Martes, Disyembre 13, 2022

Caregiver (Part 3

 


Caregiver (Part 3

 

Eman

Ewan ko kung bakit naitanong ni Sherwin habang pinapaliguan ko siya kung hindi ko raw siya pinagnanasahan. Totoo naman na wala akong pagnanasa sa kanya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sobrang attached na ako sa kanya. Masaya ako na pinagsisilbihan ko siya, masaya ako kapag masaya siya at kung nalulungkot naman ay tila apektado rin ako. Haay…ano ba itong nangyayari sa akin.

Naitanong din niya kung kaya ko siyang tsupain. Gulat naman talaga ako sa tanong na iyon. Alam kong hindi biro iyon, seryoso ang tingin ko dahil sa hindi naman tumatawa o ngumingiti man lang. Sa totoo lang ay kaya kong gawin iyon sa kanya kung nanaisin lang talaga. Biniro ko pa nga nang yukuan ko ang harapan niya, kasalukuyan kong minamasahe noon ang binti niya. Nasabunutan tuloy ako para ilayo lang ang mukha ko.

Nagpahinga na siya at nanood na lang ng TV at ako naman ay nagkunwaring nagbabasa ng pocket book. Ang nasa isipan ko pa rin ay ang ganap ng umagang iyon. Para kasing nagkakagusto na ako kay Sherwin. Hindi naman ako bakla at hindi kaylanman nagkagusto sa lalaki, pero bakit dito sa aking amo ay nagiba yata ang ihip ng hangin. Ayoko ng ganito. Kailangan kong iwaksi ang damdamin kong ito dahil kaylan man ay hindi magiging makatotohanan ang aking iniisip.

-----o0o-----

“Anong gagawin sa mga tubong iyan Eman?” tanong ni Sherwin. Nagpapagawa kasi ako ng parang hawakan, yung dalawang parallel na tubo para gawing gabay ni Sherwin para sa pagpractice uli ng paglakad. Pero ginawa kong tatlo na magkakahanay para mayroon pang paikot. Sinakop  na namin ang free space ng silid.

“Ah pinaa-assemble ko. Ito kasi ang magsisilbing hawakan o gabay mo sa iyong therapy. Sabi iyan ng doctor mo kaya humanda ka na ha! Simula bukas ay uumpisahan na natin ang iyong therapy. Uunatin natin ang mga ugat diyan sa binti mo. Kaya mo na naman hindi ba?”

Alam kong gusto pa niyang mag-protesta, pero tinignan ko siya na parang sinasabi kong “O..oh, wala nang reklamo, sundin mo na lang ako para sa ikabubuti mo”. Wala na naman akong nadinig.

Kinabukasan nga ay hindi kami lumabas para mag-painit at magpahangin. Sinimulan namin ang pag-practice ng paglakad. Nakipag-cooperate naman siya. Hirap na hirap siyang ilapat ang isang paa, yung kaliwa, iyon kasi ang masyadong naapektuhan. Pinipilit talaga, pero parang hindi kakayanin.

“Masakit Eman, Sobrang sakit,” maluha luha niyang wika.

“Masakit talaga, alam ko. Pero hindi ba nakaramdam ka na ng sakit? Hindi ba mas mabuti pang maramdaman mo ang pisikal na sakit kaysa sakit ng kalooban? Konting tiis, lang, mamamanhid din iyan at hindi mo na mararamdaman pa ang sakit.”

Napaupo na siya sa silya. Sadyang isinusunod ko ang silya sakaling mapagod siya’t kailangang maupo.

“Hindi ka pa nakaka-isang hakbang, baka naman pwede mong ihakbang kahit na tatlo o apat lang.”

“Anong magagawa ko! Hindi ko kaya.”

“Mahina ka. Konting sakit lang sinusukuan mo na.”

“Eh sa masakit nga eh. Ikaw kaya ang nasa lugar ko!”

“Heto ang blade, isang hakbang mo, isang hiwa sa kung saan mo gusto. Patas na tayo. Bawat sakit na mararamdaman mo ay may sakit din akong mararamdaman,” hamon ko sa kanya.

Ewan ko kung nainsulto siya. Gusto ko nga, baka sakaling umepekto sa kanya ng positibo. Tila nga epektibo, nagpumilit siyang mangunyapit sa tubo para tumayo, inaalalayan ko naman siya ng konti, naka-agapay ako.

“Sige lang, nasa likoran mo ako, hindi ka babagsak, sasalohin kita.”

Hindi maipinta ang kanyang mukha, Naawa na ako, gusto ko na siyang pahintuin, ngunit mawawalan naman ng saysay ang aming pagsusumikap, Tumulo na ang aking luha. Mabuti at hindi niya nakikita.

Nagtagumpay naman siya, nailapat na niya ang dalawang paa, pilit siyang humakbang, “Aghhhhhhhhh!” Daing niya. Nagawa naman makahakbang kahit maliit na hakbang lang. Kinuha ko ang blade at aking hihiwain ang aking braso.

“Huwagggg!” sigaw niya. “Tanga ka ba? Susugatan mo ang katawan mo dahil sa akin? Baliw ka ba. Hindi ako papayag.”

“Ang nasabi ay nasabi ko na?”

“Kapag ginawa mo yan ay hindi mo na ako mapipilit pang mag therapy. Tandaan mo yan.”

Mas natakot ako sa banta niya kaysa ang gawin ang aking hamon. “Okay, panalo ka. Magpatuloy ka hanggat kaya mong tiisin ang sakit.

Isa, dalawa, tatlong hakbang, hanggang sa umabot ng sampu bago siya nagsabing uupo na siya, “Tama na ito, hindi ko na kaya.”

Binuhat ko na siya para maupo sa kanyang wheelchair. Parang nabunutan din ako ng tinik. “Masakit na masakit ba?  I hot compress muna natin ha para mawala kahit papano ang sakit. Siguro bukas ay wala muna.

Ginawa naming every other day ang pag-therapy, kada therapy naman ay may improvement. Araw ng pahinga, Dinala ko uli siya sa labas. Gusto raw niyang maupo sa bench na naroon. Inalalayan ko naman siya sa pagtayo at kontingg lakad. Malaki na ang improvement ni Sherwin. Desidido talagang makalakad. Doon ko na rin hinilot ang kanyang mga binti at paa.

Makaraan ang isang oras ay balik uli kami. Gusto raw niyang maupo sa silya at hindi sa kama o sa wheelchair. Ikinuha ko siya ng isang monoblock na may sandalan at armrest. Ako uli ang naupo sa kanyang wheelchair. Binuksan niya ang TV pero hindi naman siya nanonood at kinakausap ako.

“Anong pakiramdam mo ngayon.”

“Malaki ang pagbabago makaraan ang dalawang linggo, Nasasaktan pa rin ako, pero kayang kaya ko na.”

“Oo naman, siguro sa susunod na linggo ay kaya mo nang maglakad na may isang saklay lang, aalisin na natin ang gabay na iyan na pampasikip lang sa iyong silid,” wika ko.

“Sana nga. Salamat Eman ha. Mangako ka na kahit na gumaling na ako ay hindi mo ako iiwan,” wika niya

“Ano naman ang aking gagawin dito kapag magaling ka na, kapag nakakalakad ka na. Syempre wala na, hindi na ako kailangan.”

“Kailangan kita. Ikaw ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Basta mangako ka.”

“Ayaw kong mangako. Bakit, kapag nagaka GF ka uli at magpapakasal eh pano naman ako, scorer? Hahaha,” biro ko.

“Puro ka biro.”

“Bakit ka tumatayo? Saan punta mo?

“Mahihiga muna, gusto kong umidlip. Umidlip ka rin sandali.”

“Hindi na, Dito lang ako.”

Nakatulog nga siya. Naisip ko ang sinabi niya kanina na huwag ko raw siyang iiwan. Kung alam lang niya. Alam kong malapit na siyang makalakad ng tuluyan at pag-dumating ang panahong iyon ay tiyak na wala na akong silbi sa kanya. Hindi na niya kailangan pang alalayan, kaya na niya ang sarili.

Wala naman problema sa akin kung mawalan ako ng trabaho. Maghahanap uli, baka may mangailangan ng aking serbisyo. Ang mahihirapan ako ay ang iwan siya. Parang hindi ko kaya na mawalay sa kanya. Nahulog na ako ng tuluyan. Mahal ko na siya. Pero hindi dapat. Mabuti na lang ay magaling akong magtago ng aking nadarama. Sana nga ay makalakad na siya ng tuluyan para hanggat maaga ay makaalis na ako rito at kalimutan siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

-----o0o-----

Patuloy ang pagbuti ni Sherwin sa pagdaan ng mga araw. Inalis na namin ang gabay at saklay na lang ang gamit niya.

Makaraan pa ang ilang buwan ay kaya na niyang tumakbo. Sumailalim uli siya sa physial examination, may xray at ct scan pang ginawa at sinabi ng dotor na fully healed na siya, Magaling na magaling na. Huwag lang daw aabsuhin. Pwede nang tumakbo ng malayuan. Vitamins na lang ang binigay sa kanya ng doctor at ingat pa rin.

Kasa-kasama niya akong tumatakbo sa paligid ng village, sa gym at ito ngang huling linggo ay kinausap na siya ng kanyang mama na pamahalaan na muli ang negosyong kanyang pinamahalaan noon. Pumayag naman siya. Sa Lunes nga ay formal na uli siyang ipakikilala sa mga opisyal at empleyado ng kompanya. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na magpaalam na sa kanila.

“Mam, mabuti po at narito kayo, may gusto po sana akong sabihin sa inyo ni Sherwin.”

“Sige, ano ba yon?” tugon ni Mam.

“Eh magaling na magaling na po si Sherwin, eh kalabisan na po siguro na manatili pa ako dito. Wala na po akong gagawin kaya, magpapaalam na rin po ako,” nakayuko kong wika.

Kaagad na nag-react si Sherwin. “Hindi maari, iiwan mo kaagad ako eh hindi pa naman ako magaling na magaling. Oo nakakalakad na nga ako, pwede na akong magtrabaho, maglaro. Nagdya-jogging na nga ako eh, pero aalisan mo naman ako ng lakas, ng gagabay sa akin. Hindi lang naman pisikal ang dinaramdam ko, meron pa, ang emosyon ko . Hindi pa ako matatag, inaamin ko sa iyo. Wala pa akong lakas para mag-isa, para harapin kung may pagsubok pa akong pagdadaanan. at ikaw lang ang nakikita kong makakatulong sa aspetong iyon bukod kay Mama,” mahabang litanya ni Sherwin.

“Eman, wala namang magpapaalis sa iyo. Isa pa ay kung iniisip mo na wala ka nang gagawin dito sa bahay ay doon ka sa opisina ni Sherwin. May posisyon sigurong babagay sa iyo. May isa pa akong pangakong hindi naipagkakaloob sa iyo. Pinangako ko na pagtatapusin kita sa pag-aaral. Mahigit isang taon na lang naman. Siguro ay panahon na para ipagpatuloy mo. Kaya mo bang mag-working student. Sherwin, ihanap mo siya ng trabahong medyo magaan. Bigyan mo siya ng special na oras sa magiging trabaho niya at dito pa rin siya uuwi. Huwag kang mag-alala sa tuition mo at sagot ko na iyon, babawasin na lang sa sweldo ni Sherwin, okay ba yun anak?” wika ni Mam

OH, hayan ha, walang aalis dito. Maraming malulungkot kapag umalis ka dito. Si Nanay Inday, si Tatay Nestor at iba pa. Mahal ka ng mga iyon alam mo ba?

“Maraming salamat po Mam, Sherwin. Matutuwa po si Nanay pag nalaman ito. Pangarap po talaga ni Tatay na makapagtapos ako ng pag-aaral. Maraming-marami pong salamat. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ito.”

“Hahaha, OA mo. Ako nga itong napakalaki ng utang na loob sa iyo. Kung hindi sa iyo ay baka hanggang ngayon ay dito pa rin ako sa wheelchair na iyan nakaupo. Tumigil ka nga,” wika ni Sherwin.

“Ito naman, moment ko ito eh, hindi pa pinagbiyan.”

Nagkatawanan kaming tatlo. Nagpaalam na si Mam at gusto raw magpahinga ng mahaba-haba. Kami naman ay patuloy pa ring nag-usap ni Sherwin.

-----o0o-----

Sherwin

Nagulat talaga ako ng magpaalam na si Eman. Basta-basta na lang ako iiwan. Ano siya bale! Para kasing hindi ko kaya na wala siya. Parang hindi ako kumpleto kapag wala siya. Ewan ko. Basta ayaw kong mawala siya dito sa amin.

Matagal ko nang pinag-aaralan ang nararamdaman ko. Naramdaman ko ito noon sa aking namayapang GF. Ganon din ang naramaman ko kaya hirap na hirap akong kalimutan siya gayong alam kong hindi na kami magkikita pang muli. Mahal ko na si Eman. Pero hindi tama at hindi ko rin naman masasabi sa kanya dahil hindi ko alam ang magiging saloobin niya sakaling magtapat ako. Baka lalo lang siyang umalis dito at hindi na kayang pigilan pa. Tama nang narito siya at magkasama pa rin kami.

Kung may damdamin din siya sa akin at magkaunwaan kami ay problema pa rin. Hindi iyon magugustuhan ni Mama. Gustong gusto na niyang magkaapo sa akin kaya nga kahit napakabata ko pa noon ay pinag-asawa na niya ako. Malas nga lang dahil sa hindi natuloy dahil sa isang aksidente.

Sasarilinin ko na lang ang aking nadarama. Masaya no akong palagi ko pa rin siyang makikita.

-----o0o-----

Tuluyan na nga akong nakalakad, salamat sa pagpupursige ng aking caregiver na si Eman. Kulang ding isang taon na pinagtiyagaan niya ang aking kasungitan, ang aking kakulitan. Hindi siya nagsawa. Ngayo nga, matapos ang halos dalawang taon kong pagkatigil sa aking trabaho sa aming kompanya bilang presidente ay nagbabalik na ako. Masaya nila akong winelcome muli, masayang sinalubong.

Syempre kasama ko ang aking Mama na siyang Chairman ng board. Kaailangan kong ma-update sa estado ng kompanya kaya kaagad akong nagpatawag ng meeting sa lahat ng mga opisyales at ibang kawani ng kompanya. Sa pangalawang araw ko ay ang mga staff naman, yung supervisory pababa at inalam kung anong mga problema ang kanilang nararanasan sa kanilang trabaho. Parang open forum ito.

Syempre hindi mawawala ang ibang hinaing, karaniwan naman ay ang sweldo, mga benepisyo at konti lang ang reklamo sa hindi magandang pamamalakad ng mga managers at supervisor. Nangako ako na titignan at pag-aaralan ang  maaring solusyon sa kanilang hinaing.

Tinapos ko na ang meeting at pinaiwan ko ang supervisor sa bodega. Siya kasi ang kaisa-isahang nagreklamo na kulang ang kanyang tauhan. Humihingi siya ng katurlong dahil tatlo lang daw sila para pamahalaan ang napakalaking bodega ng aming kompanya.

Tinanong ko ang Supervisor kung ilan pa ang kailangan niya. Dalawa lang daw para sa releasing at receiving at sa stock record.

“Ano ba ang ginagawa ng tao sa stock records?”

“May mga stock card po ang bawat item, lahat po ng klase ng inbentaryo, spare parts at finished products at ibang materyales. Nirerecord lang po ang pasok at labas ng mga bagay dito sa bodega.”

“Ilan bang tao ang gumaawa niyan.”

“Sa ngayon po ay isa lang, eh hindi po ma-update kaya madalas ay iba ang nasa computer at yung aktwal at stock card”

“Okay, ibibigay ko ang hiling mo, mag-request ka sa HR ng 4, dalawa sa  stock records at dalawa rin sa reciving at releasing. May isa akong irerekomenda ha, malaki ang utang na loob ko roon sa pag-galing ko. Mawawalan siya ng trabaho dahil sa magaling na ako. Kaya lang ay half-day lang siya. Doon sa stock record siya ilalagay ha. Ako na ang mag-approve ng request mo,” bilin ko sa supervisor.

Masaya ako pag-uwi ko sa bahay. Kaagad kong hinanap si Eman.

“Good news Eman. May trabaho ka na.  Biyernes bukas, siguro ay sa Lunes na lang, isasabay na kita pagpasok ko ng opisina. Naihanap na kita ng pansamantalang magiging trabaho mo sa kompanya. Okay ka lang bang maging taga record ng mga inbentaryo sa bodega? Pansamantala lang naman iyon habang nag-aaral ka pa. Half day ka lang araw-araw para may oras ka sa iyong pagpasok sa eskwelahan,” masayang balita ni Sherwin kay Eman.

“Salamat Sherwin ha. Ang swerte ko talaga at dito ako sa inyo napasok ng trabaho. Pwede bang umuwi muna ako sa amin. Matagal na rin kasing hindi ko nakikita ang aking Nanay at kapatid. Aayusin ko pati ang record ko sa eskwelahan at yung ibang kakailanganin sa pagtatrabaho ko sa office. Saka dadalawin ko rin ang aking girlfriend,” pagpapaalam ni Eman.

Hindi ko siya kaagad nasagot, parang naglakbay ang aking kaluluwa sa kawalan. Natulala ako sa narinig. Mayroon na pala siyang GF ay hindi man lang nasabi at hindi man lang nagkwento tungkol doon. Heto na naman ako, nasasaktan. Natauhan lang ako ng muling magsalita si Eman.

“Shwerwin, natulala ka na diyan. Ang sabi ko ay uuwi muna ako sa aming probinsya bukas, babalik din naman ako kaagad. Payagan mo na ako oh, miss ko na ang GF ko eh.”

“Sige, basta narito ka ng Lunes.” Yun lang ang aking nasabi at tumalikod na. Gusto ko siyang hiyawan. Gusto kong magalit dahil wala siyang sinabi na girlfriend niya. Pero ano naman ang karapatan ko para magalit. Mabuti na rin iyon na malaman ko para madali ko siyang maalis sa aking isipan at puso.

Napahiga na ako sa aking kama na hindi man lang nagpapalit ng damit pambahay. Hndi ko alam na pumatak na ang aking luha.

“Bakit ko ba siya iiyakan, sino ba siya? Caregiver ko lang naman siya,” wika ko sa aking sarili. Pinahid ko ang aking luha. “Wala akong pakialam kung sino mang lecheng babae na yun.Pakasaya sila.”

May kumatok, pero pumasok din naman kaagad. “Sherwin, kakain na raw tayo. Hindi ka pa nakapagpapalit ng bihisan? Masyado ka bang napagod sa opisina mo? Bangon ka na diyan at lalamig ang pagkain.” Yaya ni Eman.

“Mamaya na ako, wala pa akong gana eh.”

“Oy ha, ngayon ka lang yata nawalan ng gana. Tsaka, bakit mapula ang mga mata mo, umiyak ka ba?” tanong ni Eman. Namula pala kaagad ang aking mga mata.

Nakaisip kaagad ako ng palusot. “Namula ba, nakusot ko lang dahil parang kumati. Sige na at magbibihis pa ako. Susunod na ako,” wika ko.

“Hihintayin na kita.”

“Magbibihis pa ako, ano ka ba!”

“Eh di magbihis ka. Tulungan pa kita. Dati naman na ako ang nagbibihis sa baby ko eh.”

“Sinong baby?”

“Sino pa eh di ikaw. Sino pa bang baby ko rito.”

“Oo na, labas ka na at magbibihis na ako.”

“Asowssss!! Nahihiya ka nang magbihis na narito ako. Ano pa bang parte ng katawan mo ang hindi ko pa nakikita at nahahawakan.”

Ang kulit talaga niya. Nilapitan pa ako at siya ang naghubad ng aking coat. “Ano ba… ako na lang. Promise… susunod na ako kaagad.”

“Nagtatampo ka ba dahil sa uuwi ako ng probinsya.? Ayaw mo ba akong pauwiin? Mami-miss mo ako ano hehehe,” wika niya na may pagkiliti pa sa akin.”

“Tumigil ka nga Eman. Baka marinig tayo sa labas ay kung anong isipin.”

“Mano naman. Bago lang ba nilang nadinig na nagkukulitan tayo?”

“Haay naku… ang kulit mo.”

Nagpalit na ako ng damit. Hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi ako kasabay niyang lumabas ng silid para kumain. Tama siya.mami-miss ko ang ganito naming kulitan.

 

 

Itutuloy…………….

 

 

 

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...