Miyerkules, Disyembre 7, 2022

Caregiver (Part 2)

 


Caregiver (Part 2)

 

Napaliguan ko naman ng maayos si Sir. Tahimik lang siya. Nabihisan ko na siya ay tahimik pa rin at walang reklamo.

“Iwan mo na muna ako dito Eman ha! Gusto ko lang munang magisa,” mahinahong wika ni Sir Sherwin. Lumabas na ako matapos magbilin na magbuzzer na lang kung kailangan ako.

-----o0o-----

Sherwin

Sa aking pag-iisa ay naalala ko ang sinabi ni Eman noong nasa hardin kami…“Alam mo Sir Sherwin, mahilig kasi ako sa mga halamang namumulaklak, tulad ng rose, sampaguita, orchid. Basta namulaklak. Kaya ang jowa ko ay palagi akong binibigyan ng bulaklak, kahit gumamela lang ay okay din sa akin. Ikaw ba? May paborito ka bang bulaklak?”

Napatungo ako pagkakita ko sa tangang bulaklak ni Eman. Tumungo ako para itago ang pagpatak ng aking luha. Naalala ko na naman ang aking mahal na GF, si Rose. Mahilig siya sa bulakalak na rose hindi dahil sa ang pangalan niya ay Rose din. Sadya lang talagang naging rose ang paborito niyang bulaklak.

Paano ko ba malilimutan siya. Kapag nakakakita ako ng bulaklak na iyon ay hindi ko maiwasang mapaiyak. Nanghihinayang ako. Kung hindi siya nawala ay siguro masayang masaya na kami at baka malapit na ring magkaanak.

Sa tuwing dadalawin ko siya ay palagi akong may dalang bulaklak na rosas, tatlo palagi na pinipitas ko sa aming hardin. Wala naman siyang partikular na kulay na gusto, basta kahit anong kulay, pula, puti, rosas o dilaw ay gusto niya. Masayang masaya niya akong sasalubungin at ngiting-ngiti at kukuhanin kaagad sa aking kamay ang mga bulaklak kahit hindi ko pa inaabot sa kanya. Malaking bahagi sa aking ala-ala ang bulaklak na iyon.

Gusto kong mainis kay Eman, gusto kong tumutol na dalhin ako sa hardin dahil alam kong magbabalik na naman sa aking isipan si Rose na kaylan man ay hindi ko na makikita at makakapiling. Pero tulad ko ay matigas din ang kanyang ulo. Kakaiba siya sa mga naunang tagapag-alaga ko, palaban pero nadarama ko namn na sincere siya sa paglilingkod sa akin.

Hindi naman talaga ako masungit, mabait naman talaga ako, sinasadya ko lang talagang maging masungit para layuan nila ako, hindi kausapin. Maging ang aking mga kaibigan ay pinagbawalan ko nang dalawin ako, hindi ko sila hinaharap kapag napunta sila rito. Bakit??? Dahil sa ayaw kong kaawaan ako. Baldado na ako, walang silbi, alagain at hindi makakagawa ng kahit ano na walang alalay. Paano ko sila pakikiharapan gayong palagi ako sa silyang de gulong na ito.

Gusto kong maging masaya, pero paano. Kinuha na ang pinakamamahal ko, pati na ang makalakad. Ano pa ba ang silbi ko dito sa mundo.

Sa aking inis ay naibato ko sa may bintana ang hawak kong baso. Malakas ang pagkakahagis ko at lumusot iyon sa salamin at lumikha ng malakas na kalabog. Humahangos na pumasok si Eman sa loob at kaagad ako inalo, niyakap niya ako habang umiiyak at nanangis.

“Sige lang Sir, umiyak lang kayo, isang paraan yan para mawala ang sama ng loob. Narito lang ako, tutulungan kitang makalimot.”

“Ano bang alam mo sa aking problema? Wala kang alam!” wika niya na patuloy ang pagtangis.

