Meet Up (Part 1)
Ako si Marius,
isang CPA at may mataas na ring position sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Simpleng
tao lang ako, tahimik dahil sobra akong mahiyain lalo na sa pakikipag-usap sa
mga babae. Disente rin akong tao, hindi ako suplado, madali nga akong
pakibagayan dahil sa hindi ako namimili ng taong kakaibiganin, kahit sino basta
makakasundo ko.
Bading ako, alam
iyon sa amin. Disente nga ako kaya hindi ako yung maingay na bading, kimi,
mahiyain. Ayaw ko talagang maging bading, kaya lang, ipinanganak na akong
ganito, kaya wala akong magagawa pa.
Sa itsura, sakto
lang, hindi ako yung lalaking lilingunin mo pa kapag nakasalubong sa daan. May
appeal din naman kahit papano, marami rin naman nagkaka-crush sa akin, mga
kapit-bahay kong babae, mga kaklase ko noon at maging dito sa aming office.
Noon iyon, noong hindi pa ako ladlad hehehe.
Syanga pala 32 na
ako ngayong 2024, at ang ikukuwento ko sa inyong aking karanasan ay nangyari
noon edad 30 ako, ang totoo, first time ko ito at hindi ko malilimutan.
Nahilig ako sa
pagbabasa ng mga kwento dito sa internet, mga iba-ibang blog na ang tema ay mga
kwentong pang bading. Nilalahad nila ang mga naging karanasan nila sa pag-ibig,
at syempre sa sex. Marami ding kwento nang paglaladlad at nakakarelate ako.
Kaya nga nagkaroon ako ng lakas ng loob na magladlad ay dahil na rin sa mga
ganoong kwentong nababasa ko. Una akong nagladlad sa aking pamilya. Nagulat
sila syempre, pero dahil sa wala naman akong ipinakitang ikakahiya nila ay
tinanggap din naman ako kaagad. Sunod ay sa aking mga kaibigan at sa aking
pinagtatrabahuhan, pinalakpakan pa nga ako ng mga officemate ko eh. Ang sabi
nila ay naghihinala na rin sila sa akin, may mga kilos daw kasi akong hindi
gawi ng tunay na lalaki.
Yun na nga, sa kababasa
ko sa mga kwentong pang gay ay naenganyo akong magladlad, 30 years old na ako
at medyo late na rin. Wala pa akong karanasan noon, virgin na virgin kahit sa
ilong hahaha. Late bloomer ika nga.
May nabasa akong
isang kwento na talagang naibigan ko, ang ganda kasi niyang mag-narrate, para
talagang writer. Magaganda rin ang comment, panay ang papuri ng mga readers.
Binabasa ko talaga pati comment, at ang isa sa nag-comment ay hindi anonymous
ang nakalagay na pangalan. Ewan ko kung tunay niyang pangalan yung Edmond.
Nag-reply ako sa comment niya, alam kong mababasa din niya iyon. Nag-request
ako kung pwedeng makipag-kilala, hinihingi ko ang kanyang phone number o
account sa FB. Alam kong hindi niya ibibigay iyon sa comment, kaya naglagay ako
ng aking email address.
Syempre, hindi
naman ako umaasa na mag-i-email siya sa akin, iyi-ignore lang nito ang aking
request. Pero, hindi ako makapaniwala dahil isang oras pa lang akong nag-requet
at hindi pa ako natatapos na magbasa ay tumunog ang aking CP, may notification
na may message daw ako.
Nag text ako kaagad
sa kanya, hindi pala, tinawagan ko pala at nagpakilala ako, tinanong ko kung siya yung Edmond na nag-comment sa
isang story sa isang blog, siya raw iyon. Nanghingi ako ng FB account, ibinigay
naman niya, pero inamin niyang dummy account niya iyon. Nag friend request ako
sa kanya, dummy account ko rin at inamin ko rin naman sa kanya. Alam n’yo iyon,
protection ko rin dahil sa nagpo-post ako ng minsan ay medyo censored hehehe.
Sa FB messenger na
kami nag-usap para tipid sa load. Marami siyang tanong.
ED: Mahilig
ka palang magbasa ng mga gay stories, bading ka ba?
Ako: Actually,
bago-bago pa lang, nadiskubre ko kasing may ganito palang mga kwento dito kaya
heto, nakagawian ko na. Yes! Bading ako, ka-a-out ko lang hehehe.
Ed: Ah,
paminta ka pala dati. Bakit ka nag-out na?
Ako: Dahil
din dito sa mga nababasa kong kwento. Nakaka-relate ako sa iba na paminta raw.
Marami daw nawawala sa pag-papanggap. Naisip ko na totoo iyon, napakarami.
Ed: Kaya
nag out-ka na.
Ako: Tama.
Ngayon ay nag-eenjoy ako sa totoong ako at hndi na nagkukunwari. Ikaw Edmond,
madalas ka bang nagbabasa ng ganoong kwento? Bading ka rin ba?”
Ed: Nakalilibang
din naman, kapag walang magawa, nakasasawa na kasi ang manood ng porn. Mabuti
pa ang ganitong binabasa, mas nae-excite ako. Kung bakla ako? Hindi, straight
ako.
Ako: Ah
Okay. Edmond, baka makalimutan ko pa, maraming salamat at pinagbiyan mo ang
request ko. Alam mo, hindi naman talaga ako umaasa eh. Gulat pa nga ako dahil
sa within an hour ay nag-email ka kaagad. Thank you. Sana maging close friend
din tayo.
Ed: Maliit
na bagay. Minsan, kapag nabo-bore kasi ako, gusto kong may makausap, gaya
ngayon. Nabo-bore ako kaya sinagot ko ang request mo.
Ako: Minsan,
mag meet tayo, kung okay lang sa iyo. Pwede bang video call tayo?
Ed: Huwag
muna ngayon, kapag medyo kilala na kita. Kahit na naman dummy ang account natin
sa FB at hindi picture natin ang naroon ay kahit papano, malalaman mo kung ano
ang pwede kong maging ugali, base sa mga post ko.
Ako: Kung
sabagay.
Mahaba ang naging
usapan namin at hindi ko na isasama dito, wala naman masyadong kaugnayan dito
sa ikukwento ko. So hayun nga, halos
isang oras din kaming nagkausap.
Naging madalas ang
pag-uusap namin ni Edmond, kung ano-ano lang naman, tungkol sa personal life
ko, sa trabaho ko at kung ano-ano pa, basta maisip.
Napag-alaman ko rin
na nag-aaral pa pala siya, medicine ang kinukuha niya, matatagalan pa raw bago
siya mag-graduate although nag-graduate na siya sa kursong Nursing at licensed
na rin siya. Hindi naman ako nagtanong kung bakit. Pero, sa pagka-alam ko ay
bale pre-med din ang nursing.
May isang
buwan na rin kaming nagkakausap, hindi
naman araw-araw. At nung gabing iyon ay heto ang itinakbo ng aming usapan.
Ako: Kumusta
Edmond! Anong balita?
Balitaan muna, wala
lang naman hanggang sa may itanong siya sa akin.
Ed: Marius,
ilang taon ka na nga pala?
Ako: May
edad na ako, 30 na ako. Ikaw… hulaan ko 18 o 20.
Ed: Close,
22 na ako. Sabi mo ay ka-a-out mo pa lang, ibig bang sabihin niyon ay wala ka
pang karanasan, sa sex ang ibig kong sabihin.
Ako: Meron
naman, sa babae ang sinasabi ko, hindi sa lalaki. Virgin pa ako sa lalake
hehehe.
Ed: Ah,
paminta ka nga pala. Sa GF mo ikaw nagkaroon ng karanasan.
Ako: Tama
ka. Naka tatlo din akong GF, yung isa lang ang hindi ko nagalaw.
Ed: Ngayon
ba ay alam na ng dati mong GF na gay ka?
Ako: Hindi
ko lang alam, hindi na kasi kami nagkikita. Saka, sa probinsya talaga sila,
hindi dito sa Manila.
Ed: Kelan
mo balak na magpa-de-virginize hahaha. Joke lang.
Ako: No…
no. it’s okay. Actually gusto ko na nga eh, kaya lang ay hindi ko alam kung
papano. Ayoko naman na mag-abang sa CR, o di kaya ay sa sinehan, lalo na ang
bumayad. Wala sa bokabularyo ko ang bumayad para lang sa sandaling kaligayahan.
Baka ikaw, pwede ka ba hahaha, joke lang, baka maniwala ka, ma turn off ka
bigla sa akin.
Ed: Hindi
naman. Ang totoo, kaya ko naitanong sa iyo ang ganon eh gusto ko ring magkaroon
ng karanasan sa isang lalaki. Alam mo, marami akong kaibigan na pumatol na sa
bading at ang sabi ay mas masarap pa raw sa babae kung mag-romansa ang bading.
Na curious ako. Kaya nga nagbabasa ako ng mga gay stories at saka nag-reply ako
kaagad sa request mo. Matagal ko ng gustong ma de-virgineze din ng isang bakla.
Baka iba ang intindi mo ha, hindi yung ano… yung hindi na ako virgin sa bading
dahil nagpatikim na ako hehehe.
Ako: Talaga
lang ha?
Ed: Oo,
promise. Meet up tayo kung gusto mo. Baka ma typan mo ako. Sasabihin ko na sa
iyo hindi ako pangit, lalo namang hindi gwapo. Okay lang naman. Alam mo naman
ang kasabihan, “Beauty is in the eye of the beholder” hehehe.
Ako: Iyon
nga ang ikinatatakot ko rin, baka ma-reject lang ako, kaya hindi kita maayang
makipag meet up sa akin. Baka supladuhan mo lang ako.
Ed: Hindi
ako ganon. Payag ka ba, meet up tayo, walang ano, walang hotel-hotel, basta
magkita lang tayo, kain, usap tulad dito sa messenger. Gusto ko naman na
magkausap tayo in person. Matagal-tagal na rin naman tayong nagkakausap eh.
Ako: Sure
ka ba? Baka naman indyanin mo lang ako, titingan mo lang muna ako at kapag
hindi mo na typan e hindi mo na ako sisiputin.
Ed: Actually,
ganyan din ang naiisip kong gagawin mo eh. Pero seriously, sige, meet up tayo,
Sunday sa Cubao.
Ako: Hindi
ba mas maganda na mag video call muna tayo para malaman mo kaagad kung okay ako
sa iyo at ganon din ako.
Ed: Huwag
na, walang thrill ang ganon. Ano, 3 to 3:30 PM.
Ako: Okay,
basta siguruhin mo lang na darating ka ha, dahil ako ay darating ng exactly 3PM
Sunday.
Conversation ends.
Napag-usapan namin
kung ano ang isusuot ko. Ako ay sinabi kong black tshirt with print of a lion’s
face, round neck at maong pants at may black din na cap na adidas. Sinabi ko
rin ang height ko na 5”8’
Siya daw ay blue
tshirt, round neck din at maong jeans. Yung tshirt daw niya ay may nakasulat na
“I’m Not Free”. Nang itanong ko kung taken na siya, ang sabi ba naman ay
malalaman ko sa pagkikita namin. Wow! Mahiwaga hahaha.
Dalawang tulog na
lang naman, malapit na. Hindi na kami ulit nag-usap pa.
-----o0o-----
Lingo, excited ako
sa aking date hahaha. Maaga pa ay naligo na ako, naghilod talaga ako para
matanggal ang libag ko sa katawan. Muntik pa ngang hindi ako payagan ni Daddy,
ang sinabi ko na lang ay ang boss ko ang kikitain ko at may ipagbibilin dahil
wala siya next week. Naniwala naman.
2:30 nang umalis
ako ng bahay, malapit lang naman, wala pang 15 minutes ang byahe sa LRT, sa
Katipunan station ang sakay ko, ang matagal lang naman ng konti ay ang
maghintay ng tren.
Wala naman akong
ineexpect, curious lang din ako na makita in person ang halos araw-araw kong
nakakausap sa messenger. Ang usapan namin ay sa gate ng gateway mall, yung
pagbaba ng LRT, hindi siguro kami mahihirapan na maghanap.
Papasok pa lang ako
ay nakita ko na si Edmond, kung pagbabasehan ko ay ang kanyang tshirt at ang
nakasulat doon, tugmang-tugma sa sinabi niya. Grabe, ang gwapo pala niya, kung
siya nga iyon. Halos magkasing height nga kami. Maputi siya, mamula-mula nga
ang pisngi, siguro ay nainitan ng araw.
Pagtapat ko sa
kanya ay nagkangitian na kami, nakilala rin niya ako kaagad. At saka on time
din siya, 3PM.
“Tara, snack muna
tayo. Doon na lang tayo mag-usap.” Sabi niya.
Hindi na kami
nag-kamay, basta inakbayan na lang niya ako at naglakad na papasok ng mall,
para bang kilalang kilala na namin ang isa’t-isa. Kung sabagay, isang buwan na
rin naman kaming magkakilala, sa messenger
nga lang.
Pizza ang aming
kinain, hawaiian flavor at hindi soft drinks, beer hahaha.
“Disappoined ka ba?
Hindi ang itsura ko ang inaaahan mo ano, matanda na pangit pa,” sabi ko.
“Sobra mo namang
laitin ang sarili mo. Hindi halata sa itsura mo ang age na 30. Oo mature
looking ka na, pero parang magsing-edad lang tayo. Saka iba ang appeal mo, ikaw
yata ang sinasabing oozing with sex appeal,” sabi niya. Nag tap pa kami ng
palad namin.
“Alam mo Edmond,
kung hindi mo ako nakita kaagad ay aatras ako, sobrang gwapo mo pala,
artistahin, nagmukha akong alalay mo eh nung akbayan mo ako at maglakad.”
“Grabe ha.
Kinakabahan nga ako pagkakita ko sa iyo. Ewan ko ba, hindi lang ang puso ko ang
tumibok, pati na rin ang junjun ko,” sabi ni Edmond. Alam kong biro lang naman
iyon.
Purihan kami ng
purihan sa isat-isa. Totoo naman na maganda rin ang pangangatawan ko, health
conscious kasi ako at ayaw kong tataba ako at tataas ang timbang na hindi
naayon sa aking height at age. May muscle din namn ako sa katawan dahil sa
aming office ay may gym na pwede kang mag exercise. Gusto ng aming office na
fit ang mga manggagawa para daw walang magkakasakit at liliban sa trabaho.
Naubos na namin ang
pizza, pati na rin ang isang pitsel na beer. Marami na kaming napag-usapan,
nagbolahan, siguro ay nakaisang oras at kalahati kami sa food court ng mall.
“Tara,” aya ni
Edmond.
“Saan?” tanong ko.
“Sa tirahan ko,”
tugon niya. Tapos ay may binulong pa sa akin. “Gusto kong tumira at magpatira.”
Natawa ako, as in
halakhak talaga. Hindi ko alam kung sasama ako o hindi. Pero ang gwapo niya
talaga, artistahin. Nanghihinayang ako kung hindi ko siya matitikman. Pumayag
ko. Gusto ko ring masubukan kung sadyang may katotohanan ang sinasabi niya.
Pero may ginawa pa ring akong pag-iingat. Nag-selfie muna ako at pagkatapos ay
isinend ko sa isa ko pang account yung tunay at may note ako na, “kung sakaling
may mangyayari sa akin ay siya ang huli kong kasama, si Edmond”.
Natawa rin ako sa
ginawa kong iyon. Hindi naman siguro masama ang mag-ingat, kakikita lang namin
eh.
Sa Cubao lang din
pala, may condo siya malapit lang, nilakad lang namin. Doon pala siya nag-aaral
sa school of medicine ng UE at isang sakay lang sa LRT ang pagpunta roon, wala
siyang traffic.
Hindi naman
kalakihan ng condo unit niya, sakto lang naman. “Wow, ang yaman mo pala!”
komento ko. Saang probinsya ka ba? Kasi hindi ka kukuha ng condo kung may bahay
kayo rito.” Sabi ko
“Visaya ako, sa Cebu.”
“Talaga? Ang ganda
roon ano, maraming pasyalan. Hindi pa ako nakakarating doon, isama mo naman ako
kapag uuwi ka roon,” sabi ko.”
“Oo ba, sa
semestral break.” Sabi naman niya.
Ngumiti siya, ang
ganda ng kanyang ngiti, nagkatitigan kami, ewan ko, wari ko ay lumalapit ang
mukha niya sa akin, para na akong naduduling sa pagkatitig niya, tila sobrang
lapit na kasi ng mukha niya, naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa
akin.
>>>>>ITUTULOY<<<<<