Linggo, Agosto 28, 2022

Araw ng Kasal (Part 1)

 


Araw ng Kasal (Part 1)

 

Grace

Kabado ako.  Hindi ko akalain na matatakot ako ng ganito sa buong buhay ko. Lahat nang pinaghandaan ko ay nangyayari na ngayon at pinagbuti ko dahil kung hindi ko ginawa ay hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari.

Halata ang panginginig ng katawan ko habang nakatayo ako sa labas ng pintuan, suot ang damit pangkasal na pinili para aking suutin. Naramdaman ko ang paghagod sa aking balikat ng magaspang at makalyong palad buhat sa aking ama. Panay ang ayos sa lace sa itaas ng suot kong damit pangkasal at pilit akong pinakakalma.

“Relax ka lang iha, huwag kang kabahan,” wika ni Papa.

Inamoy ko ang palumpon ng bulaklak na tangan ko at nagbabakasakaling mawala ang aking nerbyos at maging maayos ang pagpepresengta sa aking magiging asawa. Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa harapan ko. Para akong nabulunan at pigil na pigil ang pag-ubo. Para akong nautal, hindi ako makapagsalita. Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking palad.

Tila napakahaba ng oras habang pinipigilan ko ang paghinga at pag-ubo, hindi ako makakilos.  Isang malakas na tawa buhat kay papa ang aking narinig at nakita ko na papalapit na siya sa akin.

“Hindi ninyo siya masisisi, ninenerbyos lang siya,” malakas na wika ni Papa. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at binulungan ako. “Paparating na siya anak, huwag kang mainip, relax lang.”

“Pero pa, kanina pa naghihintay ang pari!” wika ko

-----o0o-----

Mauro

Naawa ako sa aking anak. Kanina pa siya nag-aalala.  Nauna pa siyang dumating ng simbahan.  Ano na bang nangyari sa Ador na iyon.  Kanina pa ako tumatawag sa kanya subalit nakapatay yata ang kanyang cellphone.  Pati naman ang pinagbantay ko sa kanya ay hindi ko makontak.

Huwag na huwag mo akong ipapahiya Ador.  Baka hindi mo ako kilala. Hindi ko minsan pinaiyak ang anak ko. Mahal na mahal ko siya kaya lahat ay gagawin ko para lang lumigaya siya. Bakit ba kasi nakilala ka pa niya?

Spoiled sa akin si Grace, komo’t nagiisa ko siyang anak, lalo na ng iwan kami ng kanyang Mama. Mahilig siyang mag-party, madalas ay gabing-gabi na kung umuwi at palaging nasa barkada, matigas talaga ang kanyang ulo.  Wala siyang ginusto na hindi niya nakuha.  Lahat ng kayang bilhin ng pera, kapag ginusto niya ay hindi pwedeng hindi niya makuha. Ganun pa man ay mahal na mahal din niya ako. Malambing siya sa akin kaya naman bawat hiling niya ay aking ibinibigay. Isa lang ang hiling ko sa kanya, ang mag-asawa na siya at mabigyan ako ng maraming apo.

Isang araw ay humahangos siyang pumasok ng aking kwarto. Hindi siya magkandatuto sa pagbabalita sa akin, nagkabulol bulol na sa pagsasalita sa sobrang excitement. Kitang kita sa mukha ang hindi malirip na kasiyahan.  Excited na excited.  Noon ko lang siya nakita na ganoon kasaya at ka-excited.  

“Dahan dahan ang pagsasalita anak.  Ano ba yun at parang naka-jackpot ka sa lotto,” wika ko .

 “Papa, hahahaha… matutupad na siguro ang gusto ninyong magkaapo.  Nakita ko na ang lalaking pakakasalan ko,” namimilog ang mata niya sa pagbabalita sa akin.

“Hahaha…talaga anak!  Wow!  Sa wakas.  Sino naman ang malas na lalaking iyon? Ipakilala mo na sa akin ng mai-prepare na ang inyong kasal?” wika ko naman na mas doble pa yata ang tuwa ko, kung totoo nga ang kanyang sinasabi.

“Talaga Papa!  Ipakilala mo siya sa akin, dito siya nagtatrabaho. Nakasabay ko siya sa elevator kanina. Halika papa, ituturo ko sa inyo kung sino,” wika ni Grace at hatak hatak ako.  Mula sa salamin na dingding ng aking room ay itinuro niya ang mesa ng isa kong clerk, si Ador.

Na disappoint naman ako bigla. “Anak naman!  Wala ka bang taste? Bakit siya pa? Clerk lang siya dito at wala kang aasahang ginhawa sa kanya. Pumili ka naman ng iba.  Gwapo lang iyan, pero wala yatang balak umasenso.  Matagal ko nang pinakukuha iyan ng board exam para naman ma-promote, pero binabale wala, kasi ay tinatamad daw,” sabi ko na may himig ng hindi pagsang-ayon.

“Pero siya ang gusto ko, hindi ako mag-aasawa kapag hindi siya ang mapapangasawa ko.  Sige kayo, hindi kayo magkaka-apo.”

Panay ang pangungulit sa akin ni Grace, hindi ako tinigilan hanggang sa ako na ang sumuko. “Sige na… sige na. Ipapatawag ko siya at kunwari ay may ipagagawa ako at tuloy ay maipakilala sa iyo.  Pero huwag kang obvious ha!  Huwag kang aale-alembong.

Ipinatawag ko nga si Ador at pagpasok niya sa kwarto ay napansin ko ang aking anak na pinipilipit ang mga braso at ang mga mata ay kurap ng kurap na tila sa isang manika at nagbi-beautiful eyes.  Ang sarap batuhin ng stapler. Hindi ko na nakuhang ipakilala siya, siya na ang nagpakilala sa sarili.

“Hi!  Ako si Grace, anak ako ni Papa. Nakasabay kita sa elevator kanina pero hindi mo ako pinansin,” wika niya sabay abot ng kamay.

“Hello!! Ador, Ador ang pangalan ko,” wika naman ni Ador na inabot naman ang kamay. Ayaw bitiwan ni Grace ang kamay ng aking clerk.  Nang bitiwan naman ay idinikit agad ang kamay sa labi na tila hinahalikan. Sarap talagang kutusan.

“Sir! May kailangan po ba kayo sa akin.”

“Hah! Ah eh…. Nalimutan ko na, eto kasing anak ko eh. Mamaya na at iisipin ko uli,”sagot ko.  Nag-tila isa akong ulyanin at naging malilimutin na.

Mula noon ay palaging nasa opisina ang aking anak.  Sumasabay na siya sa akin sa pagpasok ko hanggang sa uwian. Tutulungan daw niya ako.  Wala naman siyang ginagawa at nakatanghod lang sa salamin na dinding at pinagmamasdan bawat kilos ng lalaking si Ador.  Matindi ang tama ng anak ko sa lalaking iyon.  Na love at first sight yata. Wala naman siyang ginagawang hakbang para magkalapit sila. Galit na gilit siya kapag may kumakausap na babaeng kaopisina, gustong sugurin at awayin.

Hindi ko naman masisi ang aking anak.  Kung pagwapohin din lang ang labanan ay may nanalo na, at si Ador iyon. Matangkad, moreno, chinito, may nag-iisang dimples sa kanang pisngi na bagay na bagay kapag ngumingiti, maganda ang katawan at syempre ang mukha ay artistahin.  Ang dami ngang nagpapahaging sa lalaking iyon mapa-babae man o bading.  Pati may asawa ay humahanga rin sa kanya.

Malaki ang ipinagbago ng aking anak, hindi na siya madalas na lumalabas para lang makiparty.  Nakakatulong ko na rin sa trabaho ko dito sa opisina, naisasama ko na sa mga meeting at naipakilala ko na rin sa mga business partner ko.

Sadya sigurong nabihag ang puso niya nitong si Ador dahil isang gabi habang kumakain kami ng hapunan ay may hiniling siya sa akin. Muntik na akong mabulunan ng sabihin niya ang kanyang hiling.

“Papa, hindi na ako makapag-hihintay pa. Wala akong nakikitang ano mang pagtatangi sa akin ni Ador kahit na ako na ang siyang nagpaparamdam. Siya talaga ang gusto ko, siya ang gusto kong mapangasawa.  Bilhin na natin siya, bayaran mo na lang siya para pakasalan ako Papa, maloloko na ako.

“Obsessed ka naman yatang masyado sa lalaking iyon.  Wala bang nanliligaw sa iyong iba  Ang ganda ganda mo at sexy, matalino at mayaman pa.  Ano ba ang mga lalaking iyon, tanga,” malakas kong wika.

“Binasted ko na silang lahat. Papa, pakiusap, sige kayo, magwawala ako dito sa office mo.  Magpapakantot ako sa kanya dito mismo sa opisina,” banta ni Grace.

“Hindi biro iyon, kayang gawin ng anak ko iyon kaya nangako ako sa aking anak na bukas na bukas din ay kakausapin ko si Ador.

Napukaw ang aking pagmumuni-muni ng may kumausap sa akin.

“Sir! Mawalang galang na po, na-flatan kami ng gulong eh, wala namang reserbang gulong ang dala kong kotse, nagtulak pa kami para makarating sa gasolinahan. Sorry po Sir,” paghingi ng paumanhin ng pinagbantay ko kay Ador.

“Okay na… Okay na. Ang mahalaga ay narito na kayo,” tugon ko.

Ador

“Ano pa ang kailangan mo? Sinunod ko na ang kagustuhan mo. Natatakot ka ba na hindi ako sumipot bukas?” pagalit kong sabi sa bisita kong dumating. Narito ako ngayon sa room ng isang hotel at nagmumukmok. Bukas na ang kasal ko sa babaing hindi ko naman gusto at hindi ko man lang niligawan at minahal. Pinilit lang ako ng ama ng babaing iyon na si Mauro at siyang bisita ko ngayon.

“Kinukumusta ko lang ang lagay mo dito, baka kasi may kailangan ka pa.  Yung isusuot mo, kasya ba ang sapatos? Saka alam kong hindi mo ako ipapahiya sa maraming tao. Napagusapan na naman natin ang tungkol sa kasal mo at nagkasundo tayo. Iyon lang ang naisip kong paraan sa ating problema. Huwag ka nang magalit,” sagot ni Ador

“Pero hindi ko mahal ang anak mo, baka sa bandang huli ay pagsisihan lang namin pareho ang kalokohang ito.”

“Hindi kalokohan ang pagpapakasal ninyo, mahal ka ng anak ko, mahal na mahal ka at hindi ko magugustuhan kapag nabigo siya.  Kilala mo naman ako,” wika ni Mauro.

Alam ko na wala na akong magagawa pa. Alam kong marami siyang kayang gawin, at iyon ang ikinatatakot ko.

“Bakit naman kailangan pa akong bantayan dito. Hindi ako komportable na may bumubuntot sa akin saan man ako pumunta. Pwede bang paalisin mo na lang sila. Hindi ako tatakas, sa takot ko lang sa inyo. Please Boss,” pagsusumamo ko sa aking bibiyanin.

Hindi siya sumagot, alam ko namang hindi siya papayag. Nagbakasakali lang naman ako.  May dinukot siya sa kanyang bulsa. “Ador, eto o, gift ko sa iyo. Isuot mo na sa kasal mo,” wika niya habang inaabot sa aking ang isang maliit na shopping bag na alam kong alahas base sa tatak ng bag.

Tiningnan ko lang siya, pero hindi ko inabot ang ibinibigay niya sa akin. Inilapag na lang niya iyon sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo.

“Aalis na rin ako at may aasikasuhin pa ako. See you tomorrow,” paalam ni Mauro.

Pagka-alis ni Mauro ay agad kong tinignan ang laman ng bag. Tatlong maliit na kahon ang laman. Tama ako, alahas iyon.  Isa isa kong tiningnan ang mga iyon.  Isang mamahaling relo ang una kong nabuksan, mga mayayaman lang ang kayang bumili ng ganito kamahal na relo.  Ang isa ay singsing at ang isa naman ay kwintas na my katerno pang bracelet. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kung susumahin ko ang total na halaga nito ay baka hindi ko kikitain sa sampung taon kong pagtatrabaho sa aming opisina.

“Ang swerte mo naman bossing, iba ka talaga,” wika ng aking bantay.

“Swerte ba yung binibili ang pagkatao mo?”

“Pero bossing, hindi lang iyan siguro ang tatamasahin mo sakaling makasal kayo.  Nagsosolong anak lang ng bibiyenanin mo ang mapapangasawa mo at sakaling madedo iyon ay sino pa ba ang magmamana.

“Ay naku, ewan ko.  Aanhin ko naman ang kayamanan kung habang buhay naman ay kalbaryo para sa akin.  Hindi na baleng wala akong pera basta malaya ako.”

“Bossing, mabait si ma’am Grace saka maganda at sexy.  Tiba tiba ka sa kanya.”

Hindi na lang ako umimik pa, hindi matatapos ang usapang iyon kapag nangatwiran pa ako. “Makaligo na nga muna.  Babantayan mo pa ba ako sa loob ng banyo? Halika na at tatae muna ako bago maligo.”

“Ngek! Hindi na bossing, dito na lang ako.

Pagkaligo ay inaya ko nang kumain ang bantay ko.  Gusto ko sanang lumabas at maglakad lakad matapos kaming kumain, pero ayaw na akong palabasin ng bantay ko, bilin daw iyon sa kanya ng kanyang amo. Boring kasi, wala akong makausap kundi ang unggoy kong bantay.  Sa aking kasal ay wala ako ni isang kamag-anak na dadalo, hindi nga alam ng parents ko na ikakasal na ako. Bumalik na lang ako ng kwarto at nagpa room service ng beer. Kainuman ko ang aking bantay at baka sakaling malasing at makatulog ay makalabas man lang ako ng hotel na ito kahit sandali.

“Isa lang ako bossing, baka malasing hehehe.  Alam ko ang binabalak mo hehehe.”

“Gago!  Beer lang malalasing ka.  Ewan ko sa yu.”

Nang maubos na ang tatlong latang beer ay nahiga na ako para matulog. Kanina pa ako nagpipilit na makatulog ay hindi naman ako dalawin ng antok.  Mabuti pa itong bantay ko at nakatulog kaagad. Lintik lang talaga ito, parang may sa pusa.  Konting kaluskos ay nagigising. Babangon lang ako para umihi ay nakita kong nakamasid na sa akin. Balik din naman sa pagtulog kapag nahiga na ako uli.

Naisip ko ang aking kasal bukas.  Maaring swerte nga ako dahil sa napakayaman ng mapapangasawa ko, pero ang totoo ay hindi ako masaya, hindi man lang ako na-excite. May iba akong mahal. Masaya naman kami at alam kong mahal na mahal din ako nito.  Hindi ko nga alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng aming relasyon matapos akong magpakasal sa iba. 

Kung tutuusin ay pinikot lang ako, pinilit lang kasi ako at may pagbabanta pa mula sa ama nito.  Naniwala kasi ako sa mga pangako sa akin ng kanyang ama kaya napapayag ako. Nakatulugan ko na ang isiping iyon.

-----o0o-----

Unang gabi namin, hubo at hubad kami pareho na nakahiga sa kama. Nakadagan na ako sa kanya at magkalapat ang aming mga labi. “Uhmppppppppp uhmmmppppppp tsup tsup.” Malalakas na tunog na nalikha ng aming paghahalikan.  Ang sarap niyang halikan, ang lambot ng kanyang labi.

Ginalugad ng aking labi ang buo niyang katawan, hindi siya mapirmi sa pagkakahiga, kiliting kiliti siya at sarap na sarap.  Malalakas ang kanyang ungol. 

“Kantutin mo na ako, buntisin mo ako,” hiling niya, matagal tagal na rin naman kaming nagroromansa.  Pinagbigyan ko na

“Ahhhhhh ang sarap pala talaga ahhhhhh sige pa Ador, mahal ko,” ang kanyang nasambit habang patuloy ko siyang kinakantot.

“Ang sarap mo ring kantutin, ahmmmmmmmm.”

“Bilisan mo na, malapit na ako ahhhhhhhhhhh heto na.”

“Sabay tayo, lalabasan na rin ako.”

Sabay na kaming napaungol ng malakas, kasabay ng pagpapalabas ng aming kaligayahan.

“I Love you Ador, mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita………. Mauro:

“Bossing!  Bossing! Gising na, tanghali na.  Tumawag na sa akin si Amo at paghandain ka na raw.”

Kanina pa raw ako niyuyugyog ng aking bantay pero hindi raw ako magising gising.  Leche, tanghali na nga kaya nagmamadali akong naligo.  Nang aking hubarin ang aking brief ay basa iyon at ng aking tingnan ay may bahid iyon ng tamod.  Inamoy ko pa at tamod nga.  Kung gayon ay nilabasan talaga ako sa aking panaginip. Ang tanda ko na ay pwede pa palang mag wet dream.

Hindi na kami nakapag-almusal. Diretcho na kami papuntang simbahan.  Hindi pa kami nakakalayo ng ma-flatan kami ng gulong.  Mabuti na lang at may malapit na gasolinahan. Nagawa pang makarating kami sa gasolinahan ng dahan-dahan para magpahangin.  Ang problema ay 15 minutes na kaming late. Siguradong galit na galit na si Mauro.

-----o0o-----

Grace

Tumulo na ang luha ko pagkakita ko na bumaba na ng kotse si Ador. Hindi ko talaga kakayanin kung hindi matutuloy ang aming kasal.  Hindi ko talaga alam kung bakit ganon na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Handa akong magbago para sa kanya at inumpisahan ko na simula ng una kaming magkita.

Nawala na ang kaba ko, nawala na rin ang pangangati ng aking lalamunan, ang nararamdaman ko ay para akong pakpak ng manok na tinatangay ng hangin papuntang altar.

Tumugtog na ang musika at naglakad na kami sa carpeted na aisle ng simbahan. Magka-abrasete kami ni Papa na naglakad para ihinatid na ako at ibigay ang aking kamay sa aking magiging asawa.

Matapos ang “I Do” at ng iba pang seremonya ay ang una naming kiss ng aking mahal na si Ador sa harap ng maraming tao na nasa loob ng simbahan, pagkatapos ay ang malakas na palakpakan.

Wala akong pagsidlan ng aking kaligayahan.  Niyakap ko ang aking Papa at nagpasalamat.  Mahal talaga ako ni Papa.

Hindi ko pa masyadong kilala si Ador.  Wala akong alam tungkol sa kanyang pamilya, wala ring akong alam kung may naging karelasyon na siya.  Maging sa ugali ay blangko pa rin ako. Hindi ko rin alam kung kaya niya akong mahalin.  Pero hindi na mahalaga iyon sa akin.  Ipakikita at ipadarama ko na lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal at alam kong darating ang araw na mamahalin din niya ako.

Alam kong napilitan lang siyang pakasalan ako dahil kay Papa, ang maganda lang ay hindi siya nagpahalata sa mga bisita.

Natapos na ang programa, natapos na ang kainan, oras na para sa aming dalawa.  Bukas ay lilipad kami pupuntang Soul sa South Korea, tapos ay sa Japan.  Gusto ni Papa na gagawa kami kaagad ng baby. Gustong gusto na niya kasing magka-apo.

Alas tres na nang hapon kami nakauwi ng aming bahay.  Hinintay lang namin na makauwi na lahat ng bisita.  Nasa aking silid na kami.  First time nain sa iisang kwarto. Gusto ko nang magpalit ng damit, pero para akong nahihiya.  Si Ador ay nakapag-hubad na ng kanyang barong.  Sando na lang ang suot niya sa itaas ng kanyang katawan.  Maganda pala ang hugis ng kanyang katawan.  Maganda ang kanyang muscle sa braso at bumakat na ang 6 packs abs niya sa sando.

“Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?” tila natauhan ako sa sandaling pagkawala sa sarili ng marining ko ang kanyang sinabi.”

“Ha! Magpapalit na, hindi ko kasi maabot ang zipper sa likoran ko,” turan ko.

“Ganun ba, ako na ang magbaba,” pag-prisinta niya. Kinabahan ako bigla. Ramdam ko ang paglapat ng kanyang daliri para ibaba ang zipper ng damit ko. Dinig ko ang tunog ng unti-unting pagbukas ng ngipin ng zipper.  Para bang napakabagal niyon, parang ang tagal tagal bago tuluyang naibaba.

Tumayo ako para lumayo sa kanya ng bahagya dahil sa nahihiya ako, pero pinigilan niya ako.  Naramdaman ko na lamang na unti-unti nang bumaba ang aking damit hanggang sa tuluyan ng bumagsak sa sahig. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita ang kanyang reasyon, basta ako ay kabado at nanginginig na ang tuhod. Kasal na naman kami kaya wala na akong dapat ikahiya makita man niya lahat ng aking itinatago, hinayaan ko na lang siya. Naka-kamison pa naman ako at suot pa rin ang aking bra at panty.

Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat saka ako inikot paharap sa kanya. Nakatungo ako at hindi makatingin sa kanya.  Para talaga akong dalagang filipina sa arte kong iyon.

Hinawakan niya ang aking baba at itinaas iyon.  Nagtama ang aming paningin.  Hindi ko nakontrol ang panginginig din ng aking labi.  Bahagya pa akong napaatras ng tangkain niya akong halikan, pero dahil hawak niya ang aking baba ay nagawa rin niyang angkinin ang aking mga labi. First kiss ko ito kaya hindi ako marunong. Pero nasarapan ako sa kanyang halik. Nagamay ko na rin ang kanyang halik, napayakap na ako sa kanyang bewang habang ang kamay naman niya ay nasa likod na ng aking ulo at patuloy ang aming halikan.

Nakiliti pa ako nang lumapat uli ang kanyang palad sa balat ng aking balikat. Dahan dahan niyang ibinababa ang tirante ng suot kong kamison, tuluyan na rin iyong bumagsak sa sahig, inangat ko pa ang aking paa para tuluyan na talagang mahubad. Sinipa naman iyon ni Ador palayo sa amin.

Gumapang na ang kanyang labi sa aking leeg, napasinghap ako, parang nakaramdam ako ng biglaang spark ng kuryente, bumilis ang aking paghinga. Ang sarap ng aking pakiramdam na ngayon ko lang natikman.

Maya-maya ay bumagsak na ang aking bra at saka niya ako ihiniga sa kama. Dinaganan niya ako at muling naghinang ang aming mga labi.  Nasanay na akong humalik, nakipagsipsipan na ako ng dila, nakipaghatakan na rin ng labi.  Napapaungol ako ng impit.

Kasunod ay ang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, hindi ko mai-describe ang kakaibang sarap na ngayon ko lang naramdaman. Lalo na nang kainin niya ang aking suso.  Hindi ko na kinayang manahimik, umungol na ako ng malakas. Pinisil niya ang aking suso, nilamas, dinilaan at sinipsip ang aking tumigas na yatang nipples. “Ahhhhh ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ahhhhhhhhhhhhhhhh.”

Walang tigil sa pagdila at paghalik sa aking katawan si Ador at nang makarating na siya sa may panty ko ay nagulat ako ng halikan niya ang ibabaw ng aking panty.  Ang ipinagtataka ko ay kung bakit basa iyon.  Hindi ko alam kung naihi ako.  Nakakahiya kung naihi ako dahil mapanghi ang ihi, pero heto at patuloy niya iyong dinidilaan.  Nasabunutan ko na siya dahil sa sobang sensasyon kong naramdaman kasabay ang halinghing.

Hinubad na niya ang aking panty.  Naghubad na rin siya ng kanyang sando at pati pantalon.  Napapikit pa ako ng hinuhubad na niya ang kanyang brief, natakpan ko ng aking palad ang aking mga mata. Subalit may pagnanais din akong makita ang kanyang itinatago, kaya ibinuka ko ang aking daliri para masilip ng aking mata ang bagay na iyon.

Namilog ang aking bibig, at siguro pati aking mga mata sa tumambad sa aking mata. Hindi lang pala siya ang gwapo, maging ang kanyang junior ay gwapo rin. Ang haba at ang taba. Yun daw dapat ang sukat ng ari ng aking mapapangasawa sabi sa akin ng aking kaibigan.  Sakto naman dahil sobra talagang haba.  Nakakatakot nga.

Nawala naman ang aking takot ng kanyang dilaan niyang muli ang aking puke, kinain talaga niya, sinungkal ng dila pati aking hiyas.  Wala akong tigil sa paghalinghing, naglumikot na ang aking katawan, nakahawak na ako sa kanyang ulo at pilit kong idinidiin iyon. Saglit pa ay nakaramdam na ako ng tila may lalabas sa aking puke, baka kako ihi iyon kaya sinabi ko iyon kay Ador. Pero tila bingi lang siya at patuloy na sinusungkal ang aking kaselanana. “Ahhhhhhhhhhhhhh Ador, naihi na ako ahhhhhhhh,’ palahaw ko. Wala namang pakialam itong aking mahal na asawa, patuloy lang siya sa ginagawa at tila nag-enjoy pa nga, panay ang yum yum.

Nakaramdam na naman ako ng nerbyos, pumagitna na siya sa aking mga hita, pumikit na lang ako at ayaw kong makita ang susunod niyang gagawin. Hinawakan niya ako sa aking balakang at naramdaman ko na isinisiksik niya ang matigas niyang titi sa aking kepyas. Napairi ako, sobrang sakit, para akong hihimatayin.

“Konting tiis lang mahal ko, ganon talaga dahil birhen ka pa,” wika niya.  Diyos ko po, parang naglaho lahat ng nararamdaman kong sakit dahil sa narinig kong iyon, mahal daw niya ako. Gusto kong umiyak, pero pinigil ko dahil baka akalain niyang umiiyak ako dahil napipilitan lang ako. Tiniis ko ang sakit hanggang sa unti-unti na akong na-relax, masarap na kasi.  Bumibilis ang kanyang pag-atras abante. Nakaramdam na naman ako ng pag-ihi, hindi ko na sinabi iyon sa kanya, basta na lang ako napa “Ahhhhh” nang mahaba sabay pangingislig.

Tuloy pa rin ang pagkantot ni Ador hanggang sa makaramdam na naman ako ng pag-ihi habang si Ador ay tila nagmamadali na parang may hinahabol.  Nagkasabay pa kami ng pag “Ahhhhhhhhhhhhhhhh” at panginginig ng kalamnan bago siya tuluyang napahiga sa aking ibabaw.

Nasa ganong pa kaming posisyon ng may kumatok.

“Mga anak, tayo munang maghapunan.  Mamaya na ninyo ituloy kung ano man ang sinimulan ninyo hehehe.”

Napangiti si Ador.  Nagmamadali kaming nagbihis at lumabas na ng kawarto. Sinalubong kami ng makahulugang ngiti ni Papa.

“Magkaka-apo na ba ako niyan ha anak?” tanong ni papa na may halong biro.

Si Ador na ang sumagot na pabulong kay Papa.  Hindi ko naman nadinig kung ano ang kanyang ibinulong, basta nagtawanan na lang ang dalawa.

 

 

Susundan.

2 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...