Sundalo
(Part 4) Finale
Credits
To The Real Author
(From: M2M Colletion)
Bigla akong naging seryoso ng mabanggit niya ang
salitang mahal. Tama nga si Bob. Dahil sa salaping aking kinikita, kahit
papaano ay nairaraos ang aking seksual na pangangailangan. Subalit dumarating
pa rin ako sa isang punto na tinatanong ko ang aking sarili kung masaya ba ako
sa ganoong gawain. Panandaliang kaligayahan lamang ang aking nadarama sa tuwing
makikipag-sex ako sa isang bayaran. Noon ko labis na naramdman ang pagka-miss
ko kay John.
“O bakit naging seryoso ka na dyan?” ang pumukaw
sa aking panandaliang katahimikan at pagmumuni-muni tungkol kay John.
“Ah… wala… Sige Bob, aalis na ako,” ang tangi
kong naisagot kay Bob.
Pagtayo ko sa sopa ay hinawakan ni Bob ang kaliwa
kong kamay. ‘Di na siya muling nagbiro sa akin. Tinitigan na lamang niya ako sa
mga mata. Tila may nais siyang sabihin na hindi niya mabigkas-bigkas. Subalit
kahit walang namutawing mga salita mula sa kanyang bibig ay nararamdaman ko ang
nais niyang ipahiwatig. Mas lalo kong napagtanto na nais na niyang idikit ang
aking kaliwang kamay sa kanyang ari. Ilang sandali pa ay sadya niyang inihulog
ang twalyang nakatapis sa kanyang baywang. Tumambad sa akin ang hubo’t hubad na
katawan ni Bob.
-----o0o-----
Para akong isang tuod na hindi makakilos ng mga
sandaling iyon. Naghintay na lamang ako sa susunod na gagawin ni Bob. Biglang
niyapos ako ni Bob sabay halik sa aking mga labi. Ewan ko kung anong kakaibang
sensasyon ang aking nadama ng maglapat ang aming mga labi. Gumanti na rin ako
ng halik sa kanya. Habang naghahalikan kami ay lumakas na rin ang aking loob na
hawakan ang kanyang ari. Malambot pa ito. Subalit ng simulan kong hawakan ay
unti-unti itong nabuhay. Mahaba at mataba ang alaga ni Bob base sa nararamdaman
ng aking palad. Nais ko sana itong sulyapan subalit matindi pa rin ang halikan
namin ni Bob. Ni hindi ko makuhang bumitaw sa aming halikan.
Biglang tumigil sa paghalik sa akin si Bob sabay
sabing “ Hahaha, kanina ka pa gigil na gigil d’yan sa junior ko ha. Baka
mabalian yan sa higpit ng paghawak mo. Hahaha.”
Para akong natauhan at namutla ng marinig ko ang
sinabi ni Bob. Kaya hindi ko siya nasagot.
“Tara sa loob ng aking kwarto at doon natin
ituloy ang lahat,” ang anyaya sa akin ni Bob.
Pagpasok namin sa kanyang silid ay inalis ko na
rin ang lahat ng aking saplot at magkatabi kaming nahiga sa kanyang kama.
“Pasensya ka na kung hindi ako marunong sa
ganitong bagay. First time ko lang kasing gawin ito.” ang nasabi ni Bob sa
akin.
Nginitian ko lamang siya at nagsimula na muli
kaming maghalikan. Halos paliguan ko ng halik ang buong katawan ni Bob. Makinis
kasi ang kabuuan nito at halata na alagang alaga niya ang kanyang katawa. Nang
pagtuunan ko ng pansin ang kanyang alaga ay noon ko napatunayan na malaki nga
ito. Bukod sa kahabaan nito ay medyo may katabaan pa. Ni halos hindi mahahalata
ang mga ugat sa paligid nito. Pantay ang taba nito mula puno hanggang sa ibaba
ng pinakaulo nito. Ang ulo naman nito ay bahaya lamang lumaki sa katawan nilo.
Pati ang bakas ng pinatulian ay hindi na rin makikita.
Ang dalawang bola sa ibaba ng kanyang ari ay
tamang tama lamang ang laki na nababagay lamang sa laki ng kanyang alaga. Sa
paligid nito ay makapal na buhok. Tuwang tuwa akong pagmasdan iyon. Subalit ng
mapansin ako ni Bob na tila tinitigan ko lamang ang kanyang ari ay siya na
mismo ang nagsenyas na simulan ko na raw isubo ang naninigas na niyang ari.
Iyon na nga ang aking ginawa. Naglabas-pasok ang kanyang ari sa aking bibig.
Paminsan-minsan naman ay pinaglalaruan ng aking bibig ang dawalang bolang
nakalawit doon.
Grabeng kaligayan ang nadama ni Bob sa bawat
gawin ko sa kanya. ‘Di rin niya napigilan ang malalakas na pag-ungol at ang
pagbigkas ng mga katagang “ang sarap”. Hanggang sa labasan si Bob. Napakadami
noon at pinilit ko lahat lunukin. Nang mahimasmasan na siya ay sinabihan niya
ako na ako naman ang magpalabas. Nahiga akong muli ng maayos sa tabi niya.
Habang hawak ng isang kamay ko ang ari niya ay sinasalsal naman ng isa kong
kamay ang aking ari. Si Bob naman ang nagpatuloy sa paghalik sa aking mga labi.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na hinawakan ni Bob ang aking ari at sinimulan na
niyang salsalin. Naging ganoon ang kanyang ginagawa sa akin hanggang sa ako ay
labasan.
“Salamat Bob sa pagpapaubaya mo sa akin ng iyong
katawan,” ang una kong nasabi sa kanya.
“Katawan ko lang ba ang kailangan mo?” ang tanong
naman ni Bob.
“Meron pa bang iba?” ang tanong ko naman sa
kanya.
“Ang puso ko, ang pagmamahal ko.” ang tugon ni
Bob.
“Subalit may pamilya ka na at mukhang ‘di ka
naman iibig sa isang katulad ko,” ang sinabi ko naman sa kanya.
“Iba ka Lester. Hindi ka mahirap mahahalin.
Ngayon alam ko na kung bakit ka minahal ni John,” ang pahayag naman ni Bob.
Muli akong nanahimik ng marinig ko ang pangalan
ni John. Hindi rin ako makasagot kay Bob.
“O bakit ka naman nanahimik dyan?” ang tanong
naman ni Bob.
“Ah, wala lang,” ang tugon ko naman.
“Mahal mo ba ako o hindi?” ang tanong na naman ni
Bob.
“Kaibigan kita Bob kaya ayaw kong samantalahin
ang pagkakaibigan natin,” ang aking naging tugon.
“Hindi naman pagsasamantala iyon. Ginusto ko rin
ang nangyari sa atin,” ang nasabi ni Bob.
“Pero may asawa’t anak ka na. Papaano kung
bumalik sila sa iyo? Papaano kung malaman nila ito? Hindi ka ba natatakot sa
maaaring sabihin nila sa iyo?” ang mga katanungan ko kay Bob.
“Huwag mo munang isipin iyon. Nasa malayo sila.
Tutal hiwalay na naman kami ng aking asawa. Walang problema iyon sa akin,” ang
tugon naman ni Bob.
“Ewan ko. Pero parang natatakot pa akong magmahal
muli. Labis akong nasaktan sa nangyari sa amin ni John. Ayaw ko munang
makipagrelasyon,” ang paliwanag ko naman sa kanya.
“Gusto mo lang bang makipagtalik sa akin o may
pagtingin ka rin sa akin?” ang tanong na naman ni Bob.
Hindi ako makasagot kay Alam. Kahit gusto na
sabihin ng aking damdamin na mahal na mahal ko rin siya. Nanaig pa rin sa akin
ang takot na maulit muli ang hapding nadama ko sa naging paghihiwalay namin ni
John. Sa halip na sagutin ko siya ay isa-isa kong dinampot ang aking mga damit
at agad na akong nagbihis.
“O bakit ka nagbibihis? Aalis ka na ba?” ang
tanong na naman ni Bob.
“Saka na lang tayo mag-usap,” ang tanging tugon
ko sa kanya.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina.
Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo. Kailangan mo rin maging masayang muli.
Huwag mo munang isipin kung anong mangyayari sa bukas. Ang mahalaga ay masaya
ka ngayon,” ang mga pahabol na pangungusap ni Bob habang palabas ako sa kanyang
silid.
Sinundan din niya ako papalabas ng kanyang silid.
Ni hindi siya nagsuot ng kahit anong saplot sa katawan. Hubo’t hubad siyang
sumunod sa akin. Pagtapat ko sa pintuan ng kanyang condominium unit ay muli akong
lumingon kay Bob. Mga dalawang dipa ang layo niya sa akin. Halos pagmasdan ko
ang kabuuan ng kanyang katawan. Parang nang-aakit pa rin siya sa kanyang
kaanyuan. Pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili. At tuluyan na akong
lumabas sa kanyang unit.
-----o0o-----
Buong-buong nanumbalik sa aking alaala ang
nangyari ng una kaming nagtalik ni Bob. Buti na lamang at nagbago ang aking
isipan at tinanggap ko ang alok na relasyon ni Bob. Simula ng magsama kami ay
mas naging maunlad ang aming business. Mas naging malalim din ang aming
relasyon. Subalit ang pagbabalik ni John ay biglang may kung anong pagsubok ang
dadalhin nito sa akin at sa relasyon namin ni Bob. Heto ngayon sa aking harapan
ang mga lalaking mahal na mahal ko. Si John ang unang nagpadama sa akin na
pwede din mahalin ng isang tunay na lalaki ang isang tulad ko at si Bob na
muling nagpatunay na pwede talaga ang ganoong pagmamahalan.
“O bakit ‘di ka man lamang nagsasalita dyan?” ang
biglang naitanong ni Bob ng mapansin ang labis na pananahimik ko habang
nagkwekwentuhan sila ni John.
“Ah, eh, okey lang ako. Huwag ninyo akong
pansinin. Medyo napagod lang ako kanina,” ang palusot ko sa dalawa.
“Kumusta ka na ba Lester?” ang tanong naman ni
John.
“Okey na okey naman ako. Busy sa nasimulan nating
business. Don’t worry simula ngayon bibigyan ka namin ng share sa income namin,”
ang naisip ko na lamang isagot kay John.
“Hindi n’yo na kailangang gawin iyun. Salamat na
lang. Pera mo naman talaga yung pinuhunan natin. Huwag mo na akong bahaginan.
Okey lang sa akin iyun,” ang seryosong sagot ni John.
“Ikaw kumusta na ang buhay-buhay?” ang tanong ko
na naman kay John.
“Kakakasal ko lang this year. May inaasikaso lang
akong papeles sa kampo namin dito sa Maynila. Pero babalik din ako kapag okey
na ang lahat,” ang sagot ni John sa aking tanong na para bang nagbuhos sa akin
ng napakalamig na tubig. Si John may asawa na!
“Ah ganoon ba. Buti naman at lumagay ka na sa
tahimik? Eh kumusta yung heneral na…. alam mo na?” ang tanong ko muli pero
halos hindi ko maituloy-tuloy kasi nag-aalala ako na baka manumbalik sa kanya
ang napagdaanan niya.
“Nasawi siya sa isang bakbakan laban sa mga
rebelde. Kaya nga nakapagbagong buhay ako,” ang tanging tugon ni John.
“Sige aalis na ako. Mukhang may aasikasuhin pa
kayo ni Bob,” ang paalam ni John.
“Wala na kaming pupuntahan. Pauwi na rin kami,”
ang tugon naman ni Bob.
“Buti pa ihatid ka na lang namin sa kampo ninyo,”
ang alok ko kay John.
