The Engineer
Author: Credit
to The Real Author
Published April
25, 2017 in Kwentong M2M Blog
Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng
Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay ‘di naman ganoon kayayaman
ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa
ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming
bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay sa kalyeng kinatatayuan ng
bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang
nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong.
Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang.
Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng
bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos
ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.
Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa
bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako
dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pukpukan at ingay ng
motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng
umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw
ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.
Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko
kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko. Galit na galit
akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na
may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang
naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya
syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa
naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at
tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng
matapos kong bigyan ng first aid.
Noon ko nakilala ang engineer ng construction na si Rommel at
ang ilang trabahador nito. Noon ko rin nasabi ang aking mga reklamo sa ingay na
dulot ng construction. Humingi naman ng paumanhin si Rommel at nangakong
pipilitin nilang magtrabaho ng hindi makakaistorbo sa akin. Sa gabi din daw ay
titiyakin ni Rommel na di mag-iingay ang kanyang mga trabahador dahil stay-in
na rin siya doon sa construction. Nagpasalamat din sila sa akin sa ginawa kong
first aid sa isang trabahador. Hindi na ako nagtagal doon at bumalik na ako sa
bahay upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.
Pagbalik ko sa aking higaan ay hindi na ako dalawin ng antok.
Parang hindi ko makalimutan ang pagiging gentleman ni Rommel. Gwapo si Rommel
at magaling pang makipag-usap. Lagi sumasagi sa aking isipan ang paghingi niya
ng paumanhin sa akin. Hindi ko na tuloy ipinagpatuloy ang pagtulog ko sa halip
ay kumain na lamang ako. Matapos kumain ay nakinig ako ng musika at ng magsawa
naman ako ay nanood ako ng mga dvd movies. Hindi ko na namalayan ang oras nang
biglang magtanong si Manang kung ano ang gusto kong meryenda. Mag aalas-kwatro
na pala ng hapon. Nagpahanda ako ng juice at sandwich at pinaakyat ko sa aking
silid dahil magsisimula na rin akong mag-aral ng aking lesson.
Pagpanhik ko sa aking silid ay hindi ko na naririnig ang dating
ingay ng construction. Hindi na tuloy ako nag-aircon at binuksan ko na lamang
ang lahat ng mga bintana. Busy pa rin sa kanilang trabaho ang mga tao sa
construction ng dumungaw ako sa bintana. Sinimulan ko ang pagbabasa ng aking
aklat. Makalipas ang isang oras ay nakarinig ako ng mahinang tawanan at
pagbuhos ng tubig. Tumigil ako sa aking pagbabasa at sumilip muli sa bintana at
hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan ng ingay. Noon ko nakita si Rommel
at ang ilan niyang tauhan na naliligo sa isang sulok kung saan naroroon ang ilang
drum ng tubig.
Nakatakaw pansin sa akin silang lahat dahil pawang naka-brief
lamang sila. Si Rommel pa ay nakabikini brief lamang na parang maliit na sa
kanya. Kaya naman hapit na hapit sa kanyang harapan at halatang halata ang
kanyang alaga. Ang mga kasamahan naman niyang naliligo din ay merong de color
na brief, may luma at manipis na at may maluluwag na ang garter. Halos mahubuan
na nga ang ilan sa kanila. Subalit balewala pa rin ito sa kanila at tuwang tuwa
pa sila sa kanilang paliligo.
Napansin pala ako ni Rommel na nakadungaw sa bintana kaya naman
tinawag niya ang pangalan ko. Di ako nagpahalata ng matagal ko na silang
pinagmamasdan at biniro ko na lang sila na ang sarap yata ng tubig na
pinanliligo nila. Kahit nakabrief pa rin si Rommel ay lumapit siya sa tapat na
aking bintana at lalo ko namang napansin ang matipuno nitong katawan at ang
malaking nakabukol sa kanyang harapan. Dahil sa liit ng bikini brief niya ay
lumuluwa na ang ilang buhok sa taas ng kanyang brief. Nagpaumanhin muli si
Rommel sa akin. Baka daw kasi naiingayan muli ako sa kanilang tawanan habang
naliligo.
“Okey lang yun,” ang naging tugon ko kay Rommel at nagbalik muli
ako sa study table ko upang tapusin ang aking binabasa.
Matapos naming mag-usap ni Rommel ay hindi na ako nakapag-concentrate
sa aking binabasa. Naging laman na naman ng aking isipan si Rommel at ang
kanyang itsura habang naliligo. Ewan ko ba pero may kakaibang sensation akong
nararamdam tuwing maalala ko ang ayos na iyon ni Rommel. Maganda ang katawan.
Mukhang may malaking kargada at may matambok na puwet at higit sa lahat
lalakeng lalake siyang pagmasdan. Sa halip na ituloy ko ang pagbabasa ay
gumayak na lamang ako upang pumasok sa panggabi kong klase.
Matapos ang klase ko ay nagduty naman ako sa hospital. Ganoon pa
rin ako na parang wala sa sarili sa bawat gawin ko. Mabuti na lamang at wala
gaanong pasyente sa hospital simula hating-gabi hanggang sa umuwi ako
kinabukasan. As usual, pagdating ko sa bahay ay kumain lang ako ng kaunti,
naligo at natulog na. Kahit na siguro maingay sa construction site ay di ko na
naramdaman kasi halos magdidilim na ng magising ako. Ipinaghanda ako ni Manang
ng dinner at ng matapos ako kumain ay nagpahangin ako sa labas. Sabado noon
kaya wala akong klase o duty sa hospital.
Lumabas ako ng gate at nagsimulang humakbang papalayo sa aming
bahay. Nang tumapat ako sa ginagawang bahay ay binati ako ni Rommel na di ko
napansin na nakaupo pala sa kabilang sidewalk at nakatanaw sa kanyang
ginagawang bahay. Naka-shorts at naka-sando lamang siya habang naninigarilyong
nag-iisa.
“Saan ka pupunta?” ang tanong niya sa akin.
“Wala lang. Naglalakad-lakad lamang ako upang magpahangin.
Kagigising ko lang kasi at wala naman akong magawa sa bahay,” ang sagot ko
naman sa kanya.
“Kung gusto mo ay sasamahan kita,” ang paanyaya naman ni Rommel.
“Walang problema sa akin. Mabuti nga iyon at may kasama ako sa
paglalakad,” ang tugon ko naman sa
kanya.
Nagsimula naming tahakin ang daan patungo sa park ng
subdivision. Nagsimula rin akong magtanong-tanong kay Rommel ng mga bagay-bagay
sa kanyang buhay. Di naman siya nahiya na ilahad sa akin ang ilang detalye sa
kanyang buhay. Sa isang probinsya sa norte siya galing. Nang matapos ng
engineering ay lumuwas siya ng Maynila upang magtrabaho upang makatulong sa
kanyang pamilya. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay. Pinilit siyang
pinagtapos ng kanyang magulang na parehong magsasaka lamang. Nang makatapos
siya ay tumulong naman siyang pag-aralin ang mga nakababatang kapatid. Dalawang
babae ang sumunod sa kanya na parehong pinakuha niya ng kusong nurse sa
pangarap niya na sila ang makakapagpatawid sa kanilang kahirapan kapag
nakapag-abroad ang mga ito. Subalit di pa man natatapos ng kursong nursing ay
nagsipag-asawa kaagad. Ang masakit pa doon ay wala ring tinapos na kurso ang
mga naging asawa ng dalawa. Ang bunso naman nila ay lalaki. Pero di pa man
nakakatungtong ng kolehiyo ay namatay naman. Tanging mga magulang na lamang
niya ang kanyang sinusustentuhan para hindi na sila magsaka.
Nasa late twenties na si Rommel at halos siyam na taon na siya
sa Maynila na nagtatrabaho. Dati nangungupahan siya ng kwarto pero ng mapasok
siya sa kumpanya niya sa kasalukuyan ay sa mismong project site na rin siya
nakikituluyan para makatipid siya tutal halos linggo-linggo ay umuuwi naman siya
sa probinsya nila. Noong Sabadong iyon lamang ang di niya pag-uwi dahil sa
nagpunta naman ang kanyang mga magulang sa kanyang babaeng kapatid sa kalapit
na probinsya at mananatili muna sila doon ng ilang linggo dahil kapapanganak
lamang ng kanyang kapatid.
‘Di naman siya nag-usisa ng detalye ng aking buhay pero
ipinaalam ko pa rin ang ilan para naman makilala din niya ako kahit papaano.
Kahit medyo madrama ang kwento niya sa akin ay maaliwalas pa rin ang kanyang
mukha habang nagkukwento. Umupo pa kami sa isang concrete bench sa park at ng
may dumaang balot ay inalok niya ako nito. ‘Di ko nakagawiang magdala ng wallet
kung doon lamang ako sa loob ng subdivision namamasyal kaya syempre siya ang
nagbayad. Sa kinalaunan ng aming kwentuhan ay nagkapalagayan kami ng loob.
Siguro akala niya na close na kami talaga ay bigla na lamang
siyang umakbay sa akin at nagdikit talaga ang aming mga tagiliran. Para akong
nakuryente ng gawin niya iyon kaya tinulak ko siya papalayo sa akin.
“Oh, bakit naman?” ang bigla niyang naitanong sa akin.
“Baka mapagkamalan tayo sa ginagawa mo,” ang sagot ko naman sa
kanya.
“Pareho naman tayong lalaki kaya wag mong masamain ang pag-akbay
ko sa iyo,” ang paliwanag ni Rommel.
“Basta, hindi ako sanay ng may nakaakbay sa aki,” ang sagot ko
naman sa kanya.
“Kahit kaibigan mo bang lalaki di ka inaakbayan?” ang pag-usisa
niyang muli sa akin.
“Inaakbayan naman. Kaya lang….”Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla na naman niya akong
inakbayan ng mahigpit na parang niyayakap na niya ako.
‘Di na ako nanlaban sa kanya at pinabayaan ko na lamang siyang
nakaakbay sa akin. Bigla na naman siyang nagtanong na…”Nakita mo ba ang gusto
mong makita ng dumungaw ka sa bintana ng silid mo at natanaw mo kaming
naliligo?”
“Ah… eh... wala, napadungaw lang ako noon. At sandali lang iyon
ha!” ang naisagot ko lamang kay Rommel.
“Ah ganoon ba. Baka kasi meron, eh, walang kaso sa akin iyon,”
ang biglang nasabi ni Rommel. Hindi na ako muling nakasagot kay Rommel. Pero
muli niyang inulit na… “Walang problema sa akin iyon.” Sabay kuha ng isa kong
kamay at ipinatong niya sa kanyang harapan.
Nagulat ako ng gawin niya iyon. Subalit para akong naging
sunud-sunuran na lamang sa kanya sa mga oras na iyon. Habang ikinikiskis niya
ang aking palad sa kanyang harapan ay naramdaman ko na unti-unting nabubuhay
ang kanyang alaga.
“Dito ka nakatitig kahapon, di ba?” ang tanong na naman niya sa
akin na hindi ko pa rin sinagot.
“Baka kinakabahan ka dito sa pwesto natin dahil medyo maliwanag.
Tara doon sa banda roon at walang makakapansin sa atin,” ang bulong sa akin ni
Rommel.
Tumayo kami at tinungo nga namin ang lugar na itinuro ni Rommel.
Walang upuan doon pero may pader at may malalagong halaman. Pagsandal ni Rommel
sa pader ay hinatak niya ako at niyakap sabay halik sa aking mga labi. First
time ko makipaghalikan sa kapwa lalaki pero nagustuhan ko ang ginawa ni Rommel
sa akin. Habang naghahalikan kami ay ipinasok ko naman ang aking kamay sa loob
ng kanyang shorts at naramdaman ko na mukhang masikip na naman ang suot niya na
brief dahil medyo naiipit ang kamay ko ng garter nito.
Natigilan si Rommel sa paghalik sa akin at natawa. “Pasensya ka
na at mahilig ako sa masisikip na brief. Para kasing wala akong brief kapag hindi
ito hapit sa aking alaga at bayag. Hahaha!”
Napatawa na rin ako sa kanya sabay sabing… “Baka kung anong
mangyari dyan kapag di nakakadaloy ng husto ang dugo.”
Magtatawanan pa sana kami ng malakas ng mapansin namin ang isang
guard na papasok sa gate ng park. Kami lang ni Rommel ang tao doon sa mga oras
na iyon kaya tiyak magdududa iyon kung makikita niya kami sa dilim. Kaya naman
dali-dali kaming umupo sa pinakamalapit na upuan habang sa iba nakamasid ang
guard.
“May tao pa pala dito,” ang nasabi ng guard ng mapansin niya
kami.
“Boss chief, nagpapahangin lang kami dito. Ila-lock na ba ninyo
ang gate?” ang tanong ko naman sa guard.
“Opo, sir. 11PM na rin po kasi.” ang tugon naman ng guard.
“Sige, boss, lalabas na lang kami,” ang sabi ko naman sa guard.
Naglakad kami muli papauwi at nang nasa tapat na kami ng aming
bahay ay bigla na naman bumulong si Rommel na… “Nabitin ako kanina. Walang
hiyang guard iyon. Wrong timing pa.”
“Hahaha! Ang libog mo pala,” ang biro ko kay Rommel. “Tara sa
loob ng walang istorbo,” ang pahabol kong sinabi.
Pinagbuksan kami ni Manong ng gate at dumeresto na kami sa
kwarto ko.
“Sandali lang at maliligo pa ako. ‘Di pa ako nakaligo mula ng
magising ako kanina, ang paalam ko kay Rommel.
“Hindi na kita sasabayan sa paligo kasi kaliligo ka rin lang ng
makita mo ako kanina,” ang tugon naman ni Rommel.
Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na si Rommel sa kama at ang
kalahati ng katawan ay nasa loob na ng kumot. Mukhang wala na siyang natitirang
saplot dahil napansin ko ang kanyang mga damit sa isang upuan. Pinunasan ko
hanggang medyo matuyo ang aking buhok bago ako tumabi kay Rommel. Humiga na rin
ako sa tabi niya na walang saplot ang katawan.
“First time ko ito Rommel kaya hindi ko alam ang gagawin,” ang
pauna ko kay Rommel.
“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo,” ang sagot naman
niya.
Muli ay naglapat ang aming mga labi. Sumunod ang aming mga
katawan at noon ko naramdaman ang naghuhumindig na alaga ni Rommel na tila
tumutusok din sa aking alaga. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin sa oras na
iyon. Subalit parang merong bumubulong sa akin na nagbibigay ng instructions
kung ano pa ang dapat gawin. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lamang ay
subo-subo ko na ang tigas na tigas na alaga ni Rommel. Di rin nagtagal at
sumabog ang katas mula sa pinakabutas nito. Medyo nakatikim ako ng kaunti pero
kinuha ko ang ginamit kong twalya upang punasan ang aking bibig at ang alaga ni
Rommel.
“Okey ka lang ba?” ang naitanong sa aking ni Rommel.
“Halika dito at ikaw naman ang magpalabas,” dugtong pa niya.
Hindi naman niya sinubo ang aking alaga sa halip ay sinalsal na
lamang niya ito hanggang sa ako ay labasan na din.
“Tara magbanlaw tayo sa banyo,” ang paanyaya ni Rommel.
Pumasok kaming dalawa sa banyo at sinabon namin ang aming mga
alaga. Muli ay nahiga kaming magkatabi sa kami. Habang nagkwekwentuhan ay himas
himas ko ang alaga ni Rommel.
“Huwag ka mag-alala, sa iyo lang iyan simula ngayon,” ang biro
ni Rommel sa akin.
“Hahaha! Patawa ka!” ang
naging tugon ko naman sa kanya.
Nakatulog kaming hubo’t hubad kaya naman ng kumatok si Manang
upang yayain na akong mag-almusal ay para kaming si Superman sa bilis sa
pagsuot muli ng aming mga saplot. Pagkakain namin ng almusal ay nagpaalam na si
Rommel pero ibinigay muna niya sa akin ang kanyang cellphone number at ganoon
din naman ang ginawa ko sa kanya. Kinahapunan ay biglang nagtext si Rommel na
nagtatanong kung may lakad daw ako. Nang sabihin kong wala ay nagyaya siyang
manood ng sine dahil matagal na rin siyang hindi nakakapanood. Dala ang aking
kotse ay pumunta kami sa pinakamalapit na mall. Noon ko tuluyang nakilala si
Rommel na isang tunay na gentleman. Para akong isang baldado na inaalalayan sa
lahat ng aking kilos at laging nagtatanong kung okey lang ako.
Sa loob ng sinehan ay nagulat ako ng sabihin ni Rommel na… “I
love you” na ikinagulat ko naman dahil talagang wala akong karanasan sa
pakikipag-relasyon sa kapwa lalaki. Sa babae ay nakailan na rin akong relasyon.
Pero sa tulad ni Rommel ay wala pa talaga at hindi ko rin naisip na meron din
palang ganitong relationship.
“Oh anong sagot mo, naghihintay ako,” ang muling tanong ni
Rommel na ‘di ko alam kung ano ang isasagot. “Ikaw talaga, matapos mo maangkin
ang katawan ko ay ganyan ka na,” ang biro pa ni Rommel.
“Ok, sige na nga, I love you na rin,” ang bigla kong naisagot
kay Rommel.
“Eh bakit merong ‘na rin’?” ang dugtong naman ni Rommel.
“Ok, I love you lang,” ang sagot ko muli sa kanya.
“Eh bakit may ‘lang’? ang biro muli ni Rommel.
“I love you Rommel.” ang ibinulong ko sa kanya sabay halik sa
kanyang mga labi.
Buti na lang at kakaunti ang mga nanonood kasi medyo kinabahan
ako baka may nakakita sa paghalik ko kay Rommel. Wala naman siguro kasi malayo
sa aming upuan ang ibang nanonood. Nang matapos ang palabas ay naglibot pa kami
sa mall. Nang pumasok kami sa department store ay pinilit kong bilhan ng mga
bagong brief si Rommel. Kahit anong pagtanggi ni Rommel ay pinilit ko pa rin
siyang bilhan. Ipinilit nyang bilhin ang size na gusto niya. Pero napilit ko
rin siya ng medyo mas malaki doon. Natawa pa sa amin ang sales lady ng pinilit
kong ipasukat kay Rommel ang napili kong size dahil ipinagpipilitan niyang
maluwag iyon sa kanya. Lalo pang natawa ang sales lady ng pinapasok ako ni
Rommel sa fitting room upang tignan kung okey na. Dahil naman binuksan niya ng
husto ang pinto at nakita tuloy siya ng sales lady ng tanging brief at t-shirt
lamang ang suot.
Pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto. “’Yan ang bagay sa
iyo ng hindi maipit ang hindi dapat maipit,” ang biro ko kay Rommel.
Umupo ako sa upuan sa loob ng fitting room at nagmasid ako sa
paligid kung may camera. Nang matiyak kong wala ay hinatak ko si Rommel
papalapit sa akin habang hinuhubad niya ang sinusukat ng brief. Sabay subo sa
kanyang tulog na alaga.
“Huwag dito,” ang bulong ni Rommel sa akin.
“Sandali lang at trip ko lang,” ang sagot ko naman sa kanya.
Sa ilang segundo ko ring pagsubo sa ari ni Rommel ay tumigas
iyon. Pagkatigas nito ay bigla ko ring iniluwa Kaya naman ng isuot niya ay luma
niyang brief ay halos di magkasya na matakpan ang kanyang alaga.
“Ayan ang sinasabi ko sa iyo. Kaya dapat itong size ang
ginagamit mo na,” ang paliwanag ko kay Rommel.
“O sige panalo ka na,” ang tila pagsuko sa akin ni Rommel.
Bago kami umuwi ay kumain muna kami ng dinner. Masaya muli ang
aming naging kwentuhan.
“Bakit mo ba ako pinilit na palitan ang size ng brief ko?,” ang
tanong sa akin ni Rommel.
“Sobrang sikip kasi ng mga sinusuot mo at baka nasasaktan si
manoy mo,” ang tugon ko naman.
“Eh, mas comfortable ako kasi sa ganoon. Kapag maluwag ang suot
ko ay parang wala rin akong suot,” ang paliwanag naman ni Rommel.
“Actually, kaya gusto kong medyo maluwag ang suot mo ay para
madali kong maipasok ang kamay ko,” ang biro ko kay Rommel sabay tawa.
“Ah ganoon. Sabi ko naman, sa iyo lang ito,” ang nasabi ni
Rommel sabay kiliti sa aking tagilirinan.
Para kaming mga teenager na naghaharutan sa restaurant kaya
naman nakatawag ito ng pansin ng iba pang kumakain sa restaurant. Bigla na lang
kaming napatahimik at pilit pinigil ang aming pagtawa. Tinapos na namin agad
ang aming pagkain at umuwi na kaming masayang-masaya.
Sa bahay namin muli natulog si Rommel at tulad ng unang gabing
natulog sa kwarto ko si Rommel ay naulit muli ang aming pagtatalik. Simula noon
ay doon ko na lang sa amin pinatira si Rommel. At para hindi naman makahalata
si Manang at si Manong ay pinaayos ko ang isang silid sa tabi ng aking silid at
sinabi ko na lamang sa kanila na uupahan muna ni Rommel ang silid habang
ginagawa ang bahay sa tabi namin. Ganoon din ang paalam ni Rommel sa kanyang
mga tauhan. Naging masaya ang aming relasyon ni Rommel habang ginagawa ang
bahay sa tabi namin. Subalit isang umaga, pag-uwi ko sa bahay galing sa
hospital ay naabutan kong umiiyak si Manang. Nang aking tanungin ay sinabi
niyang nanakawan daw kami at yung kwarto nina Mama at Papa ang pinasok at
tinangay ang mga alahas sa isang tokador.
Ilang dekada na rin kami nakatira sa subdivision na iyon at yun
ang first time na mangyari sa amin iyon. Kaya naman naghinala si Manong at
Manang na si Rommel ang malamang may kinalaman sa nakawan. Ayaw kong paniwalaan
sila dahil kahit sa sandaling panahon pa lang kami nagkakakilala ni Rommel ay
alam ko na ‘di niya magagawa iyon. Natigil lamang ang usapan namin nina Manang
at Manong ng may mag-door bell. Si Rommel pala ang nasa gate. Pagpasok ni
Rommel sa bahay ay nag-usisa na rin siya kung bakit umiiyak si Manang. Pero sa
halip na sagutin ni Manang iyon ay isang bintang kaagad ang isinumbat niya kay
Rommel. Laking pagtataka ang nailahad ng mukha ni Rommel.
“Hindi ko po magagawa iyan,” ang pagtatanggol ni Rommel sa
sarili.
“Rommel, wala kasi ako kagabi dito at ikaw lang malayang
nakakapasok dito sa bahay. Kaya…” Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ay
biglang sumabad si Rommel. “Pati ba naman ikaw pinagbibintangan mo na ako.
Ganoon ba ang tingin nyo sa akin?”
“Hindi naman sa ganoon Rommel, kaya lang ngayon pa lang nangyari
ito sa bahay,” ang paliwanag ko naman sa kanya.
Hindi na nakipagtalo si Rommel sa amin at pabalagbag niyang
nilisan ang aming bahay. Tumawag naman ako ng pulis upang maimbestigahan ang
pangyayari. Habang naghihintay kami sa mga pulis ay dinig na dinig ko na
pinagagalitan niya ang kanyang mga trabahador at pilit pinaaamin kung may
nakita silang pumasok sa aming bahay kagabi. Magkahalong kaba at awa ang aking
nararamdaman ng mga sandaling iyon. Mukhang nagkamali kami sa pagbintang kay
Rommel. Sa tono kasi ng mga salita ni Rommel sa kanyang tauhan ay parang gusto
na niyang patayin kung sino man ang gumawa noon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang mga pulis. Sa
kanilang pag-iimbestiga ay napag-alaman namin na sa pintuan ng balconahe ng
silid nina Mama at Papa dumaan ang magnanakaw. Kinuhanan din nila ng finger
prints ang tokador at ang ilang kasangkapan sa silid na maaaring nahawakan ng
magnanakaw. Matapos ang ilang oras na imbestigasyon ng pulis ay umalis na din
sila. Gulong gulo ang aking isipan sa mga oras na iyon. Nais ko sanang kausapin
muli si Rommel subalit ng puntahan ko siya sa ginagawang bahay ay umalis lang
daw siya sandali. Nang tawagan ko siya sa cellphone ay ‘di naman niya ito
sinasagot. Lalo akong ‘di napalagay hanggang kinagabihan.
Talagang inabangan ko ang pagdating ni Rommel at naghintay ako
sa aming hardin. Hating gabi na ng dumating si Rommel. Agad kong tinawag ang
kanyang pangalan pero binalewala lamang niya iyon at tinungo ang ginagawang
bahay. Subalit hinabol ko siya at pilit kinausap. Alam ko na mukhang naparami
ang nainom na alak ni Rommel pero gusto ko pa ring magpaliwanag sa kanya.
“Pwede ba, wag mo na akong kakausapin. Tapos na sa atin ang
lahat,” ang panunumbat sa akin ni Rommel.
“Please Rommel, mag-usap naman tayo,” ang pagmamakaawa ko sa
kanya.
Sa mga oras na iyon ay alam ko na mas malakas ako kay Rommel
dala ng kanyang kalasingan kaya pilit ko siyang inilayo sa harap ng ginagawang
bahay upang walang makarinig kung ano man ang pag-usapan namin.
“Rommel naman. Dito tayo mag-usap ng hindi mabulabog ang mga
natutulog diyan,” ang hiniling ko kay Rommel.
Hindi naman nagpumiglas si Rommel at nailayo ko siya doon. Naupo
kami sa sidewalk at doon nagsimulang maglabas ng sama ng loob si Rommel.
“Akala ko nakakita na ako ng isang kaibigan na magmamahal sa
akin kahit sino pa man ako,” ang hinaing ni Rommel.
“Huwag ka naman ganyan, Rommel,” ang sabi ko naman.
“Pagpasensyahan mo na lang kami sa bahay kung ganoon agad ang
tinakbo ng isip namin,” ang dugtong ko pa.
“Sex lang naman yata ang habol mo sa akin. Heto na, heto lang ba
ang gusto mo sa akin?” ang muling panunumbat ni Rommel sabay bukas sa zipper ng
kanyang pantalon at pilit inilalabas ang kanyang alaga.
“Hindi Rommel, mahal na mahal kita. Marami na rin akong naging
girl friends. Pero ikaw pa lang ang nagpakita ng ibang klaseng pagmamahal sa
akin,” ang paliwanag ko kay Rommel.
“Bakit mo ba ako minahal, Rommel?” ang dugtong na tanong ko kay
Rommel.
Lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rommel sa aking
tanong. Huminga siya ng malalim at nagsimulang magsalaysay muli ng kanyang
nakaraan.
Kilalang chick-boy si Rommel noon sa kolehiyong kanyang
pinapasukan. Bukod sa gwapo na ay matalino pa dahil scholar siya doon. Varsity
player din siya ng basketball. Kaya naman isang campus figure talaga siya.
Subalit ng nasa 5th year na siya ay tinamaan talaga siya ni cupido at
na-in-love sa isang schoolmate niya. ‘Di rin nagtagal ang panliligaw niya dito
at sinagot din siya. Anak pala ito ng isang mayamang politiko sa kanilang
probinsya. Naging mapusok ang dalawa na humantong sa pagdadalang-tao ng girl friend
niya. Nang malaman ito ng mga mgulang ng babae ay ipinaglayo sila.
Maimpluwensya ang ama ng babae at napaalis ng eskwelahan si Rommel. Graduating
na siya noon kaya pinilit niyang lumipat ng school at tapusin ang kanyang
kurso. ‘Di kaya ng kanyang mga magulang ng tustusan ang lahat ng kanyang
pangangailangan kaya naghanap siya ng mapagkakakitaan.
Nakakilala siya noon ng isang mayamang bading na nag-alok sa
kanya na magpapaaral sa kanya. Kumapit siya sa patalim upang makatapos na siya.
Tutal isang semester na lamang. Nagpasasa sa katawan ni Rommel ang bading na
iyon. Walang araw yata na hindi siya ginamit ng bading na iyon. Diring diri si
Rommel sa ginagawa sa kanya ng bading na iyon. Okey na sana kay Rommel iyon
subalit makalipas ang dalawang buwan ng pagsasama niya ay nag-iimbita na ang
bading na iyon ng iba pang kaibigan nito sa bahay na tinutuluyan nila. Ang
masama pa ay pilit na pinapagamit si Rommel sa mga kaibigan nito. Nakisama lang
si Rommel sa nais ng bading na iyon dahil alam naman niya na kaunting pagtitiis
lang at makakapagtapos na siya.
Nang makapagtapos na si Rommel ay agad niyang hiniwalayan ang
kinakasamang bading. Sumugod agad siya sa Maynila upang magtrabaho at upang
makalimutan ang pinagdaanan niya. Maabilidad naman si Rommel kaya agad itong
natanggap sa trabaho. Naging matipid si Rommel kaya naman nakatulong na siya sa
pagpapaaral ng mga kapatid. Simula ng magtrabaho si Rommel sa Maynila at tila
ayaw na niyang umuwi sa kanilang probinsya. Tila ayaw na niyang balikan ang
kanyang nakaraan. Subalit dahil mahal na mahal niya yung babaeng nabuntis niya
at di rin siya nakatiis at ipinagtanong ang kalagayan nito at ng bata. Lalong
sumama ang loob ni Rommel ng malaman na nasa US na pala ang babae at nagpakasal
na rin sa ibang lalake. At ang pinakamasaklap pa ay ipinalaglag daw ng babae
yung kanilang anak.
Ipinagtapat din niya sa akin na ang bunso nilang kapatid ay
hindi namatay kundi nagpakamatay ito. Buhat kasi ng malaman nila na isa din
itong bading ay naging malupit siya dito pati na rin ang kanyang ama. Sa tuwing
uuwi ng bahay si Rommel ay lagi niya itong nabubugbog. Ganoon din naman ang
ginagawa ng kanyang tatay. Pilit nilang pinapagbago ang kanyang bunsong
kapatid. Minsan nga ay muntik na niya itong mapatay ng silipan siya nito habang
naliligo. Tanging sawali lamang kasi ang tabing ng kanilang palikuran at sa
tuwing maliligo si Rommel ay hubo’t hubad siya. Madikit ka lang sa tabing nito
ay tiyak na masisilipan mo ang naliligo dito. Pero ang higit na marahas na
ginawa ni Rommel ay ang hindi nito pagpayag na mag-aral sa kolehyo ang kanyang
bunsong kapatid habang hindi ito nagbabago.
Simula noon ay naging depress ang kanyang bunsong kapatid. Kahit
isinusubsob ang sarili sa gawaing bahay ay bakas na bakas pa rin ang lungkot sa
kanyang mukha at pangangatawan. Hanggang sa isang araw na madatnan na lamang ng
kanyang magulang ang kanyang bunsong kapatid na isa ng malamig na bangkay hawak
sa kaliwang kamay ang isang liham at sa kanan naman ay isang basyong bote ng
insecticide. Ikinagulat ng buong mag-anak ang ginawa ng pinakabatang miyembro
ng pamilya.
Halos hindi mapigilan ni Rommel ang pag-tulo ng kanyang luha sa
paglalahad niya ng kanyang nakaraan.
“Alam mo kung bakit kita minahal, ayaw kong matulad ka sa bunso
kong kapatid,” ang naging sagot sa akin ni Rommel sa aking katanungan kung
bakit niya ako minamahal.
“Nakita ko sa iyo ang aking bunsong kapatid noong una pa man
kitang makita. Alam ko na tulad mo rin siya na naghahanap ng magmamahal sa
kanya kahit ano pa man siya,” ang dugtong pa ni Rommel.
Wala akong naisagot kay Rommel sa halip ay tumulo na rin ang mga
luha sa aking mga mata. Nang magpaalam siya sa akin ay hindi ko na rin siya
napigilan. Tumayo siya at humakbang papalayo sa akin habang pinagmamasdan ng
luhaan kong mga mata ang kanyang paglayo sa aking kinauupuan.
Ilang araw din kaming hindi nagkita at nag-usap ni Rommel.
Nakapag-usap lamang kaming muli ng bumalik sa amin ang mga pulis at hulihin ang
isang trabahador ni Rommel. Umamin din naman ang trabahaor na ito na siya ang
nagnakaw ng mga alahas. May criminal record na rin pala ito sa pulisya kaya
madali nilang nalaman kung sino ang may kagagawan. Lingid sa kaalaman ko na si
Rommel mismo ang nakipagtulungan sa pulisya upang mapabilis ang paglutas ng
kaso.
Humingi ako ng tawad kay Rommel at agad naman niya itong
tinanggap. Pati si Manang ay humingi din ng tawad sa kanya. Naghanda pa si
Manang noon ng masasarap na pagkain ng muling bumalik sa aming bahay si Rommel.
Tila isang fiesta ang handaan at imbitado pa ang lahat ng trabahador ni Rommel.
Naging masaya kaming muli ni Rommel subalit ng makalipas ng limang buwan at
natapos na ang bahay na ginagawa ni Rommel ay nagpaalam na siya na hindi na
muna siya doon matutulog gabi-gabi pero pipilitin pa rin niyang madalaw ako
kahit tuwing weekends. Medyo malayo kasi sa aming subdivision ang bagong
project ni Rommel.
Lubos na sana ang kaligayan namin ni Rommel subalit isang araw
ay nabigla kami sa pagdating ng aking mga magulang mula US. Nabalitaan daw nila
sa isang kamag-anak namin na minsang bumisita sa bahay na meron daw akong
lalaking pinatitira doon. Buti na lamang at wala sa bahay si Rommel. Subalit
naging mabigat ang mga ebidensya ng makita nila ang ilang damit ni Rommel sa
mismong kabinet ko. Wala akong magawa kundi ang aminin ko sa kanila ang tungkol
sa amin ni Rommel. Isang suntok sa mukha ang ibinigay sa akin ni Papa at
napahagulgol naman sa iyak si Mama. Napansin ko rin na pati si Manang ay
napaiyak. Nang umasta muli si Papa upang suntukin ako ay bigla akong niyakap ni
Manang.
“Sir, Mam, tama na po, pakiusap po, tama na po,” ang pakiusap ni
Manang habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.
“Matagal ko na pong napansin ang ibang pagtitinginan ng dalawa.
Ako nga po sana ang magsasabi sa inyo ng tungkol sa kanila. Subalit nakita ko
po na maligaya ang inyong anak sa piling ng lalaking iyon. At napatunayan ko
rin na malinis din ang hangarin ng lalaking iyon sa inyong anak. Kaya po, Mam,
Sir, pagalitan nyo rin po ako,” ang paliwanag ni Manang.
Nanahimik ang lahat sa mga salitang binitawan ni Manang. Ako
naman ay pumasok sa aking silid upang makaiwas sa kung ano pang diskusyon. Hindi
ako lumabas ng aking silid hanggang sa katukin ang pinto ni Manang.
“Umalis muna ang mga magulang mo. Sa hotel daw muna sila
matutulog ngayong gabi,” ipinaalam sa akin ni Manang.
“Halika na iho, kain ka na,” ang paanyaya ni Manang sa akin.
“Wala akong ganang kumain Manang,” ang tugon ko naman sa kanya.
“Basta pagnagutom ka tawagin mo lang ako ha at iinitin ko ang
pagkain mo,” ang nasabi ni Manang bago niya ako iniwan.
Walang kaalam-alam si Rommel sa nangyari subalit pinilit pa rin
niyang makauwi sa bahay upang makilala niya ang aking mga magulang. Halos
hating gabi na ng dumating siya. Habang kumakain kami ay naikwento ko ang mga
pangyayari kay Rommel. Si Manang naman na gising pa rin sa mga oras na iyon ay
nakisalo sa aming usapan. Laking gulat ni Rommel ng malaman niyang alam na pala
ni Manang ang tungkol sa amin simula ng lumipat si Rommel sa bahay namin. Bago
kami natulog ay nagdesisyon si Rommel na bukas na bukas din ay pupuntahan namin
ang aking mga magulang.
Matapos ang aming umagahan ay nagtungo kami sa hotel na
tinutuluyan nina Mama at Papa. Parang pinaghahandaan na pala nila ang aming
pagdating. Pero wala pa rin kaming imikan ng makapasok kami sa silid nina Mama at
Papa. Tila walang gustong magsalita sa aming apat.
Subalit naglakas loob si Rommel na magsalita na. “Mawalang
galang na po, ako po si Rommel, yung kaibigan na anak n’yo. Alam ko po na
magtataka kayo kung bakit po pumasok ang anak ninyo sa ganoong relasyon.
Napagdaanan ko rin po ang nararamdaman ninyo ngayon ng malaman ko ang tungkol
sa aking bunsong kapatid. Lahat naman po ay may karapatang mahalin ang taong
nais niyang makapiling sa kanyang buhay. Karapatang hanapin ang kanyang tunay
na ligaya. Laking pasasalamat ko po na sa akin po natagpuan ng anak ninyo ang
ligayang iyon. At ganoon din naman po ako, siya ang nagbibigay sa aking ng
isang tunay na ligaya at pagmamahal na ‘di ko nadarama sa buhay ko. Subalit
kung masisira ko ang inyong pamilya ay ako na po ang magpaparaya.”
Halos mapaluha kaming apat sa loob ng silid. Wala pa ring
reaction sina Mama at Papa ng ilang minuto. Kaya naman nagpaalam na si Rommel
sa aming tatlo.
“Iho, Rommel nga ba ang pangalan mo?” ang tanong ni Papa kay
Rommel at tumango naman ito.
“Huwag ka munang umalis. Sana naiintindihan mo kami. Hangad lang
namim ang magandang buhay para sa anak namin. Sa totoo lang hindi kami
nakatulog kagabi sa pag-iisip. Pero ngayong umaga ay napag-isip-isip namin na
ang anak lamang namin ang siyang makakapagsabi kung ano ang gusto niyang gawin
sa buhay at kung saan siya magiging masaya. Subalit naririto pa rin kami upang
suportahan siya sa lahat ng kanyang magiging desisyon,” ang salaysay ng aking
Papa.
“Iho, huwag mo sanang sasaktan ang aming anak,” ang dugtong
naman ng aking Mama.
Sa aming narinig ni Rommel ay labis kaming natuwa.
“Mama, Papa, maraming salamat sa inyong pag-uunawa,” ang bigla
ko naman nasabi sa kanila. Sabay yakap ko sa kanilang dalawa.
“Oh, iho, makiyakap ka na rin dito,” ang paanyaya ni Papa kay
Rommel.
Lumuwag ang aming kalooban sa mga oras na iyon. Sumama na din sa
amin sa bahay sina Mama at Papa. Kinagabihan ng araw na iyon ay nagpahanda agad
si Mama ng kaunting mapagsasaluhan namin. Lingid sa aking kaalaman ay kinutsaba
nina Mama si Rommel upang sunduin ang kanyang mga magulang sa probinsya. Ilang
oras lang naman ang byahe mula Maynila kaya bago pa man kami maghapunan ay
dumating na rin sila.
Nagulat ako sa pagdating ng mga magulang ni Rommel. Noon din
inamin ni Rommel na alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa.
Nagtapat kasi siya noon pa mang nagsimula na siyang hindi umuwi ng weekends sa
kanila. Naintindihan naman nila ang kanilang anak at wala naman silang pagtutol
sa aming relasyon ni Rommel. Nagkakilanlan ang aming magulang at naging masaya
ang pagsasalusalo namin ng gabing iyon. Tila ba ikinasal kami ni Rommel sa
harap ng aming mga magulang. Kinabukasan ay nagpaalam na rin ang mga magulang
ni Rommel dahil ‘di nila maiwanan ang koning kabuhayang naiwan sa probinsya. Si
Mama at Papa naman ay nagyayang magpunta kami sa Boracay bago sila lumipad
pabalik ng US.
Isang lingo ang nakalipas ng bumalik sa US sina Mama at Papa.
Kami naman ni Rommel ay nagpatuloy sa aming masayang relasyon. Syempre hindi
naman puro tawanan at kasiyahan ang aming pagsasama. Nagkaroon pa rin kami ng
hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan. Subalit ano mang gusot na dumating sa
aming samahan ay amin itong pinag-uusapan at nagpapatawaran. Sa ngayon ganap na
akong doctor at inaayos lamang namin ang ma papeles ni Rommel at pupunta na rin
kami sa US upang harapin ang panibagong bukas sa aming buhay.
- WAKAS -
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento