Majayjay Laguna – Story of My Life (Part
51) - One Sided Love
Matinding
salpukan ang nangyari sa pagitan namin ni Roman sa bukid namin sa Suba. Isa sa pinakamasarap na nalasap ko sa
larangan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
-------------------------------------------
Balik
Manila na naman kami. Nakiusap si Roman
sa akin na kung pwede raw na sa akin muna tutuloy habang naga-apply pa siya ng
trabaho. Masikip na raw sa tiyahin kung
saan nadoon sina Wally, Jeffrey at Nathan.
Pumayag agad ako dahil ayaw kong malapit siya kay Nathan. Pinagseselosan ko kasi siya.
Nakabuti
naman ang pagtira niya sa akin. May
nababaon ako sa umaga dahil siya ang nagluluto ng almusal at pagdating ko naman
ng bahay ay may hapunan na. Madalas din
naman siyang umaalis dahil nagpupunta sila ng isang pinsan niya sa kompanyang
pinagaaplayan nila. Sa Pier daw ang
opisina, hindi ko naman na inalam kung anong kompanya iyon. Binigyan ko siya ng duplicate copy ng susi
para malaya siyang makaalis at makapasok ano mang oras.
Higit
na nakabuti ang pagtira niya sa akin dahil may regular akong rasyon ng masarap
na gatas hehehe.
----------------------------------------------
May
1992, lumabas naman ang resulta ng board exam nina Rommel at isa siya sa
maswerteng nakapasa. Syempre tuwang tuwa ako at personal ko pa siyang kinongratyuleyt. Kasama pa nga ako ng mag oath taking sila sa
PICC kasama si nanay at ang kanyang nobya.
Hindi ko iyon inaasahan dahil wala naman siyang naikukwento tungkol sa kanyang
nobya.
Kahit
papano ay may kurot din sa aking dibdib ang nalaman ko pero matagal ko na naman
tanggap na hindi talaga magiging kami.
Ako rin naman ang umayaw. Tulad
ni Robert ay nakiusap din si Rommel na huwag silang pababayaan. Baka hindi raw nila kayanin pag may dumating
na namang problema.
“Kuya,
huwag ka namang lalayo sa amin ng tuluyan.
Nakakahiya man ay talagang kailangan ka namin. Kuya hindi naman nawala ang pagtingin ko sa
iyo tulad din ni Kuya Robert, dangat ayaw mo lang talaga. Saka alam kong tama ka. Matagal ko nang naunawaan iyon” maluha luhang
sabi ni Rommel.
Sinigurado
ko naman na walang magbabago at hiniling ko rin sa kanya na huwag din siyang
magbagago.
Si
nanay na lang ang ihinatid ko sa kanila habang si Rommel ay ihahatid daw muna
ang nobya.
---------------------------------------------------
Samantala,
mahigit nang isang buwan nakatira sa akin si Roman. Nitong huli ay madalas na maagang naalis
dahil may seminar daw na pupuntahan.
Kailangan daw yun sa pag si-seaman niya.
Isang
Biyernes ay nauna pa akong nakaalis kay Roman.
10 am pa naman daw ang appointment nila.
Ako naman, pagkatapos ang mga regular na ginagawa sa opisina ay
nagpaalam sa Boss ko na pupunta sa site upang kunin ang ilang dokumento na
kakailanganin sa pag import ng mga spareparts at iba pa na kakailangnin sa
konstruksyon. Doon na kami inabot ng
tanghalian at bandang 2Pm ay umalis na rin pabalik ng opisina.
Habang
daan ay naguusap kami ni Wally.
“Bakit
nga pala hindi nakapasok si Nathan?” usisa ko kay Wally.
“Kagabi
pa kasi dumadaing ng sakit ng ulo.
Siguro hindi na kayang pumasok at masama na talaga pakiramdam” tugon ni
Wally.
“Ah. Hindi ba nagagawi sa inyo si Roman? Kasi nitong huli ay nagseseminar daw siya at
kadalasan ay gabi na dumarating. Hindi
na nga kumakain eh.”
“Minsan
inabot ko sa bahay. Pero hindi naman
madalas. Wala bang sinasabi sa iyo? May
pagtatakang sagot ni Wally.
“Wala
eh. Pagdating eh tulog agad. Parang pagod na pagod. Pero siguro mga
dalawang beses ko siyang naamoy na tila bagong paligo. Amoy sabon eh. Ewan.
Hayaan ng lang natin.”
Hindi
na ako umimik hangang sa malapit na kami sa office. Bigla nagbago ang isip ko at sinabi kay Wally
na diretso na lang kaming uwi total wala na naman akong gagawin saka 3pm na rin
naman.
Tuwa
lang ni Wally dahil maaga kaming makakauwi.
“Saya
mo ah! Bakit?” komento ko.
“Walaaa. Maaga akong mapapahinga hehehe” tatawa tawa
niyang sagot na tila may kahulugan.
“Ano
naman ang nasa isip mo. Puro ka
kalokohan.”
“Ikaw
nga ang masama ang isip eh. Ano ba
iniisip mo?” - si Wally.
“Wala!
Tama na nga yan. Ayusin mo na lang ang
pag drive mo.”
Natahimik
kami. May naglalaro kasi sa isipan
ko. “Saan kaya pumupunta si Roman pag
ginagabi ng uwi. Bakit minsan ay amoy
bagong paligo siya ganung kadarating lamang?
Absent si Nathan ngayon. May
lakad ba si Roman ngayon?” mga katanungan naglalaro sa aking isipan. Hindi ko tuloy namalayan na nakahinto na ang
sasakyan sa gilid na kalye papunta kina Wally.
“Sir
bossing ang lalim yata ng iniisip mo.
Narito na tayo. Ihatid na kita hanggang
sa inyo” pagpukaw ni Wally sa aking pagmumuni muni.
“Ha!
Ah eh hindi na, kaya ko na. May naisip
lang ako” tugon ko naman.
------o0o-----
Tahimik
ang bahay. Walang tugtog na kadalasan
kong naaabutan kung nasa bahay lang si Roman.
Sarado rin ang mga bintana sa ibaba maging sa kwarto na tinutulugan
namin. Naipark ko na ang sasakyan sa
loob ng gate ay walang Roman na lumabas.
Nasiguro kong lumabas nga si Roman at maaring tama ang hinala ko na
magkasama sila ni Nathan. Ahhhhhhh. Napabuntong hininga ako. Parang may inis akong nadarama.
Ewan
ko kung bakit nagkakaganon ako ngayon.
Parang ayaw kong makakasama niya si Nathan. Kahit sa isip lang, nagseselos ako. Gusto ko ako lang ang lagi niyang
kasama. “Mahal ko na ba siya? Saka mahal din ba niya ako? Tanong ko sa
aking sarili.
Sa
buong pagtira niya dito ay nagpakita naman siya sa akin ng lambing. Pinagluluto niya ako ng paborito kong
ulam. Lagi siyang nakayakap at sa tuwing
nag sesex kami ay ramdam ko na para talaga akong espesyal.
Ipinaglalaba
ko naman siya, washing machine nga lang ang gamit. Ipinagpaplantsa ng damit dahil hindi siya
marunong. Pag walang pasok, ako naman
ang nagluluto sa kanya. Para na nga kaming
magasawa. Kaya pag naiisip ko na
nagkakasama sila ni Nathan ay naiinis ako.
Wala pa naman akong ebidensya.
Panay hinala lang.
Pagpasok
ko sa loob ay nabungaran ko ang mga basyong bote ng beer na nasa side table at
plato na pinaglagyan ng lechon manok.
Nagtaka ako. Hindi muna nalinis
ni Roman bago siya umalis. “Sino kaya
ang kainuman niya” tanong ko sa isip ko.
May
kaluskos akong nadinig sa itaas. “May
tao yata sa itaas. Nadito pala si
Roman. Hindi kaya napansin na dumating
na ako?” sa isip ko pa rin.
Dahan
dahan akong pumanhik. Bubuksan ko na
sana ang pinto nang makarinig ako ng ungol.
Ungol ng nasasarapan at hindi ungol dahil sa bangungot.
“Ahhhhhhhhhhhh
ahhhhhhhhhhh oohhhhhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhhhh sige ganyan nga Tan. Dilaan mo butas ko. Ohhhhhhhhhh ang
sarapppppppppp ahhhhhhhh” ungol mula sa silid ko. Si Roman iyon
“Ahmmmmmmm
uhummmmmm. Ang sarap sarap mo Roman.
Kahit anong gusto mo gagawin ko ahhhhhhhhhmmmm. Mahal kita Roman, mahal
na mahal kita, I love you Roman” galing din sa silid
“Lintek!
Si Nathang yun” ako, sa isip ko. May
galit na namumuo sa aking dibdib.
“I
love you too Tan. Mahal na mahal din
kita uhmmmmmmmmmmm uhmmmmmmm ahhhhh” boses ni Roman.
Lalong
nagpuyos ang galit ko. “Nagmamahalan
pala sila eh bakit hindi nila sinabi sa akin.
Okay lang naman kung makitira sa akin si Roman kaya lang, parang pinaasa
ako. Hindi naman pala ako mahal ay bakit
nilalambing ako. Anong ibig sabihin ng
pakikipagtalik niya sa akin. Libog lang. Bayad sa pagpapatuloy sa bahay ko?” mga
katanungan sa aking isipan.
Gusto
ko silang sugurin. Gusto ko silang
hiyain. Gusto ko silang saktan lalo na
si Roman. Pero nangibabaw pa rin ang
hinahon sa akin. Bumaba na lang
ako. Niligpit ko ang naiwang kalat sa
ibaba. Inilagay ko sa bangerahan ang
pinggan at baso na ginamit pati na rin ang pitsel ng tubig.
Habang
ginagawa ko iyon ay tumutulo ang aking luha.
Subalit napagtanto ko na ano ba ang aking ikinagagalit eh wala naman
kaming relasyon. Dapat si Nathan ang
magalit sa akin dahil may relasyon sila at siguradong alam niya na may
nangyayari din sa amin ni Roman. Naisip
ko na hindi ako dapat umiyak o magalit sa kanila.
Naisip
ko ang ikagagalit sa kanila ay bakit sa kama ko pa sila nag ano eh kapapalit ko
lang ng cover ng kama at unan pati kumot.
Dami namang kwarto rito na hindi ginagamit.
Nagpunta
ako ng banyo at naghilamos. Hinugasan ko
na rin ang ginamit nilang pinggan at baso saka naupo sa sofa. Binuksan ko ang TV pero hininaan ko ang
volume na halos mute na sa kahinaan.
May
30 minutes na ang lumipas ay wala pang bumababa sa kanila. 4:30pm na.
Gusto ko munang magpahinga kaya pinatay ko na ang TV at marahang umakyat
at tinungo ang isa pang silid at doon nahiga.
Naidlip
pala ako. Madilim na ng magmulat ako ng
aking mga mata. Agad ko nakita si Roman
na nakaupo sa gilid ng kama, sa may paanan ko.
Bumangon na ako at saka nagtanong nang “Oh. Anong ginagawa mo. Bakit nakaupo ka dyan?”
Wala
siyang imik. Dalawang beses kong inulit
ang tanong bago siya umimik.
“Lito,
nahihiya ako sa iyo eh. Nakakahiya ang
ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa dito
iyon” turan niya na nakatungo.
“Ang
alin?” pa inosente kong sagot.
“Sorry
talaga Lito. Wala na akong mukhang
ihaharap sa iyo sa katarantaduhang kong ginawa.
Magalit ka. Murahin mo ako. Suntukin mo ako. Saktan mo ako. Lahat iyon tatanggapin ko, mapatawad mo lang
ako Lito” pagsusumamo ni Roman. Hindi
tumitingin sa akin.
“Nasaan
si Nathan?” iyon na lang ang naitanong ko.
Wala akong masabi. Blanko pa ang
aking isip.
“Hinihintay
kang magising, kaya lang sinabi ko na ako na lang muna ang kakausap sa
iyo. Pinauwi ko na muna” tugon niya, parang
tuod, walang kagalaw galaw sa pagkakaupo.
“Anong
oras na ba. Teka’t magluluto muna ako” pag-iba
ko sa usapan.
“Ako
na ang bahala doon. Maaga pa naman kaya
hindi pa ako nagluluto. Saka sandali lang naman kasi iinitin ko lang naman yung
kalahating lechon manok sa microwave oven.” Mabilis niyang tugon.
--------------------------------------------
Wala
kaming imikan habang kumakain. Si Roman
na rin ang nagligpit ng aming pinagkainan.
Ako naman ay sa sala nagtungo, binuksan ang tv. Inabot ko pa ang balita kaya iyon na muna ang
aking pinanood.
Pagkatapos
ng ginagawa ni Roman ay umupo siya malapit sa akin. Nakaupo kasi ako sa solohang sofa.
“Lito,
magpapaalam na siguro ako sa iyo. Hindi
ko yata kaya na hindi tayo magimikan eh tayo lang ang nadito. Saka talagang hiyang hiya ako sa iyo” bungad
ni Roman.
“Saan
ka naman pupunta?” maikli kong sagot.
“Hindi
ko alam pa. Siguro pansamantala eh dun
muna ako sisiksik sa mga tiya, total sandali na lang siguro ay makakasakay na
ako” pagrarason niya.
“Ano
naman ang idadahilan mo at bigla bigla kang uuwi sa kanila. Syempre magtatanong sila lalo na si
Wally. Baka isipin nila pinalayas
kita. Buti kung sasabihin mo ang tunay
na nangyari para naman hindi sila magalit sa akin” paliwanag ko.
Hindi
agad nakasagot si Roman. Napaisip sa
sinabi ko.
“Eh
nahihiya talaga ako sa iyo eh. Bakit ba ayaw
mo akong kagalitan. Bakit ayaw mo akong
murahin man lang. Nakakatorture kasi ang
basta ka na lang ganyan eh ang sama na nga ng ginawa ko.” - si Roman.
“Ano
ba ang dapat kong sabihin? Bakit ako
magagalit. Normal lang naman ang ginawa
ninyo dahil mahal ninyo ang isa’t isa.
Ang mali lang na nakita ko ay kung bakit sa kama ko pa kayo nagkantutan
eh ang dami namang kwartong bakante.
Tuloy magpapalit na naman ako ng bedsheet at punda eh kapapalit ko lang
niyan. Ano doon ako mahihiga sa
tinamuran ninyo!” ako na may halong biro ang sinabi.
“Ha!
Ako na ang bahalang magpalit. At sinong
nagmamahalan?” may halong pagtataka niyang tanong.
“Kayo
ni Nathan. Dinig na dinig ko kaya sabi
mo “I love you Too Tan. Mahal na mahal
din kita”” ginaya ko pa ang tono ng kanyang pagkakasabi.
“Hahaha
yun ba. Nasabi ko lang yun kasi nga
libog na ako” si Roman.
“Nasabi
mo ba ang gayon nung tayo ang nagkakantutan? Puro ka lang ungol. Sige pahh ganyan isagad mo” paismid kong
sagot.
“Eh
hindi mo rin naman sinasabi sa akin ang ganun ah. Pano kita sasagutin” katwiran ni Roman.
“Kayo
na ba? May relasyon na ba kayo ni Nathan?”
ditretso kong tanong.
“Walaaaaaaaaa! Siya ang pumunta dito at nag-aya ng
inuman. Saka nanghihiram ako sa kanya ng
pera para sa susunod kong seminar. Last
na daw yun. Dinala niya dito kanina pati
na yung beer at lechon manok. Sa kanya
rin ako nahiram ng panggastos ko pagpunta punta sa kompanya. Konti lang kasi ang dala kong baon eh. Pasensya na talaga ha!” paliwanag niya.
“Siguro
mahal ka talaga ni Nathan. Halata naman
kahit noon pa sa Samar. Wag kang
magalala, hindi ako galit dahil wala naman akong dapat ikagalit. Siguro naman mahal mo rin siya, ayaw mo lang
talagang aminin sa akin. At saka bakit
hindi ka nagsasabi sa akin na gipit ka na.
Baka isipin ni Nathan ay ayaw kitang tulungan.”
“Kapal
naman ng mukha ko kung sa iyo pa ako kukuha ng panggastos ko. Libre na nga ako lahat dito!” Tugon
niya. “Saka kung mahal ko siya, oo mahal
ko siya hindi bilang lover kundi kapatid, pinsan. Yung sex eh natukso lang naman ako. Sadyang malibog lang. Tao lang hehehe” patuloy pa niya.
“Katulad
ng nangyari sa atin, libog lang din, ganon ba?” pa insulto kong tanong.
“Iba
naman ang sa atin. Kasi iba ang turing
ko sa iyo simula pa lang sa nangyari sa atin sa Samar. Oo syempre may libog, pero hindi puro libog
lang, hindi ko masabi sa salita. Siguro
sabihin na natin na may respeto. Oo
ganon nga, may respeto ako sa iyo. Lalo
na ng dito ako sa iyo tumira. Mag
dadalawang buwan pa lang pero parang asawa na nga ang turing ko sa iyo. Baka nga pag nagtagal pa ako dito ay hindi na
kita maiwanan” mahaba niyang paliwanag.
“Mahal
mo ba ako?” tanong sa akin ni Roman.
“Kasi ako, mahal na yata kita eh” dugtong niya
“Ulkkk”
naibuga ko tuloy ang iniinom kong tubig sa kabiglaanan. Mahina ko siyang binatukan saka sinabing
“Loko ka ha! Gusto mo pa yata kaming
pagsabayin ni Nathan ah! Tarantadong ito!” inis na sagot ko. Pero sa totoo lang naman ay mahal ko na nga
siya kahit na papano. Nagselos nga
talaga ako kay Nathan eh. Ayaw ko na
lang talagang malulong. Tama na ang
isang Robert sa buhay ko.
“Tulog
na nga tayo. Baka kung ano pang pambobola
ang marinig ko sa iyo” ako.
“Anong
bola. Totoo kaya!” si Roman
“Palitan
mo na yung bedsheet at punda ng unan, maglabas ka na rin bagong kumot. Baka amoy tamod pa yan” utos ko sa kanya.
Paghiga
namin ay nilalandi pa ako ni Roman. Tila
gustong bumawi sa akin. Syempre
tumangi. Dalagang Filipina eh hehehe.
“Bakit
may ibubuga pa ba iyan. Nakailang round
ba kayo?” tanong ko.
“Isa
lang!” si Roman
“Yong
totoo!” - ako
“Dalawa!”
“Yong
totoo!” ako
“Tatlong
round. Last na yun.”
“Yong
totoo!”
“Kulit
nito, tatlo lang talaga” siya uli.
“Eh
di tatlo!!
“Syanga
pala, saan ka nagpupunta pag ginagabi ka?” tanong ko. Nasorpresa yata sa tanong ko at hindi agad
nakasagot.
“Sa
seminar, minsan sa pinsan ko. Minsan
naman ay kina Wally” sagot niya, tila hindi tiyak ang sinasabi.
“Ah
kaya gabing gabi ka na nakakauwi.
Hanggang gabi ba ang seminar?” panghuhuli ko pang tanong.
“Hindi,
hanggang 5 lang tapos dadaan kami sa pinsan ko.
Minsan nga kina Wally.
“Ah. Kaya naliligo ka na rin doon bago umuwi” muli
kong tanong.
“Minsan
lang naman ako umuwi ng naligo eh. Oo
na, aaminin ko na. Kasama ko si Nathan,
nag hotel kami. Ang kulit kasi. Saka may kailangan nga ako sa kanya”
pagtatapat niya. Nasukol ko yata.
“Ayun,
kung ano ano pa kasing dahilan eh” sagot ko sabay talikod sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na “Bayad ba yun sa
serbisyo mo” pero hindi ko na itinuloy.
Baka kasi makasakit ako ng damdamin.
Niyakap
naman niya ako mula sa likod, nilalambing ako.
“Sorry na uli. Ayaw ko kasi na
magalit ka sa akin pag nalaman mo ang totoo kaya hindi ko inamin agad. Pasensya
na talaga” explika niya.
Tulog
na tayo. Antok na ako” sabi ko. Tumalikod ako sa kanya. Niyakap naman niya ako
uli mula sa likod. Hinayaan ko na
lang siya.
“Kahit
konti ba ay wala kang pagtingin sa akin?” bulong niya sa tenga ko. Gulat naman talaga ako sa tanong na iyon.
“Alam
mo Roman, madali kang mahalin. Bukod sa
napakawapo mo ay totoong may maganda ka ring kalooban at tingin ko ay responsable
naman. Ang totoo ay attracted na talaga
ako sa iyo, kaya lang ayaw ko na sa relasyon.
Alam mo naman na ang nakaraan ko dahil kinuwento ko na sa iyo. Takot na ako sa seryosong relasyon. Wala naman talagang mangyayari sa relasyon ng
parehong lalaki. Kadalasan naiiwan ang
bakla kasi mag-aasawa at magpapamilya rin talaga ang tunay na lalaki. Saka tulad ko, hindi alam ng aking pamilya
ang tunay kong pagkatao at maging sa lipunan ay hindi tanggap ang ganitong
relasyon. Kaya kahit na mahal ko ang
isang lalaki ay sinisikil ko na lang at pilit na iiwasan. Mahalin man kita ay iiwan din naman ako
bandang huli.” Mahaba kong sagot.
Hindi
na siya sumagot. Sinabi ko uling matulog
na kami. Niyakap ako at idinantay ang
isang hita sa akin.
Hindi
ako dalawin ng antok, samantalang agad na nakatulog si Roman dahil may mahina
na siyang hilik. Sa pagod siguro at sa
naimom na beer. Iniisip kung ano
kami. Tapat siya sa sinabing para na
kaming magasawa. Kinilig nga ako doon
eh. Pero talagang may alinlangan sa
akin. Gusto ng aking puso pero kakaiba
naman ang sinasabi ng aking isip.
Sadya
yatang mahirap maging bakla. Talong talo
ka pagdating sa pag-ibig. May pagtingin
ako kay Rommel, pero may nobya na siya sa ngayon. May pagtingin din ako kay Jay, pero naauna pa
siyang nagka GF kay Rommel. Sabi nila
ako daw ang ayaw. Totoo naman dahil alam
ko na ang kahihinatnan. Kabit na nga ako
ni Robert magiging kabit pa rin ako nila pagdating ng panahon.
At
ngayon, mahal ko na talaga si Roman pero ayaw pa rin ng isipan ko. Hindi pwede.
Hindi pwede na malulong uli ako sa lintik na pagmamahal na iyan. Nakatulugan ko na ang isiping iyon.
-----------------------------------------------------
Lunes,
inaya ako ni Nathan na kumain sa labas.
Doon niya ako inaya sa hindi masyadong matao. Humingi siya ang paumanhin. Siya daw ang may kasalanan sa nangyari. Mahal daw niya talaga si Roman. Mahal na mahal. Kung kaya daw niya ay ibibigay lahat ng
hilingin niya. Inamin din niya na siya
ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaplay. Kusa daw niya iyon at hindi hiningi.
Wala
din daw silang relasyon. Siya lang daw
ang may gusto sa namagitan sa kanila.
Naiinggit daw siya sa akin dahil pakiramdam daw niya ay ako ang gusto ni
Roman. Pinabulaanan ko naman sa kanya
iyon. Sinabi kong walang gusto sa akin
si Roman. Kung may nangyari man sa amin
ay init lang din ng aming katawan.
Pinayuhan
ko rin siya na huwag magpakalulong sa pag-ibig lalo na sa kapwa lalaki. Sinabi kong mahirap at maraming kasawian ang
mararanasan. Maraming manlilibak sa
kagaya namin kaya itinago ko ang lihim na iyon sa aking pamilya.
Sinabi
ko rin maaring may magmahal sa kagaya namin ng totoo pero hindi rin pwedeng
magsama dahil bawal nga sa lipunan at hindi naman pwedeng ikasal. Laging talo ang bakla basta sa pag-ibig.
Simula
noon ay naging close na kami ni Nathan.
Minsan isasama ko siya sa aking adventure hehehe.
----------------------------------------------
Inabot
din ng apat na buwan bago tuluyang nakasakay ng barko si Roman. Nagkaroon ng konting despedida tatlong araw
bago siya umalis at doon sa bahay ko ginanap.
Ako lang naman, si Wally, si Jeffrey, si Nathan at yung pinsan nilang
kasama ni Roman sa barko at syempre si Roman ang naginuman at kainan. Maagang umuwi yung isang pinsan nila,
samantalang sina Wally ay doon na sa amin natulog. Sa kabilang kwarto ko pinatulog sina Nathan
at Roman samantalang sina Wally at Jeffrey ay sa aking silid natulog. Sa masasamang isip dyan, walang nangyari sa
aming tatlo nina Jeffrey. Lasing na
lasing kami kaya agad din nakatulog at tanghali na nang magising. Ewan ko lang kina Roman at Nathan.
Sa
amin na sila nagtanghalian. Pagkakain ay
sabay sabay na silang umuwi.
Nagkasarilinan naman kami ni Roman.
Hindi naman siya pumayag na walang mangyari sa amin.
Bago
siya umalis ay binilinan ko siya na huwag masyado padadala sa libog. Marami kasing nagsasabi na dahil malayo sa
asawa ang mga seaman ay minsan sila sila na lang ang nagpapasaya sa isa’t isa.
“Mag-iingat
ka rin Lito. Ayaw ko na magkakasakit ka
kaya huwag mo pababayaan ang sarili mo ha!
Huwag kang magalala sa akin.
Susundin ko lahat ng bilin mo.”
“Kung
kaya mong mahalin talaga si Nathan ay gawin mo na. Huwag mo siyang paasahin. Totoong mahal na mahal ka niya” sabi ko.
“Susubukan
ko, pero hindi ako nangangako. Ikaw kasi
ang gusto kong mahalin” sagot niya.
Kahit
alam kong may katotohanan ang huling sinabi niya dahil ramdam ko kahit doon pa
sa Samar ay hindi ko na lang sinagot.
Pinahatid
ko na lang siya sa airport kay Wally.
Itutuloy………………………………….