Biyernes, Hunyo 24, 2022

Majayjay Laguna – Story of My Life (Part 51) - One Sided Love

 


Majayjay Laguna – Story of My Life (Part 51) - One Sided Love

 

Matinding salpukan ang nangyari sa pagitan namin ni Roman sa bukid namin sa Suba.  Isa sa pinakamasarap na nalasap ko sa larangan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

-------------------------------------------

Balik Manila na naman kami.  Nakiusap si Roman sa akin na kung pwede raw na sa akin muna tutuloy habang naga-apply pa siya ng trabaho.  Masikip na raw sa tiyahin kung saan nadoon sina Wally, Jeffrey at Nathan.  Pumayag agad ako dahil ayaw kong malapit siya kay Nathan.  Pinagseselosan ko kasi siya.

Nakabuti naman ang pagtira niya sa akin.  May nababaon ako sa umaga dahil siya ang nagluluto ng almusal at pagdating ko naman ng bahay ay may hapunan na.  Madalas din naman siyang umaalis dahil nagpupunta sila ng isang pinsan niya sa kompanyang pinagaaplayan nila.  Sa Pier daw ang opisina, hindi ko naman na inalam kung anong kompanya iyon.  Binigyan ko siya ng duplicate copy ng susi para malaya siyang makaalis at makapasok ano mang oras.

Higit na nakabuti ang pagtira niya sa akin dahil may regular akong rasyon ng masarap na gatas hehehe.

----------------------------------------------

May 1992, lumabas naman ang resulta ng board exam nina Rommel at isa siya sa maswerteng nakapasa. Syempre tuwang tuwa ako at personal ko pa siyang kinongratyuleyt.  Kasama pa nga ako ng mag oath taking sila sa PICC kasama si nanay at ang kanyang nobya.  Hindi ko iyon inaasahan dahil wala naman siyang naikukwento tungkol sa kanyang nobya.

Kahit papano ay may kurot din sa aking dibdib ang nalaman ko pero matagal ko na naman tanggap na hindi talaga magiging kami.  Ako rin naman ang umayaw.  Tulad ni Robert ay nakiusap din si Rommel na huwag silang pababayaan.  Baka hindi raw nila kayanin pag may dumating na namang problema. 

“Kuya, huwag ka namang lalayo sa amin ng tuluyan.  Nakakahiya man ay talagang kailangan ka namin.  Kuya hindi naman nawala ang pagtingin ko sa iyo tulad din ni Kuya Robert, dangat ayaw mo lang talaga.  Saka alam kong tama ka.  Matagal ko nang naunawaan iyon” maluha luhang sabi ni Rommel.

Sinigurado ko naman na walang magbabago at hiniling ko rin sa kanya na huwag din siyang magbagago.

Si nanay na lang ang ihinatid ko sa kanila habang si Rommel ay ihahatid daw muna ang nobya.

---------------------------------------------------

Samantala, mahigit nang isang buwan nakatira sa akin si Roman.  Nitong huli ay madalas na maagang naalis dahil may seminar daw na pupuntahan.  Kailangan daw yun sa pag si-seaman niya.

Isang Biyernes ay nauna pa akong nakaalis kay Roman.  10 am pa naman daw ang appointment nila.  Ako naman, pagkatapos ang mga regular na ginagawa sa opisina ay nagpaalam sa Boss ko na pupunta sa site upang kunin ang ilang dokumento na kakailanganin sa pag import ng mga spareparts at iba pa na kakailangnin sa konstruksyon.  Doon na kami inabot ng tanghalian at bandang 2Pm ay umalis na rin pabalik ng opisina.

Habang daan ay naguusap kami ni Wally.

“Bakit nga pala hindi nakapasok si Nathan?” usisa ko kay Wally.

“Kagabi pa kasi dumadaing ng sakit ng ulo.  Siguro hindi na kayang pumasok at masama na talaga pakiramdam” tugon ni Wally.

“Ah.  Hindi ba nagagawi sa inyo si Roman?  Kasi nitong huli ay nagseseminar daw siya at kadalasan ay gabi na dumarating.  Hindi na nga kumakain eh.”  

“Minsan inabot ko sa bahay.  Pero hindi naman madalas.  Wala bang sinasabi sa iyo? May pagtatakang sagot ni Wally.

“Wala eh.  Pagdating eh tulog agad.  Parang pagod na pagod. Pero siguro mga dalawang beses ko siyang naamoy na tila bagong paligo.  Amoy sabon eh.  Ewan.  Hayaan ng lang natin.”

Hindi na ako umimik hangang sa malapit na kami sa office.  Bigla nagbago ang isip ko at sinabi kay Wally na diretso na lang kaming uwi total wala na naman akong gagawin saka 3pm na rin naman.

Tuwa lang ni Wally dahil maaga kaming makakauwi.

“Saya mo ah! Bakit?” komento ko.

“Walaaa.  Maaga akong mapapahinga hehehe” tatawa tawa niyang sagot na tila may kahulugan.

“Ano naman ang nasa isip mo.  Puro ka kalokohan.”

“Ikaw nga ang masama ang isip eh.  Ano ba iniisip mo?” - si Wally.

“Wala! Tama na nga yan.  Ayusin mo na lang ang pag drive mo.”

Natahimik kami.  May naglalaro kasi sa isipan ko.  “Saan kaya pumupunta si Roman pag ginagabi ng uwi.  Bakit minsan ay amoy bagong paligo siya ganung kadarating lamang?  Absent si Nathan ngayon.  May lakad ba si Roman ngayon?” mga katanungan naglalaro sa aking isipan.  Hindi ko tuloy namalayan na nakahinto na ang sasakyan sa gilid na kalye papunta kina Wally.

“Sir bossing ang lalim yata ng iniisip mo.  Narito na tayo.  Ihatid na kita hanggang sa inyo” pagpukaw ni Wally sa aking pagmumuni muni.

“Ha! Ah eh hindi na, kaya ko na.  May naisip lang ako” tugon ko naman.

------o0o-----

Tahimik ang bahay.  Walang tugtog na kadalasan kong naaabutan kung nasa bahay lang si Roman.  Sarado rin ang mga bintana sa ibaba maging sa kwarto na tinutulugan namin.  Naipark ko na ang sasakyan sa loob ng gate ay walang Roman na lumabas.  Nasiguro kong lumabas nga si Roman at maaring tama ang hinala ko na magkasama sila ni Nathan.  Ahhhhhhh.  Napabuntong hininga ako.  Parang may inis akong nadarama.

Ewan ko kung bakit nagkakaganon ako ngayon.  Parang ayaw kong makakasama niya si Nathan.  Kahit sa isip lang, nagseselos ako.  Gusto ko ako lang ang lagi niyang kasama.  “Mahal ko na ba siya?  Saka mahal din ba niya ako? Tanong ko sa aking sarili.

Sa buong pagtira niya dito ay nagpakita naman siya sa akin ng lambing.  Pinagluluto niya ako ng paborito kong ulam.  Lagi siyang nakayakap at sa tuwing nag sesex kami ay ramdam ko na para talaga akong espesyal.

Ipinaglalaba ko naman siya, washing machine nga lang ang gamit.  Ipinagpaplantsa ng damit dahil hindi siya marunong.  Pag walang pasok, ako naman ang nagluluto sa kanya.  Para na nga kaming magasawa.  Kaya pag naiisip ko na nagkakasama sila ni Nathan ay naiinis ako.  Wala pa naman akong ebidensya.  Panay hinala lang.

Pagpasok ko sa loob ay nabungaran ko ang mga basyong bote ng beer na nasa side table at plato na pinaglagyan ng lechon manok.  Nagtaka ako.  Hindi muna nalinis ni Roman bago siya umalis.  “Sino kaya ang kainuman niya” tanong ko sa isip ko. 

May kaluskos akong nadinig sa itaas.  “May tao yata sa itaas.  Nadito pala si Roman.  Hindi kaya napansin na dumating na ako?” sa isip ko pa rin.

Dahan dahan akong pumanhik.  Bubuksan ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng ungol.  Ungol ng nasasarapan at hindi ungol dahil sa bangungot.

“Ahhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhhh oohhhhhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhhhh sige ganyan nga Tan.  Dilaan mo butas ko. Ohhhhhhhhhh ang sarapppppppppp ahhhhhhhh” ungol mula sa silid ko.  Si Roman iyon

“Ahmmmmmmm uhummmmmm. Ang sarap sarap mo Roman.  Kahit anong gusto mo gagawin ko ahhhhhhhhhmmmm. Mahal kita Roman, mahal na mahal kita, I love you Roman” galing din sa silid

“Lintek! Si Nathang yun” ako, sa isip ko.  May galit na namumuo sa aking dibdib.

“I love you too Tan.  Mahal na mahal din kita uhmmmmmmmmmmm uhmmmmmmm ahhhhh” boses ni Roman.

Lalong nagpuyos ang galit ko.  “Nagmamahalan pala sila eh bakit hindi nila sinabi sa akin.  Okay lang naman kung makitira sa akin si Roman kaya lang, parang pinaasa ako.  Hindi naman pala ako mahal ay bakit nilalambing ako.  Anong ibig sabihin ng pakikipagtalik niya sa akin.  Libog lang.  Bayad sa pagpapatuloy sa bahay ko?” mga katanungan sa aking isipan.

Gusto ko silang sugurin.  Gusto ko silang hiyain.  Gusto ko silang saktan lalo na si Roman.  Pero nangibabaw pa rin ang hinahon sa akin.  Bumaba na lang ako.  Niligpit ko ang naiwang kalat sa ibaba.  Inilagay ko sa bangerahan ang pinggan at baso na ginamit pati na rin ang pitsel ng tubig.

Habang ginagawa ko iyon ay tumutulo ang aking luha.  Subalit napagtanto ko na ano ba ang aking ikinagagalit eh wala naman kaming relasyon.  Dapat si Nathan ang magalit sa akin dahil may relasyon sila at siguradong alam niya na may nangyayari din sa amin ni Roman.  Naisip ko na hindi ako dapat umiyak o magalit sa kanila. 

Naisip ko ang ikagagalit sa kanila ay bakit sa kama ko pa sila nag ano eh kapapalit ko lang ng cover ng kama at unan pati kumot.  Dami namang kwarto rito na hindi ginagamit.

Nagpunta ako ng banyo at naghilamos.  Hinugasan ko na rin ang ginamit nilang pinggan at baso saka naupo sa sofa.  Binuksan ko ang TV pero hininaan ko ang volume na halos mute na sa kahinaan.

May 30 minutes na ang lumipas ay wala pang bumababa sa kanila.  4:30pm na.  Gusto ko munang magpahinga kaya pinatay ko na ang TV at marahang umakyat at tinungo ang isa pang silid at doon nahiga.

Naidlip pala ako.  Madilim na ng magmulat ako ng aking mga mata.  Agad ko nakita si Roman na nakaupo sa gilid ng kama, sa may paanan ko.  Bumangon na ako at saka nagtanong nang “Oh.  Anong ginagawa mo.  Bakit nakaupo ka dyan?”

Wala siyang imik.  Dalawang beses kong inulit ang tanong bago siya umimik.

“Lito, nahihiya ako sa iyo eh.  Nakakahiya ang ginawa ko.  Hindi ko dapat ginawa dito iyon” turan niya na nakatungo.

“Ang alin?” pa inosente kong sagot.

“Sorry talaga Lito.  Wala na akong mukhang ihaharap sa iyo sa katarantaduhang kong ginawa.  Magalit ka.  Murahin mo ako.  Suntukin mo ako.  Saktan mo ako.  Lahat iyon tatanggapin ko, mapatawad mo lang ako Lito” pagsusumamo ni Roman.  Hindi tumitingin sa akin.

“Nasaan si Nathan?” iyon na lang ang naitanong ko.  Wala akong masabi.  Blanko pa ang aking isip.

“Hinihintay kang magising, kaya lang sinabi ko na ako na lang muna ang kakausap sa iyo.  Pinauwi ko na muna” tugon niya, parang tuod, walang kagalaw galaw sa pagkakaupo.

“Anong oras na ba.  Teka’t magluluto muna ako” pag-iba ko sa usapan.

“Ako na ang bahala doon.  Maaga pa naman kaya hindi pa ako nagluluto. Saka sandali lang naman kasi iinitin ko lang naman yung kalahating lechon manok sa microwave oven.” Mabilis niyang tugon.

--------------------------------------------

Wala kaming imikan habang kumakain.  Si Roman na rin ang nagligpit ng aming pinagkainan.  Ako naman ay sa sala nagtungo, binuksan ang tv.  Inabot ko pa ang balita kaya iyon na muna ang aking pinanood.

Pagkatapos ng ginagawa ni Roman ay umupo siya malapit sa akin.  Nakaupo kasi ako sa solohang sofa.

“Lito, magpapaalam na siguro ako sa iyo.  Hindi ko yata kaya na hindi tayo magimikan eh tayo lang ang nadito.  Saka talagang hiyang hiya ako sa iyo” bungad ni Roman.

“Saan ka naman pupunta?” maikli kong sagot.

“Hindi ko alam pa.  Siguro pansamantala eh dun muna ako sisiksik sa mga tiya, total sandali na lang siguro ay makakasakay na ako” pagrarason niya.

“Ano naman ang idadahilan mo at bigla bigla kang uuwi sa kanila.  Syempre magtatanong sila lalo na si Wally.  Baka isipin nila pinalayas kita.  Buti kung sasabihin mo ang tunay na nangyari para naman hindi sila magalit sa akin” paliwanag ko.

Hindi agad nakasagot si Roman.  Napaisip sa sinabi ko.

“Eh nahihiya talaga ako sa iyo eh.  Bakit ba ayaw mo akong kagalitan.  Bakit ayaw mo akong murahin man lang.  Nakakatorture kasi ang basta ka na lang ganyan eh ang sama na nga ng ginawa ko.” - si Roman.

“Ano ba ang dapat kong sabihin?  Bakit ako magagalit.  Normal lang naman ang ginawa ninyo dahil mahal ninyo ang isa’t isa.  Ang mali lang na nakita ko ay kung bakit sa kama ko pa kayo nagkantutan eh ang dami namang kwartong bakante.  Tuloy magpapalit na naman ako ng bedsheet at punda eh kapapalit ko lang niyan.  Ano doon ako mahihiga sa tinamuran ninyo!” ako na may halong biro ang sinabi.

“Ha! Ako na ang bahalang magpalit.  At sinong nagmamahalan?” may halong pagtataka niyang tanong.

“Kayo ni Nathan.  Dinig na dinig ko kaya sabi mo “I love you Too Tan.  Mahal na mahal din kita”” ginaya ko pa ang tono ng kanyang pagkakasabi.

“Hahaha yun ba.  Nasabi ko lang yun kasi nga libog na ako” si Roman.

“Nasabi mo ba ang gayon nung tayo ang nagkakantutan? Puro ka lang ungol.  Sige pahh ganyan isagad mo” paismid kong sagot.

“Eh hindi mo rin naman sinasabi sa akin ang ganun ah.  Pano kita sasagutin” katwiran ni Roman.

“Kayo na ba?  May relasyon na ba kayo ni Nathan?” ditretso kong tanong.

“Walaaaaaaaaa!  Siya ang pumunta dito at nag-aya ng inuman.  Saka nanghihiram ako sa kanya ng pera para sa susunod kong seminar.  Last na daw yun.  Dinala niya dito kanina pati na yung beer at lechon manok.  Sa kanya rin ako nahiram ng panggastos ko pagpunta punta sa kompanya.  Konti lang kasi ang dala kong baon eh.  Pasensya na talaga ha!” paliwanag niya.

“Siguro mahal ka talaga ni Nathan.  Halata naman kahit noon pa sa Samar.  Wag kang magalala, hindi ako galit dahil wala naman akong dapat ikagalit.  Siguro naman mahal mo rin siya, ayaw mo lang talagang aminin sa akin.  At saka bakit hindi ka nagsasabi sa akin na gipit ka na.  Baka isipin ni Nathan ay ayaw kitang tulungan.”

“Kapal naman ng mukha ko kung sa iyo pa ako kukuha ng panggastos ko.  Libre na nga ako lahat dito!” Tugon niya.  “Saka kung mahal ko siya, oo mahal ko siya hindi bilang lover kundi kapatid, pinsan.  Yung sex eh natukso lang naman ako.  Sadyang malibog lang.  Tao lang hehehe” patuloy pa niya.

“Katulad ng nangyari sa atin, libog lang din, ganon ba?” pa insulto kong tanong.

“Iba naman ang sa atin.  Kasi iba ang turing ko sa iyo simula pa lang sa nangyari sa atin sa Samar.  Oo syempre may libog, pero hindi puro libog lang, hindi ko masabi sa salita.  Siguro sabihin na natin na may respeto.  Oo ganon nga, may respeto ako sa iyo.  Lalo na ng dito ako sa iyo tumira.  Mag dadalawang buwan pa lang pero parang asawa na nga ang turing ko sa iyo.  Baka nga pag nagtagal pa ako dito ay hindi na kita maiwanan” mahaba niyang paliwanag.

“Mahal mo ba ako?” tanong sa akin ni Roman.  “Kasi ako, mahal na yata kita eh” dugtong niya

“Ulkkk” naibuga ko tuloy ang iniinom kong tubig sa kabiglaanan.  Mahina ko siyang binatukan saka sinabing “Loko ka ha!  Gusto mo pa yata kaming pagsabayin ni Nathan ah! Tarantadong ito!” inis na sagot ko.  Pero sa totoo lang naman ay mahal ko na nga siya kahit na papano.  Nagselos nga talaga ako kay Nathan eh.  Ayaw ko na lang talagang malulong.  Tama na ang isang Robert sa buhay ko.

“Tulog na nga tayo.  Baka kung ano pang pambobola ang marinig ko sa iyo” ako.

“Anong bola.  Totoo kaya!” si Roman

“Palitan mo na yung bedsheet at punda ng unan, maglabas ka na rin bagong kumot.  Baka amoy tamod pa yan” utos ko sa kanya.

Paghiga namin ay nilalandi pa ako ni Roman.  Tila gustong bumawi sa akin.  Syempre tumangi.  Dalagang Filipina eh hehehe.

“Bakit may ibubuga pa ba iyan.  Nakailang round ba kayo?” tanong ko.

“Isa lang!” si Roman

“Yong totoo!” - ako

“Dalawa!”

“Yong totoo!” ako

“Tatlong round.  Last na yun.”

“Yong totoo!”

“Kulit nito, tatlo lang talaga” siya uli.

“Eh di tatlo!!

“Syanga pala, saan ka nagpupunta pag ginagabi ka?” tanong ko.  Nasorpresa yata sa tanong ko at hindi agad nakasagot.

“Sa seminar, minsan sa pinsan ko.  Minsan naman ay kina Wally” sagot niya, tila hindi tiyak ang sinasabi.

“Ah kaya gabing gabi ka na nakakauwi.  Hanggang gabi ba ang seminar?” panghuhuli ko pang tanong.

“Hindi, hanggang 5 lang tapos dadaan kami sa pinsan ko.  Minsan nga kina Wally.

“Ah.  Kaya naliligo ka na rin doon bago umuwi” muli kong tanong.

“Minsan lang naman ako umuwi ng naligo eh.  Oo na, aaminin ko na.  Kasama ko si Nathan, nag hotel kami.  Ang kulit kasi.  Saka may kailangan nga ako sa kanya” pagtatapat niya.  Nasukol ko yata.

“Ayun, kung ano ano pa kasing dahilan eh” sagot ko sabay talikod sa kanya.  Gusto ko sanang sabihin na “Bayad ba yun sa serbisyo mo” pero hindi ko na itinuloy.  Baka kasi makasakit ako ng damdamin.

Niyakap naman niya ako mula sa likod, nilalambing ako.  “Sorry na uli.  Ayaw ko kasi na magalit ka sa akin pag nalaman mo ang totoo kaya hindi ko inamin agad. Pasensya na talaga” explika niya. 

Tulog na tayo.  Antok na ako” sabi ko.  Tumalikod ako sa kanya.  Niyakap naman niya ako uli mula sa likod.  Hinayaan ko na lang siya.

“Kahit konti ba ay wala kang pagtingin sa akin?” bulong niya sa tenga ko.  Gulat naman talaga ako sa tanong na iyon.

“Alam mo Roman, madali kang mahalin.  Bukod sa napakawapo mo ay totoong may maganda ka ring kalooban at tingin ko ay responsable naman.  Ang totoo ay attracted na talaga ako sa iyo, kaya lang ayaw ko na sa relasyon.  Alam mo naman na ang nakaraan ko dahil kinuwento ko na sa iyo.  Takot na ako sa seryosong relasyon.  Wala naman talagang mangyayari sa relasyon ng parehong lalaki.  Kadalasan naiiwan ang bakla kasi mag-aasawa at magpapamilya rin talaga ang tunay na lalaki.  Saka tulad ko, hindi alam ng aking pamilya ang tunay kong pagkatao at maging sa lipunan ay hindi tanggap ang ganitong relasyon.  Kaya kahit na mahal ko ang isang lalaki ay sinisikil ko na lang at pilit na iiwasan.  Mahalin man kita ay iiwan din naman ako bandang huli.” Mahaba kong sagot.

Hindi na siya sumagot.  Sinabi ko uling matulog na kami.  Niyakap ako at idinantay ang isang hita sa akin.

Hindi ako dalawin ng antok, samantalang agad na nakatulog si Roman dahil may mahina na siyang hilik.  Sa pagod siguro at sa naimom na beer.  Iniisip kung ano kami.  Tapat siya sa sinabing para na kaming magasawa.  Kinilig nga ako doon eh.  Pero talagang may alinlangan sa akin.  Gusto ng aking puso pero kakaiba naman ang sinasabi ng aking isip.

Sadya yatang mahirap maging bakla.  Talong talo ka pagdating sa pag-ibig.  May pagtingin ako kay Rommel, pero may nobya na siya sa ngayon.  May pagtingin din ako kay Jay, pero naauna pa siyang nagka GF kay Rommel.  Sabi nila ako daw ang ayaw.  Totoo naman dahil alam ko na ang kahihinatnan.  Kabit na nga ako ni Robert magiging kabit pa rin ako nila pagdating ng panahon. 

At ngayon, mahal ko na talaga si Roman pero ayaw pa rin ng isipan ko.  Hindi pwede.  Hindi pwede na malulong uli ako sa lintik na pagmamahal na iyan.  Nakatulugan ko na ang isiping iyon.

-----------------------------------------------------

Lunes, inaya ako ni Nathan na kumain sa labas.  Doon niya ako inaya sa hindi masyadong matao.  Humingi siya ang paumanhin.  Siya daw ang may kasalanan sa nangyari.  Mahal daw niya talaga si Roman.  Mahal na mahal.  Kung kaya daw niya ay ibibigay lahat ng hilingin niya.  Inamin din niya na siya ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaplay.  Kusa daw niya iyon at hindi hiningi.

Wala din daw silang relasyon.  Siya lang daw ang may gusto sa namagitan sa kanila.  Naiinggit daw siya sa akin dahil pakiramdam daw niya ay ako ang gusto ni Roman.  Pinabulaanan ko naman sa kanya iyon.  Sinabi kong walang gusto sa akin si Roman.  Kung may nangyari man sa amin ay init lang din ng aming katawan.

Pinayuhan ko rin siya na huwag magpakalulong sa pag-ibig lalo na sa kapwa lalaki.  Sinabi kong mahirap at maraming kasawian ang mararanasan.  Maraming manlilibak sa kagaya namin kaya itinago ko ang lihim na iyon sa aking pamilya.

Sinabi ko rin maaring may magmahal sa kagaya namin ng totoo pero hindi rin pwedeng magsama dahil bawal nga sa lipunan at hindi naman pwedeng ikasal.  Laging talo ang bakla basta sa pag-ibig.

Simula noon ay naging close na kami ni Nathan.  Minsan isasama ko siya sa aking adventure hehehe.

----------------------------------------------

Inabot din ng apat na buwan bago tuluyang nakasakay ng barko si Roman.  Nagkaroon ng konting despedida tatlong araw bago siya umalis at doon sa bahay ko ginanap.  Ako lang naman, si Wally, si Jeffrey, si Nathan at yung pinsan nilang kasama ni Roman sa barko at syempre si Roman ang naginuman at kainan.  Maagang umuwi yung isang pinsan nila, samantalang sina Wally ay doon na sa amin natulog.  Sa kabilang kwarto ko pinatulog sina Nathan at Roman samantalang sina Wally at Jeffrey ay sa aking silid natulog.  Sa masasamang isip dyan, walang nangyari sa aming tatlo nina Jeffrey.  Lasing na lasing kami kaya agad din nakatulog at tanghali na nang magising.  Ewan ko lang kina Roman at Nathan.

Sa amin na sila nagtanghalian.  Pagkakain ay sabay sabay na silang umuwi.  Nagkasarilinan naman kami ni Roman.  Hindi naman siya pumayag na walang mangyari sa amin. 

Bago siya umalis ay binilinan ko siya na huwag masyado padadala sa libog.  Marami kasing nagsasabi na dahil malayo sa asawa ang mga seaman ay minsan sila sila na lang ang nagpapasaya sa isa’t isa.

“Mag-iingat ka rin Lito.  Ayaw ko na magkakasakit ka kaya huwag mo pababayaan ang sarili mo ha!  Huwag kang magalala sa akin.  Susundin ko lahat ng bilin mo.”

“Kung kaya mong mahalin talaga si Nathan ay gawin mo na.  Huwag mo siyang paasahin.  Totoong mahal na mahal ka niya” sabi ko.

“Susubukan ko, pero hindi ako nangangako.  Ikaw kasi ang gusto kong mahalin” sagot niya.

Kahit alam kong may katotohanan ang huling sinabi niya dahil ramdam ko kahit doon pa sa Samar ay hindi ko na lang sinagot.

Pinahatid ko na lang siya sa airport kay Wally.

 

 

Itutuloy………………………………….

 

 

 

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...