Linggo, Mayo 12, 2024

My Best Friend (Part 2) Last Part

 


My Best Friend (Part 2) Last Part

 

“Maputol lang kita Dennis sa sasabihin mo pa ha, kasi may gumugulo lang sa isipan ko. Siguro naman ay nakwento na sa iyo ni Jason na matagal na kaming magkaibigan, since college days pa namin, sino sa inyo ang bading, kasi hindi ko siya kinakitaan ng pagkabinabae, katunayan ay nagbilang muna siya ng nobya bago nag-asawa. Alam mo bang may asawa na siya.”

“Lalaki ako at lalaki rin si Jason, pero sa aming dalawa, ay parang siya ang mas parang babae.” Tugon ni Dennis.

“May asawa ka na ba Dennis?”

“Binata pa ako. Ikakasal na sana ako, pero hindi natuloy. Simula noon ay hindi ko na inambisyon pa ang mag-asawa. Pero may isa akong anak.” Sabi ni Dennis.

“Pwede ko bang malaman kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal mo?” tanong ko.

“Hayaan mo na lang sarilinin ko ang dahilan. Yung anak ko ay anak ko sa una kong kinasama, hindi kami nakasal dahil sa nagpunta ng ibang bansa ang kinasama ko. Kaya pala ayaw pakasal sa akin ay dahil sa may petition siya para maging residente sa Amerika.

“Hindi ko na aalamin pa kung paano kayo nagkakilala. Ang tanong ko ay kung alam mong may asawa na si Jason.”

“Noong una ay hindi ko alam, hindi niya sinabi. Hindi rin naman ako nagtanong kung me asawa siya o wala, nalaman ko nalang nitong bandang huli na, nabisto ko ng tawagan siya ng asawa niya na ako ang nakasagot. Nasa isang motel kasi kami noon.”

“Anong ginawa mo nang malaman mong may asawa na siya?”

“Nakikipaghiwalay na ako sa kanya, ayaw kong masira ang pamilya niya, pero ayaw niya. Handa raw siyang iwan ang kanyang pamilya para sa akin, syempre hindi ako pumayag.”

“Pero nanatili pa rin ang ugnayan ninyo. Mahal mo ba siya?”

“Oo, natatakot kasi ako. Baka kasi… ewan ko, may tendency kasi siya na parang nagiging bayolente. Baka kung anong maisipan gawin kung basta ko na lang iwan. Oo naman, minahal ko siya.”

“Pero handa mo ba siyang iwan para sa kanyang pamilya?”

“Noon pa ako nakikipag-hiwalay sa kanya, siya ang ayaw. Sa ngayon gumagawa ako ng paraan para unti-unting mawala ang pagmamahal niya sa akin. Binabawasan ko na ang pakikipagkita sa kanya, yung tawag niya sa akin ay minsan ay hindi ko na sinasagot.”

“Dati ba ay madalas?”

“Oo halos araw-araw, ang idinadahilan niya sa asawa ay maraming trabaho kaya hindi siya nakakauwi ng maaga. Hayan na pala ang pagkain natin, kumain na muna tayo.”

Tahimik lang muna kaming kumain, hindi muna ako nagtanong tungkol sa kanila ni Jason.

Sa pakikipag-usap ko sa kanya ay masasabi kong nagsasabi siya ng totoo, tapat siya. May ugali rin siyang nagustuhan ko, ang pagiging maasikaso, ang maalalahanin at napatunayan kong mali ang aking hinala dahil mas mayaman pala siya dahil ang family niya ay may real estate business at siya naman ay nasa clothing business, nga RTW na karaniwang ineexport.

“Sorry nga pala Dennis, kasi noong una ay naghinala ako na baka ginagatasan mo lang si Jason. Nagkamali ako ng pagkakilala sa iyo.”

“Naunawaan kita Lito. Syempre iyon ang unang maiisip ng ibang tao, lalo ka na na matalik na kaibigan ni Jason. Syanga pala, pwede ko bang hingin ang number mo at account mo sa FB?”

“Okay lang, baka isang araw ay kailanganin ko ang tulong mo, Ikaw rin, baka may gusto kang isangguni sa iyong business. Kami na lang ang kunin mong auditor hehehe.”

“Sige, medyo hindi na rin kasi maganda ang serbisyo ng aming auditor ngayon. Malaman mo ha.”

-----o0o-----

Hindi pa rin ako kinakausap ni Jason magpa-hanggang ngayon, kaya ako na lang ang gumawa ng paraan para magkausap kami ng masinsinan. Pumayag naman siya at doon kami nag-usap sa aking condo.

“Alam mo na naman siguro kung ano ang gusto kong pag-usapan natin,” panimula kong wika.

Tumango naman siya, matagal bago nagsalita. “Sorry kung nawalan ako ng lakas ng loob na kausapin ka, nahihiya kasi ako, Pero kung ang tungkol sa relasyon ko kay Dennis ay hindi ko pwedeng sumang-ayon sa iyo. Alam ko naman ang pinupuntos mo, ang hiwalayan ko si Dennis. Hindi ko kayang gawing iyon, mahal na mahal ko siya.” ang diretsahang sabi ni Jason.

“Bakit mo siya minahal. Ibig bang sabihin ay nawala na ang pagmamahal mo sa iyong asawa?” tanong ko.

“Mahal ko sila pareho, mahal ko ang aking asawa at mga anak, pero naguguluhan ako dahil parang mas may pagmamahal na ako kay Dennis kesa sa asawa ko,”

“Kaya ba handa mong iwan ang asawa at anak mo para lang makisama kay Dennis?”

“Gusto kasi akong hiwalayan ni Dennis ng malaman niyang may asawa at anak na ako. Hindi ako pumayag, hindi ko kayang mawala siya sa akin.”

“Ganun ba. Isasakripisyo mo ang kaligayahan at kinabukasan ng mga anak mo para lang sa isang maling pagmamahal? Lalaki si Dennis, bading ka ba?” may galit kong tanong.

Napayuko si Jason, nag-iisip siguro ng isasagot, inaarok ang sarili kung ano nga ba siya. Maya-maya ay nag-angat siya ng ulo, nakita kon may luha sa kanyang mga mata.. “Hindi ko na alam, marahil ay bading nga ako dahil sa natuto akong magmahal ng isang lalaki. Hindi ko alam kung paano, kung bakit, basta na lang naramdaman ko. Simula nang makilala ko si Dennis, hindi na mawala siya sa isipan ko, hinahanap-hanap ko na siya.”

“Bakit? Matagal na ba kayong nagkikita, may nangyari ba sa inyo kaagad ng magkita kayo?”

“Hindi sinasadya ang pagkikita namin. Naglalakad ako nang makita kong may nalaglag buhat sa lalaking sinusundan ko. Wallet niya iyon kaya mabilis kong hinabol para ibalik. Nagpasalamat siya dahil naroon daw lahat ng kanyang mga ID’s ATM’s at kung ano anong bagay na importante.  Inaya niya akong kumain na ewan ko kung bakit hindi ko natanggihan, nagkainuman, nalasing at doon ako nakatulog sa tinitirhan niya. Yes, may nangyari sa amin, hindi ko na sasabihin kung paano nangyari, ang aaminin ko lang ay nasiyahan ako. Sa buong buhay may asawa ko ay noon lang ako nakaranas ng lubos na kaligayahan, hindi lang dahil sa sex kundi sa aking naramdaman habang ginagawa namin iyon. Mahirap unawain, pero iyon ang naramdaman ko. Nagkita kaming muli, naulit ang ginawa namin at ganun pa rin ang naramdaman ko, lubos na kaligayahan.”

“Ibig sabihin ay kamakailan lang iyon?”

“Mga 6 months ago. Madalas na kaming magkita, mag-usap hanggang sa naramdaman kong mahal ko na siya at hindi na ko makawala pa sa pagmamahal na iyon.”

“Paano kung iwan ka na niya.”

“Hindi niya gagawin iyon. Alam ko, sinabi niya na mahal na mahal din niya ak.”

“At naniwala ka naman. At dahil doon ay kaya mong iwan ang pamilya mo.”

“Hindi ko naman sila pababayaan.”

“Tapatin  mo nga ako Jason, noong mga bata pa tayo, palagi tayong magkasama, kahit saan, kahit sa kalokohan, wala ka bang kakaibang naramdaman para sa akin? Hindi man lang ba pumasok sa isipan mo na baka mahal mo na ako?”

“Aaminin ko na sa iyo, totoong nagkaroon ka ng puwang sa aking puso, pero pinigilan ko ang aking damdamin dahil sa alam kong bilang kaibigan lang ang pagtingin mo sa akin. Ayaw kong dahil doon ay magkaroon tayo ng gap. Ibinuhos ko ang panliligaw sa mga babae, nagtagumpay naman ako at kahit papano ay nakalimot ako sa iyo, pero hindi lubos iyon. May panghihinayang din. Nagpakasal ako para tuluyan ka nang mawala sa aking puso.”

Sandali siyang tumigil, nagbuntong hininga. “Ang hindi ko akalain, matapos ang maraming taon ay muli akong iibig sa isang lalaki. Mahal ko na si Dennis, parang ayaw ko nang maulit pa na magkaroon ako ng panghihinayang tulad ng nadama ko para sa iyo, kung naging tapat lang ako sa aking sarili, baka tayong dalawa.”

Napag-isip-isip ko na tama siya, dahil ako man ay nakadama ng panghihinayang noon kung bakit hindi ako nagtapat ng tunay kong nadarama sa kanya. Pero dapat pa ba niyang malaman na magpahanggang ngayon ay may nalalabi pa ring akong pagtatangi sa kanya kahit konti. Hindi na siguro, baka lalo lang siyang maguluhan.

“Pero mali pa rin. Tama lang na magmahal ka, pero wrong timing na. Siguro, kung binata ka pa at walang obligasyon. Aaminin ko sa iyo Jason, nang makita ko si Dennis, humanga ako sa kanya, Sabihin na nating ang paghangang iyon ay tila may kahalong pagmamahal dahil tulad mo ay palagi na siyang nasa isipan ko. Binata ako at ngayon lang ako nakadama ng ganito, bilang kaibigan mo, hindi mo ba kayang ipagparaya sa akin si Dennis?”

Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon. Gawa-gawa ko lang naman talaga iyon, baka sakaling dahil sa matagal na naming pagkakaibigan ay ibalato na lang niya sa akin si Dennis.

“Aagawin mo ba siya sa akin?”

“Hindi mo ba kayang ibigay sa akin ang kaligayahan ko?”

“Humiling ka na lang ng iba huwag lang si Dennis!”

“Paano kung …”

“Hindi kita mapapatawad,” mariing wika ni Jason.

“Baliw ka na siguro Jason Malaking eskandalo kapag nabisto ang relasyon ninyo, ilalagay mo sa kahihiyan ang buhay ng mga anak mo at nang iyong mga magulang, ang buo mong angkan ay maarig kamuhian ka. Mag-isip-isip kang mabuti Jason.”

“Alam ko ang ginagawa ko at hindi na mababago pa. Kakausapin ko si Dennis ay hihilingin ko sa kanya na magsama na kami, iiwan ko na ang aking asawa at mga anak!”

Tumayo na si Jason at umalis ng walang paalam, Halos ibalabag pa ang pinto ng isara niya ito.

Sa kalituhan na baka gawin nga niya iyon ay tinawagan ko kaagad si Dennis. Mabuti na lang at nauna kaming nagkausap at nakuha ko ang number niya.

Idinayal ko ang number niya, nag ring at kaagad namang sinagot. Sinabi ko ang napag-usapan namin ni Jason, pati ang balak niyang magama na sila, pati na rin ang pagkukunwari kong may gusto ako rito. Ibinilin ko na huwag sasabihin na nagkita kami noon at huwag ding ipaalam na tinawagan ko ito para ipaalam ang napag-usapan namin ni Jason.

-----o0o-----

Kinabukasan ay hindi ko nakita si Jason sa opisina. Kinagabihan naman ay nagkausap kami ni Dennis at ikinuwento ang napag-usapan nila ngayong araw na ito. Gaya ng sinabi ni Jason sa akin ay inaya daw niya na magsama na sila at iiwan ang asawa at anak na hindi naman sinang-ayunan ni Dennis. Sinabi rin daw na huwag itong makikipag-kita sa akin dahil guguluhin daw ang buhay nila. Iba na talaga ang tinatakbo ng isipan ni Jason, nakaka-alarma na.

Naisip kong kausapin ang asawa ni Jason, baka kasi may hindi sila pagkakaunawaan kaya nagkaganon si Jason, pero naisip ko rin na baka makagulo lang sa sitwasyon.

Naibaba ko na ang phone ng mag-ring uli ito dahil sa tawag ni Dennis. Tinatanong ang aking address at pupuntahan daw niya ako, may hinala daw ito na pupuntahan siya ni Jason at gusto muna nitong iwasan siya. Sinabi ko naman at nagpunta nga siya sa aking condo.

Habang nasa bahay ko si Dennis ay panay ang ring ng phone niya. Tawag iyon mula kay Jason na ayaw naman nitong sagutin hanggang sa patayin na lang nito ang telepono.

Wala naman kaming masyadong pinag-usapan, nakitulog lang siya talaga may dala na siyang damit para isuot sa pagpasok sa opisina kinabukasan.

Nadalas ang pag-absent ni Jason sa opisina, nadalas din ang pakikitulog ni Dennis sa aking condo. Hindi namin pinag-uusapan pa ang tungkol kay Jason, madalas ay nanonood lang kami ng palabas sa netflix habang pakonti-konting tumatagay ng alak.

Pagpasok ko uli sa opisina ay nalaman kong nag-file ng leave si Jason, kaya ang ibang trabaho niya ay nalipat sa akin at ang iba ay sa ibang manager naman.

Naisipan kong puntahan si Jason sa bahay nila para kausapin at malaman ko kung ano ang binabalak, pero hindi ako hinarap man lang. Nagpasya akong umalis na lang.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Dennis sa lobby ng condo  at hinihintay pala ako. Mabuti naman para masabi ko ang pag-file ng leave ni Jason. Kasi ang nasa isipan ko kanina ay baka sasama na ito kay Dennis.

Halos araw-araw ay sa akin umuuwi si Dennis, para tuloy akong may asawa na aking ipinagluluto ng agahan at hapunan. Palagi akong maagang gumigising para magluto ng agahan at nagmamadali rin sa pag-uwi para naman ipagluto siya ng hapunan. Masaya naman ako sa ginagawa ko, kung pwede nga lang ay gusto ko na ring ako ang maglaba at magplantsa ng damit niya. Hindi ko namamalayan na nagkakagusto na ako sa kanya.

Isang buwan na ay hindi pa bumabalik si Jason sa opisina. Nang tanungin ko naman si Dennis kung nagkikita sila, ang sabi nito ay hindi. Ang kagandahan lang ay hindi rin napapasyal sa condo ko si Jason, baka kasi mabisto niya sa sa bahay umuuwi si Dennis sa pag-iwas na puntahan ito sa condo nito.

Tinawagan ko ang asawa ni Jason para kumustahin sila. Ang sabi nito ay umuwi raw sila ng probinsya. Tinanong ko kun paano ang pag-aaral ng mga anak. On-line daw naman sila. Wala raw itong ideya kung kelan sila babalik ng Manila.

Ikinuwento ko kay Dennis ang napag-usapan namin, na nasa probinsya ang buong pamilya ni Jason.

“Kaya mo ba sinabi sa akin iyon ay gusto mo na akong umuwi sa condo ko. Ayaw mo na ba akong kasama sa condo mo?” may himig tampo ni Dennis.

“Wala akong sinabing ganyan, kung pwede nga lang na permanente ka nang dito tumira,” ang aking naisagot sa pagkabigla.

“Talaga. Okay, ang saya saya ko hahaha.”

Gulat naman ako sa reaksyon ng mokong. Ewan ko ba, ang saya saya ko rin hehehe.

Biyernes, tinawagan niya ako na magkita raw kami sa isang lugar at kakain kami sa labas. First date daw namin iyon. Gulat naman ako, pero kinilig ako, walang biro.

Sa isag five star hotel kami kumain. Uminom din kami sa bar doon. Hindi ko alam na naka-check-in pala siya roon, dahil nang mag-aya na akong umuwi, sa halip na lumabas kami ng hotel ay sumakay pa kami ng elevator at tinungo ang room niya. Nagpa-rom service pa siya ng ilang beer in can.

Nang maubos na namin ang beer ay nag-aya na akong magpahinga na dahil sa marami akong ginawa sa office. Pero bago iyon ay sinabi kong magsa-shower muna ako.

“May problema ako, wala akong pamalit kahit brief lang,” sabi ko kay Dennis.

“Alam ko, kaya bago ako nag book dito ay bumili na muna ako ng brief, tshirt. Pwede naman ulitin ang pants. Saka sabay na tayong mag-shower,“ sabi ni Dennis.

Alam ko ang kahahantungan ng pagsabay niyang mag-shower sa akin. Ready naman ako sa ano mang mangyayari.

Naghubad na ako ng aking damit at itinira ko na lang ang aking brief saka ako pumasok ng banyo. Hindi ko alam kung huhubuin ko na ang brief ko o maliligo ako na naka-brief. Kaya lang ay baka pagtawanan lang ako ni Dennis. Hinintay ko na lang siya at sumunod naman kaagad na nakatapis ng twalya. Nang tanggalin niya ang twalya ay bumungad sa aking ang matigas na niyang burat.

“Bakit tigas agad iyan?” tanong ko, kasabay din ng pagtanong niya nang, “Bakit naka brief ka pa?”

Wala na akong nagawa ng siya mismo ang humatak ng brief ko tapos ay niyakap ako at saka binuksan ang shower. Mainitang halikan ang kasunod habang nasa ilalim kami ng tumutulong shower.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, ni-romansa niya ako, hinalikan niya ang buo kong katawan at isinubo ang aking titi. Napahalinghing ako sa sarap. Ngayon lang may gumawa sa akin ng ganon ng hindi bayarang lalaki. Dati ay call boy ang tsumutsupa sa akin. Napakasarap pala kapag libre hehehe. Nilabasan ako kaagad sa bibig niya.

Nagbanlaw na kami, nagtuyo ng katawan at ipinagpatuloy ang aming engkwentro sa kama.

Ako naman ang bumanat ng romansa sa kanya, romansa militar na hindi niya makakalimutan. Uulit at uulit siya sa akin. Hindi ko na inisip pa ang aking bestfriend na si Jason. Karapatan ko rin namang lumigaya.

Puro ungol ang naririnig kong lumalabas sa bibig ni Dennis, sarap na sarap sa aking pag-brotsa. Halos 30 minutes ko siyang pinaligaya gamit lang ang aking bibi at dila, naglalaway na ang kanyang titi.

“Kantutin mo na ako Dennis, gusto ko nang maramdaman ang burat mo sa loob ko, mahal na kita Dennis. Wala na akong pakialam kung malaman man ni Jason na nakipagtalik ako sa iyo,” sabi ko.

May kinuha si Dennis sa kanyang bag, isa iyong lubricant. Ready talaga siya, planado na yayariin ako. “Bakit wala kang condom?” tanong ko.

“Hindi masarap. Saka malinis naman ako, ikaw ba?”

“Natural!” pa-ismid kong tugon.

Heto na, pagkapahid ng lubricant sa aking butas at sa kanyang burat ay pumuwesto na siya, Wala nang masyadong seremonyas pa, kantot kaagad.

“Ughhhh ohhhhh, shettttttttt!”

Nasaktan ako, tangina. Ang tagal ko kayang hindi napapasok sa butas ko, tiniis ko lang talaga ang hapdi at kirot. Alam ko naman na mamaya lang ay ubod ng sarap na ang mararamdaman ko.

Habang binabarurot niya ako ay hinahalikan din niya ang suso ko, sinisipsip ang aking utong, ako naman ngayon ang umuungol.

“Ughhhh ughhh. Aaaahhhh yesss! Ang sarappppppp tae na uhh shet ahhhhhhh,” ungol ko. Nawala ang pagka disente ko hehehe. Napapamura na ako at napapaungol ng masarap.

“Ang sikip mo Lito, para ka pa ring virgin ahhhhh ang sarap mong bayuhin uhhhhhhhhh.”

Bumilis na ang kadyot ni Dennis, tila nagmamadali na. Alam kong lalabasan na siya, pero parang ang bilis naman, nakaka 10 minutes pa lang simula ng banatan ako samantalang halos kalahating oras ko siyang niromansa.

“Tangina, kanina ko pa gustong magpalabas, doon pa lang sa romansa mo ay gusto ko nang labasan eh ahhhhhh malapit na ako, libog na libog ako sa iyo,” ungol ni Dennis

“Ahhhhhh sige pa kantot pa bilisan mo uhhhmmmmm. Yess! Lalabasan na naman ako uhhhmmmm sarap mong kumantot.”

At nilabasan na siya, pati na rin ako. Tumirik pa ang mata niya sa labis na sensasyon. Sarap na sarap kami pareho.

Niyakap niya ako ng mahigpit saka ako hinalikan sa labi. Pagkatapos ay may ibinulong pa sa akin. “I love you Lito, mahal na mahal kita at handa akong pakasalan ka.”

Hindi ako makasagot, pero tumayo ang balahibo ko sa katawan. Kinilig talaga ako sa sinabi niyang iyon. Natutuhan na rin niya akong mahalin, gaya ko na natutuhan ko rin siyang mahalin at handa akong paglingkuran siya.

“May second round pa tayo,” Sabi ni Dennis.”

“Mahaba pa ang gabi, marami pang pwedeng mangyari hehehe.”

-----o0o-----

Kinabukasan ay sa condo niya ako dinala, Sabado naman iyon. Pinagusapan namin kung anong pwedeng mangyari sakaling malaman ni Jason ang tungkol sa amin. Pero tila hindi man lang siya nababahala.

Wala yatang kasawaan itong si Dennis, may ginawa na naman kami maghapon hehehe.

-----o0o-----

Lunes, nakita kong naka-park na ang kotse ni Jason. Pumasok na pala siya after mahigit isang buwang bakasyon. Nagmamadali akong umakyat at tinungo ang kanyang opisina.

“Welcome back Jason. Miss ka na namin lalo na ako.” bati ko.

“Talaga lang ha, mag-usap tayo mamaya ha,” ang tila walang emosyon niyang wika. Kinabahan ako, baka kasi may alam na siya.”

Bago ako magsimula sa aking regular na gagawin ay tinurn over ko muna ang lahat ng natapos kong reviewhing working papers ng client na hawak niya, kulang na lang ng FS. Bahala na ang kanyang supervisor sa iba pa.

Nang araw na iyon ay maaga kaming umuwi, mag-uusap kasi kami ng masinsinan.

“Saan tayo?” tanong ko.

“Sa Condo mo, saan pa ba?” sarkastikong tugon ni Jason.

Kinabahan ako doon, baka kasi doon umuwi si Dennis ay mabisto na sa bahay natutulog ito. Mabuti na lang at nagdala ng sariling sasakyan si Jason, nakatawag ako kay Dennis para sabihan na huwag na munang umuwi sa bahay ko. Okay naman sa kanya. Sinabi pa na magpapa-deliver ito ng pagkain dahil sa alam nito na hindi ako makapagluluto ng hapunan.

-----o0o-----

Sa bahay.

“Ano ba ang pag-uusapan natin?” ang una kong nabigkas na may kaba.

“Bakit ba parang alisis ka, Kinakabahan ka ba? Bakit parang may inililihim ka sa akin. May hindi na ba ako alam tungkol sa iyo?”

Hindi ako makasagot, gusto kong maiyak. Hindi ako sanay na nagsisinungaling sa aking best friend at alam kong nakakahalata siya. Kilala na niya ako. Wala na, sukol na ako kaya nilapitan ko siya at niyakap. “Sorry… sorry Jason… nagkasala ako sa iyo,” ang wika ko na tumutulo ang luha, hindi ko na napigilan pa ang umiyak.

“Bakit ka nagso-sorry. Anong kasalanan mo sa akin. Kayo na ni Dennis ano. Nasaan ba ang Dennis na iyan, Dennis! Lumabas ka riyan, alam kong nariyan ka at nagtatago.”

“Wala dito si Dennis, bakit ba siya mapupunta…” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil lumabas na si Dennis buhat sa silid. Kaagad akong niyakap at sinabing, “kami na ni Lito.”

Iyon lang at mahabang kwentuhan ang kasunod. Bago pala umuwi ng probinsya si Jason ay nagkausap na sila ni Dennis. Nagsabi ito na magtatapat na ito sa akin ng kanyang pagmamahal. Bago pa man sila nagkausap ng tungkol sa pagtatapat ng pagibig sa akin ay nauna nang nakipag-kalas si Jason kay Dennis. Natauhan daw bigla siya at hindi kayang iwanan ang asawa at mga anak, malaking pagkakamali daw ang gagawin niya kung nangyari iyon.

Alam din ni Dennis na mag-uusap sila sa condo dahil sinabihan siya ni Jason. Naging maayos naman ang pag-uusap namin kaya masayang masaya ako.

“Congratulations sa inyong dalawa. Sa wakas, nakatagpo ka rin ng taong magmamahal sa iyo best friend. Masaya ako para sa inyo.”

“Salamat Bestfriend, kung hindi dahil sa iyo ay hindi ka makikilala ang nagiisang taong mamahalin ako at mamahalin ko rin. Alam kong masaya ka sa naging pasya mo,”

“Tama ka, dahil sa iyon ang tama. Maraming salamat din sa pagpapaalala mo sa akin.”

“Kayong dalawa ha, tinakot ninyo ako. Hindi ko gugustuhing masira ang matagal na naming pagkakaibigan ni Jason, May panahong minahal ko rin siya dangat hindi pwede dahil may mahal din siyang iba at kasama pa ako sa panliligaw niya dati.”

“Ay naku, ikaw ha, kung naging matapang ka lang, siguro ay naging tayo.”

“Ikaw rin naman. Pero mabuti na rin ang nangyari, kasi kung naging tayo ay wala akong magagandang lalaking anak hehehe.”

“Speaking of anak, plano ko na hahanap kami ng magiging surrogate mother na aming anak. Magkaka-baby din kami ng amin hehehe.” Wika ni Dennis.

Nasa kasarapan kami ng paguusap ng may kumatok, food delivery. “Hayan na, gutom na ako, kain na muna tayo.”

 

 

Wakas…..

 

 

Gwapong Estranghero (Part 2)

 


Gwapong Estranghero (Part 2)

 

Sabay nang naligo sina Nomer at Elmo, wala naman kasing magbobomba ng tubig para sa kanya. “Tingnan mo yung tubig sa timba kung tama na ang init para sa iyo, magbobomba pa ako sa isang timba para sa akin naman,” wika ni Elmo.

Naghubad na sila pareho ng damit, walang itinira si Elmo samantalang iniwan pa ni Nomer ang kanyang brief. “O, hubarin mo na iyan at baka mabasa. Nasa labahan pa ang marumi mong damit. Wala ka nang ekstrang brief hehehe. Pwede namang hindi ka na mag-brief mamaya hehehe. Baka naman nahihiya ka pa. Ilang beses ko na bang nakita iyan at nahawakan. May ipagyayabang naman yang alaga mo eh,” wika ni Elmo.

“Nahiya nga ako sa iyo eh, halimaw hehehe. Saka ang ganda pala ng katawan mo, ang dami mong pandesal, sana ako rin,” sabi ni Nomer na tila nainggit sa magandang katawan ni Elmo.

“Resulta iyan ng mabibigat kong gawain. Maganda din naman ang katawan mo, dalasan mo lang ang pag-gym. Alam kong nadyi-gym ka rin,” wika ni Elmo.

“Madalang na eh. Busy ako palagi sa opisina kaya wala na akong oras magpunta ng gym.” Sabi naman ni Nomer.

Nagbuhos na ng tubig si Elmo, nagsabon muna at nagbanlaw. Ganon din naman si Nomer, kaya lang ay tipid ang tubig niya dahil sa may halong mainit na tubig iyon. Wika kasi ng Nanay Maring ay dapat daw maligamgam munang tubig ang gamitin dahil may trangkaso ito kagabi.

“Hiluran ko ang likod mo, bato ang panghilod dito hehehe, tapos ay ako naman. Minsan lang mahiluran ang likod ko eh, wala kasing maghilod,” sabi ni Elmo.

Nagsabunan din sila. Sa pagsabon ni Elmo sa katawan ni Nomer ay nasagi niya ang ang ari ng huli. Medyo tumigas iyon at pinansin pa niya. “Hala, bakit tumigas iyan, konting sagi lang eh. Hahaha, Ang laki talaga ng alaga mo. Siguro ang libog mo ano hehehe.” Pagbibiro ni Elmo.

“Gagi. Sensitive talaga ang alaga ko, kaya nga nahihiya akong sumabay sa iyo eh. Tama na nga. Ako naman ang magsasabon sa iyo,” wika ni Nomer. Sinadya niyang sagiin din ang alaga ni Elmo. Biglang tawa niya ng malakas. “Hahahaha, hahahaha, tingnan mo ang alaga mo, walang hiya, naglabas pa ng pre-cum hahahaha. Mas malibog ka.”

Napakamot na lang sa ulo si Elmo, medyo napahiya sa bagong kaibigan. ”Ilang beses mo ba namang sagiin eh. Gumaganti ka lang. Saka matagal kasi akong walang bate, ganyang talaga ako, kusa ng lumalabas ang malabnaw na katas. Kasi iyang sa iyo, gamit na gamit na hahaha!”

Tinapos na nila ang paliligo dahil tinawag sila ni Nanay Maring dahil sa may bisita raw si Nomer. Doctor na padala ng kanilang mayor.

Nagbihis lang muna sila. Tsinek-up ng doctor si Nomer, Tinanong kung may kakaibang nararamdaman Wala namang sugat o ibang karamdaman. Binigyan na lang siya ng gamot at pinaiinom ng maraming tubig.

“Maswerte ka pa rin Nomer dahil may nakakita sa iyo kaagad. Na dehydrate kang masyado kahapon dahil sa init. Tama ang ginawa sa iyo na pinainom ka muna ng tubig. Magpahinga ka muna ha bago ka lumarga pauwi. Mas mahirap ang mabinat.” Sabi nang doctor na nagpaalam na rin. Hindi na nga nakain ang pinamiryendang biscuit.

“Elmo, halika muna at tulungan mo ang aking driver para maibaba itong padala ni Mayor. Pakiusap daw iyan ng mayor sa kabilang bayan na ibigay sa inyo, pinaabonohan muna sa ating mayor dito. Nagpapasalamat sa kabutihang palad nang inyong pamilya.

Isang sakong bigas na 25 kilos, mga de lata, asukal, kape at biscuit. May padala rin ang kanilang mayor ng daing, tuyo at noodles.

“Paano ba namin mapapasalamatan ang mayor ng kabilang bayan. Pakisabi na lang po Doc na maraming maraming salamat sa ayuda. Pati na rin kay mayor. Mag-ingat po kayo,” wika ni nanay Maring.

-----o0o-----

Kinabukasan ay dumating doon ang magulang ni Nomer, alalang-alala sa anak. Sinadya talaga ang bayan nina Elmo para magpasalamat. Nagbibigay pa ng pabuya, pero tinanggihan naman ni Elmo at ng kanyang ina.

“Hindi naman po ito bayad sa ginawang kabutihan ng inyong anak Maring. Hindi kayang bayaran ng anumang salapi ang buhay ng aking anak. Baka kako makatulong din kahit papano. Pero sige, makagaganti rin kami ng utang na loob sa ibang paraan.

Hindi pa muna sumama si Nomer sa magulang at nakiusap na manatili muna kahit isang linggo kina Elmo. Pumayag naman ang magulang nito. Sa susunod na linggo ay ipasusundo kita ha, bale higit pang isang linggo iyon. Mag-ingat ka dito ha. Maring, bahala ka na sa anak ko ha. Mabuti at nagdala kami ng ilang pirasong damit niya. Alam kong marumi na ang damit na dala niya.” Wika ng Mama ni Nomer.

-----o0o-----

Hindi muna nagpunta ng bukid si Elmo para masamahan muna si Nomer. “Kapag magaling na magaling ka na bukas ay isasama kita sa bukid. Nakatanim na naman kami ng palay at konting gamas na lang ng damo ang ginagawa ko. Si Tatay ay nag-aarato dahil tatanim kami ng pakwan at melon.” Wika ni Elmo.

Excited naman si Nomer, Bago kasi sa kanya ang ganito kaya sabik siyang maranasan. Lalo pang nasabik nang sabihin ni Elmo na may malapit na ilog sa kanila na pwedeng mamangka at mamingwit.

Maghapong nagkwentuhan ang bagong mag bestfriend. Ipinakita ni Elmo ang kanyang bingwit na yari sa kawayan. Ipinagmalaki niya na marami nang nahuling isda ang bingwit na iyon. “Alam mo Nomer, kapag wala kaming mai-ulam ay nagpupunta kami ni Tatay diyan sa ilog at namimingwit, Maraming isda roon, may biya, ayungin, tilapya, kanduli. Kadalasan ay ako ang maraming nabigingwit, ayungin at biya ang karmihan. Paborito ni Nanay ang ayungin. Masarap naman talaga at mahal pa kung bibilhin sa palengke.” Pagbibida ni Elmo.

“Talaga? Kelan mo ako isasama doon, Magaling na ako, kaya ko nang maglakad. Nakaka-akyat nga ako ng bundok eh,” sabi ni Nomer. Sobra nang nasasabik sa mga kinukwento ni Elmo sa kanya. Gustong-gusto talaga niyang maranasan ang ganoon. Madumi na kasi ang ilog sa Maynila at hindi na yata nakakain ang isdang nahuhuli roon, kaya wala nang namimingwit pa.

“Meron ka pa bang ibang bingwit?” tanong ni Nomer

“Huwag kang mag-alala, marami kaming bingwit, magpapamili-mili ka hehehe. Excited hehehe.” Wika ni Elmo.

Hindi sila nauubusan ng pagkukuwentuhan. Ngayon naman ay si Nomer ang bumida. Ipinagyabang naman niya ang mga bundok na naakyat nila. Matagal na siyang umaakyat ng bundok, college pa lang siya ay tatlong bundok na ang naakyat.

Änong pakiramdam ng maka-akyat ka ng bundok. Nakakapagod ang umakyat ‘di ba?” tanong ni Elmo.

“Oo naman. Iba ang feeling, yung parang may na conquer ka. Dati ay takot ako sa matatas na lugar, pero simula ng sumama ako sa pag-akyat ay nawala na ang takot ko,”wika ni Nomer.

“Mapanganib?”

“Tama ka. Ilang beses na nalagay sa peligro ang buhay na ilan sa amin, pati ako. Tulad ngayon, muntik na akong madedo hehehe. Salamat uli ha.”

Patuloy sila sa kwentuhn. Hanggang sa pagtulog ay kung ano ano pa rin ang kanilang pinag-uusapan. Masiglang masigla ang dalawa na para bang matagal na nagkalayo at muling nagkita.

-----o0o-----

Bago pa mag-bukang liwayway ay gising na si Elmo. Naginit na siya ng tubig para magkape. Habang nakasalang ang tubig ay ginising na rin niya si Nomer.

“Nomer, gising na. Sasama ka ba sa akin sa bukid?” sabi ni Elmo na niyugyug pa ang kaibigan.

Napabalikwas bigla si Nomer, kaagad na bumangon. Nagpakita ng pagkasabik. “Oo naman. Hindi nga ako nakatulog agad dahil sa excited na ako eh,”sabi ni Nomer.

“Kaya mo na ba ang katawan mo,”

“Naku naman! Masyado mo naman yata akong bine-baby, Daddy ah hehehe.” Pagbibiro ni Nomer.

“Oh siya, maghanda ka na, tapos ay magkape na tayo bago lumakad.”

“Hindi ba tayo maliligo muna.”

“Hindi na, ano ka ba, pupunta tayo sa bukid, Siguradong babaho din tayo sa pawis. Mag-ayos ka na ha tapos dumulog ka na at ihahanda ko na ang almusal natin.

-----o0o-----

Naghanda ng ng babauning pagkain si Elmo. Nagbalot siya sa dahon ng saging ng kanin at inibabaw ang piniritong daing at tuyo na padala ng mayor sa kabilang bayan. Nag-dala rin siya ng hinog na kamatis para gawing sawsawan at syempre, tubig.

”Pare, ano yang hinahanda mo?” tanong ni Nomer.

”Pagkain natin mamayang tanghalian,” sagot ni Elmo. ”Tara na, ikaw na ang magbitbit nireng basket.

Tinungo na nila ang kulungan kung saan naka-suga ang kalabaw nina Elmo.

”Alam mo ba na dito kita isinakay nung nakita kitang nakahandusay sa linang. Ang bigat mo pare, ang laki mo kasing lalaki eh.”

”Talaga? Diyan ba tayo sasakay?” tila batang tanong ni Nomer, sobrang excited sa bagong magiging karanasan.

”Oo. Marunong ka na bang sumakay sa likod ng kalabaw? Para lang ding kabayo ito,” tanong ni Elmo.

”Turuan mo ako pare, first time ko na may malay ako hehehe,” natatawang wika ni Nomer.

Sa madaling salita, nakasakay naman si Nomer matapos ang maraming pagtatangka, pinagtawanan pa siya ni Elmo dahil sa ilang beses siyag nahulog. Dahil si Elmo ang siyang magmamando sa kalabaw ay nasa unahan siya, nasa likuran naman si Nomer na kapit na kapit sa bewang ng una, halos yakapin na niya ang bagong kaibigan.

”Nomer ano ka ba, baka mapagkamalan na tayo ng makakakita sa atin, ang higpit namang masyado ng yakap mo, baka kung saan na mapakapit ang kamay mo niyan hala ka, nanunuklaw iyan at nandudura pa,” biro ni Elmo na medyo may pagka green.

”Ay naku Elmo, puro ka biro. Kung sabagay, matibay naman yata itong kahoy sa harapan mo, hindi basta-basta mababali,” ganting biro ni Nomer sabay pisil pa sa harapan ni ya. ”Wala kang brief?”

”Wala, bakit ba, wala namang ibang taong magagawi roon. Umusod-usod ka ng konti at natutusok na ako niyang armas mo, baka lumusot ha!” biro uli ni Elmo.

Habang naglalakad ng mabagal ang kalabaw ay patuloy ang kanilang kwentuhan. Itinuturo ni Elmo ang landas patungo sa bukirin nila, matamang tinatandaan naman iyon ni Nomer.

Nagtuloy muna sila sa kubo kung saan nila iniwan ang baon nilang pagkain. Itinali na rin nila ang kalabaw sa isang mataas na puno na may damong makakain.

”Hawakan mo ito Nomer, gagamitin nati iyan mamaya,” wika ni Elmo na inabot sa binata ang isang gulok.

”Anong gagawin ko dito?” tanong nito.

”Magtatabas tayo ng damo.”

Tinuruan ni Elmo na lumusong sa maputik na palayan itong Manilenyo, hirap na hirap itong lumakad dahil lumulubog ang paa sa malambot na lupa, Pinagbunot niya ito ng damo at kung masyadong malalim na ay pinatatabas na lang gamit ang itak. ”Ingatan mo lang ha, baka hindi damo ang matabas at mabunot mo.”

”Akong bahala, alam ko na ito,” may pagyayabang pang wika ni Nomer.

Makaraan ang isang oras ay pawisang-pawisan na itong estranghero, namumula na ang pisngi dahil sa sikat ng araw. Napansin ni Elmo na tila hindi na kaya pa ni Nomer kaya naman pinaahon na niya ito at doon na sa kubo pinapag-pahinga.

Nahihiya man dahil sa mayabang pa ito kanina ay napilitan na ring umahon itong si Nomer. Pagdating sa kubo ay hingal kalabaw at paypay ng paypay gamit ang sumbrero, init na init. Halos maubos niya ang isang boteng tubig na baon nila.

Tinatanaw nito ang kaibigan na patuloy na nagtatrabaho, hunanga ito sa tibay sa initan ng binata, dire-diretso lang sa ginagawa at hindi makikitaan ng pagkabagot at pagkapagod. Sadyang nasanay na sa gawain sa bukid.

Tumingin sa itaas si Elmo, tinatantiya ang oras, tapos ay umahon na rin siya. Naabutan niyang nakahiga itong si Nomer at pikit ang mga mata, nakatulog na yata.

Ngayon lang niya napagmsadang mabuti ang estranghero, Humanga siya sa napakagandang mukha nito, ang manipis at mapupulang labi na bumagay sa ngayon ay mamula-mula ring kutis dahil sa nainitan ng araw.

”Andyan ka na pala, nakatulog ako eh. Anong tinitingnan mo sa akin ha? Gwapong-gwapo ka ba sa akin, baka naman nababakla ka na ha hehehe!” pagbibiro ni Nomer.

”Ulul! Ngayon ako naniniwala na hindi ka nababagay saganitong gawain. Tama lang talaga sa iyo na doon ka sa isang silid na may aircon at ballpen at papel ang hawak,” wika naman ni Elmo.

”Masyado mo naman akong hinahamak niyan, natural lang dahil sa bago lang ako sa ganito, pasasaan ba at masasanay din ako.”

”Huwag mo nang sanayin pa, napaka-swerte mo nga dahil hindi mo naranasan ang ganitong klaseng trabaho na hinahamak ng karamihan, Ang katuwang ko rito sa araw-araw ay ang aking kalabaw, sabay kaming lumulublob sa putikan, nasusunog na ang balat at nagbibitak na ang mga paa sa init at tigas ng lupang inaapakan. Huwag mo nang ambisyunin pa.”

”Huwag mo namang hamakin masyado ang trabhong iyan, kung wala kayo, paano na kami, anong aming kakainin sa araw-araw. Ganun lang talaga.”

”Alam mo ba Nomer, walang magsasaka na gaya namin ang yumaman. Swerte kami kapag nakapag-ani ng marami-rami, pero kadalasan din ay minamalas lalo na kapag panahon ng bagyo, Halos hindi masambot ang ipinuhunan naming pera at pagod dahil sa isang iglap lang ay wala, sinira na ang aming pananim.”

”May pagdaramdam ka bang nararamdaman Elmo? Pangarap mo na makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho ng may malaking kita para maiahon sa hirap ang iyong magulang, pero wika mo nga, dahil sa kakulangan sa pangtustos ay nawawalan ka na nang pag-asa. Bakit hindi mo subukan tangapin ang inaalok ko sa iyo.”

”Iniisip ko nga iyan kanina habang nagbubunot ako ng damo. Nakita kita kung paano ka nahirapan. Ako man noong una ay gaya mo rin, sumusuko ako sa pagod at init ng araw, nahihirapan. Pero nasasanay din  pala ang tao, namamanhid din ang aking pakiramdam, halos hindi na nakakaramdam ng sakit ang aking paa kapag napapayapak sa matigas na bagay, puro kalyo na kasi. Naiisip ko rin si Tatay at Nanay, natanong ko ang aking sarili kung hanggang dito na lang ba kami, magsasaka ang magulang, ang anak at ang magiging apo.” Maiiyak na wika ni Elmo.

”Nagbago na ba ang isip mo? Sasama ka na ba sa akin sa Maynila?”

”Pinag-iisipan ko pang mabuti, iniisip ko rin si Tatay, wala siyang makakatuwang sa pag-sasaka.”

”Wala ba kayong kamag-anak na pwedeng makatulong ng Tatay mo, ni Tatay Pedring? Baka may kakilala kayong kaibigan o kapitbahay. Pwede naman sigurong mapag-usapan, halimbawang kung paano hahatiin ang kita sa ani. May kikitain ka rin naman habang nagtatrabaho ka na maipadadala mo sa magulang mo.”

”Saka na lang natin pagusapan uli ang bagay na iyan Nomer, hindi ka pa naman uuwi ng Manila, di ba? Halika na at mananghalian na tayo, tila gutom ka na eh.”

Inihanda na ni Elmo ang baon nilang pagkain. ”Wow! Ang bango naman niyan, parang natakam na akong kumain!” komento ni Nomer.

Ganado ngang kumain itong si Nomer. Ngayon lang yata nakakain ng pagkain na binalot sa dahon ng saging at ng daing at tuyo at kumain  pang naka-kamay. Walang natira sa pagkaing dala ni Elmo, naubos nila lahat.

”Busog na busog ako Elmo, Ang sarap palang kumain ng naka-kamay at kanin at ulam na binalot sa dahon ng saging. Alam mo ba na ngayon lang ako nakakain ng daing na isda at tuyo? Ang sarap pala.” Wika ni Nomer.

”Masarap kasing kumain dito sa bukid, lalo na at may kasabay. Natutuwa ako at sinamahan mo ako dito Nomer.”

”Mas naman ang saya ko, aba ibang experience ito para sa akin. Salamat Elmo at iniligtas mo ako, Salamat at nakilala kita.”

Nagkatitigan sila. Kitang kita sa mga mata ni Nomer ang wagas na pasasalamat. Tila naman napaso sa titig na iyon si Elmo, nauana siyang nagbaba ng tingin.

”Wala iyon Nomer, kahit na namang sinong taga-rito ay gagawin ang ginawa ko, Sadyang matulungin ang mga tao sa aming munting baranggay. Halika, umidlip muna tayo sandali.”

Nahiga na si Elmo sa papag na walang sapin. Nahiga na rin si Nomer sa tabi niya. Kaagad naidlip si Elmo habang si Nomer naman ay pinagmamasdan ang natutulog na kaibigan. Natatawa pa ito dahil sa tila pagsipol ng mahina ng binata. Me kapilyuhang taglay din naman itong si Nomer, hinipan nito ang tenga ng natutulog na si Elmo na siya namang ikinagulat niya. Biglang lingon niya at saktong nagdikit ang kanilang mga labi.

Pareho silang natigilan, nanlaki pa ang mga mata ni Nomer, si Elmo naman ay napahawak sa kanyang labi, tila nagkahiyaan pa ang dalawa. Nawalan sila ng kibo, natahimik ng may ilang segundo. Si Elmo na ang siyang naunang nagsalita. ”Sinadya mo iyon ano? Hahaha, siguro gwapong gwapo ka sa akin, aminin hahaha,” wika ni Elmo na may pagbibiro. Ginawa niya iyon para pareho silang hindi mapahiya sa kanilang naging reaksyon.

”Hala, nagtulug-tulugan ka talaga at talagang idinikit mo sa bibig ko, gandang ganda ka sa labi ko ano, mapula kasi hahahaha.”

Nauwi sa kulitan ang kasunod, bawat isa ay ayaw patalo sa biruan. Nagkilitian habang nagbibiruan, tawa sila ng tawa. ”Tama na hoy! Nomer, ayoko na, magtatrabaho na ako ng makauwi tayo ng maaga. Hahaha.”

”Ikaw kasi, ang kulit-kulit, halikan kaya kita talaga diyan eh,” ganting biro ni Nomer na patuloy pa rin nangingiliti.

”Gawin mo! Para ka kasing babae, puro dada.”

”Ah ganon ha hehehe!”

Mabilis na nakabangon si Elmo at nagtatakbo palinang, patuloy na tumatawa. Hindi na naman humabol pa si Nomer.

Para namang bata itong si Elmo na nangulit na nanaman. ”Nye nye nye nye nye. Habol hahaha.”

Napailing na lang si Nomer at nagbalik sa kubo. Muling nahiga sa papag na nakangiti, hindi maikakaila ang saya.

-----o0o-----

Maagang nakatapos sa kanyang gawain si Elmo kaya maaga rin silang nakauwi.

”Tamang-tama ang dating ninyong dalawa mga anak. Nag-prito ako ng kamote. Naglaga rin ako ng kape, masarap magkape habang sinasawsaw sa asukal ang pritong kamote.”

”Masarap iyan Nanay,” wika ni Nomer.

”Maupo na kayo at ihain ko na sa mesa. Maglagay na rin ako kape sa tasa.”

Tahimik silang kumain, halos maubos ang nilutong kamote ni Nanay Maring.

”Bilisan mo na Nomer, maliligo pa tayo.”

”Mauna ka na!”

”Sabay na tayo para may taga bomba habang naliligo ang isa.”

Habang naliligo ang dalawa ay siya namang dating ni Mang Pedring. Kaagad na ipinag-ahin ng miryendang kamote ng asawa.

 

 

Itutuloy..............

 

Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)

  Apoy (Part 3) By: Migs (From: AsianBearMen)   Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, k...