Kerido - Part 4 (Finale)
Naginit
ang pakiramdam ni Kiel ng makita ang asawa na bilad na bilad ang katawan sa
manipis na pantulog. Bunga na rin ng kalasingan ay natukso siyang lapitan ang
asawa at noon ay tinangka niyang makipagtalik.
Nagising si Ana at dahil sa ayaw niya na may mangyari sa kanila ay
nanlaban ito hanggang sa siya ay saktan na ni Kiel. Mabuti na lang at nagising si Junior dahil sa
kalabugan at sigaw ng kanyang Mommy.
“Mommy, Daddy!. Nag-aaway ba kayo? Bakit po ang ingay ingay ninyo at umiiyak si
Mommy.” Wika ni Junior.
“Hah! Hindi anak.
Nahulog kasi si Mommy sa kama at tinutulungan kong tumayo. Sige na anak, balik ka na sa kwarto mo.”
“Tutulungan
ko po kayo.” Alok ni Junior.
“Anak,
dito ka muna ha. Samahan mo si Mommy.”
“Opo,”
-----o0o-----
“Ma’am
Ana, bakit po may mga pasa kayo sa braso at mukha.” Nagtatakang tanong ng isang
empleyada.
Hindi
na siya sumagot, wala siyang maisip na idadahilan. Siya namang pasok ni Kristoff.
“Ana,
na review mo na ba ang payroll?” Usisa ni Kritoff.
“Sandali
lang po Sir, dadalhin ko po sa mesa ninyo.” Sagot ni Ana na hindi tumitingin sa
kausap, ayaw ipakita ang mga pasa na dulot ni Kiel.
”Bilisan
mo na at pagagawan ko ng ng tseke para ideposit sa mga account nila.
“Sinaktan
ka ni Sir Kiel. Bakit hindi mo pa
hiwalayan, tutal ay parang hindi ka naman asawa kung ituring. Mas pang
binibgyan ng pansin ang baklang iyon. Wika ng empleyada ng walang kamalay malay
na naririnig siya ni Kristoff. Papasok
sana ito muli nang magsalita si Ana.
“Nakikipaghiwalay
na ako, pero hindi sila papayag na mapasa akin ang aking anak. Gagamitin nila ang koneksyon at pera para sa
kanila mapunta si Junior. At itong
pasang ito ay dahl sinaktan ako ni Sir Kiel, gusto niyang makipagtalik sa akin
pero tumanggi ako. Nanlaban ako at sinaktan
na niya ako.” Tulo ang luhang nagkwento na si Ana.
“Isumbong
mo kay Boss.”
“Hindi
na. Alam mo ba na wala naman talaga
akong pagtingin diyan sa Sir mo. Ni rape
niya ako. Sumama ako sa kanyang mag
dinner dahil pasasalamat daw sa mga pag-assisst ko sa kanya, matapos kumain ay
nakaramdam ako ng hilo. Pagkagising ko
ay wala na akong saplot sa katawan at katabi ko siya sa isang kwarto.”
“Hindi
ka nagsuplong sa pulis?”
Dinig
na dinig ni Kristoff ang buong kwento ni Ana.
Maging ang kahilingan na paksalan lang siya para bigyan ng pangalan ang
bata at hindi lumaking bastardo at ipapa-annul din naman.
-----o0o-----
“Kiel.samahan
mo ako, may pupuntahan tayo.” Wika ni Kristoff.
“Saan?”
“Sumama
ka na lang.”
Hindi
na nagusisa pa si Kiel at sumakay na lang sa kotse ni Kristoff. Ang akala ng una ay sa isang kompanya lang
sila pupunta subalit sa bahay ni Kirstoff sila nagtuloy.
“Ano
talaga ang ginawa mo kay Ana, magtapat ka na sa akin, magsabi ka ng totoo.”
Nanggagalaiting tanong ni Kristoff pagkapasok na pagkapasok sa kanyang bahay.
“Anong
ginawa ang pinagsasabi mo. Oo nasaktan ko siya dahil gusto na naman niya akong
akitin, gustong makipagtalik sa akin.
Sobrang kulit kaya nasaktan ko.”
“Sinungaling. Yung totoo kung bakit siya nabuntis.”
“Ano
ka ba Kristoff, ang tagal tagal na noon nagseselos ka pa rin. Halos sa iyo na nga ako umuuwi ah. Inakit nga niya ako, lalaki ako at
natukso. Kagustuhan niya iyon.”
“Napakasinungaling
mo Kiel, ginahasa mo si Ana, iyon ang totoo.
Pinagsamantalahan mo at gusto mo pang ulitin kagabi kaya puro pasa siya
ng pumasok. Siguro ay tapusin na rin
nating ang ating relasyon. Naging
makasarili ako at hindi ko na isinaalang alang kung anong nararamdaman ni Ana.
Kapag sinaktan mo pa siya muli ay mapipilitan akong isuplong ka.” Pasigaw na banta
ni Kristoff. “Makakaalis ka na at huwag
ka ng pupunta pa rito.”
-----o0o----
”Hello
Sir Reyes.” – ang kasambahay at yaya ni Junior.
“Ano’t
napatawag ka. May problema na naman ba?”
“Hello
po sir, si Ma’am Ana po, naaksidente at dinala sa ospital, duguan po.“
Hangos
kaagad si Mr. Reyes na tinungo ang ospital.
Naabutan niya ang anak na palakad lakad sa tapat ng emergency room,
hindi mapalagay, kabadong kabado.”
“Anong
nangyari kay Ana Kiel. Ano na naman ang
ginawa mo sa kanya.”
“Hindi
ko sinasadya Papa, hindi ko sinasadya huhuhu.” Hawak nang magkabilang kamay ang
buhok na tila sinasabunutan ang sarili.
“Anong
hindi sinasadya ang sinasabi mo.
Sinaktan mo na naman siya?”
Hindi
pa nakasasagot si Kiel ng lumbas ang docktor na tumingin kay Ana.
“Ano
pong lagay ng asawa ko doktor.”
“Kailangan
pa siyang maobserbahan, malaki ang natamong sugat sa ulo at marami pang test na
isasagawa. SA ngayon ay stable naman ang
pasyente.” Sagot ng doktor.
“Pwede
po ba siyang makita.” Si Mr. Reyes.
“Hindi
na muna siguro. Tulog pa rin siya at
bawal pang pumasok sa loob. Hintayin nyo
na lang na mailipat siya sa recovery room.
Huwag po kayong mag-alala dahil may mga naurse na magbabantay sa kanya
24 oras.”
-----o0o-----
“Wala
pa ba si Ana, hindi pa ba dumating?”
“Hindi
pa po Sir Kristoff. Ngayon lang po siya
na late sa pagpasok.”
“Napaka
iresponsableng babae, nagkamali yata ako sa pagkuha sa kanya. Kahapon ko pa hinihingi ang payroll ay hindi
pa rin niya naibibigay.” bulong ni Kristoff na lumabas ng opisina. Nasalubong naman niya si Mr. Reyes.
“Hindi
makapapasok si Ana Kristoff, naaksidente siya at nasa ospital.”
“Po,
kailan pa. Saan siya naaksidente.”
“Kagabi
lang, nahulog sa hagdanan at nabagok ang ulo.”
Gulantang
si Kristoff, naalala ang paguusap nila ni Kiel kagbi at naisip na baka inaway
dahil sinita niya ito sa ginawa kay Ana at pagsisinungaling sa kanya sa tunay
na dahilan ng pagbubuntis ng babae.
“Yung
payroll nga pala, wala pa akong napipirmahang tseke.” Tanong ni Mr. Reyes.
“Sandali
lang po at hahanapin ko sa mesa ni Ana, hindi po niya naibigay sa akin
kahapon.”
Nagbalik
si Kristoff sa accounting at tinungo ang mesa ni Ana. “May alam ba kayo kung saan itinatago ang mga
report na ginagawa ni Ana.”
“Wala
po sir, confidential daw po iyon. Baka diyan po sa mesa o sa filing kabinet,
kaya lang ay nakasusi pareho iyon eh.”
Bukas
ang filing cabinet, subalit wala roon ang hinahanap. Sinubukan niyang gamitin ang ang kahit anong
susi at nabuksan naman naman ang drawer.
Nakita na niya ang hinahanap, binuklat at pirmado na ni Ana, ibig
sabihin ay narieveiw na iyon. Isasara na niya ang drawer na may mapansin siyang
isang larawan, isang batang babae na kalong ng may katabaang babae. Bigla na lang siyang kinabahan pagkakita sa
larawan. Hindi siya nagkakamali, hindi
niya makakalimutan ang babaeng nasa larawan at sigurado siya na ang bata ay si
Ana na kapatid niya. Para makasigurado na
ang bata at si Ana ay iisa ay nagtanong pa siya sa mga empleyado.
“Nakita
na ba ninyo ang larawang ito, may nasabi ba sa inyo si Ana kung sino ang nasa
litrato?” kabadong tanong sa mga empleyado.
Tiningnan
naman ng isa ang larawan. “Ay Sir
Kristoff, si Ana po iyan noong bata pa at yung babae ay ang nakilala niyang
mother. Ampon lang pala si Ana at dinala
daw niya ang larawang iyan at baka sakaling makita ang kanyang kuya. Nasabi raw ng kanyang mother na may kapatid
pa siya sa Manila.”
Nangalog
ang tuhod ni Kristoff, bigla ang panghihina at parang nauupos na kandila na
napaupo sa silya.
“Sir! Sir!
Ano pong nangyari, nahilo po ba kayo.
Pakikuha naman ng tubig at baka nahilo si Sir” tarantang wika ng isang
naroon na nilapitan ang kanilang manager.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
malakas na palahaw ni Kristoff, hindi ko alam, wala akong alam
ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh patawarin mo ako Ana ahhhhhhh ahhhhhhhhhhhh.”
Naging histerical na si Kristoff at humahagulgol na. Hingi ng hingi ng tawad kay Ana.
“Patawarin
mo ako ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh huhuhu patawarin mo ako. Hindi ko talaga alam.”
Hindi
na kayang aluin ng empleyada ang kanilang boss kaya napilitan nang ipaalam kay
Mr Reyes na kaagad namang pinuntahan ang lalaki.
“Anong
nangyari Kristoff, bakit ko naglulupasay diyan.”
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
patawarin mo ako, ang laking kasalanan ko sa kanya, Anaaaaaaaa,” Palahaw ng
panangis si Kristoff na animo ay namatayan.
Minabuti ni Sir Reyes na ipasok muna sa kanyang opisina at ihiga sa
sofang naroon. Pinakalma naman ang
pagiging histerikal ng lalaki at nang kumalma na ay nagkwento na sa kanyang
Boss
“Sir,
kapatid ko po si Ana, siya po ang sinasabi ko sa inyong kapatid ko na
ipinamigay ko sa iba Anaaaaaaaaaaaaaaaaa huhuhu. Sir, gusto ko pong makita si Ana, gusto ko
pong magpunta ng ospital, sige na po huhuhu.”
Walang tigil na paghingi ng tawad ni Kristoff habang wala ring tigil sa
paghagulgul kahit na hindi naman naririnig ni Ana
“Diyos
ko, ang tagal tagal na ni Ana rito, nagkaasawa at nagkaanak na ay narito lang
pala ang hinahanap mong kapatid. Hindi
ba dapat ay matuwa ka at hindi umiyak.”
“Malaki
po ang kasalanan ko sa kanya.” Ikinuwento na ni Kristoff ang mga kasungitang
ginawa niya kay Ana.”
-----o0o-----
Hindi
mapigil ang panginginig ng katawan ni Kristoff habang papalapit na sa emergency
room kung saan naroon pa si Ana.
Inaalalayan siya ni Mr. Reyes.
Nakita kaagad niya si Kiel na
nakaupo sa isang silya roon. Kaagad
naman siyang nilapitan ng lalaki. Bakit
ka nagpunta rito? Bakit nanginginig ka
at umiiyak?” sunod sunod na tanong ni Kiel.
“Kumusta
si Ana Kiel, nasaan siya, anong nangyari, sinaktan mo na naman ba siya ha.”
Tanong ni Kristoff habang pinagpapapalo ang dibdib nito.
“Huminahon
ka Kristoff, kumusta si Ana Kiel.” – si Mr. Reyes.
“Nasa
loob pa po ang doctor, lalabas na po siya.
Anong nangyari sa iyo Kristoff, bakit ka nagkakaganyan.”
“Kapatid
ko siya Kiel, ang kawawa kong kapatid na kinawawa ko pa ng husto huhuhu. Gusto ko siyang makita, gusto kong makahingi
sa kanya ng tawad. Anong nangyari sa
kapatid ko Kiel.” Humihikbi pa rin si Kristoff sa balikat ni Kiel.
“Hindi
ko alam Kiel, hindi ko alam na siya ang kapatid ko na nawalay sa akin mahigit
20 taon na huhuhu. Kung nalaman ko lang
sana kaagad ay hinayaan ko na lang ang inyong pagsasama. Pero ano itong ginawa
ko. Naging kabit pa ako ng asawa ng
kapatid ko, naging kerido pa ako ng asawa ng sarili kong kapatid. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Matapos
ko siyang ipamigay ay ganito pa ang aking ginawa. Ahhhnnnnnnnggggggg huhuhu
ahnnnnnggggg huhuhu.”
“Wala
kang kasalanan, hindi mo naman alam. Ako
naman talaga ang may kasalanan. Ako ang
dapat sisihin.” – si Kiel. “Nag away
kami dahil ipinagkalat niya ang nakaraan at sa iyo pa. Totoong sasaktan ko siya kaya tumakbo at sa
pagmamadali ay nadulas sa hagdanan.
Nagisisi na naman ako, hindi ko dapat ginawa iyon. Mabigla kasi ako kaya ako ang sisihin mo at
hindi ikaw.”
“Saka
na nating pagusapan iyan, doon na lang sa bahay at may mga ibang tao rito. Ayan na pala ang doctor.”
“Okay
na siya, ililipat na namin sa regular room.
Wala naman nakitang damage sa utak.
Wala na kayong dapat ipag-alala.
Mga ilang araw lang ay makakalabas na siya, pahinga lang ng konti. Sige at maground pa ako sa ibang pasyente.”
Paalam ng doctor.
“Dok,
sandali lang po. Pwede na po ba siyang
kausapin.”
“Pwede
na, huwag lang masyadong matgal.”
Maya
maya ay may inilalabas na isang trolley bed at nakahiga roon si Ana. “Sunod na lang po kayo sa amin.” Wika ng
aide.
Sa
isang private room na kinuha ni Kiel dinala si Ana. Malaki ang room at kumpleto ang gamit, ref,
tv extrang kama sa magbabantay. Inilipat
na rin si ana sa mas malaking hospital bed.
“Kumusta
pakiramdam Ana.” – si Kristoff.
“Mabuti
na namaan po Sir Kristoff. Bakit po kayo
naiyak?”
“Wala,
wala ito, magpagaling ka ha at may paguusapan tayong mahalagang bagay. Importante ito para sa ating dalawa.”
“Sir,
hindi po ako maghahabol, kung tungkol kay Sir Kiel. Handa po akong makipaghiwalay na sa
kanya. Matagal ko na pong sinabi ang
tungkol doon sa kanya, hindi ba Sir.”
“Hindi
tungkol doon ang paguusapan natin. Basta
magpagaling ka muna. Saka kung ano man
ang naging pagkukulang ko sa iyo ay mapatawad mo sana ako.”
“Naku
Sir, wala po, ako nga po ang may pagkukulang eh. Syanga pala, yung payroll po ay nakalimutan
kong dalhin sa mesa ninyo kahapon. Nasa
loob po ng aking drawer.”
“Nakita
ko na, ako na ang bahala.”
“Si
Junior, sinong naiwan kay Junior Kiel.”
“Kasama
niya ang kanyang yaya. Hindi siya
pababaayaan ng yaya niya at mahal na rin niya ang bata.”
“Gusto
ko munang matulog Sir. Parang inaantok
ako.”
“Sige
lang, matulog ka na. Babalik din muna
ako sa office. Mamaya ay dito ako matutulog, babantayan kita..”
“Naku
Sir, maabala ko pa po kayo. May mga
nurse naman pong mag-aasikaso sa akin.”
“Basta.
Kiel bahala ka muna kay Ana.”
Laking
ginhawa sa dibdib ni Kristoff nf malamng ligtas na si Ana. Gusto niyang paghandaan ang paglabas niya ng
Ospital.
-----o0o-----
Gabi
gabi na nagbantay si Kristoff kay Ana.
Wala pa rin kaideideya ang babae sa relasyon sa kanyang Boss.
Apat
na araw ding nanatili sa ospital si Ana.
Pagdating sa bahay ay nasorpresa pa siya dahil sa may malaking tarpolin
na nakasabit sa may pintuan ng bahay na may nakasulat na “Welcome Home Ana
Marie Ocampo Castro Reyes.”
“Ano
ito, bakit may ganito pa.” usisa ni Ana.
“Thanksgiving
at get well party. Si Sir Kristoff ang
may pakana nito.” Wika ng isang empleyada na kasamahan ni Ana sa departamento.
“Eh
nasaan siya, gusto kong magpasalamat sa kanya.
Alam ba ninyo na siya ang kasama ko sa gabi sa buong pag tigil ko sa
ospital. Nahihiya nga ako eh. Akala ko eh tuluyan na niyang hindi ako
kikibuin.”
“Nasa
kusina yata at hinahanda ang ating pagkain hehehe.” Wika uli ng empleyada.
Lumabas
na si Kriatoff at kalong pa ang batang si Junuior, kasunod din naman si Kiel na
may bitbit na isang cake. Nagkantahan
naman ang mga bisita na pawang taga accounting department at ilan sa production
ng “Happy Birthday.
“Hindi
ko naman birthday.”
“Dahil
ito ang second birthday mo dahil nakaligtas ka sa aksidente.” – si Kristoff
“Blow mo na ang candle.”
Hihipan
na niya ang kandila ng mapansin niya na may dalawang set ng litrato. “Bakit nariyan ang litrato ko noong bata pa ako,
at sino ang lalaking kasama ko sa isang litrato?” nagtatakang tanong ni
Ana. Natahimik ang lahat. Nagsalita si Kristoff.
Ang
salo salong ito ay para ipagpasamat ang mabilis na paggaling nang isa nating
katrabaho na si Ana. Dalawa na ngayon
ang ipagdiriwang niyang kaarawan, una ang kanyang pagslilang at pangalawa ay
ang pagibibigay pa ng pangalawang buhay dahil nakaligtas siya sa isang
aksidente.
Napansin
ninyo na may dalawang set ng litrato sa kanyang cake. Ang isa ay nakuha ko sa kanyang drawer at ang
isa ay ang nagiisang larawang naitago ko noong bata pa ako.
“Ana,
ikaw ba ang batang babaeing ito?” tanong ni Kristoff na itinuro ang larawan ng
batang babae na nakuha sa kanyang drawer.
“Sir
ako po yan. Apat na taon pa lang po ako
niyan at Mommy ko ang may kalong sa akin.
Sir, hindi ko po nasabi sa inyo, ampon lang po ako nina Mommy.”
Tunango
tango lang si Kritoff. Nagtataka naman
ang mga nakapalibot na officemate.
Itinuro naman niya isa pang larawan ng babae na katabi naman ang isa
pang batang lalaki. “Sa palagay mo ay
sino ang batang ito.”
“Sir,
wala po akong ideya kung sino po iyan, pero kamukhang kamukha ko po siya ng ako
ay bata pa, hindi kaya kakambal ko siya.
Iyon ba ang sorpresa ninyo sa akin?”
“Wala
ka bang natatandaan. Hindi mo ba natatandaan
ang lalaking ito.”
“Sir,
wala po akong natatandaan.”
“Ana”
bigkas ni Kritoff sa pangalan ni Ana na nangingilid na ang luha. Ipakikilala ko sa iyo kung sino ang lalaking
iyan. Ang batang iyan ay siya ngayong
nasa harapan mo. Ako ang batang iyan at
ngayon ay konpirmado na na ikaw nga ang aking kapatid. Ana, patawarin mo ako. Napilitan kitang ibigay sa babaeng matabang
iyan dahil sa ating kahirapan. Ulila na
tayo at wala akong kakayhan na buhayin ka.”
Hindi na nakuha pang ipagpatuloy ni Kristoff ang kanyang sasabihin dahil
nanginig na ang kanyang boses.
“Ikaw
ang kapatid ko Sir? Kayo po ang sinasabi
ni Mommy na kapatid ko?” Tulo ang luha ni Ana na niyakap ang kapatid.
“Ako
nga ito Ana, ang walang kwenta mong kapatid.
Hindi ko naman pinagsisihan na ibigay ka sa kanila kahit na labis akong
nasaktan dahil alam kong gaganda ang iyong buhay. Pero ipinangako ko rin sa aking sarili na
hahanapin kita, 20 taon na ang nakalipas at kahit papano ay bumiti rin ang aking
kabuhayan sa sarili kong pagsusumikap.
Ikukywento ko sa iyo lahat ng aking pinagdaanan. Ang gusto ko lang ay humingi sa iyo ng tawad
sa mga pagsusungit ko sa iyo. Hindi ko
alam na ikaw ang hinahanap kong kapatid.”
“Kuya
wala kang kasalanan, ganun pa man ay alam kong gusto mong marinig mula sa akin
ang parawad kaya pinatatawad na kita kuya kahit wala kang kasalanan.”
Tuwang
tuwang nagyakap ang dalawa. Humirit din
bigla si Kiel.
“Ana,
maging ako ay gustong humingi rin sa iyo ng tawad, alam kong baka hindi mo ako
kayang patawarin dahil malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Gusto ko ring aminin sa iyo na nitong
magkaanak na tayo ay unti unti na kitang natutuhang mahalin, kaso lang ay ikaw
ang lumalayo sa akin. Alam kong dahil
iyon sa hindi mo ako mahal at nag-aalala ka rin dahil alam mong may relasyon
kami ng hindi mo pa nakikilalang kuya noon.
Patawarin mo ako. May gusto pa
akong sabihin sa iyo pero in private na lang.”
Masaya
ang lahat, mas higit sina Kristoff at Ana.
Nang matapos na ang party ay nagusap usap na sila kasama na si Mr. Reyes.
“Alam
kong hindi mo ako kayang mahalin Ana kaya pumapayag na ako na ipawalang bisa
ang ating kasal at sa iyo ko ibibigay ang karapatan sa bata. Bukas na bukas din ay aasikasuhin ko na ang
pagpapawalang bisa ng ating kasal.”
“Hindi
ako sang-ayon sa sinabi mo Kiel. Paano
ang pamangkin ko, lalaki silang sira ang pamilya. Sir, ano po ang opinyon ninyo.” Wika ni
Kritoff.
“Ako
may ay hindi pabor, anong gusto nyo, mawalan ako ng karapatan sa aking apo?” si
Sir Reyes.
“Kuya,
alam kong mahal mo si Kiel at hindi ko hahadlangan ang pagmamahalan ninyo.” Si
Ana.
“Bakit
Ana, wala man lang ba ikaw naramdaman kahit konting pagmamahal kay Kiel? Huwag mo akong isipin, madali akong
makakakuha ng kapalit niyan hehehe.”
“Hindi
ko alam kung anong damdamin mayroon ako sa kanya sa ngayon kuya. Gusto ko rin naman na lumaki si junior na may
nag-aalagang ama at ina, kaso lang ay…”
“Liligawan
kita, kahit huli na ay liligwan kita para lang matutuhan mo akong mahalin, Oo
mahal ko pa rin ang kuya mo, pero mas mahal na yata kita eh hehehe. Pwede naman ipagpatuloy ang pagiging kerido
niya hindi ba.”
Tiningnan
siya na masama nina Kristoff, Ana at ni Mr. Reyes. “Gago talaga ito, seryosong usapan ay
dadaanin sa lokohan. Umayos ka.” Si Kristoff.
“Subukan
muna ninyong mahalin ang isat isa. Basta
wala munang pag-uusapang hiwalayan.”
Nagkaayos
naman sila. “Pwede bang dito muna ako
matulog sa kwarto mo Ana. Marami akong
ikukuwento sa iyo.” –si Kristoff.
“Ako
na rin, gusto kong marinig ang kwento ng buhay mo.” – si Kiel.
Hindi
napigilan na maluha si Ana sa kwento ng buhay ng kanyang kapatid, maging si
Kiel ay nadala na rin ng drama sa buhay ng dating kasintahan.
Naging
happy naman ang ending ng magkapatid at maging ng mag-asawang Kiel at Ana.
Wakas………………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento