Apoy (Part 3)
By: Migs
(From: AsianBearMen)
Humahanap ng tyempo si Sam
upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, kinauasap na niya ng
masinsinan ito.
“Ilang taon na din tayo.
Pero hindi pa rin naalis sa akin ang maging guilty lalong lalo na kay Emily at
sa mga anak mo. Batid ko na kapwa din tayo nahihirapan sa ating sitwasyon,” ang
panimula ni Sam.
“Bakit? Hindi mo na ba ako
mahal?” ang tanong ni Lance.
“Hindi na mawawala ang pagmamahal
ko sa iyo. Pero habang tumatagal tayo eh lalong lumalalim ang sugat na maari
nating maidulot kay Emily. Ayaw kong dumating ang panahon na malalaman niya ang
lahat ng tungkol sa atin,” ang paliwanag ni Sam.
“Sam, mahigit anim na tao
na nating naitago ito kay Emily. Ngayon ka pa ba bibigay?” ang sabi naman ni
Lance.
“Iyun na nga Lance.
Mahigit anim na taon na tayong nagtataksil sa kaniya. Papaano kung malalaki na
ang mga anak mo at nalaman din nila. Ano kaya ang pwede nilang gawin sa iyo? Sa
akin? Kaya sana hanggang sa wala pang nakakaalam ng ating lihim ay putulin na
natin ito,” ang pagsusumamo ni Sam.
“Meron na ba akong
kapalit? Si Edward ba?” ang mga tanong ni Lance.
“Walang third party na
involve. Wala din kinalaman dito si Edward,” ang tugon naman ni Sam.
“Simula kasi ng makilala
mo si Edward ay nagbago ka na sa akin. Madalas na din kayong magkita ni Edward,.”
ang sumbat ni Lance.
“Lance, please, huwag
natin idawit dito si Edward. Desisyon ko ito. Basta ang alam ko ito ang tama.
Kung sakali man na masaktan ako sa desisyon ko ay buong puso kong tatanggapin,”
ang sabi naman ni Sam.
Pilit pa rin iniuugnay ni
Lance si Edward sa desisyong iyon ni Sam. Nais mang sumigaw ni Lance sa
nararamdamang sama ng loob ay hindi niya magawa dahil nasa pampublikong lugar
sila. Kahit ano pa ang sabihin ni Lance ay talagang desidido na si Sam sa nais
niyang hiwalayan nila ni Lance. Hindi man lubusang sang-ayon si Lance sa nais
mangyari ni Sam ay napilitan na rin niya itong tanggapin. Naghiwalay sila ng
gabing iyon na masama pa din ang damdamin ni Lance sa pangyayari.
Nang magkaroon naman ng
pagkakataon si Sam na kausapin si Edward ay agad din niya itong ginawa.
Pinakiusapan muna niya si Edward na huwag muna silang magkikita. Ipinagtapat
din niya kay Edward ang hiwalayan nila ni Lance at ayaw niyang mabuntungan ng
sisi si Edward kapag nakita sila ni Lance na magkasama. Sumang-ayon naman si
Edward dahil naging abala din naman siya na kabubukas na business. Hindi din
nagtagal ay nakabili na din ng sarili niyang condominium unit si Edward. Agad
din siyang lumipat dito upang makaiwas na din sa kaniyang bayaw.
Makalipas ang mahigit
tatlong Linggo ay nabigla si Sam na madatnan niya si Lance sa kaniyang pag-uwi
sa bahay.
“O Lance, anong ginagawa
mo dito?” ang tanong ni Sam.
“Wala lang nadaan lang ako,”
ang tugon ni Lance.
Masaya ang aura ni Lance
ng gabing iyon.
“Kumain ka na ba?” ang
tanong ni Sam.
“Hindi pa. Kanina pa ako
inaalok ni Mama. Pero sabi ko hintayin na lang kita,” ang tugon ni Lance.
“Saan na pala sina Mama at
Papa?” ang tanong ni Sam.
“May pinuntahan lang. Pero
dito din daw sa loob ng subdivision n’yo. Birthday daw ng kumare ni Mama,” ang
sabi naman ni Lance.
“Tara na sa dining room at
ng makakain na,” ang alok ni Sam kay Lance.
Sabay na nag-dinner ang
dalawa. Masaya naman ang kanilang naging kwentuhan habang naghahapunan. Wala ng
sumbatan at sisihan sa isa’t isa. Masasayang alaala na lamang ang nagpag-usapan
ng dalawa pati na din ang tungkol sa kani-kanilang trabaho.
Matapos silang kumain ay
nagbukas ng dalawang bote ng beer si Sam. Inabutan niya ng isang bote si Lance.
“Bago ka umuwi, inom ka
muna ng beer,” ang alok ni Sam kay Lance.
“Sam, pwede bang dito muna
ako magpalipas ng gabi?” ang hiling ni Lance.
“Pwede naman pero anong
idadahilan mo kay Emily?” ang tanong ni Sam.
“Wala si Emily until
tomorrow night. Nasa Baguio siya right now at nag-attend ng convention nila
doon,” ang sabi naman ni Lance.
“Eh sinong kasama ng mga
anak mo?” ang tanong na naman ni Sam.
“Isinama silang dalawa ni
Emily. Pati yung yaya nila kasama din sa Baguio. Kaya nag-iisa lang ako sa
bahay,” ang sagot naman ni Lance. “Kaya nga naisipan ko na dito na lamang
matulog,” ang dugtong pa ni Lance.
Nagpatuloy pa ang
kwentuhan ng dalawa sa harapan ng TV. Ang tig-isang bote ng beer ay nadagdagan
pa ng ilang bote. Hanggang sa dumating na ang mga magulang ni Sam.
“Mukhang nagkakaigihan na
naman kayo ah,” ang biro ng ama ni Sam ng makita silang masayang nag-uusap.
“Hindi naman po Papa.
Na-mi-miss ko lang kasi ang anak n’yo. Ni hindi na kasi ako kinakausap mga
ilang Linggo na,” ang sabi naman ni Lance.
“Gabi na Lance ah. Buti pa
siguro dito ka na matulog. Mukhang nakarami na din kayo ng beer na nainom.” ang
alok naman ng ina ni Sam.
“Ganun na nga po ang
usapan namin ni Sam. Wala din po sina Emily at mga bata sa bahay. Nag-iisa lang
ako doon. Kaya minabuti ko din na dito na lang magpalipas ng gabi,” ang sabi
naman ni Lance.
“O sige. Maiwan na namin
kayo. Inaantok na kami kaya umuwi na kami. Pero huwag kayong iinom ng marami,”
ang bilin naman ng ama ni Sam
“Pa, last bottle na po
namin ito. Wala na din po kaming iinumin. Sige po Ma, Pa, matutulog na din po
kami pagkaubos namin nito,” ang sabi naman ni Sam.
Ganoon na nga ang nagyari.
Matapos maubos ang huling bote nila ng beer ay pumasok na sila sa silid ni Sam.
“Ligo lang muna ako,” ang
paalam ni Sam.
“Sabay na tayo,” ang
hiling naman ni Lance.
Hindi naman tumanggi si
Sam. Bago sila pumasok sa banyo ay isa-isa muna nilang inalis ang lahat ng
kanila kasuotan. Nang muling makita ni Sam ang hubad at matipunong katawan ni
Lance ay parang gusto niya ito yapusin. Subalit pinigilan niya ang sarili at
gusto niyang pangatawanan ang desisyon niyang tapusin ang kanilang relasyon.
Pagpasok nila sa loob ng banyo ay kapwa sila tumapat sa showerhead ng buksan na
iyon ni Sam. Nagdikit ang kanilang mga katawan habang patuloy ang pagdaloy ng
tubig sa kanilang katawan.
Maya-maya pa ay biglang
niyapos ni Lance si Sam. Hinalikan sa kaniyang mga labi. Hindi na din napigilan
ni Sam ang kaniyang sarili. Nakipaghalikan na din siya kay Lance habang patuloy
pa din ang tulo ng tubig mula sa shower na dumadaloy sa kanilang unti-unti ng
umiinit ng katawan.
“I miss you Sam. Sana
isang masamang panaginip lang ang pagtapos mo ng ating relasyon,” ang nabanggit
ni Lance.
Hindi naman nagsalita si
Sam. Nagpatuloy lamang siya sa paghalik sa mga labi ni Lance. Ang mainitang
halikan nila ay nauwi sa isa pang mainitang pagtatalik sa loob mismo ng banyo.
Pagkatapos nilang makapagpapalipas ng init ng katawan ay itinuloy na nila ang
kanilang paliligo. Nang matapos silang makapaligo at makapagpunas ay kapwa na
lamang sila nahiga sa kama ni Sam na wala pa rin saplot sa katawan.
“Wala na bang chance na
magkabalikan tayo?” ang biglang naitanong ni Lance.
“Lance, I have decided
already. Sana maintidahan mo ako. Sana din hindi na maulit ito. Papaano kita
malilimutan kung palagi ka lang nandyan.” ang sabi naman ni Sam.
“Sige kung ayaw mo ng
relasyon eh ganito lang muna tayo. Paminsan-minsan ay magkikita tayo. Pwede
naman tayong sex partners lang. Alam ko naman miss mo din junior ko,” ang sabi
naman ni Lance.
“Ayan ka naman.
Ipagmamalaki mo na naman yang otcho pulgada mong batuta. Madami dyang bading sa
labas na pakitaan mo lang ng otcho pulgada mong batuta ay tiyak na
magkakandarapa na sa iyo,” ang biro naman ni Sam.
“Kidding aside. Sorry pala
at napaghinalaan ko kayo ni bayaw. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon,” ang
sabi naman ni Lance.
“Sabi ko naman sa iyo na
walang third party involve. Gusto ko lang talaga na matapos na ang pagiging-guilty
ko kay Emily at sa iyong mga anak.” ang sabi naman ni Sam.
“I know na wala ngang
third party. Bahay-opisina ka lang. At si Edward naman ay sobrang busy din sa
negosyo niya,” ang sabi ni Lance.
“Papaano mo naman nalaman
ang activities namin for the past weeks?” ang tanong ni Sam.
“Sorry sa ipagtatapat ko.
I hired people kasi para alamin ang mga lakad nyo. Alam mo naman na noong
nag-usap tayo ay malakas ang kutob ko na may kinalaman nga si Edward sa
desisyon mo,” ang pagtatapat ni Lance.
“Nagawa mo yun. Ibig
sabihin talagang pinagdududahan mo ako na may third party involve?” ang medyo
pagalit ng nasabi ni Sam.
“Sorry. Pero talagang I
don’t want to lose you. Ewan ko ba kung bakit napamahal ka ng husto sa akin.
May asawa ako at pamilya. At kung yung sexual na pagpapaligaya mo sa akin
lamang ang hanap ko eh pwede naman ako makahanap dyan ng mas magaling pa sa
iyo. Pero iba ka. Ikaw ay isang tao na dapat lamang mahalin,” ang
pagpapaliwanag ni Lance.
“Labis naman pagdududa
yan. Naghire ka ng mga tao para manmanan mga kilos namin. Sobra na yan Lance.
Isipin mo na lang na para din sa pamilya mo ang iniisip ko. Kung makasarili
lang ako eh hindi ko tatapusin ang relasyon natin,” ang sabi naman ni Sam.
“Sorry na. Wag ka ng
magagalit. Nagawa ko lang iyon kasi mahal talaga kita. Ayaw ko talagang mawala
ka sa buhay ko,” ang paghingi ng tawad ni Lance.
“Mahal ba yung pagdudahan
mo ako. Hindi ako ang mundo mo Lance. Pamilya mo dapat ang isama mo sa pag-inog
ng mundo mo. Sila lamang at wala ng iba.” ang sabi naman ni Sam.
“Sorry na, please,” ang
pagsusumamo ni Lance.
Hindi na umimik pa si Sam.
Tumalikod siya kay Lance at pilit nagbingibingihan kahit na paulit-ulit ang
pagsusumamo ni Lance. Nang hindi na inimik ni Sam si Lance ay nagpasiya na
lamang si Lance na manahimik na. Kahit na may samaan ng loob ang dalawa ay
nakuha pa din nilang matulog na magkatabi.
Kinaumagahan ay nanlamig
sa pakikitungo kay Lance si Sam. Hindi iyon nakaligtas sa pandama ng mga
magulang ni Sam. Kaya naman ng makaalis na si Lance ay inusisa si Sam ng kaniyang
mga magulang. Umamin naman si Sam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit
naging ganoon siya kay Sam. Naintindihan naman siya ng kaniyang mga magulang.
Subalit ipinagtanggol pa rin si Lance na nagawa niya yun dahil mahal talaga siya
ni Lance. Muli ay nagbingi-bingihan lamang si Sam sa nasabi ng mga magulang niya.
“Free ka ba tonight?” ang
text na natanggap ni Sam isang araw habang nasa opisina siya mula kay Edward.
Medyo matagal-tagal na din
na hindi sila nagkikita ni Edward kaya pumayag siyang magkita sila ni Edward ng
gabing iyon.
“No commitment yet. Pwede
naman,” ang reply ng text ni Sam.
“Sige, dadaanan na lang
kita sa bahay n’yo at around 7PM para hindi ka na magdala ng sasakyan,” ang text
muli ni Edward.
“Sure. Sige I’ll wait for
you sa bahay na lang,” ang reply din ni Sam.
Medyo natrapik si Sam sa
kaniyang pag-uwi. Pagdating niya ng past 6 o’clock sa kanilang bahay ay
naroroon na si Edward na naghihintay kausap ang Mama ni Sam.
“Kanina ka pa ba?” ang
tanong ni Sam.
“Before 6PM yata noong dumating
ako,” ang sabi naman ni Edward.
“Sorry medyo trapik
paglabas sa opisina. Eh 7PM pa naman usapan natin ah.” ang sabi naman ni Sam.
“Excited kasi ako sa
ibabalita ko kaya napaaga ako. Buti naman at nandirito si Mama na nakakwentuhan
ko,” ang sabi naman ni Edward.
“Sige, wait lang.
Magpapalit lang ako ng damit,” ang paalam naman ni Sam.
“Ayos na yan iho. Ganiyan
ka na lang,” ang sabi naman ng Mama ni Sam.
“Mag-jeans lang ako ma, para
mas comfortable ako. At para bagay din sa suot ng kasama ko,” ang sabi naman ni
Sam.
Matapos makapagpalit ng
damit si Sam ay agad na din silang umalis. Nagtungo sila sa isang bar sa tabi
ng Manila bay. Maingay ang music sa loob ng bar kaya naman mas pinili nila ang
outdoor area ng bar para mas makapag-usap sila.
“Kumusta na kayo ni
bayaw?” ang tanong ni Edward.
“I don't know. He's been
acting weird the last time we met. Grabe ang bayaw mo. Parang ayaw niya talaga
akong palayain,” ang tugon ni Sam.
“I can feel that also. Iba
din ang treatment niya the last time na bumisita ako sa bahay nila. Wala naman siyang
nababanggit na masama pero nararamdaman ko na parang gusto niya akong
i-confront,” ang sabi naman ni Edward.
Naikweto tuloy ni Sam kay
Edward ang nangyari sa huli nilang pagkikita.
“Timing din pala na naging
busy ako sa aking business at hindi talaga tayo nagkita. Siguro right now meron
nagmamasid sa atin at for sure makakarating ito kay bayaw,” ang sabi naman ni
Edward.
“Ewan ko ba Edward. Bakit
naging ganoon si Lance. Ako siguro ang may kasalanan kaya siya nagkaganoon,”
ang nabanggit na lamang ni Sam.
“I know he's straight guy.
He's madly in love with my sister noong una ko siyang nakilala. Kung sabagay
hindi naman talaga umaamin ang tulad namin ni bayaw kung may experience kami sa
kapwa namin lalaki. Siguro nga kasalanan mo yun Sam. Pinadama mo sa kaniya ang
labis na pagmamahal kaya ganoon na lamang ang ginagawa niya upang hindi ka
mawala sa kaniya. Parang yun din ang nakikita ko sa iyo kaya napapamahal ka na
sa akin,” ang sabi ni Edward.
“Ikaw din ba tutulad sa
bayaw mo? Maawa naman kayo sa akin. ‘Wag n’yo naman pahirapan ang aking
kalooban,” ang pakiusap ni Sam.
“Hindi Sam. Ibahin mo ako
sa bayaw ko. I can let go of you kung saan ang gusto mo at kung doon ka magiging
maligaya. Pwede kayong magbalikan ni bayaw at mananatiling lihim iyon kay ate.
Ganiyan kita kamahal. Siguro naman makakakita din ako ng iba pang mamahalin.
Pwedeng tulad mo din o sa isang babae. Basta all out support ako sa magiging
desisyon mo,” ang sabi naman ni Edward.
“Salamat for
understanding. Naguguluhan na kasi ako kay Lance. Akala ko nga noong una ay
sexual lang ang magiging relasyon namin. Pero naging mas malalim pa pala doon,”
ang nabanggit ni Sam.
“It's weird talaga. Lagi
nating hinahanap ang love sa opposite sex or ang lagi nating pinaplanong
makakasama habang buhay ay ang opposite sex. Pero hindi pala laging ganoon,”
ang sabi ni Edward.
Nagpatuloy ang kanilang
usapan tungkol kay Lance. Pero nauwi din iyon sa kwentuhan nila tungkol sa mga pinakaabalahan
nila lately. Natapos ang inuman nila sa masasayang kwentuhan. Pag-alis nila sa
bar na iyon ay niyaya ni Edward si Sam na dumaan muna sa kaniyang condominium
unit. Hindi naman tumanggi si Sam. Makalipas ng ilang minuto ay narating na din
nila ang condominium unit ni Edward.
Pagpasok nila sa condo ni
Edward ay ipinakita kaagad ni Edward ang kaniyang silid. Biglang sinabihan niya
si Sam na ang silid na iyon ang magiging saksi ng kanilang pagmamahalan kapag
naging silang dalawa na. Natawa na lamang si Sam at sinabing hindi mangyayari
iyon. Biglang tinanong ni Edward si Sam kung may pag-asa ba siyang mahalin ni
Sam. Hindi sumagot si Sam. Niyapos ni Edward si Sam at sinabihan ito na huwag
matakot na aminin sa sarili ang nararamdaman. Bigla niyang hinalikan sa mga
labi si Sam.
Hindi na iniwas ni Sam ang
kaniyang mga labi. Marahil iyon din ang gusto niya, ang mahalikan ang mga labi
ni Edward. Naging mainit ang tagpong iyon sa pagitan ng dalawa. Ang halikang
iyon ay nauwi sa muli nilang pagtatalik. Isang pagtatalik na kahit papaano ay
naibsan ang bumabagabag sa kalooban ni Sam tungkol kay Lance. Doon na din
nagpalipas ng gabi si Sam.
-----o0o-----
“I need to talk to you
Edward,” ang sabi ni Lance ng minsang bumisita si Edward sa bahay nina Lance.
“Tungkol saan yun kuya?”
ang tanong ni Edward.
“Tara dito tayo sa labas,”
ang yaya ni Lance kay Edward bago niya tuluyang kausapin si Edward.
“Bakit dito?” ang tanong
uli ni Edward ng makapunta na sila sa may garahe ng bahay.
“I know you know kung
tungkol saan ang pag-uusapan natin at alam mo din na di pwedeng marinig ng ate
mo ang mga iyon,” ang sabi ni Lance.
“Hindi kita maintindihan
kuya,” ang pagmamaang-maangan ni Edward.
“Alam ko na alam mo na ang
tungkol sa amin ni Sam. Alam ko rin na meron ng namamagitan din sa inyong
dalawa. Bayaw, kabaliwan na itong ginagawa natin. Hindi babae si Sam. Lalaki
din siyang tulad natin,” ang medyo pagalit na nabitiwan ni Lance.
“What's wrong with you
bayaw?” ang tanong naman ni Edward.
“Everything is wrong. Mali
na nga ang pakikipagrelasyon ko kay Sam. Tapos heto ikaw na kararating lamang,
pinapatos mo pa ako. Mali din ‘yun,” ang sabi naman ni Lance.
“Ano bang nagawa kong mali
sa inyo ni Sam?” tanong muli ang binitiwan ni Edward.
“Please bayaw, leave Sam
alone. Naguguluhan na ang tao simula ng dumating ka sa buhay niya. Alam ko na
gagamitin mo lang siya. Yang business na sinasabi mo, yang pagbili mo ng
condominium, sa tingin mo ba uunlad ang negosyo mo. Sasapat ba ang ipon mo para
mabayaran mo ang condominium mo. Gagatasan mo lang si Sam,” ang panunumbat na
ni Lance.
“Ano bang pinagsasabi mo
dyan? Wala akong masamang ginagawa kay Sam. At wala sa intensyon ko na gawin
iyon kay Sam,” ang sabi naman ni Edward.
“Kilala kita Edward. Noon
pa man hindi mo kayang ituwid ang buhay mo. Kaya ka iniwan ng asawa mo. You are
so immature. You can not stand with your own feet. Lagi kang naghahanap ng
aakay sa iyo kapag lugmok ka na sa problema.” ang dagdag pa ni Lance.
“Kuya Lance sumusobra na
ang panghahamak mo sa akin. Noon maaari kong tanggapin ang mga sinasabi mo.
Ibahin mo na ako ngayon. Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganiyan. Wala
kang alam sa mga napagdaanan ko sa buhay. Kung ano man ang nalaman mo noon ay
nakaraan na yun. Iba na ang Edward na kaharap mo ngayon,” ang pagtatanggol sa
sarili ni Edward.
“Basta ang nasisigurado ko
lamang ay ang pera lamang ni Sam ang habol mo. Nalaman mo na nag-iisang anak siya
at for sure sa kaniya lamang mapupunta ang mga naipundar ng kaniyang mga
magulang,” ang sabi pa ni Lance.
Nakahalata si Emily na
parang nagtatalo ang magbayaw sa kanilang garahe. Kaya naman naisipan niyang
lumabas ng bahay ay magtungo sa kinaroroonan ng magbayaw.
“What's wrong honey?
Parang nagtatalo na kayo,” ang tanong ni Emily.
“Wala ate. Nabentahan ko
daw ng defective spare parts yung isang ka-opisina ni kuya. Eh hindi naman
pinakabit sa shop namin yun. Sarili niyang mekaniko ang ginamit niya. So wala
kaming liability kung nasira ito ng mekaniko sa pagkakabit,” ang palusot na
lamang ni Edward.
“Ganoon ba honey. Sabihan
mo ang ka-opisina mo na sa susunod, hayaan na lang sina Edward ang mag-asikaso
ng ipapaayos niyang sasakyan. Pero Edward, baka naman pwede mo bigyan ng
consideration. Tutal officemate naman ng kuya mo yun,” ang sabi naman ni Emily.
“Sige ate. Oh kuya,
pabalikin mo na lang officemate mo. Ako ng bahala sa partner ko. Baka maihirit
ko din na mapapalitan ng supplier namin iyon.” ang sabi ni Edward.
Nanahimik na lamang si
Edward. Kahit pilit niyang tinatago ang galit sa bayaw ay halata pa din iyon ni
Emily.
“Ikaw naman honey, yun
lang naman pala ang problema. ‘Wag na kayong magtalo pa. Payag na si Edward,”
ang dugtong pa ni Emily.
“Sige, sasabihan ko
officemate ko bukas,” ang sabi na lamang ni Edward.
Agad din pumasok si Lance
sa loob ng bahay. Si Emily naman ay niyaya ang kapatid na pumasok din upang
makapaghapunan na sila. Tumanggi si Edward at sinabing may dinner meeting pa siya
sa isang client niya. Hindi naman na siya napilit ni Emily. Agad na din lumisan
si Edward.
Itutuloy………