Miyerkules, Agosto 24, 2022

Kentootero's Pampainit Collection - SECURITY GUARD (Part 5) Finale

 


SECURITY GUARD (Part 5) Finale

By kentootero

Aksidenteng nagkita kami ng kaibigan kong si John sa isang Mall ng kukuha sana ako ng NBI clearance.  Marami siyang kwento tungkol sa bar, kay Bryan, kay Ron at kay Joey.  Doon ko nalaman ang mga kasinungalingan nina Ron at Joey.  Naliwanagan ko na ang tunay na intensyon sa akin ni Joey.

Nakausap ko rin ang abogadong naghahanap sa akin at doon ko nalaman ang tungkol sa aking pagkatao.

Kwento ni Attorney Lopez

Don Joaquin Consolacion ang pangalan ng iyong ama.  Hindi iniwan ng iyong ama ang iyong ina gaya ng pagka-alam mo, Mahal na mahal ng ama mo ang iyong ina.  Nang malaman na buntis ang iyong ina ay napilitang mangibang bansa ni Joaquin para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang magiging anak, at ikaw iyon Jastin.

“Pero amerkano raw ang aking ama.” Wika ni Jastin.

Nagsinungaling sa iyo ang iyong ina.  May lahi naman talagang amerkano ang iyong ama pero Filipino siya.

Ihinabilin ni Joaquin ang iyong ina sa iyong Lola.  Hindi maganda ang turing ng iyong Lola sa iyong ina.  Hindi sila magkasundo at palaging inaaway.  Hindi raw ang anak niya ang ama na ipinagbubuntis ng iyong ina.  Palihim na umalis ng bahay ang iyong ina, lumayas siya sa bahay ng iyong Lola.

Hinanap kayo ni Joaquin ng bumalik siya ng Pilipinas, pero hindi kayo mahanap. Hindi naman niya alam kung saan nagpunta ang iyong ina.  Hindi rin alam ni Joaquin ang probinsya niya.

Bigo siyang mahanap kayo kaya bumalik na rin siya ng Amerika at sinuwerte naman, nakaipon ng malaki at nakapagpatayo ng negosyo dito.

“Bakit ngayon lang niya ako uli hinanap at paano niya ako natunton. Huli na ang lahat.  Wala na si Nanay  na hindi man lang nakaranas ng kaginhawahan.  Hindi naman kami pinabayaan ng pamilya ni nanay, kaya lang ay nagkasakit na si nanay at nagastos ang lahat na namana niya sa kanyang mga magulang.  Naibenta namin lahat ng iniwang property at walang natira.  Ang masaklap ay namatay din si Nanay.  Naiwan akong pulubi at hindi na nakatapos sa pag-aaral.” Naibulalas na sama ng loob ni Jastin.

Nakita nang iyong ama ang isang kaibigan ng iyong ina at doon niya nalaman ang lahat lahat, maging ang iyong pangalan at kung saan ka napadpad.  Nahirapan ka talagang hanapin dahil sa iba ang ginamit mong apelyido, hindi ang apelyido ng iyong ama.

Kumuha siya ng private detektib para hanapin ka at hindi naman siya nabigo.  Ang naging problema lang ay wala ka na sa iyong pinagtatrabahuhan.  Gusto ng iyong ama na maranasan mo ang ginhawang dapat ay naranasan mo noon pa, kaya lang ay mayroon siyang kondisyon.

Noon ipinagbubuntis pa ikaw ay may kaibigan din siya na buntis din ang asawa at nagkasundo sila na sakaling babae at lalaki ang magiging anak nila ay ipakakasal sila, kung baga ay ipinagkasundo na nila kayo.  Babae ang naging anak ng kaibigan niya at tuwang tuwa naman ang iyong ama sa kadahilanang lalaki naman ang kanya at matutupad na rin ang kanilang napagkasunduan.

Kaya hindi siya tumigil hanggat hindi ka nahahanap. 

“Kailangan mong sumama na sa akin Jastin dahil kabilin-bilinan ng Daddy mo na dalhin kita sa kanya sa ayaw at sa gusto mo.” Wika ko.

“Sasama ako sa inyo para makita ko man lang si Daddy, kaya lang ay mayroon akong problema.” Wika ni Jastin.

Kinwento niya ang problema at nag-tulong tulong na kami na gumawa ng plano.  Nagkasundo naman kami sa aming isasagawang plano.

JASTIN’S POV

Umuwi ako kaagad.  Wala si Joey pag-pasok ko.  Maaga pa noon at ang akala ko nga ay naroon pa siya dahil sa alas-sais siya umaalis.  Nakatulog ako.  Nang magising ako ay si Joey ang bumungad.

"Saan ka galing bhe?  Hindi kita nadatnan.  Masakit kasi ang katawan ko at para akong lalagnatin kanina.  Huwag kang mag-alala at nakainom na ako ng gamot"  wika niya.

“Nagpahangin lang ako sa labas. Hindi ko rin napansin ang pagdating mo.  Okay ka na ba ngayon?”

“Okay na ako bhe.  Sandali lang at magluluto ako ng hapunan natin.” Wika ko.  Babangon na ako pero umarte akong hindi kaagad makabangon.

“Huwag mo nang pilitin pa ang sarili mo, magpahinga ka na at ako na lang ang magsasaing.  Ibibili na lang kita ng ulam diyan sa karinderya at ikaw na lang ang kumain.  Sa club na lang ako kakain.” Wika ni Joey.

“Pasensya ka na talaga bhe ha!” wika ko na para talagang may dinaramdam.  Lumabas siya sandali at alam kong nagsalang ng sinaing.  Nagpaalam naman siya na bibili lang ng aking ulam.

Pag-alis niya ay napansin ko na nag-iba ng posisyon ng pantalon ko na nakasabit sa dingding, pati na ang pagkakalapag ng plastic envelope na naglalaman ng mga requirements ko.  Wala talagang tiwala sa akin si Joey, gayon din naman ako sa kanya.  Pareho lang naman kami kaya ingat na ingat ako sa lahat ng bagay na ikapapahamak ko.

-----o0o-----

Hindi pwedeng mabulilyaso pa ang plano ko.  Pagka-alis na pagka-alis ni Joey para pumasok sa trabaho ay kaagad kong tinawagan si Attorney.  Sinabi kong nagbabasta na ako ng aking mga gamit.  Konting damit lang naman at ilang personal na gamit.  Wala pang kinse munutos ay  nasa tapat ng ng apartment ang kotse ni Attorney

Nang makalabas na kami ng apartment ay agad ko nang isinara ng maayos.  Mabilis ang aking kilos at matagumpay akong nakaalis ng apartment at bumiyahe na sa lugar ng aking ama kasama si John. Ilang oras din ang aming binyahe at napakalayo pala ng lugar ng aking ama.  Kapansin-pansin ang mga nadaanan naming mga sakahan at lawak ng lupain.  Ito pala ay isa sa mga naipundar ng aking ama at sa akin daw lahat ipamamana.

Nagtagpo rin kami ng tunay kong ama.  Naging mainit naman ang pagtanggap sa akin ng aking ama.  Mahigpit niya akong niyakap at humingi ng tawad.  Nagkauanwaan naman kami at nagkapatawaran.

Makaraan lang ang dalawang buwan ay ikinasal na ako kay Jenna, ang babaeng ipinagkasundo sa akin.  Maganda si Jenna, napaka malambing at mabait.  Natutuhan ko na rin siyang mahalin ng tunay at gayon din naman siya sa akin.

Biniyayaan kami ng kambal na anak na lalaki na pinangalanan kong Bradley at Brandon. 

Nagkasakit si Jenna matapos manganak sa kambal, colon cancer ang naging sakit niya at stage 4 kaagad ng malaman namin. Hindi na rin siya nagtagal at kinuha na rin ng Maykapal.  Ikinuha ko ng tig-isang yaya ang aking kambal dahil sa hindi ko naman sila maalagaan ng personal.

Isang taon lang ang lumipas at si Daddy naman ang lumisan na sa aming piling.  Sandali ko lang din nakapiling ang aking ama.  Labis kong dinamdam ang sunod na pagkawala ng mahal ko sa buhay, kayat nagpasya akong umalis muna para magpalipas ng sama ng loob.  Ihinabilin ko ang aking kambal sa poder ni John.

Si Johan ang pinamahala ko sa isa naming negosyo sa bayan.  Hindi ko na siya pinabalik ng Manila simula ng umuwi ako kay Daddy. Dito na rin siya nakapag-asawa, napangasawa niya ang anak na dating katiwala ni Daddy sa pwestong iyon.

Malaki ang tiwala ko kay John na hindi niya pababayaan ang aking mga anak habang wala ako.

Naisipan kong lumuwas ng maynila para doon muna magpalipas ng ilang araw at makapag- muni muni.  Isang condo ang aking nirentahan ng isang buwan.

Araw ng Biyernes, nagpunta ako ng Quiapo para magsimba.  Papalabas na ako ng simbahan nang may napansin akong  mga tao na nagkumpulan sa isang tabi.  Na curious ako at naki-usyuso.  Isa palang pulubi na nakahandusay.  Napakarusing nito at mabaho.

Wala naman akong magagawang tulong sa taong ito kaya tumalikod na ako para umalis ng marinig kong may tumawag sa aking pangalan.  Pamilyar sa akin ang boses na iyon, kilalang kilala ko.  Sinuri ko kung sinong nagsalita at muli kong narinig ang aking pangalan na nagmula sa pulubi.  Tinignan ko siyang mabuti, nanlaki ang aking mata, nanlumo sa aking nakita.

“Bryan!  Ikaw ba iyan.” Tanong ko na nakatingin sa lalaki.

Tumango siya.  Nangilid ang aking luha sa aking mga mata.  Nilapitan ko siya at inalalayang tumayo at inakay para isama kung saan naka park ang aking sasakyan.  Pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Nagtataka siguro kung bakit ko isinama ang pulubi.  Sa condo ko na itinuloy si Bryan, diretso sa banyo at akin siyang pinaliguan.  Sa sobrang dumi niya ay halos inabot kami ng dalawang oras sa paliligo.

Nang makapaligo ay umaliwalas na bahagya ang kanyag mukha.  Maputla siya at payat na payat.  Awang awa ako sa kalagayan niya.  Hindi ko akalain na magkakaganito siya.

Alam kong hindi pa ito nakain kaya nagpa-deliver ako ng pagkain.  Habang hinihintay namin ang pagkain ay humanap ako ng kanyang pwedeng isuot pansamantala.  Walang magkasyang damit sa kanya dahil sa kapayatan niya sa ngayon kaya lawlaw ang tshirt na ipinasuot ko sa kanya at short na may garter.

Kaagad ko siyang pinakain pagkadating na pagkadating ng pagkain.  Gutom na gutom talaga siya dahil takaw na takaw niyang kinain ang chicken, kanin at ibang pagkain. Naubos niya lahat ang pagkain na para sana sa aming dalawa.

“Bukas ay bibili tayo ng bagong damit saka kailangan mong magpa-check-up para makasiguro ang kalusugan mo,” wika ko.

Inaya ko siya sa sala para makipag-kwentuhan.  Inalam ko ang nangyari sa kanya at kung bakit niya sinapit ang ganito.  Nagkwento naman siya sa mga pangyayari.  Detalyado niyang Isinalaysay ang buong pangyayari.

“Kinausap ako ni Joey noong gabing hindi ka pumasok.  Iniwan mo na raw ako dahil hindi mo na ako mahal.  Isa pa ay nandidiri ka na raw sa akin dahil sa mga lalaking nagpakasawa sa aking katawan.” Kwento niya.

“Bukod roon ay nagkagulo sa bar at dahil sa hindi ko pagpayag na makipagbalikan kay Ron.  Nagwala siya toon at ginamit ang koneksyon niya para masara ang aking bar.  Nasara nga ang bar at nademanda pa ako.”

“Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkasara ng bar.  Naubos lahat ng aking ipon dahil sa pag-aasikaso sa aking kaso at sa mga naglabasang pagkakautang ng aking ama na dapat kong bayaran.  Naibenta ko lahat ng property na aking minana para pambayad sa mga nasabing utang, maging ang aking condo at bahay ay naibenta ko.  Walang natira sa akin at totally, mahirap pa ako sa daga.  Wala naman ibang tumulong sa akin.”

“Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko.  Sa umpisa ay tumutulong pa sila, bandang huli ay nagsawa din at wala na raw maitutulong sa akin.  Nag-alok ng tulong si Ron, pero tinanggihan ko na.  Gusto niya akong gawing sex slave kapalit ng tulong ng ibibigay sa akin.”

“Wala na akong magawa.  Nabubuhay na lang ako sa pamumulot ng mga tirang pagkain sa basurahan, naging laman ako ng lansangan.  Katulad ko na ang mga taong grasa.  Mabuti na lamang at hindi pa ako nasisiraan ng bait.”

“Wala na akong uuwian, wala na akong matutulugan, kaya kung saan bangketa ako abutan ay doon na ako natutulog.”

Tulo ang aking luha habang nagkukuwento si Bryan. Habag na habag ako sa kanyang sinapit. Napayakap na lamang ako sa kanya at hinaplos ang likuran nito.  Ramdam na ramdan ko ang paghihirap ng kanyang kalooban.

“Bryan, walang katotohanan ang sinabi sa iyo ni Joey.  Ang totoo ay kinausap din ako ni Ron na iwasan ka at kapag hindi ko raw ginawa ay mapipilitan daw niyang gamitin ang kanyang koneksyon para mapasara ang iyong bar.  Si Joey naman ay pinagbantaan ako na nanganganib daw ang aking buhay kaya hindi na niya ako pinabalik sa bar at sumama na lang ako sa kanya  sa nilipatan niyang apartment.  Binayaran din pala siya ni Ron para siguruhing hindi na ako makakalapit sa iyo.

Ikinuwento ko kay Bryan ang lahat lahat tungkol sa akin, ang pagbabago sa aking buhay.  Wala akong inilihim sa kanya.

"Bryan, kung sakali ba ay matatanggap mo pa rin ba ang aking pagmamahal sa'yo?" wika ko na walang kasiguraduhang tanong kung tatanggapin nito ang aking pag-ibig.

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko. “Wala na akong maipagmalaki sa 'yo.  Mahirap pa ako sa daga ngayon." Nakatungo niyang sagot, patuloy na umiiyak.

"Pag-ibig mo lang naman ang hinihiling ko." wika ko.

“Kung handa mo akong tanggapin lahat ng aking pinagdaanan.  Mahal kita kaya hindi ko tinanggap pa ang alok ni Ron.  Nanaisin ko pang mawala lahat sa akin kesa sa mapa sa kanya.”

Tuwang tuwa ako sa nadinig.  Nayakap ko siya ng mahigpit.  "Magsimula tayong muli", wika ko.  Mahal na mahal kita.”  Nagtama ang aming paningin, punong puno ng pagmamahal at pag-asa.  Tuluyan ng naglapat ang aming mga labi.

Hindi ko na tinapos ang aking bakasyon.  Nagpaalam na ako sa may-ari ng condo.  Mabuti na lang at pumayag siya na renta na lang sa loob ng kalahating buwan ang aking babayaran.

Masiglang masigla akong nagdrive pabalik sa aming bayan.  Alam kong magiging makulay na ang aming buhay.

Sinalubong ako ng aking kambal nang kami ay dumating.  Nagulat pa si Bryan ng makita niya si John.  Tuwang tuwa rin si John nang makita si Bryan.  Nagyakapan pa ang dalawa. 

Marami kaming napagkwentuhan, lahat lahat magmula ng mawala kami sa bar.  Masayang masaya kami sa aming reunion.  Hindi na namin napag-usapan pa ang tungkol kay Joey.  Matagal ko nang nilimot ang lahat lahat sa kanya at pinatawad ko na rin siya.

Mula noon ay naging katuwang ko na si Bryan sa pagpapalaki sa kambal kong mga anak.  Minahal niya ng tunay ang aking anak at naging malapit na rin sa kanya ang mga ito.

Nanganak na rin ang asawa ni John ng isang batang babae.  Tuwang tuwa rin ang bagong tatay.  Naging malaking pamilya muli ang bahay na iniwan ni Dad.  Kung nasaan man si Jenna at si Dad ay alam kong masaya rin sila para sa amin.

Ang buhay talaga ay parang isang ferris wheel, paikot ikot lang.  Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.  Parang buhay namin.  Kaya handa na kami saan man kami itigil ng ferrish wheel. 

Sana nga po ay naibigan ninyo ang aking kwento.

 

Nagmamahal,

 

Jastin

 

End

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...