Caregiver (Part 6)
Sherwin
Napaka-gago talaga ng Eman na iyon. Naisahan ako. Pero kung alam
lang niya kung gaano ko kagusto ang halikan siya. Matagal ko na siyang minahal.
Minsan nga ay hindi ko na maitago ang selos.
Ano ba itong ginawa mo sa akin Eman. Bakit hindi ako mapakali sa
sandaling halik lang na hindi pa sinasadya. Sira ka kasi. Ano ngayon ang
gagawin ko. Lalo mo lang pinasidhi ang pagkakagusto ko sa iyo.
Ayokong makipaglaro sa iyo dahil sa alam kong matatalo ako.
Babae ang gusto mo alam ko. Babae rin naman ang gusto ko, hindi rin naman ako
bakla, at least yun ang alam ko, pero bakit ako nagkaganito pagdating sa iyo.
Hindi ko na kaya pa ito, pupuntahan ko siya sa kanyang silid,
bahala na si batman kung ano man ang mangyari.
-----o0o-----
Eman
“Hmmmmm uhmmmmmmm! Huh! Se..se..sherwin! Anong ginagawa mo?” ang
aking nasambit nang makita kong nakadagan sa akin si Sherwin at hinahalikan ang
dibdib ko. Kaya pala parang may kung anong nakakakiliti sa akin.
“Hindi ko na kayang pigilin pa Eman. Matagal ko nang gustong
gawin ito sa iyo, kaya lang ay nag-aalala akong baka hindi mo magustuhan at
masira ang pagkakaibigan natin. Mahal kita. Natutuhan na kitang mahalin habang
inaalagaan mo ako. Huwag mong isipin na bakla ako dahil sa ginawa kong ito.
Ikaw lang ang kaisa-isahang lalaki na minahal at ginawan ng ganito. Patawarin
mo ako pero wala nang makakapigil pa sa akin,” wika ni Sherwin.
“Pero sherwin, mali ito. Pareho tayong lalaki,” sabi ko.
“Mali na kung mali. Sabihin mo nga sa akin, mali bang magmahal?
Maaring hindi normal, pero kailangan bang babae lang ang aking mahalin?”
Wala akong maisagot dahil may punto naman siya roon. At ako man
ay may itinatago ring kakaibang damdamin sa kanya. Mahal ko rin siya. Wala lang
akong lakas ng loob na ipagtapat sa kanya dahil sa alam kong sa simula pa
lamang ay hindi na dapat.
Bigla na lang niya akong hinalikan sa aking labi. Hindi ako
nakakilos, hindi nakaiwas at hindi rin nakatanggi. Nanlaki lang ang aking mga
mata sa ginawa niya, pero wala akong ginawa para pigilan siya. Hinayaan ko lang
siya.
Matagal niya akong hinalikan. Nakaramdam ako ng unti-unting
pag-iinit ng pakiramdam. Hindi ko halos namalayan na tinutugon ko na ang
kanyang mga halik. Napahawak pa ako sa batok niya para mas mariin ang aming
paghahalikan at ang isa kong kamay ay humahagod na sa kanyang likuran. Bumitiw
lang kami para sumanghap ng hangit at muli ay naglapat ang aming mga labi.
Subalit pangsamantala lang ang aking pagkalimot dahil sa
natauhan agad ako. Naitulak ko siya dahilan para maalis ang pagkakadagan sa
akin at tuluyang maghiwalay ang aming bibig.
“Sherwin… tama na! Mali ito. Pareho tayong lalaki. Ano na lang
ang iisipin ng iyong mama kapag nalaman ito. Saka pareho tayong may nobya.
Hindi ba pagtataksil din ang gagawin natin kapag itunuloy natin ang nais mong
mangyari..
“Makikipag-hiwalay ako at ganon din ang gagawin mo. Alam kong
mahal mo rin ako, nararamdaman ko yon. Tumingin ka sa akin. Sabihin mo sa akin
ang nararamdaman mo, ang totoo mong nararamdaman sa akin.” – si Sherwin.
“Tama ka… mahal din kita, pero hindi sapat na mahal natin ang
isa’t-isa para gawin ang bawal.”
“Eman, maawa ka sa akin, kung kaya mong sikilin ang damdamin mo,
ako ay hindi. Nahihirapan ako. Alam mo bang sobrang sakit ang naramdaman ko ng
makita ko kayong magka-holding hands ng Mylene na iyon, lalo na ng ipakilala mo
pa na Girl friend mo siya. Gusto kong saktan ang babaeng iyon.
“At papano sila, si Bea, si Mylene kapag nagka-relasyon tayo.
Ano ngayon ang magiging papel nila sa atin. Maipapakita mo ba sa mga tao na
nagmamahalan tayo? Maamin mo ba sa mama mo na tayo na?”
Napaisip si Sherwin. Tila nasukol sa aking sinabi. Walang
maitugon.
“Ganito na lang, ililihim natin ang ating relasyon. Ipagpatuloy
natin ang pakikipag-relasyon sa ating mga nobya, pero kapag tayo lang, kapag
walang mapang-husgang mata ang makakakita ay tayo naman. Fair na siguro iyon.
Please Eman, mahal na mahal na kita, hindi ko na kayang mawala ka sa akin,
ikamamatay ko na kung sakali..”
Naawa na ako kay Sherwin, nabigo na siya minsan at hindi ko alam
kung anong kaya niyang gawin sakaling magmatigas ako. Nayakap ko na lang siya.
Napaiyak na rin ako dahil maging ako naman ay nahihirapan din. Dahil sa totoong
mahal ko na rin siya ay nahalikan ko siya sa kanyang labi. Mabilis ang reaksyon
niya at kaagad na tinugon ang aking halik.
Dahil sa halik na iyon ay nawala na ako sa aking sarili.
Napakasarap kasi niyang humalik, nanunuot sa buo kong kalamnan. Ang lambot na
kanyang labi at ang bango pa ng kanyang hininga. Pareho na kaming nakalimot at
nangyari ang hindi dapat na mangyari.
Nagulat ako sa pagtunog ng aking CP. Tumunog na ang alam
clock. “Huh! Lintik!! Akala ko ay totoo na. Panaginip lang
pala. Akala ko talaga ay totoo,” bulong ko sa aking sarili
Bumangon na ako, Hinatak ko ang aking twalya na naka-hanger at
nagtuloy na ng banyo. Ugali ko nang maligo muna bago mag-almusal. Nag hubad na
ako. Nang hubarin ko ang aking brief ay nagulat ako dahil basa ang pundilyo.
Naihi pa ba ako? Inamoy ko. Tangina! Amoy tamod. Nilabasan yata talaga ako sa
aking panaginip. Langhiya Sherwin, kahit sa panaginip ay kaya mo akong irating
sa orgasmo.
Iniisip ko ang napanaginipan ko kagabi na parang totoong-totoo,
tuloy ay nagawa ko pa uling magbati sa aking paliligo.
Bago mag-alas syete ay nakasakay na ako ng jeep. Duamting ako ng
opisina nang 7:30 AM.
Sherwin
Nagising ako na yakap ko ang aking unan. Ang sarap na aking
panaginip. Ayaw ko pang bumangon, tinatamad ako. Gusto kong alalahanin ng buo
ang aking panaginip. Magkayakap daw kami ni Eman at magkalapat ang aming mga
labi. Ang sarap sa aking pakiramdam sa mga halik na iyon. Para akong
ipinaghehele sa bawat dampi ng palad sa aking likoran at sa paghaplos sa aking
buhok. Nakalimot kami pareho at may nangyari sa amin.
Nanghihinayang ako at kaagad akong nagising. Kill joy talaga. Oh
Eman, hanggang sa aking pagtulog ay kung bakit ikaw pa rin ang laman sa aking
panaginip.
Bumangon na ako. Pagbaba ko ng hagdanan ay siya namang pagsulpot
ni Eman, bihis na at papasok na sa trabaho. Nagkatitigan kami. Ang gwapo talaga
niya, fresh na fresh at ang bango. Napatingin ako sa gitnang parte ng kanyang
katawan, Shet ano itong nasa isipan ko. Bakit yung panaginip ko kaagad ang
pumasok sa aking isipan. Natikman ko na kasi sa aking panaginip ang bukol niya
sa harapan.
“Good morning Sherwin. Ang ganda yata ng gising mo ah. Siguro ay
napanaginipan mo si Bea ano hehehe. Paalis na ako. Mauna na ako ha!” paalam
niya sa akin.
“Hindi ako nakasagot. Hindi na naman niya hinintay pa ang aking
reply dahil diretso na siya sa pintuan. Nakalabas na siya at muli nang sumara
ang pintuan ay nakatayo pa rin ako sa paanan ng hagdanan. Nasapo ko ang aking
harapan, tumigas kasi ang junjun ko haaayyyyy. Baliw na yata ako.
Pagpasok ko nang banyo ay kaagad akong tumapat sa shower. Hindi
ako gumamit ng heater dahil sa gusto kong mapawi ang nararamdaman kong
pag-iinit ng aking katawan. Pero kahit yata lagyan pa ng yelo ang tubig kong
pinapaligo ay hindi kayang palamigin ang init ng aking katawan.
Naalala ko ang ginawa namin ni Eman sa aking panaginip. Sobrang
intense kasi ng aming halikan. Parang totoo na kanyang hinalikan ang buo kong
katawan. Malinaw na malinaw sa aking alaala ang buong pangyayari. Nagumpisa sa
aming mainit na halikan, lips to lips, tounge to tounge hanggang sa paliguan na
niya ng halik ang buo kong katawan.
Sarap na sarap ako lalo na ng kanyang kagat-kagatin ang aking
utong tapos ay sinipsip saka hinatak ng labi ang dulo. Iba ang sensasyon kong
naramdaman, bago ko lang naexperience na may humalik, humimod at sumipsip sa
aking dibdib at utong. Libog na libog ako.
Lalabasan na sana ako ng may pumatak sa aking pisngi, nasampal
ko pa ang pisngi ko dahil sa may gumapang na malamig. Nang magmulat ako ng mata
ay butiki pala na nahulog buhat sa kisame. Laking galit ko sa butiking iyon.
Bakit may butiki sa aking silid.
Dahil sa ala-alang iyon ay nagawa ko tuloy ang magsariling
sikap. “Ahhhhhhhh shet Eman, ang sarapppppppp moooooohhh,” ang aking nasambit
ng ako ay labasan. Binilisan ko na ang paliligo nang makaraos ako.
-----o0o-----
Naglalakad ako patungo sa aking opisina ng matanaw ko si Eman at
si Ana na halos magkadikit na ang mukha. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila
sa ganito kaagang sandali. Nasira tuloy ang maganda kong mood. Hndi ko alam sa
sarili na naisalpak ko pala ang pinruan ng aking silid.
“Emma… pakitawag mo nga si Ana at kakausapin ko sandali.” Utos
ko sa aking sekretarya sa intercom.
“Tawag raw po ninyo ako.” Bungad ni Ana pag-pasok sa aking
opisina.
“Yes. Ano na ba ang status sa ating inventory system. Marami pa
rin bang descripancy sa actual at sa computer records? Matagal pa ba yan bago
ma-perfect or at lease minimal na lang ang mga may diprensya.?”
Ewan ko kung bakit napag-initan ko si Ana. Alam kong ginagawa
naman niya ang lahat at may mga suggestions naman na siyang naibigay sa akin
pati ng ng internal audit. Hindi naman siya nag-follow up kung ano ang aking
desisyon. Hindi naman talaga ako dapat na magalit, kasi naman nabungaran kong
magkausap sila ni Emman at sa malayo ay animo naghahalikan na. Nagseselos talga
ako.”
“Sige na Ana, makakalabas ka na. Papasukin mo si Emma.”
“Mamaya ay magpapatawag ka ng meeting. Kailangan ko ng
representative ng accounting, audit at warehouse. Ang agenda ay tungkol sa
inventory. 10AM sa conference room. Gawan mo kaagad ng memo at ipa-receive sa
kinauukulan,” utos ko sa aking sekretarya. “Sinadya kong 10AM para naroon pa si
Eman.
-----o0o-----
Present sa aming meeting ang warehouse supervisor kasama ang
staff niyang si Eman, ang accountant kasama niya si Ana at representative ng
internal audit. Sa aming meeting ay tinanong ko ang status nang aming project
sa inventory. Gusto ko sanang ma perfect ang aming inventory control, yung ang
record na galing sa computer ng accounting department at ang record ng
warehouse at actual inventory stock ay balanse at walang discrepancy. Tinanong
ko ang warehouse at accounting. May mga problema silang sinasabi na ewan ko
kung bakit ngayon lang nasabi sa akin gayong ilang beses na kaming nagmeeting
tungkol doon.
Nasigawan ko pa si Eman dahil sa kanilang record natuturo ang
sisi, ngayon. Alam kong nagulat siya dahil harap-harapan ang paninisi ko sa
kanya. Lahat tuloy ng present sa meeting ay napatingin sa kanya. Pinamulahan
siya ng mukha, hindi siguro akalain na magagawa ko siyang pagalitan, sigawan sa
harap ng kasamahan.
“Sorry po Sir. Ginagawa po naman namin ang lahat ng aming
makakaya, kaya nga palagi kaming nakikipag-coordinate sa accounting. Hindi
naman po siguro lahat ng sisi ay sa amin ibaling, pero tinatanggap ko po.
Trabaho din kasi namin iyon. Pasensya na po,” mangiyak-ngiyak na depensa ni
Eman. Ewan ko kung anong naramdaman ko ng oras na iyon, pero alam kong tama
naman ako, boss ako kaya may karapatan akong pagalitn sila.
Natapos namin ang meeting bago mag-tanghalian. Marami na namang
pangako, maraming gagawin pagbabago.
-----o0o-----
Alas dos ng tanghali, lumabas ako para mag-CR. Nakita ko si Eman
na kausap ang accountant at si Ana. “Bakit narito pa si Eman? Hindi ba siya
pumasok sa eskwelahan? Dinamdam ba niya ang aking ginawa?” tanong ko sa aking
isipan. Nakita ko pang pumasok sila sa conference room.
Pagbalik ko ay tinanong ko ang aking sekretarya kung anong
ginagwwa nila sa Conference room.
“Eh Sir, may paguusapan daw kasi sila tungkol sa napagmeetingan
kanina,” sagot ni Emma.
“Sino daw ang nagpa-meeting?”
“Si Eman po raw kasama si Merto, ang supervisor niya. Nadinig ko
nga na may exam daw ngayon si Eman pero hindi na pumasok. Bahala na raw. Babawi
na lang daw sa susuonod.”
Tumalikod na ako. Nakaramdam ako ng guilt. Kasalanan ko ang
hindi niya pagpasok.
-----o0o-----
Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan kong nag-uusap si Mama at si
Eman.
“Nandiyan ka na pala Sherwin. Halika sandali at may sinasabi si
Eman,” wika ni Mama
“Ano po iyon?” wika ko na nag-kiss muna sa pisngi ni Mama saka
ako naupo sa tabi niya.
“Nagpapaalam itong si Eman na mag-drop muna sa eskwelahan.
Nahihirapan daw siyang pagsabayin ang pagpasok sa school at sa trabaho. Hindi
ba sabi ko sa iyo ay huwag mo namang bigyan ng mahirap na trabaho para may time
namn sa pag-aaral.” Wika ni Mama.
“Naku Mam, hindi po ako nahihirapan sa trabaho, madali nga lang
po, kaya lang ay medyo may konting problem sa aking trabaho. Hindi po ako
nagrereklamo sa aking trabaho, sadya lang talagang hindi ako sanay na mag-aral
at magtrabaho ng sabay,” dahilan ko.
“Mag-full time na siyang mag-aral muna saka na siya magtrabaho
Ma. Kukuha na lang muna ako ng mag-substitute sa kanya sa agency.”
“Naku, hindi po pwede Sir Sherwin. Wala po akong ipapadalang
pang-gastos kay Nanay,” pag-tutol ko.
“Pasusuwelduhin ka pa rin naman namin eh,” sagot ko.
“Naku! Lalo naman akong hindi makakapayag ng ganun, sobra sobra
na nga ang pabor kong nakukuha sa inyo.”
“At ano naman ang mangyayari sa iyo, tatalikuran mo ang pangarap
mo at nang magulang mo? Dahil ba sa nasigawan kita kanina? Wala ba akong
karapatan na magalit sa aking empleyado. Tinatanong ko lang naman kayo sa
status ng proyekto natin kung bakit natagalan ang ine-expect kong result.”
Pasigaw ko nang wika. Galit ako dahil guilty ako at hindi ko iyon kayang aminin
sa harap ng aking mama.
“Sherwin! Kalma ka lang. Nagpapaalam lang naman. Sa palagay mo
ba ay papayagan ko siya. Bakit hindi mo alamin, baka kulang sila sa tao at
kelangang ng karagdagang tauhan. O di kaya sa sa aking opisina na lang siya.”
“Ma naman, Kakausapin ko ang kanyang supervisor kung kailangan
pa ng karagdagang tao.”
Sa pagkain ay wala kaming imikan. Matapos maghapunan ay kaagad
siyang pumasok sa kanyang quarter.
Hindi ako mapalagay, gusto ko siyang kausapin at humingi ng
paumanhin. Napahiya siguro kaya ganon ang naisip na gawin. Pinuntahan ko siya
sa kanyang tulugan. Nakaawang ang pinto at nadinig kong may kausap sa kanyang
phone.
Base sa nadinig kong sinasabi niya ay si Mylene ang kausap at
tungkol naman sa kanilang pag-aaral iyon.
“I love you! Bye.” Ang huli kong nadinig na sinabi niya.
Nag-init ang punong tenga ko sa narinig. Nainis na naman ako kaya about face
uli ako dahil sa inis. Baka kung ano na naman ang masabi ko kaya hindi ko na
siya kinausap.
-----o0o-----
Eman
Nagulat ako nang sisihin ako ng harap-harapan doon mismo sa
aming meeting kanina. Hindi naman masama ang loob ko dahil tungkol naman sa
trabaho ko ang ikinagalit niya, pero sana naman ay tinanong ako sa aking side
kung anong rason ko. Napahiya kasi ako. Pero bale wala lang naman sa akin yun.
Ngayon pa ba ako magba-balat sibuyas?
Hindi na ako pumasok sa aking klase at inasikaso ko na lang ang
aking trabaho. Naisip ko na mag-full time na lang muna sa aking trabaho saka ko
na lang ipag-patuloy ang aking pag-aaral. Mas kailangan ko kasi ng trabaho
kaysa sa pag-aaral. Mag-iipon na lang ako para sa susunod ay maipag-patuloy ko
na ang aking pag-aaral.
Pag-uwi ko sa bahay at nagpasalamat ako at naroon na si Mam
Susan. Sinabi ko ang aking pakay. Siya namang pagdating ni Sherwin at
isinangguni rin ni Mam ang aking pakay sa kanyang anak, Laking galit ni Sherwin
ng mabatid ang sinabi ko kay Mam. Napasigaw na siya, mabuti na lang at naroon
si Mam at napakalma ito.
Hindi ko na ipinagpilitan ang aking gusto dahil lalo lang
magkaakroon ng hindi pagkakaunawaan.
Nagpahinga na ako matapos kaming maghapunan. Maging sa hapag ay
wala kaming imikan. Tinawagan ko na lang si Mylene at nagtanong kung anong
ginawa at kumg may assignment. Wala daw naman at nagpasalamat naman ako at
hindi rin natuloy ang pagbibigay ng quiz. Hindi ko na kinuwento ang nangyari sa
aking trabaho kaya hindi ako nakapasok.
-----o0o-----
Ewan ko kung kasama pa rin sa aking duties ang magbigay ng
suggestions kung anong mabuting gawin. Ako na ang pinagawa ng aking supervisor
na magbigay ng suggestions at recommendations.
Pina-review ko kay sir Merto, ang aking supervisor, ang aking
ginawa at mamaya raw ay makikipag-usap siya sa accounting at audit para
idiscuss iyon.
Hindi ako maka-focus sa aking trabaho. Gusto ko pa ring kausapin
si Sherwin para payagan akong mag drop na lang sa school. Tinawagan ko ang
sekretarya niya at tinanong kung naroon si Sir. Kausap daw si Sir Merto at mga
taga accounting at audit.
“Mamaya, sabay kang mag-lunch at ikukuwento ko ang nadinig kong
pinag usapan nila,” wika ng sekretarya.
Lunch break na ay hindi pa nabalik ang king supervisor. Mag-isa
akong kumain ng lunch dahil hindi pwedeng walang maiwan sa bodega. Wala tuloy
akong nakuhang tsismis mula kay Emma.
-----o0o-----
Hindi pa rin nabalik ang ang aming supervisor gayong tapos na
ang lunch break. Hindi uli ako pumasok sa school. Gusto kong malaman ang
napag-usapan nila at makausap din si Sherwin.
Nagpaalam ako sa aking kasama na pupunta sa accounting. Nag-CR
muna ako bago ako nagpunta dahil mas maganda ang CR doon dahil sa bago itong
repair. Pagpasok ko ay naroon si Sir Merto, ang aming supervisor at si Sherwin.
“Anong ginagawa mo dito Eman. Wala ka bang pasok sa school
ninyo?” tanong ni Sherwin.
“Gusto kasi kitang kausapin,” tugon ko.
“Kung ang sasabihin mo lang sa akin ay ang pag-tigil mo sa
eskwelahan ay mag-resign ka na rin!” Malakas niyang wika saka ako tinalikuran.
Napatanga na lang si Sir Merto sa pangyayri.
“Bakit? Anong sabing titigil sa sa eskwela?” tanong sa akin ni Sir
Merto. Hindi kami sanay na may Sir kay Sir Merto. Ayaw niya. Gusto niya ay
Merto lang
Hindi ako makasagot, nakatungo lang ako. Tumulo ang aking luha.
Itutuloy…………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento