Lunes, Setyembre 5, 2022

Majayjay Laguna – Story of My Life (Part 70) Chat With Allen Sa Yahoo Messenger

 


Majayjay Laguna – Story of My Life (Part 70)

Chat With Allen Sa Yahoo Messenger

 

Napakabilis ng paglipas ng panahon, napakabilis din ng pagdagdag sa aking idad.  Nagsisimula nang pumuti ang aking buhok.  Doon pa rin sa maliit na auditing firm ako nagtatrabaho bilang consultant.  Nitong huling araw ay naging busy ako dahil maraming pagbabago sa presentation ng FS at kelangan kong mag attend ng mga seminars at pagkatapos ay ako naman ang mag papaliwanag sa mga staff at auditor ng aming kompanya.  Halos linggo linggo ay nag aatend ako ng seminar, seminar sa kung ano anong taxes tulad ng VAT at iba pang kailangan ng BIR na kailangan kong mailipat ang knowledge sa ibang empleyado dito.

Kapag naituro ko na at alam na nila ay sa bahay na lang ako.  Sa online na lang kami nag-uusap kung may iba pa silang tanong o di kaya ay mag-Email kung may iparereview.

Sa bahay ay naging libangan ko na ang mag browse ng internet ng kung ano ano lang.  Madalas pa rin akong makipag chat gamit ang YM.  Dahil sa internet ay nabawasan na ang aking paglabas labas ng bahay.  Madalang na rin akong manood ng sine para manghada.  Nadala kasi ako.  Minsan kasi ay nakatype ako ng isang gwapong lalaki.  May hinala ako na naghahanap din ito ng panandaliang ligaya dahil kilala ang sinehang ito na may ganoong kaganapan.

Pinagmamasdan ko ang kanyang kilos, sinusundan ko kung saan siya pumunta ng hindi niya namamalayan, sa CR, sa lobby at maging kung saan siya pumuwesto.  Nakita ko na may lumalapit sa kanya, nag-usap tapos ay umaaalis din.  Nang siya’y maupo ay sinundan ko siya at umupo sa katabing upuan at naglakas loob na kausapin siya.  Tinignan lang ako at saka sinabing “Kahit bayaran mo ako ng malaki ay hindi ako papayag na pagamit sa iyo, tanda tanda na ay malibog pa.”  Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at umalis.

Pahiyang pahiya ako sa sarili bagaman walang nakadinig sa kanyang sinabi dahil halos wala naman nakaupo sa lugar na iyon.  Maiyak iyak ako sa kahihiyan.  Ang sakit din palang mareject ng harap harapan.  Doon ko napagtanto na matanda na nga pala ako at dapat ay tumigil na sa ganoong gawain.

Kaya internet na lang ang naging libangan ko.  Ang makipagchat sa hindi ko naman talaga kakilala, o manood ng porn movies para makaraos lang.

Minsan ay nakipagvideo chat din ako at nakipagsabayan sa pagjajakol on cam.  Pang ibabang Katawan ko lang naman ang aking pinapakita at madalas na ka videochat ko ay sa malalayong lugar at ang iba ay foreigner pa.

Hindi na uli ako nakipag eyeball.  Si Luigi na nakilala ko sa sa isang apps bilang Italianboy, na umuwi na ng Milan. ang huli kong naka eyeball at naka sex.  May lalaki kasi na mas gusto nila na makasex ay may edad na at parang father figure sa kanila.  Siya lang ang  nakilala ko na type ang mas matanda sa kanya pag dating sa kama.

---------------------------

Kung minsan may pagkakataon na hindi mo talaga inaasahan ay siya namang mangyayari.  Nangyari ito sa akin.

Nag YM ako at naghahanap ng pwedeng ichat.  Ilang chat room din ang aking pinasok at namili ng online chatter na may indication na open ang kanilang kamera.  Isang may account na Machongbisaya ang aking minessage.

Ako (Litolits):       Hello Machongbisaya.

Machongbisaya:    Hello din.  ASL please.

Ako:                   52 M Marikina.  Ikaw.

Machongbisaya:    25 M QC.

Ako:                   Wow ha!  Ang bata mo pa pala.  Parang apo na pala kita.  Okay lang ba sa iyo?

Machongbisaya:    Hindi naman po.  Pwede anak lang.  Wala naman pong problema ang idad sa akin.  Hindi po usapin iyon.  Married?

Ako:                   Still single and gay, Lol.

Machongbisaya:    Nice.  May boyfriend?  Kinakasama?

Ako:                   Wala eh.  Pwede ka ba.  Lol.

Machongbisaya:    Pwede, basta ba eh…alam mo na.

Ako:                   Pwede ba accept mo request ko sa cam mo?

Machongbisaya:    Sure.  Kita mo na ako?

Ako:                   (Gulat ako dahil nakafocus ang cam niya sa kanyang crotch o pundya.)  Wow naman, wholesome hehehe.  I like it.

Machongbisaya:    I’m sure you will.  Malaki yan.

Ako:                   Yeah, very much.  Kaya lang baka sumakit lang ang puson ko.  Pwede ba kwentuhan na lang tayo.  Can I see your face.

Machongbisaya:    Sorry, akala ko kasi yan ang gusto mong makita.  Okay.  How do I Look?

Ako:                   (Hindi ako nakasagot.  Natigilan ako dahil namumukhaan ko siya.  Siya si Allen, nakilala at naka sex ko pa sa Cebu.)

Machongbisaya:    Nandyan ka pa ba? Turn off ka ba.  Panget ba ako?

Ako:                   (Alanganin kung makikilala ako kaya tinype ko ang panglan niya) Allen?

Machongbisaya:    (Natagalan bago sumagot.)   Kilala ba kita?  Yes, Allen nga ang tunay kong pangalan.

Ako:                   Siguro.  Open ko ang cam ko.  Accept mo.

Machongbisaya:    Sir Lito, ikaw ba yan?  Hahaha, ang liit talaga ng mundo.  Nakakahiya sa iyo hahaha.  Hiyang hiya ako.

Ako:                   Wala iyon.  Ganyan nga ang hanap ko dito eh.  Cebu ka ba?

Machongbisaya:    Hindi Sir Lito.  Sa Cubao ako nauwi.  Pero nasa trabaho pa ako.  OT ako at solo ko ang office hehehe.  Sa maintenance ako, hardware and software ng computer.

Matagal kaming nagkwentuhan sa YM, hanggang mapagkasunduan namin na magkita sa darating na Sabado sa Farmers Cubao.  May OT pa rin siya ng Sabado kaya nagset kami ng 4PM sa basement ng Farmers.

Pagdating ko ng Farmers ay nag text ako sa kanya na nakarating na ako at sinabi ko kung saang lugar ako nakaupo.  After 5 minutes ay nakita ko na siya na paparating.  Lalo siyang gumuwapo, mas pumuti pa at maganda na ang katawan, nagkamuscle na kasi, halata sa fitted niyang tshirt at hapit ang manggas sa kanyang braso.

Tumayo ako pag dating niya para kamayan at tinapik ko pa sa balikat.  Kakaiba ang aking sigla noong oras na iyon, siguro dahil sa kahit papaano ay naging parte na siya ng aking nakaraan kahit sandali lang kaming nagkakilala.

“Pumuputi na ang buhok natin ah, pero mukhang bata ka pa naman.  Hindi ka mukhang 52, sa akin ay parang 51 and a half ka lang hehehe.  Joke lang.  Pero totoo mukhang bata ka sa age mo.”  Sabi niya.

“Owss, sinabi mo na rin iyan noon.  Teka inom tayo kahit isang pitcher.” Sabi ko.  Tatayo na ako para bumili pero pinigilan niya ako.

“Ako muna, ikaw sa susunod hehehe.  Kala mo ha hehehe.”

Pagbalik niya ay dala na ang isang pitcher na beer at ilang tuhog ng barbecue.  Masaya ang naging pagkikita namin.  Akala mo ay matagal na kaming magkakilala.  Kwentuhan, tawanan, at kung ano ano pa ang aming napag-usapan, 

Naubos na ang aming beer. “Sandali, ubos na ang beer natin, ako naman.” Wika ko.

“Lito, pwede bang sa bahay mo na lang natin ituloy.  Para kasing nagsisigawan tayo eh.  Masarap pa naman ang kwentuhan natin.”

“Okay, sige, pero daan muna tayo sa grocery, bili tayo ng beer at kung anong mapupulutan, okay!”  turan ko.  Pagkapamili ay tinungo na namin ang parking dahil may dala akong sasakyan.

--------------------------

“Hmm ang laki pala ng bahay mo.  Nag-iisa ka lang dito.  Hindi ka ba natatakot?”

“May kasama naman ako dito, yung mga tenant ko.  Pinaupahan ko yung ibaba, dalawang kwarto, dalawa sa isang kwarto, kaya may bantay ako sa bahay kapag naalis ako.”

Naupo muna siya sa sofa.  Binuksan ko ang TV.  “Bahala ka muna dito, ilagay ko muna yung ibang beer sa ref at magluto ako ng hapunan natin.  Syempre dito ka kakain ngayon.”

“Kuya, pwede ako makahiram ng short at kahit sando?”

“Ok.  Gusto mo ba magpahinga muna.  Sa kwarto ka na muna, may TV rin doon.” Anyaya ko sa kanya.  Tumalikod na ako at tinungo ang aking silid, kasunod ko naman siya.  “Sige, feel at home, magluto muna ako.”

-----------------------------

Tatawagin ko na sana si Allen ng makita kong lumabas na siya ng silid.  “Tamang tama, kain muna tayo.

Pagkakain ay nagtungo na muli kami ng sala.  Inilabas ko ang dalawang latang beer at sabaw ng sinigang at pritong tilapya.  “Okay simula na uli tayo.”  Kwentuhan na may halong biruan at tawanan ang sumunod hanggang maungkat ko ang nangyari sa amin noong nasa Cebu ako kasama si Chris.

“Kumusta na kaya si Chris.  Nagkita pa ba kayo pagkaalis ko ng Cebu?”  usisa ko sa kanya.

Hindi siya nakasagot agad.  Lumamlam ang kanyang mga mata na parang maiiyak.  “May problema ba?”  Nagbuntong hininga muna siya bago sumagot.  “Wala naman, may naalala lang ako.”

“Baka gusto mong magkwento, makikinig ako.” Ani ko.  “Sige na, para lumuwag ang dibdib mo.  Halata kasi na may dinaramdam ka.” Pilit ko sa kanya.

Lumagok muna siya ng beer bago nagsalita.  “Naging kami ni Chris.  Madalas kaming magkita simula ng umalis ka na ng Cebu.  Noong una, barka-barkada lang.  Nakakasama na rin siya ng barkada ko kapag may pagkakataon.  Nakilala ko na rin ang ilang kaibigan niya sa opisina.  Naisama na rin niya ako sa kanilang bahay at kilala na rin siya sa amin.”

“Habang tumatagal eh parang may nararamdaman na ako sa kanya.  Masaya ako kapag magkasama kami at tingin ko ay masaya rin siya.  Malambing kasi siya sa akin.  Natutulungan niya ako kapag kapos ako.  Pinagbawalan pa ako na pumatol sa, alam mo na.”

Uminom muna uli siya ng beer saka nagpatuloy. “Sadyang iba na ang tingin ko sa kanya.  Mahal ko na siya.  Nagseselos na ako kapag nakikipaglandian siya sa mga babae at maging sa bakla na kaibigan niya.  Ipinagtapat ko sa kanya ang feelings ko dahil hindi na ako makatiis.  Hirap na hirap kong itago ang nadarama ko.”

Muli siyang tumagay.  “Tapos.”

“Tapos kong magtapat ng saloobin ko ay niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan.  Sabi niya matagal na niyang hinihintay na magtapat ako sa kanya.  Alam daw nito na may pagtingin ako sa kanya, ayaw lang daw akong pangunahan.  Ayun, naging kami.  Tumagal kami ng dalawang taon din.”

“Anong nangyari, nagaway ba kayo?”

“Hindi.  Wala akong alam na pinagawayan namin.  Basta na lang ng bandang huli ay naging malamig na siya sa akin.  Halos hindi na kami nagkikita.  Pagnagtetext ako ay hindi siya nagrereply.  Pag tinagtawagan ko naman ay hindi rin siya nasagot.”

“Ganun ba? Walang third party, basta ganun lang.  Hindi ka na niya basta kinausap?”

“Wala akong alam na may syota siyang iba, mapa babae man o lalaki.  Minsan nagkasalubong kami, lagpasan lang parang walang nakita.  Dahil doon ay nag text ako sa kanya at nakipaghiwalay na.  Wala rin siyang reply.  Simula noon ay tinigilan ko na ang pagtetext at pagtawag.  May pagkakataong magkakasalubong kami, ay umiiwas na lang ako.”

“Sa kagustuhan kong makaiwas na sa kanya at hindi na magcross ang aming landas ay lumuwas na ako dito sa Manila.  Swerte naman at natanggap ako sa trabaho.”

“Mahal mo pa ba siya? O may kapalit na rin siya sa puso mo.”

“Ikaw ang gusto kong ipalit hehehe.”

“Pwera biro, mahal mo pa ba siya?” pilit ko siyang pinaamin.

“Hindi ko alam.  Aaminin ko, hanggang ngayon ay may kirot pa akong naramdaman ng magtanong ka tungkol sa kanya pero hindi na gaano.”

“May kapalit na ba?”

“Wala.  Ayaw ko muna.”

“Wala ka bang napupusuan, sa office ninyo.  Ano ba ang gusto mo, babae o lalaki?”

“Both hehehe.  Biro lang.  Wala pa lang sigurong nadating, pero mas gusto ko ay babae.”

“Tama na nga yan, ubusin na natin ito at nang makatulog na tayo.  Makikitulog ako dito ha!”

“May binabalak ka ba?” biro ko.

“Wala ano!  Pero kung gusto mo ay pwede rin hehehe.”

“Gago, hindi na ako pwede, matanda na hehehe.”

“Bakit!  Ayaw na bang mag flag ceremony?”

“Naku ikaw ha, wala kang kupas.  Tigilan mo ako at baka kung ano pang magawa ko sa iyo.”

------------------------------

Habang nakahiga at nagpapaantok ay nagusap ka rin kami.  Natanong ko kung may number pa siya ni Chris.  Mayroon pa raw at binigay niya sa akin.

“Tatawagan mo ba siya?”

“Pag may Load hehehe.  Interesado ka ano? Hehehe.  Aminin.”  Panunukso ko habang kinikiliti siya.

------------------------------

Simula noon ay halos bisita ko na si Allen tuwing Sabado at doon na rin natutulog.  Binibiro ko na tuloy siya kung nanliligaw na at baka nadedevelop na sa akin.  Nakikipagbiruan naman siya sa akin na talagang nililigawan ako.  Alam kong biro lang iyon.  Halata naman sa kanya na kaibigan lang ang turing sa akin at gayon din ako.  Sa katunayan ay nakailang tulog na siya sa bahay ko ay walang nangyayari sa amin.  Kahit papano siguro ay nabawasan na ang aking libog hehehe.

Isang gabi ay naisipan kong idial ang numero ni Chris.  Ilang ring lang ay may sumagot.  Nag hello ako at tinanong kung siya si Chris ______. Sumagot siya na siya si Chris na hinahanap ko.  Nagpakilala na ako sa kanya.

Ako:       Hello Chris, ikaw nga ba iyan.  Si Lito ito, natatandaan mo pa ba ako?

Chris:      Sir Lito, oo naman.  Saan mo nakuha ang number ko?  Kumusta ka na!  (Halata sa boses niya ang excitement.  Tuwang tuwa na nagkausap kami.)

Ako:       Mabuti naman.  Matanda na hehehe, namumuti na ang buhok.  Ikaw ba, kumusta ka rin.  May asawa ka na ba at anak?

Chris:      Mabuting mabuti Sir Lito.  Binatang binata pa ako.  Walang magkagusto eh.

Ako:       Ikaw pa.  Dapat ba akong maniwala doon.  Sa gwapo mong iyan!  Kaya nga nagka crush ako sa iyo eh dahil poging pogi ka, malaki pa hehehe.

Chris:      Ikaw talaga.  Manyak hehehe.  Saan ka nga uli, nawala yung address mo sa akin eh.  Puntahan kita, dito lang ako sa Muntinglupa ngayon.

Ako:       Ano!  Talaga ba?  Pambihira.  Kelan ka pa ba dito sa Manila.

Chris:      Mag-iisang taon na.  Nagwork ako dito sa malaking pabrika ng kape at kung ano ano pa.  Half day kami pag Sabado, puntahan kita para magkwentuhan naman tayo.  Nakakatuwa naman.  Text mo ang address mo sa akin.

Ako:       Okay sige.  Sure yan ha.  Text mo rin ako kung hindi ka matutuloy.

Chris:      Kahit ano ang mangyari, darating ako.

Ako:       Asahan kita.  Sige na at mauubos na ang load ko hehehe.  Sa sabado.  Bye.

Chris:      Sa Sabado.  Bye.

------------------------------------

Iba ang sigla ko pagkababa ko sa phone.  “Nakakatuwa naman.  Akalain mo na magtatagpo kami dito sa Manila.  Small wold talaga.” Sabi ko sa sarili ko.  Naisip ko si Allen.  Naisip ko na pagkasunduin sila pero naisip ko rin na kunin muna ang side ni Chris. 

Tinext ko si Allen at nagdahilan na uuwi ako ng probinsya sa Sabado kaya sinabi ko na kung balak ako puntahan ay sa next na Sabado na lang.  Gusto pa sanang sumama pero sinabi ka na may aayusin ako at baka hindi ko siya maasikaso ng mabuti.  Umokay naman siya.

------------------------------------

Mag alas dos ng ng tanghali ng dumating si Chris, may dala dala pang pizza at pansit.

Kinuha ko ang bitbit niyang pagkain at nilapag sa mesa.  “Buti hindi ka nahirapan hanapin ang bahay ko, halika upo ka muna doon sa sala, kumain ka ba ba, may niluto akong adobo.” Alok ko sa kanya.

“Tapos na ako, kumusta ka na, walanghiya, yaman mo pala.” Wika niya habang patungo ng sala.  Lumabas muna ako ng kusina para kumuha ng malamig na tubig.

“Uminom ka muna at parang uhaw na uhaw ka.  Heto hindi na mapigil ang pagtanda.  Ang laki pinagbago mo ah.  Lalo ka yatang gumuwapo at lumaki pa ang katawan.  Dadami ang chicks mo niyan hehehe.” Puri ko sa kanya.

“Nagsasabi ka ng totoo brod hahaha.  Chicks! Hindi na mabilang.”  Lalo pang lumakas ang kanyang tawa sa pagbibiro.”

“Anong gusto mo inumin, beer o hard?”

“Brod beer na lang.  Hindi na kita tatawaging sir ha?” aniya.

“Dapat lang.  Dapat ma’am hahaha.  Joke lang, Lito na lang parang barkada lang.” tugon ko.

Pumunta uli ako ng kusina at pagbalik ay dala ko na ang tray na may dalawang boteng beer, baso, at pulutan.  Dala ko rin ang pizza at pansit para magmiryenda muna bago ang inom.

“Miryenda muna tayo para may laman ang tiyan, tutal ikaw naman ang may dala nito hehehe.”

“Mapagbiro ka pa rin, kaya masarap kang kasama eh.  Na miss kita talaga, walang biro.” Wika niya.

“Ano ang na miss mo sa akin, ito?”  Pinakita ko na isinubo ang isang daliri saka sinipsip.

“Sira ka talaga.  Miss talaga kita.  Libog mo talaga hahaha.”

“Pwera biro, miss din kita.  Hindi na tayo nagkita sa Cebu ng bumalik ako eh.  May kasama kasi ako at nakakahiya kung makipagkita ako sa iyo.  Ano nang balita sa iyo, bukod sa bagong trabaho mo.  Kumusta love life.”  Sunod sunod kong tanong.  Tapos ay sumubo ng pansit at kumagat ng pizza.

“Tapusin muna natin ang pagkain at baka mabulunan ako hahaha.”  Tinapos muna namin ang pagkain, nilabas ko na rin ang pinggan na pinagkanan.

“Oh game, kwento na.”

“Wala naman akong masyadong ikukuwento sa iyo maliban sa bago kong trabaho at hindi ka naman makakarelate kung mga kalokohan ko sa Cebu kasama ng barkada.” Aniya.

“Lovelife?” maiksi kong tanong.

Medyo kumonot ang noo niya, nagaaalangan kung anong ikukuwento.

“Wala akong masyadong lovelife.  Syempre nagkasyota pero hindi rin nagtatagal.”

“Ilan taon ka na ba?  Ngayon, wala ka bang syota?”

“Mag trenta na ako.  Wala eh.  Magipon muna ako bago magsyota.  Hirap kaya ng buhay ngayon.  Tutulong muna ako sa pamilya ko.”

“Nagkikita pa ba kayo ni Allen?  Na miss ko rin ang batang iyon eh.”

Nabigla siya nang matanong ko si Allen.

“Ha!  Bakit mo naman natanong siya sa akin?  Malay ko dun.”

“Eh bakit ganyan ang reaksyon mo.  Para kang nagulat.  Naging magkakilala naman tayo ah.  Hindi mo ba siya naging kaibigan man lang eh parang ang saya saya ninyo noon.” Turan ko.

“Hi, hello lang pag nagkakasalubong minsan, ganun lang.”

“Yung totoo, parang may kaiba sa tono ng boses mo.  May nililihim ka ba?  Magaling akong makinig, alam mo, kasama sa trabaho ko yan, makinig ng tsismis hehehe.” Pambubuyo ko sa kanya para magkwento.

“Iba ka talaga Lito, ang galing mong kumilatis ng tao, kaya idol kita eh hehehe.  Oo na.  Aaminin ko na sa iyo, wala namang mawawala kung ikuwento ko sa iyo eh.  Pero magkwento ka rin ng lovelife mo ha para patas tayo.

“Okay.  Shoot.”

“Naging kami ni Allen.  Napamahal na siya sa akin.  Nagsimula iyon noong magtagpo tayo sa motel na iyon.” Panimulang kwento ni Chris.

Mahaba at madamdamin ang kwento ni Chris.  Halos magkatugma ang kanyang kwento sa kinuwento ni Allen sa akin maliban sa dahilan ng pagkakalayo nila.

“Anong dahilan at iniwasan mo siya?  May nagawa ba siyang hindi mo nagustuhan?” masusi kong paguusisa.

“Minsan isinama niya ako sa kanila, maraming beses na naman akong nakapunta sa kanila at akala ko ay okay lang sa mother niya. Minsan ay kinausap ako ng kanyang mother.  Nakiusap siya sa akin na kung maari ay iwasan ko muna ang kanyang anak.  Pangarap daw niyang makatapos muna ang kanyang anak sa kanyang pag-aaral.  Siguro nakakahalata na ito sa tunay naming relasyon ni Allen.  Siya lang daw ang kanilang inaasahan na magpapabago ng kanilang kinabukasan.  Ako na raw ang kinausap niya dahil alam daw nitong hindi ito papayag.”

“Ahh, ibig sabihin mo ay may kinalaman ang kanyang ina.  Hindi mo na ba kinausap si Allen?” tanong ko pa.

“Hindi na.  Naunawaan ko naman ang mother niya.  Hindi ko naman gusto na ako ang maging dahilan nang hindi nila pagkakaunawaan.  Ayun, magmula noon ay umiwas na ako sa kanya, wala na kaming usapan, wala ding pagsasara sa aming relasyon, hanggang ngayon.”

“Ni minsan ba hindi kayo nagkita o nagkausap man lang?”

“Nagkakasalubong kami minsan sa mall, pero para lang wala, nilalagpasan ko na lang siya.  Kung nakita ko siya malayo pa ay umiiwas na ako at umiiba ng daan.”

“Mahal mo pa ba siya.”

“Oo, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.  Hanggang ngayon kaya wala pa akong ibang karelasyon.” Walang kagatol gatol niyang pag-amin sa akin.

“Pwede ba na huwag na nating pag-usapan pa iyon.  Matagal na iyon, gusto ko nang kalimutan na ang nakaraan.” Pakiusap niya.

“Okay, isa na lang, may balita ka pa ba tungkol sa kanya.”

“Wala na.  Siguro may dalawang taon na kaming hindi man lang nagkita kahit magkasalubong mang lang.  Hindi ko alam kung nasaan na siya.  Basta wala na akong balita sa kanya.”

Tuloy kami sa aming inuman.  Iba iba na ang naging topic namin.

“Ubos na beer.  Gusto mo pa ba uminom.  Fundador na lang.” tanong ko sa kanya.

“Sige, gusto ko pang uminom eh.”

Sa madaling salita ay nalasing kami pareho.  Hindi ko na siya pinauwi at sa bahay ko na lang siya pinatulog.

 

 

Itutuloy………………………………….

 

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...