Linggo, Oktubre 9, 2022

Ako at si Papa By: Winson (from Asianbearmen) Chapter 25 And 26

 


Ako at si Papa

By: Winson (from Asianbearmen)

Chapter 25

Tumayo si Kurt ng tuluyan at iniligpit ang pinagkainan, sumunod naman si Andrea upang tulungan ito sa pagliligpit. ”Naamin mo na ba kay Daven kung ano at anong meron tayo? Kahit na ano pa ang mga nasabi ko kanina, mas mabuti at maganda pa rin na sa iyo manggagaling. Kung ano man ang maging resulta ng pagtatapat mo sa ating relasyon ay nakahanda ako kung sakaling ayawan nya ako. Mananatili pa rin tayo sa dating set up natin pero mas gusto ko na tanggap nya ako. Alam naman natin na ako lang ang makapagbibigay ng pangangailangan mo bilang isang lalake Kurt. At isa pa, mahal na mahal kita kaya handa akong magpaalipin sayo,” wika ni Andrea.”

”Tumigil ka sa ginagawa mo Andrea. Iniisip ko ang anak ko…, nagsinungaling ako sa kanya… hindi ako naging tapat sa kanya. Sa usaping relasyon, kung anuman ang meron tayo, hindi ko alam kung masasabi ko pa sa kanya. Oo alam kong matagal tagal na rin tayo buhat ng pumasok ako sa NBI hanggang ngayon Andrea. Sa kaso namin ng anak ko at sa paglilihim ko sa kanya tungkol sa pag-iimbestiga ko sa kaso ng aking asawa, nasa akin pa rin ang desisyon. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Daven dahil pinaniwala ko siya na tumigil na ako sa pagtunton sa nakapatay kay Julia. Aayusin ko at kakausapin ko si Daven. Ikaw na rin ang nagsabi na matalino at mabait na bata ang anak ko. Pa tungkol naman sa ating dalawa, hindi ko alam kung itutuloy pa natin ito Andrea. Oo, napakabait mo at napupunan mo ang pangangailangan ko bilang lalake pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sitwasyon. Hiwalay ka man sa asawa mo, pero hindi sa legal na paraan at nanatili ka pa ring nakatali sa kanya. Kapag naayos ko na ang ang gusot sa aming mag-ama, saka na natin pag usapan ang sa atin. Wala akong ipinapangako sa iyo. I am sorry kung nasasaktan kita ngayon Andrea,” wiak ni Kurt

”Okey lang yun, alam ko naman na darating tayo dito, okey lang. Huwag mo akong isipin, totoo nga naman kasal pa rin ako sa walanghiyang asawa ko, kaya nga pinasok ko ang NBI para hindi na niya ako matapakan at alilahin pa,” wabi ni Andrea na matalim ang tingin sa kawalan. Naging biktima kasi siya ng pangmumolestiya at pambubogbog ng sarili nitong asawa.

”Ayan… nag iisip ka na naman diyan. I’m sorry Andrea, pero may mas importante pa akong dapat asikasuhin. Kumplikado na nga ang sitwasyon natin. Alam ko sa darating na araw ay magigigng mas kumplikado pa ito dahil alam na ng anak ko na hindi pa ako tumitigil sa pag iimbestiga, nasaan na kaya sya?” wika ni Kurt.

Napatingin lang si Andrea kay Kurt na blangko ang mga mata. Si Daven naman ay narating ang covered court at sa isang sulok ay naupo siya na walang laman ang isipan. Blangko ang kanyang mga mata, may katagalan na ganoon ang kanyang posisyon, ng may narinig itong dribol ng bola. Nang kanyang iangat ang mukha ay isang paparating na bola ang bumungad sa kanya at mabilis na sinalo nito ng kanyang dalawang kamay at nakatingin lang ito sa bola ng may magsalita.”

Mabuti naman at sinalo mo pare.” Napatingin si Daven sa nagmamay-ari ng boses. Isang lalake na halos kasing edad niya ang papalapit sa kanya. Kung susumahin mo ay nasa taas na 5’10, maputi at hulmado ang katawan dahil sa kita sa kanyang mga braso ang hulma ng muscle. Patuloy ng lalake sa paglalakad. ”Ako nga pala si Derek, ikaw pare anong pangalan mo? Mukhang malalim ang iyong iniisip. Alam mo ba ang problema ay hindi dapat pinuproblema! Dapat itong hinahanapan ng solusyon pare,” wika ni Derek. Bigla nitong inagaw ang bola kay Daven na napasunod naman kay Derek at hindi nagtagal ay kapwa nila natagpuan ang kanilang sarili na nagtatagisan ng galing sa isat isa sa larong basketball. Isang shoot ang nagawa ni Daven.

”Lintik! Talo mo ako pare 3-2 ang score, ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ni Derek,

“Daven ang pangalan ko ikaw si Derek ‘di ba? Salamat pare sa tulong mo, okey na ako. Salamat sa pakikipaglaro ng basketball, makakapag isip na ako nito at mapaghandan ko ang aking sasabihin. Kakausapin ko nalang sya salamat uli.”  Pasasalamat ni Daven at nakipagkamayan sa binata at nag untugan ng balikat saka tumalikod na si Daven upang umuwi. May pasok pa siya sa tanghali ng may marinig ito na tunog at kaagad na nilingon. Nakita niya si Derek na nagtakip nang kamay sa bibig at kitang kita niya na tumulo ang dugo sa palad nito. Patuloy sa pag ubo si Derek kaya mabilis na lumapit itong si Daven sa kanya, kaya bago pa mawalan ng malay tao si Derek ay nasalo na ni Daven ito.

Gulong gulo si Daven, hindi niya alam ang gagawin dahil sa court lang niya nakilala si Derek. Tanging pangalan lang nito ang alam niya kaya nagpasya na lang itong iwan muna sandali at mabilis na naghanap ng taxi ay agad nitong pinara at humarang pa sa daan na kahit may sakay pang psaher ay nakiusap at sinabihan ang driver na ang kanyang kaibigan ay nasa piligro at kailangan madala sa pinakamalapit na hospital. Nakipag cooperate naman ang driver at pasahero nito. Sa hospital ay agad inasikaso si Derek sa ER. Naghintay pa si Daven sa lobby. May katagalan din bago lumabas ang babaeng Doktor.

”Ikaw ang kasama ng lalakeng pasyente ‘di ba? Ito ang amng nakita, ang kanyang wallet sa loob ng jersy short nya. Ayaw naman naming galawin kaya lumabas lang ako saglit para ikaw na ang mag bukas ng wallet. Iho may Luekemia ang kaibigan mo nasa stage 4B na ito malala na pero ang nakakapag taka hindi pa rin naglalagas ang kanyang mga buhok at bumabagsak ang kanyang katawan dahil sa tingin ko nasa 2 to 3 years na ang sakit nya. Maiiwan muna kita iho, mamaya ng kaunti ay ililipat na sya sa private room. Pakitawagan mo na lang ang kanyang mga magulang para ipaalam ang kalagayan ng pasyente,” sabi ng doctor, saka tumalikod. Naiwang tulala si Daven, manhid ang kanyang buong katawan. Hindi nito lubos akalain na ang isang Derek na nagpayo sa kanya na ang problema ay hindi dapat pinuproblema  ay dapat na sinosolusyunan. Siya din palay ay may problema, may cancer sa dugo at malala na ito. May tumapik sa kanya ”Sir ililipat na po na namin ang kaibigan nyo sa private room sumunod na lang po kayo at nagkamalay tao na po sya. Hinahanap po nya kayo.”

Saka pa lang natauhan si Daven, bumalik sa reyalidad si Daven at ”sure nurse, susunod ako sa inyo,” sagot niya. Nakita niya sa stretchair si Derek na nakahiga at nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi. Si Daven ay takang taka dahil nakukuha pang ngumiti ni Derek sa kanyang kalagayan, ngiti na buhay na buhay ito sa kanyang pagkatao, kasunod noon ay ang paghakbang nang mga paa ni Daven upang sundan kung saan ilalagay na kwarto si Derek. Nang mailipat  na sa kwarto si Derek at naisa-ayos na ito sa kama ay bahagyang kinausap si Daven ng Doktor na kumausap lang kanina sa kanya. May ilang bilin ito sa kanya na dapat nitong pakatandaan saka lumabas ito kasama ang dalawang nurse.

”Daven… maraming maraming salamat sa iyo at sinaklolohan mo ako. napakabuti mong tao, hindi mo ako iniwan.”

Napatingin si Daven kay Derek at muli ay nakita niyang may ngiti ito sa labi. “Bakit ganyan ka Derek, sa kabila ng iyong sitwasyon nakukuha mo pang ngumiti na akala mo ay wala kang sakit? Grabe ka ikaw lang ang taong nakita ko na malala na ang sakit pero napaka-genuine pa rin ang ngiti mo?” may pagkasarkastikong tanong ni Daven.

”Dahil sa simula palang Daven, alam kong wala ng lunas ang sakit ko kaya bakit pa ako magpapa-apekto sa suliranin kung ito. Baka mas mapaaga lang ang kamatayan ko,”sagot nito na parang isang bombang atomika sa pandinig ni Daven.

Chapter 26

Tahimik lang si Daven na nakatingin sa kanya dahil sa isinagot sa kanya ni Derek, napakaraming katanungan sa kanyang isipan, ng muling marinig nito si Derek. ”Hoy! Bakit natahimik ka? Pwedeng pakitawagan mo naman si Daddy ko, sabihan mo sya na nasa hospital ako at buhay pa. Hindi na naman ako nakapasok sa klase. Ikaw din, umuwi ka na, baka may pasok ka rin ngayong araw na ito.”

”Okey lang Derek, sige tawagan ko na ang Daddy mo,” sabi ni Daven.

”Hindi ka ba papasok?” tanong ni Derek. Hindi kumibo si Daven at ibinigay nito ang cell ni Derek at idinial ang numero ng ama. Kaagad na sinagot ang tawag nito at dinig na dinig niya ang pag-uusap ng mag-ama na lalong nagpaalala sa kanyang Papa kaya ng matapos makapag usap ang dalawa ay…. ”Papunta na ang Daddy ko pwede ka ng makaalis Daven para makapasok ka pa at tiyak ako, nag aalala na rin sa ‘yo ang magulang mo. Alam mo, napakaswerte mo kase kumpleto ka?” Napayuko ang ulo ni Daven, kitang kita ni Derek ang pagpatak ng mga luha niya sa mata na ikinabigla nito. ”Daven, whats wrong! Pwede mong i-share sa akin. Alam kong may dinadala kang problema, nahihiya lang akong ako pa ang mag open sa ‘yo pero sa tingin ko walang masama kung tatanungin kita ngayon. Huwag kang mahiya sa akin,” wika pa ni Derek.

Napatingin si Daven kay Derek nakatingin lang ito sa kanya hanggang sa makita nito ang mga ngiti sa labi ni Derek at iyon ang hudyat na kanyang maipagkakatiwala sa taong ito ang kanyang dinadalang pagtatampo sa ama.

”Naglihim kase ang Papa ko, matagal ng patay ang Mama, nabaril kase sya sa SONA ng president may isang dekada na ang nakakaraan. Alam kong sa pagkawala ni Mama ko ay naging mahirap iyon para sa Papa ko, kaya kanyang pinaimbistigahan ito kahit gumastos pa sya ng malaking halaga at umubos sya ng oras. Sa tatlong taong imbestigasyon ay napunta lang sa wala dahil paulit ulit lang na ang finding aksidente lang ang pagkakabaril sa Mama ko. Natanggap ko ito bilang anak pero ang akalang kung tanggap na rin ni Papa,, doon ako nagkamali, dahil pagkaraan ng tatlong taong pakikibaka ni Papa sa kaso ng Mama, akala ko, move on na sya dahil naging maayos at normal muli ang daloy ng aming buhay at relasyong mag ama. Mas naging mapag masid sya sa akin, alam ko kung bakit, kaya kung minsan ay may kahigpitan si Papa, inunawa ko ito hanggang sa edad na ito, pero kanina lang, isang babae ang dumating sa bahay at sa kanya ko nalaman na si Papa ay dalawang taon ng nasa NBI at binuhay nito ang kaso ng Mama. Nagsinungaling sa akin si Papa, dahil akala ko ang pagkawala ng Mama ay kaya kong punuan. Ginawa ko naman ang lahat mapunan lang ang kanyang kalungkutan. Ngayon, hindi ko alam kung ang bawat tawa ni Papa ay totoo, hindi ko na alam dahil nasasaktan ako na hindi pa pala nya natatanggap na matagal ng patay si Mama, mas maiintindihan ko pa ang pagkakaroon nya ng relasyon sa babaeng yun dahil lalake ang Papa ko pero bakit ganoon Derek, hindi pa pala sya nakaka move on,” wika ni Daven.

”Dahil sobrang mahal ng Papa mo ang iyong Mama, iyan ang dahilsn  niya Daven, napakasimple lang ng sagot sa tanong mo, dahil sobrang mahal ng Papa mo si Mama mo. Alam mo, pareho tayo ng kapalaran, patay na rin si Mommy kaya si Daddy ay sobrang iniingtan ako at ayaw ko ng syang makitang muli na lugmok sa kalungkutan kaya ito ako lumalaban kahit alam ko sa huli ay si Daddy ang maglilibing sa akin. Kaya habang buhay pa ako, patuloy kong palialigayahin si Daddy. Daven, mahalin mo pa lalo ang Papa mo, huwag kang magalit, unawain mo sya baka sakaling sa aspetong yan makita nya na may isang alaalang buhay na iniwan ang kanyang asawa at ikaw yun,” wika ni Derek. Nakangiti pa rin ito sa kanya  kahit nangingilid na ang mga luha sa mga mata nito.

May kumatok. Sa pag bukas ng pinto ay bumungad ang isang lalake na naka polo at suit. “Anak, kumusta ka. Anong nangyari sa iyo. Okey ka lang ba? Ipinakansela ko ang meeting ko this afternoon ng tinawagan mo ako, ” tuloy tuloy na tanong ng ama ni Derek.

”Daddy, relax! I am okey now. S’ya nga pala, my New found friend, si Daven. He is the reason why I am still breathing now,” pakilala nito sa ama na napatingin agad kay Daven at nakipag kamayan at kapwa nagkakilanlan.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng ama ni Derek sa kanya at nakilala nito sa pangalang Frank. ”Salamat uli ng marami sa pagsaklolo mo, anything iho, huwag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin o sa amin.” Tumalikod ito sa kanya at nilapitan ang anak,, umupo sa harapan nito at saka buong pagmamahal na niyakap nito si Derek na yumakap din ito sa ama. Kitang-kita ni Daven kung gaano kamahal ni Frank ang anak nito at narinig pa nito ang sinabing ”anak, Huwag mo muna akong iiwan please. Daddy is not yet ready baka mabaliw na ako kapag pati ikaw ay mawawala pa sa akin.”

”Daddy, stop talking like that magtatagal pa ako dito sa mundo aalagaan pa kita,”  wika ni /derek. Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang mga luha sa mata ng ama at masuyong hinalikan nito sa labi na lumaban din ang kanyang ama sa pahalik ng anak. Napanganga at nabigla si Daven sa nakikita sa dalawa ng maghiwalay ang mga ito sa kanilang halikan.

”Nagulat ka ba? Yes Daven, we are in a relationship. Pero hindi ako nahihiyang ipaalam ito sa iyo. Gusto ko na ako ang pumuno sa pagkawala ng Mommy sa buhay namin, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil hindi naman nila kayang ibigay ang kaligayahan na naibibigay ko sa Daddy ko,” wuka ni Derek.

”Hindi ko o namin iniisip na mali ito. Ang tanging gusto namin ay magkasama kaming dalawa sa araw araw at aalagaan namin ang isa’t isa. Tama nang maagang nawalan ng ina si Derek, at ngayon sinusubok ako ng Diyos dahil sya naman ang gustong kunin kaya habang nasa akin sya, ang tanging nais ko ay ang paligayahin sya, pasayahin sya, hanggang isang araw kapwa namin natagpuan ang isat isa na ganito. Hindi na kami nag tanong pa at pinag usapan pa. hanggang sa dumaan ang oras, araw, taon. Nakita ko ang taning ni Derek na ibinigay sa kanya ng Doktor ay ikatlong ulit na nyang nalampasan. Hanggang ngayon buhay pa rin sya, nabubuhay sya para sa akin kaya hindi ako titigil na paligayahin sya at hindi rin sya aalis na hindi pa ako handa. Pagpasensyahan mo na iho kung hindi ka handa sa iyong nakita sana sa atin na lang ito at hindi na makakalabas pa pakiusap ko sayo,”  wika ni Frank na ama ni Derek.

Tumango lang si Daven at ngumiti, nais man niyang sabihin na sila ng kanyang ama ay papunta na rin sa ganoon sitwasyon, pero may kung anong pumipigil sa kanya. Biglang nakita niya ang mukha ni Andrea at muli nitong narinig ang mga sinabi nito tungkol sa pag iimbestiga ni Kurt sa kaso ng Mama ni Daven.

”Iho, baka hinahanap ka ng ama mo pwede mo ng iwan si Derek at isa pa salamat uli iho,” wika ni Frank.

”Walang anuman po yun sir Frank, sige po mauuna na po ako.” Paalam ni Daven.

“Daven, mahalin mo lang ang Papa mo, ipakita mo na kaya mong punuan ang pagkawala ng Mama mo sa buhay niya o ninyo. Kung hindi man sa ganitong paraan na meron kami ng Daddy ko. Maraming paraan, yun ay dapat mong diskubrehin. Tiyak ako, isang araw mararamdaman mo na ang pagbabago sa iyong Papa. Sabi mo nga, pinoprotektahan ka nya kahit malaki ka na, Daven, ikaw na lang kase ang natitira sa kanya. Tulungan mo siya, may obligasyon ka sa kanya bilang anak, mag-iingat ka, tawagan na lang kita mamaya,” payo ni Derek.

”Sige Derek, hintayin ko ang tawag mo, salamat at may kaibigan akong bago na kagaya mo, pagdating ng panahon na aking matulungan si Papa, kayong dalawa ng Daddy mo ang makakaalam nito pangako yan,” wika ni Daven, saka lumabas na ng kwarto.

 

 

Durugtungan……………………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...