Roommate Romance (Part
1)
By: N.D. List
Isang mahinang katok ang
gumising sa akin kasunod ng mahinang ungol. Medyo kinabahan ako. Naiimagine ko
ang isang lalakeng nabaril na naghahanap ng tutulong sa kaniya. Kinapa ko ang
cellphone ko sa kama at tiningnan ang oras. Alas dos ng madaling araw. Kumatok
ulit ang tao sa labas ng pinto at tumawag ng “TL.” Mahina at medyo utal.
Nabosesan ko si Mico pero ayoko parin pagbuksan dahil kabado pa din ako.
Tumawag siya ulit.
Nung masiguro ko na siya
iyon, tumayo ako at binuksan ng bahagya ang pinto para silipin kung siya nga
iyon, Siya nga, nakasandal sa pinto at parang hinang hina. o pagod? Kinabahan
ulit ako nung may nakita akong basa at medyo mapula sa kaniyang damit pero
nawala agad ang kaba ko nung maamoy ko ang isang pamilyar pero ayaw na ayaw
kong amoy, nagsuka siya.
Binuksan ko nang tuluyan
ang pinto at inakay ko siya patayo. Nung nakatayo na siya tumingin siya sakin
at nakiusap kung pwedeng dun muna siya matulog sa kwarto namin. Dating kwarto
naming dalawa bago ko siya pinaalis at sinabihan na maghanap ng ibang
mauupahan.
“Ngayong gabi lang, TL,
sige na.”
Tiningnan ko ang kwarto
nila, sarado. Nakita kong may suka sa pinto kaya malamang, kumatok na din siya
dun, pero hindi siya pinagbuksan. Tinablan ako ng awa kaya pinapasok ko na din siya
at inakay sa dati niyang kama.
Naupo siya at tuluyan nang
tumumba patalikod, napahiga at naglabas ng isang pamilyar ding ungol. Ungol ng
nagsisising lasing. Nakatingin lang ako sa kaniya.
Ilang minuto din siyang
hindi nagsalita kaya naisip ko na nakatulog na siya pero bigla siyang nagsalita
“Maliligo muna ako TL.”
Alam ni Mico na ayaw na
ayaw ko ng amoy ng suka ng lasing. Nahiya siguro siya kaya kahit alam kong
gusto na lang matulog at magpahinga, nagsabi siya na maliligo muna. Isa pa, maarte
si Mico at malinis din sa katawan na isa din sa mga bagay kung bakit kami
magkasundo.
Pinilit niyang bumangon
kahit hinang-hina at hilong-hilo siya sa pagka-lango. Tumingin siya sa akin at
iniisip ang sasabihin. “TL,. pwede bang…”
Tumingin ako sa kaniya
ng may halong pagkainis. Naisip ko na balak niyang magpatulong sa akin sa
pagligo niya pero nahiya na rin siguro.
“TL, pwede bang humiram
ako ng damit.”
“Tumango ako at sabay
sabing, “Sige.”
Pinilit ni Mico na
tumayo at nagpasuray suray papunta sa banyo. Nung makita kong tutumba na siya
at tumayo ako ng mabilis at sinalo siya bago pa man niya tamaan ang drawer
malapit sa pinto ng banyo. Natamaan pa din niya ito ng konti kaya naglaglagan
ang ibang gamit na nakapatong doon. Tiningnan ko ang mga nalaglag at wala naman
nabasag.
“Pasensiya ka na TL.
Pasensa ka na talaga. Babawi ako sa ‘yo.”
Nakahawak siya sa
doorknob ng banyo at matagal na hindi gumalaw.
“TL...”
Hindi ako sumagot.
Inantay ko lang ang sasabihin niya.
“TL, hindi ko yata
kayang maligo, pero ayokong matulog ako ng malagkit ang katawan ko. Alam ko din
ayaw mo ng mabaho sa kwarto,” Pautal at halos hindi niya matapos ang sinasabi niya.
“TL, baka pwedeng
patulong akong maligo”
Inaantay ko lang na sa
kaniya mismo manggaling yon dahil sa totoo lang ay malapit na din akong masuka
sa baho niya. Mabuti na lamang ay nasa loob na kami ng banyo nung masuka siya
ulit. Alam kong hiyang-hiya na siya sa akin, pero alam niya din na mahaba ang
pasensiya ko. At hindi din ako makakatulog na ganiyan ang amoy ng kwarto.
Humawak siya sa shower
handle dahil hirap siyang nakatayo. Pahirapan ang pagtanggal ng damit niya
dahil pinipigilan ko din siyang matumba. Mas lalo akong nahirapan sa pagtanggal
ng kaniyang shorts. Pati ang kaniyang brief ay may suka. Makinis ang kutis ni
Mico at halatang lumaki siya sa luho. Maganda din ang hubog ng kaniyang katawan
dahil nag-dyii-gym kami dati kasama ang dati naming kaibigan na si Jael.
Binuksan ko ang shower
at sinimulan kong itutuk sa kaniya. Inuna ko na ang brief niya na suot suot pa
din niya dahil hindi ko tinanggal. Sinunod ko ang iba pang parte ng katawan niya
na may suka para naman mabawasan ang nakakasukang amoy. Binaba niya ang brief niya.
Medyo nagulat ako ng konti sa ginawa niya. Hindi ko akalain na gagawin niya yun
na parang wala lang. Siguro medyo nandiri din siya sa suka niya at gustong
maglinis ng mabuti.
Shinampoo ko ang kaniyang
ulo at kinusot. Binanlawan ko siya ng mabuti gamit ang shower at sinabihan ko siya
na, “Ayos na siguro yan.”
Tumingin siya sa akin at
hindi umimik. Kinuha niya ang sabon at nagpilit na magsabon ng katawan. Hindi
ko alam kung nahihiya pa din siya sakin sa amoy niya o sadyang maarte lang
talaga siya. Kinuha ko na din sa kaniya ang sabon at sinabon ng mabilis ang
katawan niya. Iniwasan ko na lang ang puwet at titi niya para hindi awkward.
“Ayus na yan!” sabi ko.
Pinunas-punasan niya ng
kaniyang kamay ang kaniyan tite kaya sinabayan ko ng tutok ng shower. “Ayus na
yan!” sabi ko ulit.
Lumabas ako para kumuha
ng tuwalya. Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig at nakapikit.
Nakaramdam na naman ako ng awa at medyo naguilty din ako dahil talagang hindi
ko man lang siya pinigilang maligo kahit hirap siya. Tinayo ko siya at sinandal
sa pader at pinunasan. Pinunasan ko na din ang titi niya ng twalya para naman
matuyo ang bulbul. Napansin ko na medyo tumigas ito. Pagkatapos ay dinala ko siya
sa kaniyang kama at binihisan. Kailangan ko pang maghanap ng brief na luma at
medyo maluwang dahil mas malaki ang built sakin ni Mico, matangkad, makinis, maputi,
gwapo. Tangina. May favoritism si Lord.
Nilinis ko muna lahat ng
nalagyan ng suka at pagkatapos ay naligo na din ako kahit antok na antok na ako.
Paglabas ko ng banyo ay mukhang nakatulog na si Mico. Nahiga na ako para
matulog. Pagkatapos ng ilang minuto ay umungol si Mico. Inaalimpungatan yata.
Masakit siguro ang ulo niya. Alam ko ang pakiramdam ng lasing.
Bigla siyang nagsalita,
“TL, sana tanggapin mo na lang ulit ako dito. Mas gusto kitang kasama kuya. Mas
komportable ako pag ikaw ang kasama ko. Balik na lang ako dito kuya please.”
Sa sobrang kalasingan
siguro ay pati kuya niya naaalala na niya.
“Nami-miss na kita kuya.
Sorry na.”
Hindi ko alam ang
magiging reaction ko sa sinabi niya. First time niya akong natawag na kuya. Sa
sobrang lasing niya siguro hindi na alam kung sino sa aming dalawa ang kasama niya.
Nakaramdam ulit ako ng
awa sa kaniya, pero naaalala ko pa rin kung bakit ko siya pinaalis. Hindi ko
gusto ang ginawa niya, nasaktan ako. At hindi ko din inexpect yun galing sa kaniya.
Na-over-estimate ko yung respeto niya sa akin. Sa kabilang banda, naisip ko din
na na-pressure lang siya sa mga kaibigan niya. Nakikisama lang siya. Ewan ko.
Ano man ang rason, nasaktan ako. Pero tapos na yon. Napatawad ko na siya pero
hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niya.
(Flashback)
Naalala ko yung araw na
una kong nakita si Mico. Naka-schedule ako nun na mag-interview ng mga
applicants. Nakita ko ang mga applicants na nakaupo sa lobby ng office. Binati
nila ako at ngumiti ako sa kanila. Nilapitan ko yung guard at kinausap.
“Yung unang apat lang
daw po ang iinterviewhin nyo sir sabi po ni ma'am Chona. Yung isa po for final
na,” sabi nung guard.
“Si Jael na daw po yung
mag-i-interview sa huling dalawa kasi may papagawa daw po si Ma'am Chona sa iyo
na report. Yung naka-blue pa lang po ang nakapag-exam at initial interview
sir.”
“Sige papasukin mo na siya
sa interview room, kuya.”
Pumunta muna ako sa
pantry para uminom ng juice at magrelax ng konti. May isang agent na lumapit sa
akin, kinikilig at pabirong nakiusap kung pwedeng siya na lang ang
mag-interview dun sa unang applicant. Natawa ako.
Pagkatapos ay pumunta
ako sa interview room. Nakaupo si Mico nung pumasok ako, tumayo siya at binati
ako. Habang tinitingnan ko siya, naisip ko na ito yung batang hindi na siguro
kailangan ng trabaho. Sa suot niya, halatang lumaki sa luho. Makinis ang balat,
mestiso, mukhang ni minsan sa buong buhay niya ay hindi siya naalikabokan.
Tagalog ang pagbati niya
sa akin, kaya sinabihan ko siya na call center ang kumpaniya namin kaya
kailangan ko siyang interviewhin sa ingles. Fluent naman siya. May natural na
accent pa nga. Sinabi niya inglis daw madalas ang usapan nila sa bahay. Nasa
states ang parents niya at duon sila nagtatrabaho. Maraming beses na daw siyang
pumunta doon pero ayaw niyang doon tumira. Lumaki daw siya sa kuya niya na may
pamilya dito kaya mas pinili niyang makasama siya at tumira dito sa Pilipinas.
Nagtapos siya ng Nursing
dahil karamihan sa mga barkada niya ay yun ang kinuha. Nakikita ko na magalang
na bata si Mico habang ini-interview ko siya, ,atalino, ,ababa ang loob.
Nakagaanan ko kaagad siya ng loob. Masaya ang interview. Mahilig kasi akong
magpatawa at isa siya sa mga iilang tao na nakakaintindi ng ilang sa mga jokes
ko na iilan lamang ang nakakakuha.
(End of first flashback)
Nagising ako sa lakas ng
kulog. Malakas ang ulan sa labas. Tiningnan ko si Mico at nakita ko siya na
nakaupo sa kama, nag-iisip. Mukhang mabigat ang hangover.
“TL, good morning,” bati
niya sa akin na may kasamang ngiti.
Umupo ako sa aking kama
at humarap sa kaniya.
“Ayus ka lang?” tanong
ko.
“Ayus lang TL. Parang
everytime na pumikit ako nakikita ko si Lord. Hahaha.”
Natawa ako. Bukambibig
ko dati yun pag nilalagnat ako kaya ginagaya na niya.
“Wala ka bang susi sa
kwarto n’yo?”
“Meron naman TL.
Actually sabay kaming umuwi ni Jepoy kagabi. Pero noon lang kasi ako nalasing
ng ganon kaya natakot ako. Feeling ko mas safe ako kung ikaw ang kasama ko.”
Suka pala ni Jepoy yung
nasa pinto kagabi. Na-flatter ako.
Naisip ko na ako na ang
pinakamalapit na tao kay Mico dito sa Makati. Or at least dati. Bago ko siya
iniwasan. Biglang siyang naging awkward. Siguro naalala niya ang mga nangyari
kagabi.
“Kuya.. yung kagabi,
pasensiya ka na.”
Sumabat kaagad ako, “Huwag
kang mag-alala. May lakad ako ngayon. Paglabas ko mamaya at nabasa ako ng ulan,
makakalimutan ko na ang mga hitsura ng etits mo. Hahahaha”
Nagtinginan kami at
sabay nagtawanan. Alam ko na alam niya na yung huling part ng “Fantastic Beasts
and Where to Find Them” ang tinutukoy ko. Mahilig akong magbasa ng Harry Potter
at ako yung naka-impluwensiya sa kaniya na basahin din ang series. Siguradong
sabay sana kaming manonood ng “Fantastic Beasts” pero umiiwas na ako sa kaniya
nung mga panahon na iyon. Kasama niyang nanood sina Jael, pero alam kong ako
ang una niyang naisip nung pagkapanood niya ng movie. Saka wala naman hilig sa
Harry Potter si Jael.
“Sige na, Mico. Aalis na
din ako niyan. Balik ka na sa kwarto n’yo. Tingnan mo si Jepoy, baka kung ano
na nangyari dun.”
Parang ayaw pa niyang
umalis, pero napilitin na lang. Tumayo siya na malungkot ang mukha nang
naglakad palabas ng kwarto. Tumigil siya sa may pinto at lumingon ulit sa akin,
“Kuya, yung pinsan mo na
sinabi mo na titira dito sa iyo dahil mag-aaral, mukhang hindi naman yata siya
natuloy dito.”
Hindi ako nakasagot
kaagad.
“Kuya.. baka naman…”
Sumagot ako, “Hindi pako
sigurado, Mico,tumuloy muna siya dun sa kapatid niyang nagtatrabaho malapit
dito. Pero mas malapit kasi dito ang school niya.” Hindi siya kumibo pero hindi
pa rin lumabas.
“Kuya… pag hindi siya
natuloy, baka pwedeng bumalik na ako dito,” nag-aalangan niyang sabi. Nag-isip
ako. Nami-miss ko din siya, pero parang ayaw ko nang maulit ang dati.
“Tingnan ko. Parang
gusto ko din kasing mag-isa muna dito ngayon. Stressful sa office at mas
narerelax ako pag mag-isa lang ako.”
Nakita ko ang lungkot sa
mukha niya. Nahiya na rin siya na humirit pa kaya lumabas na siya. “Sige, kuya.
Salamat ulit.”
Pag-alis ni Mico, saka
ko naramdaman na na-miss ko din siya. Naluha ako. Nanikip ang dibdib ko. Masaya
din ako nung kasama ko siya sa kwarto. Naramdaman ko na tuluyan akong maiiyak
kaya lumapit kaagad ako sa pinto para i-lock iyon.
-----Itutuloy-----