagraduate. Kung alam lang ni Rex nung mga panahong yun na ako ang nagpapaaral sa kanya ay malamang hindi niya ito tatanggapin. Ayoko din kasi magkaroon siya ng utang na loob sa akin. Gusto ko lang tumulong sa kanya dahil ang mga katulad niya yung mga taong hindi masyadong nabigyan ng oportunidad na makapag-aral pero gagawin ang lahat makabalik lang dito.

Napapansin din ni Enzo na palagi akong lumalabas na hindi siya kasama. Sinasabi ko na lang na biglaan ang mga lakad ko kaya hindi ko na siya naisasama o naii-nform man lang. Dahil sa sobrang pagmamahal ni Enzo sa akin nung panahong iyun ay hindi siya nagagalit sa akin, at sa tuwing nag-aaway kami na kahit kasalanan ko ay hindi ako nagso-sorry sa kanya, bagkus siya pa ang nagso-sorry sa akin. Iba na ang naging estado namin ni Enzo simula nung pinaikot niya ako. Alam ko na ramdam niya na parang ginagantihan ko siya pero dahil sa pagmamahal niya sa akin ay hindi na niya ito naisip pa.

Minsan ay nagpunta ako sa lounge at dahil masama ang panahon kaya hindi nakapunta ang mga kaibigan ko kaya napagpasyahan ko nang umuwi ng maaga. Sakto namang lumakas ang ulan nung pauwi na ako ng past 8 PM. Nagpasundo ako sa driver at sinabi naman niyang on the way na siya. Dahil sa tagal niya ay lumabas na ako ng lounge at naghintay sa lobby. Dito ay binati ako ni Rex na pauwi na nung mga oras na yun, dahil sa lakas ng ulan ay hindi din siya nakaalis agad kaya nagkakwentuhan muna kami.

Halos isang oras na ang lumipas at medyo humina na ang ulan. Tinawagan ako ng driver at sinabi na baha yung dadaanan nya, nakatira pa kasi ako nun sa San Lazaro na malapit sa school. Wala naman akong ibang magawa kundi maghintay na humupa ang baha, sinabihan ko na lang ang driver na bumalik na lang sa bahay at baka mapahamak pa siya sa baha. Sinabi ko na lang na magtataxi na lang ako kahit na malayo ang bahay. Narinig ito ni Rex at inaya niya ako sa kanila, para naman daw makilala ko ang pamilya niya at ang mga kapatid niya. Sinabi din niya na birthday ng Mama niya nun at gusto daw akong makilala para daw makapagpasalamat sa akin dahil sa “hinanap” ko ng scholarship si Rex. Dahil ayoko din naman na mapahiya si Rex ay sumama ako sa kanya. Sa Mandaluyong din nakatira sila Rex na malapit lang sa bahay ng magulang ko.

Pagdating namin sa kanila ay rinig ko na ang kantahan ng mga bisita nila, ramdam ko na masayang masaya sila, ito kasi yung pakiramdam na hindi ko na yata alam dahil sa mga nangyari sa akin. Bago pa man kami makarating sa kanila ay sinabi sa akin ni Rex na; “Pasensya na sa bahay namin ah, maliit lang yun, tsaka nilakasan ko na loob ko na maisama kita kasi gusto ka talaga makilala ni Mama.”

“Ano ka ba hindi naman ako ganun, tsaka ok lang yun, salamat din kasi ininvite mo ko dito sa inyo, para naman makatawa naman ako ng totoo,” ang sagot ko sa kanya at nagtawanan kaming dalawa.

Pagdating namin sa bahay nila ay masayang-masaya silang nagkakantahan. Puro mga kamag-anak din nila Rex ang mga kapitbahay nila kaya pamilya talaga sila doon sa lugar nila. Naalala ko ang bahay namin na minsang naging masaya para sa akin. Bigla akong sinalubong ng Mama ni Rex at niyakap niya ako dahil sa pasasalamat niya sa akin sa “paghanap” ng scholarship para sa anak niya.

“Wala po yun, kaibigan ko naman po yang si Rex eh, natural lang po na tulungan ko sya, sorry nga po pala wala akong dalang regalo,” at napangiti ako sa Mama ni Rex.

“Ay ok lang yun, ikaw naman, wala yun, basta nandito ka at nakilala ka namin ok na yun anak,” ang sabi ng Mama ni Rex sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang mainit na pagtanggap sa akin ng pamilya ni Rex, nakilala ko din yung dalawang nakababatang kapatid ni Rex. Panganay kasi si Rex sa tatlong magkakapatid na lalaki na parang katulad sa amin, bunso nga lang ako. Kahit ang mga pinsan at mga kamag-anak ni Rex ay mainit din akong tinanggap, pinapakanta nila ako sa videoke at pinagbigyan ko naman sila, nung una ay pinipigilan sila ni Rex na pakantahin ako dahil sa nahihiya siya sa akin pero dahil sa hindi naman ako killjoy ay pumayag na din ako.

Tuwang tuwa sila habang kumakanta ako, at dahil doon ay naramdaman ko yung saya na totoo. Doon lang ulit kasi ako nakatawa ng bukal sa puso ko. Simula kasi nung mawala si Doc ay hindi ko na nagawang makatawa pang muli nang totoo. Nung panahong iyun ay naramdaman ko ang pamilya ni Rex na tanggap na tanggap ako at iyun marahil ang nagdulot sa akin ng kaligayan na doon ko lang ulit naramdaman. Pagkatapos kong kumanta ay kinausap ako ni Rex.

“Pasensya ka na ha? Napakanta ka pa tuloy”

“Hindi, ok lang yun, nag-enjoy ako, ang saya dito sa inyo, sana nga ganito din sa bahay,” ang sagot ko kay Rex.

Nahalata nya na malungkot ako deep inside kaya inaya niya ulit ako sa loob ng bahay nila. Matagal din ang nilagi ko kina Rex. Nagsimula kasing umulan ulit simula nung dumating kami sa kanila at panigurado ay hindi na ako makakauwi sa amin. Tinawagan ko ang mga tao sa bahay at sinabi nila na baha pa din ang dadaanan pauwi ng bahay. Kahit na pwede naman akong umuwi sa bahay namin na malapit kina Rex ay hindi ko na ginawa, nung panahong yun, kasi ay mas pipiliin ko pang matulog sa motel ’wag lang umuwi sa bahay namin.

Nang dumating ang alas dose ng madaling araw ay nag-uwian na ang mga bisita nila Rex. Tumulong ako na magligpit bilang respeto sa kanila. Pinigilan ako ng Mama ni Rex dahil sa nahihiya siya sa akin at bisita daw ako. Nang magpaalam na ako sa kanila ay pinigilan ako ni Rex, wala na daw akong masasakyan dahil sa ang mga daanan ng jeep at taxi sa kanila ay baha na. Sinabi din ng Mama ni Rex na delikado kung uuwi pa ako sa amin dahil sa malakas ang ulan at kung baka ano pa ang mangyari sa akin sa daan.

“Dito ka na lang matulog sa amin, may double deck naman kami sa kwarto,” mungkahi si Rex,

“Ok lang ba? Naku sorry ha naging asikasuhin pa tuloy ako sa inyo,” ang sagot ko na narinig ng Mama ni Rex.

“Ay hindi, pag kaibigan ng mga anak ko, anak na din ang turing ko, hindi ka na ibang tao sa amin anak kahit ngayon ka lang namin nakilala,” ang sabi ng Mama ni Rex sa akin. Natuwa ako sa narinig ko at napangiti.

“Oo nga Kuya Aero, dito ka na lang matulog,” ang sabi ng pangalawang kapatid ni Rex na si Aldrin.

Natuwa ako sa mga nangyari sa akin nung panahong yun, sila Rex kasi kahit hindi sila mayaman noon ay willing silang i-offer kung anuman ang meron sila. Merong dalawang kwarto sa bahay nila Rex, magkasama silang tatlong magkakapatid sa isang kwarto at ang Mama naman nila ay sa isang kwarto. Nung gabing yun ay natulog ang dalawang kapatid nya sa kwarto ng Mama niya at kaming dalawa ay natulog ng magkatabi. Nung una ay ayaw pa nya ako tabihan kasi daw baka hindi ako sanay ng may katabi. Dahil sa nakikitulog lang ako ay nakakahiya naman kung magdedemand pa ako sa kanila kaya sinabi ko na lang kay Rex na ayos na ayos lang sa akin na magtabi kami sa kama.

Pinahiram din nya ako ng mga damit na pangtulog pero nahiya siya nung tanungin niya ako kung may pamalit ako na underwear. Pinakita ko sa kanya na meron akong dalang extrang underwear at iba pang kailangan katulad ng toothbrush na nasa bag ko. Nasanay kasi ako na magdala para sa mga emergency na pangyayari kagaya ng biglaang sleepovers katulad nito.

Hindi kami agad nakatulog ni Rex dahil sa nagkwentuhan muna kami hanggang sa nakatulugan na namin ang isa’t isa. Hindi ko maipaliwanag pero komportable ang pagtulog ko sa kanila nung panahong yun, malamang siguro na pagkasama mo yung taong pinagkakatiwalaan mo ay mahihimbing talaga ang tulog mo. Hindi ko din alam ang paliwanag pero yun ang naramdaman ko nung magising ako.

Halos sabay lang kami na nagising ni Rex at lumabas na kami ng kwarto at nakita ko na naghahanda na ng almusal ang Mama ni Rex. Sobrang touched ako sa ipinakitang hospitality ng pamilya ni Rex sa akin, naramdaman ko kasi na parte ako ng pamilya nila at hindi bisita. Bago umalis ay nagpasalamat ako sa kanilang lahat at sinabi ko sa sarili ko na isang araw ay makakaganti din ako sa pagtanggap nila sa akin at sa kabutihan na ipinakita nila sa akin.

-----o0o-----

Alalang-alala si Enzo na naghintay sa bahay na makarating ako. Pagbukas pa lang ng pinto ay siya na ang bumungad sa akin. Sinabi ko na lang na pagod ako at tumuloy na ako sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay nakatulog na si Enzo sa higaan ko. Natuwa din ako sa kanya kahit papaano dahil sa ipinakita nyang concern sa akin. Tumabi ako sa kanya at tumalikod at nakatulog na ako. Paggising ko ng bandang hapon ay wala na si Enzo sa tabi ko. Nag-iwan na lang sya ng note na agad ko ding itinapon pagkatapos basahin. Hindi ko pa din makalimutan yung saya na naramdaman ko nung nakila Rex ako, kumpara sa tinitirhan ko na kasama ko lang ang dalawang kasambahay at isang driver ay puno ng lungkot ang tinitirhan ko.

Pagkatapos nun ay balik na ulit ako sa mga ginagawa ko, sa school at sa pagiging kunwariang partner kay Enzo. Dahil sa ipinapakita ni Enzo sa akin ay hindi ko minsan maiwasan na matuwa sa kanya. Sa kabila kasi ng mga nangyari sa amin ay ramdam ko naman na mahal na niya ako. Pero hindi ko pa din maialis sa akin na hindi ko siya gantihan sa sakit na dinulot niya sa akin. Kahit na papaano ay may natitira pa din naman akong pagmamahal sa kanya at kung minsan ay nagiging mabait ako sa kanya.

Sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari nung birthday ng Mama ni Rex ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Kaya naisip ko na padalhan sila ng grocery at pera. Malaki kasi yung bakanteng lote sa gilid nila Rex at sa tingin ko ay pwede naman nila itong rentahan para gawan ng sari-sari store at karinderya. Masarap kasi magluto ang Mama ni Rex na nagtatrabaho bilang cook sa isang canteen sa isang eskwelahan na malapit sa kanila. Dahil sa daanan ng tao ang lugar nila Rex ay sa tingin ko ay kikita sila ng malaki kung ang Mama nya ay magtatayo ng tindahan at karinderya. Pagkatapos mamili ng mga grocery na kakailanganin nila at para sa tindahan ay pinadeliver ko ito. Nagbigay din ako ng pera na pantayo nila ng tindahan at karinderya at ang bayad sa upa ng pepwestuhan nila. Naglagay na lang ako ng isang note na kung para saan ang pera at ipinadala ko sa isang tao na para hindi nila malaman na sa akin ito nanggaling. Ibinalita sa akin nung nagdeliver na tuwang-tuwa ang Mama ni Rex nung matanggap nya ang lahat ng pinadala ko sa kanila kahit na nagtataka sya kung bakit sila nakatanggap ng ganun. Kung tutuusin ay kulang pa yun sa lahat ng kabutihan na ipinakita nila sa akin at masaya ako na napasaya ko ang Mama nya.

Hindi naputol ang communication namin ni Rex na nagsimula na ng pagbalik nya sa school. Kitang-kita ko ang kaligayahan sa kanya na nakakapag-aral na sya ulit. Nakutuban din niya na ako yung nagpadala sa kanila nung mga grocery at pera. Pati na yung scholarship na meron siya ay nakutuban din niyang sa akin lang ito nanggaling. Itinanggi ko ito dahil sa alam ko na ibabalik lang ni Rex sa akin ang lahat ng yun dahil sa nahihiya na daw sya sa akin dahil sa sobra-sobrang tulong na binibigay ko sa kanya. Sinabi ko na lang sa kanya na kung ako man yung nagpadala ay aaminin ko din naman, pero nagmatigas ako at napanindigan ko na hindi ako yung nagpadala kahit na alam ko na huling-huli na ako ni Rex.

“Aero, kahit hindi mo aminin nararamdaman ko na ikaw yun. Sobrang salamat sa iyo, nabago na nang tuluyan ang buhay namin. Balang araw, makababayad din ako sa iyo,” ang tinext sa akin ni Rex.

Sa totoo lang ay hindi ako umaasa ng kapalit sa pagtulong ko kay Rex at sa pamilya niya at ayokong mangyari yun. Deserving kasi silang tulungan at anytime na kailangan nila ng tulonh ay hindi ako magdadalawang isip na ibigay iyon sa kanila.

Makalipas ang ilang buwan ay naging successful ang itinayong business ng Mama ni Rex. Nagsimula na din silang maghulog para sa tricycle nila na ginagamit nilang service sa tuwing mamimili ang Mama niya ng mga kailangan sa tindahan at sa karinderya at kung hindi naman ito ginagamit bilang service ay pinapasada ito ng Tito niya. Tuwang-tuwa ako dahil sa alam ko na kailanman ay hindi na babalik sa dating estado ng buhay sila Rex.

Kahit hindi aminin sa akin ni Enzo ay alam ko na mahal pa din niya si Karl, hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang isang tao lalo na kung nagkaroon kayo ng relasyon, pero alam ko din na mahal na ako ni Enzo kaya nahihirapan siyang hiwalayan ako. Doon nabuo sa akin ang ideya na hiwalayan ko si Enzo para masaktan ko sya, para naman maiparamdam ko sa kanya yung sakit na ibinigay niya sa akin noon. Minsan ay nakita ko silang dalawa sa SM North Edsa na magkasama, nagtaka ako dahil sa alam ko ay wala na silang communication. Nilapitan ko silang dalawa at kinompronta.

“Ano ‘to?” ang sabi ko sa kanilang dalawa. Sinigurado ko na makikita nila ang galit ko.

“Ah wala nagkasalubong lang kami,” ang sagot ni Enzo sa akin. Hindi alam ni Enzo ang ikikilos niya nung panahong yun.

“’Wag kang mag-alala, nagkasalubong lang talaga kami. Tsaka wala akong balak bawiin si Enzo sa iyo,” ang sagot ni Karl. Nahalata ko na naiinis siya sa akin kaya sinamantala ko ang pagkakataon na makaharap sya.

“Bawiin? Oo nga pala, bago maging kayo ni Enzo dapat kami eh, kaso umepal ka kaya yun, sorry,” ang sabi ko kay Karl.

“Ah, ok lang, nasa iyo naman na si Enzo eh, so masaya ka na niyan for sure, di ba?” ang sabi ni Karl habang tinignan ako nang masama.

“Anong ibig mong sabihin?” ang sagot ko sa kanya at tinignan siya ng diretso. Hindi na mapakali si Enzo dahil sa alam na niya namumuo na ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Karl.

“Masaya, nasa sayo na yata ang lahat eh, may pera ka, nasa sa iyo na si Enzo, uulitin ko, masaya ka ba talaga?” ang sabi ni Karl sa akin. Dito ay nanggigil na ako sa kanya.

“Anong sabi mo? Baka gusto mong kainin yang tanong mo sakin? Pipiliin mo yung mga salitang bibitiwan mo kapag kaharap mo ko, hindi mo alam ang kaya kong gawin,” at nginitian ko si Karl na may halong pang-aasar.

Pagkatapos nun ay inawat kami ni Enzo at umalis na kaming dalawa. Inis na inis ako kay Enzo nung mga oras na yun, pakiramdam ko kasi sinadya talaga nilang magkita ni Karl. Dahil sa gigil ko sa kanya ay pinagsalitaan ko siya ng kung anu-ano at hindi ko siya pinasakay sa sasakyan. Sinabi ko din sa bahay na huwag siyang papapasukin kapag pumunta siya.

Gustong-gusto ko nang hiwalayan si Enzo nung mga oras na yun dahil sa alam ko na masasaktan siya pag ginawa ko iyun. Pagkatapos ng dalawang araw ay pinuntahan ko si Enzo sa labas ng bahay nila at dito ay hiniwalayan ko na siya. Dinahilan ko ang naging pagkikita nila ni Karl at sinabi ko na malamang ay pinagtataksilan niya ako. Naiyak si Enzo dahil sa ginawa ko at halos magmakaawa siya na ’wag kaming maghiwalay. Pero buo na din ang loob ko na makipaghiwalay sa kanya. Bukod sa gusto kong maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko noon ay nakokonsensya din ako dahil sa hindi ko na siya ganun kamahal at gusto ko na din tapusin ang ilusyon na binuo ko.

Sinabi na lang ni Enzo na hindi sya susuko sa akin at hindi na ako kumibo at umalis na. Sa totoo lang ay akala ko magiging masarap sa pakiramdam ko na makita syang ganun pero hindi din pala. Alam ko na mali ang ginawa ko pero ninais ko na mangyari yun para malaman ni Enzo ang pakiramdam ng iniwan at para hindi na niya gawin yun sa iba. Sa ilang buwan na pagkukunwari ko na mahal ko siya ay alam ko sa sarili ko na naging masaya din naman ako sa piling ni Enzo, pero may mga plano ako na dapat kong isakatuparan kaya mas naging importante sa akin na makapaghiganti kesa sa maging masaya na kasama siya.

Pagkatapos ng nangyari sa amin na hiwalayan ni Enzo ay mas napapadalas ang pagkikita at pagsasama namin ni Rex, marahil ay gusto niya pa na mas makilala namin ang isa’t isa at maging mabuting magkaibigan. Inamin niya sa akin na may nililigawan siya na schoolmate niyang babae, pero sabi nya ay hindi daw siya gusto nito. Wala akong naramdaman na kahit na ano dahil sa alam ko na pagkakaibigan lang ang meron sa amin ni Rex. Inencourage ko na lang siya na maghanap na lang siya ng iba, tutal gwapo at matangkad naman siya at hindi imposible na magustuhan siya ng babaeng liligawan niya.

Masaya din ako na magkaroon ng isang kaibigan na katulad niya kahit na alam niya na bisexual ako. Ni minsan ay hindi ako trinato na iba ni Rex at kahit minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagkainip sa kanya nung mga panahong magkasama kami. Dahil sa pagiging busy namin pareho sa school ay napagkasunduan namin na lagi kaming magbobonding tuwing biyernes. Dito ay pumupunta kami ni Rex sa mga lugar sa Manila katulad ng Intramuros, Luneta Park, Chinatown at iba pang pasyalan. Naging hingahan ko din si Rex sa lahat ng mga saloobin ko at siya yung taong unang nakakaalam ng mga bagay na sa isang kaibigan ko lang ipinagkakatiwala.

Nakasanayan na namin gawin ito ni Rex sa loob ng ilang buwan at masaya ako na nagawa namin ang mga bagay na ‘yun. Madalas kaming kumain sa labas ni Rex sa tuwing gumagala kami. Hindi na namin alintana yung mga matang nakatingin sa amin parati. Iba kasi ang nabuong samahan namin ni Rex at kung minsan ay hindi maiwasan na paghinalaan kami na magkarelasyon lalo na ng ibang mga bisexuals at gays. Kahit na ganun ay mas lalong naging matatag ang pagkakaibigan naming dalawa. Alam ko naman na straight si Rex at malayo na mabuo ang pagtitinginan namin sa isa’t isa. Kung mangyari man yun ay ayoko na si Rex ang maging susunod na magmamahal sa akin. Pag hindi kasi naging successful ito ay panigurado ay mawawala din ang pagkakaibigan namin. Para sa akin, importante si Rex sa buhay ko at ayoko na mawala siya sa akin.

Dahil na din sa pananabik ko sa isang pamilya ay mas napapadalas ang pagpunta ko sa kanila. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagmamahal ng isang pamilya kapag nasa kanila ako. Natutuwa din ako na parang may mga nakababatang kapatid ako sa katauhan ng mga kapatid ni Rex. Alam ko na may dahilan kung bakit ko nakilala si Rex at ito ang magbigay sa akin ng kaligayahan na makukuha ko lamang sa isang pamilya.

Isang umaga ay pumunta si Enzo sa bahay at gusto nyang magkabalikan kami. Pero nagmatigas ako na ’wag na siya balikan sa kabila ng pagsusumamo nya. Kahit na pagkakaibigan ay tinanggihan ko, ipinakita ko sa kanya ang isang side ko na hindi pa niya nakikita. Pinagbawalan ko na din sya na pumunta ng bahay, dito ay nagalit si Enzo sa akin dahil sa sinaktan ko sya.

“Tama nga si Karl, masama ka talaga,” ang sabi ni Enzo sa akin.

“Bakit? Sino ba nag-udyok sa akin para maging ganito ako, hindi ba ikaw din? Pinaasa mo ko, nung mga panahong kailangan kita nasaan ka? Hindi ba naglalandian kayo ni Karl? Masakit di ba Enzo?” ang sagot ko sa kanya. Hindi agad nakakibo si Enzo.

“Sorry.” At niyakap ako ni Enzo. Bigla akong kumalas at umalis sa kinatatayuan namin at sinabing; “Male-late na ko.”

Lumabas na ako ng bahay at umalis na. Habang nasa sasakyan ay nakita ko na lumabas na din si Enzo at nagpupunas ng luha niya. Nakaramdam din ako ng awa para kay Enzo, marahil, nagmahal lang talaga siya nung sila pa ni Karl kaya hindi naging kami noon. Pero mas nangibabaw sa akin yung galit sa kanya at sinabi ko sa sarili ko na deserve niya yung sakit na nararamdaman niya nung mga panahong yun.

Hindi sumuko sa akin si Enzo. Matindi ang persistence ni Enzo at alam ko na hindi niya ako susukuan. Sinabi ko na lang na balikan na lang niya si Karl dahil sa sila naman talagang dalawa ang nagmamahalan, pero talagang matigas si Enzo at hindi niya ako pinakinggan. Hindi ko na din pinapansin ang bawat tawag at text niya sa akin dahil sa ayoko na siyang bigyan ng false hopes na magkakabalikan pa kami.

-----o0o-----

Pagkalipas ng isang taon ay malapit nang grumaduate si Rex. Masaya ako para sa kanya dahil abot kamay na niya ang pangarap. Matataas ang mga grades ni Rex at nagkaroon pa siya ng honors nung grumaduate siya. Kahit na naging busy ako sa school ay talagang hinahanapan ko ng panahon si Rex. Gusto ko kasi ay palagi akong nandoon sa mga pagkakataon na gusto niyang kasama ako.

Kahit na isang taon na ang lumipas ay hindi pa din tumitigil si Enzo. Nabawasan na din ang galit ko sa kanya, at dahil dun ay tinanggap ko ang alok ni Enzo na maging magkaibigan kami.

Sa loob ng isang taong mahigit na nakilala ko si Rex ay halos nabago na din ang pananaw ko sa buhay. Nabawasan ang galit ko sa mundo. Naging totoo ang kasabihan na minsan ang kailangan mo lang sa buhay ay isang tao, yung isang tao na palaging magpapasaya sa ’yo sa lahat ng oras, at iyun ang nakita ko kay Rex. Inaamin ko na nahuhulog na din ang loob ko kay Rex, pero hindi ko ito hinayaang lumaki pa dahil sa panigurado ay aasa ako dito at ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

Dahil sa may mga trainings pa na kailangang gawin si Rex bago siya makasakay ng barko, ay tuloy pa din kami sa mga ginagawa namin kagaya ng paglabas-labas tuwing Biyernes at pagpunta sa bahay nila. Naging routine na sa akin ang paglabas namin ni Rex at naging outlet ko na din ito ng kaligayahan. Pakiramdam ko napakaswerte ko na naging kaibigan ko siya at alam ko sa sarili ko na walang makakapantay kay Rex sa buhay ko. Madalas akong sabihan ni Rex na umuwi ako sa amin. Para kasi sa kanya, importante ang pamilya at kahit kalian, ang pamilya daw ang mga taong hinding-hindi ka iiwan. Madalas sabihin sa akin ni Rex yan sa tuwing nakikita niya sa akin ang nabuong galit ko sa pamilya ko.

Alam ko na gusto lang ni Rex na mabuo nang tuluyan ang pagkatao ko sa pamamagitan ng pagpapatawad, pero hindi ko pa din maramdaman ito sa sarili ko kaya hindi ko pa ito magawa noon.

Minsang nasa galaan kami ni Rex ay kwinento nya sa akin ang tungkol sa “The Captain and The First Mate”.

 

 

Itutuloy……

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...