“Alam ko Sir, alam ko. Napag-daanan ko rin ang pinagdaanan ko. Nawalan din ako ng minamahal, hindi lang minsan, maraming beses at ang huli nga ay ang aking ama. Kaya natin itong labanan, harapin lang natin ang problema.”

“Ang dami mong alam, pero ako wala, wala.”

“Kasi ay ayaw mong limutin. Kasi ay naawa ka sa sarili mo. Kasi ay nahihiya kang makita ng iba sa ganyang kalagayan. Eh ano kung pilantod ka. Eh ano kung naka wheel chair ka! Anong pakialam nila. Ang mahalaga ay buhay ka lumalaban at hindi sumusuko.”

“Tulungan mo ako Eman, kailangan ko ang tulong mo.”

“Tutulungan kita Sir, hindi kita pababayaan. Ako ang gawing mong gabay sa iyong paglimot. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na ang mahal mo. Ang gusto ko ay tanggapin mo na wala na siya at kapag may nawala ay may ibang darating, baka mas higit pa. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang pagka-pilay mo ay hindi permanente. Sabi ng doctor ay malaki ang tsansa mo na makalakad basta pagsisikapam mo lang. Masasaktan ka, pero lahat ng sakit ay kayang tiisin. Naramdaman mo na kaya posibleng mamanhid din at hindi mo na maramdaman. Tutulungan kita, pangako.”

Napayakap ako kay Eman sa sinabi niyang iyon. Lumaki ang aking pag-asa. “Ihiga mo na ako Eman. Gusto kong matulog muna at sana pagkagising ko ay may solusyon na ako sa aking problema. Huwag kang aalis diyan, bantayan mo lang ako, pakiusap,” wika ko.

“Dito lang ako. Pagkagising mo ay sisimulan na nating ang iyong therapy, therapy sa puso, sa isip at sa iyong mga binti. Matulog ka na at itiwasay mo ang sarili. Babantayan kita.”

Napalagay ang aking damdamin kaya pagpikit ng aking mata ay kaagad akong nakalimot. Nakatulog na ako.

-----o0o-----

Eman

Napatakbo ako sa silid ni Sir Sherwin nang makarinig ako ng kalabog na tila nabasag na salamin. Nakita ko si Sir na umiiyak kaya ang una kong naisip na gawin ay yakapin siya. Alam kong hindi naman siya nasaktan dahil sa malayo ang bintana sa kinaroronan niya. Awang awa ako ng maglabas siya ng saloobin, ng sama ng loob, ng hinanakit. Alam ko ang pakiramdam na iyon kaya nangako akong tutulungan siya.

Napanatag naman ang kanyang loob at tulungan ko raw siya. Natuwa ako dahil sa siguro ay simula na ito ng aming pagkakaibigan. Hihiga raw muna siya at matutulog kaya hinayaan ko na. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog dahil iyon ang hiling niya.

Tulog na naman siya at mahimbing pa dahil sa may panaka-nakang mahihinang hilik kaya lumabas muna ako. Hinihntay naman pala talaga ako ni Inday.

“Nakita ko ang pagmamalasakit mo kay Sherwin Eman, maraming salamat Ikaw na siguro ang makapagpapabago ng pananaw niya sa buhay,” wika ni Inday.

“Naku, tungkulin ko po iyon. Teka nga pala, alam mo nag-aalangan akong tawagin kang Inday at lalo namang aling Inday. Parang hindi bagay. Ano po ba ang tunay ninyong pangalan?” usisa ko.

Napangiti si Inday. Visaya kasi ako at nakagawian na ang tawag sa akin ay Inday. Aning ang tunay kong pangalan, Anita,” sagot ni Inday.

“Anong gusto mong itawag ko sa iyo, ayoko ng Inday lang kasi ay para naman akong walang pag-galang sa iyo saka parang ako ang amo hahaha.”

“Eh di Aling Inday na lang. Okay lang yun.”

“Isa pang tanong Aling Inday, nakita kong pinupunasan mo ng pawis sa likod si Mang Nestor, ano mo po siya?”

“Nag-iisip ka ng masama ano? Aminin!”

“Medyo po.”

“Sabi ko na nga ba eh. Asawa ko si Nestor hahaha.”

“Ang dami ko pang hindi alam dito, hindi kasi naman nasabi eh. Wala kayong anak?”

“Meron, isa si Gian, may asawa na kaya wala na rito. Dito rin siya lumaki at kaidaran lang din ni Sherwin. Magkalaro at magkaibigang matalik ang dalawa.”

“Mabuti at hindi kayo kinukuha ng anak mo. Hindi ba nagseselos dahil narito pa rin kayo?”

“Kinukuha na nga kami, kaya lang ay may bahay kami rito. Yung isang bahay sa likod ay ibinigay na sa amin ni Hilda, malaki rin iyon. Doon ko nga sila pinatitira eh kaso malayo raw sa trabaho. Ang nagpaaral sa kanya ay ang mag-asawa ni Hilda. Sayang, hindi mo inabot ang asawa niya, mabait din iyon kaya tumagal kami rito.”

“Nasaan po siya?”

“Namayapa na, atake sa puso.”

“Ah ganun po ba. Sayang. Baka bigyan din ako ng bahay hehehe. Joke lang.”

“Nariyan si Andres, tinatnong kung ilang ang papalitan na salamin,” biglang sabad ni Mang Nestor.

“Isa lang po pero isang haba, Kelan po papalitan?”

“Kahit ngayon na, gising ba si Sherwin?”

“Nakatulog nga po, pwede po ba pagkagising na lang.”

“Ay oo naman. Taga maintenance siya sa opisina nina Mam.”

“Napaalam na po ba ninyo ang nangyari?”

“Itinawag ko kaagad at sinabi ko rin na okay na kaya hindi na siya umuwi.”

“Iwan ko muna kayo ha at baka gising na ang aking alaga.”

-----o0o-----

Tulog pa si Sir pagpasok ko.  Nilinis ko muna ang kumalat na salamin sa sahig. Mahirap na at baka may ma-tibo pa. Naupo muna ako sa may wheelchair ni Sir na nasa gilid ng kama nito at nagbasa ng nakita kong pocket book . Harold Robbins ang author, “Memories of Another Day” ang title. Nag scan ako. Parang maganda, alam ko sikat ang author na ito. Nag-basa ako ng ilang page at nakaka-enganyong basahin. Napasarap na ako sa pagbabasa, hindi ko namalayan na gising na pala ang alaga ko.

“Magandang novel iyan, ilang beses ko nang inulit basahin.”

Gulat ako nang magsalita si Sir. “Gising ka na pala. Sorry ha, nakita ko kasi diyan sa ibabaw ng mesa, binasa ko habang binabantayan ka. Dito tuloy ako napaupo sa wheelchair mo. Gusto mo nang bumangon?”

“Sige, huwag mo na akong buhatin, alalayan mo na lang ako,” wika niya. Good sign iyon para sa akin. Gusto na nga niyang kalimutan ang nakaraan.

May kumatok sa pintuan.  Sumilip sa siwang si Aling Inday. “Eman, nakahanda na ang pagkain ni Sherwin,” wika ni Aling Inday.

“Dyan daw po kakain sa hapag si Sir, sabay sabay na raw po tayo nina mang Nestor at iba pa,” sagot ko.

Napatingin siya akin, waring nagtatanong. “Sinimulan mo na kanina, ituloy na natin. Masayang kumain na may kasabay,” pangungumbinsi ko. Tumango naman siya at nakita iyon ni Aling Inday.

“Sige, ihanda ko na ang mesa.”

“Labas na rin kami Aling Inday.”

-----o0o-----

Sherwin

Sa unang pagkakataon, sa loob ng mahaba-haba ring panahon ay nakasalo ko sa pagkain ang mga kasama ko sa bahay. Dati na naman kaming sabay-sabay kumain. Nakalakihan ko na kasabay namin na kumakain ang aming mga kasambahay. Wala kaming pinipili, hindi kami yung pinagsisilbihan habang kumakain. Nasa mesa na naman lahat ng kailangan at kung may kulang ay tumatayo ang kahit na sino. Naniniwala kasi sina Papa na ang pagkain ay para sa lahat.

Masayang masaya kami sa pagkain. Matagal din akong nahiwalay simula ng ako ay maparalisa. Nawalan kasi ako ng tiwala sa sarili. Salamat na lang at may isang Eman na matapang, na hindi natakot sa aking kasungitan at siyang nagbigay pag-asa sa akin.

Araw-araw ay sabay sabay nakaming kumakin simula agahan hanggang hapunan. Tuwang-tuwa rin si Mama dahil sa palagi na kaming sabay na kumakain ng agahan. Magaan palagi ang aking pakiramdam. Parang wala na akong dinadalang mabigat sa aking dibdib. Unti-unti ay natututuhan ko nang tanggapin ang kung ano mang ang nasa akin. Tama si Eman, walang kwenta ang ano mang bagay kung wala ka na. Masarap ang mabuhay.

Tuwing umaga, pagkatapos naming mag-almusal ay dinadala ako ni Eman sa labas. Nakakalibot na ako sa paligid ng aming bakuran at nasisikatan na rin ako ng araw. Tapos ay babalik na ako sa silid para naman magpahinga sandali at ihahanda naman ni Eman ang aking pagligo.

Habang pinapaliguan ako ni Eman ay may itinanong ako sa kanya.  Biro lang naman. “Eman, matagal-tagal na rin tayong magkasama, sa tuwing maliligo ako ay hubo at hubad. Wala na akong maitatago pa sa iyo, lahat nakita mo na. nahawakan, napisil, nasundot. Hindi ka man lang ba nagnasa sa akin?”

“Alam mo sherwin, ang gwapo-gwapo mo, tatalunin mo ang maraming artista, sa mata pa lang at labi mo ay taob sila, pero hindi kita type eh. Baka naman ma-offend ka ha. Iba kasing lalaki ang tipo ko. Hindi ko gusto yung ganyang kagwapo, marami akong makakaribal hehehe,” wika ni Eman.

“Alam mo nagulat ako sa sagot mo Eman. Akala ko ang isasagot mo ay ganito…’bakit naman ako magnanasa sa iyo ay hindi naman ako bading. Ibig bang sabihin ay bading ka? Naku ha, matagal mo na pala akong tsinatsansingan’. Iyan ang akala kong isasagot mo,” wika ko.

“Hay naku Sherwin, masyado kang judgemental. Binigyan mo kaagad ng kahulugan ang sagot ko. Ang ibig kong sabihin ay kung naging babae ako ay hindi kita magugustuhan dahil iba ang tipo ko. Saka kahit kelan hindi ako tinigasan sa iyo gayong palaging nakabuyangyang iyang kayamanan mo sa tuwing maliligo ka. Hahaha. Ikaw nga diyan eh.”

Sinabuyan ko siya ng tubig. Hindi ko alam kung napahiya ako o ano. “Ikaw naman, sinerysoso mo ang tanong ko. Kung alam kong bading ka ay pinapalitan na kita kaagad kay Mama.”

“Hindi ako seryoso, joke lang din ang arte ko. Ang totoo ay bading nga ako. Pakiss nga uhm tsup,” wika ni Eman na umarteng bakla at kiniss talaga ako sa pisngi.

“Gago ka talaga Eman. Hahahaha. Kadiri ka.”

“Kadiri daw, siguro gusto mo pa ng isa, yung kabila naman,” wika niya.

Tila nga hahalikan uli ako kaya inambaan ko ng suntok. “Baka kamao ko ang tumama sa iyo.”

Ewan ko, masayang masaya ako sa biruan naming iyon. At saka yung kiss sa aking pisngi ay nagpakilig din naman sa akin. Sa akin isipan ay walang problema kung naging bading siya. Mas gugustuhin ko pa nga eh.

Nakapagbanlaw na kami ay hindi pa rin tapos ang asaran namin. May naisip akong prank sa kanya. Habang binibihisan niya ako ay may sinabi ako sa kanya.

“Eman, hindi ba pangako mo na tutulungan mo ako at gagawin mo basta matulungan lang ako?”

“Oo naman. At tinutupad ko ang aking pangako.

“Talaga lang ha. Kasi may isa pa akong problema,” sabi ko habang kinukuha niya ang stool para masahihin ang aking binti at paa.

“Ano yun?”

“Nahihiya ako eh.”

“Sige na. Basta ba kaya kong gawin, bakit hindi.”

“Kayang kaya mo naman, madali lang naman eh.”

“Eh ano nga iyon?”

“Problema ko kasi itong palad ko, kinakalyo na. Ang hirap talaga ng walang… alam mo na. Puro palad na lang ang ginagamit. Baka naman pwedeng…” Hindi ko na sinabi ng diretsahan, akin na lang inimuwestra sa aking bibig.

“Hahahaha, gago ka rin talaga ano hahaha. Hoy ha! Ibang usapan iyan hahaha.”

Hindi matapos-tapos ang tawa niya ng makuha niya ang ibig kong sabihin. Hindi naman ako tumatawa para ipaalan na seryoso ako. Pero gulat ako sa sinabi niya.

“Gusto mo ba? Hindi ka ba nagbibiro? Alam mo ay naisip ko naman talaga yang bagay na iyan. Madalas, kapag pinapalitan ko ang besheet mo ay may iba akong naamoy. Tsaka yung basurahan diyan sa gilid mo ay palaging maraming tissue na akala ko ay may sipon at amoy zonrox. Naisip ko na kulang ka talaga sa bagay na iyon at naisip ko rin na ikuha ka ng……”

“Pokpok!” ako na ang nagtuloy ng ibig niyang sabihin dahil sa nag-aalangan siya. “Hoy ha, huwag na huwag mong gagawin yun ha. Hindi ko kailanman gagawin ang bumayad para lang sa sex.”

“Sorry naman. Oo nga pala, good idea. Labas tayo, punta tayo ng mall. Gumala naman tayo para hindi lang tayo dito umiikot sa napakalaking parisukat na ito na iyo’t iyon din ang makikita,” sabi niya.

“Hindi pa ako ready, pag-iisipan ko pa,” sagot ko naman.

“Yung sinasabi mo nga pala, kaya kong gawin sa iyo,” sabi niya sabay yuko sa may harapan ko. Nasabunutan ko siya tuloy at inilayo ang ulo.

“Hoy! Ano ka ba, biro lang sabi eh hahaha. Gago ka rin ano!” sabi ko. Patuloy pa rin kasi sa pagdaiti ng mukha sa harapan ko. Kahit nasasaktan na sa pagsabunot ko ay patuloy pa rin. Ang Ginawa ko tuloy ay idinin ko na nang tuluyan ang mukha niya. Madiin talaga na hirap siyang makawala.

Pilit siyang kumakawala, lalo ko namang idinidiin habang tawa ako ng tawa. Mahina lang ang binti ko pero malakas ang braso ko. Naramdaman kong parang gustong kagatin kaya pinakawalan ko rin naman kaagad.

“Takot ka ano, kakagatin ko talaga yang hotdog mo hahaha,” wika niya habang tumatawa ng tawang nakakainis.

Tinapos na rin niya ang pagmamasahe sa akin. Sinabi kong hihiga muna ako at manonood ng Cable TV. Isinandal naman niya ako sa headrest at siya naman ang naupo sa aking wheelchair at tinuloy ang pagbasa sa pocketbook ni Harold Robbins. Ewan ko kung naiintindiyan niya ang binabasa kahit na may ibang naririnig.

 

Itutuloy…………

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...