Ang Yummy Kong
Stepbrother (Yumming Yummy Pa Rin)
Chapter 12
- Lance – Ang Napipintong Pagtatagpo
Naging mainitin ang ulo ni Lance nitong mga huling araw. Ang
dahilan… ang pagtanggi ni Andrew na makipagkita sa kanya. Ilang beses niya
itong pinadalhan ng message para makipagkita, pero hindi nito sinasagot, at
kung sagutin man ay nagdadahilan na busy. Maging sa kanyang mga call ay laging
rejected.
Dahil doon ay naghinala na si Lance na sadya siyang iniiwasan ni
Andrew. Masamang masama ang kanyang loob. Madalas tuloy siyang naglalasing, at
kapag nalalasing ay kung ano anong sama ng loob ang kanyang nasasambit.
Karaniwang kanyang ikinasasama ng loob ay ang iwan sila ng
kanyang ama at pabayaan maghirap. Nang sunod na mamatay ang kanyang Lola at
Lolo na nag-alaga sa kanya simula pa nang sanggol siya. Nang sumakabilang buhay
din ang nagbigay sa kanya ng kaginhawahang tinatamasa sa kasalukuyan. Ang
pangloloko sa kanya nang inakala niyang totoong nagmamahal sa kanya na si
Diego, at ngayon naman ay ang magmahal sa taong hindi na malaya at hindi
magiging kanya.
“Bakit ganito ang kapalaran ko! Wala ba akong karapatang
lumigaya. Hayup ka Diego, manloloko!!” ang naisigaw niya sabay bato ng basong
tangan.
Nakatulog na siya sa kalasingan.
-----o0o-----
Pauwi na si Melvin nang maalalang kailangan na niyang bumili ng
gatas para sa mga anak. Dumaan siya sa isang mall para sa grocery roon siya
bumili. Hindi naman siya nagtagal roon dahil nang mabili ang kailangan ay
nagmamadali na rin naglakad para makauwi.
Samantala ay isang kahera ang nag-komento sa isang lalaking
nagbabayad. “Sir… may kakambal po ba kayo? Kamukhang kamukha kasi ninyo eh,
Sayang hindi kayo nag pang-abot. Kaaalis lang po.”
“Talaga, sandali ha, eto ang bayad ko at babalikan ko na lang
itong binili ko. Hahabulin ko lang yung taong sinasabi mo at baka abutan ko
pa.” Nagmamadaling lumabas ng grocery store si Lance at nagpalinga linga sa
paligid. Isang lalaki ang namataan niya na naglalakad papuntang exit na may
bitbit na bag na may tatak na pangalan ng grocery store. Patakbo niyang tinungo
ang exit. Inabutan naman niya ang lalaki na patungo sa pilahan ng taxi.
“Brod!” malakas niyang tawag.
Lumingon naman ang lalaki na inaakala niyang kahawig niya, pero
hindi, malayo ang itsura nito sa kanyang itsura at nasiguro niyang hindi siya
iyon.
“May problema ba?” tanong ng lalaki.
“Sorry… sorry brod. Akala ko kasi ay ikaw ang kapatid ko, sing
katawan mo kasi siya kapag nakatalikod. Pasensya na sa abala ha.”
Tumango lang ang lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagtingin-tingin pa rin si Lance sa paligid at
nagbabaka-sakaling mamataan pa ang sinasabing kahawig niya. Nakarating pa siya
sa booth ng parking. Nang inakala niyang nakaalis na ang sinasabing lalaki ay
naglakad na siya pabalik sa mall. Siya namang labas ng sasakyan ni Melvin na
nagbabayad ng parking fee.
Laking panghihinayang ni Lance at hindi inabot ang lalaki. Siya
sana ang magiging susi para sa kanyang minimithi na makita at makilala ang
amang nang-iwan sa kanila.
Binalikan niya ang pinamili sa grocery. Kinumusta pa siya ng
kahera kung inabot. Umiling lang siya.
“Dito ba palagi namimili ang sinasabi mong lalaki na kamukha
ko?” tanong niya sa kahera.
“Hindi ko lang alam Sir! Pangalawang beses ko pa lang siyang
nakita na dito nagbayad. Hindi ko lang alam sa ibang kahera,” sagot ng kahera.
“Salamat ha. Kung sakaling matyempohan mo siyang muli,baka
pwedeng pakibigay na lang nitong number ko ha, confidential yang number ko ha,
huwag mo ibigay sa iba, Pwede ba. Pakisabi na rin na tawagan ako diyan. Thank
you.”
-----o0o-----
Sa kanyang condo ay parang nakadama na naman ng konting
depression si Lance. Nanghihinayang talaga siya, naiinis, nagagalit, natutuwa.
Mixed emotions ang kanyang nadarama. Nanghihinayang siya dahil nasa paligid
lang pala ang magsisilbing susi sa matagal na niyang mithiin. Naiinis dahil
kung napaaga siya sa pila ay baka naabutan pa niya ang lalaki, natutuwa rin
naman dahil baka hindi siya nag-iisa at mayroon pa palang kapatid kahit na sa
ama lang kung saka-sakali.
Naalala rin niya ang sinabi noon ni Andrew at ni Diego na may
kahawig silang kakilala nila. Naisip niyang tawagan si Andrew, pero hindi na
itinuloy dahil sa alam niyang hindi siya nito sasagutin.
Si Diego ang naisip niya. Bigla niyang na-miss ang binata. May
puwang pa naman sa kanyang puso ang binata “Bakit ba hindi ko naisip na usisain
sa kanya ang sinasabi niyang kahawig ko noong hindi pa kami nagkakagalit?
Bwisit talaga!” wika niya sa sarili
Naisip niyang tawagan si Diego at magtanong, pero naisip din
niyang blocked na siya sa kanyang cell phone. Pwede namn niyang i-unblock, pero
hindi niya ginawa dahil sa kanyang pride.
-----o0o-----
Isang araw, sa gym ni Benny ay nagpang-abot si Diego at Melvin.
“Hi Melvin! Kasama mo ba si Andrew?” bati at tanong ni Diego.
Simula ng magsama na sina Andrew at Melvin ay naging close na
kahit papano si Melvin sa bestfriend ng asawa. Kinalimutan na nila ang
nakaraan.
“Hindi, ako lang ang nag-gym ngayon. Bumibigat na kasi ang
timbang ko. Nasa bahay at siya muna ang yayo hehehe. Saka medyo may sipon din
kaya sinabi ko na magpahinga kahit konti, kung makakapahinga siya sa
pag-babantay sa malikot naming anak,” Mahabang sagot ni Melvin. “Syanga pala,
hindi mo na kami pinakilala sa sinasabi mong jowa mo hehehe. Pakilala mo naman
sa amin ng makaliskisan hehehe,” wika pa niya.
Nag-iba ang timpla ng mukha ni Diego at napansin iyon ni Melvin.
“May problema ba Diego?”
Tumango naman ito. “Wala na kami, kasalanan ko.”
“Sorry, hindi na sana ako nagtanong.”
“Wala yun, naalala ko rin eh nang makita kita. Malaki kasi ang
hawig sa iyo. Sa unang tingin ko nga ay mapagkakamalan kayong kambal o
magkapatid eh,” wika ni Diego.
Natigilan si Melvin, nahinto sa ginagawang routine. “Totoo ba
ang sinasabi mo?” tanong ni Melvin, nagpakita ng interes sa sinabing iyon ni
Diego.
“Oo naman, kaya ko siguro nagustuhan ay dahil sa kahawig mo
siya, totoo, walang biro,” patotoo ni Diego.
“Pwede mo ba akong ipakilala sa kanya? Pambihira kasi ang
magkaroon ng kahawig lalo na at walang relasyon,” wika ni Melvin.
“Pasensya ka na Melvin, pero ayaw na kasi niya akong kausapin
eh, galit na galit talaga siya sa akin.”
“Ano ba ang ginawa mong kasalanan at nagalit na lang ng ganoon
si iyo.”
Hindi na lang kumibo si Diego. Naunawaan naman iyon ni Melvin.
“Bakit hindi mo siya suyuin. Kung mahal mo talaga siya ay
susuyuin mo siya hanggang mapalambot mo ang kanyang puso. Wala naman taong bato
ang puso. Ilang beses na ba akong alam mo na, pero heto ako at sa kanya pa rin
bumagsak. Gayahin mo ang kaibigan mo, hindi niya ako sinukuan,” – si Melvin.
“Iba kasi siya eh, hindi kagaya mong malambot ang puso at likas
na yata ang kababaan ng loob. Ma-pride si Lance. Ilang beses akong nag-try.
Nagmakaawa na nga ako eh, pero bale wala lang. Para talagang may pinagdaanan.
Ewan ko, hindi ko pa siya kilala ng lubos.”
“May number ka ba niya? Baka matulungan ka namin. Back-up ka
namin na isa kang mabuting tao. At kung ano mang ang naging problema ninyo ay
maipaliwanag nang mahusay ang dahilan.”
“Talaga ba? Tutulungan ninyo ako hahaha. Thank you Melvin,
please… please. Tatanawin kong malaking utang na loob kung sakaling magkabati
kami. Meron syempre. Naka block nga lang ako sa kanya hehehe.”
“OA mo naman talaga Diego. Hindi pa nga nangyayari eh.”
Ibinigay ni Diego kay Melvin ang phone number ni Lance pati na
ang phone niya sa offfice. Maging ang address ng condo at office ay ibinigay
rin ni Diego.
“Melvin… pwede bang sa atin na muna ito, huwag mo na lang munang
ipaalam kay Andrew. Pwede?”
“Sige, kung iyan ang gusto mo. Pero bakit naman ayaw mong
ipaalam sa kaibigan mo? Dahil ba sa same reason ng sa kanya? Hehehe. Huwag mo
nang sagutin, para kasing ganon na nga hahaha.”
-----o0o-----
Pagdating ng bahay ay kaagad na tinawagan ni Melvin ang ina.
Tyempong nagpapahinga ang mag-aama.
“’Ma, hihingi lang ako ng konting inpormasyon tungkol sa
ipinahahanap na mag-ina ni Papa. Nasabi ba sa inyo ang pangalan ng ina at nang
Baby?” tanong ni Melvin sa ina na nasa kabilang linya.
“Bakit naman bigla mong naisip ang mga bagay na yan?”
“Mama… may nasabi sa akin si Diego, yung kaibigan namin ni
Andrew, na may na-meet daw siyang lalaki na malaki ang hawig sa akin,
mapagkakamalan pa nga raw kaming kambal o magkapatid.”
“Hindi ko na matandaan. Itawag ko sa iyo ha at hahanapin ko ang
iniwang sulat ng iyong Papa.”
“’Ma, ngayon na ha! Hintayin ko ang tawag mo.”
“Nariyan ka na pala, sinong kausap mo?” – Si Andrew na humalik
lang sa kanyang partner.
“Ah si Mama, may tinatanong lang ako. Kumusta ang mga bata,
hindi ka ba nila pinagod?”
“Napagod nga ako eh, ang kukulit ng mga anak natin hehehe.”
Nag ring ang CP ni Melvin makaraan ang may sampung minuto.
“Sandali lang mahal ha at sasagutin ko lang si Mama.”
Lumayo ng konti si Melvin kay Andrew na nanibago sa ginawi ng
partner niya. Wala naman kasing pake itong una sakaling marinig man ng huli ang
sinasabi ng kausap. Hindi na lang nito pinansin iyon.
“’Ma ano?”
“Mona, Mona de Dios yung ina, pero yung bata ay hindi na
nasabi,” wika ng Ina.
“May naitagong picture diyan si Papa hindi ba? Pwedeng picturan
mo at i-send mo sa akin?”
“Meron, pero wala na, burado na ang picture, wala nang saysay
pa.”
“Sige ‘Ma. Ikumusta mo na lang ako kay Tito. Yung mga apo ninyo
ay hayun at namamahinga pa. maghapon yatang naglaro kasama ang Daddy nila.
“Anong pinagusapan ninyo ni Mama?” usisa ni Andrew.
“Ah, may tinatanong lang akong pangalan na kaibigan dati ni
Papa. May nakapagsabi kasi na yung anak ay narito. Matagal na kasi nilang
hinahanap ang taong iyon simula pa sa pagkabata.”
“Ah bakit? Nawala ba yung bata?”
“Hindi naman, itinago daw ng ina at hindi na pinakita pa sa ama.
Nagbabaka-sakali yung kaibigan ni Papa na makita na yung anak niya.”
“Paano naman nasabi na anak iyon ng kaibigan ng Papa mo?”
“Kahawig na kahawig daw, parang pinagbiyak na bunga, kwento sa
akin kaya itinanong ko kung anong pangalan ng ama at nung ina kay mama.”
“Anong balak mo?”
“Baka makatulong akong pagtagpuin ang mag-ama. May ibinigay na
number sa akin at tatawagan ko nga. Actually ay tinawagan ko na pero hindi
sinagot. Baka busy o di kaya ay hindi talaga sinagot dahil alam kong number ko
lang ang magre-register sa phone niya.”
“Magpahanda na ako ng hapunan natin?”
“Mag-shower lang muna ako, hindi ako nag-shower sa Gym.”
-----o0o-----
Sa kanilang silid ay nag-uusap pa ang magpartner.”Mahal,
halimbawang ikaw ang batang hinahanap ng ama na matagal na nawalay simula
pagkabata, anong mararamdaman mo sakaling magtagpo kayo. Halimbawa lang ha.”
“Hindi ko alam. Hindi ko kasi alam ang istorya kung bakit
nawalay eh.”
“Sa pagkatanda ko na kwento ni Mama ay nalaman daw ng asawa ng
kaibigan ni Papa na may kalaguyo o kabit ito at natunton pa kung saan nakatira
ang babae. Nasundan ng asawa ang bahay at nahuli ang mister niya na nasa bahay
ng kabit. Nag-eskandalo na raw ang asawa at para hindi magkagulo ay inuwi ng
kaibigan ni Papa ang kanyang asawa. Ng balikan daw ang kabit ay wala na sa
inupahang apartment at hindi na nakita pa, pati na ang bata.”
“Naku, kawawa naman pala ang bata, walang kaalam-alam ay
nadamay. Hindi ko alam ang kwento ng ina pero kung ako ang bata ay siguro
lalaki akong may hinanakit at siguro ay hindi na nanaisin pa ng makita ang ama.
Ewan ko lang ha. Ilang taon na raw sa ngayon ang bata?”
“Parang sing-edad ko raw eh”
“Ikaw ba Love, wala ka bang kapatid sa labas hehehe. Nagtatanong
lang ako hehehe. Kung sakale, anong gagawin mo?” tanong ni Andrew. Naalala kasi
niya si Lance na kahawig talaga ni Melvin, pero hindi na niya sinabi ang
tungkol doon.
“Hindi ko alam kasi wala na si Papa. Pero halimbawang malaman ko
na may kapatid ako sa labas noong time na buhay pa si Papa, baka hindi lang kay
Papa ako magtanim ng galit kundi pati sa batang iyon na anak sa labas. Iba na
kasi ang sitwasyon na wala na si Papa. Baka maawa na ako sa batang iyon dahil
sa hindi man lang niya nakilala ang kanyang ama. Kikilalanin ko na kapatid ko
at siguro ay magiging masaya pa ako dahil may kapatid pa ako at pwede pa kaming
magtulungan.
-----o0o-----
Sa opisina nina Melvin ay tinawagan niya si Lance. Sinagot naman
iyon ni Lance.
Lance: Hello! Sino
ito.
Melvin: Good morning sa
iyo, hindi tayo magkakilala, pero huwag mo naman sanang ibaba. May gusto lang
sana akong itanong sa iyo.
Lance: Tungkol saan.
Melvin: Gusto ko lang
sanang malaman kung may kilala kang babae na ang pangalan ay Mona de Dios.
Lance: Bakit mo tinatanong?
Melvin: Isa kasi akong
private detective at may pinahahanap sa akin na isang mag-ina na ang pangalan
ng ina ay Mona de Dios nga at may nakapagsabi sa akin na kamukha mo raw ang
taong nagpapahanap sa anak niya.
Lance: Bakit ako ang
tinawagan mo at saan mo nakuha ang aking number?
Melvin: Pag-paumanhin
mo ako Sir pero nangako ako sa nagbigay sa akin na hindi ko ire-reveal sa iyo
kung sino siya.
Lance: Kung gayon ay
wala kang makukuha sa aking inpormasyon sa hinahanap mo.
Melvin: Please… ayaw mo
bang makita ang iyong ama kung ikaw nga ang kanyang anak? Matagal na nilang
pinahahanap ang mag-inang iyon simula pa noong sanggol pa ang anak niya at
naniniwala akong ikaw iyon. Pwede ba tayong magkita sa personal?
Ngunit sa halip na sagutin ni Lance ang kausap ay tinapos na
niya ang usapan. Wala nang nagawa si Melvin.
“Maaring siya na nga ang anak ni Papa na matagal na niyang
hinahanap hanggang sa makamatayan na niya. Nahalata ko sa kanyang pagsasalita
na nanginginig ang kanyang boses at hindi niya masabi na kilala niya ang Mona
na iyon. Alam kong tatawagan din niya ako. Marahil ay naguguluhan pa lang siya.
Hihintayin ko ang kanyang tawag at alam kong hindi iyon magtatagal.
Samantala ay tila nauupos namang kandila si Lance na napaupo sa
kanyang kama. Hindi niya akalain na may maghahanap sa kanyang ina. Hindi niya
napaghandaan ang ganoong sitwasyon. Naalala niya ang kanyang ina na nasa
Antipolo. Tumawag siya sa kanyang opisina para magbigay lang ng instraksyon sa
kanyang mga tauhan. Nagpasya siyang umuwi ng Antipolo para kausapin ang ina.
-----o0o-----
“Anak, biglaang yata ang pag-uwi mo. May problema ka ba na
isasangguni sa akin?”
“Mano po ‘Nay. Meron nga po, pero huwag kayong mag-alala at
hindi naman malaking problema iyon.”
“Ay siya, tamang tama at nakaluto na ako. Tayo na munang
kumain,” yaya ng ina.
Matapos kumain at mailigpit ang kinanan ay nag-usap na ang
mag-ina sa kanilang sala.
“Ano bang dahilan ng pag-uwi mo anak?”
“’Nay, may tumawag sa akin kanina lang, isang private detective
at nagtatanong kung may kilala daw ba akong Mona de Dios. Syempre, nanay ko yun
eh, pero hindi ko sinagot na nanay kita, mahirap na, baka isa lang iyong scam.
Gustong makipag-kita sa akin para mag-usap daw kami. Pinanghinaan ako ng tuhod
kaya pinatayan ko na siya ng CP. ‘Nay, matagal na daw tayong pinahahanap ni
Tatay, sanggol pa raw ako ay pinahanap na niya tayo. Hindi niya talaga tayo
pinabayaan, mahal din tayo ni Tatay,” ang tuloy-tuloy na kwento ni Lance na
maluha-luha na.
“Anak, kasalanan ko lahat kung bakit hindi mo na nakita ang
tatay mo. Ako ang lumayo, ang nagtago. Iniwas ko lang naman ang sarili ko at
ikaw sa eskandalo kaya inuwi na lang kita sa mga lolo at lola mo. Kung hinanap
naman niya tayo, bakit hindi niya tayo natagpuan. Mahirap ba tayong hanapin?
Pero anak, sana nakipag-usap ka sa sinasabi mong private detective.”
“Tama kayo inay, bakit hindi tayo nahanap at tama rin kayo, sana
ay nakipagkita ako sa detective na iyon. “Nay… sakaling magkita kami na aking
ama, ano dapat ang aking maging reaksyon? Dapat ba akong manumbat o patawarin
na lang siya at makipagka-sundo?”
“Palagay ko anak ay dapat na nating alisin sa ating puso ang
hinanakit. Dapat ay maging masaya ka dahil makikita mo pa ang iyong ama. Sana
lang ay ang ama mo nga ang nagpapahanap sa iyo nang matapos na ang matagal mong
paghihintay. Alam kong mahal ako ng ama mo, tayo, nagkataon lang na may nauna
na sa atin.”
“Napaka-busilak talaga ng puso mo Nanay, pero hindi ko alam kung
ano ang aking nagiging reaksyon kung sakali. Makikipag-usap ako sa detective na
iyon at makikipag set ng date kung kailan kami magkikita. Gusto mo bang sumama
‘Nay?”
“Ikaw na lang muna anak. Kung talagang ang tatay mo iyon ay
isama mo na lang dito.”
“Ikaw po ang bahala.”
-----o0o-----
“Hello, ikaw ba yung tumawag sa akin at nagtatanong kung kilala
ko ang babaeng si Mona de Dios?”
“Ito nga. Kilala mo ba siya?”
“Kilala ko. Kung ano man ang kailangan mo sa kanya ay ako na
lang ang iyong kausapin. May free time ka ba? Free ako sa bandang hapon, 4 PM.”
“Saan ka malapit? Parteng Makati ang office ko,” wika ni Melvin.
“Makati rin. Sige, magkita tayo sa ganitong lugar 4PM sharp.”
“Okay. Ako nga pala si Melvin, anong name mo?”
“Lance.” Pinutol na niya ang linya.
Marvin. Hindi ko naitanong ang apelyido, hindi bale magkikita
naman kami.
Itutuloy………..
Sino si Marvin? Typo?
TumugonBurahinNice part. Good job author. Make this story interesting please.
TumugonBurahinHahhaha pag nagka alaman na patay so Melvin baka mabulgar lahat Ang baho ni Andrew at lance at baka ahasin pa bi lance Si Andrew at baka malaman din ni Diego na inakalantari Ng mahal niya Si Andrew. Gulo na naman
TumugonBurahinTrue.. Si Melvin na naman ba ang kawawa dito sa huli?? Goshh. Ano ba namang storya ito. Puro pananakit ang laman.
TumugonBurahin