Rigodon
de Amor (Si Basti, Si Vince at Si Arlo) - Part I
Isang mini grocery store
ang itinayong negosyo ng pamilya ni Sebastian Cruz o Basti sa may Katipunan
malapit sa LRT. Kasosyo niya dito ang
kanyang mga magulang at dalawang kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa. Style 7-11 ang kanilang grocery pero mas mura
ang kanilang paninda kumpara doon dahil hindi sila nagrerenta sapagkat pagaari
nila ang kanilang pwesto. Si Basti ang
tumatayong Manager, paminsan minsan ay kahera, stock clerk at kung ano ano
pa. Siya talaga ang namamahala dito
sapagkat may sariling negosyo din ang kanyang mga magulang.
27 years old na si Basti
at single. No known boyfriend or girlfriend.
Hindi naman siya mukhang bakla at hindi talaga mapagkakamalang
bakla. Pihikan lang daw siya sa
babae. Gwapo sa pangkalahatan at may
height din naman.
Anim lang ang kanilang
empleyado, dalawang kahera na parehong babae at apat na tagaayos ng stocks sa
bodega at sa display area. Dalawang
shifting. Tatlong staff, kasama ang isang kahera sa 6 to 3 shift at tatlo rin
sa pangalawang shift na 12 to 9 ng gabi.
Dalawa sa empleyado niyang
lalaki ay magkapatid, sina Arlo at Vince, edad 19 at 20 at si Vince ang
20. Rekomendado siya ng kanyang magulang
dahil dati nilang naging kasambahay ang namatay na nilang ina, at bilang tulong
ay ipinasok na lang sa kanilang grocery. Magkahiwalay sila ng shifting, at una
ang bunsong si Arlo.
Dating pangangalakal ang
ikinabubuhay nina Arlo. Nang mabalitaan
ng mama ni Basti na namatay na ang kanilang kasambahay dati ay agad na inalam
ang tinitirhan nito. Pinuntahan niya ang
bahay nila at nakita ang hindi magandang kalagayan ng mga iniwang anak. Dalawang lingo na palang naililibing ang ina
nina Arlo at Vince at saka lang nalaman ng ina ni Basti na matagal na silang
iniwan ng kanilang ama at sumama sa ibang babae. Wala na silang balita simula ng iwan sila ng
ama. Sa awa ng ina ni Basti ay pinapunta
niya ang dalawa sa kanilang grocery para bigyan ng trabaho. Tamang tama naman at talagang nangangailangan
si Basti ng karagdagang trabahador.
Laking pasalamat ng magkapatid sa ibinigay na trabaho sa kanila. High school lang ang kanilang natapos kaya
hirap silang humanap ng magandang trabaho.
Sa pangqngangalakal na lang sila nabubuhay. At iyon na ang simula ng kanilang panibagong
buhay.
Sa bahay na nina Basti
sila pinatitira para hindi na nila kailangan pang magbyahe, pero mas pinili pa
rin nila ang manirahan ng sarili sa dati nilang bahay. Hindi naman kalayuan at isang sakay lang sa
jeep.
May angking kagwapohan ang
magkapatid at parehong 5”6’ ang taas.
Magkaiba lang sila sa pag-uugali.
Masayahin si Arlo at palaging nakangiti, palakaibigan at palabiro
din. Malakas ang karisma sa mga babae at
kunwaring babae. Si Vince naman ay
mahiyain, walang kibo at hindi pala usap.
Pareho naman silang masipag at mapagkakatiwalaan.
Simula ng dumating ang
dalawa ay malaki din ang ipinagbago ni Basti.
Dati ay pirmi lang ito sa kanyang opisina at bababa lang kung may
kailangan o may itatanong. Ngayon ay
madalas na siyang tumatambay sa tindahan at sumasabay pa sa pagkain tuwing
tanghalian.
Hindi naman nilalagyan ng
kahulugan ng ibang empleyado ang pagbabago ng kanilang boss dahil sa pagdating
ng magkapatid. Naninibago lang talaga
sila. Lagi ding nitong kinakausap kundi
si Arlo ay si Vince. Tuloy pag sila sila lang ay napaguusapan nila ang kanilang
boss.
---------------oOo---------------
Nagtsetsek ng inbentaryo
si Basti sa kanyang computer, gagawa na kasi siya ng purchase order sa iba’t
ibang supplier. Pinatawag niya si Vince.
Basti: Vince, paki tignan mo nga ang bilang ng
mga ito. Dito kasi sa computer ay
kokonti na at ang iba ay zero na. Ang
alam ko ay ka oorder lang natin ng mga iyan.
Vince: (Kinuha ang listahan. Binasa muna ng konti.)
Okay po boss. Ngayon din po.
Kahera 2: Anong sabi?
Vince: Pinatsetsek lang ang bilang ng mga item na
ito sa bodega at sa display. Pare,
bahala ka na muna dito ha! Madami dami
din kasi ito eh.
Art: Okay lang pare. Walang problema.
Mag-aalas nwebe na ay
hindi pa rin tapos si Vince. Naghahanda
na sa paguwi ang iba ay nagbibilang pa rin si Vince sa bodega. Bumaba na si Basti at hinanap si Vince. Itinuro naman ng kahera na nasa bedega. Agad tinungo niya ang bodega.
Basti: (Malumanay na sinabi) Vince kung hindi mo
matapos ay pwede na bukas yan. Sige na
at magsisiuwian na sila.
Vince: Konti na lang ito Boss. Tatapusin ko na po. Last 2 item na lang po.
Basti: Sige, ikaw ang bahala.
Kahera 2: Boss, uwi na po kami.
Basti: Na tsek na ba ninyo lahat. Secure na ba lahat.
Kahera 2: Okay na po Boss.
Basti: Sige, ingat kayo.
Vince: Tapos na po boss. Eto na po.
Basti: Nagmamadali ka ba Vince?
Vince: Hindi naman po. Bakit po?
Umakyat na sila sa office
at naupo sa harap ng computer.
Basti: Marunong ka bang gumamit ng computer?
Vince: Naku Boss, hindi po. Games lang po ang alam kong gamitin.
Basti: Ganun ba.
Gusto ko kasing kumuha ng makakatulong ko dito eh. Nahihirapan na akong magisa dito eh. Pati pag eencode ng inbentaryo ay ako pa ang
gumagawa. Pati sa bangko at accounting
ay sakop ko na eh. Nagkakamali mali na
ako sa pageencode eh. Daming mali dito
sa pageencode ko. Gusto ko sanang i-train
ka. Gusto mo ba?
Vince: Boss baka hindi ko kayanin. Hindi po kasi talaga ako marunong ng
computer.
Basti: Sasanayin naman kita eh. Huwag kang magalala. Tuturuan kita.
Vince: Kayo po ang bahala.
Basti: Sige na at baka masyado kang gabihin.
Vince: Sige po sir.
Ihinatid pa ni Basti si
Vince hanggang sa exit at tinapik pa ang balikat nito.
---------------oOo---------------
Kinabukasan, pagdating ng
second shift at makompleto ang mga tauhan ay nag-pahayag si Basti na
mangangailangan siya ng isa o dalawa pang karagdagang trabahador. Hindi pa
naman niya sinasabi ang kanyang balak patungkol kay Vince.
Basti: O! Baka may mairerekomenda kayo sa akin na
walang trabaho at pwede sa ganitong klase ng trabaho. Hindi naman kelangan na college
graduate. Pwede na high school graduate
o nakatuntong ng kolehiyo. Basta masipag
at mapagkakatiwalaan ay okay sa akin.
Lalaki ha, yung pwedeng magbuhat ng mabibigat.
Si Art at ang isang kahera
ay may irerekomenda daw,
Basti: Papuntahin ninyo dito. Hindi naman komo rekomendado ninyo ay tanggap
na. Syempre dadaan yan sa interview
ko. Aalamin ko kung talagang pasado sa
akin. Tutal narito na ang second shift at lunch break ng first shift eh kain
muna tayo. Nakabili na ba kayo ng ulam?
Luto na ba ang sinaing Arlo?
Arlo: Yes Boss. Kanina pa.
Tayo na at maghain. Kanina pa nga
ako gutom eh.
Libre ang lunch para sa
first shift at dinner naman para sa second shift, kaya kahit papano ay
nakakatipid naman ang kaniyang mga tauhan.
---------------oOo---------------
Makaraan ang dalawang
linggo ay may nakuha nang bagong empleyado si Basti. Isang bente uno anyos na binata na rekomendado
ni Kahera 2, yung pang second shift na kahera.
Maliit lang siya pero may katawan naman.
Dati raw helper sa isang gym, kaya kahit papano ay nakakapag workout at
gumanda naman ang katawan. Ivo ang kanyang pangalan.
Ipinahayag na rin niya na
malilipat si Vince bilang office worker na siyang may responsibilidad sa
inbentaryo at kasama niya na sa office. Magiging
8 – 5 ang office hours niya.
Basti: Simula ngayon ay sa opisina na
magtatrabaho si Vince. Ivo, pagbutihan
mo at sipagan mo. Probi ka pa at kung maganda
ang pagtatrabaho mo dito ay baka ma regular ka.
Okay?
Ivo: Yes Boss.
Umakyat na si Basti at
kasama na si Vince.
Art: Swerte ng kapatid mo Arlo. Na promote agad.
Arlo: Deserving naman ang kapatid ko
ano. Wala ngang salisalita iyon eh. Puro trabaho lang.
Kahera 2: Kahit ba sa bahay ninyo ay walang kibo lagi yang
kapatid mo Arlo?
Arlo: Tahimik talaga si Kuya, pero
mahigpit yan sa akin. Takot nga ako
diyan pag nagalit eh. Disiplinaryan
yan. Siga siga nga sa amin yan eh, lalo
na ng nangangalakal pa kami. Walang
inuurungan yan eh. Pero bilang kapatid
ay napakabait niyan. Pag daw
nagkatrabaho siya ng maganda ay papagaralin ako sa kolehiyo. Sana nga ay taasan ni Bossing ang sahod niya
ano hehehe.
Art: Sigurado iyon. Pang 8 to 5 na siya. Bakit kaya hindi ikaw ang kinuha. Mas gwapo ka naman sa utol mo.
Arlo: Gago! Gagawin mo pang isyu sa amin yun. Trabaho na tayo uli.
---------------oOo---------------
Madali namang turuan si
Vince. Sandali lang ay gamay na niya ang
pag gamit ng computer pati na ang system na ginagamit nila sa inbentaryo. Mabilis na rin siyang mag type at kabisado na
niya ang keyboard lalo na pag sa numbers.
Kaya na niyang tipain kahit hindi nakatingin.
Naging parang assistant na
si Vince at pati receiving ng inbentaryo ay siya na ang nag veverify, syempre
may kasama pang iba, maliban kay Arlo. Hindi pwede na may relasyon ang parehong
mag tsetsek.
Halos lahat ng ginagawa ni
Basti ay itinuro niya kay Vince maliban sa pananalapi na tanging siya lang ang
nakakaalam.
Kapag hindi masyadong busy
ang dalawa ay nakakapagkwentuhan naman sila.
Kahit anong topic, me mapagusapan lang.
Basti: May girlfriend ka ba ngayon Vince?
Vince: Ako?
Wala po Boss. Wala naman pong
magkakagusto sa isang basurero.
Basti: Uy ha.
Marangal na trabaho ang pagiging basurero, saka masyado mo namang
ninamaliit ang sarili mo. Sinubukan mo
bang manligaw man lang?
Vince: Hindi na po Boss. Wala naman din akong ipagmamalaki sa
kanila. Saka bata pa po naman ako. Eh kayo po Boss, May GF po ba kayo ngayon?
Basti: (Natigilan, napaisip) Ah eh eh. Nag break
din kasi kami after 4 years na relasyon.
Hindi ko alam kung bakit.
Nasaktan ako kaya umiwas muna ako sa babae. Matagal na iyon. Limang taon
na ang nakaraan. Pagkagraduate namin ay
umalis na siya, nagpunta ng ibang bansa.
Wala na kaming balita sa isa’t isa.
Vince: Ah.
Walang closure. Pero naka move on
na po kayo.
Basti: Wala.
Oo naman, naka move on na. Maiwan
muna kita ha. Baba lang muna ako.
---------------oOo---------------
Mga 30 minutes na ang lumipas
ay hindi pa rin bumabalik si Basti. May
itatanong sana si Vince. Medyo nainip na
rin ito at sinilip kung nasa ibaba pa ang kanyang Boss. Malakas na tawanan ang agad na bumungad sa
kanyang pandinig. Naroon si Vince at
nakikipagkulitan sa kanyang mga tauhan, katabi si Arlo at tila nakaholding
hands pa, masayang masaya. May kung
anong bagay siyang naramdaman, parang nainis siya at binigyan ng ibang
kahulugan ang nakita. Bumalik na lang
siya sa opisina.
Pagbalik ni Basti sa
kanyang mesa agad na siyang nagtanong tungkol sa kanyang ginagawa, walang
binangit sa kasayahan nasaksihan.
---------------oOo---------------
Pagdating sa bahay ni
Vince ay agad niyang hinanap si Arlo.
Nadatnan niyang natutulog ito at hindi pa nakakaluto kaya siya na ang
nagsaing matapos magpalit ng kasuotan.
Arlo: (pupungas pungas nang lumabas ng
silid.) Kuya, dumating ka na pala.
Nagsaing ka na?
Vince: Oo, akala ko eh hindi ka pa gigising
eh. Bili na lang tayo ng lutong ulam.
Arlo: Oo Kuya, hindi nga ako nakadaan sa
talipapa. Pasensya na kuya, nakatulog
ako eh.
Vince: Sus, para yun lang. Nga pala, ang saya saya ninyo kanina ah. Ano bang pinagtatawanan ninyo.
Arlo: Ah kuya, si Boss kasi
nakipaglokohan sa amin. Puro green jokes
ang kinuwento. Nakakatawa naman
talaga. Okay din pala siya ano
kuya. Sa kwarto ninyo, nagkukuwentuhan
din ba kayo?
Vince: Ah ganon ba! Eh bakit parang nakaholding hands pa
kayo. Alam mo Arlo, me napapansin ako sa
boss natin, parang masyadong mabait sa atin, lalo na sa iyo. Ingat ka ha, baka kung anong binabalak niya
sa iyo ha.
Arlo: Si kuya ang sama ng isip. Buti nga at mabait sa atin at hindi
mahigpit. Ginawa ka pa ngang assistant
niya. Saka kilala nila si Nanay, matagal
palang naging kasambahay nila si Nanay at siguro ay talagang mabait lang sila.
Vince: Basta, magingat ka pa rin. Bile ka na ng ulam, kahit pritong isda at
gulay na lang. Yung pinabibiling pangulam
natin bukas ni Boss ha, baka malimutan mo.
---------------oOo---------------
Simula noon ay naging
mapagmasid na si Vince, lalong lalo na kapag si Arlo ang kausap. Wala naman siyang kakaibang napapansin sa
kanyang Boss. Naghihinala kasi siya na
may pagka silahista ang kanyang boss.
Isang araw ay nagpaalam si
Basti na lalabas matapos kumain ng tanghalian.
Ibinilin niya ang tindahan kay Vince.
Sa isang mall lang naman
nagpunta si Basti at may kinatagpong isang lalaki. Matagal tagal din nagusap ang dalawa sa
fastfood ng mall. Bandang alas kwatro na
ng hapon ng maghiwalay si Basti at ang kausap niya.
Noon oras naman na iyon ay
naglalakad si Arlo dahil bibili siya ng sapatos. Lumang luma na ang ginagamit
niyang sapatos at dahil kasusuweldo lang ay pinayagan siya ng kanyang kuya na
bumili na ng bagong sapatos. Tyempong
nakita niya si Basti habang ihinatid papalabas ang lalaki. Nagtama ang kanilang paningin at agad naman
siyang nilapitan ni Basti.
Basti: Mag sashopping ka yata Arlo.
Arlo: Bibili lang po ako ng sapatos
bossing. Pudpud na pudpod na kasi ang
swelas ng aking sapatos hehehe.
Basti: Pag sa labas, huwag mo na akong bino-boss,
nakakahiya. Basti na lang, magkaibigan
naman tayo di ba?
Arlo: Kayo po ang bahala bo..bo Basti
hehehe. (Napakamot sa ulo, nahihiya.)
Basti: Pati ‘po’ ay alisin mo na rin. Tumatanda naman akong masyado niyan.
Arlo: Okay. Mauna na ako para makapili na ako ng sapatos
at makauwi ako ng maaga.
Basti: Samahan na kita.
Nang makapili na si Arlo
ay nagtungo na ito sa kahera para magbayad. Ngunit sa halip na siya ang
magbayad ay ang credit card ang ibinigay ni Basti. Kumunot ang noo ni Arlo at
gustong magprotesta. Naunawaan naman
agad ni Basti ang ikinilos ni Arlo.
Basti: Sa akin mo na lang ibigay ang cash mo at
wala akong cash na dala ngayon.
Magagamit ko pa iyan ngayon, tutal, sa isang buwan pa ang bayaran niyan
hehehe.
Palabas na sila ng
department store ng iabot ni Arlo ang kanyang pera.
Basti: Mamaya na. Mag miryenda muna tayo.
Arlo: Boss ah eh Basti, magluluto pa ako
ng hapunan namin. Saka busog pa naman
ako.
Basti: Eh di mag takeout ka na lang. Tayo na.
Inakbayan ni Basti si Arlo
habang naglalakad papasok sa Jollibee. Ang kamay ni Basti ay umabot pa sa
dibdib ng kanyang tauhan. Habang
kumakain ay nag-uusap ang dalawa.
Basti: Hindi pa nga ba nagkaka GF ang kapatid mo?
Arlo: Wala akong alam na naging GF
niya. Hindi ko lang alam. Tahimik kasi iyon dati pa at hindi
nagkukuwento. Pero maraming nagkaka
gusto sa kanya noong high school pa kami.
Meron pang bading na patay na patay sa kanya. Gwapo naman talaga si Kuya.
Basti: Sinabi mo pa. Eh ikaw, nagka GF ka na ba.
Arlo: Dati noong Grade 9 ako. Nagalit si Kuya ng malaman iyon. Hirap na hirap na nga daw kami ay mag ge-girlfriend
girlfriend pa. Kaya nakipag break agad
ako. Simula noon ay hindi na ako
nanligaw. Mas lalo na ng namatay si
Nanay.
Basti: Pareho kayog napakagwapo. Wala bang bading na nagparamdan sa inyo
hehehe. Pwede mo nang hindi
sagutin. Alam ko na naman ang sagot
hehehe.
Arlo: Okay lang. Oo, marami.
Huwag na huwag nyo lang pong masasabi kay kuya.
Basti: Walang ‘po’. Kulit nito.
Arlo: Ay sorry hehehe. Hindi pa ako sanay na walang “po” eh. Yun nga, minsan na akong pumatol sa
bakla. May sakit kasi noon si Nanay at
wala kaming pambili ng gamot o pagkain man lang. Kaya ayun, kapit sa patalim ika nga,
nakumbinsi ako ng kaibigan ko na patulan na ang isang bakla na patay na patay
sa akin. Kahit papano ay nakabili ako ng
gamot ni Nanay saka pagkain. Idinahilan
ko na lang na marami akong napulot na kalakal at malaki laki ang napagbentahan.
Basti: Naulit pa ba iyon dahil sa pangangailangan
o dahil nagustuhan mo na rin.
Arlo: Naulit pa, mga dalawang
beses. Kapos talaga at tama ka,
nasasarapan din ako. Ngayon ay hindi
na. Kami na lang naman ni Kuya ang
iniintindi namin eh. Wala na si Nanay.
Ang maganda ay hindi kami naupa ng bahay. Minana pa kasi ni nanay ang maliit la lupang
kinatitirikan ng aming barong barong.
Natahimik ang dalawa. Naubusan na yata ng itatanong si Basti. Napatanga. Naglakbay ang isipan sa
kawalan. Nagbalik lang sa kasalukuyan ng
magsalita na uli si Arlo
Arlo: Si kuya, baka naghihintay na si
Kuya. Wala naman kaming cellphone para
ma itext man lang siya.
Basti: Sandali lang. Hinihintay ko lang ang ating takeout. Ayan na pala.
Basti: (Inabot ang supot kay Arlo.) Pang dinner
ninyo. Saka eto yung pera. Regalo ko na lang sa iyo iyang sapatos. Huwag mo na lang sabihin sa kuya mo na bigay
ko iyan pati ang chicken. Ipunin mo yan para sa pag-aaral mo kung sakaling
maisipan mong mag-aral uli.
Arlo: Nakakahiya naman.
Basti: Huwag ka nang mahiya. Kahit papano ay pasasalamat iyan dahil
naalagaan ako ng nanay mo kahit sandali lang.
Sige na, ihatid na kita sa sakayan ng tricycle. Kung ihahatid kita sa inyo ay baka kung anong
isipin ng kuya mo.
Pagkahatid ni Basti kay
Arlo ay nagbalik na siya sa tindahan.
Maraming nabili at pila sa kahera.
Nagmadali na siya para makatulong kung kinakailangan.
---------------oOo---------------
Habang wala masyadong tao
at kumpleto ang mga tauhan ng grocery ay may sinabi si Basti.
Basti: Sino nga pala sa inyo ang wala pang
cellphone?
Halos lahat naman ay may
cellphone na maliban sa magkapatid na Arlo at Vince.
Basti: Kung gayon, lahat pala kayo ay may
cellphone na at sina Arlo at Vince na lang ang wala. At dahil sila na lang ang wala ay ibibili ko
silang dalawa ng cellphone.
Hiyawan ang mga
empleyado. Ang daya daya daw. Biglang wala na lang silang cellphone ang
isinisigaw.
Basti: Sandali, sinabi ko, ibibili ko pero hindi
ko sinabing libre. Huhulugan ninyo sa
halagang kaya ninyo. Ano ako, mayaman
hehehe. Kala ninyo eh libre ano hehehe.
Naging interesado ang mga
empleyado at tinanong kung anong modelo.
Basti: Hindi naman yung mamahalin masyado na
iphone iphone. Yung halagang 10 to 15k
lang at huhulugan sa loob ng tatlong taon, salary deduction. Tatagal ba kayo dito ng tatlong taon?
Kahera 1: Opo naman bossing, ako nga eh naka tatlong taon
na at pioneer ako dito hehehe.
Basti: So, lahat kayo gusto. Sige mamili na kayo. Eto ang mga brochure, mamili na kayo. Pero sana ay parepareho na lang ng klase para
madaling bumili. Syempre, kekelanganin
ninyo ng internet, ang internet ko sa bahay ang gagamitin ninyo at hindi yung
dito sa tindahan. Okay na?
Tuwang tuwa ang mga
empleyado. Kahit na may bayad eh magaan
naman ang hulog.
---------------oOo---------------
Nagkasabay sa CR si Arlo
at si Basti.
Arlo: Salamat. Alam kong dahil sa akin kaya naisipan mo na
ibili kami ng CP. Maraming salamat
talaga. Napakabait mo talaga.
Basti: Maliit na bagay. Saka hindi libre iyon no. Babayaran naman eh.
Arlo: Kahit na. Hindi namin kayang bilhin ng cash iyon.
Basti: Bukas, pagkatapos ng shift mo ay samahan
mo ako ha. Tayong dalawa ang
bibili. Pakisabi na sa isang brand na
lang para hindi mahirap mamili.
Arlo: Okay po bossing. Nasa office tayo kaya boss uli hehehe.
Nag thumbs up lang si
Basti at sabay na silang lumabas. Nakita
naman sila ni Vince na sabay lumabas ng CR.
Nag-iba ang timpla niya. Nainis.
Hindi lang ipinahalata ng magkasalubong sila ni Basti at ng kanyang kapatid.
---------------oOo---------------
Makaraan ang dalawang araw
ay may bago na silang CP.
Basti: Sa bahay na dutdutin ha. Huwag dito.
Yung number ninyo ay kelangan meron dito sa office ha. Ibigay ninyo sa kahera 2.
Tuwang tuwa ang mga
empleyado. Sobrang excited na magamit na
ito agad.
Sa office ay parang walang
kasiglasigla naman si Vince ng ibigay sa kanya ang kanyang CP. Napansin ito ni Basti.
Basti: May problema ba Vince?
Vince: Wala po Boss.
Basti: Eh bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba ng CP. Hindi ba mas maganda na may CP kayo pareho
para nababantayan mo ang kapatid mo at alam mo kung saan napunta?
Vince: Hindi po sa ganoon Boss. Gusto ko po sanang magipon siya para may pang
enroll siya sa susunod na pasukan. Eh dahil sa may huhulugan pa kami ay hindi
kami makakaipon agad.
Basti: Saan mo ba gustong papag-aralin si Arlo,
sa private university ba?
Vince: Hindi naman Boss. Sa state university lang. Hindi naman niya kaya sa UP. Siguro sa PUP na lang po.
Basti: Alam na ba ni Arlo ang balak mo?
Vince: Napagusapan na po namin.
Basti: Nakakuha na ba siya ng application?
Vince: Hindi pa po boss. Hindi kasi namin alam kung kelan. May exam pa rin daw eh.
Basti: Ah Okay.
Sige baka makatulong ang kaibigan ko.
Magtatanong ako sa kanya. May
kakilala siya na doon nagtatrabaho.
Vince: Naku salamat ng marami.
Basti: Tungkol sa trabaho niya dito eh
mapaguusapan natin iyan. Saka na natin
problemahin kapag nadyan na.
Sa sobrang tuwa ni Vince
ay nayakap niya si Basti. Niyakap din
naman siya ni Basti at hindi nila namalayan na may dalawang mata na nakamasid
sa kanila. Si Arlo, hindi agad tumuloy
dahil sa nakita sa dalawa. Nang bumitiw
na ang dalawa ay saka lumapit si Arlo.
Arlo: Kuya, paki tingin naman ng presyo
nito. Walang nagaapear eh. Bagong stock
ito eh.
Vince: (Sinilip ni Vince sa computer.) Wala pa
ngang nakalagay na Presyo. Bossing magkano ang selling price natin nito.
Basti: Gawin mong 25% mark up plus VAT.
Vince: Okay na.
May nabili na ba?
Arlo: Oo eh. Sige po bossing. Salamat.
Salamat kuya.
Parang natulala si
Arlo. Iniisip ang nasaksihan. Maraming
tanong ang nabuo sa kanyang isipan. Isa
na rito ay kung may relasyon ang kanyang kuya at ang kanilang Boss. Naisip rin niya na sa kanya nagpakita ng
kabaitan ang kanilang Boss at ang akala nga niya ay nagkakagusto sa kanya
ito. Sa katunayan ay parang bibigay na
nga ito sa kanya.
Kahera 1: Arlo ano sabi, Paki bilis.
Arlo: (Nagulat, nagising sa pagmumuni
muni.” Hah! Okay na. Punch mo na lang.
Itutuloy…………….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento