Hilot
– Part 3
Cedric’s
POV
Tinanghal na winner
si Mandy sa katatapos lang na patimpalak ng aming eskwelahan. Syempre, hindi lang siya ang masaya, kundi
kami ring nga supporter niya. Pag-uwi
namin ay naghanda pala ng konting salo salo si Nanay para sa tagumpay ni Mandy.
Pagkakain ay
naginuman pa kami. Kasama sa umpukan si
Mang Enteng, ako, si Kuya Karlo at ang man of the hour na si Mandy. Papatapos na ang inuman ng makaramdam ako ng
pagihi kaya pumasok muna ako sa bahay para umihi. Nagtagal ako sa kobeta dahil sa dami ng aking
inihi. Pagbalik ko ay naaninag ko sa
bintana na tila naghahalikan na ang dalawa.
Kita ko ang batok ni kuya at ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ni
Mandy. Kitang kita ko na magkadikit ang
kanilang mukha. Hindi maipagkakailang
naghahalikan talaga sila.
Nanikip bigla ang
aking dibdib. Waring may kung anong bagay na tumusok sa loob ng aking dibdib.
Hindi ako agad nakalabas. Parang
naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit
ganun na lang ang aking nararamdaman.
Wala naman kaming unawaan ni Mandy at hindi ako bakla. Kilala ko ang aking sarili. Pero bakit ako nasasaktan.
At si Kuya. Wala naman siyang ipinakikitang
kabaklaan. Nagka GF naman siya dati,
ngayon lang wala simula ng magtrabaho.
Akala ko ay nalibang lang sa trabaho kaya hindi na nakapanligaw. Ambisyoso si Kuya at gusto nitong magka
position ng mataas sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Wika niya dati ay hindi siya mag-aasawa
hanggat hindi siya nagiging vice president o manager man lang. Hindi pala iyon ang dahilan. Lalaki pala ang gusto niya.
Matagal tagal din ang
halikan nila. Nang kumalas na sila
pareho ay saka lang ako lumabas. Ayaw ko kasing madatnan sila sa ganong
kalagayan at baka mapahiya.
“Kuya tama na. Ihatid mo na lang siya sa kanila. Lasing na
siya Kuya at ngayon lang talaga siya nakapaginom ng marami.” Wika ko kay
kuya. Pumayag naman si Mandy na ihatid
siya ni kuya.
Inimis ko muna ang
ang aming pinaginuman at inilagay sa kahon ang mga basyo at ipinasok sa kusina
ang ginamit naming baso at pinggan na pinaglagyan ng pulutan saka ako umakyat
at nahiga na. Agad din akong
nakatulog. May araw na nang ako’y
magising. Wala sa higaan si Kuya. Pagbangon ko ay hinanap ko kaagad si kuya kay
Nanay na noon ay nag-peprepara ng lulutuin para sa aming tanghalian.
“Wala na ba sa kwarto
ninyo. Hindi ba dito natulog? Hindi ko pa siya nakikitang bumaba dito.”
Tugon ni Nanay.
Pinapunta ako kina
Mandy para tignan kung duon nga natulog si kuya. Nagmumog lang ako at naghilamos saka tinungo
ang bahay nila sa bukid. Malayo pa ako
ay tanaw ko na ang dalawa ni Kuya at Mandy na masayang nagkukulitan. Nakaupo sila sa mahabang upuang kawayan,
nakaakbay pa si kuya at kinuha ng isang kamay ang palad ni Mandy. Holding hands pa ang dalawa. Wala siguro si Mang Enteng kaya
nakakapaglandian sila.
Tumalikod na ako
pabalik ng bahay. At sinabi kay Nanay na
naroon si Kuya at hindi na ako tumuloy dahil nakita ko na siya.
Ewan ko kung bakit
ganon na lang ang aking naramdaman.
Hindi ko na alam kung ano ba ako.
Nalilito na talaga ako. Para
akong nagseselos. Sabagay ay nakadarama
na ako dati ng selos kahit sa aking malapit na kaibigan. Gusto ko kasi ay ako lagi ang kasakasama,
kausap at uunahin ako bago ang iba.
Haaay buhay. Ayoko ng ganito.
---------------oo00oo---------------
Simula ng makita ko
ang pagiging close na ni Mandy at Kuya ay umiwas na ako na masyadong malapit
kay Mandy. Dati rati ay hinihintay ko
siya sa pagpasok sa paaralan. Ngayon ay
sadya na akong pumapasok ng maaga para hindi na siya makasabay, ganun din sa
paguwi, nauuna akong lumabas na parang laging nagmamadali. Maging si Jenny ay nagtataka na sa ikinikilos
ko.
Napansin ko rin si
Kuya na nadadalas na ang paguwi, halos lingo lingo na siyang umuuwi. Dati rati ay minsan sa isang buwan siya
nauwi. May time pa nga na inaabot siya
ng dalawa hanggang tatlong buwan bago umuwi dito sa probinsya. Pag-umuuwi naman siya ay palaging kina Mandy
ang punta at ang dahilan niya ay magpapamasahe.
Sobrang galing daw kasing magmasahe ni Mandy, at masarap.
---------------oo00oo---------------
Mandy’s POV
“Aling Sonia,
nandiyan pa po ba si Cedric. Pakisabi po
na sabay na kami sa pagpasok.” Sabi ko kay Aling Sonia, pero kanina pa raw
nakaalis.
Pagkatapos ng
patimpalak ay napansin ko na parang umiiwas na sa akin si Cedric. Wala naman akong alam na dahilan para iwasan
ako. Halos magiisang linggo na hindi ko
man lang siya nakasabay pumasok at umuwi.
Nag-iisip tuloy ako kung may nagawa akong mali para ikagalit niya.
Kinabukasan ay
nagpaaga na ako ng pasok. Nakita ko na
siya na papalabas pero pumasok uli ng bahay.
Siguro ay may nakalimutan kaya pagdaan ko sa bahay nila ay tinawag ko na
siya. Walang sumasagot. Si Aling Sonia ang lumabas at sinabing kaaalis
pa lang. Alam kong nagsisinungaling si
Aling Sonia. Talaga lang iniiwasan ako
ni Cedric sa hindi ko alam na kadahilanan.
Umalis na ako, pero
inabangan ko siya sa may kanto. Nagtago
muna ako para hindi na siya makaiwas pa.
Pagdaan niya sa kanto ay tinawag ko ang kanyang pangalan. “Cedric, sabi ng nanay mo ay kaaalis mo pa
lang, iniiwasan mo ba ako?”
“Ha! Hindi siguro alam na nasa bahay pa ako. Maaga kasi akong umaalis ng bahay eh.”
“Pansin ko nga. Hindi mo na ako hinihintay sa pagpasok,
maging sa uwian. Iniiwasan mo ba
ako? Inagahan ko na talaga para masundo
kita. Nakita na nga kita na lumabas,
kaya lang ay pumasok ka uli. Tinawag
kita pero hindi ka tumutugon. Tapos ay
pinagsinungaling mo pa ang nanay mo na nakaalis ka na. Bakit ba?”
Hindi makasagot si
Cedric. Sukol na kasi siya. Walang
masabi.
“Pasensya ka na kung
may nagawa akong hindi mo nagustuhan.
Sana sinabi mo sa akin para maituwid ko.
Ang nakakasama kasi ng loob ay ang umiwas ka na lang basta. Sige, mauna na ako at baka talagang ayaw mo
na akong maging kaibigan.”
Tinalikuran ko siya
sabay lakad papalayo. Hindi ko man lang
siya nilingon. Sa uwian ay nakita ko
siya malapit sa aming room. Sinadya kong sabayan ang iba kong kaklase at makipag-harutan
para kunwari ay hidi ko siya napansin.
Nilampasan ko siya at paglabas ng gate ay nagtago agad ako sa kabilang
pader ng paralan. Nakita ko pa siya na
patanaw tanaw sa kung saan. Siguro ay
hinahanap ako. Wala na naman saysay kung
maguusap pa kami. Hindi naman talaga
kami bagay na maging magkaibigan.
---------------oo00oo---------------
Hindi na talaga kami
nagkibuan pa ni Cedric, kahit gustong gusto ko na siyang kausapin ay hindi ko
talaga ginawa. Wala naman akong
kasalanan sa kanya para suyuin siya.
Siya na lang ang basta umiwas sa akin eh.
Uwian na naman, araw
ng byernes. Naglalakad na ako pauwi ng
may tumawag sa akin. Si Ome pala kasabay
si Pons at Cedric.
“Tol! Naglalaro ka ba ng basketball? Sama ka sa amin, laro muna tayo, Byernes
naman eh.” Aya ni Ome
Pagdating namin sa
court ay naghanap muna si Pons ng makakapustahan. Mayroon sana kaya lang ay kulang ng isa. Tatluhan kasi ang laban at isang ring lang
ang gagamitin.
“Para matuloy lang ay
sa kanila ako kakampi, kung okay sa inyo.
Sports lang naman ang labanan hindi ba?”
“Baka naman ipatalo
mo ang laban. Parang mahirap ang ganon,
kaibigan mo sila eh.” Sabi ng isa na Rey ang pangalan.
“Bakit! Hindi ba ninyo sila kaibigan. Magkakaibigan naman tayong lahat dito ah,
pero syempre sa larong basketball ay may magkakampi at magkalaban. Pagkatapos ng laro, magkakaibigan uli.”
Pagrarason ko.
Hindi man lang kumibo
si Cedric. Natuloy ang laban. Laban talaga, walang kaikaibigan. Minsan nga ay nagkakabungguan kami ni Cedric. Alam kong napipikon na siya dahil palagi ko
siyang nasasagi. Ako kasi ang bantay
niya. Ang cute talaga niya kapag
naiinis. Ginalingan ko talaga ang aking laro kaya kami ang nanalo.
Bayad sila. 300 ang pusta kaya tig 100 kami ng
panalo.
“Pre sige, sa
susunod, sa amin ka uli kumampi” - si Rey.
Naglakad na kami papauwi,
malapit lang pala sa court ang bahay nina Ome at Pons kaya naiwan na kaming
dalawa ni Cedric. Wala pa rin kaming
kibuan hanggang sa makarating na siya sa kanilang bahay.
Nasa labas ang
kanyang Kuya Karlo, binati ko siya.
“Tol, masakit na
naman ang katawan ko. Pamasahe uli ako
sa iyo bukas ha.”
“Oo tol, basta ikaw,
nanginginig pa hehehe.”
“Kuya, kapag nauwi ka
dito eh palagi na lang masakit ang katawan mo.
Ano ba talaga ang trabaho mo sa Manila, kargador. Baka naman gusto mo lang makita si Mandy?”
wika ni Cedric, nakasimangot. Cute na
cute talaga siya kapag may inis. Ang
sarap halikan ng labi hehehe.
“Inggit ka lang,
pamasahe ka rin. Tol, punta ako sa inyo
mamaya ha, inom tayo, ayoko dito, me asungot.” Si Kuya Karlo at inasar pa
talaga si Cedric. Lalo pa itong naging
Cute at ang ganda ng nguso. Tumalikod na
ito at pabalabag na isinara ang pinto.
Tawanan lang kami ni Kuya Karlo.
---------------oo00oo---------------
Cedric’s POV
Hindi ko akalain na
makakasabay namin sa pag-uwi itong si Mandy. At itong mga kaibigan kong ewan ay inaya pa na
sumama sa amin para makipagpustahan sa larong basketball. Ang nakakainis pa ay sa palagi naming kalaban
kumampi. Sabagay ay kulang sila ng isa
at tama rin naman siya, sports lang naman at kaibigan naman kami lahat. Pero ang galing niya, ang liksi. Lalong kumisig sa aking paningin dahil nang
mabasa ng pawis ang tshirt ay kitang kita na ang maganda niyang katawan.
Talo kami dahil sa
kanya, ang dami niyang nagawang puntos.
Umuwi na rin kami matapos ang laro.
Kami na lang ang naiwang naglalakad dahil malapit lang naman ang bahay
nina Pons sa court. Wala kaming
imikan. Tinitignan ko siya ng palihim,
pangiti ngiti lang siya, parang nang-aasar.
Ano kayang iniisip ng sira ulong ito at panay ang ngiti. Inis na inis talaga ako. Nadagdagan pa ang inis ko dahil nasa bahay na
si Kuya at agad ang bati kay Mandy.
Ayun! Tulad ng inaasahan ko ay
magpapamasahe na naman kay Mandy at nagsabi pa na pupunta sa kanila para
maginom. Naisalpak ko tuloy ang pinto
pagpasok ko ng bahay.
Sa totoo lang ay
hindi na ako masaya kapag nauwi si Kuya.
Hindi dahil sa ayaw ko siyang umuwi sa amin kundi dahil sa kanyang tunay
na dahilan kung bakit dumadalas na ang paguwi uwi niya ng bayan namin. Pangarap ni nanay na magkaroon ng maraming
apo mula sa amin, pero paano kung ang kanyang anak ay lalaki ang gusto at hindi
babae. Kung malalaman lang ni Nanay ang
ginawa nila ni Mandy noon. Wala lang akong ebidensya kung mas higit ang
nangyari sa kanila noong unang matulog siya sa bahay nina Mandy ng malasing
siya.
Gusto kong malaman
kung ano na talaga ang ugnayan ng dalawa.
Wala naman akong matibay na ebidensyang pinanghahawakan. Yung sinasabi kong halikan ay hindi ko naman
talaga nakita dahil likod lang ni kuya ang nakita ko at hindi ang halikan
mismo. Pero sa ayos ng kanilang mukha ay paniguradong naghalikan sila.
Nag-isip ako ng plano
kung paano ko sila bubukohin na hindi makakatangi. Dapat ay makuhanan ko ng video o picture man
lang sa hindi kaaya ayang tagpo. Wala
naman akong maisip. Ayaw ko naman may
makaalam na iba at kahit kay Jenny na nasasabihan ko ng aking sikereto ay hindi
ako nagkukuwento.
---------------oo00oo---------------
Nagpaalam na si Kuya
na pupunta kina Mang Enteng para makipagkwentuhan daw. Wala namang say si Nanay sa ganong
bagay. Hinahayaan na lang niya kami,
lalo na si Kuya na nagtatrabaho na at nasa tamang edad na. Nagtungo na lang ako sa aming kwarto
pagkaalis ni Kuya. Nag babrowse ako ng
FB ng may tumunog na CP. Hindi pala
dinala ni Kuya ang kanyang CP. Text lang
naman iyon kaya hindi ko pinansin.
Tumunog uli kaya pinakialaman ko na para malaman kung sino ang
nagtetext. Sa isang Mjay galing ang
Text. Ibabalik ko na sana sa bulsa ng
may maisip ako. Gusto kong malaman kung
nagkakausap ang dalawa kahit sa text lang o messenger.
Binuksan ko pero may
passcode. Alam ko naman ang palagi iyang
ginagamit na passcode. Initial niya at
number ng bahay namin. Nakita ko na ginamit
niya iyon. Sinubukan ko at success
hehehe.
Hinanap ko ang
pangalan ni Mandy sa friends list niya sa FB, wala. Hinanap ko kung nasa phone book, naroon. Tiningnan ko ang call history. Madami.
Tiningnan ko rin ang mga Text.
Meron pero wala naman kadudadudang mga text. Simple lang na nagtatanong, kumusta. Ibabalik ko na sana sa dati nag CP ng may
nagtext uli at galing kay Mjay.
“Nasaan ka na. Akala ko ba ay pupunta ka dito para
mag-inom.” Text ni Mjay. Hala! Kanina pa umalis si Kuya, at sino itong Mjay
na nagtetext sa kanya. Nag isip ako at
baka kakilala ko rin. “Mjay, Mjay, Mjay” paulit ulit kong bigkas. “Mjay, Mjay.
Mandy, Mandy. Mandy Jacinto. Tama, si Mandy siguro at Jacinto ang apelyido
niya kaya Mjay ang nakalagay” Excited kong bulong sa sarili. Agad akong nagbrowse ng mga text. “Confirmed” malakas kong bigkas.
Binasa ko ang ilan sa
text galing kay Mjay.
Miss you. I love you.
Mwah mwah.
Pamasahe ka ba? Masarap akong magmasahe di ba. Love you.
Uwi ka na. Gusto na kitang makita. Ihanda ko na ang
kakainin mo. Mainit init pa.
Nasarapan ka ba kagabi
Ilan lang yan sa mga
text galing kay Mjay. Ang babastos,
nakakadiri talaga ang Mandy na iyon. Sa
sobra ko talagang inis ay napagsusuntok ko ang aking unan.
Simula na madiskubre
ko ang palitan nila ng text ay lalo akong nagtanim ng tampo kay Mandy. Kinopya ko sa aking mga contact ang number ni
Mjay dahil alam kong magagamit ko itong ebidensya. Pinikturan ko rin ang ilang text, lalo na
yung mahahaba na para silang nagsesex sa text.
Ang babastos lalo na si Kuya.
---------------oo00oo---------------
Nagsimula akong
subaybayan ang bawat kilos ni Kuya. Alam kong magpapamasahe siya sa umaga. Maaga akong gumising. Aba! Wala na sa higaan at pagbaba ko ay
naliligo na. Maaga namang masyado ang
pagpapamasahe.
“Ang aga mo ah. Saan lakad Kuya?” bati ko sa kanya nang
lumabas ng banyo.
“May date ako
hehehe. Sama ka?” sagot niya. Tamo ito, nakuha pang magbiro.
“Galingan mo kuya
ha. Magaling siyang magmasahe di ba?”
“Champion!” saka siya
tuluyang umakyat.
Ilang minuto na ang
lumipas nang mapadungaw ako ng bintana.
Aba! Si Mandy at pusturang pustura din ha. Ang gwapo sa suot na hapit na maong. Ang ganda ng umbok, umbok na umbok ang muscle
sa braso dahil hapit din ang tshirt na suot.
Maglalaway si kuya panigurado.
Alam kong magkikita sila sa kanto kaya paglabas ni Kuya ay palihim ko
siyang sinundan. Tama ako. Naroon si Mandy at naghihintay. Akbay agad si kuya kay Mandy. Kinuhanan ko sila ng picture, yun nga lang ay
nakatalikod sila pareho. Gusto ko sana
silang sundan kung saan talaga pupunta, kaya lang ay hindi ako
nakapagready. Sa susunod ay talagang
maghahanda na ako.
---------------oo00oo---------------
Masayang masaya si
Kuya Karlo pagdating kinahapunan.
Pasipol sipol pa. Malamang ay
naka score na naman.
“Kuya! Parang nagenjoy ka nang husto diyan sa ka
date mo ah. Sino ba siya? Pakilala mo naman sa amin ni Nanay.” Puna ko
sa kanya.
“Oo nga naman
anak. Sino ba ang dahilan ng madalas
mong pag-uwi ngayon. Wala ka namang
pinakikilalang babae sa akin. Karlo,
nagkakaedad ka na ha. Gusto ko na nang
maalagaang apo. Kelan ka ba mag-aasawa.”
“Kayo naman Nay,
masyado nagmamadali. Darating din tayo
roon.”
“Bakit, Pwede ba
ikasal ang parehong lalaki, saka hindi naman pwedeng manganak ang lalaki.”
Sabad ko.
“Ikaw naman
Cedric. Ano tingin mo sa kuya mo,
bading?”
“Eh nay, pano
magpapakasal yan ay si Mandy naman yata ang nililigawan niyan. Hindi nyo ba napapansin na panay ang pamasahe
kay Mandy, tapos laging napunta kina Mandy, laging kainuman ay si Mandy. Tuloy ay naghihinala na ako na siya ang last
minute buyer ng tiket noon contest sa school eh. Hindi ba dumating yan noon at nanood. Kaya nanalo si Mandy dahil malaki ang
biniling tiket.”
“Ikaw Cedric, parang
hindi mo kaibigan ang taong yun. Deserve
naman talaga niyang manalo, gwapo, talented.
Lakas nga ng palakpak mo ng matapos kumante eh. Siguro ay nagseselos ka lang. Yaan mo, ilalakad kita sa kanya.”
“Neknek mo. Ikaw
itong laging nakabuntot sa kanya eh.”
“Sandali nga Cedric,
bakit nga ba hindi na kayo magkasabay napasok at nauwi ni Mandy? Nag-away ba kayo?” tanong ni Nanay. Hindi ako nakasagot. Natameme na lang ako basta.
“Nay, nagseselos nga
kasi. Maniwala ka sa akin.” Pambubuska
ni Kuya.
“Kuya ha, sumosobra
ka na.”
“Tama na! Tama na!
Magkakapikunan pa kayo niyan.
Tigilan na yan Karlo.” – si Nanay.
---------------oo00oo---------------
Bumili ako ng bagong
“SIM Card”, gusto ko kasing itext si Mjay.
Dual Sim naman ang aking phone.
Ayun nga, pagkabiling pagkabili ko ay nag text ako kay Mjay.
“Kumusta ka na. Masayang masaya ka lately ah. Kayo na ba ni Karlo.” Sabi ko sa text. Aba agad may reply. “Hu u. Sorry ha, hindi pamilyar ang number mo.”
“Ah officemate ako ni
Karlo at palagi kang nakukwento. Masaya
lagi eh kaya siguro ay sinagot mo na siya.
Masayang masaya eh.”
“Ah ganun ba. Oo kami na nga. Pero secret pa muna namin. Complicated kasi eh. Wala nga kaming pinagsasabihan kahit sa
pamilya ni Karlo.”
“Syanga pala, huwag
mo na lang mabanggit kay Karlo na nag ka usap tayo sa text ha. Baka kasi isipin na tsismoso ako masyado.
Sige baka naabala na kita.”
Para akong binagsakan
ng mabigat na bagay sa aking dibdib.
Mismong sa bibig, hindi pala sa text ni Mandy/Mjay ko nalaman ang
totoo. Sinubukan kong idial ang number
para mas mapatunayan ko na si Mandy nga ang Mjay sa buhay ni Kuya. Matagal na nagring bago may sumagot. Agad ko ring ibinaba pagkarinig sa boses sa
kabilang linya. Si Mandy nga. Hindi ako maaring magkamali, siya iyon. Ibinaba ko ang phone dahil baka malaman niya
na ako ang nagtetext sa kanya.
---------------oo00oo---------------
Biyernes na naman,
Nasa bahay na si Kuya at kakwentuhan si Nanay.
Hindi muna ako pumasok, nakinig muna ako sa usapan nila. Baka kasi may madinig akong karagdagang
inpormasyon. Wala naman. Pangkaraniwang usapan lang naman.
“Nay magsashower lang
muna ako. Ang baho ko na, amoy pawis na
ako.” ang nadinig kong sabi ni Kuya habang nagpapalit ako ng damit. Pumasok sa silid si kuya at kumuha ng twalya.
“Magsashower ka
kaagad kuya. Hindi ba kadarating mo
lang? Baka pasma ang abutin mo niyan,”
paalala ko.
“Concern si bunso
ah. Kanina pa naman ako, nakapahinga na
rin. Kumusta ang pag-aaral mo. Bati na ba kayo ni Mandy.” Ewan ko kung bakit
natanong iyon ni Kuya. Ano kayang sinabi
sa kanya ni Mandy.
“Hindi naman kami
nag-aaway kuya. May sinabi ba siya sa
iyo?”
“Wala naman. Basta pakiramdam ko ay may tampuhan kayo
eh. Ligo muna ako.”
Tumunog ang CP ni
Kuya. Tinignan ko. Si Mjay at sinasabing magkita raw sila. Wala daw si Lolo sa bahay. Grabe talaga itong si Mandy. Bwisit!!!
Nagtext ako kay Mjay.
“Umuwi si Karlo, alam mo ba?”
“Oo. Salamat sa info. Magkikita kami mamaya. Thanks.”
Maaga kaming kumain
ng hapunan. Pagkakain ay agad nagpaalam
si Kuya at pupunta raw kina Mandy at makikipagkwentuhan.
“Aakyat ka ba ng
ligaw Kuya.” Biro ko.
“Hindi na. Kami na kasi eh. Me nangyari na nga sa amin eh hehehe. Sige
bunso.”
Aray ko. Ang sama sama talaga ni kuya. Hindi ba niya alam na nakasasakit siya ng
damdamin? Damdamin nino? Ako?
Bakit? Kami ba? Haayyyyyyyyy para
akong sira. Ano ba naman ako? Bakit ako affected. Makatulog na nga lang.
Nag browse na lang ko
ng aking FB. Hindi ako mapakali, kasi
ang sama sama ng nasa isipan ko.
Babangon, hihiga, tatayo, lalakad.
Sira na talaga yata ako. Hindi ko
namalayan na naglalakad na ako patungo kina Mandy. Nang malapit na ako ay nag-alangan ako. Nakita ko sila na nakaupo sa dating upuan na
kawayan, may tangan na bote ng beer.
Nag-isip ako kung
tutuloy pa o babalik na lang ng bahay.
Tumayo si Kuya at inilapag ang bote sa mesa saka pumasok na ng
kubo. Naiwan si Mandy na pinupulot ang
mga bote saka pumasok na rin ng kubo.
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi na muling lumabas si Mandy. Nagpasya akong lumapit na ng kubo.
Dahan dahan ako para
hindi makagawa ng kahit konting ingay.
Nasa may gilid ako, malapit sa silid nina Mang Enteng. Natigilan ako ng makarinig ako ng
bulungan. Hindi ko naman maintindihan
dahil sobrang hina. Lumapit pa ako. May nadinig ako na tunog ng
naghahalikan. May konting siwang akong
nakita. Sinilip ko ang nasa loob. Si kuya at wala nang suot ng pangitaas. Nakatalikod siya sa akin, nakapatong sa kung
sino ay hindi ko maaninag. Madilim
kasi. Kilala ko naman ang katawan ni
Kuya at sigurado akong may katalik siya.
Kinuhanan ko ng picture, nagbakasakaling kahit madilim ay may
pagkakakilanlan.
Mahinang ungol ang
nadinig ko, hindi ko lang mapagtanto kung si Kuya o si Mandy. Hindi ko na kinaya at umalis na ako. Maluha luha talaga ako sa nasaksihan. Sinamantala nila na wala si Mang Enteng para
isagawa ang kababuyang iyon, doon mismo sa silid nila.
Pagdating ko ng bahay
ay agad akong nagkulong sa silid at inilock ang pinto. Mahimbing pa rin ang aking tulog at umaga na
ako nagising. Naka lock pa rin ang pinto
ng lumabas ako. Kung gayon ay hindi na
umuwi si Kuya. Magdamag silang naglunoy
sa kaligayahan.
Pagbaba ko ay nasa
sofa si Kuya at tulog na tulog pa. Bakit
hindi siya kumatok. Buti nga sa kanya
hehehe.
Dahil sa aking yabag
ay nagising yata si Kuya. Para hindi
halata na sinadya ko talagang ilock ang pinto ay nagtanong ako kaagad sa
kanya. “Bakit diyan ka natulog Kuya?”
“Paanong hindi ako
dito matutulog ay naka lock ang pinto.
Katok ako ng katok ay hindi ka magising.
Bakit ba naglock ka ng pinto?”
“Kuya! Hindi ako naglolock. Bakit naman ako maglalock ay alam kong narito
ka.”
“Bunso, kasi sabi ni
Mandy ay parang nakita ka niya doon sa kanila.
Galing ka ba kina Mandy? May
nakita ka ba o nadinig? Magtapat ka na. Nagpunta ka doon ano.” Usisa ni Kuya.
Nag-isip ako kung
aamin o tatanggi. Mas nanaig na umamin
ako. “Oo kuya, at may nakita ako.”
‘Sssshhhhhhhhhh,
huwag ka maingay bunso, baka marinig ka ni Nanay, lagot ako. Secret na lang natin muna please.”
“Bakit naman ninyo
isisikreto pa. Ano bang masama kung
malaman ni Nanay.”
“Basta bunso, wala pa
kasi sa tamang panahon. Sasabihin ko rin
naman eh pero hindi pa sa ngayon. Please
naman bunso. Anong gusto mo bunso, kahit
ano, ibibili kita huwag ka lang munang maingay.” Si kuya, alalang alala sa
kanyang ginawa at baka nga naman magsumbong ako ay lagot siya. Nanunuhol pa.
“Gusto ko ng iPhone
yung latest model.” Sabi ko.
“Bunso naman. Sobrang mahal naman noon. Hindi pa pwede na yung Oppo o Vivo basta yung
hindi masyadong mahal.” Pakiusap ni
kuya. Nagbibiro lang naman ako. Alam ko naman na sobrang mahal iyon at baka
wala nang matira sa sweldo ni kuya at walang maibigay kay Nanay. Si Tatay naman ay hindi pa nakakapagpadala
itong buwan na ito mula sa Dubai. “Sige
kuya, bigyan mo na lang ako ng pambili at ako na ang bibili sa bayan.”
“Ako na lang
bunso. Sa Manila na lang ako
bibili. Hindi pa namin sweldo eh. Promise ibibili kita. Basta huwag ka munang maingay ha.”
Ang sama ko na
talaga. Kinukunsinti ko pa ang kalokohan
ni Kuya. Nakuha ako sa suhol. Tumahimik muna ako.
---------------oo00oo---------------
Mandy’s POV
Ang tagal ko nang
hindi man lang nakakausap si Cedric. Ano
ba talaga ang ikinagagalit niya sa akin.
Ang ganda ganda ng samahan namin bago pa ako makasali sa contest tapos
ng makaraos ay saka naman nagkaganito.
Kinausap ko na rin si
Jenny dahil malapit na kaibigan siya ni Cedric, pero wala ding masabi.
“Nag-away ba
kayo? Anong pinagawayan ninyo?” – si
Jenny.
“Wala akong alam,
magtatanong pa ba ako sa iyo kung alam ko.
Basta na lang siya hindi kumibo at iniiwasan ako.”
“Baka nagseselos o
may pinagseselosan. Seloso iyon kahit na
sa kaibigan. Sa akin nga, hindi ko lang
nasamahan minsan at sa iba ako sumama ay ang sama sama ng loob kaagad sa akin
eh. Ang tagal ko kayang sinuyo. Akala tuloy ng iba ay kami.”
“Sino naman ang
pagseselosan niya, saka bakit siya magseselos ay palagi naman siya ang kasabay
ko. Ito lang talaga pagkatapos ng
contest nagbago ang pakisama niya sa akin.
Ewan ko ba dun, parang babae, hindi naman maganda.”
“Alam mo, bagay
kayong dalawa. Uso naman ngayon ang BL
eh. Ako ang magiging unang tagahanga
ninyo hehehe.”
“Sira ka din
ano. Diyan ka na nga.”
Habang naglalakad ako
pauwi ay naka receive ako nang tawag mula kay Kuya Karlo.
Karlo: Mandy tama ka, nagpunta nga
kagabi si Cedric at nakita niya ang nangyari.
Napakiusapan ko naman siya na manahimik muna. Magagastusan tuloy ako, sinuhulan ko lang ng
bagong CP para huwag mag-ingay.
Mandy: Naku lagot.
Lalong magagalit siya sa akin.
Hindi ko pa nga nakakausap para makipag-ayaos ay eto na naman ang
problema.
Karlo: Ano ba talaga ang pinagkasira
ninyo.
Mandy: Hindi ko nga alam eh. Basta na lang hindi kumibo.
Karlo: Basta ha Mandy. Bantayan mo pa rin si Cedric. Baka magsumbong eh lagot tayo pareho. Aaminin ko naman na eh, hindi pa lang sa
ngayon.
Mandy: Sige.
Sana lang ay hindi talaga dumaldal ang lalaking iyon.
Ano ba itong
napasukan ko. Paano ko kaya siya
makakausap ng matino. Pag nilalapitan ko
ay panay naman ang iwas. Para kasing
babae kung makapagtampo, susuyuin pa.
Pero ang cute cute talaga niya kapag naiinis sa akin hehehe. Siguro dapat ay lapitan ko ng lapitan para
mainis at nang makita ko naman ang kacutan niya. Nakakainlove naman talaga eh. Ligawan ko kaya. Naku, may problema pa nga ako kay Kuya Karlo
ay kung ano ano na naman ang nasa isip ko.
Palabas na ako ng
gate, nagbabasa pa ako ng text ng may masagi ako. Sa lahat naman ng masasagi ay si Cedric pa.
“Ano ka ba
bulag? Ang lakilaki ko ay hindi mo ako
nakita! Nananadya ka ba.” Galit na bulyaw ni Cedric sa akin. Nanlilisik ang mga mata, namilog.
“Wow ha! Kasalanan ko ba eh haharang harang ka sa
daan!” sagot ko dahil gusto ko siyang magalit.
Kanina ay ang ganda ganda ng mata, namimilog sa galit pero ang cute
talaga, gusto ko nang halikan eh hehehe.
“Ano ba kayong
dalawa, maliit na bagay ay pag-aawayan.
Pinagtitinginan na kayo ah. Hindi
ba kayo nahihiya! Kalalaki ninyong tao
eh madada. Gusto ninyo sapakan na eh.”
Si Jenny na nagpakita na ng inis. Tuloy
ay baka nga manuntok itong mokong na ito eh hindi ko siya uurungan. Hahalikan ko siya talaga kapag nanapak siya.
“Siya kasi eh. Siya na ang nakabangga eh hindi man lang
magsorry. Mangaaway pa.” sagot ni
Cedric, nakasimangot at may pag irap pa.
Shet!! Malalaglag ang
mata ko nito eh. Kung wala lang makakakita ay talagang nirape ko na ang
lalaking ito, ang gwapoooo.
Haaayyyyy. “Magsosorry naman ah,
kaya lang ay agad kang nakabulyaw. Ugali
mo ba talaga ang basta na lang magagalit?
May ginawa ba ako sa iyong masama?”
“Meron. Gusto mo ibroadcast ko dito ha. Sige, galitin mo pa ako.”
“Sige nga, ano yung
ibobroadcast mo. Sige nga. Akala mo ha!”
Nagtapang tapangan lang ako, pero ang totoo ay kinabahan talaga ako. Baka nga madulas ay masabi niya ang lihim
namin ni Kuya Karlo. Malalagot ako nito
kay Lolo.
“Umalis ka na
nga. Pinaiinit mo ang ulo ko.” – si
Cedric
“Talagang aalis na
ako. Dyan na nga kayo.” Tinalikuran ko
na sila. Mabilis na akong naglakad,
halos patakbo na nga eh. Nang makalayo
na ako ay agad kong tinawagan si Kuya Karlo at sinabi ang nangyari. Sinabi na suyuin ko raw para hindi na
magalit. Bigyan ko raw ng chocolate o
bulaklak.
Ako/Mandy: Kuya, para naman akong nanliligaw pag
ginawa ko iyon.
Karlo: Irerefund ko naman sa iyo ang
papambili mo. Sige na.
Ako: Ewan ko kuya, parang hindi ko kayang
manuyo. Baka masuntok ko pa iyon. Ang arte kasi ng kapatid mo. Kung hindi ko lang…basta.
Hanep, muntik na ako
doon ah. Muntik ko nang masabi na kung
hindi ko lang mahal ang kapatid niya.
Buti at nakapagpigil ako kundi ay problema na naman. Baka kung ano pang isipin niya.
Karlo: Nakukuha naman iyon sa
suhol. Subukan mo lang.
Ako: Sige Kuya, susubukan ko.
Hinintay ko siya
talaga na makauwi. Nagtago muna ako sa
kanto para hindi siya makaiwas. Alam
kong iiwas siya. Nang magdaan na nga ay
hinawakan ko ang braso niya at sinabing “Mag-usap nga muna tayo. Magkaliwanagan na nga tayo.”
Parang natakot
siya. Mahigpit kasi ang pagkakahawak ko
sa kamay niya. Alerto naman ako dahil
baka biglang manuntok. Mag-sing tangkad
lang kami at maaring talunin niya ako.
Durugtungan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento