Linggo, Disyembre 25, 2022

Caregiver (Part 5)

 


Caregiver (Part 5)

 

Sherwin

Nakakaramdam ako lately ng inis kay Eman. Simula kasi ng magtarabaho na siya sa kompanya at pumasok sa eskwelahan ay nawalan na kami ng oras na mag-usap at magkasama ng matagal. Nakaka-miss din naman ang dati naming closeness. Naiinis ako, hindi yung inis na galit, kundi yung inis na parang selos. Palagi ko siyang nakikita na iba-iba ang kausap, sa warehouse, sa canteen at sa uwian.

Malapit sa tao kasi itong si Eman, palagi kasing nakangiti at palabati kaya nakakagiliwan ng mga tao. Okay naman iyon kaya lang ay parang hindi na ako kabilang sa mga binabati niya palagi, naging employee-employer na ang aming relasyon, hindi na bilang magkaibigang malapit.

Isa pa ay naiinis din ako sa mga babaeng nagpaparamdam sa kanya, lalo na yung Ana na hindi yata nahihiya at siya pa yata ang nanliligaw dito kay Eman. Tapos palagi pang sabay kung kumain at sabay din kung umuwi. Paano ko nalaman, natatanaw ko kaya sila habang naglalakad dito sa aking opisina. Akala ko ay wala na akong kaiinisan ng mag-aral na siya dahil sa pagkain na lang sila magkasabay, hindi na sa pag-uwi. Hindi pala, maging sa kanilang eskwelahan ay sikat pa rin siya. Matalino kasi at talagang palakaibigan at lapitin talaga ng babae.

Minsan kasi ay nakita ko siya na naglalakad na may kasabay na babae. Sweet nila, may pag-alalay pa ang lintik. Isasabay ko na sana pag-uwi, nagbago ang aking isip, kasi nainis talaga ako.

Wala naman talaga akong dapat ikainis.basta naiinis ako. Iyon lang. Para bang gusto ko ay ako lang palagi ang aalagaan niya. Noon kasi ay alagang-alaga niya ako, kahit na anong ipagawa ko ay gagawin basta ginusto ko. Kung pinatuloy ko na tsupain ako, palagay ko ay gagawin eh, pero biro lang naman iyon.

Basta, para bang pag-aari ko siya na ako lang ang dapat niyang bigyan ng importansya. Naisip ko na iba na ang nangyayari sa akin. Parang nagkakagusto ako dito kay Eman kaya nanligaw ako. Pinakilala lang sa akin ng isang kaibigan. Isang araw ko lang niligawan ay sinagot na ako. Hindi ko naman talaga siya gusto. Syempre, ibe-break ko rin naman siya.

Isinama ko nga sa bahay eh para ipakilala kay Eman. Gusto ko lang malaman kung mageselos o maiinis gaya ko kapag nakakita ako ng ibang babae na kasama. Lalo pa siguro kung lalake. Pero wala man lang reaksyon. Bale wala. Ibig sabihin ay hindi niya ako itinuring na best friend o close friend man lang. Nainis talaga ako kaya sinusungitan ko siya Pero lalo lang siyang napapalayo eh.

Naiinis na siya. Baka lumala ay lalo kaming hindi mag-usap. Hindi man lang kasi nagtanong kung anong pinagkakaganito ko. Sasabihin ko naman ang totoo eh. Iba kasi akong makipag-kaibigan. Seloso rin ako. Pero parang hindi naman. Sa kanya lang yata. Haaay ano ba ito.

Nakita kong nalangoy siya. Gusto kong baguhin ang strategy ko para magkalapit uli kami. Hindi pa raw siya kumakain ng agahan ayon sa kasambahay, kaya nagpahanda ako kay Tonya ng dalawang set ng almusal para sa amin.

Parang maganda naman ang mood niya binati ako. “Good Morning Sir Sherwin! Kumusta ang tulog mo?”

“Ano ka ba Eman, bakit mo ba ako sine-Sir ay nasa bahay lang tayo. Sa opisina lang ang ganon,” wika nko. “Mabuti naman. Kumusta ka naman. Matagal-tagal din tayong hindi nagkaka-kwentuhan ah. Nag-almusal ka na ba?”

Alam kong nanibago siya sa aking asal, napakunot ang noo eh. Sinagot naman niya ako ng totoo. “Hindi pa, gusto ko kasing mag-swimming muna bago kumain.”

“Ganun ba. Gusto mo na bang kumain, padala na lang natin dito kay Tonya. Gutom na rin ako eh.

“Hindi na, ako na lang ang kukuha,” wika niya. Aahon na sana siya ng pigilan ko.

“Hindi na, nag-uusap pa tayo eh. Hayan na siya oh, bilis no hehehe.”

“Pinahanda mo na ba sa kanya bago ka nagpunta rito.”

“Oo. Tinanong ko sa kanila kung kumain ka na. Hindi pa raw kaya pinadalawa ko na.”

“Thank you Sir ha. Ang bait mo naman.”

“Ayan ka na naman eh, wala ng Sir sabi eh.”

“Sorry, nasanay na kasi ako eh.”

Habang kumakain kami ay syempre kwentuhan, tulad ng dati. Iba na nga lang ang topic. Kung dati ay tungkol sa aking kalusugan lagi ang topic, ngayon ay sa trabaho at sa kanyang pag-aaral na ang aming napaguusapan.

Alam ko namang maayos ang kanyang pagtatrabaho, maganda kasi ang feedback ng kanyang supervisor kaya nga na permanent na siya.

Ayon naman sa kanya ay okay lang ang pag-aaral niya. Maganda naman ang mga grades niya sa exam. Naitanong ko sa kanya kung may girlfriend na siya.

“Wala pa, ayaw ko pa. Pero syempre, may napupusuan naman ako,” Tugon niya.

“Akala ko ba kayo na ni Ana. Sweet nyo nga eh, sabay kumain at nung hindi ka pa nageeskwela ay palagi ding sabay na umuwi.” Wika ko.

“Weh, paano mo nalaman?”

“Nakikita ko kaya kayo sa office ko. Nakalimutan mo na yatang tanaw ko ang nasa ibaba palabas ng building sa salamin na wall hehehe,” wika ko.

“Talaga ba? Uy ha, importante pa rin pala ako sa iyo, akala ko ay bale-wala na ako eh hehehe. Biro lang. Si Ana ay kaibigan ko lang. Mabait siya, maganda pa. Siguro kung nakamit ko na ang goal ko at dalaga pa siya, baka ligawan ko siya.”

“Eh paano naman yung maganda mong kasabay sa may eskwelahan ninyo?” tanong ko uli.

“Si Mylene! Kaklase ko iyon. Hindi kami bagay, mayaman sila eh,” tugon niya

“Ano naman ang diprensya kung mayaman sila. Masyado mo namang minamaliit ang sarili mo.”

“Teka nga, napapansin ko na puro sa GF ang tinatanong mo sa akin. Ikaw nga diyan eh. Hindi ko man lang nakita na nanligaw ka na. Sandali pa lang akong napasok tapos malalaman ko na may GF ka na. Nakakasama ka ng loob,” wika niya.

Nagulat naman ako sa komento niya. Ibig kayang sabihin ay ayaw niya akong mag GF. Para naman lumukso bigla ang puso ko. “Sinagot agad ako eh, gwapo eh hehehe. Bakit ayaw mo?”

“Hindi naman sa ayaw. Bigla bigla kasi. Parang hindi pa ako handa na mag-GF ka hahaha. Para namang kailangan mo pa ang approval ko,” sabi niya.

“Nagseselos ka ba?”

“Parang ganon. Nasanay kasi ako na alam ko lahat ng ginagawa mo at ng balak mo, tapos bigla na lang ipapakilala mo ako sa GF mo. Kung sakaling manligaw ako ay hihingin ko naman ang permiso mo, promise yan,” sabi niya.

Ewan ko kung bakit nayakap ko siya. Para bang ang sarap na marinig mula sa kanya na improtante ako sa kanya. Pati panliligaw ay kakailanganin pa ang permiso ko.. Ang saya saya ko noon. Mabuti na lang at hindi ako nagsungit, naging malapit na naman kami sa isa’t-isa.

-----o0o-----

Eman

Nagkaayos na kami ni Sherwin. Wala naman talaga kaming samaan ng loob, basta na lang kasi nakaramdam ako ng pagkailang nitong nakaraang mga araw dahil sa parang galit siya sa akin. Mabuti na lang at binati ko noong nagsu-swimming ako. Maganda naman ang response niya dahil pinapaghanda pa kami ng almusal. Doon tuloy kami kumain sa may pool.

Ang maganda pa, bandang huli ya niyakap niya ako. Lalong gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko tuloy siyang halikan. Mabuti na lang at napigil ko. Baka kung naituloy ko ay simula na naman ng aming cold war.

Masaya akong pumapasok sa trabaho at kapag papasok na naman ako sa eskwelahan ay nagpapaalam pa ako  sa text. Ayaw kong mapagsabihan ng sipsip. Kung sabagay ay alam naman na sa kanila ako nauwi, tanggap na sa office iyon na malapit ako sa kanila. Hindi naman ako nagpapakita ng kayabangan at ginagamit ang pangalan ng aking mga amo.

Sa bahay ay talagang inaabangan ko ang pag-uwi niya kapag ako ang nauna, gauon din siya sa akin. Kung minsan ay ako pa ang naghahanda ng kanyang pagkain kapag hindi siya nakasabay sa pagkain. Kitang kita naman sa kanyang mga mata ang tuwa

Isang araw ng Huwebes ay nagpaalam ako kina Mam Hilda na mag sleep-over ako sa isa kong kaklase. May group assignement kasi kami na kailangan mai-submit kinabukasan. Pumayag naman sila.

“Kaninong bahay kayo matutulog?” tanong ni Sherwin.

“Kina Mylene,” sagot ko. Kitang kita ko ang pagsimangot ni Sherwin. Hindi ko na lang iyong pinansin.

-----o0o-----

Nakilala ko ang mga magulang ni Mylene. May kaya nga sila pero hindi matapobre ang kanyang parents. Asikasong-asikaso nga kami at sinuportahan talaga ang grupo namin. Pagbutihin daw namin.

Nagbiro pa ang father ni Mylene kung may boyfriend na raw ba o manliligaw ang kanyang anak. Tinukso naman kami ng aming kagrupo na kami raw. Syempre pareho naming tpinabulaanan dahil sa hindi naman talaga totoo.

“Naku Sir, nagbibiro lang po sila, mag bestfriend lang po kami kahit itanong nyo pa kay Mylene,” turan ko.

“Alam nyo mga anak, hindi kami namimili ng manliligaw ng anak ko. Kung sino mang magustuhan niya ay nasa kanya na iyon, siya naman ang makikisama eh. Pero syempre, gusto rin namin na mapunta sa mabuting kamay ang aming anak. Yun bang mamahalin ang aming anak at hindi paiiyakin lang at higit sa lahat ay hindi pababayaan ang pamilya. Magtulong sila sa pagtaguyod sa pamilya,” wika ng papa ni Mylene.

“’Pa naman, hindi pa ako mag-aasawa. Ang bata bata ko pa eh.”

“Tama yan, pero hindi naman namin ikaw pinagbabawalan na paligaw o magnobyo. Sige na, kain lang nang makapag-umpisa na kayo.

Natapos at nai-submit naman namin ang aming assignment on time. Salamat sa effort ng aming grupo at suporta ng magulang ni Mulene.

Simula noon ay lalo pa kaming nagkalapit ni Mylene. Paminsan-minsan ay naihahatid  ko siya sa bahay nila. Welcome naman ako sa kanila lalo ng ng kanyang Mama na siya namin palaging naabutan. Sa bahay na lang kasi siya at ayaw nang papagtrabahuhin ng asawa.

Habang lumalaon ay parang nagkakaroon na ako na pagkakagusto sa kanya at halata ko rin nmana na may pagtingin din siya sa akin. Niligawan ko siya at tama naman ako, hindi na ako nahirapan pa sa panliligaw dahil bago natapos ang semester ay sinagot na niya ako. Binali ko ang aking pangakong hindi magnonobya habang hindi pa tapos sa pag-aaral.

Hindi naman namin inilihim iyon sa aming mga kaibigan sa school, maging sa kanyang mga magulang Sinabi ko rin naman sa aking Nanay na may nobya na ako. Tuwang tuwa naman siya. Ang problema ko lang naman ay kung sasabihin ko ba kay Sherwin. Iba kasi ang vibes ko, hindi maganda.

Higit dalawang linggo rin na bakasyon kami. Full time uli ako sa trabaho kaya hindi muna kami nagkikita ni Mylene, puro text at message sa FB lang muna kami. As usual ay madalas na naman kami ni Ana na makikitang mag-kausap kapag break time, sa pagkain at sa pag-uwi. Minsan ay inaaya akong mag lunch ni Sherwin sa labas. Pinagbigyan ko siya isang beses kahit na nahihiya ako sa ibang katrabaho.

-----o0o-----

Ang bilis ng dalawang linggo, pasukan na naman at magkaklase na naman kami ni Mylene. Block section ang kinuha naming klase. Going strong naman ang aming samahan. Minsan ay maaga kaming nakauwi, Wala ang aming professor sa last subject kaya naisipan namin ang pumunta ng mall. Lakad-lakad lang, patingin-tingin sa mga naka-display na item, pero hindi naman bibili.

Inaya ko na lang muna siyang kumain sa fastfood. Doon kami nagkwentuhan ng matagal. Wala namang importante. Kung ano lang mapag-usaoan. Minsan ay ang palabas sa TV ang aming topic, minsan ay sa mga balita lalo na sa politika. Inabot kami ng alas syete sa mall.

Inaya ko siyang ihahatid na sa kanila. Holding hands kami na naglalakad, Busy ako sa kabubulong ng kuna ano-ano kay Mylene at hindi ko napansin na makakasalubong ko pala si Sherwin at ang kanyang nobya  na so Bea. Saka ko pa lang nakita ng halos palagpas na kami. Kung hindi pa niya ako tinawag ay talagang hindi ko siya mababati.

“Eman! Aha! Hindi ka namamansin ah.”

“Sherwin! Boss Sherwin! Sorry Boss… hindi kita napansin,” wika ko na napakamot sa ulo. Boss… si Mylene po, girlfriend ko, Mylene Boss ko si Mr. Delgado at ang GF niya si Bea.” paghingi ko ng paumanhin at pagpapakilala sa kanila.

“Magandang gabi po,” pagbigay galang ni Mylene.

Tumango naman si Bea, pero si Sherwin ay tila walang nadinig na nakatingin lang sa aking GF. “Saan ang tungo ninyo? Join us! We’re having dinner.” Anyaya ni Sherwin.

“Boss, kakakain lang naming, kagagaling lang namin sa fastfood at kumain. Salamat po.”

“Ah ganon ba! Okay.” Yun lang at tumalikod na siya. Napatanga naman si Bea na naiwan. Kumaway ito at sinundan si Sherwin.

“Suplado pala ang boss mo Eman,” komento ni Mylene.

“Hindi, mabait yun. Baka ang akala ay nasa office pa hehehe. Ganun kasi siya kapag nasa office, authoritarian. Tara na at baka hinihintay ka na sa inyo.”

-----o0o-----

Hinintay ko ang pagdating niya para kausapin at makapagpaliwanag. Magna-nine na siya dumating. “Sherwin… pwede ba kitang makausap sandali?”

“Pagod ako Eman, bukas na lang,” nakasimangot niyang tugon.

Hindi ako nakakibo. Alam kong galit siya. Hindi ko naman intensyon na maglihim sa pakikipag-nobya ko, wala lang talagang pagkakataon.

Simula noon ay naging malamig na ang pakitungo niya sa akin, parang iniiwasan niya ako. Kapag nagkakasabay kaming kumain sa bahay ay tahimik lang siya. Sasagot lang kapag kinakausap ko siya.

Minsan na na-corner ko siya ay kinonfronta ko siya. “May hinanakit ka ba sa akin? Hindi mo ba pakikinggan ang paliwanag ko?”

“Tungkol saan? Anong ipapaliwanag mo?”

“Alam mong alam ko ang dahilan. Tungkol kay Mylene. Sasabihin ko naman talaga sa iyo eh, nagkataon lang na nagkita tayo ng hindi mo pa alam. Bago pa lang naging kami kaya hindi ko kaagad nasabi sa iyo.”

“Ano naman ang pakialam ko don. Personal mong buhay iyon.”

“Please Sherwin, ayaw ko ng ganito, ayaw ko na nag-iiwasan tayo, ayaw ko na hindi tayo nag-uusap. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo. Patawarin mo na ako,” pagpapakumbaba ko.

Hindi siya sumagot. Tumalikod na siya at tinungo ang kanyang silid. Bago pa niya maisara ang pinto ay nakalapit ako at pumasok ng walang pahintulot.

“Please Sherwin, sorry na. Gusto mo luluhod pa ako sa iyo eh para lang mapatawad mo ako eh,” wika ko.

Luluhod na sana ako ng hawakan niya ako sa braso. “Tumigil ka nga, Para kang sira. Oo nagtampo ako, kasi kung hindi ko pa kayo nabuking ay hindi mo pa sasabihin sa akin. Alam mo namang matampuhin ako at seloso. “Sige na, okay na. Pinatatawad na kita. Sige na, alis na at inaantok na ako.

“Talaga ha, hindi ka na galit? Kakausapin mo na ako uli?”

“Oo na! Ang kulit mo naman.”

“Kung hindi ka galit, kiss mo nga ako!” wika ko na inilapit pa ang aking pisngi. Hahalikan naman niya ako. Tinyempo kong sa paghalik niya ay lumingon ko gawa sa TV. Swak! Naglapat ang aming labi. Tawa ako ng tawa. Nahampas tuloy ako sa braso.

“Gago ka talaga kahit kelan. Pwe!”

Niyakap ko siya sabay sabi ng “Thank You” at umalis na ako.

-----o0o-----

Kanina pa ako nakahiga ay hindi ako dalawin ng antok. Naalala ko ang kalokohan kong ginawa kanina. Napahawak ako uli sa aking labi, parang nararamdaman ko pa ang paglapat ng aming mga labi ni Sherwin. Kahit segundo lang ay ramdam ko pa rin ang lambot ng kanyang mga labi.

Noon pa man ay may iba na akong nararamdaman kay Sherwin, hindi bilang kaibigan, higit pa roon. Pero dahil sa alam kong mali ay kaagad ko na ring iwinaksi. Sinikil ko ang aking sarili. Alam kong walang patutunguhan kapag ipinagpatuloy ko pa ang damdaming ito.

Nagtagumpay naman ako, lalo na at nalaman kong mayroon na siyang nobya. Akala ko lang pala dahil kanina lang ay muling nanumbalik ang aking pagkakagusto sa kanya. Ayaw kong magagalit siya sa akin, natatakot akong hindi niya kiboin. Tapos, dahil sa aking kalokohan ay nagtama pa ang aming labi at noon ko napatunayan na hindi ko na maalis na mahalin siya.

Hindi na naman niya malalaman pa, sa akin na lang iyon dahil kapag malaman pa niya ay baka lalong maging komplikado. Alam kong may pagtingin din siya sa akin kahit na konti lang.

Sherwin

Napakagago talaga ng Eman na iyon. Naisahan ako. Pero kung alam lang niya kung gaano ko kagusto ang halikan siya. Matagal ko na siyang minahal. Minsan nga ay hindi ko na maitago ang selos.

Ano ba itong ginawa mo sa akin Eman. Bakit hindi ako mapakali sa sandaling halik lang na hindi pa sinasadya. Sira ka kasi. Ano ngayon ang gagawin ko. Lalo mo lang pinasidhi ang pagkakagusto ko sa iyo.

Ayokong makipaglaro sa iyo dahil sa alam kong matatalo ako. Babae ang gusto mo alam ko. Babae rin naman ang gusto ko, hindi rin naman ako bakla, at least yun ang alam ko, pero bakit ako nagkaganito pagdating sa iyo.

Hindi ko na kaya pa ito, pupuntahan ko siya sa kanyang silid, bahala na si batman kung ano man ang mangyari.

 

Itutuloy………..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...