Anton’s Love ang Sex Stories (Part 18)
Si Cyrus
“Jay…
maraming babae, mas higit pa siguro sa ex mo. Sa gandang lalaki mong iyan?
Doctor ka pa. Siguradong makakakita ka ng mas higit pa sa babaeng iyon.”
“Hindi
siya babae Anton, lalaki siya, isa akong bisexual. Ang pagiging ganito ko kaya
halos itakwil ako ng aking mga magulang.
Hindi
ako makapaniwala, pero siya mismo ang umamin sa akin. Alam kaya niyang pareho
lang sila ni Jaz? Paano kung malaman din ng parents nila na pati si Jaz ay
bading din.
-----o0o-----
Hindi
ko alam kung paano siya aaluin, patuloy siya sa pag-iyak. Nakinig na lang muna
ako sa sinasabi niya.
“Minahal
ko siya ng totoo, ipinaglaban ko siya sa aking magulang kahit na mangahulugang
itakwil pa ko. Pero anong ginawa niya, iniwan pa rin ako at heto siya ngayon,
magpapakasal sa iba. Ang tanga tanga ko,” wika niya na humahagulgol.
“Bakit
ganon Anton. Wala na ba akong karapatang umibig? Umasa ako na babalikan niya,
alam niyang hinihintay ko siya tapos… tapos… uhuhuhu!”
“Gusto
ko nang mamatay kung mawawala siya sa akin Anton.”
Naalerto
ako sa sinabi niyang iyon. Hala, baka madamay pa ako. Bata pa ako at baka
mapagkamalang mamamatay tao.
“Hoy
Jay, huwag ka nga. Ano bang kalokohan iyan. Lalaki lang iyan.”
“Hindi
mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko,” sabi ni Jay.
“Alam
ko, nararamdaman ko, naranasan ko, dalawang beses na Jay.”
Natigilan
si Jay sa sinabi kong iyon, tinitigan ako, mata sa mata, titig na tila
nagtatanong, titig na hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo, napakabata mo pa,
naranasan mo na bang magmahal?”
Ikinuwento
ko sa kanya ang mga naging karanasan ko, ang tungkol sa amin ni Cyrus at itong
huli, si Xander.
“Totoo
ba ang sinasabi mo? Nahuli mo sa akto na nagpachupa ang boyfriend mo sa
kaibigan niya, doon mismo kung saan kayo nagpunta, wala namang delikadesa ang
BF mo!”
“Tama
ka, kaya iniwan ko, nakipaghiwalay ako. Hindi ko kayang magpatawad sa ginawa
niya sa akin.”
“At
yung Xander, nagpakita sa iyo na may asawa na at anak?”
“Tama,
totoo iyon. Pero anong magagawa ko, lalaki ako, lalaki rin siya, dahilan niya
ay hindi tanggap ang ganoong relasyon. Tinanggap ko lahat iyon kaya madali
akong naka-move-on.
“Pero
ang bata mo pa?”
“Iyun
na nga, bata ako, kinaya ko. Eh ikaw, nasa tamang gulang na, pero
nagpapaka-tanga.”
“Ang
sakit mo namang magsalita.”
“Kailangan
ka talagang saktan para magising ka.”
Medyo
kumalma na si Jay. “Anton, wala ka na bang nararamdaman kay Cyrus o kay
Xander?”
“Hindi
ko alam. Hindi ko pa uli nakikita si Cyrus. Si Xander? Oo, mahal ko pa, pero
tinanggap ko na sa sarili ko na hindi magiging kami. Sinimulan ko na siyang
kalimutan. Kaya ikaw Jay, simulan mo na. Sabi mo nga ay ikakasal na. Maligaya
na siguro siya at kung mahal mo talaga siya, hindi ba dapat ka ring maging
masaya dahil ang minahal mo minsan ay maligaya na?”
“Tama
ka Anton. Bilib ako sa iyo, ang bata-bata mo pa, pero parang mas matatag ka pa
sa akin.”
“Okay
lang iyan Jay, mabuti rin na ma-experience mo, maging lesson sa iyo.”
Nahimasmasan
na rin si Jay, mahigpit akong niyakap at nagpasalamat. Tinapik-tapik ko lang
siya sa balikat dahil alam kong nakakapag-pagaan ng mabigat na problema ang
pakikinig.
“Anton,
pwede kayang maging tayo, tutal naman… pareho tayong bigo, dapat ang mga bigo
ang nagsasama-sama.”
“Ewan
ko sa iyo! Patawa ka. Pero okay lang iyan ang magpatawa. Wika nga sa ‘Reader’s
Digest”, “Laughter is the best medecine”, tawanan lang natin ang problema. Okay
ka na. Uwi na ako at may gagawing pa akong assignment.
“Salamat
ha, best friend na tayo.”
-----o0o-----
Pagdating
ko sa boarding house ay sa karinrerya ni kuya ako nagdiretso, nagutom kasi ako,
hindi man lang kasi ako pinamiryenda ni Jay.
“Saan
ka galing Anton? Halika at ipakikilala ko sa iyo ang bago nating kasamahan
dito,” wika ni Rolly na hinila na ako sa isang mesa.
“Anton,
sila yung nasa room 33, sina Cyrus at Aaron.. Cyrus… Aaron, si Anton, sa room
22,” pakilala ni Rolly.
“Dito
ka rin pala Anton, bakit ngayon ka lang namin nakita?” – si Aaron.
“Magkakilala
kayo?” – si Rolly.
“Ah
oo, magkababayan kami,” tugon ni Aaron.
Walang
kaimik-imik si Cyrus, lumamlam ang mga mata. Bakit kasi dito pa tumira.
Mayayaman na sila, bakit hindi sa apartment tumira?
“Oo
Rolly, magkababayan kami. Nakaklase ko pa nga sila dati sa high school. Hello!
Sandali lang ha at mamimili pa ako ng gusto kong kainin.” Tinalikuran ko na
sila. “Rolly, yun na lang spaghetti. Sa room ko na lang kakainin ha, ibaba ko
na lang yung pinggan mamaya. Medyo kailangan ko munang magbanyo hehehe.”
Minabuti
ko na lang na magdahilan para makaiwas sa kanila. Umakyat na ako. Nawalan ako
ng ganang kumain, nawala ang aking gutom.
Bakit
ganon, bakit parang naiinis pa rin ako, lalo na kay Aaron. Akala ko ay
naka-move-on na ako, pero bakit ba parang nagbalik ang sakit na pinaramdam nila
sa akin. Tapos dito pa tumira.
“Matatag
ako, hindi ako paaapekto sa kanila,” pilit kong isinisiksik sa aking isip.
Nagpahinga na muna ako at pagkatapos ay nag-shower.
Nakapag-shower
na ako ay hindi pa rin nawawala sa isipan
ko si Cyrus. Bakit ba nagpakita pa sa akin ang pesteng Cyrus na iyon?
Okay na ako eh.
“Anton!
Anton! Tok tok tok,” malakas na tawag sa akin at katok sa pinto.
Si
Justine ang tumatawag sa akin, kaagad kong binuksan ang pinto. “Justine,
halika… pasok ka. Anong aten?” bati ko.
“Pareho
lang ang aten ano ka ba?” birong tugon ni Justine. “Sabay tayong mag dinner
mamaya ha, wala akong kasabay,” aya ni Justine.
“Sige.
Dito ka muna. Ano bang ginagawa mo?”
“Wala
lang. Kumakatok ako kanina diyan, wala ka pala. Saan ka galing?”
“Ah…
sa isang kaibigan. May problema daw, gusto nang kausap, iyak ng iyak sa
telepono kaya pinuntahan ko na.”
“Ano
daw ang problema?”
“Ah…
sa love, broken hearted. Nag-asawa ang nobya. Matagal na rin silang wala, pero
nang malaman na ikakasal na ay hayun nagwala at magpapakamatay daw. Napuntahan
ko tuloy ng hindi oras. Kalmado na naman.”
“Kapag
ako ay nagka-problema sa love Anton, sa iyo rin ako hihingi ng payo ha?”
“Haay
naku Justine. Tumigil ka. Mag-jowa ka na muna uli.”
“Mabuti
pa ay kunin ko yung gamit ko at dito ko na gawin ang assignment ko,” paalam ni
Justin.
“Mabuti
pa nga, may gagawin din akong assignment.”
-----o0o-----
Nauna
akong nakatapos kay Justine, nahiga muna ako at nag-unat-unat. “Gisingin mo ako
kapag nakatulog ako ha kung kakain na tayo,” bilin ko.
“Huwag
ka nang matulog, matatapos na ako, baba na tayo para kumain pagkatapos ko.
Gusto kong kumain ng maaga nang makatulog din ako ng maaga,” sabi ni Justine.
Pagbaba
namin ay nakasabay pa namin sina Aaron at Cyrus, nauna lang kami ng bahagya.
Nakaupo na kami sa mesa at hinihintay na lang namin i-sere ang order namin.
Maya-maya
ay lumapit sa mesa namin si Cyrus. “Dito na rin kami ha, share na tayo sa
mesa,” sabi ni Cyrus na nakatingin sa akin.
“Sure,
okay lang, apatan naman ang mesang ito. Anton, na meet mo na ba sila, si Aaron
at Cyrus,” sabi ni Justine.
“Ah
oo kanina,” sagot ko.
“Magkakilala
talaga sila Justine, magkababayan sila. Kanina ko lang nalaman ng ipakilala
ko,” sabad ni Rolly na siyang nagdala ng aming order.
“Ah
ganon ba. Mas mainam. Biruin ninyo, nagkatagpo-tagpo kayo dito.”
Hindi
na muna ako umimik, sinimulan ko nang kumain. “Bilisan mo na Justine at may
gagawin pa akong assignment,” sabi ko.
“Akala
ko ba ay natapos na natin kanina pa.”
“Meron
pa, sa iban subject naman,” palusot ko. Ang totoo ay gusto ko lang makaiwas sa
dalwang tukmol na ito. Nawawala kasi ako sa mood.
Maging
si Cyrus ay wala ring imik. Ewan ko kung anong iniisip at palipat-lipat ang
tingin sa amin ni Justine, para kasing ang sama ng tingin kay Justine.
-----o0o-----
Mabuti
na lang at itong linggong ito ay hindi kami nagkikita nina Aaron at Cyrus,
talagang iniiwasan ko siya.
Sabado
na naman, umuwi na naman si Jaz, gayon din si Justine. Pati ang ibang kasama
namin sa boarding house ay nagsiuwian din yata, wala na akong kasabay sa
pagkain.
Nag-stay
lang ako sa aking silid, tamad na tamad akong kumilos. Matapos akong maglinis
ng silid ay nahiga na uli ako.
“Tok
tok tok!”
May
kumatok. Baka si Justine, baka hindi talaga umuwi. Pagbukas ko ng pinto ay
gulat ako, si Cyrus pala. Isasara ko na sana kaagad ang punto, pero maagap
siyang naiharang ang kamay.
“Anong
kailangan mo?” galit kong tanong.
“Anton
naman, mag-usap naman tayo, kahit sandali lang.”
“Ano
pang pag-uusapan natin Cyrus. Baka malaman pa ni Aaron na nagpunta ka sa silid
namin ay mag-away pa kayo. Alam mo naman ayaw ko ng gulo. Umiiwas na nga ako sa
inyo eh.”
“Wala
siya dito, may pinuntahan. Kung narito man siya ay wala akong pakialam malaman
man niyang pinuntahan kita.”
“Ano
nga bang kailangan mo, sabihin mo na at may gagawin pa ako.”
“Papasukin
mo muna ako. Mabuti at walang tao, baka isipin na nag-aaway tayo.”
Pinapasok
ko siya, naupo ako sa gilig ng aking kama, siya sa isang monoblock sa gilid.
“Sige, sabihin mo na.”
“Anton,
gusto ko sanang magsimula tayo uli, maging magkaibigna muli. Naging magkaibigan
naman tayo ah. Naging mabuti rin naman akong kaibigan sa iyo.”
“Sa
tingin mo ba ay maibabalik pa ang dati nating pagkakaibigan lalo na at kasama
mo pa rin si Aaron. Siguro kung si Allen ang kaama mo diyan, baka mapagbigyan
pa kita.
“Wala
kami ni Aaron. Kung may nangyari man sa amin noon ay dahil lasing lang ako.
Hindi na iyon naulit pa.”
“Dapat
ba kitang paniwalaan? Magsasama ba kayo sa iisang silid na ganon lang. Alam na
alam mong may gusto siya sa iyo. Hindi mo ba siya kayang layuan? Bakit si Allen
ay nagawa mong layuan?”
“Wala
na si Allen?”
“Ha,
anong wala na?”
“Nasa
ibang bansa na si Allen, ang pamilya niya. Nag-migrate na sila roon simula ng
mag-graduate, doon na rin siya nagpatuloy ng pag-aaral.
Nakahinga
ako ng maluwag, akala ko kasing nawala ay namatay na siya.
“Anton,
mahal pa rin kita, hindi kita makayang limutin, ikaw lang ang tanging minahal
ko, maniwala ka sana. Wala nang nangyayariu pa sa amin ni Aaron. Matagal na
kaming magkaibigan at hindi ko lang talaga kayang makipagkasira sa kanya.
Mabait si Aaron, kung makikilala mo lang sana siya ng lubos, magkakasundo rin
kayo. Ang hinihiling ko lang naman sa iyo ay maging magkaibigan tayo, wala na.
Ayaw ko na nagiisnaban tayo.”
“Sa
palagay mo ba ay papayag si Aaron ng ganon lang. Alalahanin mo, hindi ka kayang
iwan ni Aaron. Bakit ba hindi mo siya kayang mahalin?’
“Dahil
ikaw ang mahal ko.”
“Hindi
na kita mahal kaya ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo.”
“Hindi
ko na ipipilit ang sarili ko sa iyo, gusto ko lang talagang magkasundo tayo.
Muling mabalik ang pagkakaibigan natin.”
“Hanggat
kasama mo si Aaron, hindi mangyayari ang gusto mo. Malaki ang galit niya sa
akin, aminin mo man o hindi. Hindi ako galit sa kanya, naawa ako sa kanya.
Nagmahal lang ang tao. Alam mo ba kung gaano ko siya sasaktan muli kapag
nakipagmabutihan uli ako sa iyo. Kahit pa sabihing bilang kaibigan lang. Sige,
babatiin kita kapag nagkasalubong tayo, ngingitian kita, pero hindi ako
makikipag-usap sa iyo na tila walang nangyari sa atin.”
“Bigyan
mo naman kami ng chance. Ang totoo ay siya ang may gustong makipagbati na ako
sa iyo. Maging siya ay gusto na rin makiapagkasundo. Ayaw na rin niya ng away.”
“Okay
sige, pagbibigyan ko kayo, pero huwag mong hahaluan nang iba pa dahil hindi na
kita kayang mahalin pa. Sana lang pag-aralan mong mahalin din si Aaron. Mahal na
mahal ka niya.
-----o0o-----
>>>>>Itutuloy<<<<<