Caregiver (Part 1)
Namatay sa sakit sa bato ang aking ama, Wala kasi kaming
kakayahan na mapa-opera si Tatay. Napakasakit sa dibdib na wala kang nagawang
tulong para madugtungan pa kahit konti ang buhay ng mahal sa buhay.
Ngayon ay ang aking ina na lang ang siyang nagtataguyod sa amin.
Isa lang labandera ang aking ina kaya nagpasya ako na magtrabaho. Natigil ako
sa pag-aaral ng magkasakit ang aking tatay. Graduating na sana ako kung
nakapagpatuloy sa aking pag-aaral. Hanggang second year lang ang naabot ko sa
kursong architecture.
Humingi ako ng tulong sa isa kong kaibigan na nagtatrabaho na sa
Maynila. Wala raw siyang maitutulong sa akin kundi ang patirahin pansamantala
sa inuupahang kwarto habang naghahanap ako ng trabaho. Lumuwas ako ng Maynila
at nagbabaka-sakaling makakita ng magandang trabaho
Habang naglalakad ako sa kahabaan ng kalye dito sa may Marcos
bighway, ay may nabasa akong help wanted na nakasabit sa gate ng isang
subdiviion Isang care giver ang hinahanap at nakalagay doon ang address at CP number
nang naghahanap. Nagtanong ako sa gwardya ng subdivision kung saan lugar ang
address na iyon. Malapit lang naman pala ang nasabing address na itinuro sa
akin ng gwardya. Kaagad ko iyong pinuntahan. Nagpaiwan naman sa akin ng isang
ID ang gwardya bago ako pinapasok.
“Tao po! Tao po!” malakas kong tawag mula sa may gate. Isang may
edad nang babae ang lumapit sa akin at tinanong kung ano ang aking kailangan.
“Ate, nabasa ko po sa may
gate nitong subdiviion na naghahanap kayo ng care giver,” magalang kong wika.
Hindi ako ang naghahanap, yung amo ko, katulong lang din ako
rito. Hintay ka ha at sasabihin ko,” wika ng kasambahay.
Tumalikod na ang babae at pumasok sa loob ng malaking bahay.
Maya-maya ay lumabas din ito at pinapasok na ako.
“Salamat po ate ha!” wika ko.
Pinasunod ako ni ate sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay namangha
ako sa ganda ng loob ng bahay, Mga mamahalin sa palagay ko ang kasangkapang
naroon. Pinaghintay ako ni Ate sa sala na may napakagandang sofa na malambot
ang upuan.
“Ikaw ba ang nag-aaply bilang care giver?” wika ng isang babae
na medyo may edad na pero maganda pa rin at maganda ang suot na damit. Astang
mayaman. Siya na siguro ang may-ari ng bahay at future amo ko hehehe.
“Ako nga po,” sagot ko.
Naupo ang babae sa katapat na upuan.
“May experience ka na ba sa pag-aalaga. Isang lalaki ang iyong
aalagaan kung sakali at hindi na siya bata.”
“Mayroon po, nakapag-alaga ako sa maliit kong kapatid at maging
sa aking tatay na nagkasakit,” sagot ko.
“Ano nga pla pangalan mo? Edad? At saan ka nakatira?” tanong ng
babae.
“Emmanuel de Guzman po,
Eman ang tawag sa akin, 22 na po ako at galing po akong probinsya at nakikitira
lang po sa bahay ng isang kaibigan.”
“Ikaw ba ay nakapag-aral?”
“Nakaabot po ako ng second yeat college, archigtecture po ang
kurso ko. Hindi na po ako nakapagpatuloy sa pag-aaral simula ng magkasakit ang
aking ama.
“Okay ganito ha. Sampung libo ang ipapasahod ko sakaling
tanggapin mo ang trabaho, stay-in ka, libre ang pagkain at isang araw ang
day-off mo. Mayroon ka ring SSS. Try
ka muna namin. Sakaling magustuhan ka ng
aalagaan mo ay mananatili kang care giver niya. Kapag hindi kayo nagkasundo ay
pasensyahan na lang. kelan ka ba pwedeng magsimula. Pwede ka ngayon na.”
“Mam, magpaalam muna ako sa kaibigan ko at kukunin ko rin ang
aking mga gamit. Baka po pwede na bukas na lang nang umaga ako bumalik?” sabi
ko.
Okay, sige. Halika papakilala muna kita sa aalagaan mo. Kailangan
ko na ring umalis at may work pa ako.
Panay ang panalangin ko na magustuhan ako ng aking aalagaan. Maswerte
na rin ako at buong buo kong makukuha ang aking sweldo dahil sa wala akong
gagastusin pamasahe, upa sa bahay at pagkain. Pumasok kami sa isang silid.
Malaki ang silid. Isang lalaki ang nakaupo sa wheelchair.
“Sherwin, narito ang bago mong tagapag-alaga, si Eman. Subukan
mo ha kung magugustuhan mo ang serbisyo niya.”
“Okay po ‘Ma. Magsisimula na ba siya kaagad?” wika ni Sherwin.
“Bukas na raw ng umaga dahil kukunin pa niya ang gamit niya at
magpapaalam sa kasama sa tinitirhan niya.”
“Sige na ‘Ma, bukas ko na lang din siya kakausapin,” wika ni
Sherwin na hindi man lang ako nilingon. Lumabas na kami ng silid ni Sherwin. Ibinilin naman ako sa ibang
kasambahay na naroon. Nagpaalam na muna ako.
-----o0o-----
Kinabukasan ay nagbalik na ako sa bahay nina Mam.
“Mam, pwede po ba ninyo akong bigyan ng konting information
kung, alam nyo na sa ugali ng anak ninyo para maunawaan ko siya sakaling
magalit sa akin. Saka ano po ba ang naging sakit ni Sherwin?”
“Mabuti pa nga siguro. Mabait naman si Sherwin, madaling lapitan
at kaibigan ng lahat. Ikakasal na siya nang maaksidente na ikinasawi ng kanyang
nobya. Siya naman ay naipit ang paa at nabalian ng buto. Naoperahan naman siya
pero hindi kaagad naigalaw ang mga paa. Kailangan daw mag therapy.”
“Depressed siyang masyado, lalo at namatay ang kanyang nobya.
Mahal na mahal kasi niya ang nobya. Ayaw na niyang lumabas ng silid simula
noon, nagkulong na lang. Ayaw nang magpa-therapy. Ikinuha na lang namin ng
mag-aalaga, magpapaligo pero walang tumagal. Palagi raw nakasigaw, naka-angil.
Minsan pa ay nasasaktan. Kaya ikaw Eman, sana pagpasensyahan mo na siya kapag
nasigawan ka. Unawain mo na lang siya. Hirap na hirap na kaming kumuha ng
makakasama niya. Promise, kapg tumagal ka rito ay tataasan ko rin ang iyong
sweldo. Hindi lang yan, baka papag-aralin pa kita, ipag-patuloy ang pag-aaral
mo kahit on-line,” kwento at pangako ni Mam.
“Siya nga pala, tuwing umaga, mga alas-syete ay dadalhan mo siya
ng pagkain, babantayan mo habang kumakain dahil madalas ay itinatapon lang niya
sa basurahan ang pagkain. Tapos paiinumin mo ng gamot niya, ituturo sa iyo muna
ni inday kung anong gamot at oras paiinumin. Every two weeks ang dalaw ng
doctor niya dito at siya na ang magsasabi sa iyo kung anong gagawin. Tamang
tama at narito siya bukas. Huwag ka munang mag-dayoff ha, Sabado lang kasi ang
available ang doctor.”
“30 minutes matapos kumain, ay paliliguan mo siya, kaya naman
niyang itayo ang isang paa, pero nahihirapan siya. Kaya kung kaya mo siyang
buhatin ay buhatin mo na lang. Syempre pakakainin mo rin siya sa oras ng
pagkain. Yung snacks ay kung manghingi lang. Sa ngayon ay nakakain na siya at
nakainom na nang gamot. Paliguan mo na lang ha. Bahala ka na sa kanya. Konting
pasensya lang ha.”
Sinamahan niya uli ako sa silid ni Sherwin.
“Sherwin anak. Narito na uli si Eman at siya mo nang makakasama
simula ngayon. Siya na ang magpapaligo sa iyo” wika ni mam.
Walang imik, nanatiling nakahiga, Nakataklubong pa ng kumot kaya
hindi ko nakita ang mukha. “Sherwin, bangon ka muna ha at nang makilala mo na
si Eman.”
“Alam ko na, Eman ang pangalan niya. Ayaw ko pang bumangon,” pa
angil na wika ni Sherwin, parang bata
“Halika at ipatuturo ko kung saan ang kwarto mo. Pwede kang
mag-short lang at tshirt dito, simple lang basta maayos at malinis,” sabi pa ni
Mam.
Tinawag niya si Inday, at sinabihan na ituro ang aking magiging
silid. Maganda naman ang silid, may maliit na TV, isang kama na may kutson
,mesa sa gilid ng kama, dalawang monoblock chair, stand fan. May bintana naman
kaya pwedeng pumasok ang hangin. Nagpalit muna ako ng damit, isang jogger short
at tshirt na puti, at tsinelas. Bumalik na ako sa silid ni Sherwin.
“Sir Sherwin, oras na po para maligo kayo. Bangon na po,”
magalang kong wika.
Hindi siya kumikibo. May attitude talaga ang mama. Hinatak ko
ang kumot, dahan dahan lang naman at bumulaga sa akin ang napaka-among mukha,
ang mapupungay na mata na parang sa Koreano, makinis at maputing balat na ewan
ko kung putla lang dahil sa hindi naarawan at ang labi na sa sobrang pula ay
para nang naka-lipstick. Napaka-gwapo pala ng aking amo at bata pa pala. Tingin
ko ay nasa 25 pa lang.
“Gago ka ah, ang kulit mo. Ayaw kong maligo.” Isang unan ang
humagis at tumama sa aking mukha. Nagulat ako sa kanyang inasta. Nawala lahat
ang aking paghanga. Sa likod pala ng maamong mukha ay nagtatago ang isang
demonyo.
“Sir! Gusto mo ba na buhatin ko kayo. Kapag oras na ng paligo ay
dapat maligo, huwag po kayong pasaway. Hindi uubra sa akin ang arte nyo.”
“Palalayasin kita rito o di kaya ay kusa ka ring aalis tulad ng
iba. Tingnan natin!”
Nanlilisik talaga ang kanyang mga mata, pero mapungay pa rin.
Bagay din naman sa kanya, pwede ngang artista dahil nababago niya ang anyo
niya.
Ayaw talagang kumilos kaya ang ginawa ko ay kinarga ko na parang
sa bagong kasal . Nagiinalsa siya, nagmura na na hindi ko akalain na lalabas sa
bibig ng isang disenteng tao.
“Sige ka, ibabagsak ko kayo rito, lalo kayong hindi makakalakad.
Sayang ang ganda mong lalaki kung mananatili ka lang dito sa loob ng silid mo.”
Dinala ko na siya sa banyo na nasa loob din ng silid niya. My
upuan naman doon na inilagay talaga para sa kanyang paliligo. Hinubad ko na ang
kanyang pang taas na pajama, naghahatakan kami, pero mas malakas ako sa kanya.
Laki yata ito sa mabibigat na trabaho.
Hinubad ko rin ang kanyang ibabang pajama, isang puting brief na
lang ang natira sa kanya. Huhubarin ko na sana ng sabihan niya ko na…”bakla ka
siguro ano. Gusto mo lang sigurong makita ang aking titi. Tsumutsupa ka
siguro.”
Insulto iyon sa akin, pero alam ko na naman ang ugali niya.
Binalewala ko na lang.
“Haay naku Sir Sherwin… meron din ako niyan, baka mas malaki pa
kaysa sa iyo. Saka ang akin hindi nasasayang dahil nagagamit ko. Yan bang sa
iyo ay nagamit mo na?” pabalang kong sagot. Wala siyang nagawa ng hatakin ko
iyon ng sapilitan.
Ang mayaman pala, pati ang burat ay maputi hehehe, saka ang
ganda ng kanyang titi at kahit tulog pa ay alam kong may ipagyayabang. Daks si
Sir hehehe.
Binuksan ko na ang shower, ito yung may tatangnan kaya nagagawa
kong basain ang katawan niya kahit saang parte. Sinabunan ko ang buo niyang
katawan, pati singit, butas ng pwet at bayag at maging ang kanyang burat.
Tumigas nga ng konti, pinipigil lang na lalong tumigas hehehe.
“Syanga pala Sir, dumumi na ba kayo. Baka hindi pa ay tamang
tama para mahugasan mabuti.”
Umiling siya, ang intindi ko ay hindi pa, kaya binuhat ko at
inupo sa inidoro. Mabuti na lang at may exhaust sa banyo kaya hindi masyadong
naamoy ang mabaho niyang dumi. Napapangiti pa nga ng magtakip ako ng ilong,
patago nga lang.
Napaliguan ko naman siya ng wala nang aberya.
Isang short lang ang aking ibinihis sa kanya at tshirt. Mahilig
pala siya sa puti dahil puro puti ang nakita ko sa kanyang cabinet ng damit.
Maging ang short niya ay puti.
“Sir, namamayat na ang binti mo, hindi na pantay. Masakit ba
talaga kaya ayaw mong mag-therapy?
“Bakit ka ba nangengealam. Sa ayaw ko eh, anong pakialam mo!”
pagalit na naman niyang wika, pero nakita ko na pinagmasdan niya ang kanyang
binti at sinuri kung totoo ang aking sinabi. Hindi ko na masyadong
pinakikinggan ang sinasabi niya, ako naman ang masusunod eh.
Hindi ko alam kung anong
klaseng therapy ang pinagagawa sa iyo. Marunong akong maghilot, hihilutin ko na
lang muna para daluyan ng dugo ang ibang ugat dito.
Kumuha ako ng isang stool, yung mababa lang na pinapatungan niya
minsan ng paa. Ipinatong ko sa aking hita ang kanyang paa at sinimulan ko iyong
hilutin. Lumambot na ang kanyang muscle sa binti.
Lumipas ang buong araw na nakarinig ako ng mura, nang masasakit
na salita, nang alimura mula kay Sir Sherwin, pero sa halip na magalit ako at
magdamdam ay awa ang aking nararamdaman. Alam ko, naghihirap din ang kanyang
damdamin. Naunawaan ko siya dahil sa nag-alaga rin ako sa aking tatay na
nagkasakit.
-----o0o-----
Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Nag-cologne pa
ako dahil sa kahit bagong gising itong si Sir Sherwin ay napakabango pa rin
niya. Mamahalin kasi ang mga pabango niya. Kinuha ko ang tray kay Inday, fresh
orang juice, dalawang loaf bread na toasted, sunny side-up na egg, at
marmalade.
“Iyan ba ang gustong almusal ni Sir Inday?”
“Hindi ko masabi Eman eh, minsan kinakain, minsan hindi. Ganon
naman palagi, wala siyang gusto. Nakakainis na nga eh. Sana tumagal ka rito
para hindi ako ang nagse-serve sa kanya,” wika ni Inday na may tono ng
pagrereklamo.
“Ano nga pala ang gamot na iinumin niya?”
“Ah dalawa lang naman ang iniinom niya, isang vitamin at hindi
ko mabasa yung isa. Nakalagay iyon doon sa may personal ref niya. Good luck hah
hehehe.”
Pinilit ko talaga siyang kumain. Iba talaga ang ugali. Isinubo
ko na ang tinapay pero idinura niya sa mukha ko. Ang ginawa ko naman ay pinulot
ko at isinubo uli sa kanya. Galit na galit, mura ng mura. Kung nakamamatay lang
ang mura ay baka patay na ako.
Dahil sa ginawa kong pagsubo sa idinura niyang pagkain sa mukha
ko ay napilitan niyang lunukin ang ibang pagkain. Hinayaan ko namang idura niya
uli sa basurahan ang isinubo kong una kanina. Pinainom ko ng gamot at saka
itinulak ang wheel chair palabas.
“Saan mo ako dadalhin tangina ka! Ibalik mo ako sa silid ko!
Inday! Inday! Tulungan mo ako, papatayin
ako ng walanghiyang Eman na ito,” malakas niyang sigaw, pero diretso lang ako.
Nakita ko si Inday na humahangos, Natataranta. “Huwag kang
mag-alala Inday, hindi ako mamamatay tao. Itong lintek na ito ang papatay sa
atin kaya konting tiis lang,” wika ko.
Wala na namang ginawa si inday. Nanatili lang nakatayo at
pinagmasdan ang paglabas namin. Dinala ko siya sa hardin. Naabutan ko pa si
Mang Nestor na nagwawalis sa bakuran.
“Magandang umaga Mang Nestor,” bati ko sa hardinero.
“Mang Nestor! Tulungan mo ako. Kikidnapin ako ng walanghiyang
ito at ipatutubos sa aking mama!” sigaw ni Sir Sherwin.
Hindi man lang siya pinansin ni Mang Nestor. “Mang Nestor, doon
kami sa hardin mo pasasanghapin ko lang ng sariwang hangin itong pasyente at
painitan na rin ng araw. Hindi na puti ang balat niya eh putla na dahil hindi
na naarawan,” wika ko. Wala namang tugon si Mang Nestor pero sinundan kami ng
tingin.
“Alam mo Sir Sherwin, mahilig kasi ako sa mga halamang
namumulaklak, tulad ng rose, sampaguita, orchid. Basta namulaklak. Kaya ang
jowa ko ay palagi akong binibigyan ng bulaklak, kahit gumamela lang ay okay din
sa akin. Ikaw ba? May paborito ka bang bulaklak?”
Napatingin sa akin si Sir Sherwin at sa hawak-hawak kong pulang
rosas. Maya maya ay napayuko. Nadinig ko ang pag-singhot. “Sir! May sipon po ba
kayo?” tanong ko kahit alam kong singhot iyon dahil sa umiyak siya.
Nagtaas siya ng mukha at nakita kong namumula ang mga mata ay
may bakas pa ng luha ang gilid ng mata. “Ibalik mo na ako sa aking silid,
bilisan mo o ipasisante ka sa aking mama. Bilisan mo na!”
Galit na talaga siya, kaya ibinalik ko na siya sa kanyang silid.
Sakto namang dating ng doctor na tumitingin sa kanya.
“Saan kayo galing Eman?” tanong ni Mam.
“Paarawan ko lang po sana si Sir at para makalanghap na rin ng
sariwang hangin, kaso po uminit ang ulo ng tanungin ko kung anong paboritong
bulaklak. Doon ko kasi siya dinala sa may hardin.”
“Maganda yang ginawa mo iho. Ano ngang pangalan mo?”
“Eman po, bago po akong tagapag-alaga ni Sir.”
“Maganda yang maarawan at mahanginan si Sherwin. Matagal ko nang
sinasabi sa kanya yan. Mga 30 minutes lang ay okay na,” wika ng doctor.
Sinimulang tingnan ng doctor si Sir Sherwin, nag BP, pinanganga,
pinalo-palo ang tuhod at kung ano pa sa binti, ine-stethoscope.
Lihim na kinausap ng doctor ang kanyang mama pati na rin ako.
“Kung pupwede ay maganda ngang mailabas ng bahay si Sherwin, makabubuti iyon sa
kanyang kalusugan. Baka pwede mong patayuin, akayin at i-upo sa regular na
silya. Kangina ay dinig ko ang pagmumura niya, ewan ko kung bakit, pero baka
isa iyon, ang magalit ng husto para magpursige na tumayo, alam mo na, gumanti
hehehe, manuntok. Wala kasi siyang laban kapag nakaupo lang eh,” mahabang
paliwanag ng dotor.
“Okay naman ang mga vitals niya kaya hindi ko na siya bibigyan
ng bagong gamot. Yung pain releiver ay kung sakaling kailanganin lang, kapag
may idinaing masakit sa mga binti at tuhod. Sige Hilda, aalis na ako at baka
marami na akong pasyenteng naghihintay sa clinic,” paalam ng doctor.
Ihinatid pa namin ang dotor hanggang sa gate. Hindi kami kaagad
pumasok ni Mam. “Ano bang ikinagalit ni Sherwin sa iyo at sumisigaw na kanina?”
“Nagalit po siya ng ilabas ko at dalhin sa may garden, pero
sandali lang. Pumitas ako ng isang pulang rosas at nagkwento na paborito ko ang
mga halamang namumulaklak lalo na ang rose. Tinanong ko lang naman siya kung
may paborito rin siyang bulaklak. Tumahimik lang siya at yumuko saka suminghot.
Tinanong ko kung may sipon, pero alam ko na umiyak siya at ang naisip kong
dahilan ay itong bulaklak,” kwento ko
“Naalala siguro niya ang namatay niyang girlfriend. Hindi ba
nakwento ko na sa iyo na ikakasal na siya kaya lang ay naaksidente. Paborito ng
kanyang nobya ang rose, palagi niya itong binibigyan ng rose na galing diyan sa
aming hardin,” kwento ni Mam.
“Kaya pala. Hindi ko po alam iyon, sorry po.”
“Wala kang dapat ihingi ng sorry. Yung sabi ng doctor ha, sundin
mo.”
“Mam, baka po isipin ninyo na inaaway ko si Sir dahil kung
minsan ay sinasagot ko na siya. Gusto ko lang pong mapilit siya sa dapat at
hindi sa gusto lang niya. Naduraan nga niya ako ng pagkain sa mukha kanina,
kaya ang ginawa ko ay dinmapot ko at pinakain uli. Iniluwa rin naman at kinain
na yung pinakain ko kanina. Natakot sigurong isubo ko uli kahit galing na ng
basurahan,” kwento ko.
Inaasahan kong magsusubong si Sherwin kaya sinabi ko nang pauna.
Alam ko ring hihilingin nito na palayasin na ako. Pero sa ikinilos ni Mam ay
baka hindi rin niya pagbigyan ang anak. Natawa pa nga ng ikwento ko yung
pagpapakain ko ng idinurang pagkain.
Hindi na pumasok ng silid si mam, ahyaw daw masira ang umaga
niya dahil magsusumbong lang ang anak.
“Maghubad ka na at maliligo ka na,” sabi ko.
“Maligo kang mag-isa mo,” tugon niya.
“Gusto mo na ako pa ang maghubad. Pipitikin ko ang bayag mo.”
Napatingin siya sa akin, siguro ay alam niyang gagawin ko iyon
kaya hinubad na niya ang pajama sa taas.
Itutuloy……….
More please, interesting ang kuwento mo author!!!!!!! Kudos sau 🙂
TumugonBurahin