“Huwag na. May dadaanan pa kasi ako. Salamat na
lamang,” ang pagtanggi ni John.
“Okay, see you sometime soon. Tawagan mo lang ako
sa phone,” ang sabi naman ni Bob sabay abot ng calling card kay John.
“Can we get your contact number?” ang tanong ko
naman kay John.
“Sorry, wala akong celphone right now. Pero sige
tatawag na lang ako kung may time pa before ako babalik sa probinsya,” ang
nasabi naman ni John.
Agad na rin lumisan si John. Bumalik naman kami
ni Bob sa tinutuluyan naming condominium. Ipinagbili kasi namin ang mga lumang
condo units namin at bumili kami ng bagong unit na tamang tama lamang sa aming
dalawa. Sa daanan hanggang marating namin ang condominium unit namin ay wala
kaming imikan ni Bob. Ewan ko pero natatakot ako sa maaaring itanong sa akin ni
Bob tungkol kay John. Mas lalo na kung tatanungin niya ako kung mahal ko pa si
John. Kaya naman nanahimik na lamang ako para hindi mauwi sa ganoong tanungan
ang magiging usapan namin.
Nang mga sumunod na araw ay napansin ni Bob ang
aking pagiging balisa. Kahit anong tanong sa akin ni Bob kung ano ang
bumabagabag sa akin ay hindi ko pa rin inaamin na si John ang dahilan ng
pagiging balisa ko. Tiyak naman ako na alam din iyon ni Bob pero
nagbubulagbulagan lamang siya o kaya gusto niyang marinig iyon mismo sa aking
bibig na si John nga ang dahilan. Kahit ganoon pa man ay hindi iyon pinagmulan
ng away namin ni Bob. Hanggang sa isang araw ay kinausap ako ng masinsinan ni
Bob.
“I know kung bakit ka laging balisa. It’s because
of John,” ang bungad sa akin ni Bob.
Hindi ako nakaimik ng sabihin iyon ni Bob.
“Don’t worry. Hindi naman ako magagalit. Just tell
me. Para naman hindi ka manatiling ganyan. Naaawa na kasi ako sa iyo. Simula ng
ma-meet mo siyang muli ay naging ganyan ka na. What’s wrong? Hindi ka naman
dating ganyan,” ang mga nasabi ni Bob.
“I’m afraid that you’re going to ask me that
question,” ang bungad ko naman.
“Huwag kang mag-alala. Ikaw pa rin naman ang
mag-dedecide ng gusto mong gawin. Kung gusto mo siyang balikan, okay lang sa
akin. It’s your decision,” ang sabi naman ni Bob.
“May asawa na yung tao. Sa tingin ko ay maligaya
na siya sa buhay niya ngayon. Kaya ‘di na dapat ako mamili sa inyo,” ang nasabi
ko naman kay Bob.
“John loves you so much. Alam mo ba na nagkausap
kami yesterday. Gusto niyang tiyakin kung gaano kita kamahal bago siya
mag-decide na bumalik na lamang sa probinsya. I was touched sa inamin niya sa
akin. Ilang months ka na rin niyang sinusubaybayan. Pero nag-aalangan siyang
magpakita muli sa iyo dahil sa akin. Nakita niya sa iyo na masaya ka sa aking
piling. Ayaw na niyang guluhin tayo. Pero he decided that day nang magkita tayo
na makausap ka para magpaalam. Wala pa siyang asawa. Nagsinungaling lamang siya
para hindi na siya gumulo sa isipan mo. Mahal ka pa rin niya at ikaw talaga ang
pakay niya sa pagbalik niya sa Maynila,” ang salaysay ni Bob.
“Where is he now?” ang tanong ko kay Bob.
“Nandoroon siya sa kampo nila. Naghihintay ng
flight pabalik sa probinsya.” ang sagot ni Bob.
“You still have time to talk to John. Sige na
puntahan mo siya,” ang dugtong pa ni Bob.
“Papaano ikaw? Mahal kita Bob. Hindi kita kayang
iwan,” ang nasabi ko kay Bob.
“I know. Pero nararamdaman ko na mas mahal mo si
John at mahal na mahal ka rin ni John. Siya lamang ang makakapagbigay ng
inaasam mong kaligayahan at pagmamahal. Sige na puntahan mo na siya,” ang
nasabi pa ni Bob.
“No. I can’t do that. Tayo ng dalawa. Tapos na sa
amin ang lahat ni John,” ang nasabi ko naman.
“Lester, please sundin mo ang puso mo. Huwag kang
magsisinungaling sa puso mo. I will be okay kung ano man ang magiging desisyon
mo. Basta ba sa ikaliligaya mo,” ang nasabi naman ni Bob.
Hindi na ako nakapagsalita pang muli. Kinuha ko
ang susi ng kotse ko at nilisan ang condo unit namin ni Bob. Habang papalayo
ako kay Bob ay hindi ko siya matignan. Ayaw kong maaninag sa mukha ni Bob ang
lungkot sa pagpaparaya niya sa akin. Oo mahal ko si Bob. Pero iba talaga sa
aking puso si John. Halos madurog ang aking puso sa awa kay Bob sa kanyang
ginawang pagpaparaya sa akin. Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa
kampo nina John ay tinatanong ko ang aking sarili kung tama ang aking desisyon na
balikan si John. Dahil sa nararamdaman kong magkahalong tuwa at lungkot ay ‘di
ko namalayan ang biglang pagsingit ng bus sa harapan ng aking kotse. Iyon ang
huli kong naaalala ng araw na nais kong balikan si John.
Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Hindi
ko maigalaw ang aking katawan. Medyo malabo ang aking paningin kaya hindi ko
makilala ang mga taong nakapaligid sa akin.
“Lester, good to know that you’re awake na,” ang
unang tinig na aking narinig.
Sa labo ng aking paningin ay hindi ko makilala
kung sino ang nagsabi nun. Marahil bunga ng aking condition ay hindi ko rin
nabosesan yung nagsalita kaya wala akong reaction sa kanyang sinabi.
“It’s me, Bob. Salamat sa Diyos at gising ka na,”
ang nasabi ni Bob nang hindi ako mag-react sa una niyang sinabi.
Pinilit ko siyang sagutin pero hirap ako sa aking
pagsasalita. Kaya naman sinabihan na lamang ako ni Bob na magpahinga lamang
para mas mabilis ang aking paggaling. Muli akong nakatulog matapos ang ilang
minuto kong pagkagising.
Hindi ka alam kung gaano na ako katagal sa
hospital. Sa tuwing nagigising ako ay hindi ko pa rin maikilos ang aking
katawan at hirap pa rin sa pagsasalita. Nanumbalik na rin ang aking paningin.
Sa tuwing nagigising ako ay si Bob ang laging nasa aking tabi. Hindi naging madali
ang aking paggaling. Sa aksidenteng nangayari sa akin sa pagbangga ng kotse ko
sa bus ay naparalyzed ang kalahati kong katawan simula baywang pababa. Akala
nga ng doctor ay buong katawan ko ang paralyzed. Pero ng maka-recover ako ay
unti-unti kong naigalaw ang upper body ko. Sa mga panahong iyon ng pagbuti ng
aking kalagayan ay naroon sa aking tabi si Bob.
Nang makauwi na ako sa aming tirahan ay kumuha
muna ng nurse si Bob para tumingin sa akin habang wala siya. Nang makayanan ko
na ang mag-isa sa tirahan kahit naka-wheelchair ako ay nakumbinse ko na rin si
Bob na paalisin na ang nurse. Makakalakad pa naman daw ako sabi ng doctor. Pero
panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan. Hindi na rin ako nag-usisa
tungkol kay John. Marahil ay talagang sinadya ng tadhana na ako’y maaksidente
upang sabihin sa akin na si Bob ang karapatdapat sa akin.
-WAKAS-