Caregiver (Part 4)
Eman
Masayang masaya ako sa magandang balita ihinatid sa akin ni
Sherwin. Matutupad na rin ang pangrap ko at ng aking mga magulang. Hindi na
malayo na mai-ahon ko sa kahirapan ang aming pamilya.
Umuwi nga ako sa amin at excited kong ibinalita kay Nanay ang
swerteng dumating sa akin. Tuwang tuwa si Nanay pati na ang nag-iisa kong
kapatid na si Orlan. Graduating na siya sa high school at sa susunod na pasukan
ay senior high na siya. Nangako ako na itataguyod ko ang kanyang pag-aaral sa abot
ng aking makakaya basta pagbutihan lang ang pag-aaral. Nangako naman siya.
Dinalaw ko rin ang puntod ni Tatay ay ibinalita rin sa kanya ang
aking naging kapalaran sa pagpunta ko ng Maynila. Alam kong masaya rin siya sa
naging swerte ko at humingi rin ako ng gabay buhat sa kanya.
Inasikaso ko ang aking dapat asikasuhin. Nadala ko na naman noon
pa lahat ng aking mga documento para sa pagpapatuloy ng aking pag-pasok sa
eskwelahan. Naasikaso ko iyon noon pa dahil talagang goal ko ang makapagpatuloy
ng pag-aaral.
Sa aking pagtulog ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Excited
pa rin ako. Naalala ko nang magpaalam ako kina Mam Hilda at Sherwin. Natawa ako
sa reaksyon ni Sherwin. Tutol na tutol
sa pag-alis ko. Para daw mawawalan siya ng gabay, ng saklay hehehe.
Naalala ko rin ng sabihin kong dadalawin ko pati na ang aking
syota. Yung kanyang reaksyon ay parang nakarinig ng masamang balita. Wala naman
talaga akong syota dito, ewan ko kung bakit ko nasabi iyon kay Sherwin, pero
halata ko na parang nalungkot siya. Akala ko lang naman iyon,
-----o0o-----
Umpisa ko na sa pagtatrabaho sa kompanya nina Sherwin. Sinundo
kami ng ng driver ng kompanya. Hatid sundo siya ng driver araw-araw. Sa bodega
ako inilagau bilang stock record clerk.
Malayo pa naman ang pasukan kaya otso oras muna akong magtatrabaho,
pagdating ng pasukan ay half day na lang ako. Masaya naman akong winelcome ng
mga kasama ko sa bodega.
Isinabay pa rin ako ni Sherwin sa pag-uwi. Pagdating ko sa bahay
ay kinausap ko siya.
“Sherwin, sana ay hindi mo masamain o ikagalit ha. Pwede pang hindi
na ako sumabay sa iyo sa pagpasok at pag-uwi. Nahihiya kasi ako sa ibang mga
nagtatrabaho sa opisina eh. Alam mo na hehehe. Ayaw ko naman na makarinig ng
kung ano-ano. Saka may oras kasi ang pasok at uwi. 8 to 5 ako, ikaw naman ay
walang oras, kaya kapag hindi ka pumasok ng maaga ay late naman ako hehehe.
Malapit lang naman ang office, isang sakay lang.”
Alam kong naunawaan naman ni Sherwing ang nararamdaman ko. Ikaw
ba naman ang makarinig ng mga salitang… “Ingat kayo diyan ha, mata at tenga yan
ng boss” , “Iba na talaga ang malakas”
at kung ano ano pa ay baka hndi ka tumagal eh kauumpisa ko pa lang. Kaso
makapal na ako eh pero ganun pa man, mabuti na rin yung makisama.
Pinagbuti ko naman ang aking trabaho, sinipagan ko rin. Gusto
kong matutuhan ang trabaho sa bodega kaya tanong ako ng tanong sa aming
supervisor na si Mang Merto. Matagal na siya sa kompanya at alam na niya ang
pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng bodega. Inabutan ko na sina Mauro at Rodrigo
sa bodega na siyang nasa receiving at issuance pati na rin si Benjie na kasama
ko ngayon sa records. Kasabayan ko naman sina Glen at Jose. Naging kapalagayan
ko naman sila ng loob. Kasabay na rin nila akong kumain.
Naging magiliw ako sa mga kawani ng kompanya, lahat ay aking
binabati, opisyal man o hindi. Pilit kong tinatandaan ang mga pangalan kaya
naman naging parang kapalagayan ko na rin sila ng loob. Sa canteen nga ay
maraming mga babaeng sumasabay sa akin, hindi kasi kami sabay-sabay na kumain
na taga bodega, hindi daw dapat na mawalan ng tao ang bodega kaya parang walang
break-time doon.
Marami akong naririnig sa kanila, mga papuri kesyo ang bait ko
raw at ang gwapo gwapo ko raw hehehe. Marami raw nagkaka-crush sa akin. Meron
pa ngang bading hehehe.
Hindi naman sa canteen kumakain si Sherwin, (kapag kaharap ko na
siya sa opisina ay ang tawag ko ay Boss Chief) pero sa araw na ito ay sa
canteen siya kumain at sinabayan ako. Nahihiya ako kasi ay baka kung anong
isipin na naman ng mga kawani. Kasabay ko noon at kabiruan si Ana na taga
Accounting naman. May nagsabi sa akin na crush daw ako ni Ana kaya pa sweet
akong makipag-usap sa kanya.
“Kayo na ba?” biro ni Sherwin kay Ana.
“Naku Sir! Crush ko pa lang. Hindi naman nanliligaw eh, mahina
yata,” wika ni Ana. Alam kong biro lang pero hindi maganda ang reaksyon sa
mukha ni Sherwin. Napabilis tuloy ang kain at naunang natapos at umalis na.
Nagpaalam naman na marami pa siyang gagawin.
-----o0o-----
Sa aming pag-uwi ay palagi kaming nagkakasabay ni Ana. Palagi ko siyang naabutan sa abangan ng jeep,
kung minsan naman ay sa paglabas pa lang ng opisina ay magkasabay na kami.
Maganda at mabait naman si Ana. Mas matanda lang siya sa akin ng
dalawang taon, graduate ng accountancy hindi pa nga lang pumapasa sa board.
Siya ang in-charge ng aming payroll at sa inbentaryo.
Halata naman talagang may gusto siya sa akin, hindi naman niya
itinatago kahit na kung minsan ay idinadaan sa biro ang pagpapahayag o
pagpaparamdam. Madali siyang mahalin, kaya lang ay hindi pa panahon para sa
akin ang magmahal. Maroon pa akong hinahangad sa aking buhay.
-----o0o-----
Matuling lumipas ang panahon, enrollment na. Gaya ng pangako
nina Mam Hilda at Sherwin ay pinapag-aral nila ako at sila ang sumagot ng aking
tuition. Sa isang malapit na kolehiyo sa opisina ko piniling mag-enroll para
naman madali akong makakarating ng eskwelahan paglabas ng opisina. Alam naman
ng mga kasamahan ko sa bodega na scholar ako nina Mam. Suportado naman nila ako
at alam kong tapat iyon sa kanilang puso, walang halong inggit.
Sa klase ay nakilala ko
si Mylene, 20 years old pa lang at isang napakagandang dalaga. Aaminin kong
humanga ako sa kanya. Siya ang una kong naging kaibigan sa aming eskwelahan.
Smooth naman ang takbo ng aking trabaho at pag-aaral, Sa aking
pag-aaral ay lalo akong naging busy. Hindi na kami nagkakausap ng madalas ni
Sherwin, busy rin kasi siya sa pagpapatakbo ng kompanya. Pagdating ko ng bahay
buhat sa eskwelahan ay aral kaagad ako, Gusto ko kasing makakuha ng mataas na
grades para naman maipakita sa nagpapaaral sa akin na hindi sayang ang binyaran
nilang tuition para sa akin. Si Sherwin ay gabi na rin palagi nakakauwi dahil
kahit gabi na ay kung ano-anong meeting pa ang kailangang harapin.
Isang gabi ay medyo late na ako nakauwi. Pagdating ko ay parang
may nagkakatuwaan pa sa sala. Marami ngang tao, may bisita si Sherwin. Nang
makita ko ang mga bisita niya ay parang iba ang aking feeling, parang
nakapangliliit. Alam kong mga mayayaman ang bisita niya, kaya pala maraming
magagandang sasakyan na nakaparada sa labas.
Tatlong lalaki at dalawang babae ang nakita kong intimate na
nag-uusap na may hawak pang wine glass. Nakita ako ni Shewrin na noon ay may
nakapulopot sa brasong magangdang babae. Kimi ang pagbati ko sa kanila,
nahihiya kasi ako.
“Dumating ka na pala Eman. Guys siya ang kinukwento ko sa inyong
nag-alaga sa akin si Eman. Eman mga kaibigan ko.” Isa-isa niyang ipinakilala
ang mga kaibigan niya at sa huli ang babaeng nakapulupot sa kanya, si Bea na
special friend daw niya. Hindi pa sinabing girlfriend may pa special special
friend pang sinasabi.
“Join us Eman,” anyaya ni Sherwin.
“Sir Sherwin… pasensya na po, medyo marami pa kasi akong
pag-aaralang lesson, may exam kasi kami bukas. Sa ibang pagkakataon na lang po.
Pasensya na sa inyo. Sige at salamat. Nice meeting you all,” ang naging tugon
ko na lang.
Ewan ko kung anong naging reaksyon ni Sherwin sa aking inasal
kanina. Hindi kasi ako sanay na makipag-sosyalan sa mga mayayamang tao. Hindi
ako bagay.
Pagpasok ko sa aking quarter ay naibagsak ko ang aking katawan
na tila pagod na pagod at napabuntong hininga. Nagulat kasi ako sa naging
revealation ni Sherwin sa pagkakaroon na niya ng bagong GF.
Napaisip ako kung dapatko bang ikagulat iyon. Nasa tamang edad
na naman siya para mag-GF, matagal nang namayapa ang dati niyang kasintahan.
Ilang taon na nga ba siya? 27 sa pagkaalam ko. Kaya lang naman ako nagulat ay
bakit ngayon lang niya nasabi.
Kung sabagay, bihira kaming magkausap kapag nasa opisina, busy
ako sa aking trabaho, gayon din naman siya. Sa bahay ay ganon din. Kahit nga
Sabado at Lingo ay umaalis siya. Wala kaming panahon na makapagkwentuhan man
lang.
Nakaka-miss din naman. May isa lang akong hindi maintindihan.
Bakit parang nalungkot ako ng malaman kong may jowa na siyang bago. Ano naman
kaya ang pakialam ko sa personal niyang buhay. Pero nalungkot talaga ako.
Siguro ay miss ko lang talaga siya. Matagal din na kami lang palagi ang
magkasama at magkausap. Siguro ay kailangan lang uli na makapag-bonding kami
para mabalik ang dati naming closeness. Baka sa paglipas ng panahon ay mawala
na lang basta lalo na at mabubuhos ang free time niya sa kanyang GF.
Bumangon na ako at nagpalit ng pantulog. Hindi pa nga pala ako
kumakain. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako para kumain. Alam kong
nakakain na sila. Naabutan ko pa si Nanay Inday na naglilinis sa kusina. Tila
doon naghapunan ang bisita ni Sherwin.
“Nanay Inday, hindi pa kayo nagpapahinga?”
“Matatapos na ako. Kumain ka na, nasa mesa ang pagkain, ikaw na
lang ang bahala ha at tatapusin ko lang ito.”
“Opo, huwag kayong mag-alala, hindi naman po ako amo rito
hehehe.”
Kumakain pa ako ng maupo sa mesa si Aling Inday. “Pinakilala ba
ni Sherwin sa iyo ang bago niyang nobya. Hindi ko gusto! May kaartehan eh. Palaging nakapulupot kay
Sherwin kahit na kaharap si Mam Hilda.”
“Kanina pa po ba sila?”
“Medyo. Dito nga sila kumain ng hapunan. Nagpaluto nga si
Sherwin at may bisita nga raw siya.”
“Anong reakayson ni Mam ng ipakilala ang syota niya.”
“Hindi ko alam. Parang iba eh, hindi tulad sa una niyang GF,
matabang ang pakitungo.”
Matatapos na siyang kumain ng pumasok ng hapag si Sherwin.
“Eman, pwede bang ipag-drive mo ako. Alam mo naman na takot pa akong mag-drive,
Ihahatid ko lang sa bahay nila si Bea.
“Walang problema Sir. Sige po at tatapusin ko lang ang pagkain
ko at magbihis din ako.”
“Sige ha! Hintayin kita.”
“Sir na ang tawag mo sa kanya?”
“Ganun po kasi sa office. Boss Chief pa nga po eh lalo na at
nasa harapan kami ng mga empleyado. Nasanay na po ako.”
-----o0o-----
“Driver din pala ang caregiver mo Sherwin, galing ah,” wika ng
GF ni Sherwin na si Bea, Hindi ako kumikibo, hinayaan kong si Sherwin ang
sumagot para malaman ko kung ano ang pakilala nila sa akin sa kanyang kaibigan.
Pinakilala na niya akong tagapag-alaga.
“Paminsan-minsan lang kapag wala ang driver ni Mama at driver sa
office. Hindi ko na rin siya tagapag-alaga, dati yun. Ngayon ay sa kompanya na
siya nagtatrbaho at nagpapatuloy na ng pag-aaral,” tugon ni Sherwin.
Mabuti naman, hindi niya ako binagsak. Nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Para
talagang linta itong si Bea, laging nakadikit kay Sherwin. Nakakainis. Idinaan
ko tuloy sa lubak ang sasakyan, kaya hayun, nasigawan ako.
“Ano ka bang klaseng driver, nakita mo nang may lubak, hindi ka
pa nagbagal, tanga!” bulyaw ni Bea.
“Sorry po Mam, madilim po at hindi ko nakita,” paghingi ko ng
paumanhin. Nakakainis itong si Sherwin, hindi man lang sinita ang syota niyang
hmmmm. Nakakainis! Nanggigigil ako, ni minsan kasi ay hindi ako nabulyawan ni
Mam.
“Iwasan mo naman malubak Eman, baka masira ang kotse ko kaagad,”
ang sinabi ni Sherwin.
Lalo akong nainis. Kinampihan pa niya ang kanyang masungit na
syota. Kung sabagay ay dati na siyang masungit, pero dati iyon. Akala ko ay
nagbago na. Balik na siguro sa dati. Haaayyy. Makatapos lang talaga ako sa
pag-aaral at makapagtrabaho sa iba ay lalayasan ko na sila.
Narating na namin ang bahay nina Bea. Sa isang exclusive na
subdivision sila nakatira, mayaman at maganda at malaki ang bahay. Kaya siguro
masungit. Matapobre rin siguro ito. Hindi na pumasok pa ng bahay si Sherwin.
Nakita ko pa silang nagkiss bago bumalik sa sasakyan. Nakaramdam na naman ako
ng inis.
Akala ko ay sa unahan na uupo si Sherwin at makipagkwentuhan sa
akin, hindi pala, sa likod pa rin. Talagang ginawa na niya akong driver.
Wala kaming kibuan, habang pabalik na kami. Gusto ko siyang
kumustahin, pero tumahimik na lang ako. Anong karapatan ko para pakialaman ang
kanyang buhay. Magaling na siya kaya natapos na ang aming relasyon bilang
personal alalay niya. Nakarating kami ng bahay na tahimik. Bumaba na siya
habang pinapark ko ang sasakyan.
Pooohhhh, ang laki na nang pinagbago. Natural na siguro niya ang
ganun. Suplado!
-----o0o-----
Sabado. Himala, hindi siya umalis ng bahay. Wala sigurong
meeting o kung ano man. Baka wala rin date. Sabagay maaga pa, baka mamayang
hapon. Nasa hardin kasi kami ni Tatay Nestor at tinutulungan ko siya sa garden
ng makita kong naglalakad si Sherwin at naupo sa silya sa garden, malilim naman
doon at mahangin.
“Mang Nestor, parang kokonti nang mamulaklak ang rose. Hindi
kaya dapat na nating palitan ng bago ang tanim na rose?”
“Buko pa lang Sherwin, siguro ay mga apat na araw ay
mamumukadkad na rin ito. Ano naman ang gusto mong ipalit kung sakali?”
“Kahit ano po. Kahit daisy, kalachuchi, sunflower. Basta
bumubulaklak,” tugon ni Sherwin.
“Weh! Ganda ganda kaya ng rose eh.”
“Anong pakialam mo, sa gusto ko eh,” paasik niyang wika sabay
tayo at padabog na naglakad palayo.
Nang makalayo na ay saka na lang ako nagkomento. “Anong nangyari
doon Tatay Nestor. May regla ba ngayon?”
Natawa si Tatay Nestor sa aking sinabi. Tawang tawa kaya pati
ako ay nahawa na rin sa pagtawa.
“May samaan ba kayo ng loob ni Sherwin ha Eman. Matagal tagal na
rin na hindi ko kayo nakikitang magkasama o magkausap. Tingnan mo ang asal,
hindi naman ganyan yan eh kahit na noong hindi pa naaksidente. Mabait yan at
hindi basta basta nagagalit.”
“Tatay Nestor naman. Kayo na nga ang nagsabi na hindi kami
nagkakausap, paano naman kami magkakaroon ng samaan ng loob. Busy kasi ako sa
trabaho at sa aking pag-aaral kaya wala na akong oras na makipagkwentuhan pa,
Busy rin siya sa kompanya kaya nga kahit Sabado ay naalis eh. Ngayon ko lang
inabot ng Sabado iyan. Tiyak, mamaya ay aalis na naman iyan at baka pupunta sa
kanyang syota. Huwag sana ako ang pag-driving, hindi na kasi ako komportable,”
mahaba kong paliwanag kay Tatay Nestor.
Kaysa sa mag-isip pa ako ng kung ano-ano ay pinagpatuloy ko na
lang ang aking pagdidilig. Matapos akong magdilig ay nagwalis naman habang si
mang nestor ay inaalisan ng mga tuyong dahon ang halaman at naglalagay ng
pataba. Nagpahinga kami kalahating oras bago mag-tanghalian.
Tahimik din ang aming pagkain, wala na ang tawanan, kwentuhan at
biruan. Walang gustong bumasag sa katahimikan. Siya ang nauna at. “Eman, mamaya
ay ipag-drive mo ako ah, may lakad kasi ako bandang 2PM,” wika ni Sherwin.
“Ako na lang po Sir, saan po ba ang lakad mo?” wika ng driver ni
Mam Hilda na si Mang Paeng.
“Magpahinga ka na, baka kailanganin ka ni Mama. Wala pa namang
ginagawa itong si Eman eh,” depensa ni Sherwin.
“Okay lang po Mang Paeng, ako na po.”
-----o0o-----
Malaking palaisipan sa akin ang pagbabagong ugali ni Sherwin.
Wala naman akong maisip na nagawa kong mali para maging dahilan ng pagbabago
niya. Basta na lang nagbago. Sala sa init, sala sa lamig. Nagkaroon lang ng GF
ay nagkaganyan na.
Ang akala ko ay pupuntahan namin si Bea sa bahay nila. Wala
lang, nagpaikot ikot lang. Nag-aksaya lang ng gasolina.
Nag-ring ng aking CP, si Mylene. Inilagay ko ang aking earphone
para kausapin siya. Nagda-drive kasi ako. Syempre konting kumustahan muna.
Nagtatawanan pa kami. Bulong naman ng bulong itong si Sherwin, sa unahan kasi
nakaupo at nadidinig ang aking sinasabi. Nagtatanong lang naman ng aming
lesson.
“Sige Mylene ha, kita na lang tayo sa Monday. Nagdadrive kasi
ako ngayon, pinagdadrive ko ang amo ko,” wika ko na nakatingin sa kanya sabay
patay ng aking CP. Bahala siya kung ano mang isipin niya sa parinig ko. Tila
wala namang epekto eh.
Bumalik na kami ng bahay, wala naman kaming pinuntahan eh. Ni
hindi siya bumaba ng sasakyan. Ano ito, road trip? Nakakainis na talaga itong
si Sherwin. Parang nananadya na talaga. Hindi ko naman alam ang pinagmamaktol.
Grabe, sana pala ay hindi kaagad na gumaling para hndi siya nagbago. Haaayyy
sorry naman kung minsan ay nakapag-iisip ako ng iba. Naiinis na kasi ako
talaga.
-----o0o-----
Wala namang masyadong gagawin ng Sunday, malinis na ang garden,
nakapaglaba na ako ng aking mga damit, May tagalinis naman ng bahay at nalinis
ko na rin ang aking quarter kaya naisipan kong lumangoy. Exercise din naman sa
umaga. Nagpabalik–balik ako ng langoy, dulo’t dulo. Nakasisid ako ng may
mag-splash sa pool. Eto na naman po kami, papapangitin na naman ang araw ko.
Para naman hindi masira ang aking araw ay binati ko siya. “Good
Morning Sir Sherwin! Kumusta ang tulog mo?”
“Ano ka ba Eman, bakit mo ba ako sine-Sir ay nasa bahay lang
tayo. Sa opisina lang ang ganon,” wika niya. “Mabuti naman. Kumusta ka naman.
Matagal-tagal din tayong hindi nagkaka-kwentuhan ah. Nag-almusal ka na ba?”
Napa “wow” ako sa aking sarili. Himala, maganda nga yata ang
gising. “Hindi pa, gusto ko kasing mag-swimming muna bago kumain.”
“Ganun ba. Gusto mo na bang kumain, padala na lang natin dito
kay Tonya. Gutom na rin ako eh. (Si Tonya ang cook)
“Hindi na, ako na lang ang kukuha,” wika ko. Aahon na sana ako
ng pigilan ako.
“Hindi na, nag-uusap pa tayo eh. Hayan na siya oh, bilis no
hehehe.”
“Pinahanda mo na ba sa kanya bago ka nagpunta rito.”
“Oo. Tinanong ko sa kanila kung kumain ka na. Hindi pa raw kaya
pinadalawa ko na.”
“Thank you Sir ha. Ang bait mo naman.”
“Ayan ka na naman eh, wala ng Sir sabi eh.”
“Sorry, nasanay na kasi ako eh.”
Itutuloy………..
More please kinikilig ako hehehehr
TumugonBurahinMore!!!!!
TumugonBurahin