By kentootero
Ako pala si Jastin, 27 years old at isang security guard. Nais kong ibahagi ang aking karanasan na sa
totoo lang ay di ko inaakalang kakainin ko ang aking pangako pagdating sa mga
bakla, galit kasi ako sa mga bakla. Ipinangako
ko sa aking sarili na di kailanman ako magtitiwala sa mga bakla o mga miyembro
ng LBTQ+, pero nabali ko ang sumpa kong iyon dahil sa hindi ko rin naiwasan na
magtiwala sa isang bakla. Narito ang
aking kwento.
Dati akong security guard sa isang sikat na pawnshop, ngunit
dahil sa isang alitan sa hanay ng mga security guard ng naturang pawnshop ay
nasama ako sa natanggal. Si John ay isa
sa mga kasama ko na natanggal at ka buddy-buddy ko siya.
Dahil pawnshop ang pinagtatrabahuan namin ay nahati kami sa apat
na grupo, isa sa Jewelry, isa sa remittance, Isa sa sanglaan ng mga
gadgets at isa naman sa mga nagpapadala ng iba't-ibang item, mapa-abroad o
lokal. Dalawa kami ni John sa
remittances.
Si John ay makaagaw pansin sa lahat ng mga pumupunta rito sa
amin. Bukod sa magandang mukha ay maganda rin ang kanyang pangangatawan. Maputi siya, matangos ang ilong at chinito.
Sa maiksing salita ay gwapo.
Hindi naman ako papatalo pagdating sa kalidad ng isang lalake. Laking bukid kasi ako kaya batak ang katawan
sa nagpuputukang mga muscles. Dagdag pa
ang maganda kong mata na namana ko sa aking ama na lahing kastila.
Laking probinsya ako at tanging ang aking ina lamang ang
nagtaguyod sa akin mula nung bata pa ako hanggang magbinata. Nagkasakit ang aking ina, at ang lahat ng
namana niya sa aking lolo ay nagastos sa kanyang pagpapagamot, pero hindi pa
rin gumaling at tuluyan ng namatay.
Napunta ako rito sa maynila para maghanap ng trabaho dahil wala
nang magtataguyod sa akin kundi ang aking sarili. Solong anak lang kasi ako at
wala naman akong masyadong malalapitan. Tapos lamang ako ng Hayskul, kung kaya
sa pagiging security guard lang ang nakuha kong trabaho. Natanggap ako sa isang security agency at
dito nga sa pawnshop na ito na-assign.
Naabutan ko na roon si John.
Isang buwan lang naman ang pagitan namin, baguhan din siya doon. Naging kapalagayan
ng loob ko kaagad si John.
Dahil malayo ang tinutuluyan ko sa shop ay inalok niya ako na sa
kanyang inuupahan na lang manuluyan para makatipid at mas malapit ito sa aming
pinagtatrabahuhan.
Naging tapat naman sa akin si John. Marami siyang kwento tungkol sa kanyang
personal na buhay. Pati ang pag-sideline
niya na pagiging escort. Mayayaman daw
ang kanyang naging kliyente at sapat ang kinikita niya rito bilang escort. Kailangan daw niyang gawin ang ganon, para
kumita ng malaki-laki. Marami raw siyang
sinusuportahan sa kanilang probinsya.
Kahit ganon ang kanyang sideline ay bumilib pa rin ako sa
kanya. Kaya niyang isakripisyo pati na
ang kanyang pagkatao para lang masuportahan ang mga mahal niya sa buhay na sa
kanya lang umaasa. Hindi nga naman
sasapat ang kinikita nila sa pagiging gwardya lamang.
Iisang kwarto lamang ang aming tinutulugan kaya ako ang nag-aadjust
kapag may kliyente siyang pumupunta sa aming tinutuluyan para gumawa ng milagro. Mga low budget client daw ito na hindi niya
mahindian dahil rekomendado at mga kaibigan ng mga kliyente niya.
Hindi ako ang taong mapanghusga at tiwala naman ako kay John na
walng eskandalo na mangyayari sa pagdala-dala niya rito ng kliyente.
"Pre, darating si Ramil, alam mo na pre. Wag kang mag-alala
at sagot ko ang grocery ngayong buwan." wika ni John.
"Sus, para kang sira. Eh ikaw naman kaya ang sumasagot ng
mga gastosin rito sa apartment mo.
Nahihiya na nga ako sa iyo eh." wika ko.
Ngumiti lang ito at namungay ang mga mata. Isa ito sa pang-akit niya sa mga bakla at
matrona.
8am to 4pm lang ang aming duty at sa gabi naman ay ang kanyang
pagsa-sideline. Sa tuwing may inuuwi siya ay binibigyan niya ako ng 200 para
uminom muna ng pampatulog sa gabi. 3
hours lang naman niya gagamitin ang kwarto namin.
Nakilala ko na si Ramil. Galante
at mapera ang silahis na ito. Hindi naman siya tipong mayaman na mayaman. Mula ng mapadalas ang pagpunta punta niya sa apartment
ay di na ako pumupunta pa sa tindahan para uminom. Sa sala na lamang ako umiinom hanggang sa
matapos sila. Subalit kapag ibang
kliyente ay umaalis ako dahil ayaw nila ng may ibang tao.
Dumating ang araw na wala itong booking ng halos magdadalawang
linggo. Wala si Ramil at umuwi daw ng
probinsiya. Nang magkaroon naman na
booking ay low budget kaya wala akong pampatulog kaya nag stay na lang ako sa
sala at nanood ng TV. Nilakasan ko na
lang ang volume ng TV para di sila marinig.
Nang matapos sila ay nagpaalam si John na aalis muna at may isa
pa daw itong kliyente. Sabay na silang
umalis ng baklang kliyente niya. Matandang bakla ito at nagtataka ako kay John
kung bakit niya ito pinatulan. Baka late na raw siya makauwi. Sakto naman na day-off namin bukas.
Matapos ang isang oras ay bumalik ang matandang bakla. Sinabi
raw ni John na hintayin siya dito sa bahay.
Tiwala naman ako at nakasama niya ito kanina lang. Inaya niya akong uminom
ng beer habang inaantay si John. Tatlong
Red Horse lang talaga ay knock-out na ako.
Nakaramdam na ako ng antok dahil sa tama ng beer kaya nagpaalam
na akong matutulog na at siya na lang ang maghintay kay John. Umikot na ang aking paningin. Hindi ko na
alam ang sumunod na nangyari.
Alas nuebe na ng umaga ako nagising. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over. Narito na si Jon na pumasok ng
kwarto na nakatapis lang, tila bagong paligo.
Nakangiti ito na nakatitig sa akin at parang nakaloloko. Akma akong
babangon ng makita ko ang sarili ko na hubo't hubad.
Napatitig ako kay John at pinagmasdan ang kanyang ikinikilos. Naghinaka ako na may ginawa siyang kahalayan
sa akin, kaya bumangon ako at nilapitan siya sabay sunggab sa kanyang leeg at
inambahan ng suntok.
"Tangina mo! Nagawa mo pa akong babuyin hayop ka!"
pasigaw kong wika saka pinakawalan ang isang suntok na dumapo sa kanyang mukha.
"Anong pinagsasabi mo, pre!" gulat niyang wika, hawak
ang parteng tinamaan ng suntok.
“Nagmamaang-maangan ka pa! Anong ginawa mo sa akin?" tanong
ko na nakaamba pa rin ang kamao, handa sakaling gumanti ito ng suntok.
"Wala akong ginawa
sa 'yo, hubad ka na ng datnan kita rito." paliwanag niya.
Naalala ko ang baklang matanda.
Nasuntok ko ang aparador, ‘di ko matanggap ang nangyari. Siya nga. May naramdaman ako kagabi. Akala ko ay nananaginip lang ako. Shet! Maisip ko lang ay nasusuka na ako.
Aminado naman ako na may libog rin ako sa katawan, at nagpapaligaya
rin ako ng aking sarili, pero akong mag-isa lang at hindi ako pumapatol sa
bakla.
Napansin ko ang mga marka sa aking dibdib, naninigas rin ang aking bulbol. Marahil ay natuyo na ang tumapon kong katas.
Nahimasmasan na ako at binitiwan na ang leeg ni John. Napaupo na ako sa kamana nanlulumo. Nanghingi rin ako ng sorry kay John dahil sa
padalos-dalos kong kilos.
“Ano bang nangyari?” usisa ni John.
“Nagbalik dito yung matandang bakla at ang sabi ay nagpapahintay
ka raw. Pinainom niya ako ng Red
Horse. Alam mo naman na mahina ako sa
alak, kaya tinamaan ako. Nahihilo na ako
kaya iniwan ko na siya para matulog at binilinan na siya na lang ang maghintay
sa iyo.” Kwento ko.
“Wala akong sinasabi sa kanyang ganoon. Ang alam ko ay type ka niya. Sinabi niya iyon sa akin. Sinabihan ko naman siya na straight ka at hindi
pumapatol sa bading. Plano niya talaga
iyon.
Mula ng mangyarin iyon ay nagkasundo na kami ni John na wala na
siyang dadalhing bakla sa apartment. Kampante
na ko noon na dito siya nakikipagtalik sa apartment, nasanay na ako, kaya lang,
dahil sa nangyari ay may takot na akong naramdaman kahit papano.
Dahil sa labas na gumagawa ng milagro si John, kalimitan ay madaling
araw na siya umuwi. Naninibago rin naman
ako sa malaking pagbabago sa bahay.
Parang hinahanap-hanap ko ang boses niya na naririnig ko pag
humalingling ito, tila nami-miss ko iyon.
Hindi ko na siya nakikitang pagod matapos magserbisyo at hindi ko na rin
naririnig ang mga pag-ungol niya.
"Pak! “ nasampal ko tuloy ang aking sarili at natanong ko
ang aking sarili kung ano na ang nangyayari sa akin. Kung ano-ano na tuloy ang aking naiisip
tungkol sa aking sarili.
“Hindi! Hindi pwedeng
mangyari ito sa akin. Hinde pwede.” Wika
ko sa aking sarili. Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga naisip kong iyon dahil
sa hindi ako katulad ni John na nagawang pumatol sa mga bading. Nagkatrauma na nga ako dahil sa matandang
baklang iyon.
-----o0o-----
Sa office ay pinatawag kaming mga sekyu para sa isang
meeting. Isang announcement ang
ipinabatid sa amin at iyon ay ang pagbabawas ng mga gwardya. Nasa bulletin board daw ang pangalang ng
lahat nang maiiwan at ang wala ay hanggang katapusan na lamang ng buwan ang
kontrata. Kasama kami ni John na
matatanggal.
"Pre, paano na tayo nito?" mag-aalala kong tanong kay
John.
"Ahm pre, kung papayag ka ay may kilala ako na pwede nating
pasukan/" wika niya.
"Ano yon pre?" agad kong tanong.
"Hihingi ako ng tulong sa mga naging kliyente ko dati at baka
sakaling mairekomenda tayo na maging guard sa kanilang establisimento."
wika niya.
"Okey lang sa akin pre. Basta magkasama tayo." wika
ko.
Napatitig siya sa akin ng medyo matagal. Pinuna ko siya. "Bakit pre! May dumi ba
ang aking mukha?"
Umiling ito at nangingiti bago sumagot. "Wala pre, may naisip lang ako."
Natapos na ang kontrata namin sa agency. Nangako naman na matatanggap namin ang aming backpay
sa loob ng dalawang linggo. Maghintay-hintay
lang daw.
May tumawag naman kaagad kay John para sa interbyu ng manager na
papasukan namin. Nalaman ko na isa pala itong gay bar at panggabi ang duty
namin bilang guard rito. Sakto lang
naman ang trabaho at di naman mahirap sundin ang patakaran ng managenent. Dito ko na-meet si Bryan Lawrence, anak ng
manager ng Gay bar.
Ang ama niya ang una naming naging amo. Mabait ito sa amin, kaya lang ay nagkasakit
at ipinaubaya na nito ang pamamahala sa kanyang anak na si Bryan, bunso sa apat
na magkakapatid at isa raw bisexual ayon sa tsismis na aming naririnig. Hindi ito masyado na-imik, pero palangiti naman
sa lahat. Kasundo nga nito ang mga empleyado at mga dancers sa kanilang bar at
parang di ito amo kung makipagkuwentuhan sa mga dancers nito. Hindi ko pa naman ito nakakausap o
nakakaharap, pero nakikini-kinita ko ang kagandahan ng pag-uugali nito. Hanggang tingin lang ako sa tuwing papasok at
papalabas ito ng bar.
Rotation kami ni John, kung kaya't paiba-iba ang aming pwesto. Minsan
ay sa likod ako at minsan ay sa entrance. Naging maganda ang pamamalakad ng bar
ng si Bryan na ang humawak dito. Dati
kasi ay nakakapasok ang ilang bisita ng mga dancer pag sinabi nilang kasama
nila ito. Pero, nang si Bryan na ang humawak ay may isang VIP card lamang bawat
dancer na pwede nilang bigyan at para makapasok sa kwarto ng mga dancers.
20 lang ang mga mananayaw dito.
Hindi naman sila nakokompleto sa bawat gabi. Ang ilan kasi ay inilalabas na agad ng
customer. Minsan nga pag napupunta ako sa banyo na ‘di kalayuan sa kwarto ng
mga dancer ay hubad ang mga itong tumatakbo patungong banyo. Kita talaga ang kanilang ari at talagang nakapag-iinit.
Iba ang bar na ito. Hindi
lang mga matrona, bi o gay ang mga nagpupunta dito. May mga straight talaga na mismong ang mga
dancer ang tsumutsupa sa mga customers nila. Paanong hindi ko malalaman eh
dinig ang mga boses ng mga ito sa banyo sa milagrong ginagawa.
Minsan nga ay papasok ako para umihi at makikita mo na lamang na
ang customer mismo ang kumakantot sa mga dancers.
Hindi naman pagmamasid ng mga dancer at customer sa kanilang
ginagawa ang aming trabaho. Kami ang tumitingin
ng mga dala-dalahan nilang bag at baka may dalang nakakamatay na bagay tulad ng
baril at punyal. Hindi rin pwede ang ano
mang ipinagbabawal na gamot.
Sa kwarto ng mga dancer ay may isang pribadong kwarto para kay
Bryan.
Hindi ko alam kung bakit kapag napwesto ako sa likuran ay
ganadong-ganado ako mag-duty, lalo na pag nakikita ko si Bryan. Parang
nagka-crush na ako rito. Nahahalata rin ako ni John sa aking ikinikilos kapag
sa likod ako na-assign, tuloy ay binibiro niya ako na baka raw may dancer na
akong natitipohan o kasundo na. Syempre,
tangging tanggi ako dahil sa wala naman talaga.
Kapag pinipilit niya akong umamin ay ngumingiti na lamang ako para iwas asar sa
kanya.
Isang buwan na akong sa likod naka-duty. Kung tutuusin ay mas magandang sa harap
magduty dahil may mga customer na pag pasok pa lang ay may nagbibigay na kaagad
ng tip para di na sila kapkapan.
Magka-gayon man ay mas gusto ko pa rin dito sa likod dahil masisilayan
ko Bryan kada oras. Kumpleto na roon ang
buong gabi ko.
Kapag pumapasok na siya ay sinasadya ko na magtatama ang aming
mga mata, para bang pagbibigay galang. Ngiti
lang naman ang isinusukli niya sa akin.
Hindi rin nawawala na alukin ako ng ibang dancer na magsayaw na
rin at malaki daw ang aking kikitain.
May itsura daw naman ako at may ibubuga pagdating sa palakihan ng
ano. Halata raw kasi ang bakat sa hapit
kong pantalon. May nag-alok din sa akin
ng one night stand. Lahat ng iyon ay
aking tinanggihan kahit na napakalaki ng offer
Pero, kung si Bryan ang mag-alok ay kahit libre pa ito ay di ako
tatanggi. Iba kasi si Bryan, mukhang
mapagmahal ito at misteryoso. May tsismis nga na may jowa raw ito na anak ng
gobernador. Akalain mo nga naman na may isang anak nang kilalang pulitiko na
nagkakagusto sa kapwa lalake.
Ayaw kong maniwala sa tsismis na iyon hanggat hindi nakikita ng
dalawa kong mata.
Nagdaan ang mga gabi. Maaga na akong pumapasok at sa likuran na
ako dumidiretso. Madali naman akong nakagaanan ng loob ng mga dancer at naging kaibigan
ko na rin sila lahat.
Minsan ay lumapit si Bryan sa akin at nagtanong kung meron akong
lighter. Hindi ko pa alam na siya iyon
dahil sa nasa may likoran siya. Pamilyar
ang boses na iyon. Nanlamig talaga ako
noon, ewan ko ba. Lumingon ako at parang
slow motion ang eksena dahil dahan-dahan ang aking paglingon hanggang sa
makaharap ko na siya. Nagtama ang aming mga mata at napatitig din siya sa
akin. Para akong na starstruck dahil
hindi ako kaagad nakagalaw at nakasagot
“Shet! Siya na nga ito... nasa harapan ko pa…Fuck!” ang nasabi
ng aking isipan.
Inulit pa niya ang kanyang sinabi. "Pare, sabi ko kung may lighter
ka?"
Noon ako natauhan kaya mabilis akong sumagot. "Ah, o...opo
boss!" wika ko. Mabilis kong dinukot ang lighter sa aking bulsa, pero nang
akmang iaabot ko na ay nahulog ko pa ito. Nanginginig kasi ang kamay ko at lutang
pa ang aking isipan.
Kaagad ko namang dadamputin, pero hindi ko alam na yumuko rin
siya para damputin ang bumagsak na lighter kaya nagkabungguan kami ng ulo. Pareho na naming hindi nadampot ang lighter
dahil sa masakit din kahit papano, hawak pa namin pareho ang aming ulo. Mabuti at hindi siya nagalit.
Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango, ang amoy na lagi
kong nalalanghap sa twing napapadaan siya
sa harapan ko.
Nagtama muli ang aming mga mata at sa pagkakataong ito ay mata
sa mata at walang salitang lumalabas sa aming bibig.
Putah naman talaga! Napaka gwapo niya, at nakaka-akit ang mga
mata. Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang
labi na naka kagat-labi pa. Gusto ko
tuloy magtatalon, ewan ko ba, napakasaya ko talaga noon.
Fuck! Tinigasan ako at baka mahalata niya, nakakahiya. Feeling ko nga ay nag pre-cum na ako. Pero ang lalong nagpabilis ng tibok ng aking
puso ay nang lapitan niya ako at hinaplos ang aking ulo na naumpog at
nagtanong. "Okey ka lang pare?"
Nahawakan ko ang kanyang kamay para sana sabihin na okay lang at
siya ang tanungin kung okay din siya pero iba ang naramdaman ko sa pagdikit ng
aming kamay. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na para bang nadikit ako sa
kuryente at na ground. Isang malakas na enerhiya ang dumaloy mula sa balat niya
patungo sa aking buong kalamnan. Hindi ako nakasagot at parang may tahi ang
aking bibig na kahit anong pilit kong ibuka at magsalita ay walang lumalabas.
Sumilay ang ngiti nito at nagsalita. "Gwapo ka pala! Ahm..your
Jastin, right?", wika niya.
Hindi talaga ako makapagsalita at titig lang ang nagagawa ko.
"Naku, pag di ka sasagot ay hahalikan kita." wika
niya.
What! Hahalikan daw niya
ako! Wait, teka at hindi pa ako handa. Pinilit
kong ibuka ang aking bibig at umawang ito ng konti nang bigla niya itong
sinapol ng halik. Nanlaki ang aking mata ko nang oras na iyon. Kahit na saglit lang na halik ay talagang
nagpabago ng aking pakiramdam.
Totoo ba ito? O nanaginip lang ako. Yumuko ito at saka kinuha
ang lighter. Nagsindi siya ng sigarilyo at saka isinuksok sa aking bulsa ang
lighter. Napadako pa ang tingin niya sa
aking gitnang harapan.
Kahit hindi ako nakakagalaw sa buong pangyayaring iyon ay tiyak
ako na napansin nito ang nakabukol kong ari na alam kong umagaw ng pansin sa
kanya.
Iyon ang simula nang personal na naming pag-uusap.
Itutuloy……
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento