Kwento
ni Ambeth (Part 14)
Sa
Dromitory ni Kuya
College na ako. Sa isang sikat na unibersidad sa
Maynila ako kumukuha ng kursong Fine Arts. Panibagong pakikisalamuha na naman
at karanasan ang tinatahak ko sa ngayon.
Ang pantasya kong maging kami ni Sonny ay inalis
ko na sa aking isipan, napatunayan kong babae ang gusto ni Sonny. Pero hindi ko
parin inaalis ang paniniwala na magkakaniig pa rin kami hehehe, pareho kasi
kaming malibog. Ang huli naming pagtatalik ay naganap noong nalasing siya
matapos malaman ang pangloloko sa kanya ng kanyang nobya.
Nagkikita pa rin naman kami sa aming bayan, kapag
umuuwi kami pareho, pero bihira na nga lang, may kanya-kanya na kasi kaming
lakad at bagong mga kasama at kaibigan.
-----o0o-----
Nalalayuan ako sa kasalukuyan kong tinutuluyan,
Itinira ako ng aking Nanay sa isa niyang kaibigan na nagpapa-board. Okay sana,
kaya lang nasa parteng project 2/3 iyon. Isang sakay lang naman, kaya lang ay
higit isang oras din ang biyahe papuntang unibersidad namin na nasa EspaƱa, ang
hirap pang sumakay lalo na kapag umuulan. Kaya nagsabi ako kay Nanay na gusto
kong lumipat ng ibang boarding house, yung malapit sa aming unibersiad.
May sinabi sa akin ang isa kong kaklase na may
alam daw siyang boarding house na malapit lang sa aming school, pwede pa raw
lakarin lang, makakatipid na ako sa oras sa byahe, makakatipid pa ako sa
pamasahe. Sinabi kong lahat iyon sa aking nanay, pumayag naman ito.
Kaagad akong nagpasama kay Liza, ang aking
kaklase at nagpasama sa nasabing boarding house. Sakto naman na may bakante pa
raw na isa.
Dalawahan daw ang bawat kwarto, pinakita ni
Kuyang may-ari sa akin ang nasabing kwarto.
Tatlong palapag ang dormitoryo, pero dalawang
palapag lang ang pinauupahan. Ang ground floor ang inookupa ni Kuyang may-ari
at mayroon silang karinderya doon. Tamang-tama, hindi ko na poproblemahin pa
ang kakainin ko dahil doon na lang ako kakain sa karinderya.
Apat na kwarto mayroon sa second floor at tatlo
sa third floor, May parang rooftop sa third floor na open na ginawang sampayan
ng mga boarders.
Malalaki naman ang bawat kwarto at ang maganda pa
ay may sariling banyo ang bawat kwarto.
Bawal magluto sa loob ng kwarto, pero may inilaan
naman lutuan para sa boarder kung gusto nilang magluto. Pero sabi ni Kuya ay
hindi na raw nagluluto ang karamihan sa boarders at doon na lang sa karinderya
niya kumakain, mura lang daw naman ang ulam, may discount pa sa mga boarders.
Sa Madaling salita ay nagkasundo kami ni Kuya,
nakatipid pa nga ako dahil sa mas mababa pa ng 200 pesos ang renta ko kesa doon
sa bording house ng kaibigan ni Nanay. Nagkasundo kami na maglilipat ako sa
darating na Sabado dahil kakausapin ko pa ang dati kong landlady para makuha ko
rin ang aking deposit. Nakapagbayad naman na ako ng deposit at advance payment
na 1 month kay Kuya.
-----o0o-----
Sabado ng umaga ako lumipat, wala naman akong
masyadong gamit, mga damit lang, at gamit ko sa eskwelahan. Wala roon ang aking
roommate, ang sabi sa akin ni kuya ay isa ring estudyante at Justine ang
pangalan. Umuuwi raw ito sa kanila tuwing Friday after na class nila at nabalik
sa gabi ng Sunday. Mabuti naman at wala akong abala sa pag-aayos ng aking
gamit. Itinuro naman sa akin ni Kuya ang aking cabinet.
Maayos naman ang silid, malinis. Pagsapit ng 12
ay bumaba ako at kumain sa karinderya ni Kuya, Marami pala talagang kumakain
doon, mura daw kasi at masarap. Mabuti na lang at may naupuan pa ako,
naki-share ako sa nagiisang kumakain sa isang mesa.
“Ikaw ‘yung bagong lipat sa room 21?” tanong ng
lalaking naka-share ko sa mesa.
“Oo, ako nga. Dito ka rin ba nagre-rent?” tanong
ko.
“Hindi, anak ako ng may-ari, ako nga pala si
Rolly,” pakilala sa akin ng anak daw ni Kuya.
“Ako naman si Ambeth.” Kumusta naman dito,
makakasundo ko ba ang ibang tenant dito?’
“Ay oo naman. Mababait ang pinipili ni Papa na
titira dito, hindi pwede ang luko-luko. May mga konting gusot din naman, pero naayos
din naman kaagad. May nakilala ka na bang iba rito?”
“Wala pa, ikaw pa lang.”
“Makikilala mo rin sila. Mamaya akyat ako sa
kwarto mo, kwentuhan tayo ha, kung hindi abala sa iyo hehehe.”
“Okay sige. Sa bandang hapon na lang, nag-aayos
pa kasi ako ng mga gamit ko saka may gagawin pa akong iba.”
“Okay.”
Nagpatuloy na ako ng pagkain, nauna siyang
nakatapos at nagpaalam na rin sa akin.
-----o0o-----
Hapon, bandang 4 na nang may kumatok sa aking
pintuan, si Rolly pala, may dalang dalawang soft drinks at chitchirya. Inabot
sa akin ang isang softdrinks na maliit lang naman. “Eto o, hindi ka yata
nagmiryenda,”
“Salamat, hindi pa naman kasi ako gutom eh, ang
dami ko kasing nakain kanina.”
“Ayos ka ba naman diyan?”
“Oo, malinis naman ang silid, maayos eh, mabango
pa,”
“Si Justine. Oo maayos iyon, sobrang linis, ayaw
ng madumi at magulo, pero mabait iyon, gwapo pa, mas gwapo ka naman hehehe.
Alam mo nagkakataon naman na puro gwapo ang nagrerenta dito gaya mo.”
“Hindi ako gwapo, maganda, hehehe,” biro ko.
“Bading ka? Hindi halata,”
“Weh. Hindi ko naman inililihim ang kasarian ko,
hindi lang talaga ako mahilig magayos at magbihis babae, gusto ko pa ring
magdamit ng sa lalaki. Hindi ko lang talaga makayang umarte na parang tunay na
lalake.”
“Alam mo, maraming bading dito dati, isa na ako
hehehe, secret iyon kay Papa. Gaya mo, lalake ang gusto ko, pero hindi rin ako
nagbibihis nang babae.”
“Talaga ba?”
“Yung kaalis lang dito, muntik pa ngang magahasa
ng isa naming tenant eh, hindi lang natuloy, pinainom ba naman ng pampalibog
yung lalaki, umalis na rin dito si Wilson. Yung manggagahasa sana ay si Bernard
at Noland, pinaalis na ni Papa, ayaw daw ng ganon.”
“Mabuti naman, delikado pala tayo kung narito pa
siya hehehe. Rolly, sabi mo ay bading ka rin, ibig bang sabihin may mga gwapo
ka nang natikman dito hehehe?”
“Oo naman, pero huwag mong mabanggit-banggit ke
Papa ha! Wala siyang alam sa mga ginagawa ko ritong kalandian.”
“Me pumapatol naman.”
“Wala nang pogi na hindi pumatol sa bading
Ambeth.”
“Hindi naman siguro lahat.”
“Yung kapit-kwarto mo, sa room 22, si Arnold,
parang syota ko na iyan eh, kaya huwag mo nang didiskartehan ha.”
“Hoy ano ka ba, hindi ako ganoon, bading ako,
pero hindi ako nanghahada, ang gusto ko ay yung mamahalin ako.”
“Meron ditong tenant na tila ibinahay na ng
bading. Solo lang ito, ayaw ng bading na may kasama sa silid kaya bale dalawa
ang binabayad nito.. Ang balita ko eh pinapag-aaral na ng mayamang bading,
hindi nga lang pwedeng magsama dahil sa ayaw payagan ng magulang na magboard, magagalit.
Hatid-sundo pa ng kotse yung bading kapag pumapasok sa isang exclusive na
paaralan eh. Paminsan-minsan lang nagagawi dito at syempre pag nagawi eh alam
mo na.”
“Talaga ba? Anong pangalan at saang room siya?”
“Sa third floor at …”
Hindi na naituloy ang sasabihin ni Rolly dahil sa
may tumawag sa kanya, ang kanyang papa. Kaagad na siyang bumaba.
-----o0o-----
Linggo, dumating na ang aking roommate. Tama si
Rolly, gwapo nga siya at sobrang neat kung manamit. Hindi naman siya bading sa
palagay ko, pero sobrang linis manamit.
“Hi, ako nga pala si Ambeth ang bago mong ka
roommate,” pakilala ko sa aking sarili.
“Ako naman si Justine. Swerte mo, kaalis lang ng
kasama ko dito, si Aries. Kasi lumipat na siya ng tirahan, ang paalam sa akin
ay magsasama na daw sila ng syota niyang bading. Ay sorry, bading ka rin di
ba?”
“Oo at proud bading ako hehehe.”
“Oo naman, wala namang akong tutol sa mga bading,
masarap ngang maging kaibigan ang bading eh.”
“Kaya lang, baka hindi ako ang bading na gusto
mo, tahimik kasi ako at hindi umaakting na magaslaw. Mabuti na okay lang sa iyo
na bading ang ka-roommate. Hindi ka ba natatakot na baka gapangin kita?”
“Bakit naman ako matatakot, sa laki ng katawan ko
at nipis naman ng sa iyo, eh baka may kalagyan ka kapag ginawa mo iyon. Okay
lang sa akin ang bading, huwag lang bastos gaya ng iba.”
“May karanasan ka na rin ba sa bading?”
“Oo naman, meron pa bang lalaking wala… hehehe. Pero
pumapatol lang ako sa disenteng bading, malibog din kasi ako eh at takot na
makabuntis. Kaya para makaraos, pumapatol ako sa bading, karamihan naman ng
pinatulan ko ay parang tunay na lalaki, mga gym buff hehehe, sa gym nga ako
nahuli eh. Hoy Ambeth, hindi madalas, minsan lang, promise.”
“Binabayaran ka? Sorry sa term ha, kasi ang alam
ko sa mga lalaking pumatol sa bading ay dahil sa pera, ikaw rin ba?”
“Hindi ah, nireregaluhan, tinatanggap ko naman,
hindi naman pera eh, in kind, tulad ng sapatos, load sa CP. Hoy! Ang dami mo
nang alam sa akin, ikaw ba.”
May naging jowa ako sa aming bayan, isang dating
kargador sa palengke. Niligawan talaga ako, nagsabi pa sa nanay ko na liligawan
ako at nagpunta nga sa aming bahay para manligaw. Gwapo siya, matipuno ang
katawan gaya mo. May nangyari din sa amin, siya ang una at huli, kasi iniwan
din ako, ipinagpalit ako sa mayamang bakla.”
“Ganon. Ibig sabihin ay hindi ka talaga niya
mahal. O baka naman may dahilan. Nag-usap ba kayo bago kayo naghiwalay.”
“Hindi na eh, ano pa ba ang pag-uusapan, pera
iyon, wala ako nun. Kumain ka na ba, tara sa baba, kain na tayo.”
Mabuti naman at kokonti pa ang kumakain. Doon
kami naupo sa isang mesa na may dalawang kumakain, mga boarders din pala dito.
“Rexy, si Ambeth, bago kong roommate at kagaya mo
rin siya, disente nga lang hindi gaya mo. Ambeth siya si Rexy, sa third floor
siya, Room 31.”
Nagtanguan naman kami at nagngitian. “Grabe ka
naman Justine, bakit ba, hindi ba ako disente. Sa kama lang ako hindi disente
no, alam mo iyan.”
“Gago ka talaga, kelan kaya kita nakasama sa
kama. Si Arnold yang katabi mo Ambeth, kapit kwarto lang natin,” pakilala ni
Justine sa isa pa. May ibinulong pa sa akin si Justin, “Syota iyan ni Rolly,
yung anak ni kuya,” wika pa niya na palihim na tumingin kay kuya at parang ayaw
iparinig.
“Ano naman yang ibinulong mo Justine, sinisiraan
mo ba ako sa bago nating dormmate ha, ikaw talaga. Marami akong alam sa iyo.”
“Alam na niya, kinuwento ko na, ano pa ang
sasabihin mo.”
“Alam mo Ambeth, lahat dito ay magkakaibigan at
magkakabiruan. Kaya masanay ka na ha, baka pikon ka ay lalo ka nilang
bibiruin.” Sabi ni Rexy.
“Sanay ako sa biruan. Pero syempre, huwag namang
below the belt, saka walang personalan hehehe.” Sagot ko naman.
Matapos kumain ay umakyat na kami kaagad.
Pagpasok namin sa silid ay kaagad na kumuha ng twalya sa kanyang cabinet si
Jusitine at maliligo daw muna bago matulog. Maaga daw siyang matulog dahil sa
alas otso ng umaga ang kanyan first subject.
Inamoy ko ang aking sarili, medyo maantot na nga
dahil sa hindi pa ako naligo matapos akong mag-ayos ng aking gamit. Naghanda na
rin ako ng twalya at maliligo na rin ako pagkatapos niya.
Hala, sobrang tagal palang maligo nitong si
Justine, grabe, kalahating oras na ay hindi pa lumalabas ng banyo, matatae pa
namn ako. Gusto ko na sanang katukin at baka may nangyari na sa kanya. Hayum
after 40 minutes, lumabas na rin.
“Nainip ka ba Ambeth? Pasensya ka na hah, ganon
talaga ako maligo, masanay ka na hehehe,” sabi ni Justine.
Hindi naman ako kaagad nakasagot, napatuong ang
aking tingin sa maganda niyang katawan. Nakatapis lang siya at prominent ang
bukol niya, wala pa sigurong suot na brief.
Pormado na ang mga muscles sa buong katawan,
tamang tama lang. Tangina, gusto kong lapain kaagad. “Hinay-hinay Ambeth, hindi
mo pa kilala iyan, baka ka masaktan,” paalala ng aking isipan sa akin.
“Oh, bakit para kang natuka ng ahas diyan,
nakanganga ka pa. Hoy Ambeth ha, binabalaan kita, alam mo na ang ibig kong
sabihin,” paalala ni Justine.
“Hoy Justine ha, sobra ka naman. Bawal bang
humanga? Ayaw mo bang mapuri ang kagandahan ng katawan mo? Hindi lang ikaw ang
nakitaan ko ng magandang katawan, marami, isa na roon ang ex ko. Saka ako ang
nililigawan, hindi ako ang nanghahada. Hindi kita type, sinasabi ko na sa iyo.”
“Pikon ka ha. Hindi ba sinabi na namin sa iyo na
bawal ang pikon? Hindi din kita type, kung type kita eh hinalikan na sana kita
hehehe.”
“Makaligo na nga, baka kung saan pa mapunta ang
ating usapan,” pagtatapos ko sa aming usapan. Tumalikod na ako, dala ang mga pamalit
kong damit.
Sa aking paliligo ay si Justine pa rin ang nasa
isipan ko. Totoong gwapo siya, makisig, matipuno ang pangangatawan, sakto para
sa aking ang kanyang katawan, matambok ang dibdib, ang braso at binti ay parang
sa isang atleta, halatang alaga ang katawan sa gym. Para lang hindi bagay sa
kanya ang maamong mukha, kasi eh maangas kung magsalita, para bang may yabang.
Hindi rin maipagkakaila na may ipagmamalki, ang
sarap niya siguro. Ilan na kaya ang nakatikim ng kanyang hotdog? Hehehe, sana
ako rin.
-----o0o-----
Naka isang linggo na ako sa dormitory ni Kuya,
nakilala at na meet ko na ang iba pang tenant, tulad ni Jepoy na roommate ni
Arnold, room 22 sila katabi ng sa amin. Sa room 31 ay kasama ni Rexy si
Reynold. Yung iba ay hindi pa lalo na yung sinasabi ni Rolly na nagsosolo sa
room 33, yung katabi ng open area na sampayan.
Maayos naman kasama si Justine, kahit papano ay
nagkakakilanlan na kami ng aming ugali, kaya naman pakisamahan.
Sa paglipat ko ay hindi na ako palaging
nagmamadali, pwede akong gumisng ng medyo tanghali na dahil 9AM ang una kong
subject at saka nilalakad ko lang. Pwede namang mag-tricycle, pero iikot lang
ng konti dahil kelangang tumawid sa kabila hehehe. Ginawa ko minsan iyon ng may
konting baha sa daraanan ko.
Maaga rin ang uwian ko, 3PM ay tapos na ang last
subject ko Naglalakad ako ng ma-pahinto ako dahil parang nakita ko si Ernest sa
tapat ng dormitory.
>>>>>Itutuloy<<<<<