Barkadang Mamamakla (Part 13) (Finale)
Kambal na Ligaya
Magaan na magaan ang aking
pakiramdam simula ng mangyari iyon.
Masigla ako sa aking trabaho, walang reklamo kahit pa matambakan ng
ginagawa.
Para na ngang nanliligaw sa akin si
Dylan, tuwing umaga ay babatiin ako ng “Good Morning at kung oras ng pagkain ay
magtatanong kung kumain na ako.”
Araw araw ay nakakatanggap din ako
sa kanya ng isang pulang rosas na personal niyang ibinibigay sa akin sa
opisina. Kinikilig naman ang mga
katrabaho ko. Huwag na raw akong
magpakipot at sagutin ko na raw dahil sinasabi kong hindi pa kami, na totoo
naman. Kapag nagtatanong naman kung may
nangyari na ay “No Comment” ang aking tugon.
Magdadalawang lingo na ng simulan
niya akong ligawan, dinadalaw din niya ako sa bahay pero wala munang contact
hehehe. Dahilan ko ay hanggang hindi pa
kami ay wala muna, tutal naman ay naka advance na siya hehehe. Okay lang naman daw at may maria naman daw
siya.
Minsan isang gabi ay nagvideo chat
kami ni Dylan. Naka make up at lipstick ako noon. Sinubukan ko uling magpraktis kasi sa
pag-make-up, gusto kong gayahin si Paolo hehehe, joke lang naman, hindi ko
kaya. Hangang hanga siya sa ganda
ko. Sana raw, pagdalaw niya sa Lingo, ay
ganito ang ayos ko. Ipapasyal daw niya
ako. Nginitian ko siya, hindi naman ako
tumanggi o pumayag.
Dumating ang Lingo, ready na naman
ako dahil susunduin daw niya ako ng 10AM. Isinuot ako ang binili kong maiksing
strap dress na hapit sa aking katawan, nagmukha talaga akong isang tunay na
babae.
Sakto sa oras naman siyang
dumating. Ayan na naman siya at walang
kakurap kurap ang matang tinitigan ako.
“Ang gandga ganda talaga ng babe ko,
nag wig pa talaga. Hindi ka makikilala
sa labas, maniwala ka. Hindi nga kita
kaagad nakilala eh. Kaya lang ay motor
lang ang dala ko at hindi kotse, kaya mo bang umangkas ng pasaklang?”
pag-aalala ni Dylan.
“Dalagang Filipina ako, ano ka ba.
Syempre upong binibini, pa side.” Sagot ko sa boses babae.”
“Gusto na kitang ipakilala sa
parents ko, sasabihin ko na ikaw ang magiging ina ng anak ko.”
“Sira ulo to. Mabubuntis ba ako, tumigil ka nga.”
Naglakad muna ako papuntang
karsada. Mabuti at wala masyadong naka
tambay. Umangkas na ako, nakita ko pa si
Makoy ng umandar na ang motor.
“Si Vernie yun ah.” Nadinig ko pang sabi ni Makoy.
Mahaba haba rin ang aming tinakbo,
dinala niya ako sa isang Japanese garden na papaakyat sa bundok. Maganda ang tanawin, isa pala itong parang
libingan o memorial park para sa mga sundalong Hapon na namatay noong gyera.
Kumuha kami ng video at mga
larawan. Selfie baga, palagi pang
nakaakbay sa akin at huwag ka, sa tuwing may titingin sa aking binata ay
hinahatak kaagad ako. Nagseselos. Naniwala na tuloy ako na maganda ako at
walang makapagsabi na isa akong bading dahil pati boses ko ay sa babae. Normal na babae ang kilos ko at hindi pilit.
Nagugutom na raw si Dylan dahil
hindi siya nakapag-almusal. Babalikan na
lang daw namin ang lugar na ito at kakain daw muna kami. Doon niya ako dinala sa mas mataas na Lugar,
sa Caliraya Lake. Maganda rin ang lugar at man made lake lang pala ito na nasa
pagitan ng dalawang bundok. Maraming
magagandang resort, na sabi niya ay pagiipunan niya para mag overnight kami
roon minsan.
Selfie muna syempre bago kami kumain
sa isang restaurant doon. Matagal tagal
pa kaming nag-stay doon pagkatapos kumain, mag four na ng kamiy bumalik uli sa
Japanese Garden. 5PM na kami bumalik sa
aming baranggay.
Nasa gate na kami ng may sumigaw ng
Vernie. Hindi ko naman pinansin iyon
dahil sa hindi naman ako si Vernie.
Nakapasok na kami ng muling may sumigaw.
“Vernie, sandali lang. Suplado mo naman ngayon ah.” Wika ng sumigaw
na nakilala ko na si Makoy.
“Si Makoy iyon, ikaw yata ang
tinatawag.” Mahinang wika ni Dylan.
Nilingon ko siya. Si Makoy nga.
“Makoy, ikaw pala, ano atin?” Bati ko.
Naalala ko nga pala na Vernie ang pakilala ko sa kanila dahil hindi nila
ako namukhaan na si Ben din.
“Wala lang, nakita lang kita pati
kangina ng umalis kayo. Saan kayo
galing. Hindi ka namamansin ah.” Tugon niya na may bahid ng sumbat. Alam kong biro lang din iyon.
“Ito naman, hindi lang kita kaagad
nakita. Gusto mong pumasok muna?”
“Hindi na, mamaya tambay ka naman sa
river control, isama mo ang BF mo, Dylan di ba?”
“Sige, nariyan na ba sila.”
“Naroon na si Orly at Ronron, hindi
mo pa kilala yun, barkada din namin.
Sabihan mo rin si Kuya Ben na bumaba rin.”
Umalis na rin siya dahil may
bibilhin lang daw para sa ina.
“Sino yung Vernie na tinawag niya,
ikaw ba rin yun?” Usisa ni Dylan
“Oo.
Noon una akong mag-ayos babae ay nakitambay ako sa kanila. Hindi nila talaga ako nakilala at ang
pakilala ko ay Vernie hahaha. Ang lalabo
ng mata kasi. Hindi muna ako
nagpakilala, gusto ko pa silang lokohin hahaha.
Baba tayo ha, magpapakilala na ako.
Baka ligawan pa nila ako hehehe.”
“Dapat lang ano, may makakaribal pa
ako ay boyfriend na ang pakilala mo sa akin.”
Bago kami bumaba ay sumilip muna ako
sa terrace. Nadinig ko pa na binabalita
na ni Makoy na narito si Vernie at sinabihan na bumaba.
“Talaga! Masisilayan ko na naman ang magandang dilag
na liligawan ko hehehe.” Si Ivan yun.
Kung alam lang niya na ilang beses na niyang nayari ang akala nila ay si
Vernie na tunay hahaha.
Bumaba na kami ni Dylan. Naroon na nga ang apat na sina Makoy, Orly,
Ronron at Ivan. As usual, wala si Jomar.
“Kumpleto pala kayo ah, anong meron
at parang nagkakatuwaan kayo ngayon.” Bati ko sa kanila.
“Wow! Ang ganda ganda nga. Ako nga pala si Ronron, ang iyong lingkod.”
Pakilala ni Ronron.
“Epal naman ito. Wala naman.
Gusto lang namin kumain ng fried siomai, nagpaluto kami kay Jomar. Hintayin mo na para matikman mo rin.” Wika ni
Makoy.
“Softdrinks ba ang binili mo ng
makita kita kangina.” - ako
“Sinabay ko lang, may pinabili kasi
sa akin si Nanay.” Tugon ni Makoy. “Ayan
na pala si Jomar, dala na ang order natin.”
Para akong kinabahan nang makita ko
si Jomar. Iba kasi ang tingin niya sa
akin. Alam na niyang ako rin si
Ben. Ayaw kong mabisto ako ng barkada ng
dahil sa kanya. Gusto kong ako ang
magsabi na totoo sa kanila.
Inabot ni Jomar ang plastic ng pagkain
kay Orly. Masama talaga ang titig sa
akin. Ewan ko lang kung napansin nila at
maging ni Dylan. Baka mag-away pa ang
dalawa.
“Hindi ba ninyo ako pakikilala sa
magandang dilag sa tabi mo Dylan?” wika ni Jomar.
Si Makoy na ang pumapel. “Jomar, si Vernie nga pala, pinsan yata ni
Kuya Ben”
Lumapit si Jomar at inabot ang kamay
sa akin. Akala ko ay
makikipagkamay. Naisip ko na baka hindi
niya ako natandaan kaya inabot ko rin ang aking kamay, nang bigla niya akong hatakin
at nagdikit ang aming katawan saka ako hinalikan sa labi, Mariin talaga at napasok kaagad ng dila ang
bibig ko. Hindi kaagad nakakilos ang
barkada sa pagkabigla. Nagpumiglas lang
ako kaya sila natauhan.
“Bastos ka ah!” Akmang susuntukin na
siya ni Dylan, napigilan lang ni Ivan na siyang katabi niya.
“Vernie! Hindi ito si Vernie, si Kuya Ben ito, ano
kayo bulag?” pasigaw na wika ni Jomar.
“Nakupo lagot. Kaya nga ba ako kinakabahan eh.” Mahinang
sabi ko.
Nagtinginan silang lahat sa akin,
pinagmasdan nila talaga ako, sinipat sipat.
Itong si Makoy ay pasaway talaga, hinawakan ako sa baba at ipinaling
paling ang aking mukha habang matamang pinag-aaralan ako.
“Anak ng pating o! Si Kuya Ben nga. Na goyo mo kami Kuya Ben, akala ko talaga ay
tunay kang babae, may boobs ka pa at nakuha mo pang magsuot ng maiksi. Galing ah.
Ang ganda ganda mo pala kung naging tunay kang babae, tanga lang talaga
itong Jomar na ito eh, kanya na, binutata pa.”
“Sorry sa inyo ha, hindi ko naman
talaga kayo balak na lokohin eh.
Sasabihin ko na nga sana sa inyo ang totoo kaya lang itong sira ulong
ito ang pasaway eh. Agad nanghahalik.”
“Nagustuhan mo naman, ayan at parang
hindi ka maka get-over at panay ang haplos mo sa labi. Masarap ba?” maangas na wika ni Jomar.
“Bastos pala talaga itong isang ito
ah. Pano ninyo naging kaibigan ang
lokong iyan?” si Dylan at susugurin na naman si Jomar. Hindi naman siya binitiwan pa ni Ivan.
“Tandaan mo kupal ka, Mapapasa akin
muli yang si Vernie mo, pero ang ganda mo talaga, pwede bang ganyan ka na lang
palagi hehehe.” Wika ni Jomar na nagpa bilis na naman ng tibok sa aking
dibdib. “Liligawan ko uli siya at hindi
ako papayag na makuha siya ng iba, ako ang una niyang minahal.” Tuloy pa ni
Jomar.
“Uy hindi ah, ako kaya ang una
niyang minahal.” Singit ni Ivan. Isa pa
ito, sumingit pa eh hindi na naman kasali.
“Ay ang gulo gulo ninyo, kumain na
nga lang tayo Orly, hayaan na lang nating na magtalo ang mga iyan. Lalamig pa itong siomai.” – si Makoy.
Ang mga walanghiyang matatakaw at
iniwan na lang bigla kami. Eh kanina pa
ako naglalaway sa fried siomai kaya naki join na rin ako kina Jomar at hinayaan
ko na lang ang dalawa. Lumayo pa sila
bahagya, para mag-usap.
“Ano kayang pinaguusapan ng dalawang
iyon? Ubusan na nating ng siomai, bitin
ako eh pag titirhan pa natin ang dalawa” - si Ivan.
To cut the story short ay naubos
naming ang fried siomai at naubusan na talaga si Dylan. Tila nagkasundo na rin naman ang dalawa. Nagpaalam na kami sa barkada, sumama pa sa
amin si Jomar at ipaalam daw sa akin ang napagkasunduan nila.
Pumayag si Dylan na manligaw uli si
Jomar sa akin. Inamin naman niya na wala
pa kaming pormal na relasyon kahit na may nangyari na sa amin minsan. Basta wala raw samaan ng loob kung sinong
aking mapipili. Mahal daw nila ako
pareho.
Sinabi ko naman sa kanila na libre
silang manligaw ng kung sino mang napupusuan nilang bading hanggat hindi pa
opisyal ang relasyon ko sa kanila. Kapag kami na ay hindi na pwede.
Libre din silang manligaw sa babae
kahit na opisyal na ang relasyon sa kahit sino sa kanila huwag lang sa
nabibilang sa third sex.
Nagkasundo na kami ng tuluyan.
-----o0o-----
Ganun nga ang nangyari. Patuloy na nagbibigay sa akin araw araw si
Dylan ng isang Red Rose samantalang si Jomar ay may palagi akong side dish at
fried siomai sa mga order naming pagkain
sa munisipyo. Naging tampulan tuloy ako
ng tukso. Ang haba haba na daw talaga ng
hair ko dahil dalawang nag-gagandahan lalaki ang kandarapa sa akin, lapat na
raw sa floor hehehe.
Patuloy din ang padala sa aking ni
Dylan ng mga sweet messages at laging may pagbati sa akin sa umaga, sa gabi at
laging nagtatanong kung kumain na ako at kung ano ano pa. Madalas din ang aming video call sa
messenger.
Sabado ang dalaw sa akin ni Jomar sa
bahay at si Dylan ay Lingo. Hindi ko na
sila pinadadalaw ng ordinaryong araw para naman hindi kami maabala pare pareho.
Umabot na ng isang buwan ang panunuyo nila sa akin pero hindi talaga ako
makapagdesisyon.
Nakwento ko rin naman kay Junie ang
panliligaw sa akin ni Jomar para naman hindi sumama ang loob niya at magalit sa
akin sakaling piliin ko si Jomar at malamang karelasyon ko na ang dati niyang
BF.
Sabado, araw ng dalaw ni Jomar. Pinipilit na niyang sagutin ko siya. Mahal ko pa rin naman siya kaya lang ay mahal
ko na rin si Dylan. Wala akong itulak sa
dalawa. Sana lang ay pwedeng puro
kabig.
Tinabihan ako ni Jomar sa sofa,
nilambing lambig na dati niyang ginagawa, yung bang aakbay sa akin at sisinghot
singhotin ang aking leeg at buhok at hihipan pa ang aking tenga. Kinikislig ako kapag ganoon. Nakatitig sa akin at nakikiusap talaga na
siyang aking piliin. Bigla ba naman
akong hinalikan, masarap, nasabik din naman ako sa halik na iyon ni Jomar. Gumanti ako at hayun nauwi na naman sa
totnakan. Ang rupok ko talaga. Hindi ko pa rin siya sinagot kahit na may
nangyari na naman sa amin.
Nang linggo naman na si Dylan ang
aking bisita ay pilit na pilit din.
Naisip ko tuloy na nag pustahan ang dalawa na sa loob lang ng isang
buwan ay sasagutin ko na ang isa sa kanila.
Tulad ni Jomar ay nakuha rin ako sa lambing. Bumigay din ako kay Dylan. Wala rin siyang nahita.
Panibagong lingo na naman, tuloy
lang ang dalawa, walang sumusuko. Bago
sumapit na naman ang sabado ay nag message ako sa dalawa. Sinabi ko na sa Lingo na lang sila pumunta ng
bahay, sabay sila at pipiliin ko na ang sasagutin ko
Dumating ang Lingo, naunang sumulpot
si Dylan, kasunod din naman kaagad si Jomar.
Naghapunan muna kami dahil sinabi kong magluluto ako para sa
kanila. Matapos kumain ay nagtungo na
kami sa sala para doon magusap.
Nag ring ang aking cell phone,
tumatawag si Makoy. Sinagot ko naman at
nakikiusap na si Jomar na lang daw ang sagutin ko. May nagkakaingay akong naririnig sa kabilang
linya na nag tsi-cheer kay Jomar.
Malamang na ang mga mamamakla ang mga iyon. Syempre, kanino pa sila kakampi. Inopen ko
ang speaker para marinig ni Jomar ang sinasabi ng barkada niya bago ko pinutol
ang usapan.
“Grabe ang support sa iyo ng barkada
mo ah. Kaya lang ay baka mapahiya ka sa
kanila pare koy.” Pangaasar ni Dylan.
“May dala ka bang panyo. Siguradong uuwi ka ng luhaan.” Ganting
pang-asar naman ni Jomar.
“Tama na yan, tumigil na kayong
dalawa at baka magkasakitan pa kayo.
Umuwi na kayo pareho dahil wala akong napili sa inyong dalawa. Nakakain na naman kayo kaya uwi na.” ang sabi
ko.
Nagulantang ang dalawa sa aking
sinabi, hindi makapaniwala, hindi naman daw pupuwede ang ganon. Pareho daw naman nilang pinakita ang
pagmamahal nila sa akin at dapat daw na may piliin ako sa kanila.
“Ang totoo ay nahirapan talaga akong
pumili sa inyo. Nasa inyo lahat ang
gusto ko sa magiging future partner ko, hindi lang naman sa gandang lalaki ako
nagbase, maging sa ugali at pareho naman kayong pasok sa akin. Kaya para walang samaan ng loob ay wala na
lang akong pipiliin at para na rin huminto na kayo sa panliligaw at mapapagod
lang kayo at maging ako. Baka masiraan
pa ako ng ulo.
“Minahal mo ba ako Kuya Ben?” tanong
ni Dylan.
“Oo naman. Minahal na kita. Kung hindi nga lang sumingit muli itong si
Jomar ay baka sinagot na kita matagal na.”
“Yun naman pala eh, di sa akin ka na
lang.” pangungulit ni Dylan.
“Tumigil ka nga Dylan. Ako ba Kuya Ben, mahal mo pa rin ba ako.?”
“Oo, hindi naman nawala eh kahit na
niloko mo ako at sinaktan. Naka move on
na naman ako ng dumating si Dylan kaya lang ay humabol ka pa eh. Pinakita mo naman na nagsisisi ka kaya
karapat dapat lang na bigyan ka pa ng second change. Sana!
Kaya lang ay ayaw kong may masaktan kahit isa sa inyo kaya nagdesisyon
akong wala na lang piliin sa inyo. Final
answer na iyon.”
“Pwede namang dalawa kami eh, di ba
Jomar?” sabad ni Dylan sabay tabi sa akin at inakbayan pa ako.
“Pwedeng pwede Dylan.” Sang-ayon
naman ni Jomar at tinabihan din ako at inakbayan. Magkasabay pa akong hinalikan sa aking
magkabilang pisngi.
Naguluhan ako sa ibig nilang
mangyari, pero hindi na ako nakapagbigay ng opinyon dahil nag-aagawan na slla
sa aking labi. Nagbigay daan na muna si
Dylan at si Jomar na muna ang umangkin sa aking mga labi tapos sy si Dylan
naman.
Napaisip ako sa mga sumunod na
pangyayari, parang alam na alam na nila ang mangyayari at marahil ay may
pinagkasunduan na talaga ang dalawa bago pa man magpunta rito. Hindi man lang tumanggi si Jomar sa
proposisyon ni Dylan.
Well, kung iyon ang gusto nila eh di
payag na rin ako. Pinagsaluhan na nila
ako. Sarap na sarap talaga ako. Dalawa
ang sabay na nagbibigay ligaya sa akin, kambal na ligaya talaga.
Niluhuran ko rin sila, magkatabi sila sa sofa
kaya salitan ako sa pagsubo sa kanilang matatabang burat. Maligayang maligaya ako sa pangyayari, may 13th
month pay na, may bonus pa hehehe.
Bising bisi ako sa pagtsupa sa
dalawang mahahabang burat na may madinig akong pamilyar na tunog. Tumingala ako
at hindi nagkamali sa aking hinala.
Naghahalikan na ang dalawa at naglalamasan pa ng dibdib at utong. Ang sarap ng kanilang halikan, sipsip dila at
laway talaga.
Nakita nila akong nakatingin sa
kanila, may kindat pa ang dalawa at nagpatuloy sa paghahalikan. Grabe ang saya ko hehehe salo salo kami sa ligaya.
Gusto na akong pasukin ni Jomar
dahil matagal na matagal na raw ng huli niya akong maangkin. Ayaw namang pumayag ni Dylan at gustong siya
muna ang mauna. Problema na naman.
Nagkatitigan ang dalawa bago ako
tinignan. Napatayo ako dahil nahulaan ko
ang gusto nilang mangyari.
Hindi ko na alam kung paano ko
nakaya ang ang pagsabayin ang matatabang burat na iyon sa iisa kong butas.
-----o0o-----
Marami pa kaming dapat na
pagkasunduan, mga bagay bagay na kami na lang muna ang maguusap at
makakaalam. Ang mahalaga ay
nagkakaunawaan kaming tatlo at masaya kami parepareho. Sana lang ay magtagal kami na ganito.
The end. Tapos na po.…………….
What if si dylan at jomar talaga ang ending ahahahahaha
TumugonBurahin