Miyerkules, Agosto 28, 2024

Meet Up (Part 6)

 


Meet Up (Part 6)

 

Lunes, pasok na naman sa office. Ewan ko ba, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Kahit sa bahay noong Sabado at kahapon, ang saya-saya ko. Nagpa-ice cream pa nga ako sa mga kapatid ko eh. Nagtataka sila, kasi naman eh ang kuri-kuripot ko pagdating sa kanila. Tatlo lang naman kami dalawa kaming lalaki at isang babae at pare-parehong working na. Ay mali pala isang lalaki, isang babae at isang binabae hehehe.

Panay ang tukso nila sa akin, baka daw may boyfriend na ako. Hindi kasi ako makwento kapag tungkol sa akin lalo na sa mga ginagawa ko ngayon. Kapag nalaman nila ay baka nga itakwil na nila ako. Ikaw ba naman ang malaman nilang nakipag foursome.

“Bossing, parang iba ka nayon, parang ang saya-saya mo, glowing ka. Siguro ay may boyfriend ka na,” bati ng isang staff ko.

Kahit na naman may posisyon na ako sa aming opisina, ay hindi ako umaastang bossing talaga. Madalas nga ay sila ang kausap ko kesa sa mga ka-level ko ang posisyon dito sa office namin, para lang kaming magkakaibigan, hindi nga ako nagpapatawag ng “Sir”, lalo na ng “Ma’am”. Hindi ko naman mapagbawalan na tawagin nila akong bossing.

Isa sa pinaka-close ko doon ay ang kasabayan kong napasok sa department namin, si Ruth. Kasabayan ko siya, pero nanatili siyang clerk pa rin, hindi kasi siya naka-graduate, natamad ng mag-aral dahil sa nakapagtrabaho na. Hindi na siya na-promote, pero tumataas naman ang sweldo niya dahil sa loyalty. Konti nga lang ang agwat ng sweldo namin eh hehehe. May asawa na rin siya at siya ang hingahan ko ng problema. Minsan na kumakain kami ay natanong niya kung hindi pa daw ako nagbo-boyfriend.

“Tingin mo ba ay may magkakagusto sa akin ng tunay? Hindi ba pera lang ang gusto ng mga lalaki sa tulad naming bading?”

“Ewan ko, pero meron din naman sigurong tunay na nagmahal sa bading. Tulad nina ano at ano, nagpakasal pa nga eh,” sabi ni Ruth.

“Artista sila at saka mayaman. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na pera lang ang minahal sa kanila,” sabi ko naman.

“Pero nagkakaroon ka naman ng crush, halimbawa dito sa office natin?”

“Oo naman, ang dami kayang pogi dito sa atin lalo na sa sales dept.”

“Sino sa kanila ang Crush mo? Sige na, secret lang natin.”

“Huwag na, secret ko na lang, huwag ka nang sumali.”

“Damot nito. Pero Marius, nagkaroon ka na ba ng karanasan sa isang lalaki. Atin-atin lang naman ito.”

“Virgin pa ako loka!” pagsisinungaling ko. “Sakali mang ma-deviginize ako ay bakit ko naman sasabihin sa iyo, para naman akong baliw noon.”

“Alam mo na ba kung paano makipag-sex ang bading sa kapwa lalaki?”

“Hoy Ruth ha! Hindi ako sanay sa ganyang conversation.”

“Tayo lang naman dalawa. Ang tagal na nating magkasama dito 10 years na, ipinagkanulo ba kita?”

“Kahit na, sobrang personal naman niyon.”

“Paano naging personal? Tinanong lang kita kung alam mo.”

“Ang kulit mo talaga,” sabi ko. Kinuha ko ang saging, sakto, medyo malaki, lakatan kasi. Saka ko isinubo, pero hindi ko kinagat, sinipsip ko lang. Tawang-tawa ang loka. “Tara na nga, ubusin mo na ang saging mo, baka kainin ko pati iyan sa iyo. Kung gusto mo eh pati sa asawa mo.”

“Oooppps, hindi pwede, may may-ari na hehehe.”

-----o0o-----

Nasa aking cubicle na ako, pero bukas man ang aking lap-top ay wala naman akong ganang magtrabaho, iniisip ko pa rin talaga ang nangyari sa akin noong Friday. Sa tuwi pa namang maalala ko ay tinitigasan ako. Kung wala lang talaga ako sa office ay baka naka-sex ko na si Mary Palmer hahaha.

Nag ring ang CP ko. Hala, may tumatawag. Dinukot ko ang aking CP sa aking bulsa, si Buboy. Nag-isip ako kung sasagutin ko ba, sinabi ko kasi sa aking sarili na last na iyong pagsama ko sa kanila at hindi na mauulit. Sa isang parte naman ng aking isipan ay sagutin ko.

Ako:    Hello.

Buboy: Hello Marius. Kumusta ka na. Bakit ang tagal mo bago sagutin ang phone mo.

Ako:    Hah! Ah eh nasa CR ako at nasa mesa ko ang aking CP. Mabuti naman ako. Bakit ka napatawag.

Buboy: Wala naman. Pinatawagan ka lang sa akin ni Ted, tinatanong kung okay na raw ba ang pakiramdam mo.

Ako:    Oo. Okay na ako. (Habang nag-uusap kami ay talagang nakaramdam ako ng pagiinit ng katawan. Malinaw pa kasi sa aking isipan ang ginawa kong pagkantot sa kanya. Ang sarap pala ding kumantot. Hindi ko namalayan na hinihimas ko na ang aking burat.

Buboy: Mabuti naman pala kung gayon. Pinasasabi din ni Ted na punta ka dito sa Friday night. Alam mo na hehehe. Alam mo, ikaw lang yata ang pinapupunta ulit ni Ted dito, yung iba kasi ay hindi na naulit.

Ako:    (Medyo tumaas ang aking ego ng marinig ko iyon.) Ah eh bahala na Buboy, busy kasi kami ngayon dahil ang dami naming trabaho. May backlog nga kami ngayon eh. Sige na, tawagan kita kung pwede ako ha, medyo busy lang talaga.

Buboy: Okay, thank you. Naabala pala kita, bye!

End call.

Pag-angat ko ng aking mukha ay muntik na akong maubo. “Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko sa isang matangkad at gwapong si Ben, isang salesman na nakatayo sa may pasukan ng aking cubicle.

“Medyo.”

“Bakit hindi ka kumatok?”

“Busy ka kasi sa kausap mo. Sino iyon, BF mo? Nakangiti ka kasi sa buong pag-uusap ninyo.”

“Hala, ano iyon, nakikitsismis lang. Anong kailangan mo?”

“Ikaw!”

“Ano? Ano?”

“Ah hehehe. Hihingi sana ako ng kopya ng sales summary ko, kailangan ko kasing mag-analyze. Medyo lumiliit yata ang benta ko eh, nabawasan ng medyo malaki ang aking comission. Titingnan ko kung saan ako humina. Hindi kasi kumpleto ang data ko, mas maganda ang sa inyo.”

“Ah… hingin mo na lang kay Ruth, siya kasi ang gumagawa niyon. Pakisabi na sinabi ko sa iyo.”

Pagkasabi ko ay tumutok na uli ako sa aking laptop. Parang naramdaman ko na may nakatayo pa rin sa may pinto ng aking cubicle, nang aking tingnan ay naroon pa rin si Ben. “Hoy Ben! Ano at nakatayo ka pa rin diyan? Hindi ba’t sinabi ko sa iyong kunin mo na lang kay Ruth?”

“Oo nakuha ko na. gusto ko lang mapagmadan ka pa ng matagal-tagal,” sabi ba naman niya sabay kindat. Parang gustong malaglag ng puso ko. Hala, ano kaya iyon?

“Anong sabi mo?” pagkukunwari kong hindi naintindihan ang sinabi niya. Kinilig ako noon, hindi lang ako nagpahalata.

“Sabi ko salamat. Sige, sabay tayong mag-lunch mamaya, ako ang taya bilang pasasalamat dito,” sabi pa ni Ben na ikinaway ang isang folder.

“Naku huwag na, may baon kami. Kung gusto mo sumabay ka na lang sa amin nina Ruth sa canteen.”

Tango lang na hindi ko naman maunawaan kung oo o hindi. Umalis na siya.

Napasandal ako sa aking upuan at napa-buntong hininga. Naisip ko kasing baka totoo ang sinasabi ni Ruth na pwedeng may magmahal na lalaki sa gaya namin. Haaay sana nga. Pinaka-crush ko pa naman siya sa lahat ng crush ko sa sales Dept.

Kanina ay tamad akong magtrabaho, ngayon naman ay ginaganahan ako hehehe.

Hoy! Ano at ngiting-ngiti ka?”

“Ay kalabaw!” gulat kong nasambit. “Ano ka ba naman Ruth, huwag mo akong gugulatin! Kung may sakit ako sa puso, inatake na ako,” sabi ko pa kay Ruth.

“Crush mo ano hehehe. Mukhang may tama sa iyo eh, kanina ka pa pinagmamasdan nun. Kanina ko pa ibinigay yung hinihingi niya at tumayo pa talaga diyan sa cubicle mo,” panunukso ni Ruth.

“Ruth, bumalik ka na sa upuan mo, marami akong ginagawa at dapat ay matapos ko ito. Huwag kang pang-abala.”

“Ayiiihhh hihihi, Basta sabay tayong mag-lunch ha. Alam ko, dinig kong inaya ka.”

Sige na, sige na. alis!”

Natatawa talaga ako sa Ruth na iyon. Pero kinilig ako sa pagbibiro niya. Kung totoo lang sana.

-----o0o-----

Lunch break, sabay kaming kumain ni Ruth. Nagpalinga-linga ako sa paligid, hinahanap ko si Ben, baka nga sasabay ng pagkain sa amin, kaya lang ay wala siya.

“Bakit palinga-linga ka. May hinahanap ka ano. Disappointed ka ano at wala,” sabi ni Ruth, nang-aasar pa.

“Hala, bakit ako madi-disappoint?” sabi ko. Hindi ko naman talaga inaasahan na sasabay siya sa amin. Kaya lang ay umasa ako, disappointed talaga, hindi ko lang maamin. Akala ko pa naman mababago ang paniniwala ko na may lalaking magkakagusto sa kagaya ko. Idinaan ko na lang sa pagkain ang inis ko.

Pagkatapos ay kaagad na akong nagbalik sa aming opisina, hindi na ako nakipag-kwentuhan pa kay Ruth.

Pagpasok na pagpasok ko sa aking cubicle ay nag ring ang aking phone, si Ben ang tumatawag. Nanghingi lang ng paumanhin, bigla raw ang tawag ng isa niyang client, isa sa malalaki niyang client at hindi niya mapahindian, kaya hayun, napasugod siya. Malaking order daw ang siguradong makukuha niya at baka makabawi siya sa pagbaba ng kanyang sales. Naunawaan ko naman iyon.

Alas tres nang may kumatok sa aking cubicle. “Sorry kanina ha, emergency lang talaga. Heto o, suhol ko para hindi ka magalit, dito ako kaagad nagdiretso, baka kasi hindi ito makarating sa iyo,” wika ni Ben at iniwan ang isang supot na kung ano iyon at kaagad na umalis. Hindi na nga ako nakapag-pasalamat sa ibinigay niya, hindi ko pa nakikita kung ano iyon.

Bubulatlatin ko na ang supot nang biglang pasok na naman nitong si Ruth, tsismosa talaga ang babaeng ito.

“Ano naman iyan?” tanong ni Ruth sabay hablot sa supot na hindi ko pa nakikita kung ano ang laman. “Wow! Hopya, yung paborito nating hopya, at ang dami, sampung balot, iba-iba pang flavor! Sis… penge naman o.”

“Sa akin ibinigay, baka magalit sa akin dahil nag-share ako.”

“Damot!” sabay talikod at naglakad na pabalik sa kanyang post. “Thank you ha,” lingon niya at ikinumpas ang isang balot ng hopya.

Inambaan ko na lang siya ng suntok. Syempre, biro lang iyon.

Masayang-masaya ako sa aking pag-uwi. Iniwan ko sa mesa ko ang ibang hopya at ang iba ay inuwi ko hehehe.

-----o0o-----

Nakagawian ko na ang pagbabasa ng kwentong m2m sa aking CP kapag nasa silid na ako at matutulog na. Walang masyadong update sa paborito kong blog. May nag-pop up ng notification, may email daw ako na hindi ko pa nababasa. Binuksan ko ang email. Hala, nagpapakilala na siya daw si Edmond at nagpadala din ng kanyang number, pati na nang kanyang FB account.

Syempre, nagulat ako, nagkita na kami, nag-sex na rin. Sino naman itong nagsasabing si Edmond din daw ito. Tiningnan kong mabuti ang number ng phone niya, iba sa number nung Edmond na na meet ko na. Pati na ang FB niya. Sinearch ko ang pangalan niya sa FB, madami siyang kapangalan, ayaw ko namang manghula kaya tinawagan ko ang numer niyang ibinigay.

Ako:    Hello!

Ed2:    Hello… sino ito?

Ako:    Si Edmond ba ito?

Ed2:    Yes, ito nga, sino ito?

Ako:    Ako ito si Marius, may Email ka sa akin at nagpapakilalang Edmond.

Ed2:    Ah oo. Nagka-interes akong mag-email sa iyo, naghahanap kasi ako ng bagong kaibigan at may nabasa ako sa isang comment sa story na nabasa ko sa isang blog. Mabuti at tinawagan mo ako.

Ako:    Mawalang galang na sa iyo ha, nanloloko ka ba? Kasi eh nakilala ko na yung Edmond. Paano naman na may mangyayaring dalawang Edmond.

Ed2:    Ahh. Oo Edmond din ako, totoo iyon, pero ang surname ko ay Soriano, Iba ako doon sa sinasabi mo. Hindi kita niloloko. Ano bang pangalan ng Edmond na una mong nakilala.

Ako:    Soriano nga pala, at yung una ay Soriao, makahawig, pasensya na ha. Sorry, napagkamalan kong scammer ka hehehe. Kasi naman halos pareho lang kayo ng apelyido. Pwede bang open mo ang cam mo?

Ed2:    Basta ba, open mo rin ang sa iyo eh, sabay tayo.

Ako:    Deal.

Pinundot ko ang camera, tapos may lumabas namang image sa aking phone.

Shet na malagkit, si Adonis ba itong kausap ko? Super siya, super gandang lalaki. Ang ganda ng pagkakangiti niya. Kung nakikita ninyo ang short video sa youtube na magagandang lalaki na magaganda rin ang katawan na parang mga koreano o chinese… ganon ang itsura ng mukha niya, ewan ko lang ang katawan.

Ed2:    Hello! Anong nangyari sa iyo, bakit parang nagulat ka?

Ako:    Naku sorry. Nagulat lang ako. Hindi mo naman sinabi na si Adonis ka talaga.

Ed2:    Hahahaha. (Ang ganda ng tawa niya, ang lagong ng tunog, lalaking-lalaki susme, hihimatayin na ako.) Grabe ka naman, para tuloy napahiya ako doon ah.

Ako:    Totoo naman eh, sobrang gwapo mo, wala ako kahit sa kalingkingan mo. Bakit mo nga pala naisipan na mag-reply sa request ko. Pwede ko bang idelete ang comment ko sa story na iyon sa blog? Kasi naman, baka marami pang Edmond na magpadala sa akin ng kanilang phone gaya ng request ko hehehe.

Ed2:    Mag-delete? Hindi ako sure, try mo na lang. Baka ang pwede lang ay ang administrator. Sobra naman papuri iyan, baka maniwala ako. Actually, nakatuwaan ko lang talaga, nagbabakasakali kasi akong makakita ng bagong kaibigan, malay mo naman baka mag jive tayo sa lahat ng bagay, ugali, likes, dislikes at kung ano ano pa.

Ako:    Pero wala akong face value, kung alam mo ang ibig kong sabihin.

Ed2     Hindi ako tumitingin sa looks, mas gusto ko ang ugali. Saka, bakit ganyan mo naman maliitin ang sarili mo, ang gwapo mo kaya, promise.

Ako:    Hindi ko naman sinasabing napaka-pangit ko, pero compare sa iyo, ikaw na ang humusga. Curious lang ako, palagi ka bang nagbabasa ng mga kwentong gay na may kalibugan pa?

Ed2:    Hindi naman masyado, nagbabasa ako, hindi naman siguro masama at hindi naman siguro masasabing gay na rin ang isang lalaki kung ito ay nagbabasa ng gay story. Random lang naman ang binabasa ko, nagkataon lang na ang nabasa ko ay nabasa mo rin at nag-comment ka pa. Saka nagka-interes ako kasi ay ikaw lang ang nag-comment na humihingi ng phone number at FB account hehehe. Saan ka naman interesado at nanghihingi ka ng Phone number?

Ako:    Tama ka naman sa sinabi mo, naniniwala ako na hindi lahat ng nagbabasa sa gay blog ay bading din. Pero ako, aaminin ko sa iyo, gay ako. Kamakailan lang ako nag-out sa parents ko at sa mga kaibigan at officemate ko. Paminta kasi ako dati. Nagbabaka-sakali lang ako na makahanap ng taong magmamahal sa akin ng tapat, kahit pa gay din ito. Saka ngayon ko lang ginawa iyon, kasi nga, kaa-out ko pa lang.

Ed2:    Tama ang naging desisyom mo, bakit mo naman sisikilin ang damdamin mo. Hindi ka sasaya sa pagtatago ng tunay mong pagkatao. Minsan ay aayain kitang makipagkita sa akin, huwag lang ngayon. Gusto ko ay magkakilala muna tayo ng lubos kahit dito lang sa FB messenger at sa phone.

Ako:    Sana nga magkatagpo tayo face to face. Paano, masyado nang mahaba ang ating usapan, me trabaho pa ako bukas eh, kelangan kong gumising na maaga. Salamat Edmond ha. Nice talking to you.

Ed2:    Same here. Goodnight Marius.

Ako:    Goodnight!

End Call.

Wowwwww! What at night. Kinikilig talaga ako hanggang ngayon, tuloy ay nagbrowse ako sa FB niya. Siya talaga ang nasa larawan. Hindi ko nga pala nasabi na dummy account ko lang ang aking FB at hindi ko tunay na apelyido ang nasa Email ko, Hindi ko rin naitanong kung tunay niyang pangalan ang “Edmond Soriano”. Pero siya ang nasa mga picture. Nag-save pa ako ng ibang picture niya sa aking phone.

Naghahanap ko nang full body shot na larawan para malaman ko kung maganda rin ang katawan niya, wala akong nakita. Sana mapanaginipan ko siya hehehe, yung intimate hehehe.

 

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...